Tuesday, April 3, 2012

Different Similarities 1[19]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Humihikab pang naglakad papuntang kusina si Eric, nadaanan niya si Ted at Ardi na nanonood ng T.V., parehong nakapaling sa kaliwa ang mga ulo ng mga ito habang pinapanood si big bird na kumanta, tila ba mga batang wiling wili sa panonood. Napangiti siya sa sarili, isang buwan na ang nakakaraan simula nung aksidente ni Ardi, sabi ng duktor ay magpahinga muna ito kaya't binigyan siya ni Alvin ng panahong makapagpahinga mula sa trabaho, pero pagkatapos ng pangalawang linggo ay hindi parin ito umuwi sa sariling condo.



Ngayon, tila ba nadagdagan pa ng isa ang umuupa sa apartment ni Ted. Sa umaga papasok ng opisina ay magkasabay si Eric at Ardi at tanging si Ted na lang ang naiiwan ulit sa apartment, tila naman wala lang kay Ted ang pag-extend ng pagtigil na iyon ni Ardi sa kaniyang apartment, sa totoo lang, sa palagay ni Eric ay ayaw naring pauwiin ni Ted si Ardi sa sarili nitong condo.








You know, even after all these years I'm still wondering if big bird is male or female.” nakapaling parin sa kaliwang sabi ni Ted.


Yeah, I think he's a guy though---” pabitin na sabi ni Ardi at sabay humagikgik ang mga kumag.



Agad na naputol ang paghagikgik na iyon nang matapos na ang segment ni big bird at napiltan iyon ng segment ni Ernie at Bert. Natahimik saglit ang dalawa masuyong pinapanood ang pagpapalitan ng linya ng dalawang puppet, sa puntong iyon ay pumaling naman sa kanan ang ulo ng dalawa. Lihim ulit na napangiti si Eric sa hindi kalayuan.



These are the guys that made me gay.” bulalas ni Ardi na ikinahagalpak sa tawa ni Ted.


They are not lovers! They're room mates for krisakes!” balik ni Ted sa pagitan ng mga tawa.


Nuh-uh, the net says that sesame street producers claims that those two are lovers, in fact a gay magazine said in one of it's articles that Ernie and Bert are the most accepted gay couple in the world---.” biro ulit ni Ardi na ikinahagalpak nanaman sa tawa ni Ted, hindi narin mapigilan ni Eric ang mapahagikgik sa di kalayuan.


---I mean, look at them, Ted! They argue like cats and dogs but says 'goodnight' to each other, sweetly I may add, at the end of the day! Only lovers do that, oh and look at their matching shirts!” tuloy ni Ardi habang si Ted naman ay nakahawak na sa tiyan dahil sa katatawa.


Yeah that's right, Ernie and Bert is kinda like you guys, you always argue with each other to the point that it's already annoying and then be sweet with each other after, oh and Ardi you and Ted are also wearing matching shirts now.” hindi mapigilang pagsingit ni Eric na ikinagulat ng dalawa.



Saglit na nagkatinginan ang dalawa, habang si Eric ay hindi mapigilan ang mapatawa. Bago tumuloy si Eric sa kusina ay nakita niya ang biglaang pagbawi ng tinginan ng dalawa at ang pamumula ng mga pisngi ng mga ito.



Ardi, you should start preparing for work or else we're going to be late... again.” humahagikgik parin sabi ni Eric.


Yes, mother.” sarkastikong balik ni Ardi na ikinahagalpak ulit sa tawa ni Ted.



Magaayos na sana ng ibabaon si Eric ng makarinig sila ng pagkatok sa pinto, binuksan ito ni Ted at bumulaga dun si Henry at Shelly. Napangiti si Eric dahil sa loob ng isang buwan na halos araw araw niyang nakikita ang mag-asawa ay tila ba bagong kasal ang mga ito, tumupad sa pangako si Shelly at isinang-tabi na nito ang kaniyang mga insecurities at mas nag-focus sa pagiging may bahay at di kalaunan ay pagiging ina.



Everybody's having their 'happy ever after' except me.” bulong ni Eric sa sarili at ipinagpatuloy ang pagaayos ng babaunin niya.



Simula nung nagumpisa si Mike sa opisina ay halos wala na silang panahon para magusap ni Alvin, tila ba na ichipwera na siya at si Mike na ang bago nitong best friend, hindi na iyon minasama pa ni Eric, alam naman niyang hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ni Alvin sa kaniya, pero nitong mga nakaraang linggo nang nararamdaman niyang unti-unti nang lumalayo ang loob ni Alvin sa kaniya ay saka niya lang na-realize na nahulog na ng todo ang loob niya dito.



Nagseselos siya sa ipinapakitang koneksyon ni Alvin at Mike pero isinang-tabi niya iyon dahil nadala na siya, una ay namagitan siya sa relasyon ni Pat at Jake at walang naidulot iyong maganda, ganun din nag mamagitan siya sa noo'y pagmamahal ni Ardi kay Alvin at wala ring magandang naidulot iyon sa kaniya, kaya ngayon, kung ano mang namumuo man kay Alvin at Mike ay hindi na siya mamamagitan doon dahil alam niyang masasaktan lang siya.



Pinipigilan niyang ipakita ang pagseselos, pinipilit niyang maging mabuti paring kaibigan kay Alvin sa tuwing lalapit ito sa kaniya para makipag-usap o kwentuhan pero ang totoo nun ay tila ba kinukurot ng isang daang beses ang kaniyang puso. Natuto na siya, kung alam niyang wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kaniyang pagkatalo, masakit man ito ay tinatanggap na niya iyon, naging mabuting magkaibigan narin ulit sila ni Mike at iyon ang pinaghahawakan ni Eric para hindi magalit dito dahil lang sa isang bagay na hindi rin naman mapipigilan ni Mike o kaya ay ni Alvin.



Making sandwiches again?” tanong ni Shelly kay Eric, ngumiti si Eric at yumakap kay Shelly at bumeso beso dito.


Good morning, Tita. You want some?” tanong ni Eric sabay abot ng isang plato at lagay ng isang sandwich doon at inilagay iyon sa tapat ni Shelly.


Thanks, I wish I could make sandwiches as delicious as yours, Eric.” balik ni Shelly sabay kagat sa ibinigay ni Eric.


Sucking up on me, Tita?” humahagikgik na sabi ni Eric, hinampas naman siya ni Shelly sa braso.


I thought that's your job?” balik pangaalaska ni Shelly na ikinahagalpak nilang pareho sa tawa dahil sa kakaibang meaning sa likod ng birong iyon. Saglit silang natahimik matapos kumalma sa pagtawa, matamang tinignan ni Shelly si Eric.


Is there something wrong, Eric?” tanong ni Shelly, may pagaalala sa boses nito na ikinagulat ni Eric, hindi dahil sa nagsimula sila bilang magka-away kundi dahil sa madali siyang nabasa ni Shelly, isa si Eric sa pinakamahirap na basahing tao ayon sa kaniyang mga kaibigan at ilang tao lang ang nakakakita ng kaniyang totoong nararamdaman kahit pa gaano niya ito itago.



Tumango na lang si Eric bilang sagot. Niyakap lang siya ng mahigpit ni Shelly.



Everything is going to be fine, Eric.” alo ni Shelly. Ngayon, may bagong respeto si Eric kay Shelly, imbis kasi na tanungin nito ang bumabagabag kay Eric ay inisang tabi na lang iyon ng nakatatandang babae. Ayaw kasi ni Shelly na lumabas bilang isang tsismosa at alam niyang masyadong personal ang dinadala ni Eric kaya't hindi na siya nangeelam.


Thank you.” bulong ni Eric habang nangingilid ang luha, hindi makapaniwala na pagkatapos nang lahat ng nangyari sa kanila ni Pat at Ardi ay sa pangatlong pagkakataon ay nasasaktan ulit siya ng ganun. Ang masaklap pa, hindi alam ng taong rason ng sakit na iyon na nasasaktan siya.



0000ooo0000



You didn't bring gazillion sandwiches again, did you?” tanong ni Ardi kay Eric habang minamata nito ang malaking bag sa kandungan ni Eric, namula na lang si Eric bilang patunay na madami nga siyang dinalang sandwich. Napabuntong hininga na lang si Eric nang mapatunayan ang kaniyang hinala.


Eric, why are you doing this to yourself?” seryosong tanong ni Ardi.


Wha---?”


Don't play innocent!” singhal ni Ardi sabay tigil ng sasakyan sa gilid ng kalsada.


Akala mo di ko napapansin? I'm one of those people who can read you right, remember? Akala mo hindi ko napansin na na-in love ka na kay Alvin at akala mo hindi ko nakikitang nasasaktan ka?” panunubok ni Ardi, sinubukan ni Eric na bumawi sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang biro.


And you realized all these because of my sandwiches?” nakangiting tanong ni Eric, itinatago ang tunay na nararamdaman.


Quit being a smart ass, Eric! Akala mo di ko napapansin yang pagbagsak ng mukha mo kapag nakalimutang puriin ni Alvin yang lintik na mga sandwich mong yan dahil abala siya sa pakikipagkwentuhan kay Mike---?” sinubukang sumingit ni Eric at itanggi lahat pero hindi siya hinayaan ni Ardi dahil tuloy-tuloy lang ito sa pagsasalita. “Hell! Kung hindi niya nakikita kung gano ka kabuti maski hindi bilang isang boyfriend kundi maski bilang best friend manlang then you don't have to beat your ass every morning just to prepare those gadam sandwiches so he can have something to eat and not appreciate it after!” singhal ni Ardi agad namang nangilid ang luha ni Eric.


But I still have to be friends with him. I know that that's all were going to be, he can't be my boyfriend so I'm settling with us just being friends that's why I still hang out with him.”


You can be friends with him even without the sandwiches, Eric! You can be friends with him and not be with him all the time, watching how he flirts with Mike and hurt yourself in the process! Haven't I given you enough pain that you're still willing to catch all of the hurt Alvin has been unconsciously throwing at you?!” singhal ulit ni Ardi, umiling na lang si Eric.


Give me the sandwiches.” utos ni Ardi.


What?” tanong ni Eric.


GIVE. ME. THE. DAMN. SANDWICHES.” pagpupumilit ni Ardi wala nang nagawa si Eric kundi i-abot dito ang mga tinapay. Nagulat siya ng lumabas si Ardi at inabot ang mga iyon sa isang pamilya na nakatira sa isang kariton sa gilid ng highway na iyon.



0000ooo0000



Hey! Ready for breakfast? I was thinking we should try the park near the---” simula ni Alvin, nagsimula ng hindi mapakali si Eric at lalo siyang hindi mapakali nang sumulpot na si Mike sa tabi nito, tila ba naramdaman naman ni Ardi ang pagkabalisa ni Eric at sumulpot ito sa tabi nito.


Actually, Eric and I already had our breakfast on the way here.” singit ni Ardi, natigilan naman si Alvin at agad na nangunot ang noo.


Oh.” dismayadong sabi ni Alvin habang matamang nakatingin kay Eric, tila naman inilagay sa ilalim ng spot light si Eric at nagsimula na siyang pawisan, hindi niya matignan ng derecho si Alvin.


That's OK, we can eat at Rosalie's instead, right, Alvin?” tanong ni Mike sabay siko sa tagiliran ni Alvin.


R-right. Well uhmmm--- yeah--- we should get going.” paalam ni Alvin sabay lulugo-lugong sumunod kay Mike.



0000ooo0000



Lumipas pa ang ilang linggo at hindi parin umuuwi si Ardi sa kaniyang condo, hindi naman ito alintana ni Ted at Eric, kaya't laking gulat ng dalawa ng magsalita tungkol sa kaniyang condo si Ardi.



I think I should get back to my unit---” naputol ang sasabihin ni Ardi ng isang malakas na sigaw galing kay Ted.


WHAT?!” na ikinagulat pati ni Eric.


So that's it? You're just going to leave like that?!” naiinis na sabi ni Ted gayong hindi alam ni Eric at Ardi kung ano ang ikinasasama ng loob nito.


Will you let me fucking finish first?!” mainit na balik ni Ardi, natameme naman si Ted at lihim na napangiti sa sarili si Eric. Isa si Ted sa pinakanakakatakot na tao kapag nagagalit pero wala itong sinabi pagda-dating kay Ardi, tila isang barakong barakong lalaki na under the saya sa kaniyang balingkinitang misis.


As I was saying before I was rudely interrupted is that I think I should get to my unit and prepare it for you guys.” pambibitin ulit ni Ardi, nagdikit ang mga kilay ni Eric at Ted sa pagtataka.


C'mon guys! You aren't that slow! I'm asking you guys to move in with me in my condo! Doon, kanya kanya tayo ng kwarto tas may dalawang banyo at may maayos na parking para sa tatlo nating sasakyan. Anong tingin niyo?” kinakabahan ng tanong ni Ardi, ayaw niya kasing ma-offend si Ted at natatakot siyang ma-reject ng dalawang kaibigan.


Bakit ngayon mo lang sinabi?!” “Kailan tayo lilipat?!” sabay na tanong ni Eric at Ted na ikinabuntong hininga naman ni Ardi, hindi makapaniwala na ganung kadali makukumbinsi ang dalawa.



0000ooo0000



Hey I hardly see you anymore.” sabi ng isang lalaki sa likuran ni Eric na ikinagulat naman niya. Magisa lang siya ngayong pumasok dahil um-absent si Ardi para ayusin ang condo kasama si Ted. Dahan-dahang humarap si Eric sa lalaking nagsalita.


Hey, Alvin. I'm sorry I didn't see you there---” hindi nagsisinungaling si Eric, hindi niya talaga nakita si Alvin dahil abala siya sa pagaayos ng kaniyang mga design na naka-print out, na halos lunurin na siya sa dami. “I'm sorry if I don't hang out with you guys anymore, I have so much clients to work on, plus I'm still moving some of our stuff from Ted's apartment to Arid's condo.” pagtatapos ni Eric.


Oh, I heard about that---” balik ni Alvin sabay frown, hindi iyon nakita ni Eric dahil narin sa kagustuhan nitong huwag tignan si Alvin.


You and Mike can come to the party if you want. Ardi wants to welcome Ted and I with a bang.” umiiling na pagimbita ni Eric kay Alvin.


Sure.” matipid na sagot ni Alvin sabay labas ng elevator, hindi na ulit sila nagusap ni Alvin habang naglalakad papuntang opisina si Alvin at si Eric naman ay sa kaniyang lamesa.


See you lat---” simula ni Eric magpaalam pero naputol iyon nang magsalita si Mike sa di kalayuan.


Alvin! It's about time you showed up, I'm starved, I can't wait to go to Rosalie's!” may pagka-excited na bati ni Mike. Napatingin si Alvin kay Eric.


Do you want to come with us?” “Oh, hey Eric! Didn't see you there!” sabay na sabi ni Alvin at Mike, nagbigay ng pekeng ngiti si Eric, peke dahil kahit pa mukha siyang masaya ang totoong nararamdaman ay pagkadismaya at sakit.


Hey, Mike! Oh I already had my breakfast, thanks for asking though. See you guys later!” may pagkamasayang sabi ni Eric pero nung oras na tumalikod siya ay agad na nangilid ang luha niya, narinig niya ang paghila ni Mike kay Alvin papunta sa mga elevator.



Ang hindi alam ni Eric at mataman paring nakatingin sa kaniya si Alvin habang hinihila ito ni Mike.



0000ooo0000



Why are you still here, Eric, aren't you supposed to be at the party?” tanong ni Henry sa kaniyang anak ng maabutan ito saka si Shelly sa kusina, tinuturuan ni Eric na gumawa ng sandwich si Shelly.


I was just about to leave, Dad.” nakangiting sagot ni Eric sabay beso kay Shelly bilang paalam at yumakap naman sa ama, ang totoo ay ayaw naman talaga ni Eric umalis, umaasa siya na makakapag-stay pa siya ng matagal sa mansyon ng ama dahil ayaw niyang pumunta sa party at makita si Mike at Alvin na nagkakamabutihan, pero hindi rin naman siya titigil sa mansyon pra tanungin siya ng tanungin ng ama, alam niyang may ideya na ang ama na may dinaramdam siya at ayaw niyang maiwan sa isang kwarto kasama ito para kulitin lang siya na magkwento.


I'll see you guys later.” paalam ni Eric at mabilis na naglakad palabas.


Thank you, hon---” simula ni Shelly pero narinig niyang sumara na ang front door at hindi na siya nag-abala na tapusin ang sasabihin, nagbigay si Henry ng nagtatakang tingin kay Shelly at nagkibit balikat lang ang huli.



0000ooo0000



Nang wala nang mapuntahan si Eric ay wala na siyang nagawa kundi ang tumuloy na sa party, medyo marami pa ang nandun pero kitang-kita niya rin na medyo lasing na ang iba sa mga bisita. Hinanap ni Eric si Ardi, natatakot na baka uminom ulit ang kaniyang kaibigan at mawalan nanaman ng control sa sarili. Nagulat na lang si Eric nang makita si Ardi na masayang nakikipagtawanan kay Ted, Ant at Mike.



Hey! Kanina ka pa namin hinahanap!” sabi ni Ardi, agad na napangiti si Eric, alam niyang hindi lasing si Ardi at nang lumapit siya ay nakita niyang tubig ang laman ng baso nito.


Sorry, got caught up with tita Shelly. Hi Mike, having a good time?” balik ni Eric at nagbaling ng tanong kay Mike.


Yup, we were having fun right before Alvin puked on me.” umiiling na sabi ni Mike, nakita ni Eric na damit ni Ted ang suot ni Mike.


I still don't know why he drank that much, I mean he's a light drinker---”


Beats me.” sagot ni Ardi nagkibit balikat naman si Ted.


Oh and he's looking for you.” habol ni Mike at ipinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan kay Ted at Ant. Tumingin si Eric kay Ardi para alamin kung ano ang ibig sabihin ni Mike, nagkibit balikat si Ardi bilang sabi na hindi niya alam.


You guys didn't let him drive home, did you?” tanong ulit ni Eric.


Of course not! He's in your room.” sagot ni Ted sabay inom ng kaniyang inumin at balik sa pakikipagkwentuhan, napabuntong hininga na lang si Eric, sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta sa kaniyang kwarto at harapin si Alvin, kung nung hindi nga ito lasing ay ayaw itong makausap ni Eric, ngayon pa kayang lasing ito. Napansin ni Ardi ang pagkabahala ni Eric kaya't nagtanong ito.


Do you want me to go with you?” sa tanong na ito ni Ardi ay tumigil sa paguusap si Ted, Ant at Mike.


Nope, I'll be fine, I think I'll just crash in Ted's room.” sagot ni Eric para hindi mahalata ng tatlo na may problema siya pagdating kay Alvin. Nang tumalikod siya upang tumuloy sa kwarto ni Ted ay siya namang iling ng apat sa may lamesa.


I still can't figure their shit.” umiiling na sabi ni Ardi, tumango-tango ang tatlo pang kakuwentuhan. Habang si Mike naman ay inisip kung ano ang maaaring ibig sabihin na iyon ni Ardi.



0000ooo0000



Matapos mag-shower ni Eric ay saka niya naisip na kailangan niya parin pala magpunta sa kwarto niya para kumuwa ng malinis na damit pangtulog, ayaw na sana niyang tumuloy don para hindi makita si Alvin pero wala siyang magagawa, hindi siya makakahiram ng damit kay Alvin at Ardi dahil sa laki ng mga ito. Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto ay hindi na siya nag-abala na buksan ang ilaw para hindi maistorbo ang humihilik nang si Alvin kaya't hindi niya nakita ang damit nito na parang basahan na nakadiskarga sa sahig.



Isang malakas na kalabog ang gumising kay Alvin, inabot niya ang ilaw sa tabi ng kama, hinayaan niyang luminaw saglit ang kaniyang mata.



Shit!” singhal ni Eric, nagulat sa biglaang pagbalot ng liwanag sa buong kwarto.


Eric?” tawag ni Alvin, agad na napaharap si Eric dito, buti na lamang at nakapagsuot na agad siya ng shorts.


Hey, I've been looking everywhere for you. Where have you been?” tanong ni Alvin, nahalata agad ni Eric ang pagslang ng salita nito. Naalala niya ang sinabi ni Mike na nakainom si Alvin.


uhmmm I've been with dad.” sagot ni Eric pero hindi na iyon narinig ni Alvin dahil nakatingin ito sa tuhod ni Eric na may konting dugo nang tumutulo.


Hey, you're bleeding.” sabi ni Alvin sabay alalay kay Eric paupo ng kama.


Yeah, I tripped, didn't see your clothes.” nahihiyang sagot ni Eric dahil sa katangahan, nagulat si Eric ng hugutin ni Alvin ang panyo nito sa nakatambak niyang pantalon sa sahig at marahang pinunasan ang sugat ni Eric.


Sorry.” pabulong na sabi ni Alvin.


Yeah, burara ka kasi.” biro ni Eric na ikinahagikgik naman ni Alvin, dahil sa kalasingan ay tinamaan ng pagkamaharot si Alvin at hinila niya ang gulat na gulat na si Eric pahiga ng kama at dinaganan ito saka kiniliti.


I give up! I give up!” sigaw ni Eric sa pagitan ng mga pagtawa. Saglit na tumigil si Alvin, nagtama ang kanilang mga tingin. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Eric ng mapansin niyang papalapit ng papalapit ang mukha ni Alvin.



Nang magtama ang kanilang mga labi at nang marahang laruin ng dila ni Alvin ang dila ni Eric ay hindi mapigilan ng huli na mapaluha. Nakapikit parin si Eric ng humiwalay si Alvin, napansin niya ang paggalaw ng kama at pagkawala ng bigat ng katawan ni Alvin sa pagkakapatong sa kaniyang katawan kaya't inisip na lang niya na umayos na ng higa si Alvin sa kaniyang tabi. Nang iminulat na niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya sa tagiliran ng kaniyang mata ang nakahigang si Alvin sa kaniyang tabi, tama ang kaniyang hinala, umayos na ito ng puwesto.



Hindi alam ni Eric kung ano ang iisipin, matagal ng natahimik si Alvin hindi alam kung nagsisisi ba si Alvin sa ginawang paghahalikan kaya ito tahimik, kung tuluyan na bang nasira ang kanilang pagkakaibigan o kung ginusto nito rin ang halikan na iyon. Naisipan niyang isugal na lahat, tutal iniisip ni Eric na ibinalik rin naman ni Alvin ang mga halik niya kaya malamang may ideya na ito tungkol sa kaniyang nararamdaman kaya't hindi na nagaksaya pa ng panahon at sinabi na ang kaniyang tunay na nararamdaman.



I love you, Alvin.” bulong ni Eric. Muli siyang nagintay ng sagot pero may ilang segundo na ay hindi parin umiimik si Eric, tila pinupunit ang kaniyang puso, sumugal ulit siya at tumingin kay Alvin, nakita niyang nakatulog ulit ito, agad siyang napabuntong hininga.



Habang lumalabas ng kwarto si Eric ay ipinagdadasal rin niya na sana ay walang maalala si Alvin kinabukasan, na sana ay lasing na lasing ito para maalala lahat pero hindi niya rin mapigilang madismaya dahil inisip niya na kaya lamang siya hinalikan ni Alvin ay dahil lasing ito. Hindi nagawang matulog ni Eric nung gabing iyon, masyadong maraming bumabagabag sa kaniyag isip kaya't napagpasyahan niyang lumabas at magikot ikot na lamang. Naabutan niya si Ardi, Ant, Mike at Ted sa sala. Nakasalampak sa carpeted na sahig at kaniya-kaniyang hilik.



Saglit siyang napangiti sa nakita.



Good night, guys.” bulong ni Eric sa sarili saka mabigat ang loob na lumabas ng unit.



Itutuloy...



___________________________________
Different Similarities 1[19]
by: Migs 

16 comments:

  1. sorry for the late post. last 4 chapter guys. I would really appreciate it if you guys leave a comment after this chap. Your comments gets me going. ;)


    Rebelation, I miss you. I miss your comments. Please write back, Sir Josh misses you too. ;(

    ReplyDelete
    Replies
    1. ung last 4 chapetrs siguro ung 4th sa pov ni ardi ung 3rd ung tungkol sa pagbabalik ni pat ung secong ung end a nd ung last ung epilogue.. tama ba???

      Delete
  2. nabitin naman ako.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  3. Hmmm. magulo na talaga. binasa ko ulit yung prologue para ma-gets ko kung sino ba talaga si mystery guy pero wala talaga. wait ko na lang ang lalo pang paglalim ng istorya.

    thanks kuya migs! your update made my night, well technically umaga na. hehe.

    keep us amazed! and happy.. :)

    ReplyDelete
  4. been a silent reader...

    i love reading your stories Migs, keep it up and hope there's more to come :)

    ReplyDelete
  5. miss ko na si rebelation.

    migs bitin naman ito pero pa homerun na, intayin ko ang next chapter. confusing lang ang attitude ni mike.

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  6. gusto din ni Alvin si Eric. Baka palabas lang nga talaga ni Alvin at Mike yung pagiging close nila. Bka sinusubukan lang ni alvin si eric.

    Thanks sa update.

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. oo nga pinagSeselos lng cguro ni Alvin si Eric para sabihin na mahal din siya nito.. ayiiiieee!

    ReplyDelete
  8. sana my happy ending.........................................ras

    ReplyDelete
  9. Keep on posting ur stories they're really nice and good. Looking forward for the last 4 chapters and hoping its an happy ending on Eric and Alvin.

    ReplyDelete
  10. omg. kawawa naman si eric, parang ang dami nyang personal issues after everything he's been through.

    rei

    ReplyDelete
  11. awwww ano na kaya mangyayari kay Eric? hay...hehe

    ang ganda po kuya! sana tuloy tuloy po ung pagpopost nyo kac sobrang ganda po talaga. hehe. great job kuya! keep up the good work :)

    ReplyDelete
  12. Haist... Tagal naman mag-aminan nitong si Eric-Alvin. Nice move Eric for sure paggising ni Alvin hahanapin ka nun. Migs keep on going you're doing good and we're doing fine.

    ReplyDelete
  13. Author Migs sa lahat siguro ng character dito si eric na yung pinaka malungkot na character,why? kasi kita mu naman, lagi na lang siyang third wheel, yung feeling na sayo na tapos all of a sudden babawiin na sayo :(

    ..tapos dito sa chapter na to..ang emo na niya parang suicidal yung datingXD
    ..sabi na dapat si ted, but i guess final na sila ni ardi :D kahit na sumingit si mike sa scene i can feel it na...haha

    ..sasabihin ko din dito yung pinaka perspective ko dito sa story na to, intriguing masyado :)

    ..last, how are you? :)

    ReplyDelete
  14. Ted at Eric pa din ako...

    ReplyDelete