Monday, April 16, 2012

Different Similarities 1[23 and epilogue]


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Hindi alam ni Eric kung bakit siya nakaupo sa kaniyang kinauupuan ngayon. Nagsisimula ng lumamig ang paligid at ang taong kaniyang iniintay ay hindi parin dumadating. Natuyo na ang kaniyang mga luha, dahil narin siguro sa maghapon na siyang nagiiiyak kaya't tumigil na ito sa pag-agos. Nasa ganitong tagpo si Eric nang maaninag niya ang isang paparating na sasakyan, palapit ito sa gate na malapit sa kaniyang kinauupuan.



Pinanood ni Eric na bumukas ang pinto ng sasakyan at sumulpot sa kaniyang harapan niya si Alvin. Nakakunoot ang noo nito, halatang nagaalala at hindi mapakali at sa pamumula ng mga mata nito ay tila umiiyak ito bago umuwi.



Alvin, we need to talk.”



Hindi alam ni Eric kung ano ang magiging reaksyon ni Alvin sa kaniyang biglaang pag-sipot sa gate ng bahay nito, inaasahan na niyang magagalit ito sa kaniya, mangingilag o kaya naman ay maiinis kaya naman ng yakapin siya nito ng mahigpit ay talaga namang ikinagulat niya. Agad siyang bumawi sa pagkakagulat at sinulit na lang ang pag-yakap na iyon ni Alvin sa kaniya dahil alam niya malaki ang posibilidad na hindi na iyon maulit.



Where have you been?” marahang tanong ni Alvin. Hindi mapigilan ni Alvin ang matuwa nang makit niya si Eric na nakaupo malapit sa gate ng bahay niya, ngayon, naisip niya na may pag-asa pa na maayos nila ang lahat sa pagitan nila. Ang mahinahon at halatang tono ng pagkatuwa ang siyang nagpa-badya ulit sa mga luha ni Eric na tumulo. Agad ng kumawala si Eric sa yakapan na iyon at seryosong tinignan si Alvin.


A-Alvin, please w-we need to talk.” nauutal na sabi ni Eric habang pinipigilan ang sarili na mapa-iyak. Napansin ni Alvin ang seryosong mukha ni Eric.


OK, let's go inside.” sabi ni Alvin sabay tingin sa mga ulap na nagbabadya ng ulan, hindi naman ito inalintana ni Eric dahil nagsisimula nanaman siyang kabahan.


No, please. Let's talk now, I may not have the nerve to talk to you about this if we do this later.” nagmamakaawang hiling ni Eric, tumango na lang si Alvin.


Eric, you're scaring me again.” pabulong na pagaalala ni Alvin sabay hakbang papalapit ulit kay Eric na wala sa sarili namang umatras. Nagulat si Alvin sa ginawang ito ni Eric, hindi niya parin maintindihan kung bakit tila nandidiri o takot na takot ito sa kaniya.


Why are you doing this, Eric?” pabulong na sabi ni Alvin, rinig na rinig ni Eric ang tono ng sakit sa tanong na iyon.


I Love You, but I know I can't keep doing so, because if I continue loving you everyone will end up getting hurt.” makahulugang sabi ni Eric. Muling narinig ni Alvin pagde-deklara ng pagmamahal ni Eric, gusto sana niyang magtatalon at yakapin ito pero alam niyang may kailangan pa muna silang resolbahin at iyon nga ay ang tungkol sa mga huling sinabi ni Eric, hindi niya parin ito naiintindihan pero gagawin iya ang lahat ma-resolba lang nilang dalawa iyon.


Who's everyone, Eric?”


Nagulat si Eric sa tanong na iyon ni Alvin. Alam niyang alam nito ang sinasabi niya, na ang tinutukoy niya ay si Mike, siya at ang sarili, pero bakit gusto parin nitong ipaulit kay Eric, maliban na lang kung wala talagang namamagitan kay Mike at Alvin, naisip niya o kaya naman ay nagaanga-angahan lang ito. Magtata-takbo na sana ulit palayo si Eric dahil sa huling naisip nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ni Jake nung nakaraang tanghalian.



...stop assuming... stop over analyzing things...”



At dahil sa naalalang iyon ay napili na lang ni Eric na sagutin ang tanong ni Alvin nang magkalinawan na sila. Pero bago siya sumagot ay marahan siyang pumikit at nagbuntong hininga.



I don't want to hurt you and Mike. I don't want to get in between you guys and ruin everything just like how I ruined everything between Jake and Pat.” sagot ni Eric na ikinagulat ni Alvin. Alam niyang may ideya si Eric na nag-date sila ng kaibigang si Mike pero ni hindi niya naisip na akala nito'y may namamagitan sa kanila ni Mike. Nang matagal na hindi sumagot si Alvin ay dahan-dahang iminulat ni Eric ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang pagaalinlangan, pagkainis at posibleng galit na rumerehistro sa mukha ni Alvin. Agad siyang napa-atras at natakot. Ito na nga ang kinatatakutan niya.


P-please don't hate me, Alvin. I swear, di ko hahayaan na mamagitan ako sainyo ni Mike, I'll leave you guys alone, hell I can leave the country---” kinakabahang sabi ni Eric habang umaatras palayo kay Alvin, nagsisimula na ulit mamuo ang luha sa kaniyang mga mata, nakita ito ni Alvin at agad na lumapit sa kaniya para yakapin siya.


I'm not angry at you, Eric. I'm angry with myself. Di na sana 'to humantong sa ganito kung hindi ako naging manhid. I liked you way before you and Ardi started dating, that's why I was happy when your dad said I'm your mystery guy who makes you happy but then you said that you made it all up. Naisip ko na hindi mo ako gusto tulad ng pagka-gusto ko sayo kaya't tinesting kong makipag-date kay Mike but it didn't work out. Mike and I are friends, we're not in an intimate relationship together. I'm sorry kung hindi ko agad nilinaw sayo. Please don't be afraid of me, I-It hurts to see you backing away from me like that, like I'm going to hurt you. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.” mahabang paglilinaw ni Alvin habang nangingilid narin ang luha sa kaniyang mga mata.



Hindi siya makapaniwala na hinayaan niyang maulit kahit pa sa isip lang ni Eric ang nangyari noon sa nauna nitong karelasyon. Hindi niya lubos maisip kung ganong kasakit nito para kay Eric habang inaakala na mamamagitan ito sa kanila ni Mike. Hindi siya makapaniwala na ang isang bagay na ipinangako niyang hindi na ulit mangyayari kahit pa sa isip lamang ni Eric ay nangyari ulit. At sapat na rason na iyon para magalit si Alvin sa sarili. Kung nilinaw niya lang sana lahat, kung sinabi lang sana niya ang kaniyang nararamdaman kay Eric noon pa, kung hindi lang sana siya lasing nung gabing pinagsaluhan nila ang unang halik at kung naalala niya lang sana ito at kung hindi lang sana siya naging manhid edi sana wala ni isa sa kanila ni Eric ang nasaktan.



Tumigil na sa kakaiyak si Eric, hinahayaang ma-absorb ng kaniyang utak ang mga sinabi ni Alvin kahit pa ang totoo ay ang mga salitang kaniya lamang narinig at naintindihan ay ang mga “...not angry with you...” “angry with myself---” “---i like you---” at “---Mike and I are just friends---” halos nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at nag-relax na ang kanina pa tense na tense na katawan nito.



Tama si Jake. Kailangan lang naming mag-usap.” naiiyak na sabi ni Eric sa sarili, naiiyak hindi dahil nasasaktan parin siya, naiiyak siya kundi dahil sa galak.



---I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry--- for not figuring this out immediately. You should've talked to me first--- I'm sorry for not remembering about the kiss.” patuloy na pag-hingi ng tawad ni Alvin sa pagitan ng pag-hikbi. Hindi na napigilan pa ni Eric ang sarili at iniyakap narin ang sarili sa katawan ni Alvin.


Shhh. It was all a misunderstanding. I'm sorry too, I over analyzed things, I assumed instead of clearing it all up with you, I'm sorry.” alo ni Eric habang nararamdaman na tumatango-tango si Alvin, saglit na inihiwalay ni Eric ang sarili upang matignan ng maayos si Alvin.


We have to promise that we will talk about everything from now on. NO secrets. If we are going to make this work.” pahayag ni Eric habang pinapahiran nila ang mga luha ng isa't isa. Tumango ulit si Alvin at nagpakawala ng isang matipid na ngiti. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galak dahil ang isang tao na ngayon ay halos mas mahal niya pa sa sarili at ang tanging tao kung saan siya unang naging kumportable pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ardi ay sumusumpa ngayon sa harapan niya na gagawin lahat maiayos lang ang kanilang komunikasyon bilang daan sa isang matibay na relasyon sa hinaharap.


Drama queen.” pabirong pasaring ni Alvin na ikinangiti ni Eric.


Maybe. But I know you love this drama queen---” saglit na natigilan si Eric dahil muli ay nag-assume nanaman siya. Walang nabanggit si Alvin na pareho sila ng nararamdaman, na mahal din siya nito. Pero natuto na siya, naisipan niyang linawin na iyon bago pa sila magkasakitan ulit.


Y-you also feel the same, do you? You love me too, right?” may pagka insecure na paglilinaw ni Eric. Saglit siyang tinignan ni Alvin na siya namang ngumisi.


Let me think about it.” panloloko ni Alvin na agad niyang pinagsisihan nang makita niyang muling namutla si Eric, agad ulit niya itong niyakap, ipinagdikit ang kanilang noo at nagtitigan.


I Love you. Don't you ever doubt that.” bulong ni Alvin na muling ikinaluha ni Eric. Dahan dahang inilapit ni Alvin ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Eric. Ngayon, hindi na maaninag ni Alvin ang pagaalinlangan sa mga mata ni Eric tulad nung gabi ng party kaya't masuyo na niyang idinampi ang kaniyang mga labi sa labi ni Eric.


Di katulad ng una nilang halik na pinagsaluhan ay sumumpa si Alvin na habang buhay niyang tatandaan ang halikan nilang iyon ni Eric.


Nun ding puntong iyon ay nagsimula nang bumagsak ang malakas na ulan na hindi na inalintana ng dalawa sapagkat abala na sila sa pagpapakita ng kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa. Para sa mga taong dumadaan din sa street na iyon ay tila sila nakakakita ng isang tagpo sa isang pelikula, tanging liwanag ng headlights ang nagsisilbing ilaw ng dalawa at ang dagundong ng malakas na ulan ang siya lamang naririnig ng dalawa.



1 Month Later...



Nabulunan si Alvin habang ikinukuwento ni Eric ang tagpong iyon sa harapan ng bahay niya. Nasa bagong apartment na sila ngayon ni Eric kung saan sila kumakain ng espesyal na tanghalian na inihain nito.



The way you tell that story is soooo mushy!” sabi ni Alvin nang makabawi.


That's because it was soooo mushy! And you were extra super cheesy that day.” nangaalaskang sabi ni Eric, naningkit naman ang mga mata ni Alvin.


Well, you're the one who likes being chased, thinking that I'm in-love with Mike and it's the end of the world.” balik ni Alvin, natigilan si Eric sabay namula. Nagpakawala ng isang nangiinis na ngiti si Alvin, alam niyang nakuwa na niya ang atensyon ni Eric at miya-miya ay mapipikon na ito.


That's because you're the numbest person I know! Di naman sana mangyayari yun kung hindi ka manhid noh!” singhal ni Eric, lihim na napangiti si Alvin. Tumayo siya at lumapit kay Eric, pinatayo ito sa upuan at niyakap ng mahigpit.


No matter how mushy or cheesy that scene was, I would never trade it for the world.” bulong ni Alvin sa kaliwang tenga ni Eric. Agad namang nanlambot sa sinabing iyon ni Alvin si Eric inihulma niya ang kaniyang katawan sa katawan ni Alvin.


I love you, Eric.”


I love you too, Alvin.”


Even after that Pat guy showed up this morning?” parang batang tanong ni Alvin pero sa kabila ng pagiging cute ng pagkakatanong na iyon ni Alvin ay hindi rin maikakaila ang pagaalala sa boses nito.


Even after Pat showed up.” paninigurado ni Eric na ikinangiti naman ni Alvin, kampante sa pagsagot na iyon ni Eric, saglit silang naglayo, sapat lang na layo para matignan nila ang isa't isa at maghalikan. Pero bago pa man maglapat ang kanilang mga labi ay biglang bumukas ang pinto.


ERIC!” sigaw ni Ted na ikinatalon ni Eric at Alvin.


Ted! What the hell---?!” simula ni Alvin, nagsisimula nang mairita.


Shut up!” singhal ni Ted.


What is it, Ted?” nagaalalang tanong ni Eric.


It's mom! She's in labor!” nagpapanic na sagot ni Ted, nagkatinginan naman si Alvin at Eric saka sabay na tumakbo papunta sa ospital kasunod si Ted.



0000ooo0000



What happened? Is it the baby? How's tita?!” hindi mapakaling tanong ni Ardi na kararating lang ng ospital. Nagkatinginan ulit si Alvin at Eric na nagkakape at tila ba nabasa ang iniisip ng isa't isa nang nagkangitian.


They're a match made in heaven.” umiiling na sabi ni Alvin na ikinahagikgik naman ni Eric.


Hey! Nagtatanong ako dito oh! Bulungan kyo ng bulungan diyan! Hmpft! Dyan na nga kayo!” singhal ni Ardi sabay lakad palayo. Iginawi ni Alvin at Eric ang kanilang tingin kay Ted na nasa hindi kalayuan, katulad ni Ardi ay hindi rin ito mapakali.



Nang makalapit si Ardi kay Ted na katulad niya ay hindi mapakali sa pagaalala ay wala sa sarili niyang inabot ito at niyakap ng mahigpit. Nagulat si Ted pero hindi nagtagal ay hinayaan niyang humulma ang katawan niya sa katawan ni Ardi. Nang makabawi ang dalawa at nang mapansin kung ano ang kanilang ginagawa ay agad na naghiwalay ang mga ito na tila ba nakuryente o napaso.



Sa di kalayuan ay hindi mapigilan ni Eric at Alvin na mapangiti.



What happened?” medyo kalmado nang tanong ni Ardi kay Ted nang makabawi pero hindi parin nito maisalubong ang tingin sa huli.


Wow. That was awkward.” nasabi ni Ardi sa sarili matapos mag-tanong, nung nakalipas na buwan simula nang mag-sarili na si Eric at naiwan silang dalawa sa condo ni Ardi ay napapadalas ang awkward moments nila.


Uh-ummm they say that Mom is OK and that we should expect the baby in two hours.” nakayukong sagot ni Ted, nahihiya at hindi lalo mapakali matapos ang nagyaring pagyayakapan.


Good.” tumatango-tangong sabi ni Ardi.



Saglit na natahimik ang dalawa, parehong hindi makatingin sa isa't isa, nahihiya sa nangyaring pagyayakapan. Sa di kalayuan ay masuyo parin nakangiti si Alvin at Eric habang pinapanood ang dalawa. Tila ba sa katahimikan na bumalot kay Ardi at Ted ay nagpaalala kay Alvin ng isang importanteng tao. Si Eric. Wala sa sariling inabot ni Alvin ang kamay ni Eric at binalot iyon ng sarili niyang kamay, nagulat si Eric sa simpleng paghawak na iyon ni Alvin, tinignan niya ito at nginitian.



Aw! For gadsakes! Can't you guys keep it to yourselves?! Demit! You guys just have to rub my singlehood in my face, do you?!” nangkukunwaring galit na bati ni Mike kay Eric at Alvin.



Simula nang maliwanagan ang lahat isang buwan na ang nakakaraan ay nagkakayos ulit si Mike, Ardi at Eric, naging masaya ang kanilang grupo sa panibagong pagkakaibigan na nabubuo sa pagitan nilang lima.



Pangit mo kasi kaya walang pumatol sayo!” balik ni Eric, kunwari ay nasaktan naman si Mike saka tumabi kay Alvin at hinaplos ang malaki nitong braso.


Your boyfriend is such a bitch! Why don't you dump him and marry me?” balik naman ni Mike, nagiisip ng panginis pabalik si Eric habang si Alvin naman ay tuwang tuwa sa dramang ipinapakita ng dalawa.


Get your filthy hands off my boyfriend!” natatawa ng balik ni Eric.


Hmpft! Unfair! I'm the only one in the group who is single.” parang batang pagmamaktol ni Mike na ikinahagikgik ni Alvin.


Can't you share Alvin with me, Eric? Pretty please. You can have him at M-W-F and he's mine for T-T-S and Sun.”


Sorry, bitch, he's all mine. Tell you what...” umpisa ni Eric na ikinairap naman ni Alvin, iniisip kung ano nanamang kayang kalokohan ang iniisip ni Eric.


What?” excited na sabi ni Mike n miya mo asong pinangakuan ng buto ng amo.


I saw that cute nurse guy two feet away from us checking you out--- I'll help you flirt with him, if you're interested.” pagkasabi nito ni Eric ay agad na lumingon si Mike, sa sobrang bilis ng paglingon na iyon ni Mike ay literal na natakot si Alvin na matanggal ang ulo nito.


I don't know—-” nagaalangang sabi ni Mike pero ang totoo ay palapit na ito sa nurse na itinuro ni Eric at wala pang ilang minuto ay naglalandian na ang dalawa. Umiiling na pinanood ni Alvin at Eric ang nagpapa-demure na si Mike.


Hey! What do you mean by helping him flirt with the nurse?” naniningkit matang baling ni Alvin kay Eric.


I was just joking--- he's cute, though.” humahagikgik na sagot ni Eric na ikinailing naman ni Alvin.


Hmpft!” tampu-tampuhang balik ni Alvin. Muli nilang ibinalik ang tingin kay Mike saka sa nurse matapos nilang marinig ang tawa ng mga ito. Nagulat ang dalawa nang makitang hinahaplos-haplos na ni Mike ang malaking braso ng nurse.


I like him more when he was inside the closet playing with his narnian friends than see him now flirt.” umiiling na sabi ni Eric na ikinahagikgik ulit ni Alvin.


IT'S A BEAUTIFUL BOY!” sigaw ni Henry sa may pinto sabay yakap kay Ted at bulong dito na OK lang si Shelly.


I thought the ultrasound said it was a girl?”


I thought so too.” sagot ni Eric kay Alvin sabay kibit balikat. Sunod na niyakap ni Henry si Eric. Sa tabi nila ay narinig ni Eric na nagtanong si Ardi kay Ted.


Want to grab something to eat?” tanong ni Ardi marahil ay tumango lang bilang sagot si Ted dahil hindi na narinig ni Eric ang sagot nito.



0000ooo0000



Ilang oras na nagkuwento ng nagkuwento si Henry at ilang oras pa ang ginugol ng mga ito sa pakikinig sa mga plano nito para sa bunsong anak. Natigil lang iyon nang marinig ni Eric na kumalam ang sikmura ng ama.



Want us to get you something from the caf?” tanong ni Eric, napangiti na lang si Henry at tumango.


OK, wait for us here, we'll be back in 10 minutes.” sabi ni Eric sabay halik sa noo ng ama at bumulong.


Congrats.” lalong lumaki ang ngiti ni Henry sa sinabing ito ni Eric.



Nang makalabas ang dalawa ay sabay silang natigilan. Nakarinig sila ng hagikgikan sa likod ng isang pinto kung saan may nakalagay na “Authorized personnel only.” pero base sa tunog ng hagikgik at pabulong na boses na naririnig ni Alvin at Eric ay hindi isang authorized personnel ang nasa likod non. Nagkatinginan ang dalawa at dahan-dahang binuksan ang pinto.



Bumulaga sa kanila ang kanilang kaibigan na nakikipaghalikan, hindi, nakikipaglaplapan sa nurse na kanina lang ay kalandian nito.



What the hell?! Hey! Find your own broom closet!” singhal ni Mike sakanila sabay bagsak ng pinto sa mga mukha nila Eric at Alvin. Habang nasa elevator pababa ang dalawa ay hindi mapigilan ni Eric at Alvin na humagikgik.



Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator ay muli silang nagulat dahil narinig nila ang boses ng dalawa pa nilang kaibigan na nagsisigawan sa lobby.



---Sinaktan mo ako noon! You literally ruined my life and now you want me to have you back?! Are you freakin serious?!” singhal ni Ted na ikinatigil at ikinakuwa ng atensyon ng ilang mga tao sa mataong lobby.


I already apologized for that!” balik ni Ardi na hawak-hawak parin ang braso ni Ted, sa pakiwari ng dalawa ay may nangyari sa cafeteria habang kumakain ang mga ito dahil ilang hakbang palang ang layo nila dito.


Yeah?! Well, sorry is not enough!” singhal ni Ted, umaapoy sa galit ang mga mata nito, nakita ni Eric ang sakit sa mga mata ni Ardi sa sinabing iyon ni Ted pero hindi rin nakaligtas ang paglambot ng reaksyon ni Ted matapos niyang sabihin iyon na miya mo nagsisisi sa sinabi at nagdadalawang isip kung hihingi ba siya ng tawad kay Ardi o hindi sa mga nasabi niya.


Will the words 'I love you' be enough? Because I love you, Ted.” halos pabulong nang balik ni Ardi pero kahit pabulong iyon ay rinig na rinig iyon sa buong lobby dahil wala ni isa sa mga nadun ang gumagalaw, masuyong nanonood ang mga ito sa palitan ni Ted at Ardi at walang ingay na ginagawa.



Nang hindi sumagot si Ted ay miya mo pinupunit ang puso ni Ardi na tumalikod mula dito. Alam niyang marami siyang nagawang mali at nasaktan niya noon si Ted pero hindi rin nun mababago na nahulog na muli ang loob niya dito sa ilang buwang pagtira nila ng magkasama. Bagsak balikat siyang naglakad palayo, masuyo paring nanonood ang mga tao sa paligid, kasama na dun si Eric at Alvin na mahigpit na magkahawak ang mga kamay.



Don't go, please, I-I feel t-the same way, I love you too.” pabulong din na sagot ni Ted pero narinig iyon ni Ardi kahit pa nakatalikod na siya dito. Mabilis na niliitan ni Ted ang espasyo sa pagitan nila ni Ardi at pinaharap ito at hinalikan ng mariin sa labi.



Nagpalakpakan lahat ng tao na miya mo aliw na aliw sa napanood. Hindi pa napigilan pa ni Eric at Alvin ang sarili at sila rin ay naghalikan na.



PING!” kasabay ng tunog na iyon ay ang pagbukas ng elevator at bumulaga si Mike at ang nurse.


Wow! What did I miss?” tanong ni Mike na namumula pa ang labi.





---wakas---




_________________________________________________
Different Similarities 1[23 and epilogue]
by: Migs

28 comments:

  1. umiiyak habang tawa ng tawa! yan ang reaction ko dito. hahaha!! LOL!! angganda talaga :))) great job kuya!

    ReplyDelete
  2. KUYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kung tao ang pagiging mushy, IKAW NA YON!!!!! haha! The ending is EPIC! Anlaki ng ngiti ko!!!! Npapalakpak pa ako as if live ako nanood sa scene nila Ardi at Ted! Haha! Kaw na talaga! Kudos!!!!!!!!!!!!!!!!! The story was one hell of a lengthy drama that suddenly turned into a very mushy happily-ever-after ending! GANDA!

    Impatiently waiting for your next story! haha! (Mapressure ka na! haha!)

    -->nIx

    ReplyDelete
  3. CONGRATULATIONS FOR THIS WONDERFUL STORY. I'ts like reading 2-in-1 story and actually it is. I really love the ending. I feel i'm in-love again hihihi. Eric-Alvin, Ardi-Ted i'm trully gonna miss u guys. Again, thank u very much for this beautiful love story.

    Up next Book2.

    ReplyDelete
  4. SPEECHLESS! Actually, "muntanga" lang. Para akong baliw ngingiti-ngiti habang binabasa ito. Para akong natataeng ewan kaiikot, hihiga-uupo. Kahit sobrang iniiiittt napakape ako. No exagerration. Sobrang ganda. Really appreciate this story very much. And lastly, gonna miss Alvin&Eric, Ardi&Ted. Its like hitting 2 birds in 1 stone kind of story.
    Again, a big thanks sharing your talent and more power. GOD BLESS.

    ReplyDelete
  5. Sheeeet!!! Ang ganda!!!!!! Nakangiti parin ako while typing this comment. Wala kang kupas kuya migs. Mushy King!!! Haha!

    Ang landi ni Mike, nkakagulat yung mga pinaggagawa nya ha.

    At si Ardi at Ted, talagang umeksena pa ng ganon.

    Sabi na eh Alvin-Eric!!!

    Sino kaya ang next? Palagay ko hindi si Ted-Ardi, Mike-Nurse. Kasi mukhang mga happy ending na eh.

    Excited sa bagong story!!

    Keep it up kuya migs. Goodluck sa lahat ng plan mo gawin.

    Congratz sa pagtatapos ng story na ito. :)

    --ANDY

    ReplyDelete
  6. Haaayyy... Ang sarap basahin ng paulit-ulit.

    Parang gusto ko nang matulog at managinip ng katulad ng ganito.

    Ikaw na talaga. Kaya idol ka lahat ng bloggers e. Sinong kokontra?! Try nyo tignan blogs na pinafollow nila nandun lagi ang MSBS.

    Congrats and thank you. You never fail your readers expectations.

    ReplyDelete
  7. ganda ng ending........ kakakilig tatlong love story na natapos sa happy ending

    ReplyDelete
  8. Very, very nice. I have no words how greatly appreciated your works. But the best for me still is the AGAINST ALL ODDS.

    ReplyDelete
  9. hahhaha kakatawa talaga mike..ang landi lang...cute.

    ReplyDelete
  10. Superb! From start to finish! No exaggs. I love it and worth reading. More stories pls.

    ReplyDelete
  11. Ang sarap ma-inlove. Wapak! Wa me masabi!

    ReplyDelete
  12. Ang Saya - saya naman..can't believe it na sila talaga..haha..and the whole story was just story telling XD(Applause)hoho

    and sino naman yang nurse ni mike huh? di ko maisip kung sino sa mga past character ang availble as a nure hehe..

    and eto na yung conclusion ko..yung kwento ni eric related sa chasing pavements mo? i mean parang analogy..moving on into new life, new environment, new persons etc :>

    excited na ko kay Pat :D another sequel nanaman sa buhay mo:D

    ReplyDelete
  13. maganda migs at combo sa dami ng characters. sana may specials para kay mike, ardi and ted

    salamat migs, hinihintay ko na ang kay pat =)

    congrats and more power! (",)

    ReplyDelete
  14. all is well that ends well! :D ang galing! :D

    ReplyDelete
  15. I didn't like it. I LOVED IT!!!! BRAVO for a SUPERB story! Reading it was like watching fireworks, you'll be amazed & happy at the same time. The cheesy and mushy part? I SUPER LOVED IT! As in kinilig ako ng bonggang-bonggang sobrang bongga that the word "wagas" and lubos was not enough to describe my feelings (no exagerattion included!) Reading this was also like watching a feel good romcom movie. Lots of kilig, drama, and comedy! Ikaw na talaga, Mr. Author! Anyhoo, now waiting for the next story and I'm so excited for it. CONGRATS!!! :)

    ReplyDelete
  16. I didn't like it. I LOVED IT!!!! BRAVO for a SUPERB story! Reading it was like watching fireworks, you'll be amazed & happy at the same time. The cheesy and mushy part? I SUPER LOVED IT! As in kinilig ako ng bonggang-bonggang sobrang bongga that the word "wagas" and "lubos" was not enough to describe my feelings (no exagerattion included!) Reading this was also like watching a feel good romcom movie. Lots of kilig, drama, and comedy! Ikaw na talaga, Mr. Author! Anyhoo, now waiting for the next story and I'm so excited for it. CONGRATS!!! :)

    ReplyDelete
  17. WOW omg ang ganda nang endng wow ang galing brvoo....

    ReplyDelete
  18. I really loved the way your story goes.
    Congratulations Migs for a job well done.

    Tanong ko lang kung kailan yung kasunod na story? heheheh

    God Bless and teecee

    ReplyDelete
  19. Sarap naman... Pero i wud have loved ted and eric better. Pero super galing mo Migz. Mahal na Mahal kita :))

    ReplyDelete
  20. another great story from a great well-versed writer...hehehe sana yong iba pang mga stories may ending na rin hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello Mr Anonymous,

      Lahat po ng stories ko dito may ending na. Ano bang story po ang sinasabi niyong hindi ko pa po tapos? :-)

      Delete
  21. ang ganda ng ending. nakakakilig silang tatlo. si ted parang pavirgin pa eh gusto din pala nya hehehehe feeling ko sa susunod na susunod na story kay ant naman. bigla na lang kasi nawala eh at hindi na nasama sa grupo nila ted-ardi-mike-alvin-eric ngayon.

    kuya migs sana bago mag different similarities book 2 chasing pavements muna =)

    -Mike

    ReplyDelete
  22. huwaw!!! i am so into this tlaga.. :p

    ReplyDelete
  23. mike is really a bitch.. landi-landi.. hehehe...

    ReplyDelete
  24. . . . mushy much ending! five stars for this wok.


    xoxo, A

    ReplyDelete
  25. si Ted yung favorite ko

    anyways ganda, galing mo talaga migs. iba ka. ONTO BOOK2
    - JayTee

    ReplyDelete