Different Similarities 1[20]
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Masakit
ang ulo na bumangon si Alvin mula sa kama ni Eric, hindi niya alam
kung bakit pero lumingon lingon siya na miya mo may inaasahan siyang
makita pagkagising, ikinibit balikat niya na lang iyon at nagtungo na
sa banyo para maghilamos at mag mumog. Nang makarating siya sa kusina
ay naabutan niyang nagkakape si Mike, Ardi at Ted. Agad nagdikit ang
kaniyang mga kilay nang hindi niya nakita si Eric.
Naalala
niya nang magkausap sila nito nung party, nang makita niyang
nagdududgo ang tuhod nito at ng magharutan sila kaya't nagtataka siya
kung bakit wala doon si Eric gayong alam niyang andun si Eric nung
nakaraang gabi.
“Hey
guys!” bati ni Alvin sa mga kaibigang nagaagahan.
“Dude!
Not so loud!” singhal ni Mike sabay takip ng kaniyang mga tenga,
hindi makarekober si Mike sa kaniyang hang-over.
“Whatever.”
naiiritang sabi ni Alvin sabay punta sa coffee maker at nagsalin ng
kaniyang iinumin.
“Hey,
where's Eric?” tanong ni Alvin sabay inom ng kape. Agad na
natigilan si Ardi sa paglantak ng kaniyang agahan si Ted naman ay
nagtaas ng tingin habang si Mike ay abala parin sa pag-hilot ng
kaniyang ulo.
“What
do you mean where's Eric? Isn't he in his room---with you?” tanong
ni Ardi, natigilan naman si Alvin, wala na siyang maalalang iba
pagkatapos ng paghaharutan nila nung nakaraang gabi. Hindi niya
maalala kung may napagusapan pa ba silang iba o kung magkatabi ba
silang natulog.
“Nope,
he's not there when I woke up this morning.” balik ni Alvin.
“I'm
sure he's fine---”
“Hey
guys! Are you guys ready to clean this place?” tanong ni Eric
pagkapasok ng front door na ikinagulat ng apat.
Simula
nang umalis si Eric sa condo nung nakaraang gabi ay hindi manlang
niya ipinikit kahit ilang minuto ang kaniyang mga mata para matulog.
Pinagisipan niyang mabuti ang nangyari sa pagitan nila ni Alvin, kung
anong paliwanag ang kaniyang gagawin kung sakaling magtanong ito
tungkol sa nangyaring halikan nung nakaraang gabi sa kwarto niya.
Natigilan
saglit si Eric nang tumama ang kaniyang tingin kay Alvin na umiinom
ng kape.
“I
can do this.” alo
ni Eric sa sarili.
“Can
we just clean the place after lunch?” tanong ni Mike habang sapo
sapo prin ang ulo.
“You
can lay for a while, I'm going to help Eric.” sabi ni Ardi na
binigyan naman ng isang nagpapasalamat na ngiti ni Eric.
“I'll
help.” sabat ni Alvin.
“Well,
good luck guys.” balik ni Ted bilang sabi na hindi siya tutulong.
0000ooo0000
Habang
nililigpit ni Eric ang mga bote ng beer sa sala ay hindi niya
napansin ang lumalapit na si Alvin. Halos mabitawan niya ang tatlong
bote ng beer nang magsalita si Alvin sa likod niya.
“Where
have you been this morning?” tanong ni Alvin sabay humagikgik nang
makitang halos mapatalon sa gulat si Eric.
“Uhmmm
just went out for a drive.” kinakabahang sagot ni Eric, agad na
napansin ni Alvin na parang may mali dahil ngayon niya lang nakitang
ganun ka kabado si Eric, agad niyang naisip na baka nagalit ito dahil
sa paghaharutan nila nung nakaraang gabi.
“Look,
Eric, I would just like to apologize for what happened last night---”
sabi ni Alvin na ikinatigil ni Eric sa paglilinis at biglang
ikinabilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib kasabay nun ay ang pagliit
ng daluyan ng kaniyang hangin kaya't nahirapan siyang huminga at
lahat ng dugo mula sa kaniyang mukha ay tila ba nagpuntahan sa ibang
lugar.
“I
was drunk, alam kong hindi reason yun para harutin kita ng ganun.
Kung nasaktan ka kagabi I swear I didn't mean it, kung medyo
napalakas ang pagkiliti ko sayo or something---” hindi pa man
natatapos ni Alvin ang kaniyang sasabihin ay tila ba nabunutan na ng
tinik si Eric o nadismaya, hindi niya alam. Siguro ay pinaghalong
tuwa at pagkadismaya ang nararamdaman niya ngayon.
“Hindi
niya natatandaan.” alo
ni Eric sa sarili pero kahit papano ay nasaktan din siya. Kahit
papano kasi ay umasa din siya na sinsero ang halik na iyon ni Alvin
sa kaniya, yun pala dulot lang iyon ng alak.
“Hey,
no harm done.” balik ni Eric sabay ngiti pero hindi kumbinsido si
Alvin sa sinabing iyon ni Eric, pati sa ngiting pinakawalan nito ay
hindi kumbinsido si Alvin.
“Are
you sure? I swear I didn't mean to hurt you, Eric.” nagaalangang
sabi ni Alvin.
“Yup.
Hey I'm almost done here, can you take care of the rest while I go
and clean the balcony?” iwas ni Eric, lalong hindi napalagay si
Alvin, hindi normal ang kinikilos ni Eric, pakiramdam niya ay may
nangyaring hindi maganda kagabi at may tinatago si Eric sa kaniya
pero tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito, ayaw
pagkatiwalaan ang sarili na magsalita sa takot na may masabi pa
siyang hindi maganda.
“You
hurt me in a different way. Alvin.”
sabi ni Eric sa sarili habang naglalakad papunta sa balcony ng unit
nila, habang binubuksan niya ang pinto palabas dun ay hindi niya
mapigilan ang mapaluha. Siguro kasi sa kasuluksulukan ng puso niya ay
hinihiling niya na may naalala si Alvin tungkol sa halik at umasa
siya na sabihin sa kaniya ni Alvin na pareho sila ng nararamdaman.
0000ooo0000
Hindi
parin mapakali si Alvin, panay ang tingin niya sa lu-lugo-lugong si
Eric na naglilinis sa may balkonahe, may kung anong bumabagabag sa
kaniya sa mga kinikilos ni Eric. Nang mai-ayos na niy ang buong sala
ay siya namang labas ni Mike na masuyong nakangiti sa kaniya.
“Hey,
the place is looking good. Di ko alam na magaling ka rin pala
maglinis.” sabi ni Mike sabay hagikgik, napangiti na lang si Alvin
at pabirong sinuntok si Eric.
Nitong
nakalipas na buwan, simula ng dumating si Mike sa opisina ay hindi
niya napigilang mapalapit dito, tulad nila ni Eric ay nagkakasundo
rin sila sa maraming bagay. Nung una ay na-intriga lang si Alvin
tungkol sa kung anong naging papel ni Mike sa buhay ni Eric, kung ito
ba ang nanakit kay Eric noon o kung magkaibigan lang ba sila, nito
lang nalaman ni Alvin na hindi si Mike ang nanakit noon kay Eric, Oo,
nag-date sila pero hindi si Mike ang tinutukoy ni Eric na nanakit sa
kaniya. Simula noong magkalinawan na sila ay tila ba lalo silang
napalapit, mabuti ring kaibigan si Mike.
Pero
hindi lang pala pagkakaibigan ang hanap ni Mike. Dahil sa kakaibang
bait ni Alvin ay hindi naiwasan ni Mike na mahulog ang loob niya
dito, inaya niya itong mag-date na pinaunlakan naman ni Alvin. Si
Alvin, bilang iniisip na wala nang mangyayari pa sa kanila ni Eric
kundi bilang matalik na magkaibigan katulad nang ipinahiwatig nito sa
kaniya nung asa bahay sila nila Henry at pinaguusapan ang pagiimbento
ni Eric sa isang mystery guy ay nagpasyang subukang
makipag-date kay Mike. Pero ramdam ni Mike wala sa pagde-date ang
puso ni Alvin, na hindi man alam ni Alvin ay may iba nang
nagmamay-ari ng sarili nitong puso, kaya't wala nang nagawa pa si
Mike kundi ang makuntento na lang sa pakikipagkaibigan kay Alvin.
Pero
hindi ibig sabihin nun ay hindi siya pwedeng makipag-flirt dito.
“Since
you're almost done here, how about we go on a date later, I'm
thinking of watching this movie---” simula ni Mike saktong pumasok
naman si Eric mula sa balcony at si Ted naman ay umupo sa noo'y
kapapagpag lang na kutyon ng sofa ni Ardi. Natigilan si Ardi
pagpagpag ng mga throw pillow sa tanong na iyon ni Mike at agad
siyang tumingin sa gawi ni Eric.
Kitang
kita ni Ardi kung pano lamunin ng sakit na nararamdaman si Eric, kung
pano bumakas sa mukha nito ang sakit, kung pano nangintab ang mga
mata nito dahil sa pangingilid ng luha at kung pano biglang lumalim
ang paghinga nito. Hindi niya mapigilang maawa sa kaibigan, hindi
niya ma-imagine kung ano marahil ang nararamdaman nito, gusto niya
itong abutin ng mahigpit sanang yakapin.
“I
didn't know you guys were dating.” singit ni Ted na gumising sa
pagtitig at pagka-awa kay Eric ni Ardi. Napatingin na rin kay Eric si
Ted at tinanong ito.
“Did
you know they're dating?” umiling na lang si Eric sa tanong na ito.
Tama ang kaniyang hinala na may namamagitan na nga kay Alvin at kay
Mike at ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Alvin ay dulot
lamang ng pagkalasing nito. Inasahan na ni Eric ito, binigyan na niya
ang sarili ng ideya na walang nararamdaman sa kaniya si Alvin pero
hindi ibig sabihin nun ay hindi siya masasaktan sa oras na
mapatunayan niya ito.
Pakiramdam
ni Eric ay sinapak siya ng ilang beses ni Alvin kahit pa alam niyang
walang alam ito sa kaniyang tunay na nararamdaman, kahit pa alam
niyang hindi nito kasalanan kung tanging pagkakaibigan lang ang
tingin nito sa kaniya pero kahit man nagkaganun ay ibayong sakit
parin ang nararamdaman ni Eric.
“We---”
simula ni Alvin para pabulaanan ang sinasabi ni Mike at para linawin
ang mga sinabi nito pero agad na sumingit si Eric.
“Oh
hey, look at the time! I have to meet dad and Shelly at the mansion.”
nagmamadaling sabi ni Eric dahil pakiramdam niya ay tutulo na ang
nangingilid niyang mga luha. Agad na nagtaka ang tatlo sa kinikilos
ni Eric, lalong lalo na si Mike.
“Oh
shit!” tanong ni Mike sa
kaniyang sarili nang maisip kung ano ang marahil na gumugulo sa
kaibigan. Kailangan niya itong makausap upang malaman kung tama ba
ang kaniyang iniisip.
“Eric---”
tawag ni Mike pero huli na dahil nakalabas na ito ng pinto.
0000ooo0000
“Hey
Dad!” bati ni Eric, sinubukan niyang takpan ang tunay na
nararamdaman, akala niya ay nagtagumpay siya dahil masuyo siyang
binati ng kaniyang ama pero nang dumating ang kaniyang madrasta ay
agad siyang nabasa nito sa kabila ng kaniyang ipinapakitang maskara.
“Honey,
what's wrong?” nagaalalang tanong ni Shelly na ikinagulat ni Henry,
muli niyang tinignan ang anak at nun niya napansin ang mga
nangingilid nitong luha.
0000ooo0000
“Son,
you can't always run from your problems.” payo ni Henry sa anak
matapos ikuwento ni Eric ang mga nangyari at ang planong layuan na si
Alvin.
“B-but
I can't take it anymore. It's like being with Pat. I don't want to go
through that again, I don't want to hurt Mike like I hurt Jake
before, I don't want to hurt Alvin like what I did with Pat, I- I
just want---”
“You
are not going to hurt other people, Eric.” alo ulit ni Henry.
“Believe
me, dad, it's only a matter of time---” simula ni Eric. Sinabi ito
ni Eric dahil agad niyang naalala ang sinabi sa sarili noon na hindi
na siya mamamagitan kila Pat at Jake pero hindi niya rin napigilan
ang sarili. At yun ang ikinatatakot niya ngayon, baka hindi niya ulit
mapigilan ang sarili at katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake ay
masaktan niya rin ang mga ito. Gustong lumayo ni Eric kila Alvin
dahil hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili, hindi siya
makasisiguro na mapipigilan niya ang sarili na pumagitna kay Alvin at
Mike katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake noon kaya't bago pa man
iyon mangyari ay iiwas na siya.
“OK,
I'll see what I can do, but I still think that this is all a mistake,
a misunderstanding.” saad ni Henry sabay punta sa kaniyang opisina
sa loob ng mansyon para gumawa ng isang tawag.
0000ooo0000
“Hey
Ardi, want to have lunch with us?” tanong ni Alvin nang makatapat
sa lamesa ni Ardi saka sumulyap sa lamesa ni Eric na napansin niyang
walang laman, napabuntong hininga na lang si Alvin.
Dalawang
araw pagkatapos ng party ay halos di na niya nakikita si Eric, hindi
parin sila nagkakausap nito ng maayos, malakas parin ang pakiramdam
niyang may nagawa siyang masama nung gabi ng party pero kahit anong
halughog ang gawin niya sa kaniyang utak ay wala talaga siyang
maalala.
“Where's
Eric?” tanong ni Alvin sabay harap kay Ardi, nagulat siya ng
makitang may pagkairita siya nitong tinignan, marahil rumehistro sa
mukha ni Alvin ang gulat kaya't agad na nagbuntong hininga si Ardi at
inalis ang pagkairita sa boses ng sumagot kay Alvin.
“He
said he's going to Jacobson in Ortigas.” malungkot na sagot ni
Ardi.
“What?
Why?” gulat na tanong ni Alvin. Alam ni Ardi na malilintikan siya
kay Eric dahil nangako siyang hindi niya sasabihin kay Alvin ang
binabalak niyang paglipat.
“He's
going there for a job interview.” sagot ni Ardi, hindi nakaligtas
sa kaniya ang sabay sabay na pagrehistro ng gulat, pagkalungkot at
galit sa mukha ni Alvin.
“Kaaalis
niya lang?” medyo may pagkamatigas na tanong ni Alvin, agad na
kinabahan si Ardi, napaisip tuloy siya kung tama ba o mali ang
kaniyang ginawang pange-ngeelam.
“Ardi?!”
singhal ni Alvin.
“Kaaalis
lang, mga five minutes ago.”
“Magdadala
ba raw siya ng sasakyan?!” umiling bilang sagot si Ardi sa tanong
na ito ni Alvin.
“Hindi---”
hindi pa man natatapos ni Ardi ang sasabihin ay patakbo ng umalis si
Alvin.
“Oh
shit.” bulong ni Ardi sa
sarili.
“Why
is he running?” tanong ng kararating lang na si Mike, agad na
sumimangot si Ardi hindi mapigilang ilabas ang pagkainis kay Mike.
“He's
going after Eric.” singhal ni Ardi.
“Why?”
“What's
with the questions? Are you going after Alvin and ruin everything for
Eric again?” singhal ni Ardi na ikinagulat ni Mike.
“What
the hell is your problem?!” balik ni Mike.
“You!
You are my problem! What kind of friend are you?! Di mo ba napansin
kung pano tignan ni Eric si Alvin? Kung pano siya magsalita kapag
nandiyan si Alvin, ha? Kahit sino sa opisinang 'to ang tanungin mo,
they will give you the obvious answer! Mike, Eric is in-love with
Alvin! Ikaw lang ang tanging bulag dito na hindi nakita iyon!”
“I-I
didn't know!” balik ni Mike. Matapos umalis ni Eric nung umaga
pagkatapos ng party ay naisip na rin ni Mike na baka may gusto si
Eric kay Alvin pero hindi niya inaasahan na ganun na pala kalalim ang
nararamdaman ni Eric para kay Alvin. Gusto niyang kausapin ang
kaibigan pero magdadalawang araw na niya itong hindi nakikita.
“Yeah,
I guess you didn't, because you were busy drooling over Alvin.”
ilang beses na bumukas at sumara ang bibig ni Mike para sumagot sa
sinabing ito ni Ardi.
“And
that stunt you did the morning after the party---?” umiiling na
sabi ni Ardi, tinutukoy ang insidente kung saan naisipan ni Mike na
landiin si Alvin.
“---That
stunt shows how blind you really were. You should've seen Eric's face
that morning.” umiiling na sabi ni Ardi, nangingilid narin ang mga
luha, hindi mapigilang maawa kay Eric. Matapos Agad na tumayo si Ardi
at lumakad papuntang C.R., palayo kay Mike.
Napako
sa kinatatayuan si Mike. Hindi narin mapigilang mangilid ang luha at
sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Oo, nasaktan siya noon ni Eric
dahil pakiramdam niya ay ginamit siya nito, pero pagkatapos ng
nangyari sa pagitan nila Pat at Jake ay hindi niya alam kung paano pa
makakayanan ng kaibigan ang sakit at hindi niya pinangarap na
dagdagan pa ang sakit na iyon. Sinimulan niyang sisihin ang sarili sa
mga nangyayari at pinagduldulan sa sarili kung pano siya kasama
bilang kaibigan.
0000ooo0000
Nagmamadaling
umakyat ng stasyong ng MRT si Alvin, tinatalasan ang paningin sa mga
nakapalibot na tao, umaasa na makikita si Eric na naglalakad kasabay
ng mga iyon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bkit pero tila ba
may nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang habulin ngayon si Eric at
huwag ng iisang tabi ang pakikipagusap dito kung hindi ay tuluyan na
itong mawawala sa kaniya.
Hawak
ang ticket at ang walang tigil na pagkabog ng kaniyang dibdib ay
nakita niya si Eric na panay ang tingin sa kaniyang relo at dumungaw
sa platform ng stasyon na miya mo pinagmamadali ang tren.
“Eric!”
tawag ni Alvin.
Agad
na nanlambot si Eric pagkarinig ng boses na iyon ni Alvin, dumulas
ang kaniyang sapatos sa platform ng stasyon na iyon. Nakita ni Alvin
na nadulas si Eric at pahiga itong nahuhulog papunta sa riles ng
tren. Tinakbo ni Alvin ang ilang hakbang na naghihiwalay sa kanila ni
Eric.
Umaasa
na masasalo niya ito bago pa ito tuluyang mahulos sa riles ng tren.
Itutuloy...
_________________________________________
Different
Similarities 1[20]
by:
Migs
Naagapan kaya ni Alvin ang pagkakahulog ni Eric sa riles? Hmmmm wag naman sanang may accident.
ReplyDeleteAnyway, salamat Migs for the update. I've been checking this site along with the others several times a day, libangan na kasi away from someone and from the loveones...
:D
ReplyDeletewaaaah!!! Sabi na ih!! Alvin-Eric to!!!! Mahihina kasi pareho ang loob ni alvin at eric kaya umabot sila sa ganito. Parang gusto ko pa pahabain ni kuya migs ang story na to, ayoko pa sila magkalapit, konting thrill pa. Lol.
ReplyDeleteAng galing mo talaga kuya migs! Lahat maganda ang gawa mo!
Thanks sa update. :)
BOOM. sapul si mike kay ardi hahahaha next chapter na sir migs =)
ReplyDeletenaaawa ako kay eric. dati maka ERIC-TED ako ngayon ERIC-MIKE na. joke. ERIC-ALVIN pala hahahaha
-Mike
maaksyon na ang next na eksina. hehehe. go author
ReplyDeletetaga_cebu
",) un lang!
ReplyDeleteAw! ang creepy kung matuloy yung accident. *chillz
ReplyDeletekuya migs! thank you. :)
nawala yung comment ko =(
ReplyDeleteulitin ko na lang =)
BOOM. sapul si mike kay ardi hahahaha kawawa naman si eric. dati gusto ko ERIC-TED pero ngayon ang gusto ko na ERIC-MIKE. joke. ERIC-ALVIN pala hehehehe
Haist... Ayan... Napala ng torpe. Kse naman itong si Alvin... Pa-effect pa kasi... Masyado syang slow sa mga actions ni Eric boss pa naman hi3x. Ikaw naman Mike lumugar at umayos-ayos ka kung hindi... may paglalagyan ka kay Ardi hahaha. Tnk po kua Migs sa update. Naku... Last 3 chaps na lang.
ReplyDeleteParang gatling gun si ardiXD si mike na walang kaalam alam though may point si ardi na he's busy drooling at alvin.
ReplyDeleteat kasalan pala talaga to ni ardi madaldal maxado XD or pede na imbes na si alvin makakahawak kay eric si ram na lang XD hoho..
nakakainis..sana kasi dina lang naabutan si eric para may ted-eric haha
Pero may nasesense ako na Alvin-Eric tlaga lalo na nung binaswa ko ung Prologue. ;)
Deleteambobo lang ni mike. Lol
ReplyDeleteParang gusto ko mameet si Migs! Super galing!
Nakabasa din sa wakas!
ReplyDeleteganda migs. talagang cliffhanger pa ha :D
cant wait sa next chap. (",)
happy easter! =)
Hi migs, i'm back, not only here sa blog mo, but here in Pinas... Hehe..
ReplyDeleteBasa mode muna ko, dami ko namiss but most importantly, I miss you.
Ganda nito, sana happy na si eric... Go alvin, chase what is rightfully yours
hi migs, malapit ko ng matapos tong different similarities book 1 cant wait to start to read the next book hehehe.
ReplyDeleteteecee
hahaha, patawa yung riles scene! XD
ReplyDelete