Monday, April 30, 2012

Different Similarities 2[5]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Napa- buntong hininga na lang si Kyle nang marinig niya ang nagsusumigaw na hipag. Kung hindi lang ito kaatid ng kaniyang namayapang asawa at kung hindi lang ito mahal na mahal ng kaniyang anak na si Liam kahit pa madalas niya itong sigawan at ay baka matagal na niya itong pinalayas. Nagmadali siyang bumaba papunta sa pinanggagalingan ng mga sigawan.


Naabutan niyang sapo-sapo ni Nina ang kaniyang ulo habang si Liam ay nagtatago sa ginawa nilang isang kanyon na gawa sa tubo at si Pat ay walang tigil ang pagpapaliwanag kay Nina at pag-hingi ng tawad dito. Tumagal ang kaniyang tingin kay Pat, kahapon lang ay buong araw silang magksama nito at ngayon nandun nanaman ito sa kaniyang bakuran at nakikipaglaro sa kaniyang anak, madalas kung ibang tao ito ay malamang nagaamok na sa galit si Kyle, pero iba si Pat, hindi niya maintindihan kung bakit pero hindi niya magawang magalit o mairita man lang dito.



Sinadya mo 'yon ano?!” bintang ulit ni Nina.


I swear, it was an accident--- Look, Nina, I'm sorry OK, we were just playing around and we didn't know---”


You son of a bitch! Anong hindi alam?! Sinadya mo 'to alam ko!” bintang ulit ni Nina sabay sapo sa noo'y namumukol na niyang noo.


Nina! He said he was sorry and that it was an accident. Drop it OK? And how many times do I have to tell you not to swear in front of Liam?!” naiinis na balik ni Kyle. Naiinis dahil, una, kagigising niya palang, pangalawa, hindi pa siya nakakapag-yoga sa umagang iyon at pangatlo ay hindi pa siya nakakapag-kape, kaya't ang marinig ang matining na boses ni Nina dahil sa pagsigaw nito ay talaga naman nakasira sa umaga ni Kyle.


I will not just drop it Kyle! I told you not to let this asshole inside the house and still here he his, making this place a disaster area---” napapikit na sa sobrang inis si Kyle pero tuloy parin si Nina sa pagdakdak, napansin ni Pat na nag-iba na ang aura ni Kyle kaya naman binulungan niya si Liam na pumasok muna saglit ng bahay.


Stop it.” sabi ni Kyle pero hindi ito pinansin ni Nina.


--- I told you that he is a no good---”


STOP IT!” sigaw ni Kyle na ikinagulat ni Pat at Nina.


I am so fucking tired of you trying to run my life! I am so fucking tired of you always bitching around and acting like you fucking own this place and I'm so fucking tired of you trying to be your sister when clearly you are soooo far from being her! I'm tired of this shit!” sabi ni Kyle at literal na hiningal ito matapos nitong magpalabas ng sama ng loob. Naiwang nakanganga si Pat at Nina. Nagulat si Pat dahil sa ilang araw na nakilala niya si Kyle ay ni hindi niya na-imagine na nakapagmumura pala ito ng ganung kalutong.


Kinakabahang tinignan ni Pat si Nina, tila pinupunit ang kaniyang puso sa nakita sa mukha nito. Walang iba kundi ibayong sakit ang naka-plaster sa mukha nito. Hindi rin ito nakaligtas kay Kyle dahil nang tignan niya si Nina ay tila ba gusto niyang bawiin ang kaniyang mga sinabi. Sinubukan ni Kyle na humingi ng tawad kay Nina pero agad siyang natigilan nang makita niya ang ilang matatabang luha mula sa mga mata nito.


Nina, wait.” simula ni Kyle nang maglakad na ito palabas ng bahay, pero hindi ito nagpapigil at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Agad itong sinundan ni Kyle at Pat, hindi pa man naaabot ni Nina ang front door ay tila ba parehong sinapak si Kyle at Pat sa susunod na narinig.


Aunt Nina, where are you going?” tanong ng bata, sa tono ng boses nito ay alam ni Pat na may ideya na ito sa mga nangyayari. Parehong nag-angat ng tingin si Pat at Kyle at nakita nilang nangingilid na ang luha nito, mabilis na bumaba ang bata sa hagdan at iniyakap ang sarili sa mga binti ni Nina.


Please stay. Daddy didn't mean all those bad stuff he said.” sabi ng bata habang nakangudngod ang mukha sa binti ni Nina. Pinahiran ni Nina ang kaniyang mga luha at lumuhod para magkatapat na ang kanilang mga mukha ni Liam.


I want you to behave while I'm gone OK? I'll visit you---”


NO!” sigaw ng bata at iniyakap pa lalo ang sarili sa leeg ni Nina. Ayaw ipakita ni Nina na umiiyak siya sa bata kaya't agad niyang tinanggal ang pagkakayakap nito at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Nagsimula nang umiyak ng malakas si Liam at tumakbo pabalik sa kaniyang kwarto. Hindi alam ni Kyle kung sino ang kaniyang uunahing aluhin pero naisip niya rin agad na kailangan niyang humingi ng tawad kay Nina pilitin itong huwag umalis.


Nina, wait!” pigil ulit ni Kyle, wala ng magawa si Pat kundi ang makonsensya pakiwari niya ba ay kasalanan niya ang lahat pero naisip niyang huwag na lang mangeelam at manood na lang sa mga susunod na mangyayari at ipinangako sa sarili na aakto siya sa oras na may hindi magandang mangyari.


Naabutan ni Kyle na sumasakay ng sariling kotse si Nina at pinigilan niya ang pinto nito sa pagsara.


What?! You want me out of your lives, right?! That's what I'm going to do right now!” singhal ni Nina sabay sara ng pinto na ikina-ipit ng mga daliri ni Kyle sa parehong kamay. Halos marinig sa buong village ang sigaw ni Kyle. Halatang hindi ito sinasadyang mangyari ni Nina dahil agad nitong tinignan ang mga daliri ni Kyle, may pagaalala sa mukha nito, akala pa nga ni Pat ay hihingi ito ng tawad sa bayaw pero muli itong sumakay sa kotse at nagmaneho palayo.


Nakita ni Pat na pinanood pa ni Kyle ang kotse ni Nina palayo saka ito napa-upo sa drive way, alam ni Pat na may mali sa ikinikilos ni Kyle kaya't agad niya itong nilapitan. Nanlumo at halos mahimatay si Pat sa kaniyang nakita. Bali ang ilang buto sa mga daliri ni Kyle at alam niyang nasasaktan ito kahit pa wala itong sabihin.


Kyle, hang in there buddy, I'll take you to the hospital.” sabi ni Pat pero marahan lang na umiling si Kyle.


We can't leave Liam alone, we can't take him with us either because he's afraid of hospitals---”


I'll call mom and dad. They can watch over Liam while we're gone.” alok ni Pat, saglit na nag-isip si Kyle na ikinabahala lalo ni Pat.


OK---” pag payag ni Kyle saka tumayo sa pamamagitan ng pagalalay ni Pat.


I'm sorry kung lagi ka na lang naiipit sa awayan namin ni Nina. I swear I didn't know what's happening between us. Hindi kami ganito dati.” umiiling na sabi ni Kyle habang inaalalayan siya ni Pat papasok sa sariling kotse.


Tawagin ko lang si Liam at ihahatid sa bahay, sumigaw ka lang kung kailangan mo ako.” paalam ni Pat saka nagmamadaling tinawag si Liam na nagmumukmok sa kwarto nito.


Liam?” tawag ni Pat sa atensyon ng bata. Nakita niyang nakausli ang ibabang bahagi ng labi nito at nakatupi ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib.


Why did Aunt Nina go? I-I promise to be a good boy, j-just p-please ask her to come back.” humihikbi na ulit na sabi ni Liam. Tila naman kinurot ang puso ni Pat sa sinabi ng bata. Lumuhod si Pat sa tapat ng bata saka ito niyakap ng mahigpit.


I promise to talk to your Aunt Nina later, but now I have to take your dad to the hospital, do you think you can stay at my place for a while, while we're gone?” tanong ni Pat agad na nagtaas ng tingin si Liam at nagtama ang kanilang mga mata.


Is daddy going to be OK?” lalong naluhang tanong ng bata.


I still don't know, buddy, but I think he's hurt and he needs to be checked by a doctor.” marahang sagot ni Pat, tumango ang bata at magka-akay silang naglakad ni Pat palabas ng bahay. Saglit na tumigil ang bata sa tapat ng kotse ni Kyle.


I'll see you later, OK, buddy?” tanong ni Kyle naluluha ulit na tumango si Liam at naglakad na silang dalawa ni Pat patungo sa bahay ng mga magulang ng huli.


0000ooo0000


I wonder when will you turn up for breakfast!” magiliw na bati ni Lita kay Liam, walang ideya sa mga naganap sa kabilang bahay pero nang mapansin nito ang malungkot na mukha ng bata at ang seryosong reaksyon sa mukha ng anak ay agad sana itong magtatanong pero naunahan siya ni Pat sa pagsasalita.


Kyle's hurt, I need to take him to the hospital. Will you look after Liam for a while?” tanong ni Pat, agad na nakuwa ni Lita na mamya na sa kaniya sasabihin ni Pat lahat ng dapat niyang malaman at ang importante ay ang hinihiling nito sa kaniya ngayon. Tumango na lang si Lita at inabot ang kamay kay Liam.


Buddy?” tawag ni Pat, saglit na lumingon ang bata, masuyong ngumiti si Pat at ipinagpatuloy ang sasabihin.


Don't worry, daddy's going to be OK.” pagtatapos ni Pat, muling kumawala si Liam sa kamay ni Lita at mahigpit na niyakap si Pat.


Guess what, Liam?” simula ni Lita agad nitong nakuwa ang atensyon ng bata.


What?” mahina pero hindi maitatagong nae-excite naring tanong ni Liam na ikinangiti pareho ni Lita at Pat. Nagsimula nang maglakad pabalik si Pat sa kotse ni Kyle at ang huli niyang narinig ay ang mga sumusunod.


I bought two bags of hotdogs, I'll let you help me cook it if you sing a song for me---”


0000ooo0000



Naabutan ni Pat si Kyle na nakataas ang dalawang kamay at namumutla, halatang nasasaktan sa nangyari sa kaniyang mga daliri pero hindi rin nakaligtas kay Pat ang tila ba malalim na pag-iisip nito.


Mercy West.” bulong ni Kyle na ikinataka ni Pat.


Huh?”


Mercy West Hospital. That's where I work, you can bring me there, I think my fingers are broken.” namumutlang sabi ni Kyle, napatingin naman si Pat sa mga kamay nito at napa-iling.


Nang makarating sila sa ospital ay agad na binati ng duktor si Kyle at ineksamen ang mga daliri nito, kahit pa mukhang kalmado si Kyle ay alam ni Pat na kung hindi ito kinakabahan ay baka nagagalit ito sa nangyari sa kaniya.


Doc, I have good news and some bad news---” simula ng duktor na kapwa duktor ni Kyle sa ospital na iyon, saglit na minata ng kasamahang duktor ni Kyle ang magiging reaksyon ng dalawa, nang makitang hindi magsasalita ang dalawa ay tinuloy niya ang kaniyang sasabihin.“---the good news is not all your fingers are broken, you have two in your right hand and two in your left, with proper management your fingers will be good as new. The bad news is our management consists of placing splints in all your fingers in both hands, hindi kasi pwedeng yung tig dalawa lang na bali ang pwedeng lagyan, because the goal of our splints are to immobilize and let the bones mend itself properly, diba? Ang mangyayari kapag yung mga bali lang ang lalagyan natin ng splints malaki ang possibility na gumalaw parin ang mga may bali thus prolonging the bones healing process or it may even hinder in the healing of the bones, pag nangyari yun it's either your hands will be disfigured for life or we need to do surgery to correct it. Kahit may surgery pwede ka paring mag-splint after so ganun din yung process. So I like to take the necessary precautions kesa naman magsisi tayo pare-pareho in the end, so all fingers will have to be on a splint because remember what they say about 'where one finger goes the other follows' well except for our thumb---?” nakangiting tanong ng duktor pero nang makita niyang seryoso parin ang dalawa at mukhang wala ulit balak sumagot sa kaniyang tanong ay muli na lang siyang nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “--- isa pa yun sa hindi magandang balita, because of the splints you will have difficulty in basic functioning with your hands or what we call fine motor reflexes such as holding your fork and spoon for eating, texting, washing yourself etc. pero kung matitiis mo naman, within 2 months OK na yung fingers mo.”



Kung posible pang mamutla si Kyle ay namutla pa ito. Hindi mapigilan ni Pat na maawa sa bagong kaibigan.

0000ooo0000


Daddy are you OK?” tanong ni Liam nang makabalik na sa bahay nila Pat ang dalawa. Nakita niyang ngumiti si Kyle, kahit na hindi iyon ang pangkaraniwang ngiti na madalas na pinapakawalan nito ay alam ni Pat na totoo ang ngiting iyon para sa kaniyang anak.


Itinaas ni Kyle ang kaniyang kamay para sana guluhin ang buhok ng anak pero nang makita niya ang kaniyang kamay na miya mo itinali sa isang ping-pong paddle ay agad siyang nalungkot. Mahigpit ang pagkakasplint sa kaniyang mga daliri para hindi gumalaw ang mga ito at tuluyan na siyang nawalan ng kakayahang makahawak, alam niyang hindi ito permanente pero hindi niya parin mapigilan nag malungkot.


I'm OK, little buddy.” sabi ni Kyle sabay luhod sa harapan ng anak na masuyo namang yumakap sa kaniya.


How are you, son?” tanong ni Louie na biglang sumulpot sa may front door ng bahay nila.


I'm OK, sir, though I will deal with these---” simula ni Kyle sabay muestra sa kaniyang mga daliring nakasplint “---for two months.”


Ouch! Well, if you need anything I'm sure Pat will be happy to help you.” suhestyon ni Louie na halos ika-himatay naman ni Pat. Nagtama saglit ang mga mata ng mag-ama, sa mata ni Louie ay walang mabasa si Pat kundi ang pangaalaska habang si Louie naman ay walang ibang mabasa sa mga mata ng kaniyang anak kundi ang pagkairita.


Thanks, we should get going. Thanks Pat.”


Come have dinner with us.” aya ni Lita na katulad ng kaniyang asawa ay bigla ring sumulpot.


I don't think I can eat with these. I would appreciate it if you let Liam eat with you guys, though, I think manang didn't cook lunch.” malungkot na pahayag ni Kyle, aalukin sana ni Pat na susubuan na lang niya si Kyle pero agad niyang pinigilan ang sarili, pinaalala na hindi sila pareho ng orientation ni Kyle. Napansin naman ni Louie ang muntikan ng pagsalita ni Pat, alam niyang muntik na nitong alukin ng dalawang buwang pagaalaga sa kanilang kapitbahay pero pinigilan lang nito ang sarili. Napangisi na lang si Louie na hindi nakaligtas kay Pat kaya naman binigyan niya ang ama ng masamang tingin.


Are you sure?” nagaalalang tanong ulit ni Lita.


I think I'm going to rest for a while, I'll pick up Liam later.”


OK, if you're sure---”


I'm sure.” matipid na sagot ni Kyle sabay kaway sa kaniyang anak saka sa mag-anak ni Louie.



Naguusap na pumasok ng bahay ang mga magulang ni Pat, hindi niya alam kung bakit pero mas pinili niyang panoorin si Kyle maglakad pauwi ng bahay nito kesa ang kumain, nang makita niyang nakapasok na ito ng gate ay nagsimula naring tumalikod si Pat at nakita niya si Liam na katulad niya ay mataman ding pinapanood ang kaniyang ama. Nakakunot ang noo ng bata at sa pakiwari ni Pat ay paiyak na ito.


Liam, buddy, are you OK?” tanong ni Pat, nag-angat ng tingin si Liam at marahang umiling.


Dad is sad. Why is dad sad?” tanong ng bata sabay paling ng ulo sa kaliwa habang iniintay ang sagot ni Pat.


Marami lang iniisip ang dad mo---” simula ni Pat at sa punto ring iyon ay naka-isip ng paraan si Pat kung paano mapapagaang ang lahat kay Kyle sa araw na iyon. “---You know what, why don't we cook lunch for him and then go over your house and surprise him?” tanong ni Pat sa bata na agad namang lumiwanag ang mukha.


Let's!” sigaw ng bata sabay takbo papasok sa bahay nila Pat na ikinahagikgik naman ng huli.


0000ooo0000


Hey daddy.” tahimik na bati ni Liam sa nakaupong ama. Naabutan ni Pat at Liam si Kyle na tahimik na naka-upo sa den, halatang malalim ang iniisip. Nagulat si Kyle at agad na nilingon ang bata.


Hey buddy. I thought you're going to eat lunch with---” simula ni Kyle pero agad din siyang napatigil dahil nakita na niya ang isang plato na puno ng pagkain na dala ng kaniyang anak at ni Pat na nakatayo sa likod ng bata.


You didn't have to bring me food, Pat. Di ko rin naman makakain yan eh.” nahihiyang sabi ni Kyle. Agad na lumapit si Liam sa kaniyang ama at niyakap ito.


Susubuan kita, daddy.” masuyong mungkahi ni Liam na ikinangiti naman ng ama. Hindi na nakapagsalita si Kyle at niyakap na lang niya ang kaniyang anak.


0000ooo0000


Masuyong pinapanood ni Pat ang mag-ama, napapangiti siya sa tuwing susubuan ng bata si Kyle pero hindi pa man nakakakalahati ng plato ang napapakain ng bata sa ama ay pumaling na sa kaliwa ang ulo nito at tila ba hindi na mapakali sa kaniyang kinauupuan.


Liam, are you OK?” tanong ni Kyle, miya't miya ang tingin ng bata sa TV.


What is it, buddy?” tanong naman ni Pat.


Spongebob.” senyas ni Liam kay Pat sabay nguso sa TV. Napahagikgik naman si Kyle at Pat.


OK buddy. I'll feed daddy while you watch T.V.” humahagikgik paring sabi ni Pat na ikinamula naman ni Kyle dahil sa hiya na ang kapitbahay niya pa ang magpapakain sa kaniya. Si Liam naman ay excited na humarap sa TV at binuksan ito.


You don't have to do this, Pat, I can ask manang to---”


It's OK. You're not going shy on me now, are you? After you clean my mouth with soap feeding you is not that big of a deal---” natatawang biro ni Pat, tinignan siya ni Kyle at pati siya ay napangiti narin. “---and besides, I think manang is flirting with Mrs. Garcia's driver, you wouldn't want to interrupt a 40 year old virgin from flirting, do you?” biro ulit ni Pat na ikinahagalpak naman ni Kyle sa tawa.


Shhhh!” saway ni Liam sa may harap ng T.V. muling humagikgik ang dalawa, habang humahagikgik si Pat ay naghahanda na ito ng pagkain na isusubo kay Kyle, sa punto rin na iyon ay pinapanood ng huli ang bawat kilos ni Pat. Hindi maiwasang magpasalamat sa kaniyang sarili para sa ginagawa ng kaniyang kaibigan na pagpapagaang ng kaniyang loob at pag-aalis ng kaniyang hiya.


Nang i-angat ni Pat ang kaniyang tingin ay nakita niyang masuyo siyang pinapanood ni Kyle. Sa pagkakahuli niyang iyon sa huli na masuyong nakatingin sa kaniya ay tila ba may kumiliti sa kaniyang tagiliran. Nginitian lang siya ni Kyle na lalong nagpalala ng kaniyang nararamdaman.


Wala ng nagawa pa si Pat kundi ang suklian ito ng isang kinakabahang ngiti habang inaalam sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon.



Itutuloy...


____________________________
Different Similarities 2[5]
by: Migs

25 comments:

  1. Hey guys! Salamat sa mga nag-comment sa last post! :-) Sa mga nagtanong po sa mail ko tungkol sa kung sino po ang bida sa book 3 ng Different Similarities, ang sagot ko po ay wala. Kasi, hanggang book 2 lang po ang Different Similarities. Hehe.

    Para kay...

    Jetlander: it wasn't supposed to be a little kid. Dapat aso siya, pero dahil naisip ko na may nasulat na ako na may aso na kasama pinaltan ko na lang at ginawa kong bata batuta si Liam.


    Glitterti: this is the answer to your request about more of Pat and Kyle and about Nina being out of the picture. ^-^

    --makki--: buti naman at nagagawa pa kitang aliwin. haha! Salamat!

    Mervin: Nice to have you back! Where have you been? nagdate ba kayo ni Glitterati? sabay kasi kayo nawala at sabay na bumalik eh. About naman sa mga pages sa facebook, tatlong pages lang ang may consent ko. Untold forbidden love stories, PLU and Kwentong Bisexxxual. Nagpaalam naman sila ng maayos. thanks for the heads up though. ^_^


    Stringx: stay tuned to find out. ^_^

    jEmyro: sorry naman sa spelling ng name. haha!

    Gerald: busy nga lang ako. hehe! and who wouldn't love a kid?

    Jay: Aasahan ko ang comment mo after every chapter. Promise mo yan eh. haha! napasubo ka ano? ^_^

    --ANDY: tama ka, tahimik lang talaga ako kapag hindi naaagrabyado. hehe. Passive ata ang term dun. ^_^ as for Joey the dog? keep tuned para malaman mo. ;)

    Chris: sabi mo yan ah!

    aR: i hear you about hirap magpigil kapag may gusto kang awayin. baguhin ko din ang font. haha! ewan ko ba naman sayo at pati yun napansin mo. at anong ex mom? hahahaha! walang bumalik nagsusumiksik meron pero bumalik. wala.


    Mike: OK lang na nakalimang chapter na at wala ka pang comment. pero aasahan ko na lagi ng meron ah. ^_^ demanding lang.

    wastedpup: haha! love ka ng love dyan ah!

    Adam: ermmm korny kasi akong mag-joke kaya hindi ko malagyan ng konting humor at baka lalo pang pumalpak. About naman sa fantasy genre ng story may nagawa na ako kaso di ko mapost dahil tinatapos ko muna yung mga naiwang character sa ibang story. I don't know about the pagkalog ng ulo? errr baka iling? i tried limiting flashbacks, kung nabasa mo yung mga dati kong story lulungad ka sa flashback. Nabawasan na yan sa lagay na yan. haha! no need t say sorry. I value everyones opinion... at least when I'm not annoyed. Oh and nice profile pic by the way! :-) is it taken with instagram? :-D

    Salamat sa mga magbabasa at enjoy! Mwah!

    ReplyDelete
  2. Hangcute! Ang sarap imaginin ni liam na nagtataka... sir migs wag mong aalisin sa bawat chapter si liam ah... Gegerahin kita... Haha.. Echos...

    Ang galing galing... Gandang chapter!

    ReplyDelete
  3. Hangcute! Ang sarap imaginin ni liam na nagtataka... sir migs wag mong aalisin sa bawat chapter si liam ah... Gegerahin kita... Haha.. Echos...

    Ang galing galing... Gandang chapter!

    ReplyDelete
  4. And Nina is out of the picture now and injured Kyle's hands. Leaving him immobilized. How i would imagined having your both hands embraced with a splint. How difficult to do some basics chores. Bad Nina. Hope she vanished forever but I'm afraid she wont cuz little boy Liam loves her and she also spiced up the story. So, this means leaving Pat for the meantime to the rescue to help on Kyles precaments. So bad of me thingking how would kyle take his bath and shit. Hahaha. i'll just leave it to you on how, migs ".) All in all still a good chapter.

    Btw, again thank you for the mention.

    ReplyDelete
  5. Ang cute talaga ni Liam!!!

    Pasensya na po pero siya talaga ang inaabangan ko dito XD
    hindi ako makafocus sa love story nila pat dahil sa bata

    Kawawa naman si Kyle pero ayos lang, anjan naman si Pat eh XD

    Thank you po!!

    Ian po pala here!

    ReplyDelete
  6. tama nga ang cute ng eksena...migs galing

    ReplyDelete
  7. Yes!!! wala na si nina, i hoped wlang dramtic napagbabalik yan yung tipong lines na "matagal na kita gusto, nagpaubaya lang ako sa kapatid ko" XD hoho..

    tama yang scenes..dapat kasi it takes time for the two to developed kung ano man yang meron sakanila, mahirap kasi agad2 gusto na nila agad isat isa, yung feeling mo na 1week crush mo or 1 week may s/sx na gusto ka then after 1month bigla na lang natauhan tinigilan ka, di ka pala gusto, friends2 lang pala ending niyo, nabigla lang sa kagwapuhan moXD (wala akong pinaghuhugutan ha? haha magaling lang ako sa ganitoXD)

    Haha..wala ba? grabe kasi ako magconclude meron kagad, haha..anyway..di ko naman pinapansin alam mo yung pag may tinitignan ka tapos may something sa gilid ganun lang namanXD

    ok lang din kung walang book 3 nito different similarities, kasi feeling ko itong 2 parts ng book e for making eric and pat have a good life after their crisis..si jake kasi may nahanap na siya, na right for him. Kaya dapat ayusin mo na buhay ni ramXD haha grabe single and available pa rin siya :D haha

    ReplyDelete
  8. Tama si Gerald.. pano yung pag paligo at pag poops ni Kyle? ni bidet di na nya mahawakan.. LOL... malamang si Pat ang mag-aalaga kay kyle.. pero parang babalik s eksena si Nina(nurse).. agaw eksena sa pag-aalaga kay Kyle...
    Ayiiieee! hang kyut ni Liam.. ;)

    ReplyDelete
  9. Ang kyut nga ni Liam at ang kyut din ng scene ni Pat at kyle sa huli.

    ReplyDelete
  10. so nice ang paglalahad ng story mo migs, napuno din si kyle at nailabas din nya ang kinikimkim ng galit sa pakealamerang hipag nya. whoaah! galeng sa pagkakaexecute ng dialogue. he he he. ang galeng at ang cute ng papel ni liam, nkakawala ng stress pag sya na ang bumanat. maswerte din c pat at may ama syang nkaka unawa sa pinagdadaanan nya at pasimuno pa.ha ha ha. congratz sa patuloy mong pagshe share ng isa sa mga obra mo migz. keep up the good work.

    ReplyDelete
  11. Hmmm,. pramis! uber excited na ko sa next part! waaah! dameng kapilyuhan naiisip ko na pwde mangyare. ngayon ko napatunayan, ang dumi na talaga ng utak ko. hahaha.

    anu kaya big role ni nina? abangan ko na lang.

    buti nasisingit ko pa to sa review ko. 2weeks nlng kasi board exam ko na. haha. nakakaadik kasi mga kwento mu kuya migs e.

    salamat kuya. nyt2 na. dpat enough sleep para may gana mag-aral. hehe. :)

    ReplyDelete
  12. Hi Kuya Migs, sorry nagging silent reader ako for the past few chapters ng mga stories mo, nagging busy lang sa maraming bagay (naingggit ako sa paggiging busy mo eh..) eheh...


    hmmm parang wala dun sa nabanggit mo ung nakita kong FB page...hmmm sorry nde ko nasave ung llink eh...:(

    anyways, I am eager to hear/read about the Chapter of "Migs" life...hmmmm nakakabitin eh...

    kudos Kuya and Tnaks for sharing such wonderful piece, another roller coaster and Extreme ride of emotion..

    PS

    Hindi po kami nagdate...:) pero sana may makadate na ako hahah

    ReplyDelete
  13. napansin ko lang migs na di ka naman mahilig manood ng grey's anatomy. mercy west talaga? :D

    palagay ko dito na magsisimula talaga ang romansa.

    keep them coming migs (",)

    ReplyDelete
  14. story marathon, prologue up to here... it's always been so nice reading your obra Migs, two thumbs up!

    ReplyDelete
  15. holy cow! Ito na! Ita na! Waaah!

    Hala si Pat na din maghuhugas sa pwet ni Kyle? Hahahaha!

    Kuya migs, super smile ako sa chapter na 'to! Thanks sa update.

    --ANDY

    ReplyDelete
  16. Marathon reading too... From Diff. Similarities Finale up to here. Been away for a month. I missed commenting here. Anyways, I love Liam. I'm thinking of having a kid in my house now. Hahaha. He's so love by the readers very much. Kaya humanda ka Nina if ever you do something bad on him. Hahaha. How I wish I could kiss and hug you too Liam in reality. On the other hand, Kyle's predicaments for sure will be Pats burden unless the wicked witch bitch Nina returns. Ang cute siguro if Pat takes care of Kyle and bathed him nekkid. Hahaha Pero isnt it gross that Pat taking the responsibility of Nursing the Doctor since they just neighbors and met and been friends a couple of days ago. Isnt it too obvious on Pats side to do the things that he shouldnt supposed to do and Kyle might think he's flirting and doing his moves on him.

    ReplyDelete
  17. Ouch! That really hurts and difficult having your both hands embraced with a splint. This means Kyle is immobilized for 2 months. What help can Pat offer on Kyle? Or will Nina the penniless nurse returns?

    ReplyDelete
  18. Noon pa man Labz na Labz na kita Kuya Migz. Eto nga eh, wala ako iba masabi kundi... I Love You! Kaka inlove ang kwento. Cant wait sa mga nxt chapters. :))

    ReplyDelete
  19. Oh hi migs!

    Wawa naman si Liam sa chapter na ito. I wonder din pala paano maliligo, poop and do things ngayong incapacitated si Kyle?

    Thank you pala sa pagbati sa akin sa last chapter. ^_^

    ReplyDelete
  20. next chap na... paano magkakailangan ang dalawa..... at ano pang mga pa-cute na gagawin ni liam

    ReplyDelete
  21. soo charming,luv the flow of pat’s s2ry,medyo inaagawan xa ni oh so cute liam ng spotlight though.hehe.thanks s mention.,abangan q ung story mong fantasy ang genre.love ur stories,kip it up.tc yow ^^,v

    ReplyDelete
  22. Promise yan Kuya Migs! ikaw pa! ;)
    Hindi ako napasubo. hahahaha. Show na rin yun ng support ko sa mga works mo. :D
    ---------------------
    Finally! I was waiting for Kyle's turn to stand up to Nina. It was some what her fault for not hearing out "Patwick" and Liam's side of the story.

    It was somewhat Nina's fault as well on why Kyle was hurt though it was an accident, she still didn't bother to help him out afterwards.

    Now, it's Pat's turn to take care of Kyle. I hope Kyle gets well soon. :D
    --------------
    Besides the word "Patwick" being so cute, I now find the word "buddy" very cute as well. Though it was used in the past parts, it was more evident to me here. Maybe because of the frequency of its usage? :P

    I can't wait for the next part Kuya Migs!

    Go! lang ng Go! Kuya Migs!

    Supporting you always,
    - Jay!:)

    ReplyDelete
  23. Mercy West Hospital? Parang Grey's Anatomy lang. I bet, si Dr. Calliope Torres ang attending physician ni Kyle. Surgeon ba si Kyle? Kung ganoon, malaking problema 'yan sa kanya.

    Wui, si Pat kinikilig. Ahahaha...

    ReplyDelete
  24. Mabuti nmn at umalis na si Nina! Hahaha!! Ganda talaga kuya :D

    Salamat pala sa compliment mo kuya. Hehe. Gwapo ka dn nmn eh ;)

    ReplyDelete
  25. parang aq ung kiniliti sa last scene eh... parang high school lng na cute at sweet ^w^

    ReplyDelete