Thursday, April 26, 2012

Different Similarities 2[3]


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Napa-maang lang si Pat sa kaniyang nakita. Ang tinatawag na Nina ay pinapagalitan ang batang nagsisimula nang umiyak, nakita ni Pat na agad pumunta si Kyle sa tabi ng mag tiyahin at tinanong kung anong nangyari, ayaw na sanang mangielam ni Pat pero nang makita niyang pingutin at abutin ng babae ang puwitan ng bata para paluin ay agad naginit ang kaniyang ulo at lumapit narin sa mga ito para mangi-elam.


Nang makalapit siya sa tatlo ay tila hindi napansin ng mga ito ang kaniyang pag-dating. Si Liam ay abala sa pag-iyak, si Nina naman ay abala sa pag-abot sa bata para pingutin pa ito habang si Kyle naman ay abalang pumapagitna sa dalawa, maprotektahan lang ang bata. Matiyagang nakinig si Pat sa palitan ng dalawang nakatatanda, tinignan niya si Liam at sinenyasan itong lumapit sa kaniya, sa puntong iyon ay abala na sa pagtatalo ang mag-hipag kaya't hindi na nila napansin si Liam na magiliw na yumakap sa binti ni Pat.

IT WAS NOT JUST A BAG, KYLE! IT'S AN Hermès BAG! AND YOUR SON JUST DECIDED TO DRAW A DOG ON IT!” sigaw ni Nina sa namumutlang si Kyle.


I'll buy you a new one, just don't shout and hurt Liam, please.” balik ni Kyle.


You still don't see the point, do you? That herm_s bag was a gift to me and you buying me one in exchange of the first one that your gadam son destroyed defeats the purpose!” sigaw pabalik ni Nina sabay bato ng bag na puno ng kung ano-ano sa harapan ni Kyle, nakita ni Pat ang sinasabing drawing at pinigilan niya ang sarili na mapatawa.


Nina! Stop it! He's just a kid!” sigaw ni Kyle saglit na napatameme si Nina, tinignan kung asan ang kaniyang pamangkin, nang makita nitong nagtatago ito sa likod ng mga binti ni Pat, humihikbi at natatakot na nakasilip sa kaniya ay wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga.


Whatever.” balik ni Nina sabay labas ng bahay. Nakarinig si Pat ng umiirit na gulong sa driveway ni Kyle kaya't inisip niya na nakaalis na si Nina. Nun lang narinig ni Pat ang mga hikbi ni Liam kaya't lumuhod ito sa harapan ng bata.


Hey buddy.”


Hey.” nakayukong balik ni Liam, itinaas ni Pat ang nakayukong ulo nito at pinahiran ang mga luha nito.


You like to draw, huh?” nakangiting tanong ni Pat, marahang tumango ang bata.


Guess what?” habol ni Pat, nakita niya ang kapiranggot na pagliwanag sa mga mata ng bata bago ito sumagot.


What?” pabulong paring tanong ng bata.


I think dad kept my old black board in the house, want to come with me and check it out? You can draw anything on it.” masuyo paring nakangiting tanong ni Pat, nagyon ay muli nang bumalik ang pagiging inosente sa mga mata ng bata pati narin ang liwanag nito.


Anything?” tanong ni Liam, nakangiting tumango si Pat, lumapit si Liam sa ama at nagpaalam dito.


Dad can I go?” tanong ng bata, masuyong tumango si Kyle habang masuyo ring sumusulyap-sulyap kay Pat.

0000ooo0000


Thanks.” bulong ni Kyle kay Pat habang abala si Liam at Louie sa pag-guhit sa malaking blackboard matapos itong maibaba mula sa bodega.


Don't mention it.” sagot ni Pat.


Didn't know what could've happened if you're not there, Pat, siguro maghapon na lang iiyak si Liam kung nagkataon.” umiiling na sabi ni Kyle.


Hey, I told you it's no big deal. You think he's going to be OK, though?”


I sure hope so, I never saw Nina like that, she's so angry.” umiiling na sagot ni Kyle habang nakayuko.


Eh ikaw, OK ka lang ba?” tanong ni Pat na ikinatunghay ni Kyle, nagtama ang kanilang mga tingin.


Yes, I think I'm going to be OK as long as Liam is fine.” sagot ni Kyle.


Are you going to have lunch here?” tanong ni Lita sa gawi ng pinto.


Well uhmmm---” nahihiyang simula ni Kyle na ikinangiti ni Pat, Louie at Lita.


I take that as a yes.” sabi ni Lita saka bumalik sa kusina.


Nakakahiya.” bulong ni Kyle, sa sobrang hina ay halos hindi na iyon narinig ni Pat pero hindi na lang siya nagkumento tungkol sa sinabing iyon ni Kyle.


0000ooo0000


Para yun lang pinagsisigawan niya yung bata?!” halos pasigaw ng sabi ni Jelly na nakakuwa sa pansin nila Louie at Pat.


That bag is really important to her.” depensa ni Kyle.


I'm sure she can buy another one.” balik ni Jelly. Umiling naman si Kyle.


Nina is a sentimental freak and her pay is not that big to buy another bag.”


Ano bang trabaho niya?” tanong ni Jelly habang isinusubo ang isang biskuwit.


Nurse.” sagot ni Kyle. Muling binalot ng katahimikan ang buong lamesa, pare-pareho ang iniisip nila Lita, Louie at Pat.


Still, that is not enough reason to shout at a four year old kid.” basag ni Louie, tumango na lang si Lita at Pat.


Can I play now?” tanong ni Liam na ikinahagikgik ni Pat at Kyle.


But you haven't finished eating your hotdogs yet.” paalala ni Lita.


Oh, yeah.” sabi ni Liam sabay abot sa dalawa pang natitirang hotdog at nilantakan iyon.


Cnfahf pojsd?” tanong ulit ni Liam habang puno pa ng hindi gaanong nanguyang hotdog ang bibig.


Liam, what did I tell you about talking when your mouth is full?” paalala ni Kyle, nakita ni Pat na agarang nilunok ng bata ang kaniyang nginunguya at uminom ng tubig saka humarap ulit sa kaniyang ama.


Can I play now?” tanong ulit ni Liam, napangiti na lang si Kyle at tumango. Pagkatapos panoorin ng apat ang naglalakad na palayong anyo ni Liam ay ipinagpatuloy na lang nila ang pagkukuwentuhan.


0000ooo0000


Nang sa wakas ay matapos ng kumain ang mga matatanda ay saglit pa munang nagkuwentuhan ang mga ito saka nagpaalam si Louie na may tatapusin munang trabaho na agad namang sinita ni Lita. Si Pat bilang anak ng matandang mag-asawa ay alam na na magkakaroon muna ng konting mababaw na argumento ang mga ito saka ipagpapatuloy ang mga naka-handang gawain ay hinila na si Kyle papunta sa kinaroroonan ni Liam.


Naabutan nila ang bata na naka indian sit sa tapat ng blackboard at nakapalumbaba. Nagkatinginan si Kyle at Pat.


Liam, what's wrong buddy?” tanong ni Kyle sa anak.


I don't like to draw anymore.” naka-pout na sabi ng bata na tila ba nagsasabi na kailangan pa bang itanong ang obvious. Nagkatinginan ulit si Pat at Kyle.


What do you want to do now, buddy?” tanong naman ni Pat, agad na nagliwanag ang mga mata ni Liam at tinignan ng masuyo si Pat, hindi mawari ni Pat kung bakit siya biglang kinabahan.


0000ooo0000


But Patwick said he will play with me in the tree house.” pangungulit ni Liam sa ama habang si Pat naman ay hindi mapigilang mawili sa ipinapakitang kakulitan ng bata at ang pagiging malambot ng loob ni Kyle patungkol sa anak.


He said he's going to play with you later, Liam.” pagpupumilit naman ni Kyle, nahihiya na siya kay Pat, masyado na itong naiistorbo at sigurado rin si Kyle na mas gusto ni Pat na magpahinga saglit kesa ang makipaglaro sa isang bata.


But that later is Now.” sabi ng bata saby pout. Napahagikgik naman si Pat.


It's OK, Kyle, actually I'm excited to see the tree house again.” sabi ni Pat, napatingin naman si Kyle dito at di nagtagal ay tumango narin.


Fine.” bigay ni Kyle.


Yay!” sigaw ni Liam sabay takbo palabas ng bahay nila Pat.


Liam, wait for us!” sigaw ni Kyle saka humarap kay Pat nang makita niyang malapit na sa kanilang bahay si Liam.


Look, Pat, I'm sorry. I'm sure you have lots of things to do than baby sit a four year old kid, you don't have to do this---” simula ni Kyle, napansin ni Pat na maaari ngang nahihiya na talaga si Kyle sa kaniya sa pagaakalang naiistorbo siya ng anak nito.


It's OK, Kyle, I don't have anything to do. Why don't you go after Liam, magsasabi lang ako kila Mom kung saan ako pupunta.” nakangiting paniniguro ni Pat sabay lakad patungo sa kusina kung saan andun si Lita, nakangiti na lang na nagkibit-balikat si Kyle saka sumunod sa anak pabalik sa sariling bahay.


Ito ang unang pagkakataon na may nakilala si Kyle na kasing edarin niya sa village na iyon simula nang lumipat sila may isang taon na ang nakakalipas. Muli niyang naisip si Pat at nasabi sa sarili na magiging malapit silang magkaibigan nito.


0000ooo0000


Patwick's here! Patwick's here!” sigaw ni Liam sa ama, agad namang lumabas mula sa kaniyang kwarto si Kyle at sinalubong ang bagong kaibigan.


Yes, he's here! And it's about time too! Liam, go and prepare the pirate suit!” parang batang sigaw ni Kyle sabay akbay kay Pat na ikinagulat ng huli.


Wow! hmmm hugo boss, this guy smells bloody good!” sabi ni Pat sa sarili nang maamoy ang pabango ni Kyle pero agad niya ring inalog ang kaniyang ulo at inisip na hindi na niya dapat pinagiisipan pa ng ganun si Kyle.


He's straight! He has a son for Pete's sake!” sabi ulit ni Pat sa sarili habang sinusundan si Kyle paakyat ng tree house. Nanlambot sa mga naisip na iyon si Pat kaya't medyo nahirapan siya paakyat ng tree house.


Patwick, Hurry up!” sigaw ni Liam nang makatungtong na si Pat sa huling baitang ng hagdan. Nanlaki ang mata ni Pat ng hilahin siya ng bata, agad niyang naisip na malakas ang batang ito para sa isang apat na taong gulang, sa pagiisip na iyon ay nadulas ang paa ni Pat, buti na lang at nahawakan siya ni Kyle at hinila paakyat.


Sa sobrang lakas ng pagkakahila ni Kyle ay napadagan si Pat sa ibabaw nito, pareho silang humihingal, natakot at napagod sa muntik ng pagkakahulog ni Pat sa hagdan. Agad na umayos ng tayo si Pat na ikinauntog naman niya sa bubungan ng tree house.


Gaddemi---ugh!” simulang pagmumura ni Pat sabay sapo sa ulo, hindi na niya naituloy ang mura na iyon dahil sinapo naman ni Kyle ang kaniyang bibig. Binigyan ni Pat ng nagtatakang tingin si Kyle at napansin niyang kay Liam ito nakatingin.


Tila nabura lahat ng pagkairita ni Pat dahil sa pagkakauntog pati narin ang pagkabahala niya nang makita ang malaki at nagtatanong na bilugang mga mata ni Liam, ngayon, alam na ni Pat kung bakit siya binusalan ni Kyle, ayaw niyang marinig ni Liam ang pagmumura niya para hindi makuwa ng bata ang masamang gawain na iyon.


Dad, are you going to make Patwick eat soap to clean his mouth?” tanong ni Liam sabay paling ng ulo sa kaliwa habang iniintay ang sagot ng ama. Inalis na ni Kyle ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ni Pat at tumingin ng daretso dito. Nakita ni Pat ang nagsisimulang ngiti ni Kyle.


Yes, buddy. I'm going to make him eat soap. Lot's of it.” sagot naman ni Kyle, nanlaki ang mga mata ni Pat, hindi niya akalaing sasakyan nito ang iniisip ng anak, pero naisip niya rin na hindi nga malayong sakyan nito ang anak dahil bilang ama nito ay maaaring si Kyle din ang nagbigay dito ng ideya na lahat ng nagmumura ay dapat sabunin ang bibig.


OK.” matipid na sagot ng bata sabay talikod at pumunta sa isang kahon kung saan nakaimbak ang mga laruan nito. Habang abala ang bata ay hindi napigilan ni Pat na abutin ang batok ni Kyle at haklitin ito.


Seriously? Soap in the mouth? That's your way of saying that profanity is bad to your kid?!” pabulong na singhal ni Pat habang umiiling.


Oh and it works too. Remind me to drag your butt later in the kitchen so I can clean your mouth. Kung hindi ko gagawin yun, hindi ako titigilan ni Liam at iisipin niyan na OK lang magmura.” humahagikgik na bulong ni Kyle, tinignan lang siya ng masama ni Pat pero hindi nagtagal ay napangiti narin, hindi niya kayang magalit lalo pa at naririnig niya ang magandang tawa nito.


The last thing I need now is to make my life more complicated.” bulong ni Pat sa sarili habang pinipigilan din ang sarili na lalo pang magka-gusto sa kaniyang gwapong kapitbahay.


Why are you even here? It should be me and Liam's play time. If you haven't been here then I wouldn't have slip and you shouldn't have been saving my as--- butt---” isang mura nanaman sana ang muntik ng ikadulas ni Pat kaya't agad itong bumawi at tumingin sa gawi ni Liam na abala parin sa mga laruang gusto nitong ilabas mula sa kahon “ ---I mean butt and di sana ako lalanding sa ibabaw mo at mauuntog sa bubong ng tree house tapos---” dahil wala ng maipambalik si Pat at dahil kinakabahan pati ito kaya't patuloy ito sa pagsasalita at dahil napansin ito ni Kyle ay lalo pang lumaki ang ngiti nito.


It was your idea to spend more time with my son, right? And why are you rambling anyway?” nangingiting pangiinis ni Kyle. Napairap na lang si Pat at sasagot na sana ulit ng humarap si Liam at nagbigay ng naghihinalang tingin.


Why are you guys whispering? Are you talking about me?” tanong ng naghihinalang si Liam.


Nope.” nakangiting sagot ni Kyle.


OK.” balik ni Liam sabay harap ulit sa mga laruan niya. Nang humarap ulit ito ay may suot na itong cow boy hat at isang malambot na latigo.


I wanna play, horsey horsey!” excited na sabi ng bata na ikinabahala naman ng dalawang matanda, wala ng nagawa kundi ang magkatinginan at pagbigyan ang bata sa gusto nitong laruin.


0000ooo0000


This is not funny, Kyle.” singhal ni Pat sa humahagikgik na si Kyle. Sinulyapan ni Pat si Liam na nakatayo sa hindi kalayuan, nakatupi ang kamay sa dibdib at itinatapik ang paa sa sahig na tila ba hindi makapagintay na sabunin ng kaniyang ama ang maduming bibig ni Pat, suot parin ng bata ang cow boy hat at nasa palasinturunan parin nito ang latigo habang si Pat naman habang hinihila ni Kyle sa kusina ay hindi lang kinakabahan dahil sa parusa sa kaniyang pagmumura, nangangawit din ang likod nito dahil sa kanilang paglalaro kanina ng horsey horsey, nakaligtas si Kyle sa pagiging kabayo ni Liam pero minalas naman si Pat at siya ang sinakyan nito habang si Kyle naman ang palatawang kalaban ni Liam the cowboy, hindi mapigilan nito ang pagtawa dahil sa hindi maipintang mukha ni Pat.


I told you he won't forget about your punishment.” tama ang sinabing ito ni Kyle, kanina habang abala sila sa paglalaro ay handa ng kalimutan ni Pat ang sakit ng likod dahil sa kanilang paglalaro basta't hindi na lang maalala ni Liam ang tungkol sa pagsasabon ng kaniyang bibig dahil sa binitawang mura pero matalas talaga ang isip ng bata dahil nang manawa ito sa paglalaro ay bigla itong nagsabing...


Dad, you should clean Patwick's mouth now.”


Is this fu---” simula ni Pat, nakalimutan na dahil sa pagmumura kaya siya ngayon nasa ganitong sitwasyon.


Tsk. Tsk. Tsk. You should be careful, I might clean your mouth twice.” natatawang sabi ni Kyle habang si Pat naman ay kinakabahang nakatingin kay Liam, umaasa na hindi nito narinig ang naputol na mura.

0000ooo0000


Wala paring tigil sa paghagikgik si Kyle habang si Pat ay walang tigil ang pagmumog at pagbanlaw sa lasa ng sabon na ipinanglinis sa kaniyang bibig.


See Liam, I told you I will wash your mouth with soap if you swear. So no swearing, OK?” sabi ni Kyle habang pinipigilan nito ang mapahagikgik. si Liam naman ay tila kumbinsido sa pananakot ng ama na kapag nagsabi siya ng masasamang salita ay sasabunin nga nito ang kaniyang bibig ngunit hindi maintindihan ni Liam kung bakit ayaw tumigil ng kaniyang ama sa kakahagikgik.


You made me your guinea pig to teach a lesson to your kid?” singhal ni Pat pero sapat lang ang lakas nun para si Kyle lang ang makarinig nito. Hindi na mapigilan ni Kyle ang mapatawa hindi napansin ng dalawa si Liam at hinila nito ang manggas ng t-shirt ni Pat.


Why is dad laughing?” tanong ng bata habang nakapaling ang ulo sa kaliwa lalong tumawa ng malakas si Kyle, naningkit ang mata ni Pat at nakaisip ng pambawi dito. Muli siyang yumuko sa may lababo at umaktong magmumumog ulit ang hindi nakita ni Kyle ay ang pagipon ni Pat ng tubig sa palad nito at isinaboy iyon kay Kyle. Napanganga na lang at tumigil na sa kakatawa dahil sa gulat si Kyle habang si Liam naman at Pat ang tumawa. Sa pagka-abala ng dalawa sa pagtawa ay hindi nila napansin na si Kyle naman ang nagipon ng tubig sa kaniyang palad at isinaboy ito kay Liam at Pat.


Di nagtagal ay napuno ng tawanan at irit ni Liam ang buong kusina.


What is going on here?!” sigaw ng galit na galit na si Nina sa may pinto ng kusina.



Itutuloy...





____________________________________
Different Similarities 2[3]
by: Migs 

21 comments:

  1. Hey guys sorry for another late post. Super busy eh. Bawi ako, promise.

    Gusto ko rin sanang mag-sorry sa nangyari sa last post ko. Yung about sa comment. I was just exhausted that day and somehow reading that comment made my blood boil. Sorry kung may nasabi man akong masama at hindi ko rin ginusto talagang manumbat. I just lost it nanguna yung pagkairita eh, pasensya na talaga.


    now, for the three hundred plus visitors of my last post, i would really appreciate it if you guys leave a comment and suggestions. comments pushes me to write more.


    Gusto ko rin pala kayong imbitahan sa blog ni Zekie. Isa po siya sa bagong magagaling na writer ng bi romance sa mundo ng blogosphere. Help him spread his works so that many can be inspired.

    here's the link:

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. pkipost n po ung ibng chapter sa book 2.. xcited n kc aqng bshn

      Delete
  2. hay nako! puro kulitan! namimiss ko tuloy na may bata samen. hahaha.

    kuya migs, di lang naman ikaw ung nainis sa comment, count mo pa ko! normal lng naman yun kasi. tsaka if alam mo talaga at naiiintindihan yung flow ng conversation, no biggie na yung wrong names.

    anyways, naging bedtime story ko tong update. good night. nice update. :)

    ReplyDelete
  3. Hello po Kuya Migs!

    As expected and met, maganda pa rin ang story mo.

    I can say that by far, this is the story which I look forward to. It can be seen that Liam may be a bridge to finding someone who will be for Pat, hopefully.

    It is really amusing to imagine a two grown ups playing with a four year old kid not to mention that in this part, in a tree house playing cowboy. It takes me back to my childhood even though I didn't have a tree house. hehehe.

    The innocence of Liam here is what really amuses me and his influence on Pat as well as the effects on Kyle.
    ---------------
    Ngayon lang ulit ako nagcomment though kahit na ngayon lang ulit ako nagcomment, sana po malaman mo Kuya Migs na palagi akong sumusubaybay sa iyong mga akda at palagi akong sumusuporta sa mga akda mo.

    I look forward to every story that you write and I hope that you continue writing and even with negative comments that may come, I know that those won't hinder you from writing. Keep strong and steadfast in your beliefs.

    I can't wait for the next part Kuya Migs!

    Go! lang ng Go! Kuya Migs!

    Supporting you always,
    - Jay!:)

    ReplyDelete
  4. edit:
    *As expected and met, maganda ang story mo as always. :)
    *This is the story which I look forward to the most.

    P.S.
    Kuya Migs,

    di mo na kailangang bumawi kasing bawing bawi naman ikaw sa pag post mo ng bawat part. :))

    - Jay!:)

    ReplyDelete
  5. I like this story migs, parang ang saya saya nila with the kid, at ang gaan sa feeling ng story....except the nina part

    KV

    Sorry migs kung nde ako mdlas magcOmment po but lagi akong sumusubaybay

    ReplyDelete
  6. Kuya!!! :D Eto na nman ako at sobrang early in the morning nagbasa ng works mo. haha! Time check 2:13 am. Pano kasi andyan si utol lagi nakikitambay sa kwarto pag umaga.Kung bakit kasi di nagsummer yung loko. :(( Pero mukhang nakakahabol naman ako sa paunahan magcomment. Haha!

    First off, mukhang alam ko na ang story behind Nina. (Eto na naman ako feeling-manghuhula maxado. haha) Ewan ko lang ano mangyayari by the end of this story. Mukhang madaming complications to tlaga. Pero of course, excited na ako sa twists and turns na magaganap! :D :D :D

    Second, KUYA NAMAN!!! T.T Dahil sa pag"Patwick" palagi ni Liam naalala ko na naman pagiging bulol ko sa "r" wahhh! haha! Pero I like kids, soooobra! SIguro nasanay lang ako dati na maliit pa un dalawa kong kapatid na 1yr lang ang gap at ako parti nagbabantay. Masarap tlaga an feeling magpangiti ng maliliit na chikiting. ^______^ kaya sobra sa gandang factor ng story na to si Liam! (Buti di pedo ang nangyare..kala ko talga nun eh. HAHAHA!)

    Pangatlo, The busy doctor at penniless nurse. Wala lang, relate lang maxado. Haha! Ewan ano mangyayari sa buhay ko years from now but sana, maging masaya parin tulad ng sa mga stories mo. hehe

    Pang-apat, The mood. Ganda tlaga ng mood ng stories mo lately. Obvious na masaya ang buhay-buhay. hehe! Post na kasi ang next sa Chasing Pavements!(nacurios lang.haha) :D :D :D :D :D

    Panglima, overall impact and flow. MAIIMAGINE MO TALAGA LAHAT! Tingin ko eto ang pinakamagandang aspect ng mga kwento mo lately.Puno ng detalye at simple lang ang mga scenes habang ang nasa pag-iisip ng mga tauhan umiikot ang mga complications ng story. Tugmang-tugma sa toong buhay. Ika nga nila "It's all in the mind." Siguro eto pinakamalaki na rason kung bakit nakakarelate ako sa kwento mo. Minsan talaga kasi sobra ako mag-isp. hehe..

    And that wraps it all up. Haha! Baka maging novel na tong gagawin ko kung magpupuna pa ako sa lahat ng mga napansin kong pagbabago. Pero take note kuya ha, ang mga pagbabago na napapansin ko ay changes for the better talaga. :D Mas maganda at mas madadala na talaga mga readers sa iyong style ng pagsusulat. Ung tipong kakabahan tlaga, mapapalakpak, mapapaluha at makakabuntong-hininga tlaga sa mga scenes na nangyayari. kaya for that, I congratulate you. IDOL!!! :D MARAMING_MARAING SALAMAT SA GAWA MO! Pure entertainment at its best tlaga! ;)

    (oh ha eto na pinangako ko last time na mahabang comment. haha!)

    -->nIx

    ReplyDelete
  7. pwedeng mag tanong?

    na confuse lng ako d2:

    lita & jelly

    anong difference?

    - ChuChi -

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey chuchi! sorry kung na-confuse ka din about the Lita and Jelly thing-y. Iisa lang sila eto ang explanation.

      Here's the thing. Naranasan mo na ba yung gumagawa ka ng assignment? let's say an essay? edi natapos mo na yung essay diba? tapos binasa mo ulit siya bago ka matulog sa gabi o gumawa ng susunod na assignment? sa pagbabasa mo may napansin kang hindi tugma sa ginawa mo at gusto mo siyang palitan, nung pinalitan mo siya meron kang hindi napansin sa isa pang paragraph na dapat din pala eh palitan. ganun ang nangyayayari sakin. MADALAS.

      You see, Lita's name is supposed to be Jelly in this installment. THE NAME DOESN"T fit the character so i changed it. I changed it after finishing the whole series, imagine checking every paragraph and sentences in a 15-17 chapter story with 8-9 pages each? yeah, it's kinda hard.

      So again. I'm sorry that it confused you and thank you for pointing it out! :-)

      Delete
    2. its ok :)

      akala ko kasi, kabit ng daddy ni pat si jelly eh..

      haha..

      sorry sorry sorry!!

      :)

      anyway! godbless!

      Delete
  8. The best ka kuya migs. Maganda 'tong story kasi mas iba ang situation. May pumapagitnang bata. Ang cute nila tingnan. Napapangiti talaga ako kpg si Liam na ang ngsasalita. Sooooo cute! Kumpleto na ang araw ko. Thanks a lot.

    --ANDY

    ReplyDelete
  9. Migs, I really appreciates your works and efforts. Bringing us joys reading your stories. Btw, i hardly imagine Kyle, a father, a doctor, and with a witch penniless nurse would fall-in-love with Pat? I guess, this is just a prelude but eventually would get things difficult and conflicated.
    Luv u, migs.

    ReplyDelete
  10. Hands down ulit ako! This is by far the most whimsical story yet! Liam's so adorbale ans he had me at that "why are you whispering?"-part.

    Hopefully there would be more Pat-Kylie involved!

    Thank you so much for this wonderful story!

    ReplyDelete
  11. Ahihihi! ang cute ng moments nila Pat and Kyle.

    Dati hate na hate ko si Pat. Now heto ako at nag hope na maging happy siya as the second father of Liam.

    Migs ayos na ayos! Mobile Friendly na din blog mo. ^_^

    ReplyDelete
  12. Scary godmother. Hahahah! Nice one Kuya!

    ReplyDelete
  13. Haha... It made my day! Ang gandang panimula ng umaga... Galing.. Namiss ko ang pagiging bata.. Haha..

    ReplyDelete
  14. ang haba ng mga comments nila... para maiba naman...

    ᜊᜒᜎᜒᜊ ᜈ ᜆᜎᜄ ᜀᜃᜓ ᜐᜌᜓ ᜋᜒᜄᜐ ᜈᜉᜃ ᜄᜎᜒᜈᜄ ᜋᜓ

    hang kyut ni Liam! :D

    ReplyDelete
  15. ang saya aman nila, para tuloy akong sira ulo na napapangiti habang nagbabasa. he he he.

    ReplyDelete
  16. Seriously? nagproroof read kapa? haha..wag na ok naman lahat ng stories mo:D wag mo na baguhin mamaya niyan bigla may papasok ng idea at boom editing to the max nanaman. maganda stories mo ever since from the start, though nababago d/t public demandXD

    Le me guess, kyle and liam is you and rick,while pat is the another you maybe yung part na having a new life or pede naman new "friend"...haha..excited na ko.

    ReplyDelete
  17. Ansarap ng story mo kuya migz. I love u so much talaga...

    ReplyDelete
  18. dti ganyan dn aq mhlig mkpglaro sa bata bt one morning pgkagcng q naiirita nq sknla, idk why lol
    peo nkakamis mkpglaro sa bata kht minsan masakit lolz

    nkakatuwa na sna eh, fairy tale na tas bglang my bruhang darating >_>

    haiz gs2 q pa mgbsa peo ang mga mata q lumuluha na sa antok x.x

    ReplyDelete