Different Similarities 1[22]
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Ano
nga ba ang gagawin mo kung alam mong mahal mo ang isang tao pero
natatakot ka na hindi nito maibabalik ang pagmamahal mo? Natatakot ka
na masaktan muli sa tuwing makikita mo itong nakikipagmabutihan sa
isa mo pang kaibigan at natatakot ka na sabihin dito ang totoo mong
nararamdaman dahil sa takot din na ma-reject.
Katulad
ni Eric na natatakot marinig ang mga katagang... “I'm
sorry Eric but I love Mike---” sa
bibig ni Alvin. Sa naisip na ito ay lalong lumakas ang mga pagtulo ng
mga luha mula sa kaniyang mga mata. At ang tanging naisip gawin ni
Eric pra hindi masaktan ay tumakbo palayo, palayo sa taong mahal
niya, palayo kay Alvin.
At
ang takot na iyon na rumerehistro sa mukha ni Eric ay lalong
nakakapagpa-confuse kay Alvin. Alam na niya ngayong mahal niya si
Eric at base sa kaniyang mga na-realize ay maaaring mahal din siya
nito.
“He
loves me. I love him. Pero bakit gustong-gusto parin niyang lumayo
sakin?” tila
may kumurot sa puso ni Alvin, hindi niya maintindihan kung bakit
natatakot sa kaniya si Eric. Hindi siya makapagsalita, masyadong
maraming tumatakbo sa kaniyang isip, muli niyang naramdaman ang
marahang pagtulak sa kaniya ni Eric at lalo iyong nakadagdag sa sakit
na nararamdaman ni Alvin. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang
siya nito ipagtulakan.
Ang
hindi alam ni Alvin ay hindi alam ni Eric na pareho nilang mahal ang
isa't isa, na ang kailangan lang ay ang magkalinawan sila.
Gustong-gusto
na ni Eric na lumayo kay Alvin dahil alam niyang konti na lang at
bibigay na siya at sasama na siya dito pabalik ng opisina at iyon ang
huling gustong mangyri ni Eric. Hindi na niya kaya pang makita na
nahuhulog ang loob ni Alvin at Mike sa isa't-isa. Ayaw na niyang
masaktan.
“Please
let go of me. I said I'm sorry, OK?!” singhal ni Eric habang
itinutulak si Alvin palayo sa kaniya, hindi parin alintana ang
magtatakang tingin ng iba pang pasahero sa loob ng istasyon ng tren.
“No.
Not until you tell me why you freaking want to get away from me this
bad.” mariin pero pasinghal nang balik ni Alvin. Nung puntong iyon
ay napansin na sila na iilang gwardya sa istasyon na iyon.
“Sir
may problema ba? Ginugulo po ba kayo ng lalaking ito?” tanong ng
gwardya na noon lang napansin ng dalawa na nakalapit na pala sa
kanila, tila walang narinig si Eric dahil nagpatuloy lang ito sa
pagsasalita.
“I-I
can't do this anymore. I-I c-can't h-hurt you guys, I've hurt so many
people the last time.” sagot ni Eric sabay tingin sa sahig.
“What
the hell are you talking about? Who the hell are you going to hurt
and why?” naguguluhang tanong ni Alvin. Natigilan si Eric, hindi
siya makapaniwala na kahit alam na ni Alvin ang kaniyang nararamdaman
ay pinipilit parin siya nitong aminin ng harapan ang bagay na
nagbibigay sa kaniya ngayon ng ibayong sakit.
“Sir,
siguro po mas mabuti kung pakawalan niyo muna si Sir sa pagkakahawak
niyo at pag-usapan niyo ito ng malumanay, kung hindi po ay
mapipilitan akong tumawag ng makakatulong sa pag-hila sa inyo palayo
mula kay Sir.” marring sabi ng gwardya.
“Boss,
saglit lang 'to. Kailangan lang naming magkalinawan ng kasa---”
balik ni Alvin pero agad ding naputol ang kaniyang sasabihin nang
magsalita si Eric.
“I'm
in lo-- I love you Alvin.” pabulong na pag-amin ni Eric na
ikinatigil ni Alvin sa pakiki-usap sa gwardya. Lalo niyang hinigpitan
ang hawak kay Eric dahil sa sinabing ito ni Eric ay lalong nagpatibay
sa iniisip niya patungkol sa nararamdaman ni Alvin. Hindi nakaligtas
ang paghigpit ng hawak ni Alvin kay Eric sa guwardya at tumawag na
ito ng makakatulong na hindi napansin ni Eric at Alvin.
Bago
pa man matanong ni Alvin kung ano ang problema gayong mahal nila ang
isa't isa ay may dumating pang dalawang gwardya at inanyayahan siya
palayo kay Eric. Wala nang nagawa si Eric dahil para sa kaniya ay
tama lang iyon para hindi na sila magkasakitan pa. Eh ano ngayon kung
alam na ni Alvin ang nararamdaman niya. Pagkatapos naman ng araw na
iyon ay sisiguruduhin ni Eric na hindi na muli pa silang magkikita
dahil pipirma na siya ng exclusive contract sa Jacobsons at
permanente nang duon magtrabaho. Malayo kay Alvin.
“I'm
sorry.” pabulong na sabi ni Eric. Ang mga katagang iyon ang mga
huling narinig ni Alvin bago pa siya ilayo ng dalawang gwardya at
makita si Eric na sumakay ng tren. Saglit pang ipinanatili ni Eric at
Alvin ang pagititigan, si Eric asa loob ng tren at si Alvin naman ay
habang nasa tabi ng dalawang gwardya.
Kahit
pa lumalayo na ang tren ni Eric palayo ay sinundan parin ito ng
tingin ni Alvin.
“Maaari
na po ba namin kayong iwan dito, Sir? Hindi na ho ba ulit kayo
manggugulo?” tanong ng gwardya, tumango na lang si Alvin kahit pa
hindi nito narinig masyado ang tanong ng gwardya dahil abala parin
siya sa pagtingin sa nakalayo nang tren na sinasakyan ni Eric.
Sa
puntong iyon ay si Alvin naman ang napasandal sa pader na kanina ay
sinasandalan ni Eric at napadausdos pababa at napaupo sa sahig, sapo
sapo ang kaniyang ulo. Naguguluhan at hindi maintindihan kung bakit
natatakot at gustong-gusto ni Eric na lumayo na agad sa kaniya.
“What
the hell am I doing?!” di
makapaniwalang tanong ni Alvin sa sarili sabay tayo at pumunta sa
pinakamalapit na bilihan ng ticket.
0000ooo0000
Sa
bintana parin ng tren nakatanaw si Eric habang nakatayo sa gitna ng
tren at nakahawak sa isa sa maraming railings na nakalaan para sa mga
pasahero doon, basa parin ng luha ang kaniyang mga pisngi at wala
paring tigil ang kaniyang pag-iyak at hindi ito maipaliwanag ni Eric
kung bakit sa sarili, akala niya kasi sa oras na makalayo na siya kay
Alvin ay magiging magaang na ang pakiramdan niya pero habang palayo
siya ng palayo sa istasyon kung saan andun si Alvin ay pabigat din ng
pabigat ang loob niya. Kasabay ng sakit ay ang pag-tulo ng kaniyang
mga luha. Nasa ganito siyang pag-iisip nang may mag-abot sa kaniya ng
panyo.
Saglit
na tinignan ni Eric ang panyo saka itinuloy ang tingin nito sa mukha
ng nag-abot. Di alam ni Eric kung ano ang kaniyang sasabihin o
mararamdaman sa puntong iyon. Hindi siya makapagsalita, tila nawalan
ng lakas ang kaniyang mga paa at alam niyang namumutla na siya dahil
sa naramdaman niyang panlalamig ng kaniyang mukha.
“Eric,
are you OK? I saw you standing here and crying---” simula ni Jake
nang mag-tama ang kanilang mga mata ni Eric. Hindi na nadinig pa ni
Eric ang susunod pang sinabi ni Jake dahil tila ba nabingi na siya at
sumiksik sa kaniyang isip ang pananakit niya noon sa taong kaharap
niya ngayon.
“Eric?”
nagaalala nang tawag ni Jake.
“Why?”
pabulong na balik ni Eric na ikinatka ni Jake dahil hindi niya ito
naintindihan.
“Huh?”
tanong ni Jake.
“Why
don't you hate me? Sinaktan kita, sinira ko kayo ni Pat---”
“Eric
tapos na 'yon---” simulang pag-aalo ni Jake pero nakita niyang
hindi nakuwa nito ang atensyon ni Eric. “---Look Eric, hindi ito
tamang lugar para pag-usapan ito. Busy ka ba, why don;t we talk about
this at lunch?” masuyong tanong ni Jake, tinignan ni Eric ang
kaniyang orasan at nakita niyang may kalahating oras pa siyang
gugugulin bago ang pirmahan ng kontrata sa pupuntahang kumpanya.
Tumango na lang si Eric bilang sagot.
0000ooo0000
Halos
hindi nagalaw ni Eric ang kaniyang kinakain at napansin ito ni Jake.
Alam niyang imposibleng ang nangyari parin sa kanila nila Pat may
pitong buwan na ang nakakaraan ang ikinagaganito ng kaharap pero may
ideya siyang nakakaapekto parin iyon kay Eric. Masuyong inabot ni
Jake ang kamay ng nagiisip na si Eric.
“Eric,
what's wrong? I haven't seen you like this before, it's obvious that
you're hurting now. You know I can help you if you let me.”
nagaalalang pahayag ni Jake, nung una ay hindi makapaniwala si Eric
pero nang wala siyang makita kundi sinseridad sa mga mata ni Jake ay
agad na itong naniwala.
“I'm
sorry.” bulong ni Eric na ikinagulat ulit ni Jake dahil hindi iyon
ang hinahanap na sagot ni Jake.
“I'm
sorry too. It's all our fault, Eric. It's not just you.”
“But
Pat---”
“Pat
loved us both and that was his mistake. You loved Pat and could never
let him go. I loved Pat, I loved him more than I love myself and that
was my mistake. I thought you would've stopped beating yourself over
this sooner---”
“I
did---” putol ni Eric.
“Then
why are you crying your eyes out?” taas kilay na tanong ni Jake.
Saglit na tinignan ni Eric si Jake atsaka naisipang sabihin dito ang
mga nangyari sa pagitan nila ni Alvin.
0000ooo0000
“I
thought you said that you're over with what happened between you, Pat
and me?” tanong ni Jake matapos magkuwento ni Eric.
“I
am over it.” balik ni Eric sabay nangunot ang noo.
“No
you're not. If you're over it edi sana hindi ka nag-assume. Sana
nilinaw mo muna ang lahat before you made drastic decisions. Sabi mo
hindi sinabi ng Alvin na ito sayo na may namamagitan sa kanila ni
Mike---”
“He
doesn't have to tell me that there's something between them, Im not
blind, Jake.”
“Yes,
you're not blind but that doesn't mean you see everything that goes
under your nose, Eric. You also said that he didn't react violently
after you told him you love him---”
“Because
he didn't have the chance to react---”
“And
still you're telling me you're over with that happened between me,
you and Pat. If you're over with what happened, you wouldn't over
analyze every thing, Eric, you wouldn't make wild guesses and
assumptions, wala ka dapat sagot sa bawat tanong ko. Alam mo kung
bakit ka nag-aasume masyado? Kasi natatakot kang masaktan, natatakot
ka na mangyari ulit yung nangyari satin dati. So tell me, is that
what you call being over with what happened?”
Natahamik
si Eric nang sa wakas ay nakuwa na niya ang punto ni Jake. Naisip
niyang tama ito. Masyado siyang natakot kaya't hindi niya hinayaan na
magkalinawan sila ni Alvin. Nang ibalik ni Eric ang kaniyang tingin
kay Jake ay masuyo na itong nakangiti.
“I'll
pay for lunch. Just promise me you'll fix everything with Alvin. If
it doesn't work with him, call me and we will find you someone who
you deserves.” nakangiting sabi ni Jake saka tumayo, tumayo nadin
si Eric at wala sa sariling niyakap si Jake.
“Thank
you.” bulong ni Eric at saka nagbigay ng isang matipid na ngiti.
“e-Ehem!”
istorbo ng isang lalaki sa likuran nila. May dala itong isang
malaking teddy bear, pamilyar ito kay Eric at agad niyang inisip kung
saan niya ito nakita.
“I
thought you already dumped BF number two?” taas kilay na tanong ng
lalaki kay Jake sakay humalik ng marahan sa labi nito. Sa puntong
iyon ay naalala na ni Eric kung sino ito. Ito ang kahalikan ni Jake
nung huli niya itong nakita saka si Pat sa loob ng isang mall.
“Oh
this is my new BF number two.” nakangising sagot ni Jake
sabay akbay kay Eric. Nagtaas ng kilay si Edison.
“Eric,
this is Edison my boyfriend a.k.a. Boyfriend number one. Hehe. Edison
this is Eric.”
“Ohhh!
The famous Eric.” naniningkit matang bati ni Edison sabay ngisi.
“Ooookkkaaaayyyy!
Eric is leaving now. He's going to sign a contract at Jacobsons,
though I hope he think about first.” makahulugang pagtataboy ni
Jake na ikinatingin naman ni Eric sa kaniyang relos meron pa siyang
limang minuto, itinaas niya ang kaniyang tingin at nagtama ang mga
mata nila ni Jake. Muli niyang niyakap si Jake para magpasalamat.
“Seriously.
Think about all of these, OK? You could be making a big mistake.”
bulong ni Jake, tumango na lang bilang sagot si Eric, nag maghiwalay
sila ay masuyong nakatingin sa kaniya si Edison, walang halong
pagseselos o pagkairita, ang totoo ay magiliw pa itong nakangiti sa
kaniya habang yakap-yakap ang gahiganteng stuffed toy.
“Nice
meeting you, Edison.”
“Likewise.”
Pinanood
ni Jake at Edison si Eric na tila ba abala parin sa pagiisip ng
malalim.
“You'll
do everything just to get a cheap feel, do you?” nangiinis na
tanong ni Edison sabay pabirong sinuntok ang braso ng kaniyang
boyfriend na nagbigay lang sa kaniya ng isang nakakalokong ngiti.
“Eric's
hot. Sorry.” nagbibirong balik ni Jake sabay kibit balikat. Muli
siyang sinuntok ni Edison sa braso at humagikgik.
“You
flirt!”
“Well,
you don't satisfy me enough! You're always with your stuffed
animals!” humahagikgik naring sabi ni Jake.
0000ooo0000
Nakatitig
si Eric sa kontrata na ilang linggo na niyang iniisip. Akala niya
nung una ay ito na ang kaniyang paraan para hindi na masktan at
makalayo na kay Alvin pero matapos ang paguusap nila ni Jake nung
tanghalian ay nagsimula na siyang mag dalawang isip.
“Eric,
is there a problem?” tanong ng kausap ni Eric sa kumpanyang
Jacobsons na balak niyang lipatan. Umiling na lang si Eric at muling
ibinalik ang kaniyang tingin sa linya kung saan siya nakatalagang
pumirma pero hindi niya magawang idampi ang dulo ng ballpen sa papel.
Saglit siyang pumikit para sana lakasan ang kaniyang loob pero isang
mukha ang kaniyang nakita at lalong nanghina ang kaniyang loob.
“Alvin.”
bulong ni Eric nang pumikit ulit siya at nakita ang mukha ni Alvin.
“I'm
sorry, you were saying something?” tanong ulit ng lalaki na magiliw
paring naghihintay na pumirma siya.
“I
can't do this.” bulong ni Eric.
“I'm
sorry?”
“I'm
sorry but I can't do this.” sabi ulit ni Eric saka tumayo, humingi
ng tawad at naglakad palabas ng opisina na iyon.
0000ooo0000
Nauubusan
na ng pasensya si Alvin. Nasiraan ang tren na kaniyang sinasakyan
pasunod kay Eric at nang umandar ulit ito ay may trenta minutos na
ang nasayang. Nagmamadali siyang nagpunta sa opisina ng Jacobsons
pero pagdating niya doon ay sarado pa ito para sa tanghalian, mulis
siyang bumaba at saglit na kumain. Halos hindi niya rin naubos ang
kaniyang biniling pagkain dahil pilit na umiikot sa kaniyang isip ang
pinagusapan nilang dalawa ni Eric. Hindi niya parin ito maintindihan.
Hindi
namalayan ni Alvin ang oras at nagtagal pa siya sa kainan na iyon ng
higit pa sa kaniyang inilaan na oras para tumigil doon. Napatalon
siya nang makita ang oras at nagmamadaling bumalik sa opisina nang
Jacobsons. Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya napansin si Eric na
nagmamadali ring naglalakad sa kabilang bangketa.
0000ooo0000
“Please
be here. Please be here.” tahimik
na dasal ni Alvin habang iniintay ang sagot ng receptionist. Imbis
kasi na hanapin ni Alvin si Eric sa matayog na building na iyon ay
naisipan niyang mas tipid sa oras na tanungin na lang ang
receptionist.
“Nag
log-out na po siya.” sagot ng receptionist na ikinabagsak ng
balikat ni Alvin.
“Mga
anong oras?” tanong ulit ni Alvin.
“Five
minutes ago, sir.”
0000ooo0000
Bagsak
balikat na bumalik si Alvin sa kaniyang opisina. Madilim na at alam
niyang wala nang sekretarya na mangungulit sa kaniya at magtatanong
kung saan siya naggaling buong mag-hapon. Pinagisipan niya ang
nangyari nung tanghalian na iyon buong maghapon sa isang park nang
mapansin niyng may isang oras na pagkatapos ng takip-silim at
mapagpayahan na niyang bumalik na ng opisina at umuwi na.
Nadaanan
niya ang lamesa ni Eric habang papasok siya ng kaniyang opisina. Wala
ng tao sa buong floor kaya't saglit siyang tumitig sa lamesa na iyon.
“He's
gone and I don't have a fucking clue why. This is so fucking
frustrating!” naiinis na sabi
ni Alvin sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang sumagi sa isip ni
Alvin habang nakatitig sa lamesa ni Eric, sumentro na ngayon ang
kaniyang pansin sa isang pakiramdam na namamayani sa kaniyang puso.
“It
hurts like hell and I can't do a fucking thing about it!” sabi
ulit ni Alvin sa kaniyang sarili at nangyari ang isang bagay na
matagal na niyang hindi nagagawa. Ang umiyak.
Itutuloy...
_____________________________________
Different
Similarities 1[22]
by:
Migs
Hey guys, eto na yung request ng iba na additional chapter. Sorry kung medyo na-disappoint kayo sa last chapter, hindi ko lang masisiguro na di kayo madi-disappoint dito sa chapter na 'to. Hehe.
ReplyDeleteSunod na ang epilogue.
Pagpasensyahan niyo na nga pala ang ilang typo, kung meron man. Ngayon ko lang kasi ito ginawa. hehe.
Thanks sa patuloy na pagbabasa guys! :-)
this chapter's good...it made things clear in my mind,im quite slow at digesting stuff...heheheh
DeleteYehey!! Thanks sa paggrant ng request kuya migs. Basahin ko maya, ligo muna ako. Kakaexcite!!
ReplyDelete--ANDY
soooooo suuulit!!! Ang galing! Parang nahurt din ako nung mabasa ko yung last part. Thanks talaga kuya migs sa extra chapter. Ang ganda ganda. Mga ganitong part pa naman ang gusto ko sa mga story. Haha! Excited for the epilogue.
ReplyDelete--ANDY
This is crazy! (JLO, lol) WAAAHHH...! ewan ko sau Eric! Bkit mo pinahirapan pa si papa alvin. Ok, ok i've got your point here migs. Your just prolonging the unevitable epilogue. I'm gonna kill you shithead for keeping us hanging. The suspense is truly high now. The climax is coming. Heart beats fast. A preview of Book2. Come on Dude! We want the EPILOGUEEEEE! Then Book II hehehe.
ReplyDeleteI love you, migs. \'.'/
mas maganda :)
ReplyDeleteang ganda po! pero ano na kaya mangyayari sa kanila?? masyadong pinapairal ang hiya eh!
ReplyDeleteKuya migs!!! hehe! Sorry po sa di pagcomment lately. Pero binabasa ko ho parin talaga every update niyo. Hehe! Out of words lang, o baka natangay ng alak. HAHA!
ReplyDeleteAnyway, medyo relate ako masyado sa chap na to. Ang bigat ng feeling. Obvious na may pinanghuhugutan. Hehe! Galing parin ng mga lines at kilig parin ang mga mumunting moments na sinisingit. hehe.. Maraming maraming salamat talaga sa mga gawa mo kuya. :))
-->nIx
hanep!
ReplyDeleteHala! matatapos na? :(
ReplyDeleteassume kasi ng assume. di ko rin masisi si eric. ganun din siguro gagawin ko kung sakin nangyre ung mga un. at least may closure na kay jake.
sna may side story kay ardi at ted. :D
thanks kuya migs.
Haissst... Matatapos na? Mamimiss ko sila. Hayyy... Napaka suspense naman nito. Post na po ng Epilogue, now na! Hahaha
ReplyDeleteIm backkkkk! Dami ko na pala na miss. Against all odds yung huli. Kaya marathon reading ako kahapon till now and i skipped work just to catch up. Hahahahaha!
ReplyDeleteI looked like girl na nag daydream habang binabasa ito. Sabi yan ni mama kanina.
Migs, galing galing mo talaga! ^_^
Ei Author Migs, ganda ng layout ng blog :D Blue :)
ReplyDeleteBait ni Jake infairness move on na talaga siya kay pat..and happily engaged with edison; same with edison masaya na siya:) si Ram nalang talaga walng endingXD at sana wag siya kay Pat mapunta di ko siya bet para kay Ram..
Eto na talaga, alvin-eric na talaga ang loveteam na to, assuming kasi ni eric laging may conlusions,pero naiintindihan ko siya..anyway..abang abang sa susunod na chapter :D
yes buti naman at nandyan si jake. kung hindi dahil sa kanya ewan ko na lang kay eric. naku eric kausapin mo na ng mabuti si alvin. lakasan mo lang loob mo. ang hirap kasi sayo takot ka mareject. go lang ng go eric. kaya mo yan.
ReplyDelete-Mike
Ang galing mo Migz. Pero Eric and Ted kasi ako eh. :((
ReplyDelete