Different Similarities 2[1]
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Muling
napa-buntong hininga si Pat, gusto na niyang gumaya kay Jake at Eric,
gusto na niyang maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman, gusto na
niyang mahalin ulit ang sarili at hayaan ang karapat-dapat na mahalin
siya.
“Pero
pano?” tanong
ulit niya sa sarili niya, simula nang umupo siya doon sa bangketang
iyon ay may limang beses na niya ata itong naitanong sa sarili niya.
Nawawala
siya, hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung pano ulit magsisimula.
Muling sumagi sa kaniya ang alaala ng nakangiting si Eric. Naisip
niya na sa kaniya dapat ang mga ngiting iyon, kung hindi lang sana
siya naging makasarili.
“I
guess I'm too late then?”
Tumango
si Eric bilang sagot.
“I
see.”
Muling
tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Agad niya iyon
pinahiran at isiniksik sa utak na huwag na ulit iiyak pa dahil wala
ng magagawa pa ang pag-iyak niya dahil kailanman ay hindi na sila
muli pang magkakabalikan ni Eric. Abala parin sa pangangaral sa
sarili si Pat ng makarinig ulit siya ng paghikbi.
“Dammit,
Pat! Stop crying!” sigaw niya
sa sarili, ngunit napatigil siya nang mapagtantong hindi sa kaniya
nanggagaling ang paghikbi na iyon kundi sa isang bata na katulad niya
ay naka-upo rin sa bangketa ng village na iyon, may ilang dipa lang
ang layo sa kaniya.
Pinahiran
ni Pat ang kaniyang mga luha at hindi mapigilan ang mapangiti. Ganung
ganun din kasi ang ginagawa niya noon sa tuwing papagalitan siya ng
ina, tatakas mula sa bintana ng kaniyang kwarto at magyu-yukyok sa
bangketa o kaya naman ay sa tree house na idinisenyo niya at ginawa
ng mga ama sa village na iyon para sa mga batang lalaki at babae.
Nilapitan
ni Pat ang bata at tumabi dito. Sa tantya ni Pat ay nasa 3 or 4 years
old pa lang ang bata. Nagulat si Pat ng maningkit ang mga mata nito
at nang itiklop nito ang kamay sa may dibdib.
“Papa,
told me not to talk to strangers.” sabi ng bata sabay labas ng
ibabang labi.
“Oh.”
ang tanging nasabi ni Pat, tumango siya at tatayo na sana upang
umalis ng magsalita ulit ang bata.
“My
name is Liam and I am 4 years old.” sabi ng bata sa tono ng tila ba
sumasali sa Little Mr. Bulaga habang ipinapakita ang apat na daliri.
“So
we are not strangers to each other now, right?” biro ni Pat.
Kumunot ang noo ng bata na tila ba nagiisip ng malalim at saka
umiling.
“Nuh-uh!
You didn't introduce yourself!” sabi ng bata. Napahagikgik si Pat
sabay tampal sa kaniyang noo.
“Right!
I'm Patrick.” pakilala ni Pat.
“Patwick?!”
sigaw ng bata sabay nanlaki ang kulay hazel na mga mata, na excite sa
isang bagay na hindi alam ni Pat kung ano.
“Patwick,
like Patwick the star? Spongebob' Squawepants' best fwiend?” tanong
ulit ng bata, natigilan saglit si Pat atsaka humagikgik ng
maintindihan ang tinutumbok ng bata.
“Yes
my name is Patrick but I am not Spongebob's best friend.”
“Does
that mean you don't have a best fwiend? Can I be your best fwiend?
Pretty please? I can show you my tree house and all my toys!” sunod
sunod na sabi ni Liam, nagkunwaring nagisip si Pat kaya't nagsalita
uli si Liam.
“Pretty
please?” sabi ng bata sabay beautiful eyes, inilabas lahat ni Pat
ang lakas niya na huwag tumawa nung puntong iyon.
“No,
sorry---” seryosong sabi ni Pat pero alam niyang di magtatagal ay
mapapangiti na siya, nakita niyang muling umusli ang ibabang labi ng
bata at tila ba iiyak ito.
“---not
until you tell me why you're crying.” tapos ni Pat sabay ngiti.
Saglit na tumingin sa kaniya si Liam atsaka sumagot.
“Papa,
don't love Liam no more.” sagot ni Liam, saglit na natigilan si
Pat. Tila hinatak siya ng oras at ibinalik nung panahong siya ang
bata, noong panahong may limang taong gulang pa lang siya.
“Daddy,
don't you love, Pat no more?” taong
ni Pat, noong panahong iyon ay ayaw niyang maiwan na kasama ay si
Lita lang dahil sa sobrang higpit nito kay Pat.
Napatingin
si Pat sa bata, kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya't
hindi mapigilan ni Pat na aluhin ito, isang bagay kung saan alam
niyang hindi siya magaling. Buong buhay niya, siya ang ina-alo, maski
nung sila pa ni Eric o kaya maski ni Jake. Kaya't kinabahan siya pero
sinubukan niya parin pagaangin ang loob ng bata kahit pa hindi niya
malaman kung bakit.
“I'm sure that's not true, maybe he's just taking the
time off with his friends so that he will miss you after the party.”
marahang sabi ni Pat sa bata pagkatapos ay bumulong sa sarili.
“Geesh,
I'm so lame with this kind of stuff.”
“Pwomise?” tanong ni Liam.
“Yes, I promise.” nakangiting sagot ni Pat. Tinignan
siyang maigi ng bata gamit ang bilugang mata nito, tila ba
nangingilatis. Ilang saglit pa ay pinunasan na nito ang kaniyang luha
at uhog gamit ang likod ng kaniyang palad.
“OK.” mabilis na pagpayag sa pangakong iyon ni Pat.
Hindi maiwasan ni Pat na lalong mapangiti, iniisip na buti pa ang mga
bata, mabilis i-isang tabi ang problema at sakit na nararamdaman.
Wala sa sarili niyang hiniling na kaya niya ring gawin iyon.
“Wanna play?” tanong dito ni Pat, agad na bumakas sa
mukha ni Liam ang isang malaking ngiti, ang nangigilid luhang mga
mata ay biglang lumiwanag at ang pisngi ay muling namula. Pero kasing
bilis ng pagsulpot ng ngiting iyon ay ang mabilis ding paglisan ng
mga ngiting iyon sa mukha ng bata. Nangunot ang noo ng bata na
ikinabahala ni Pat, iniisip kung ano ang maaaring masamang nasabi
niya dito.
“But you're tooooo old to play.” saad ng bata sabay
nawala ang kunot sa noo at ipinaling ang ulo sa kaliwa na tila ba
naiinip na sa isasagot ni Pat.
“na-uh! I'm still young like you.” parang batang
balik ni Pat.
“You're old---”
“nuh-uh.”
“You're too---”
0000ooo0000
Parang bata na taas baba si Pat sa kaniyang kinauupuan
nang may dumaan ulit na kulay asul na kotse, ngumuso naman si Liam
nang makapuntos ulit ang batang isip sa kanilang laro. Itniklop ng
bata ang kaniyang maliliit at mabibintog na kamay sa kaniyang dibdib
at napagpasyahan na brasuhin ang matandang kalaro, iniisip na hindi
ito makakahindi sa kaniyang puppy dog eyes.
“No fair! It's green, not blue!” sigaw ni Liam at
tumingin kay Pat, umaasang pagbigyan siya sa pagkakataon na iyon.
“OK, I'll let you win this time.” sumusukong sabi ni
Pat sabay iling.
“I always win!” sigaw ni Liam sabay chest out.
Napatawa naman si Pat.
“Is that bloody right, big guy?” tanong ni Pat,
muling pumaling sa kaliwa ang ulo ni Liam, tanda na nagtataka ito.
“You speak funny. Hehe.” turo ng bata kay Pat,
pinagtatawanan ang accent niya.
“It's what you call accent, big guy.” sagot ni Pat
sabay kibit balikat.
“What's an accent?” inosenteng tanong ni Liam.
“Liam?” tawag ng isang lalaki sa hindi kalayuan.
Napansin ni Pat ang magara nitong damit na tila ba galing sa party.
“Daddy!” sigaw ni Liam sabay talon mula sa
kinauupuan nila ni Pat at tumalon pakarga sa lalaking kaniyang
tinawag na daddy.
Nun nagkaroon ng pagkakataong kilatisin ni Pat ang
itsura ng ama ni Liam. Matangkad ito, at sa pakiwari ni Pat ay kasing
tanda niya lang, maputi, may mapupungay na mata na katulad kay Liam,
matangos na ilong, muli katulad ng kay Liam at mapupulang labi na,
Oo, katulad din kay Liam, Ngayon alam na ni Pat kung ano marahil ang
itsura ng bata paglaki, kung susumahin ang itsura ng mag-ama ay
masasabi mong pwedeng magartista ang mga ito dahil sa angking
kagwapuhan. Agad na nanliit si Pat.
“What are you doing little buddy?” tanong ng lalaki
sa kaniyang anak habang si Liam naman ay lalong hinigpitan ang
maliliit na kamay sa pagpulupot sa leeg ng ama.
“Me and Patwick are playing red and blue!” masiglang
sagot ni Liam, nun lang iginawi ng lalaki ang tingin kay Pat na tila
ba hindi niya ito napansin na nakatayo doon kanina. Nagtama ang
kanilang mga mata at saglit na nagtitigan. Ang lalaki ang siyang
unang nagiwas ng tingin at ibinaling iyon sa kaniyang anak.
“Liam, anong sabi ko sayo about strangers?” tanong
nito kay Liam, seryoso ang mukha nito na tila ba nagsasabi na matigas
ang ulo ng kaniyang anak.
“But he's no stranger, Daddy! He's Patwick!” sigaw
ng bata sabay turo sa matandang kalaro, di mapigilan ni Pat ang
mapangiti. Tinignan ulit ng lalaki si Pat. Kinilatis.
“If you say so, little buddy.” sabi nito pero hindi
parin nito itinitigil ang pagkilatis niya kay Pat.
“I'm Patrick, I live next door.” pakilala ni Pat
habang itinuturo ang kanilang bahay. Napataas ng kilay ang ama ni
Liam, tila ba iniisip kung totoo ang accent na hindi sinasadyang
dumulas mula sa bibig ni Pat. Namula si Pat at ibinaba ang tingin sa
sahig.
“Liam, the party is going to be over soon, Aunt Nina's
friends will be going home any minute now, why don't you go upstairs
and ask manang to give you a bath so you will be squeeky clean before
we eat dinner?” alok nito sa anak habang marahang nakangiti.
“Yay! Bye Patwick!” masiglang sabi ni Liam,
nakalimutan na ang lungkot na kanikanina lang ay iniiyakan nito.
“Bye, Liam, nice meeting you!” habol ni Pat sa bata
habang pinapanood ito pumasok sa katabing bahay nila Pat. Ang bahay
kung saan nandun ang malaking puno at ang tree house na idinisenyo ni
Pat nung bata pa siya.
“Nice meeting you too, Patwick.” sabi ni Liam bago
mawala sa likod ng gate.
“Di ko alam na may anak pala si Lita.” sabi ng ama
ni Liam na ikinagulat ni Pat.
“Oh, uhmmm-- Well, she's not very proud of me.”
sagot ni Pat sabay ngiti, tinitigan ulit siya nito. Muling kinilatis.
Halatang naintriga sa pahayag na iyon ni Pat.
“Hey uhmmm I better go.” basag ni Pat sa katahimikan
sa pagitan nila. Naglalakad na pabalik si Pat sa kanilang bahay nang
magsalita ulit ang ama ni Liam.
“My name is Kyle, by the way.” napaharap ulit si Pat
kay Kyle.
“Nice meeting you, Kyle.” balik ni Pat at sabay ng
naglakad ang dalawa pabalik sa kanikanilang bahay.
“Oo
nga pala---” simula ni Pat nang mapatapat sila sa kani-kanilang
gate. “---nag promise ako kay Liam na kaya di mo siya napansin
ngayong hapon at nakipagparty sa mga kaibigan mo kasi para sa huli
ma-mimiss mo siya. So please before you eat dinner hug your son and
tell him you love him and that you miss him para hindi naman ako
magmukhang sinungaling. And just a piece of advise, try spending more
time with your son, who knows, you might like it.” sabi ni Pat.
Saglit na kumunot ang noo ni Kyle at pumaling ang ulo nito sa kaliwa
na nagpaalala kay Pat ng maliit at bago niyang kaibigan na si Liam.
Di nagtagal ay ngumiti narin si Kyle at tumango saka pumasok ng gate.
Nakangiting
pumasok si Pat sa kanilang bahay. Iniisip na baka ang pagiging
masiyahin kagaya ni Liam ang sagot sa kaniyang problema. Bago pumasok
ng kanilang sariling gate ay napag-isipan na ni Pat na kausapin ang
ina. Alam niyang hindi maisasakatuparan ang kaniyang pinaplanong
pagbabago kung hindi siya masaya sa sariling bahay na tinutuluyan.
0000ooo0000
Naabutan
ni Pat si Lita na nagluluto ng hapunan kasama ang mga kasambahay na
magiliw na tumutulong dito sa paghahanda ng hapunan. Nakikinig ang
mga ito sa ikinukuwento ni Lita, nang makatapat na si Pat sa pinto ng
kusina ay narinig niya ang ikinukuwento ng ina.
“He
wants his spaghetti Italian style. Naaalala ko nung minsan idinaan ko
yan sa isang fast food chain at umorder kami ng spaghetti sa mga
value meals doon, hindi niya alam na matatamis ang luto ng spaghetti
dito eh, kaya nung natikman na niya agad yang umiyak at nagtanong ng
'Mom, why is the spaghetti sweet? And what are these?' sabay
turo sa mga hot dog na nakasahog sa spaghetti.” umiiling pero
natatawang kwento ni Lita. Naaalala ni Pat ang kuwentong iyon kaya't
di niya mapigilang mapangiti.
“Di
na ulit siya kumain sa isang fast food pagkatapos nun?” tanong ng
isa sa mga kasambahay.
“Ay
nako Gina ni hindi na niya nagawa pang tumingin sa gawi ng isang fast
food.” humahagikgik na sagot ni Lita na ikinahagalpak naman ng mga
kasambahay. Hindi na napigilan ni Pat ang sarili at nagpasiya na
itong kausapin ang ina.
“Mom?”
tawag ni Pat.
Napatingin
ang tatlong kasambahay sa gawi ni Pat atsaka nagpalitan ng tingin,
nang tumango si Gina ay nagpaalam ang mga ito na aasikasuhin na muna
ang hapagkainan. Hindi na nagawa pang sumagot ni Lita dahil tila
nabingi na ito nang tawagin siyang 'mom' ni Pat, ang akala
niya ay hindi na niya ito maririnig pa hanggang sa mamatay siya. Ang
akala niya ay habang buhay niyang maririnig ang malamig na pagtawag
sa kaniya nito ng 'mother' kung saan wala siyang maaninag
maski katiting na emsoyon.
Hindi
na mapigilan pa ni Lita ang kaniyang mga luha sa pagtulo at ang
kaniyang mga paa at lumapit na siya sa kaniyang anak na kinakabahang
nakatingin sa kaniya. Iniyakap niya ang kaniyang mapapayat na bisig
sa kaniyang kaisa-isahang anak.
“I'm
sorry.” bulong ni Lita. Tumango na lang si Pat at sinuklian ang
yakap ng ina.
0000ooo0000
“After
your father returned home without you the night you cam out to us
this house was never the same again. It's as if the whole house was
shrouded with depression---” umiiling na kuwento ni Lita. “---
nung una hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang dad mo,
I mean, sa pagkakaintindi ko, kasalanan mo lahat, sinisisi ko ang
sexual orientation mo kung bakit nasira ang pamilya natin. Your dad
refuses to talk to me for two months, he told me that as long as I'm
acting like a narrow minded bigoted bitch he wouldn't talk to me.”
nangingilid luhang pagpapatuloy ni Lita.
“I'm
sorry, Mom.” singit ni Pat, umiling si Lita at ngumiti.
“I'm
the one who should apologize, Pat.” nakangiti paring balik ni Lita.
“After
being ignored for two months by your father, I started asking myself
and my beliefs. I googled and read articles about homosexuality. Half
way through the first article, I realized how wrong I was, your
father and I had a talk after that and he made me understand more
about homosexuality and those awful things I said and did---” sa
puntong ito ay malaya nang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ni
Lita.
“Mom,
it's OK. It's fine now.” alo dito ni Pat pero umiling si Lita.
“I-I
w-was so close to hitting you that night, Pat and that will never be
OK. That will never going to be OK. I thought about hitting you
because I am more concerned about what others will think.”
humihikbing sabi ni Lita. Muling niyakap ni Pat ang ina, matagal
silang natahimik.
“Please
forgive me.” bulong ni Lita, nangilid narin ang luha ni Pat at
tumango bilang sagot, di pa man natatapos ang pagtangong iyon ni Pat
ay agad nang gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Sa
unang pagkakataon ay naramdaman na niyang asa daan na siya papunta sa
kaniyang sariling kaligayahan.
Itutuloy...
__________________________________
Different
Similarities 2[1]
by:
Migs
back to back chapters guys! Makabawi lang ako sa super tagal ko ng pagpo-post! ^_^v
ReplyDeleteNga pala, Invite ko kayo na sumilip at basahin ang mg kwento sa blog ni Zildjian. Magaganda ang stories dun and super bilis nilang mag-update. yung totoo? di na ata natutulog ang mga taga dun eh. ^_^
http://zildjianstories.blogspot.com/
Enjoy chapters 1 and 2! ^_^
Yeah! Their updates are past unlike the known one. Many stories but only finishes. Some delayed by 10 months just imagine that. Some parts missing. Btw, i thought Pat turned out to be a pedo Hahaha. Im really laughing out loud.
ReplyDeleteTold you i was wrongXD next next..Di pala pedo si Pat..and the kid his the bridge for his happiness soon:)
ReplyDeleteDi ako nakapagcomment sa first kaya dito nlng din. hmmm. nakakatuwa yung expression ng tatay ni pat, puro bloody... naalala ko tuloy si ron weasley.
ReplyDeleteanyways, akala ko you're into fantasy na kuya migs. at first i thought the kid would be pat's new happiness. hahahaha.
good start.
ACCEPTANCE, some people wouldnt know it was harder to accept a thing ourselves especially bout our own feelings. i wish everyone would recognize that and wont add to one's own frustration. (maka-english! tama ba grammar? antok nq, tntamad nq iedit kung mali. haha)
bago ko malimutan, thank you kuya migs. sa last chapter nung book1. so happy sa ending. ang cute ng ted-ardi scene. kawaii! :)
Abat talagang pinapatalastas ako dito. HAHAHA salamat Miguel!
ReplyDeleteAng ganda hahaaha akala ko pa naman pumapatol sa bata si Pat wahahahaha. Surprise! Nakahabol na ako sa kwento mo. hihihihi
Kuya migs gusto ko 'to!! May bagets na kasali. Haha! Ang cute Liam, magiging nanay pa ata si Pat! Wahaha!
ReplyDelete--ANDY
wow nice one migs keep up the good work.
ReplyDeleteEnjoyed reading this chapter hehehe
have a great day and keep up the good work.
Da best ka Migz. Mahal Ko.
ReplyDeletekeep it up...migz.....hehehehe.....ang tagal ko tong hinintay akla ko....d na masusundan....hehheheehehehehhe buti nlng nababgit ni kuya z 2...............................................ras
ReplyDeletewow! it seems another one good and worthy to read na story again. tnx migs. susubaybayan ko ule e2. he he he
ReplyDeletebt nwla ung ibng short stories :( d q pa tpos bsahn lahat weh :((
ReplyDeletenga pla, sorry d aq nkakapagcomment, ganito kc un... kpag ngbsa aq at nkuha nun ung interes q eh 2loi 2loi na un, kya aun nkakalimutan q mgcoment dhl naexcite mxado xD
isa pang rason, hrap naman kc mgcoment d2 gmit ang phone :( after typing mgrrefresh then scroll down, tpos pindot ng publish eh mgrrefresh uli ung page tas scroll down ulit only 2 find out d pa pla napublish dhli my nid pa itype na ejo mhrap bsahn..then pgktpos itype un refresh ung page, scroll down, click publish ulit, ejo hasle sir x.x lalu na sa cp na gmit q :(
peo hayaan m, pramis babawi aq...from this post at sa mga su2nod na parts neto i’ll leave a coment, pangako yan! :)
anyway e2 na coment q sa post na to... gs2 q mrinig c pat :3 gs2 q ng british na accent eh lol
and kyle...hmm xa nb mggng partner ni pat? hot daddy ah, at ksundo na agad ni pat ung future son nia haha cute ng start, wla pa man y paruparo nq sa tyan ^w^
this chapter made me teary-eyed =)
ReplyDelete