Different Similarities 2[1]


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Muling napa-buntong hininga si Pat, gusto na niyang gumaya kay Jake at Eric, gusto na niyang maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman, gusto na niyang mahalin ulit ang sarili at hayaan ang karapat-dapat na mahalin siya.



Pero pano?” tanong ulit niya sa sarili niya, simula nang umupo siya doon sa bangketang iyon ay may limang beses na niya ata itong naitanong sa sarili niya.



Nawawala siya, hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung pano ulit magsisimula. Muling sumagi sa kaniya ang alaala ng nakangiting si Eric. Naisip niya na sa kaniya dapat ang mga ngiting iyon, kung hindi lang sana siya naging makasarili.


I guess I'm too late then?”


Tumango si Eric bilang sagot.


I see.”



Muling tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Agad niya iyon pinahiran at isiniksik sa utak na huwag na ulit iiyak pa dahil wala ng magagawa pa ang pag-iyak niya dahil kailanman ay hindi na sila muli pang magkakabalikan ni Eric. Abala parin sa pangangaral sa sarili si Pat ng makarinig ulit siya ng paghikbi.



Dammit, Pat! Stop crying!” sigaw niya sa sarili, ngunit napatigil siya nang mapagtantong hindi sa kaniya nanggagaling ang paghikbi na iyon kundi sa isang bata na katulad niya ay naka-upo rin sa bangketa ng village na iyon, may ilang dipa lang ang layo sa kaniya.



Pinahiran ni Pat ang kaniyang mga luha at hindi mapigilan ang mapangiti. Ganung ganun din kasi ang ginagawa niya noon sa tuwing papagalitan siya ng ina, tatakas mula sa bintana ng kaniyang kwarto at magyu-yukyok sa bangketa o kaya naman ay sa tree house na idinisenyo niya at ginawa ng mga ama sa village na iyon para sa mga batang lalaki at babae.



Nilapitan ni Pat ang bata at tumabi dito. Sa tantya ni Pat ay nasa 3 or 4 years old pa lang ang bata. Nagulat si Pat ng maningkit ang mga mata nito at nang itiklop nito ang kamay sa may dibdib.


Papa, told me not to talk to strangers.” sabi ng bata sabay labas ng ibabang labi.


Oh.” ang tanging nasabi ni Pat, tumango siya at tatayo na sana upang umalis ng magsalita ulit ang bata.


My name is Liam and I am 4 years old.” sabi ng bata sa tono ng tila ba sumasali sa Little Mr. Bulaga habang ipinapakita ang apat na daliri.


So we are not strangers to each other now, right?” biro ni Pat. Kumunot ang noo ng bata na tila ba nagiisip ng malalim at saka umiling.


Nuh-uh! You didn't introduce yourself!” sabi ng bata. Napahagikgik si Pat sabay tampal sa kaniyang noo.


Right! I'm Patrick.” pakilala ni Pat.


Patwick?!” sigaw ng bata sabay nanlaki ang kulay hazel na mga mata, na excite sa isang bagay na hindi alam ni Pat kung ano.


Patwick, like Patwick the star? Spongebob' Squawepants' best fwiend?” tanong ulit ng bata, natigilan saglit si Pat atsaka humagikgik ng maintindihan ang tinutumbok ng bata.


Yes my name is Patrick but I am not Spongebob's best friend.”


Does that mean you don't have a best fwiend? Can I be your best fwiend? Pretty please? I can show you my tree house and all my toys!” sunod sunod na sabi ni Liam, nagkunwaring nagisip si Pat kaya't nagsalita uli si Liam.


Pretty please?” sabi ng bata sabay beautiful eyes, inilabas lahat ni Pat ang lakas niya na huwag tumawa nung puntong iyon.


No, sorry---” seryosong sabi ni Pat pero alam niyang di magtatagal ay mapapangiti na siya, nakita niyang muling umusli ang ibabang labi ng bata at tila ba iiyak ito.


---not until you tell me why you're crying.” tapos ni Pat sabay ngiti. Saglit na tumingin sa kaniya si Liam atsaka sumagot.


Papa, don't love Liam no more.” sagot ni Liam, saglit na natigilan si Pat. Tila hinatak siya ng oras at ibinalik nung panahong siya ang bata, noong panahong may limang taong gulang pa lang siya.


Daddy, don't you love, Pat no more?” taong ni Pat, noong panahong iyon ay ayaw niyang maiwan na kasama ay si Lita lang dahil sa sobrang higpit nito kay Pat.



Napatingin si Pat sa bata, kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya't hindi mapigilan ni Pat na aluhin ito, isang bagay kung saan alam niyang hindi siya magaling. Buong buhay niya, siya ang ina-alo, maski nung sila pa ni Eric o kaya maski ni Jake. Kaya't kinabahan siya pero sinubukan niya parin pagaangin ang loob ng bata kahit pa hindi niya malaman kung bakit.



I'm sure that's not true, maybe he's just taking the time off with his friends so that he will miss you after the party.” marahang sabi ni Pat sa bata pagkatapos ay bumulong sa sarili.


Geesh, I'm so lame with this kind of stuff.”


Pwomise?” tanong ni Liam.


Yes, I promise.” nakangiting sagot ni Pat. Tinignan siyang maigi ng bata gamit ang bilugang mata nito, tila ba nangingilatis. Ilang saglit pa ay pinunasan na nito ang kaniyang luha at uhog gamit ang likod ng kaniyang palad.


OK.” mabilis na pagpayag sa pangakong iyon ni Pat. Hindi maiwasan ni Pat na lalong mapangiti, iniisip na buti pa ang mga bata, mabilis i-isang tabi ang problema at sakit na nararamdaman. Wala sa sarili niyang hiniling na kaya niya ring gawin iyon.


Wanna play?” tanong dito ni Pat, agad na bumakas sa mukha ni Liam ang isang malaking ngiti, ang nangigilid luhang mga mata ay biglang lumiwanag at ang pisngi ay muling namula. Pero kasing bilis ng pagsulpot ng ngiting iyon ay ang mabilis ding paglisan ng mga ngiting iyon sa mukha ng bata. Nangunot ang noo ng bata na ikinabahala ni Pat, iniisip kung ano ang maaaring masamang nasabi niya dito.


But you're tooooo old to play.” saad ng bata sabay nawala ang kunot sa noo at ipinaling ang ulo sa kaliwa na tila ba naiinip na sa isasagot ni Pat.


na-uh! I'm still young like you.” parang batang balik ni Pat.


You're old---”


nuh-uh.”


You're too---”



0000ooo0000



Parang bata na taas baba si Pat sa kaniyang kinauupuan nang may dumaan ulit na kulay asul na kotse, ngumuso naman si Liam nang makapuntos ulit ang batang isip sa kanilang laro. Itniklop ng bata ang kaniyang maliliit at mabibintog na kamay sa kaniyang dibdib at napagpasyahan na brasuhin ang matandang kalaro, iniisip na hindi ito makakahindi sa kaniyang puppy dog eyes.



No fair! It's green, not blue!” sigaw ni Liam at tumingin kay Pat, umaasang pagbigyan siya sa pagkakataon na iyon.


OK, I'll let you win this time.” sumusukong sabi ni Pat sabay iling.


I always win!” sigaw ni Liam sabay chest out. Napatawa naman si Pat.


Is that bloody right, big guy?” tanong ni Pat, muling pumaling sa kaliwa ang ulo ni Liam, tanda na nagtataka ito.


You speak funny. Hehe.” turo ng bata kay Pat, pinagtatawanan ang accent niya.


It's what you call accent, big guy.” sagot ni Pat sabay kibit balikat.


What's an accent?” inosenteng tanong ni Liam.


Liam?” tawag ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Napansin ni Pat ang magara nitong damit na tila ba galing sa party.


Daddy!” sigaw ni Liam sabay talon mula sa kinauupuan nila ni Pat at tumalon pakarga sa lalaking kaniyang tinawag na daddy.



Nun nagkaroon ng pagkakataong kilatisin ni Pat ang itsura ng ama ni Liam. Matangkad ito, at sa pakiwari ni Pat ay kasing tanda niya lang, maputi, may mapupungay na mata na katulad kay Liam, matangos na ilong, muli katulad ng kay Liam at mapupulang labi na, Oo, katulad din kay Liam, Ngayon alam na ni Pat kung ano marahil ang itsura ng bata paglaki, kung susumahin ang itsura ng mag-ama ay masasabi mong pwedeng magartista ang mga ito dahil sa angking kagwapuhan. Agad na nanliit si Pat.



What are you doing little buddy?” tanong ng lalaki sa kaniyang anak habang si Liam naman ay lalong hinigpitan ang maliliit na kamay sa pagpulupot sa leeg ng ama.


Me and Patwick are playing red and blue!” masiglang sagot ni Liam, nun lang iginawi ng lalaki ang tingin kay Pat na tila ba hindi niya ito napansin na nakatayo doon kanina. Nagtama ang kanilang mga mata at saglit na nagtitigan. Ang lalaki ang siyang unang nagiwas ng tingin at ibinaling iyon sa kaniyang anak.


Liam, anong sabi ko sayo about strangers?” tanong nito kay Liam, seryoso ang mukha nito na tila ba nagsasabi na matigas ang ulo ng kaniyang anak.


But he's no stranger, Daddy! He's Patwick!” sigaw ng bata sabay turo sa matandang kalaro, di mapigilan ni Pat ang mapangiti. Tinignan ulit ng lalaki si Pat. Kinilatis.


If you say so, little buddy.” sabi nito pero hindi parin nito itinitigil ang pagkilatis niya kay Pat.


I'm Patrick, I live next door.” pakilala ni Pat habang itinuturo ang kanilang bahay. Napataas ng kilay ang ama ni Liam, tila ba iniisip kung totoo ang accent na hindi sinasadyang dumulas mula sa bibig ni Pat. Namula si Pat at ibinaba ang tingin sa sahig.


Liam, the party is going to be over soon, Aunt Nina's friends will be going home any minute now, why don't you go upstairs and ask manang to give you a bath so you will be squeeky clean before we eat dinner?” alok nito sa anak habang marahang nakangiti.


Yay! Bye Patwick!” masiglang sabi ni Liam, nakalimutan na ang lungkot na kanikanina lang ay iniiyakan nito.


Bye, Liam, nice meeting you!” habol ni Pat sa bata habang pinapanood ito pumasok sa katabing bahay nila Pat. Ang bahay kung saan nandun ang malaking puno at ang tree house na idinisenyo ni Pat nung bata pa siya.


Nice meeting you too, Patwick.” sabi ni Liam bago mawala sa likod ng gate.


Di ko alam na may anak pala si Lita.” sabi ng ama ni Liam na ikinagulat ni Pat.


Oh, uhmmm-- Well, she's not very proud of me.” sagot ni Pat sabay ngiti, tinitigan ulit siya nito. Muling kinilatis. Halatang naintriga sa pahayag na iyon ni Pat.


Hey uhmmm I better go.” basag ni Pat sa katahimikan sa pagitan nila. Naglalakad na pabalik si Pat sa kanilang bahay nang magsalita ulit ang ama ni Liam.


My name is Kyle, by the way.” napaharap ulit si Pat kay Kyle.


Nice meeting you, Kyle.” balik ni Pat at sabay ng naglakad ang dalawa pabalik sa kanikanilang bahay.


Oo nga pala---” simula ni Pat nang mapatapat sila sa kani-kanilang gate. “---nag promise ako kay Liam na kaya di mo siya napansin ngayong hapon at nakipagparty sa mga kaibigan mo kasi para sa huli ma-mimiss mo siya. So please before you eat dinner hug your son and tell him you love him and that you miss him para hindi naman ako magmukhang sinungaling. And just a piece of advise, try spending more time with your son, who knows, you might like it.” sabi ni Pat. Saglit na kumunot ang noo ni Kyle at pumaling ang ulo nito sa kaliwa na nagpaalala kay Pat ng maliit at bago niyang kaibigan na si Liam. Di nagtagal ay ngumiti narin si Kyle at tumango saka pumasok ng gate.


Nakangiting pumasok si Pat sa kanilang bahay. Iniisip na baka ang pagiging masiyahin kagaya ni Liam ang sagot sa kaniyang problema. Bago pumasok ng kanilang sariling gate ay napag-isipan na ni Pat na kausapin ang ina. Alam niyang hindi maisasakatuparan ang kaniyang pinaplanong pagbabago kung hindi siya masaya sa sariling bahay na tinutuluyan.



0000ooo0000


Naabutan ni Pat si Lita na nagluluto ng hapunan kasama ang mga kasambahay na magiliw na tumutulong dito sa paghahanda ng hapunan. Nakikinig ang mga ito sa ikinukuwento ni Lita, nang makatapat na si Pat sa pinto ng kusina ay narinig niya ang ikinukuwento ng ina.



He wants his spaghetti Italian style. Naaalala ko nung minsan idinaan ko yan sa isang fast food chain at umorder kami ng spaghetti sa mga value meals doon, hindi niya alam na matatamis ang luto ng spaghetti dito eh, kaya nung natikman na niya agad yang umiyak at nagtanong ng 'Mom, why is the spaghetti sweet? And what are these?' sabay turo sa mga hot dog na nakasahog sa spaghetti.” umiiling pero natatawang kwento ni Lita. Naaalala ni Pat ang kuwentong iyon kaya't di niya mapigilang mapangiti.


Di na ulit siya kumain sa isang fast food pagkatapos nun?” tanong ng isa sa mga kasambahay.


Ay nako Gina ni hindi na niya nagawa pang tumingin sa gawi ng isang fast food.” humahagikgik na sagot ni Lita na ikinahagalpak naman ng mga kasambahay. Hindi na napigilan ni Pat ang sarili at nagpasiya na itong kausapin ang ina.


Mom?” tawag ni Pat.


Napatingin ang tatlong kasambahay sa gawi ni Pat atsaka nagpalitan ng tingin, nang tumango si Gina ay nagpaalam ang mga ito na aasikasuhin na muna ang hapagkainan. Hindi na nagawa pang sumagot ni Lita dahil tila nabingi na ito nang tawagin siyang 'mom' ni Pat, ang akala niya ay hindi na niya ito maririnig pa hanggang sa mamatay siya. Ang akala niya ay habang buhay niyang maririnig ang malamig na pagtawag sa kaniya nito ng 'mother' kung saan wala siyang maaninag maski katiting na emsoyon.


Hindi na mapigilan pa ni Lita ang kaniyang mga luha sa pagtulo at ang kaniyang mga paa at lumapit na siya sa kaniyang anak na kinakabahang nakatingin sa kaniya. Iniyakap niya ang kaniyang mapapayat na bisig sa kaniyang kaisa-isahang anak.



I'm sorry.” bulong ni Lita. Tumango na lang si Pat at sinuklian ang yakap ng ina.



0000ooo0000



After your father returned home without you the night you cam out to us this house was never the same again. It's as if the whole house was shrouded with depression---” umiiling na kuwento ni Lita. “--- nung una hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang dad mo, I mean, sa pagkakaintindi ko, kasalanan mo lahat, sinisisi ko ang sexual orientation mo kung bakit nasira ang pamilya natin. Your dad refuses to talk to me for two months, he told me that as long as I'm acting like a narrow minded bigoted bitch he wouldn't talk to me.” nangingilid luhang pagpapatuloy ni Lita.


I'm sorry, Mom.” singit ni Pat, umiling si Lita at ngumiti.


I'm the one who should apologize, Pat.” nakangiti paring balik ni Lita.


After being ignored for two months by your father, I started asking myself and my beliefs. I googled and read articles about homosexuality. Half way through the first article, I realized how wrong I was, your father and I had a talk after that and he made me understand more about homosexuality and those awful things I said and did---” sa puntong ito ay malaya nang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ni Lita.


Mom, it's OK. It's fine now.” alo dito ni Pat pero umiling si Lita.


I-I w-was so close to hitting you that night, Pat and that will never be OK. That will never going to be OK. I thought about hitting you because I am more concerned about what others will think.” humihikbing sabi ni Lita. Muling niyakap ni Pat ang ina, matagal silang natahimik.


Please forgive me.” bulong ni Lita, nangilid narin ang luha ni Pat at tumango bilang sagot, di pa man natatapos ang pagtangong iyon ni Pat ay agad nang gumaan ang kaniyang pakiramdam.



Sa unang pagkakataon ay naramdaman na niyang asa daan na siya papunta sa kaniyang sariling kaligayahan.



Itutuloy...



__________________________________
Different Similarities 2[1]
by: Migs

Comments

  1. back to back chapters guys! Makabawi lang ako sa super tagal ko ng pagpo-post! ^_^v

    Nga pala, Invite ko kayo na sumilip at basahin ang mg kwento sa blog ni Zildjian. Magaganda ang stories dun and super bilis nilang mag-update. yung totoo? di na ata natutulog ang mga taga dun eh. ^_^


    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Enjoy chapters 1 and 2! ^_^

    ReplyDelete
  2. Yeah! Their updates are past unlike the known one. Many stories but only finishes. Some delayed by 10 months just imagine that. Some parts missing. Btw, i thought Pat turned out to be a pedo Hahaha. Im really laughing out loud.

    ReplyDelete
  3. Told you i was wrongXD next next..Di pala pedo si Pat..and the kid his the bridge for his happiness soon:)

    ReplyDelete
  4. Di ako nakapagcomment sa first kaya dito nlng din. hmmm. nakakatuwa yung expression ng tatay ni pat, puro bloody... naalala ko tuloy si ron weasley.

    anyways, akala ko you're into fantasy na kuya migs. at first i thought the kid would be pat's new happiness. hahahaha.

    good start.

    ACCEPTANCE, some people wouldnt know it was harder to accept a thing ourselves especially bout our own feelings. i wish everyone would recognize that and wont add to one's own frustration. (maka-english! tama ba grammar? antok nq, tntamad nq iedit kung mali. haha)

    bago ko malimutan, thank you kuya migs. sa last chapter nung book1. so happy sa ending. ang cute ng ted-ardi scene. kawaii! :)

    ReplyDelete
  5. Abat talagang pinapatalastas ako dito. HAHAHA salamat Miguel!



    Ang ganda hahaaha akala ko pa naman pumapatol sa bata si Pat wahahahaha. Surprise! Nakahabol na ako sa kwento mo. hihihihi

    ReplyDelete
  6. Kuya migs gusto ko 'to!! May bagets na kasali. Haha! Ang cute Liam, magiging nanay pa ata si Pat! Wahaha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. wow nice one migs keep up the good work.
    Enjoyed reading this chapter hehehe

    have a great day and keep up the good work.

    ReplyDelete
  8. Da best ka Migz. Mahal Ko.

    ReplyDelete
  9. keep it up...migz.....hehehehe.....ang tagal ko tong hinintay akla ko....d na masusundan....hehheheehehehehhe buti nlng nababgit ni kuya z 2...............................................ras

    ReplyDelete
  10. wow! it seems another one good and worthy to read na story again. tnx migs. susubaybayan ko ule e2. he he he

    ReplyDelete
  11. bt nwla ung ibng short stories :( d q pa tpos bsahn lahat weh :((

    nga pla, sorry d aq nkakapagcomment, ganito kc un... kpag ngbsa aq at nkuha nun ung interes q eh 2loi 2loi na un, kya aun nkakalimutan q mgcoment dhl naexcite mxado xD
    isa pang rason, hrap naman kc mgcoment d2 gmit ang phone :( after typing mgrrefresh then scroll down, tpos pindot ng publish eh mgrrefresh uli ung page tas scroll down ulit only 2 find out d pa pla napublish dhli my nid pa itype na ejo mhrap bsahn..then pgktpos itype un refresh ung page, scroll down, click publish ulit, ejo hasle sir x.x lalu na sa cp na gmit q :(

    peo hayaan m, pramis babawi aq...from this post at sa mga su2nod na parts neto i’ll leave a coment, pangako yan! :)

    anyway e2 na coment q sa post na to... gs2 q mrinig c pat :3 gs2 q ng british na accent eh lol
    and kyle...hmm xa nb mggng partner ni pat? hot daddy ah, at ksundo na agad ni pat ung future son nia haha cute ng start, wla pa man y paruparo nq sa tyan ^w^

    ReplyDelete
  12. this chapter made me teary-eyed =)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]