Different Similarities 1[21]


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Naramdaman ni Eric ang pamilyar na sensasyon ng nahuhulog. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at inintay ang alam niyang paparating na sakit ng katawan o kaya naman ang sensasyon ng nabaling buto dahil sa kaniyang pagkakahulog nang makaramdam siya ng malalaking braso na yumakap sa kaniya at humila patayo ng maayos, palayo sa delikadong riles ng tren.



What the hell were you thinking?! And why the hell are you going to Jacobson's? Aren't we paying you enough?!” singhal ni Alvin habang mahigpit paring nakayakap kay Eric, ayaw itong pakawalan dahil sa takot na may mangyari nanamang masama dito at isinandal ni Alvin si Eric sa isang pader para hindi na ito makalayo pa sa kaniya.


No---” simula ni Eric pero pinutol iyon ni Alvin at saglit siyang binitawan mula sa pagkakayakap.


Then why? Is it someone in the office? Is somebody harassing you or--- Is it because of me?” pabulong na sinabi ni Alvin ang huling apat na salita, hindi niya maipaliwanag kung bakit pero para bang may nagtulak sa kaniya na itanong iyon.






Natigilan si Eric, pinipilit na huwag hayaan ang mga luhang nagsimula nang mangilid sa kaniyang mga mata na tumulo, napansin ito ni Alvin at inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ni Eric dahil sa pagaalala.



Hey, what's wrong?” tanong ni Alvin sabay pahid ng luhang kapapatak lang mula sa kaliwang mata ni Eric.


It's--- I-It's not you. It's me, I'm the one with the proble---.” balik ni Eric na ikinagulat ni Alvin. Nagtama ang kanilang mga tingin, nakita ni Alvin ang pagaalinlangan sa mga mata ni Eric.



Biglang pumasok ang isang alaala sa isip ni Alvin. Isang alaala kung saan nakadagan siya sa nakahigang Eric matapos ang pangigiliti niya dito at inilalapit niya ang kaniyang mukha sa mukha nito. Nakita niya ang pagaalinlangan sa mga mata nito na katulad ng nakikita niyang pagaalinlangan na kasalukuyang bumabalot sa mata ni Eric habang nakasandal ito sa pader ng istasyon ng MRT, naalala niya na rumehistro ang pagaalinlangan na iyon sa mata ni Eric nung gabi ng party nang ididikit na niya ang kaniyang mga labi sa labi ni Eric. Nawala lang ang pagaalinlangan na iyon nang pumikit si Eric na siya namang ginawa din ni Alvin. Alam ni Alvin na hindi iyon panaginip alam niya at pinagsisigawan ng kaniyang puso at isip na nangyari at totoo ang mga alaalang iyon nung gabi ng party.



Unti-unting luminaw ang lahat kay Alvin, tila isang makina ang kaniyang utak at tumakbo dito ang ilang alaala kung saan sila lamang ni Eric ang tampok. Tumakbo sa kaniyang isip ang mga bagay na nagpapatibay lang sa kaniyang realisasyon na iyon. Ang mga tingin ni Eric kung saan tila ba nagpapahiwatig ng nararamdaman nito sa kaniya, ngiti, tawa, haplos ng kamay ni Eric na tila ba para sa kaniya lamang, pati narin ang paraan ng pagsisinungaling nito tungkol sa pagiging totoo ng mystery guy.



So uhmmm are we still on for lunch?” Biglang pumasok ang alaalang ito sa isip ni Alvin nang maalala niya kung pano mamula si Eric matapos niyang itanong ito, kung pano muna sila magtitigan at kung pano nagiwas ng tingin si Eric na tila ba nahiya bigla sa tinanong ni Alvin.


S-sure.” kung pano mabulol si Eric nang sa wakas ay sumagot na ito.



Ang reaksyon ni Eric nang ilagay ni Alvin sa plato nito ang piraso ng manok na minamata nito nang minsang kumain sila ng tanghalian sa labas.



Why did you do that?”


Do what? Oh you mean the chicken? Well, I saw you eyeing it so I sliced some and put it in your plate, I didn't mean to be rude or something---”



Kung paano magpahaging si Eric sa totoo nitong gusto.


I would've like it better if you put it in my mouth and not on my plate.”



Ang pagliwanag ng mukha lalo na ng mga mata ni Eric sa tuwing sasalubungin niya ito sa elevator ng opisina tuwing umaga. Kahit pa gaano ka simple o kaya naman kaikli ng mga pagbati niya.



Ang unang pagkakataon sa kung saan loob ng isang taon ay napatawa siya nito.



You know, the kind of shit old couples do, arguing like shit heads but deep inside you know they love each other and have great make up sex later.”



Pumasok sa isip ni Alvin ang birong ito at naalala niya rin kung gano kalakas ang kaniyang tawa na ikinataka ng buong opisina.



What?”


Nothing, it's just funny the way you describe them.”



Pumasok din sa isip ni Alvin ang una nilang agahan sa isang parke malapit sa kanilang opisina, kung pano ulit nagpahaging si Eric ng totoo nitong nararamdaman sa kaniya.



This is your idea?”


Why?! What's wrong with it? You don't like it?”


Oh, NO! I love it! It's just---”


Too mushy? I know, two guys eating breakfast in a park is too gay for you, right?”


It's not that! I would love to eat like this with you, it's just that--- I –I think it's sweet--- ummm--- romantic, I only see this on a romantic flick and uhmmmm well--- people might think were in a relationship and I don't want to cause you t-trouble.”



Naalala rin ni Alvin ang reaksyon ni Eric nang sabihin nito ang tungkol sa mystery guy na ayon sa ama ni Eric ay ang taong nagpapasaya dito my ilang linggo na ang nakakaraan. Kung paano ito namutla at manginig na miya mo nahihiya ito dahil nabuko siya ni Alvin at naalala rin ni Alvin kung paano ito mabulol at mamula habang nagpapalusot na tila ba iyon ang unang pagsisinungaling nito.



What's wrong with you? It's like your face is stuck to smiling mode. It's kinda creepy so please stop it.”


Shut up! I'm smiling because your dad told me something about me being this mystery guy who suddenly made you mad happy and permanently stamped a smile on your face.”


I m-made the mystery guy issue up.”


What?”


T-there's no mystery guy. Dad noticed na naging masayahin ako nitong mga nakaraang linggo, he said that maybe I found a guy and that finally I'm happy, hindi ko na siya kinontra because the last thing I want to happen is for him to worry about me when he has his own life to worry about.”


I- I w-was happy these past few weeks because I finally had dad back, I gained new friends and life is starting to look up for me not because there's a mystery guy who makes me happy. That's why I don't want you to go up the house earlier kasi baka mapagkamalan ka na ikaw ang mystery guy na sinasabi ni dad at ilagay ka niya sa spot light just like what he did tonight.”



Naalala din ni Alvin ang kakaibang kinilos ni Eric nung umaga pagkatapos ng party, kung saan ay wala siyang naalala nang nakaraang gabi. Naaalala niya nang lapitan niya si Eric para humingi ng tawad dahil iniisip niya na baka may nagawa siyang mali dito, kung naalala niya lang sana nung umagang iyon ang tungkol sa halikan nila ay hindi sana sila nauwi sa ganito ngayon.


Where have you been this morning?”


Uhmmm just went out for a drive.”



Kung pano mapatigil sa kinatatayuan si Eric at kung pano ito mamutla nang buksan niya ang usapan tungkol sa nakaraang gabi, pero iniisip lang ni Alvin na nainis lang si Eric sa panghaharot niya dito dahil nung umagang iyon ay wala siyang maalala sa naganap na halikan sa pagitan nilang dalawa.



Look, Eric, I would just like to apologize for what happened last night---”


I was drunk, alam kong hindi reason yun para harutin kita ng ganun. Kung nasaktan ka kagabi I swear I didn't mean it, kung medyo napalakas ang pagkiliti ko sayo or something---”



Alam na ngayon ni Alvin kung panong tila ba nakahinga ng maluwag si Eric pero kasabay nun ay nakita niya rin kung pano biglang naging blanko ang mukha nito na tila ba itinatago ang totoong nararamdaman, itinatagong nasasaktan siya. Natatandaan niya kung pano ito sumagot pagkatapos at kung pano napansin ni Alvin na peke ang ngiting iginawad nito sa kaniya.



Hey, no harm done.”


Are you sure? I swear I didn't mean to hurt you, Eric.”



Kung paano ito umiwas nang ipagpilitan ni Alvin ang tungkol sa nakaraang gabi ng party.



Yup. Hey I'm almost done here, can you take care of the rest while I go and clean the balcony?”



Naalala ni Alvin ang lulugo-lugong paglakad ni Eric palayo sa kaniya na miya mo nanghihinayang, dismayado at nasasaktan sa naging palitan nilang iyon. Naalala ni Alvin kung pano siya mabahala kahit pa ipinagpilitan ni Eric na ayos lang ang lahat. May isa pang alaala na pumasok sa isipan ni Alvin, hindi ito sumagi sa isip niya noon dahil ikinibit balikat niya na lang ang kakaibang kinilos ni Eric.



Hey I hardly see you anymore.”


Hey, Alvin. I'm sorry I didn't see you there--- I'm sorry if I don't hang out with you guys anymore, I have so much clients to work on plus I'm still moving some of our stuff from Ted's apartment to Ardi's condo.”


Oh, I heard about that---”



Naalala ni Alvin kung pano sabihin ni Eric ang pangalan niya kasunod ang pangalan ni Mike na miya mo nagsasabi na magnobyo ang dalawa.



You and Mike can come to the party if you want. Ardi wants to welcome Ted and I with a bang.” .


Sure.”


See you lat---”



Naalala ni Alvin ang pagbagsak ng mukha ni Eric sa tuwing nakikita nito si Mike na papalapit sa kaniya, indikasyon na nagseselos siya dito at nasasaktan sa nakikita. Ngumiti man ito ay naalala na ngayon ni Alvin na peke ito, hindi maialis ang pagkadismaya sa mga mata nito at ang kakaibang lungkot na ngayo'y kumukurot na sa puso ni Alvin lalo pa't unti unti nang lumilinaw ang lahat.



Alvin! It's about time you showed up, I'm starved, I can't wait to go to Rosalie's!”


Do you want to come with us?”


Oh, hey Eric! Didn't see you there!”



Naalala rin ni Alvin ang katotohanang hindi niya maintindihan kung bakit ikinbit balikat niya lang. Ang pangingilid ng luha sa magagandang mata ni Eric na pilit nitong itinatago mula sa kaniya at kay Mike nang magpaalam ito at tumalikod na sa kanila.



Hey, Mike! Oh I already had my breakfast, thanks for asking though. See you guys later!”



Sa kabila ng lahat ng nare-realize ay may ilan pang alaala na pumapasok sa isip ni Alvin, ilang alaala na hindi niya alam kung bakit inabot pa ng ganoong katagal bago niya ma-realize. Ang mga panahon na nauutal siya at hindi mapakali sa tuwing aayain si Eric lumabas para kumain, ang takot na i-reject siya Eric sa kaniyang alok.



I'm guessing you didn't have breakfast also---Uhmmm you want to go downstairs for a while and grab something to eat?”



Ang noo'y hindi niya maipaliwanag na galit kay Kevin pati narin sa malaking aso nito na nakahati niya sa atensyon ni Eric na ngayo'y malinaw na sa kaniya bilang selos.



I was enjoying that sandwich.”


I know but you didn't have to be that rude.”


I was not being rude, it's just that I was really, really enjoying that sandwich and that you made it---”


I'll make you more tomorrow, just chill, OK?”


And not only that, that Kevin dude? He's stripping you with that eyes---!”


No, he's not!”


Believe me, I know! I've been in a relationship with Ardi and became his best friend after, I know someone like Ardi if I see one!”


You're stereotyping now?”


Kung hindi pa dumating yung boyfriend hindi ka pa titigilan--- and what's up with you flirting back? Is he your type? Kung ako sayo palitan mo na yang type mo sa lalaki, di ka pa nadala kay Ardi.”


I was not flirting with him!”



Napagtanto rin ni Alvin na may kakaiba silang koneksyon ni Eric na alam niyang higit pa sa pagiging matalik na magkaibigan.



I would just like to thank you. I had fun today, I've never been this relaxed for days.”


Anytime, Eric.”


You know, you are welcome to stay at the house if being with Ardi and Ted stresses you out.”


I don't want to impose, Alvin.”


Hey! You're not imposing! You're my best friend.”


Nang tumigil na ang utak ni Alvin sa malalim na pagiisip na iyon ay tila ba may isang bell na kumuliling dito kasabay ng realisasyon na matagal ng ikinikibit balikat ng kaniyang pagkatao.


I'm in-love with Eric.” bulong ni Alvin sa sarili. Nang isaisip niya ang ideyang iyon ay tila ba may mabigat na batong tinanggal sa kaniyang dibdib, nawala ang sakit ng kaniyang ulo at may katagalan ng pagaalinlangan at pagtataka.


Nakita ni Eric ang pag-iba ng reaksyon sa mukha ni Alvin. Alam niyang nakuwa na nito ang kaniyang ibig ipahiwatig. Alam niyang alam na nito ang totoo niyang nararamdaman at ang rason kung bakit gusto niyang lumayo dito. Agad siyang binalot ng takot, takot dahil iniisip niyang si Mike ang gusto ni Alvin at hindi siya, takot dahil ayaw niyang ma-reject katulad nang pag-reject sa kaniya ni Pat noon dahil alam niyang hindi na niya kakayanin ito.


Dahil sa takot ay kumawala siya sa pagkakahawak ni Alvin. Nakita ni Alvin ang takot sa mga mata ni Eric, agad siyang nakaramdam ng tila ba may kumukurot sa kaniyang puso. Ayaw niyang natatakot sa kaniya si Eric, hindi man niya maintindihan kung bakit ito natatakot sa kaniya ay ayaw niya parin itong nakikita sa mukha ni Eric.


I-I'm s-sorry. B-but I h-have to go now.” nauutal na sabi ni Eric sabay mabilis na naglakad palayo kay Alvin.


Eric, wait!” habol ni Alvin.


I'm sorry--- I'm sorry.” paulit ulit na sabi ni Eric habang lumalayo kay Alvin.


Eric!” sigaw ni Alvin sabay marahang isinandal ulit si Eric sa isang pader sa istasyon na iyon ng MRT para hindi na ito makawala pa ulit. Wala na siyang pakielam pa sa bugso ng taong nakatingin sa kanila. Nagtama ang kanilang mga tingin, sa mata ni Eric ay nababasa ang takot at sakit na nararamdaman nito habang sa mata naman ni Alvin ay ang pagtataka at ang bagong realisasyon na kaniya na ngayong pinanghahawakan. Ang realisasyong mahal niya si Eric at gagawin niya ang lahat upang hindi na ito mawala pa sa kaniya.



Itutuloy...




__________________________________
Different Similarities 1[21]
by: Migs

Comments

  1. susunod na ang epilogue. :-)

    Salamat sa lahat ng bumasa ng installment na ito!

    ReplyDelete
  2. nice story! maganda ang flow.

    rei

    ReplyDelete
  3. puro flashback..... hmmmmm .......

    ReplyDelete
  4. Ilang araw pa naman ang pghihintay, flashback lang pala lahat. Disappointed, sorry!

    ReplyDelete
  5. Bitin na bitin! Grabe sobrang hinintay ko to!

    Bumalik ka ulit sa style mo kuya migs katulad sa Love At Its Best series. Yung second to the last chapter eh flashbacks.

    Wag mo na po patagalin ang epilogue. Please. Or isang chapter pa bago yung epilogue, sobra talagang bitin eh. Please. :)

    --ANDY

    ReplyDelete
  6. Haissst... Excited to this chapter but a little dissapointed too. I was expecting a confession from alvin but only a realization that they're in-love na pala through flashbacks. But anyways, still thanks for the update and Alvin's POV. Akala ko kaya na-late posting kasi you're polishing the much awaited confirmation, realization and confessions. Again, hoping a nice, beautiful and looonnngggggg epilogue.

    GODSPEED!

    ReplyDelete
  7. wowww bitin.. hehehe

    nice one migs...




    fresno

    ReplyDelete
  8. Mejo nakakadisappoint puro flashback. :( Sorry Migs!

    ReplyDelete
  9. style din ung flashback mode ni migs..kung tutuusin para kang nanonood ng isang teleserye..

    ReplyDelete
  10. Love the new layout of your blog. Di na ganon ka-bagal mag load ung page sa phone ko compared dun sa nauna. Haha

    - Archer

    ReplyDelete
  11. suuupppeeerrr suuuupppeeerr suuuuuppppppeeerrr bitin! ayiiiee!

    ReplyDelete
  12. ok lng mag flash back... kaso sana hindi buong chapter ..... kasi chap 1 to 19 pwede ng hindi basahin kasi nasa chap 20 lahat ng kailangan .......

    ReplyDelete
  13. flashback scenes =)

    migs bitin naman, sana sa epilogue bawi na :D

    thnx sa update (",)

    ReplyDelete
  14. KISS! KISS ERIC! waaaah! kilig! :)

    thanks kuya migs!

    ReplyDelete
  15. Oh NOOOOO! Hindi Ted and Eric. Wahhhhh

    ReplyDelete
  16. Realization with a bang! So i guess titigil na ko sa kaka ted-eric koXD

    puro realization kasi na nagpi-pinpoint na it's you it's you! haha

    ReplyDelete
  17. Flashbacks. Sana mamaya meron na. I miss the batuhan of cute dialogues. I'm expecting a very mushy and 100 pages epilogue. Hahaha


    -=myco=-

    ReplyDelete
  18. Have to agree with them... a wee bit disappointed because this chapter consist of flashbacks but good job Mr. Author because it's like we're watching teleserye just like what Russ said. I'm sooo excited to read the next chapter. Btw, I also agree with their request that the next chap or the epilogue should be longer, super bitin nga naman talaga! Overall -- 100% AWESOMENESS and 100% SUPER NAKAKILIG!! Keep it up! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. P.S. Cool layout! FRESH!!! :)

      Delete
  19. Dahil sa sobrang BITIN!. Dinugtungan ko nlang ng sarili kong kwento. Haha. Jawk!. :P 1 more chapter before epilouge please?!. :DD Thanks. :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]