Different Similarities 2[2]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Naka-ngiting iminulat ni Pat ang kaniyang mga mata. Muli silang nagkita ni Eric noong nakaraang araw pero sa kabila ng wala sila masyadong napagusapan ay naging malinaw naman kung ano ang kailangang gawin ni Pat, iyon ay ang bagay na ginawa ni Jake at Eric, ang pakawalan na lahat ng sama ng loob at sakit at magsimula ulit. Noon ding nakaraang araw ay sa wakas ay nagkaayos na sila ng kaniyang ina.


Sa pakiwari ni Pat ay muli siyang binigyan ng panibagong pagkakataon at sinumpa niya sa sarili na sisiguraduhin niyang magiging maayos na ang lahat at ang pangalawang pagkakataon na iyon na ang kaniyang ticket para maging masaya.





Nakangiti parin siyang bumangon mula sa kaniyang kama si Pat, noon niya lang napagtanto na sa loob ng walong buwan ay nung gabi lang na iyon siya nakatulog ng maayos. Pumunta siya sa bintana na nakaharap sa dati'y bakanteng lupa na ngayo'y kinatatayuan ng bahay nila Kyle at Liam. Napamaang siya ng makita ang isang hubo barong si Kyle na nagyo-yoga sa sarili nitong bakuran.


Pinagmasdan ni Pat ang magandang katawan ng kapitbahay, hindi niya napansin ang apat na taong gulang na kapitbahay na nakatingin sa kaniyang gawi.



PATWICK!” sigaw ng bata atsaka kumaway ng magiliw. Hindi alam ni Pat kung bakit pero agad siyang yumuko at nagtago maski pa alam niyang huli na ang ginawa niyang iyon dahil alam niyang nakita na siya ni Kyle. Marahang tinuktukan ni Pat ang sarili niya at namumulang sumilip ulit sa bintana.



Nabungaran niya ang mag-ama na parehong nakatingin sa kaniyang bintana habang pareho ring nakapaling sa kaliwa ang mga ulo nito dahil sa pagtataka. Wala ng nagawa pa si Pat kundi ang kumaway, agad na nagliwanag ang mukha ni Liam at magiliw naring kumaway kay Pat, ibinaling niya ang tingin kay Kyle at lalo siyang namula. Nagtataka parin ito sa ipinakitang kakaibang kilos ni Pat.


You fancy him, do you?” tanong ni Louie kay Pat na ikinagulat ng huli.


Geesh dad! You almost gave me a bloody heart attack!” balik ni Pat sabay isinara ang kurtina para hindi makita ng kaniyang ama ang kaniyang tinititigan.


It's been a long time since I saw you blush like that.” magiliw na nakangiting biro ni Louie sa anak. Lalong namula si Pat na ikinahagikgik ni Louie habang ipinagpipilitan paring binubuksan ang bintana para lalong asarin ang anak sa kanilang kapitbahay.


Dad, is there a reason why you're here this morning?” pilit na pagbabago ni Pat ng usapan.


Awww! Are you embarrassed that daddy caught you looking at your wittle crush?” pangaasar pa ulit ni Louie sabay tawa.


Dad!” nangingiti-ngiti naring balik ni Pat pero patuloy parin siyang namumula dahil sa hiya.


Anyway, do you wanna run? You're getting out of shape and if you want to snog that hunk next door you should put some more muscles in that body and get rid of the flabs---”


Sure. I'll just wash my face and change.” hindi na pinatapos ni Pat ang kaniyang ama dahil alam niyang sa pangaalaska nanaman mauuwi ang pangungusap na iyon.


Wow! Look at those sick abs!” sabi ni Louie habang naglalakad si Pat palayo, wala na lang nagawa si Pat kundi ang umiling. Kung meron man siyang ayaw na ugali ng ama iyon ay ang pagiging alaskador nito.


0000ooo0000


So, I talked to this firm and said that they are glad to welcome you to their team---” simula ni Louie, katatapos lang nilang mag-jogging ni Pat at ngayon ay nagpapalamig na lang sa pamamagitan ng paglalakad paikot sa buong village at pabalik sa kanilang bahay.


But?”


How the bloody hell did you know that there is going to be a 'but'?” di makapaniwalang tanong ni Louie sa nakangiting asong anak.


C'mon, Dad. I'm your son. I know you inside- out. So what is the 'but' all about?” biro ni Pat pero seryosong tumango-tango si Louie at ipinagpatuloy ang nais sabihin.


---But they are currently not hiring now, though they are willing to give your skills a shot by doing some extra clients for them when their team is loaded with work.” nakangiti nang pagtatapos ni Louie.


You mean like a part time architect for their firm? How much am I going to be paid?” interesadong tanong ni Pat sa ama.


Interested, are we? Well like a contractual employee but that is not a permanent thing. You are going to be hired as a regular employee of the firm once someone resigns, dies or fired and as for how much you're going to get paid, you will be paid like any other architects of that firm for every drawing just to be fair to those who are regularly employed there and hear this, you can choose where you want to work. If you feel like working in the house, they can deal with that or if you want to work at their office it's OK with them too.” masuyong nakikinig si Pat sa sinasabi ng ama at hindi niya napigilan ang mapangiti nang marinig niya ang huling sinabi ng ama.


I'll take it!” nakangising sagot ni Pat sa alok ng ama na ikinangiti naman ng huli. Masaya na nakikita niya na pursigido na ulit ang kaniyang anak na i-ayos ang sariling buhay. Nang makapasok sa loob ng bahay si Pat at Louie ay sabay silang nagulat nang makarinig sila ng isang malakas na sigaw. Nakita nila ang isang bata na may inosenteng ngiti sa mukha at magiliw na tumatakbo pasugod kay Pat, kasunod nito si Lita na masuyo ding nakangiti. Sa palagay ng mag-ama ay bumata ito ng limang taon dahil sa pag-aliwalas ng mukha nito.


Patwick!” sigaw ni Liam sabay talon at ibinalot ang kaniyang maliliit pang binti sa bewang ni Pat at ang kamay naman nito ay pumulupot sa leeg nito. Hindi alam ni Pat kung bakit biglang lumatay sa mukha niya ang isang malaking ngiti, hindi ito nakaligtas kay Louie na agad na napangiti.


Ooof! Whoah! Buddy take it easy.” bati ni Pat sa bata habang isinisiksik ni Liam ang mukha niya sa leeg ng kaibigan.



Hindi mapigilan ni Lita ang mapangiti. Hindi niya maiwasang mapalapit ang loob kay Liam, pinapaalala ng batang iyon si Pat nung maliit pa ito. Lihim na ipinagdasal ni Lita na sana lahat ng bata ay hindi kailanman nawala ang taglay nitong kainosentihan dahil sa kaniyang palagay ay kailangan ng mundo ang mga taong imbis na galit ang nasa puso ay kundi pagmamahal ang namamayani sa mga ito.



You said we're going to play again today.” naka-pout na paalala ng bata.


Oh yeah! Do you want to play red and blue again?” tanong ni Pat habang karga-karga parin ang bata. Hindi napansin ng dalawang magkaibigan ang dalawang matanda na nagngiti-an at pasimpleang nag-hawak ng kamay at nagtinginan, tila naguusap gamit ang kanilang mga mata, pagkatapos ng maikling palitan na iyon ay agad ibinalik ng mga ito ang kanilang tingin sa dalawang bata.


Nu-uh, that game is old already---” sagot ni Liam na ikinahagikgik naman ni Pat, naalala niya kasi kung pano din siya kadaling mag-sawa sa kaniyang mga laro nung bata pa siya.


Liam, honey, you should finish your breakfast first.” masuyong paalala ni Lita.


But I ate all the hotdogs already.” nakapaling ang ulo sa kaliwa na sabi ng bata kay Liam.


I cooked some more, you can join Patrick, Tito Louie and I if your still feel like it.” nakangiting alok ni Lita sa bata.


Yay! More hotdogs!” muntik na muling maubos ang hangin sa baga ni Pat nang tumalon ulit ang bata palayo sa kaniya at tumakbo kasunod ang kaniyang mga magulang, susunod narin sana si Pat papuntang dining room nang biglang tumumog ang kanilang doorbell.


I'll get it!” sigaw ni Pat sa kaniyang mga magulang at kasambahay.



Biglang namula ang pisngi ni Pat at agad nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang bumulaga si Kyle sa kanilang front door. Nakasando na itong puti pero ang suot nitong pajama nung pinapanood niya itong nagyo-yoga may ilang oras lang ang nakakaraan ay siya parin nitong suot.



Uh-uhmmm, hi.” bati ni Pat sabay iwas ng tingin kay Kyle. Kahit kasi nakasando na ito ay kita parin ang ganda ng katawan nito kaya naman bago pa mapansin ni Kyle ang pagnanasa sa kaniyang mga mata ay pinili na niyang i-iwas ang kaniyang tingin. Napa-paling ang ulo ni Kyle sa kaliwa, nagtataka kung bakit ayaw salubungin ni Pat ang kaniyang tingin. Agad niyang inisip na baka may ebidensya pa na kagigising niya lang kaya't agad niyang kinapa ang sulok ng kaniyang mga mata at inalis ang mga nakakahiyang bagay na maaaring nandon.


Hi. Uhmmm is my son here? I was supposed to cook breakfast this morning, he's been bugging me for some hotdogs while I'm doing my yoga, I guess na wili ako kaya di ko napansin na nainip na pala yung bata, anyway, di ko siya makita sa buong bahay, nagbabakasakali akong nandito siya bago ako tumawag ng pulis. Hehe.” biro ni Kyle pero ngumiti na lang si Pat, hindi maitulak ang sarili na tumawa dahil ang totoo ay hindi niya nakuwa ang biro dahil hindi niya naintindihan ang kabuuan ng sinabi ni Kyle dahil abala na siya sa pagtitig sa maganda nitong mga labi.


Pat?” tawag ni Kyle sa panisn ni Pat sabay paling ulit ng kaniyang ulo sa kaliwa.


Oh? uh-- yeah, he's here. Come in, come in. I'm sorry. I'm not a morning person so--- y-yeah. Hihi.” kinakabahang palusot ni Pat, maski siya ay hindi niya naintindihan ang kaniyang sinabi.


You're weird.” nakangiting sabi ni Kyle saka pumasok sa loob ng bahay at inintay si Pat na i-turo siya sa gawi ng dining room.


How did I get this so fucking lame?” tanong ni Pat sa sarili habang nakikiramdam kay Kyle na sumusunod sa kaniya papunta sa dining room.


Daddy! Look they cooked so many hotdogs for me!” sigaw ni Liam sabay takbo at yakap sa ama.


Sabi ko sayo intayin mo ako sa kitchen while I'm finishing my exercise saka tayo magluluto ng hotdogs mo diba?” naniningkit matang sabi ni Kyle sa anak. Nagbaba naman ng tingin si Kyle at pinaglaruan ang sariling mga daliri.


But I was so hungry already.” naka-pout na sabi ng bata sabay isinubsob ang mukha sa matipunong dibdib ng ama.


It's OK. Basta wag mo na ulit gagawin yon ah, I was worried, I thought some bad guy took you from me.” nakangiting alo ni Kyle sa anak na ikinangiti naman ng tatlo pang tao na nakakapanood ng palitan na iyon.


Ehem. Kyle, why don't you join us?” masuyong tanong ni Lita. Saglit na nagalangan si Kyle pero nang makita niya ang pagliwanag ng mukha ng sariling anak at ni Pat sa hindi kalayuan ay hindi niya rin maintindihan kung bakit agad din niyang pinaunlakan ang alok na iyon.


Tumango na lang si Kyle na ikinatuwa ni Liam at lihim na ikinagalak din ni Pat. Hindi nakaligtas kay Louie at Lita ang pagliwanag ng mukha ni Pat pero wala na lang silang sinabi patungkol doon. Habang kumakain ay paminsan-minsang binabato ng sulyap ni Pat si Kyle.



0000ooo0000



Masayang nagkuwentuhan ang mag-anak kasama si Kyle at Liam habang nagaagahan, isang bagay na akala ni Louie at Pat ay hindi na mangyayari sa bahay na iyon. Pasensosyong sinagot ni Kyle ang mga tanong ni Lita, doon napagalaman ni Pat na namatay nga ang ina ni Liam habang nanganganak dito, na si Nina ay kakambal ng namayapang asawa at tumutulong kay Kyle sa pagaalaga sa bata, tinanong din ni Lita kung may namumuo bang relasyon sa pagitan nila ni Nina, agad na nasamid si Pat sa iniinom na kape habang si Louie naman ay nasamid sa sariling laway.


MOM!” singhal ni Pat na tila ba sinsasabing 'ano ba nakakahiya!'


What?! I'm just asking!” nangingiting sabi ni Lita na lalong ikinamula ni Kyle.



Nang matapos na silang lahat kumain at nang masagot na ni Kyle halos lahat ng tanong ni Lita ay magalang na nagpaalam si Kyle sa tatlo. Bago pa man masarhan ni Kyle ang pinto ay lumingon si Liam at sumigaw kay Pat.



Patwick, when will we play again?” tanong ng bata na ikinagulat ni Kyle, Lita at Louie.


Later, buddy.”


Dad! Can I show him my tree house?” tanong ni Liam, nakangiting tumango naman si Kyle.


What tree house? The one on the sampaloc tree? I didn't know it's still there.” tanong ni Louie.


Yeah, I had it painted and restored when we moved here last year, Liam and I fell in love with it, I just had it painted and had it's hinges strengthened it so it's safe for Liam.” nakangiting sagot ni Kyle habang si Liam naman ay tila proud na pinaguusapan ang kaniyang tree house.


That was Pat's first time to draw a house. That tree house was his design.” nakangiting sabi ni Lita, hindi para magyabang kundi para ipaalam lang ang kaalalamang iyon na ikinagulat ni Pat dahil kahit pa sinabi iyon ng kaniyang ina pra hindi magmayabang ay rinig niya parin ang pagiging proud nito sa ginawang design ng anak, napatango-tango naman si Louie, ginagatungan ang pagiging proud mother ng kaibyak.


Really?” gulat na tanong ni Kyle na gumising sa tatlo, habang si Liam ay patuloy lang sa paglantak ng hotdog.


He was seven years old then, some of Pat's friends asked their parents to help me build it.” nakangiti ring sabi ni Louie, tila ipinagmamalaki naman ang kaniyang kakayahang gumawa ng isang tree house.


Wow, it's really impressive. That tree house was the reason I bought that lot.” sabi ulit ni Kyle habang masuyong nakatingin kay Pat, ngayon si Pat naman ang na-conscious. Naramdaman ni Kyle ang marahang paghila ng kaniyang anak sa kaniyang pajama.


Spongebob.” bulong ni Liam sa ama na ikinahagikgik naman ng matatanda. Tumango si Kyle at nagpasalamat ulit kila Lita at Louie para sa breakfast at nagpaalam na na uuwi muna.


Dad, we can't leave Patwick, we are going to play in my tree house remember?” paalala ni Liam sa ama habang nakapaling sa kaliwa ang ulo na ikinangiti ng mag-anak ni Louie.


But I thought you're going to watch spongebob? You know you can't watch TV and play at the same time.”


Then you can talk to Patwick while I watch TV.” balik naman ni Liam. Napailing na lang si Kyle pero nakangiti parin.


Wala talaga akong panalo sayong bata ka.” bulong ni Kyle na ikinahagalpak ni Louie, Lita at Pat. Dahil alam ni Liam na pumayag na ang kaniyang ama ay agad niyang hinila ang kamay ni Pat at tumungo na sa gawi ng bahay nila Kyle.



0000ooo0000



Naiilang parin si Pat kay Kyle dahil hindi niya parin mapigilan ang sarili na magkagusto dito pero wala siyang magawa kundi ang samahan ito sa may den ng bahay nito habang iniintay si Liam matapos sa panonood ng spongebob. Ilang minuto na silang andun at malapit ng maubos ang kaniya-kaniyang iniinom na juice pero wala paring napaguusapan ng matino ang dalawa.



Sooo you're an architect?” tanong ni Kyle, nagsimula nang maawa si Pat kay Kyle, alam niyang sinusubukan nitong maging kumportable sila sa isa't isa pero hindi malaman ni Pat kung bakit pa siya ngayon tinatamaan ng hiya.


Yup. I'm a full bred architect. Uhmmm err y-you?” kinakabahang tanong ni Pat, pinipigilan ang sarili na mapailing dahil sa sariling katangahan.


full bred architect? WTH is that?! I'm such a fucking dork!” sabi nanaman ni Pat sa sarili, nang tignan niya si Kyle para malaman ang kaniyang reaksyon ay nakita niya itong nagpipigil sa pagngiti o pag-tawa.


You're weird.” humahagikgik nang sabi ni Kyle, hindi narin mapigilan ni Pat ang sarili na mapahagikgik, hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit nahihiya siya at naiilang kay Kyle gayong mukhang cool naman ito.


good weird or bad weird?” humahagikgik paring tanong ni Pat na ikinahagalpak naman sa tawa ni Kyle.


Good weird. You remind me so much of Liam. I think he's your long lost son. That kid can be a real dork one minute then be a super cool smart 4 year old kid the next.” nakangiting paliwanag ni Kyle na ikinamula ng pisngi ni Pat.


So uhmmm w-what do you do?” tanong ni Pat para makaiwas muli sa pagkakaroon ng tahimik at awkward na paligid katulad noong bago pa sila magusap.


I'm a doctor.” matipid na sagot ni Kyle. Tinignan ni Pat si Kyle saglit saka nagtanong ulit.


Aren't doctors supposed to be busy every time?” tanong ni Pat, napatingin si Kyle sa kausap saglit saka ibinalik ang tingin sa nanonood ng spongebob na si Liam.


Yes, and until yesterday I used to be busy all the time.” makahulugang sagot ni Kyle sabay tingin kay Pat, nung una ay naguluhan si Pat sa sagot na iyon ni Kyle pero nang ma-realize niya ang ibig sabihin nito ay agad siyang namula at nag-panic.


Oh shit. This is all about what I said yesterday isn't it? The 'you should spend more time with your son' shit? Sorry sa pangenge-elam---” namumula at nagpapanic paring sabi ni Pat, ang huli niyang gustong mangyari ay ang maging malabo ang pagkakaroon niya ng pagka-kaibigan kay Kyle.


Dude, chill. To tell you the truth I'm glad you gave me that advise, I can see how Liam needs a father now.” masuyong balik ni Kyle sabay masuyong tinignan ang anak na tumatawa dahil sa pinapanood na palabas sa TV.


Whew! For a second there I thought my big mouth got you in trouble.” sabi ni Pat sabay buntong hininga na ikinahagikgik ni Kyle, tinignan ito ni Pat at saka nagsisimula nang mapangiti.


What?!” tanong ni Pat na nuon ay humahagikgik narin.


You should've seen your panic stricken face earlier! It was classic, dude!” tumatawa nang sabi ni Kyle. Pabirong sinuntok ni Pat si Kyle sa braso.


Asshole!” balik ni Pat sabay hagikgik.


AUNT NINA, NO! IT HURTS!” iyak ni Liam sa hindi kalayuan na ikinakuha ng atensyon ni Pat at Kyle.



Itutuloy...




____________________________
Different Similarities 2[2]
by: Migs

Comments

  1. back to back chapters guys! Makabawi lang ako sa super tagal ko ng pagpo-post! ^_^v

    Nga pala, Invite ko kayo na sumilip at basahin ang mg kwento sa blog ni Zildjian. Magaganda ang stories dun and super bilis nilang mag-update. yung totoo? di na ata natutulog ang mga taga dun eh. ^_^


    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Enjoy chapters 1 and 2! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya migz nsan n po ung chapter 3 ng different and similiraties ng book 2... love u idol!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

      Delete
  2. Wow, it's been a while since I've read something childishly happy from you! Good to have all the giddiness back! Can't wait for more.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda nung dalawang chapters! Salamat! Nxt na ulit! Hehe.

    ReplyDelete
  4. hi migs! reader ako ng blog mo since september last year nag stop ako sa story na hindi ko na matandaan, kung possible ba na pede mokong bgyan ng layout ng pag kkasunod ng book?pati narin characters kung san story cila galing and how they connect, baka makatulong saken para matandaan ko kung san ako tumigil tnx!

    -trystan

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey Trystan! :-) merong list sa upper right ng blog ko kung ano ang pagkakasunod sunod, pero sige, dahil malakas ka sakin ;-)

      LAIB 1
      > Migs > Ed > Ram > Jon >Pol(cameo)
      LAIB 2
      > Jon > Enso > Sam
      LAIB 3
      > Ram > Drei >Rob(cameo)
      LAIB 4
      > Pol > Kiko > Panfi

      Breakeven1
      > Edison > Martin >Ram
      Breakeven2
      > Drei . Kevin
      Breakeven3
      >Edison >Jake >Pat >Eric
      Breakeven4
      >Pat >Eric >Mike(cameo)

      AAO
      >Aaron (brother of Sam in LAIB2) >Nathan >Jase >Rob (from LAIB3)

      Breaking Boundaries
      >Jepoy >Maki >Ivan

      Taking Chances
      >Chris >Chino >Charlie(cameo)

      Different Similarities1
      >Eric(from breakeven books 3&4) >Alvin >Ted >Ardi >Mike(Cameo form breakeven4)

      Different Similarities 2
      >Pat >Kyle

      Chasing pavements di naman siya kunektado sa mga stories na yan kaya wala kang problema don.

      Delete
    2. Hi again migs! Sorry, im only using mobile web to view ur blog merun nman table of contents pero naka alphabetical ung pagkakasunod sunod kaya mejo naguluhan ako ng konti hehe I guess I should start reading again from the start para maalala ko atska marefresh narin sa utak ko ung flow ng mga nangyari sa story... Tnx!

      -Trystan

      Delete
  5. ..Habng binabasa ko to kanina..bakit parang lumaktaw, chineck ko pa yung chapter; chapter 2..tama naman..dedma na lang ulit..

    Ako: parang mali talaga yung flow, baka mali lng ng post, napa advanced..
    .........then natapos ko na at mag cocoment na sana na mali yung post ni Migs, then suddenly..Boom! Seriously mukang tanga lang, habng binabasa ko to, kasi naman di ko napansin na 2 chapters toXD..buti na lang nabasa ko comment mo Author Migs na 2 chapter to...

    ReplyDelete
  6. Kuya, sa next chap na ako magcomment ng medyo mahaba kasi matutulog na ako at nilalagnat pa ako. Haha!Time check 1:18 am. Slamat sa pandagdag inspiration na maging doctor. Haha! At of course, hindi lang sa di ka kumukupas, tumitindi tlaga talent mo sa pagsulat! Idol!!!! :D Again, a BIG THANKS for this story!

    -->nIx

    ReplyDelete
  7. Is that NINA the WITCH in pat's fairy tale? hmm.. anyways, all i know is after all those things happened to pat, he undoubtedly DESERVES to be happy. right?

    thanks sa update. galing!

    2:49 na. makatulog na nga, may klase pa ko ng 8am e. haha.

    ReplyDelete
  8. Si Nina ata ang kontrabida dito. Kawawa si Liam, kinurot ata ni Nina. I love liam!

    Thanks kuya migs sa back-to-back chapter. Kompleto na ang araw ko.

    --ANDY

    ReplyDelete
  9. Nabasa ko sa Chasing Pavements my anak si Migs. Si Liam ba siya?

    ReplyDelete
  10. thanks migs for another great story.

    kailan ung kasunod?

    By the way I already started reading the stories of zildjian. and Like yours I love it hehehehe
    take care and god speed.

    ReplyDelete
  11. Ganda nito Migz. Mahal ko. My nakita lang ako na konting irregularities lang...

    Dun sa breakfast, dalawang beses mo nagamit ang Jelly instead of Lita. Pero beyond that, the story is perfect. Love u migs. Sobra!!!

    ReplyDelete
  12. Teka...teka...sino yung jelly? Sya ba yung Lita? Nalabuan ako dun...tsaka prang mdalas mngyari to sa mga ibang stories...nagiiba yung pangalan sa gitna ng chapter tapos balik sa dati or yun dialogue ng characters prang dpat sa kausap nya...pa-proofread mo muna po kaya bgo mo ipost..thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry naman.

      I try to proof read everything that i post here properly, Mr. Anonymous but sometimes some 'irregularities' goes right under my nose. I'm not trying to make some excuses here, Mr. Anonymous, but let me see you try to 'properly' proof read an eight page story after you had your sixteen hour duty, a 2 hour Masteral class, almost an hour of travel time STANDING in a jampacked LRT, Take care of a four year old, manually wash your white uniform and take off blood stains from it and write new stories, Tignan ko kung makita mo lahat ng irregularities sa kwento mo.

      I'm not mad. I NEVER GET MAD. I mostly get annoyed, yes, but I don't get mad. I'm not complaining. I DON'T COMPLAIN but sometimes when I'm annoyed just like now for something that seems to be petty but really annoying (though i don't blame you Mr. Anonymous. I made a mistake for not 'proof reading' my stories PROPERLY but there is something about your comment that annoyed me bone deep) minsan nanunumbat ako. I LIKE WRITING STORIES and I will forever like writing stories but no mater how much i like writing stories life WOULDN't give me the time to write. I'm also a human being who lives here in the Phil, feeding 2 mouths with a salary grade 15. I, LIKE YOU ALSO HAVE A LIFE and all i ask for readers like you are some understanding. kabeesh? di ako nagtataray. DI AKO MARUNONG MAGTARAY.

      ^_^


      Binasa ko ang kwento ko at hindi naman ako naguluhan(siguro dahil ako ang nagsulat) IT DOES have a minor flaw but i will do everything to correct it and Promise that from now on NO MATTER HOW BUSY i am with my life I will proof read every single word that i will post here in my blog.

      Thanks and Godbless.


      SAna ang insidente na ito ay hindi magiging dahilan para mawalan ka ng gana na mag-basa dito sa aking blog.

      Di ako galit. Nagve-vent out lang po. Hey, venting out is healthy, right? ^_^v

      Delete
    2. I completely understand how you feel, Migs. I, too, get defensive and irritated when people only see the 5% that hasn't been threshed out while totally ignoring all the hard work on the 95% that has already been done. I wish everybody learns to be appreciative instead of just being critical.

      In proofreading, it helps if there is a different set of eyes. Oftentimes, I fail to notice my errors just because I've gone over a document (I wrote) many times over and just speed read through it when I review it.

      Delete
    3. Hi migs. This is Mr.Anonymous. My intention was not to annoy you, however, im sorry if my comment made you feel that way. I understand how artists and writers such as yourself get too defensive when people criticize their work, after all, it is their masterpiece. What most of them dont understand though, is that they put their masterpieces out there willingly. My point is that people will judge and scrutinize you work because you gave them the power to do so. People dont really care how much effort you spent to finish this because you gave them the power to scrutinize. Its your choice however if you want to take that feedback positively TO IMPROVE. Which is why some people are actually getting paid to comment or to review their work (ie, food critics, book and movie reviewers). Youre the ONLY writer who writes stories like these that i follow now. Others tend to slack off because everyone was just kissing their assses for being such great writers, thus, their follow-ups arent as successful or is very forgettable. I dont want that to happen to you. You're a GREAT writer Migs, and you have the potential to be brilliant. Im sorry for being too blunt. Sometimes we have to listen to
      negative feedback so we can improve. Really sorry Migs, i dont want to ruin your mood for the next story you'll be writing. Thank you.

      Delete
  13. Bago ko lng nkita tong blog mo sa post ni zildjian. I've been reading for 3 days now, from LAIB 1 up to this chapter. La ako masabi, ang galing ng lahat ng nasulat mo. Pinaka nagustuhan ko yung Taking Chances unpredictable kasi saka ganda tlga ng pagkakasulat. more power to you and zildjian.


    Levi :]

    ReplyDelete
  14. Na proof read man o hindi, may grammatical errors man o wala, it doesn't matter, yung mga nag rereklamo na nalalabuan sila, well im sure they can figure it out, wala lang, people can be so demanding at times, dont they? :))

    Hi kuya migs, first time ko mag comment, maybe cause i feell the need to do so, its been a year since i began reading your stories, every night i make sure to check for updates before going to sleep, kahit sa sobrang puyat na, magbabasa talaga ako, thats how much i appreciate your blog, kaya sana wag ka magsasawa sa ginagawa mo. :)

    And whenever you feel like people dont appreciate your works, whether they dont post comments on your updates or even when they demand more from you, isipin mo na maraming tao jan na katulad ko, tahimik na nag babasa at patuloy na tumatangkilik sa mga gawa mo, God bless kuya migs :)

    ReplyDelete
  15. ^YES!! Finally, lumusot rin yung comment ko, :)) tagal ko nang pinipilit makapag comment eh, noon pa lang sa against all odds mo kuya, naalala mo yung tinigil mo siya kasi walang nag cocomment kahit na nag back to back post ka na? Nung tinanggal mo yun, pinilit ko talaga mag comment para sabihin sayo na mali ka, na may mga nakaka-appreciate sa gawa mo :)) di ko lang talaga alam kung bakit di napopost yung comment ko paulit ulit ako, compose ng compose ng comment tapos biglang mag c.crash yung browser ko :))) so ayun atleast ngayon, i've made my presence known, haha, pasensya na sa ginamit kong name :))) akala ko di na naman ako makakapag post kya kung anong name na lang nilagay ko... Eh nag post :))))) hayyy sorry ang over kill na ng comment ko :)))

    ReplyDelete
  16. itong c nina ung magpapagulo sa kwento....d2 san a malampsan nila ung mga pagsubok n na drting sa knila....haissst.......buti nlng d nagsawa c pat na mbuhay...hehehe khit na bigo.......tuloy prin ang buhay......my tmang tao tlga na drting sa kanya.........................................ras

    ReplyDelete
  17. Migoy: Pinakialaman ko na naman itong blog mo hehehe.. Linagyan ko nang star rating sa taas at baba wag ka sanang mabigla kung bakit may lumabas na ganun dito HAHAHA.. See yahh!

    ReplyDelete
  18. ha ha ha, parang ang cute ni liam, at last happy na ule ang family ni pat. ang ganda ng flow ng story, natural na natural. congratz po. next na po f d maxadong bz ha.

    ReplyDelete
  19. aww nkakatuwa naman c pat, parang hiskul lng na nhuli ng crush na nkatingin, tatago pa xD

    what about nina? o.o minamaltrato b nia ung bata? hmm...

    so far so good, nkakaadik xD parang auq pa m2log lol

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]