Different Similarities Book 2 prologue
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to any person,
place, or written works are purely coincidental. The author retains
all rights to the work, and requests that in any use of this material
that my rights are respected. Please do not copy or use this story in
any manner without my permission.
The
story contains male to male love and some male to male sex scenes.
You've found this blog like the rest of the readers so the assumption
is that material of this nature does not offend you. If it does, or
it is illegal for you to view this content for whatever the reason,
please leave the page or continue your blog walking or blog passing
or whatever it is called.
Accuracy Fail Alert: Sa breakeven Book 4 po ay sinabi ko na ang ama ni Pat ay isang British National at kung hindi po ako nagkakamali ay sinabi po doon na ang apelyido ni Pat ay Romero. Well, Romero is not a British name so I apologize for this accuracy fail.
Naranasan
niyo na bang magising isang araw at ma-realize na wala ka ng
pinanghahawakan? Na nawala lahat ng importanteng tao sa buhay mo? O
yung simpleng magising isang araw at wala sa sarili mong biglang
naitanong kung paanong napunta ang buhay mo mula sa pagiging masaya
hanggang sa pagiging miserable. Ito ang nangyari kay Pat isang araw
matapos niyang magalit at sisihin at ipagtabuyan si Eric sa loob ng
walong buwan dahil sa pagkawala sa kaniya ni Jake. Matapos niyang
ma-realize na wala naman palang ibang dapat sisihin at pagbuntunan ng
galit kundi ang kaniyang sarili.
Malalim
ang iniisip ay wala sa sariling bumangon mula sa kama si Pat at
tinungo ang banyo kalapit ng kaniyang kwarto. Yun ang umagang
kakausapin niya si Eric, yung ang umagang hiniling niya sa Diyos na
muling pumayag si Eric na mapatawad siya, na kung pupuwede ay maging
magkaibigan ulit sila at kung maaari at kung bibigyan siya ng
pagkakataon nito ay hihilingin niya na sa hinaharap ay maging mas
higit pa sila sa magkaibigan.
Ang
hindi lang alam ni Pat ay bago pa man matapos ang umagang iyon ay
tanging pagkakaibigan na lang ang maibibigay sa kaniya ni Eric. Hindi
alam ni Pat na mas matinding sakit pa kesa sa sakit na naramdaman
niya sa loob ng walong buwan ang mararamdaman niyang sakit bago
matapos ang umagang iyon.
00000oooo00000
Nasa
loob na ng sariling sasakyan si Pat. Katatapos lang nilang mag-usap
ni Eric, hindi niya inaasahan ang kinalabasan ng pag-uusap na iyon.
Akala niya ay makukuwa niya ulit ang loob ng dating kaibigan, na
magkakabalikan sila pero nang buksan ni Eric ang front door nung
umagang iyon at nang makita ni Pat ang maamong mukha nito ay alam
niyang huli na siya, na masaya na ito ngayon sa kaniyang buhay, buhay
na malayo kay Pat. Masaya na si Eric sa piling ng iba.
Muling
nilingon ni Pat si Eric na noon ay nakatayo parin sa harapan ng
apartment na inuupahan nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa kotse
ni Pat. Sa palagay ni Pat ay marami nang nagbago kay Eric, wala na
ang mga bag sa ilalim ng mata nito, wala ng ang sakit sa mga mata
nito sa tuwing titingin sa kaniya at muli nang bumalik ang mga ngiti
nito na unang nagpa-ibig sa kaniya noon nung una silang nagkita sa
isang club.
“That
beautiful smile should've been mine if I hadn't been so selfish.”
sabi ni Pat sa sarili.
Kasabay
noon ay sumagi rin sa isip ni Pat na sa loob ng ilang taon matapos
bumalik ni Eric mula sa US ay hindi niya rin nakita ang magandang
ngiting iyon. Naisip ni Pat na ganung katagal naging miserable si
Eric sa kakaintay sa kaniya at binalewala niya iyon, wala siyang
ginawa para maibsan ang sakit na nararamdaman nito sa halip ay tila
isang sugat pa niya itong binudburan ng asin at ipinakita na wala
siyang pakielam basta't nasa tabi niya ito pati narin si Jake.
“Di
manlang ako nag-sorry.” umiiling
na sabi ni Pat sa sarili, bababa na sana ulit siya ng sasakyan para
humingi ng tawad kay Eric nang makita niya sa rear view mirror ang
isang sasakyang parating. Sinulyapan niya ulit si Eric at nakita ni
Pat na napansin din ni Eric ang parating na sasakyan. Nakita ni Pat
kung pano lumiwanag ang mukha ni Eric.
Alam
ni Pat na ito na ang iniintay ni Eric. Ang pinaghandaan niya ng
espesyal na tanghalian. Ang lalaking mahal nito. Ang lalaking
nakapagpapangiti ngayon dito. Napabuntong hininga siya. Ibinalik niya
ang tingin kay Eric, nagulat siya nang makita niyang sa gawi niya
ulit nakatingin si Eric.
“I'm
sorry.” bulong ni Pat. Nagulat siya nang mapansing tumango si Eric
at masuyo ulit na ngumiti sa gawi niya. Tila ba narinig nito ang
pabulong na paghingi ng tawad na iyon ni Pat. Tumngo na lang din si
Pat at sinimulan nang paandarin ang kaniyang kotse.
Habang
pumipihit si Pat palayo sa apartment ni Eric ay napansin niya na
masuyong kumakaway sa kaniya si Eric. Di na niya napigilan ang
pagbuhos ng luha mula sa kaniyang mga mata at nagsimula na ulit ang
pamimigat ng kaniyang dibdib dahil alam niyang yun na marahil ang
huling pagkakataon na makikita niya si Eric.
0000ooo0000
Hindi
alam ni Pat kung saan siya papunta. Paikot-ikot lang siyang
nagmamaneho at wala sa sariling nagiiiyak sa loob ng kaniyang
sasakyan. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kaniya na pumunta sa
lugar na iyon, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang magandang
bahay, bumaba mula dito at naglakad papunta sa malaking gate at
kumatok doon.
“Pat?”
tawag ng isang lalaki ilang saglit matapos kumatok ni Pat.
Hindi
na napigilan pa ni Pat ang sarili at iniyakap na niya ang sarili kay
Jake.
“I'm
sorry. I'm sorry. P-Please I'll do anything just to have you back.
Please.” sabi ni Pat sa pagitan ng paghagulgol.
“Jake,
who is it?” tanong ni Edison sa may front door ng bahay habang
nakatanaw sa gate kung saan andun si Pat at Jake na masuyong
magkayakap.
“Pat,
what's wrong?” nagaalalang tanong ni Jake pero hindi na siya
sinagot ni Pat. Tila naging malaking bato ang katawan ni Pat, hindi
ito makagalaw at tila ba bumigat ito ng sobra. Naramdaman ni Jake na
lumuwag na ang kapit sa kaniya ni Pat at humakbang na palayo sa
kaniya.
Ang
nakita ni Jake na emosyon sa mukha ni Pat ay talaga namang
nakapagpabiyak sa kaniyang puso. Kitang-kita ni Jake ang sakit sa
mukha ni nito, gusto man niya itong tulungan ay hindi naman niya alam
kung pano. Nakita niyang walang tigil ang mga luha ni Pat habang
nakatingin sa gawi ni Edison. Nakita niya itong umiling na tila ba
pinipilit ang sarili na huwag maniwala sa kaniyang nakikita.
“Pat.”
nagaalala ulit na tawag ni Jake sa dating nobyo habang pinapanood ito
sa patuloy na paghakbang palayo sa kaniya.
“I'm
sorry.” bulong ni Pat at tumakbo papunta sa kaniyang sasakyan at
mabilis na ini-start ito at pinatakbo palayo. Huling nakita ni Pat si
Jake na tumatakbo pahabol sa kaniyang sasakyan sa kaniyang rear view
mirror bakas ang pagaalala sa kaniyang mukha.
Hindi
iyon nakatulong sa pagtigil ng mga luha ni Pat sa pagpatak.
00000oooo00000
Sa
pangalawang pagkakataon ay hindi alam ni Pat kung san siya pupunta
ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nakita niya na lang ang sarili
na itinigil ang sasakyan, dahil sa napansing nakaharang na mama sa
gitna ng daan. Naka-buka ang mga kamay nito na tila inihaharang sang
sarili sa sasakyan ni Pat. Nagmamadaling tumakbo ang lalaki papunta
sa passenger door at binuksan ito.
0000ooo0000
“Patrick?”
tawag ni Louie sa anak pagkapasok na pagkapasok niya ng sasakyan.
Nakita niya ang napakapulang mga mata ng kaniyang anak, ang mga
natuyong luha sa pisngi nito at ang mga sariwang luha na dumadaloy sa
mata nito.
Tila
naman nun lang na-realize ni Pat na ang ama niya pala ang humarang sa
kaniyang sasakyan at pumasok sa loob nito at tumabi sa kaniya nang
marinig niya itong nagsalita. Tinignan niya ito at isinandal ang
sarili sa matipunong dibdib nito at parang limang taong gulang na
batang umiyak doon.
“It
hurts, dad. It hurts so much.” bulong ni Pat habang nakayukyok sa
dibdib ng ama ats a pagitan ng mga hikbi.
Tila
naman pinupunit ang bawat kalamnan sa katawan ni Louie habang
hinahayaan ang anak na umiyak, habang pinapakinggan itong umiyak at
habang pinapanood itong nasasaktan at wala siyang magawa.
“It
hurts. It fucking hurts.”
0000ooo0000
Hindi
alam ni Pat kung gaano siya katagal na umiyak shabang nakayakap sa
kaniyang ama. Nang kumalma siya ay iginala niya ang kaniyang mga mata
sa paligid. Nun niya lang napagtantong asa dati niya siyang village.
Ang village kung saan siya nanirahan bago lumipat sa kaniyang tiyahin
sa Cavite.
“Want
to tell me what happened?” tanong ni Louie sa kaniyang anak,
umiling lang si Pat, hindi mapigilan ni Louie ang mapangiti, hanggang
ngayon kasi ay matigas parin ang ulo ni Pat, isang hindi magandang
ugali na isiniksik mismo ng ina nito.
“Well,
it's getting late and we've been sitting here inside your car for
five hours already. Want to get inside the house?” marahang tanong
ni Louie. agad na napa-isip si Pat at umiling.
“C'mon
Pat, it'll be just like before---” simula ulit ni Louie.
“Dad.”
“We
can get your stuff tomorrow if you want.” sabi ulit ni Louie.
“Dad---
wait what?!”
“If
you think I'm going to let you live by yourself like that then you
must be out of your mind. It's time for you to move on, time for a
fresh start or else you will be bloody miserable for the rest of your
life.”
“Dad,
I- I know, but I can't stay here with you guys. I'll look for a new
job and then a place---”
“Why
don't you want to stay with us, Pat?” malungkot na tanong ni Louie,
ayaw ni Pat na nakikita niyang nasasaktan ang kaniyang ama, napansin
ni Louie ang lalong paglungkot ng mga mata ng anak, may ideya na siya
kung bakit ayaw nitong tumira kahit pa pansamantala lang pero
kailangan niya parin itong itanong. Pinapanood ni Louie ang
pangigilid ng luha ng kaniyang anak. Napayuko si Pat habang inalala
kung bakit nga ba siya hindi umuuwi sa bahay na iyon kasama ang
kaniyang mga magulang.
“You
need to be cured!” sigaw ni Lita sa galit na galit naring si Pat
nang aminin nito ang tungkol sa kaniyang sekswalidad.
“CURED?
You think being gay is a disease?! This is what I am, I am friggin'
born this way and no shrink can change that no matter how hard they
try!” balik ni Pat, itinaas ni Lita ang kamay para sampalin ang
anak pero pinigilan ni Louie ang kamay nito.
“Just
leave the boy alone! He said that he cannot bloody change the way he
feels!” singhal ni Louie. Isang bagay ang sigawan ni Lita ang anak,
pero ang pagbuhatan ito ng kamay ay hinding hindi kailanman gustong
makita ni Louie na gawin ng kaniyang asawa sa nagiisang anak.
“But
it's abnormal!” balik ni Lita habang binabawi ang kamay na mahigpit
paring
“Lita,
shut your trap! Do you know that it is so bloody irritating when you
start yapping like that! We will not accomplish anything when you're
screaming every time! Why don't we sit this over and talk like we're
part of a civilization.” balik ni Louie habang si Pat ay patuloy
prin sa paghikbi sa tabi, pinapanood ang balikan ng mga magulang.
“I
will not stop yapping! Do you know what this abnormality will do to
our reputation?!” singhal pabalik ni Lita.
“The
one you're calling an abnormality is our son! Gawd! You're so
bloody anal! I get it when you arrange every bloody closet in this
bloody house according to color of the clothes or if it's for summer
or for rainy season, but this?! This is our son for gawd sakes! Who
give's a bloody damn about what other people thinks?! So, he's gay,
so what?!” singhal ni Louie na ikinagulat ni Lita, nun lang sila
nag-away mag-asawa ng ganun.
“No!
I will not let his abnormality ruin our reputation! If I have to
squeeze or beat this abnormality or homosexuality out of him, I
will!” sa sinabing ito ni Lita ay hindi maiwasang matakot ni Louie
at ni Pat.
“Do
you hear yourself? You will seriously deck you OWN son in the guts
for your own good? Who are you? You're not the girl that I've fell in
love with.” pabulong pero matigas na sabi ni Louie, natigilan si
Lita pero hindi niya parin maintindihan kung bakit ganun na lang
ipagtanggol ng asawa niya ang anak nila.
“C'mon, Pat. We're outta here.” aya ni Louie kay Pat at halos hilahin ito palabas.
“Where
the hell are you taking him?!” sigaw nanaman ni Lita.
“It's
none of your bloody business! We will stay clear of this place until
you made amends with Pat and until you do something with your bloody
yapping and when you stop being a gadamn bigot!”
“You
can't be serious!” pasigaw parin pero nagaalala nang sabi ni Lita.
“I'm
friggin' serious! And you know what else I'm bloody serious about?
I'm seriously thinking of divorcing you!” singhal ulit ni Louie
sabay labas ng front door.
“Dad
I- I s-swear I didn't want t-to be l-like this. I-I tried t-to
c-change I-I swear.” humihikbing sabi ni Pat pagkalabas nila ng
pinto at habang naglalakad papunta sa sasakyan, natigilan si Louie,
tila ba sinipa siya o dinaganan ang kaniyng dibdib sa sinabing iyon
ng kaniyang anak, hindi makapaniwala na isisumpa ng kaniyang anak ang
sarili dahil lamang sa isang bagay na hindi nito kayang pigilan.
Niyakap nalang ng mahigpit ni Louie ang anak at tahimik na inalo ito.
“I
wouldn't want you to change anything about yourself, Pat. You're my
son and I love you.” dahan-dahang kumalma si Pat at binuhay na ni
Louie ang makina ng sasakyan at gumawi na papuntang Cavite, sa bahay
ng kaniyang hipag na si Grace.
“Dad,
don't you think you went a little bit too far with Mom? I mean,
divorce is really a big thing.” kinakabahang tanong ni Pat sa
kaniyang ama, nasira na ang relasyon nilang mag-ina at ayaw niyang
masira pati ang relasyon ng kaniyang mga magulang.
“You
reckon?” nagaalala naring pagkumpirma ni Louie, mahal niya ang
asawa pero may gusto siyang iparating dito at para sa anak ni Pat ay
gagawin niya ang lahat maiparating lang sa asawa na siya ngayon ang
mali.
“I
don't know if that's a good idea, dad.” tanggi ni Pat. Napabuntong
hininga si Louie.
“Why
the bloody hell not, Pat?” tanong ulit ni Louie, kalmado ang boses
nito pero pansin din ni Pat ang pagkairita sa mga sinabi ng ama.
“Because
of mom---”
“Forget
about her! If after all this years she still think that gay people
are nothing but abomination to the human race then that's her
problem! You're hurting now, Pat and you need someone by your side.
You need me. I need you to need me.” halos pagmamakaawang
pagtatapos ni Louie, muling nangilid ang luha ni Pat at tumango
bilang sagot sa paaniyaya ng kaniyang ama. Napangiti si Louie at
niyakap ng mahigpit ang anak saka giniya ito papasok sa kanilang
bahay.
0000ooo0000
“Patrick!”
sigaw ni Lita nang makita nitong akbay akbay itong iginigiya papasok
ng kaniyang asawa sa kanilang lumang bahay. Naramdaman ni Louie ang
pag-tense ng katawan ni Pat at agarang pagtigil nito nang marinig ang
boses ng ina. Hindi alam ni Pat kung bakit wala sa sarili niyang
dinipensahan ang sarili mula sa ina. Siguro dahil kasi sa mga
masasakit na salitang sinabi nito nung huli silang magkita.
“Don't worry mother, I'll look for a new job then find
a new apartment and before you know it I won't be here anymore and
your precious reputation will still be intact.” pangunguna ni Pat
dito dahil alam niyang di masaya ang matandang babae na dun ito sa
kanila pansamantalang titira at muli niyang dudungisan ang kanilang
respetadong pangalan.
Napamaang si Lita sa itinawag sa kaniya ng anak. Walang
emosyon ang pagtawag sa kaniya nito, tila ba ang pagtawag sa kaniya
ni Pat ng 'mother' ay kasing kaswal lang ng pagtawag ng isang
empleyado sa kaniyang boss ng 'sir' o kaya ay 'mam' may
respeto pero walang malalim na kahulugan. Walang bahid ng pagmamahal.
“Nonsense, Son! You're always welcome here.” sabat
ni Louie nang hindi makasagot agad si Lita.
“Tell that to your wife.” sagot ni Pat sa kaniyang
ama.
“Patrick! I don't mind you being here, hijo.”
napasinghot naman si Pat sa sagot ng kaniyang ina na tila ba
nagsasabing 'yeah right and I'm the president of the united
states.'
“Yeah right. That's far from what you said when I told
you guys I'm gay, Mother.” pasarkastikong balik ni Pat. Isa pa ito
sa maraming tinik na bumabalot sa puso ni Pat, kasama ng tinik na
dulot ng kaniyang ina ay ang mga tinik na kaagapay ni Jake at Eric.
“What happened to your old apartment, hijo?” tanong
ni Lita, pilit iniiba ang pinaguusapan. Alam niyang masama parin ang
loob ng kaniyang anak sa kaniya.
“Well, Jake and I broke up---”
“I told you that guy is a no good slut! If only ---”
simula ni Lita pero pinutol na agad iyon ni Pat.
“If only what, Mother? If only I date girls instead of
boys? I will never date girls again, Mother, because I'm gay! Deal
with it. And besides it's not Jake's fault why we broke up, it's me,
I cheated on him. So I guess that makes me the slut in our
relationship.” sagot ni Pat, sumuko na si Lita, alam niyang hindi
pa panahon upang makipag-usap sa anak kaya't bumalik ito sa kusina
habang si Louie naman ay pinisil lang ang balikat niya bilang
pakikisimpatya.
“I promise dad, once I get a new job and a place, I'm
outta here.”
“Don't you think that you're a little bit hard on your
mother? Give her a chance to talk to you properly, maybe she wants to
talk and apologize to you.” sagot ni Louie umiling naman si Pat.
“I doubt it.” balik ni Pat.
“Just please give her a chance? And if she still
thinks your abnormal then you can start ignoring her again
while you're here.” balik ni Louie, tumango na lang si Pat at
napagpasyahang bigyan ng pagkakataong kausapin siya ng maayos ng ina.
“oh, ang you can stay as long as you want. I'll help
you find a new job and place tomorrow.” nakangiti nang sabi ni
Louie.
“Sounds like a plan.” nakangiting sabi ni Pat.
“Tomorrow, then.” sagot ng matanda sabay ngiti, di
na napigilan ni Pat ang sarili at niyakap na niya ng mahigpit ang
kaniyang ama.
“Thanks,
Dad. I love you.”
“I
love you too, son.” balik ni Louie. Saglit silang natahimik at
nagtitigan.
Well,
you know where your room is.” basag ni Louie, ngumiti na lang si
Pat at tumango saka tinungo ang dating kwarto.
Nang
makarating siya sa kaniyang dating kwarto ay nagulat siya nang
mapansing ganun parin ang itsura nito, tila ba hindi ito nagalaw o
hindi manlang nabuksan ang kaniyang pinto simula ng iwan niya ito may
ilang taon na ang nakakalipas. Wala sa sarili niyang iginala ang
kaniyang tingin. Nasipat niya ang bintana sa may hindi kalayuan. Nung
bata siya sa tuwing nagkukulong siya sa kaniyang kwarto ay dun siya
nakatanaw o kaya sa tuwing gusto niyang tumakas ay yun din ang
ginagawa niyang 'escape route'.
Nagulat
si Pat nang mapansin niyang may bagong bahay na na nakatayo sa dating
bakanteng lote sa tabi ng bahay nila. Agad niyang hinanap ang
malaking puno ng sampalok sa may dulo ng loteng iyon at napabuntong
hininga siya nang makitang nandun parin ito, kumpleto kasama ang tree
house na si Pat mismo ang nag-design.
Iniwas
na ni Pat ang kaniyang tingin lalo pa't napansin niyang puno ng tao
ang bakuran, tila ba may party doon at ang huli niyang gusto ay may
makakita sa kaniya at mapagbintangan pa siyang tsismoso. Tinungo na
niya ang kaniyang kama at humiga doon. Pilit na ipinahinga ang mga
mata.
0000ooo0000
“Patrick,
honey, can I talk to you for a second?” tawag ni Lita sa labas ng
pinto ni Pat. Nakahiga lang si Pat sa kaniyang dating kama at
nagiisip, agad siyang napabangon at tinanong ang sarili kung handa na
ba siyang kausapin ang ina. Napagtanto niyang hindi pa siya handa
kaya't agad siyang lumapit sa bintana at tumakas palabas. Nasa
bakuran na si Pat at naglalakad na palabas ng gate ng marinig niya
ang pag-tawag sa kaniya ng ina sa loob ng kaniyang kwarto.
Napaupo
si Pat sa may bangketa sa labas ng kanilang gate. Ipinagpatuloy ang
kaniyang iniisip kanina bago siya istorbohin ng ina. Iniisip niya
kung pano siya babangon sa sakit at kung pano siya magiging masaya
katulad ni Jake at Eric. Hindi ulit mapigilan ni Pat ang mapaluha
dahil kahit anong piga ang gawin niya sa kaniyang puso ay hindi
maiaalis dun agad agad ang sakit at kung ano ring piga sa kaniyang
utak ay hindi rin maisip ni Pat ang kaniyang gagawin upang maging
masaya.
Hindi
lang alam ni Pat na ang sagot sa karamihan ng kaniyang mga tanong ay
may ilang dipa lang ang layo sa kaniya, kagaya ni Pat ay nakaupo rin
ito sa bangketa at umiiyak.
_________________________
Different
Similarities 2
prologue
by:
Migs
Kung napansin niyo po ay marami akong binago sa aking blog and one of the biggest change na nangyari ay ang pagkakalagay ng Home and Table of contents button sa upper left portion of my blog for my beloved mobile users. Kung hindi ako nagkakamali ay mas napapadali ng function na ito ang paggamit ng mga mobile users ng aking blog.
ReplyDeleteAnd for that I would like to thank a very god friend of mine. Zeke or Zildjian. Isa siya sa pinakabagong manunulat na tinatangkilik ngayon ng marami and I've personally read some of his works and they are really impressive.
So guys, I urge you to visit his blog., it's http://zildjianstories.blogspot.com/
Thanks Zekie! :-)
Enjoy reading guys! :-)
First there's Henry, and now Louie.
ReplyDeleteI love my Dad!
Kawawang Pat.. :(
ReplyDeleteGanyan tlaga if you wish to please everybody you will end up pleasing nobody.
ReplyDeleteGood thing Pat still has his dad to lean on.
I can't wait to read the next chapter
teecee alwayz
Wow may Book 2 na!! Thanks po sa update! Aabangan ko ulit to. Keep it up kuya migs.
ReplyDelete--ANDY
wala akong masabi kundi awa kay pat.
ReplyDeleteheart breaking ang prologue na ito.
next chap na, baka sakaling magfunction na ng ayos ang utak ko (",)
Haven't commented in like forever!
ReplyDeleteBeen busy pero I'm back. Hindi ko alam kung
dahil sa stress or whatever yung dahilan ng pagiging nit-picky
ko ngayon pero. Don't get me wrong, I love how the first book ended. But it kinda felt like it was "forced-festive" like
it was pushed to have a happy ending. Not that I want another dramatic one, it's just that It isn't as smooth as the rest of the stories.
Oh well, hindi naging si Pat and Eric ulit. I hope Pat's story doesn't involve too much with his folks, it'll be a bit too similar with the first one.
I can't wait for the rest and I've got a Taylor Swift's You Belong With Me-vibe. Also plus points with Lady Gaga's Born This Way pun! Hopefully mas mabilis updates nito! Kudos, Migs!
You're the best!
hey glitterati! Yeah, I missed you! Where have you been?!
DeleteAnyways, about the ermm "forced festive" I know what you mean, kung napansin mo may isiningit ako na isang chapter dahil narin sa request ng iba. The story isn't suppose to end like it did, di dapat siya magshi-shift from a dramatic scene to a happy scene that fast pero dahil nga may isiningit ako na isang chapter kailangan kong magalis ng ilang scene sa epilogue kaya bumilis yung shift ng emotions. :-)
Thanks! :-)
cant wait for book2 migs . i really love your stories it made me cry.
ReplyDeletetama si gliterriXD haha..and yeah ang cute ng bagong look ng blog mo :D
ReplyDeleteSo sad past din pala si pat, kala ko happy go lucky lang siya, rich kid on the loose.
and about louie kala ko other guy or past friend :D Dad pala niya haha..and curious ako, baka mag pari si patXD joke lang siguro pedoXD haha..
Wow as in wow! Been away frm the net for days. I'm very sad of Pat's past and relationships. Maybe he's really the one to be blamed. Hoping this time its the other way around. Chapter 1 please.
ReplyDeleteMigy: Nagsisimula na akong humabol sa mga kwento mo. Salamat sa patalastas Migoy na tats naman ako sa mga kasinungalingang sinabi mo tungkol sa akin HAHAHAHA.
ReplyDeleteIngat ikaw lagi!
Nice one! This one's a good start Migs... hopefully, everything will turn out good for PAT and I know it will since tapos mo na ang story na to...hehe I'll just keep on reading =)
ReplyDeleteLate reader here :D
ReplyDelete