Posts

Showing posts from May, 2011

Breakeven (Book2 Part5)

_________________________________ Breakeven (Book2 part5) by: Migs N agulat na lang ako ng maabutan kong nakapatong na si Kevin kay Ram at papapakin na ito ng suntok, sinubukan kong hilahin si Kevin pero di parin ito patinag kaya naman pinigilan ko na lang ang paglanding ng kamao nito sa mukha ni Ram. “ Tama na Kev, please!” sigaw ko at nakaisip ako ng isang paraan para maawat ito, niyakap ko ito at hinila palayo kay Ram. “ Congrats, your boyfriend is really a jelous type and he can also throw a punch, akala ko maglalabas lang siya ng lightsaber or something eh.” pangaalaska nanaman ni Ram habang pinapagpag ang sarili sa mga naninkit na dumi sa kaniyang damit. “ Tarantado ka pala eh!” sigaw nanaman ni Kevin niyakap ko ulit ito para tumigil. “ He passed.” sabi ni Ram sabay kindat sakin. “ Why are you kissing that son of a bitch?” tanong ni Kevin na talaga namang ikinagulat ko. “ Whoah! Relax.” sabi ko dito at sinenyasa

Chasing Pavements 10

_____________________________ Chasing Pavements 10 by: Migs K umalembang ang bell sa pinto ng shop kung saan nagtatahi ng mga pasadyang amerikana at gowns para sa mga ikakasal. “ Kuya Migs!” sigaw ni Al ng makita ako. “ Aray.. aray... aray.. aray.” bulalas ni Edward ng matusok ito ng aspili ng bigla itong humarap para makita ako. “ Ako po yung best man.” sabi ko sa nagsusukat, ngumiti naman si Edward sakin na sinuklian ko na lang ng isang magiliw na ngiti, lumapit ito sakin at niyakap ako. 0000ooo0000 Andito ulit ako, tulad nang sa simula paikot ikot ulit ako sa loob ng village, alam ko na hinahanap na ako sa simbahan dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal ng aking bestfriend, pero di ko parin makita ang sarili ko na masayang nakatayo sa tabi niya habang naglalakad sa pasilyo ng simbahan ang magiging asawa niya. Bigla na lang nabasag ng pagring ng telepono ko ang aking pagmumuni muni. “ Hello?” “

Breakeven (Book2 Part4)

_________________________________ Breakeven (Book2 Part4) by: Migs M atagal nakatitig si Ram sa picture na yun at parang malalim ang iniisip, nasa balikat ko parin ang kamay ni Kev at pinipisil iyon, parang sinasabi na andun lang siya, na hindi niya ako pababayaan. Tahimik lang ang paligid, tanging ang ingit ni Joey ang maririnig, parang naiintindihan ng asong iyon na may tensyong nagaganap. “ Ay, unli? Di ka maka move on?” bulalas na sabi ni Kevin, pinigilan ko ang sarili ko na mapatawa. Tinignan naman siya ng masama ni Ram. “ Madami pa diyang picture frame oh, pwede mo nang i-let go yan, move on na sa next frame. Go on.” pagpapatuloy ni Kev, nakita kong kumislap ang mata ni Ram at alam kong napipikon na ito, humarap na ito kay Kev at sisimulan na sanang makipagsagutan dito ng bigla akong gumalaw. “ Ok, lunch, Kevin, bili ka na ng lunch, I'm sure gutom na tayong lahat.” tumahol naman si Joey bilang pagsang ayon at binigyan ko na si Ke