Breakeven (Book2 Part5)
_________________________________ Breakeven (Book2 part5) by: Migs N agulat na lang ako ng maabutan kong nakapatong na si Kevin kay Ram at papapakin na ito ng suntok, sinubukan kong hilahin si Kevin pero di parin ito patinag kaya naman pinigilan ko na lang ang paglanding ng kamao nito sa mukha ni Ram. “ Tama na Kev, please!” sigaw ko at nakaisip ako ng isang paraan para maawat ito, niyakap ko ito at hinila palayo kay Ram. “ Congrats, your boyfriend is really a jelous type and he can also throw a punch, akala ko maglalabas lang siya ng lightsaber or something eh.” pangaalaska nanaman ni Ram habang pinapagpag ang sarili sa mga naninkit na dumi sa kaniyang damit. “ Tarantado ka pala eh!” sigaw nanaman ni Kevin niyakap ko ulit ito para tumigil. “ He passed.” sabi ni Ram sabay kindat sakin. “ Why are you kissing that son of a bitch?” tanong ni Kevin na talaga namang ikinagulat ko. “ Whoah! Relax.” sabi ko dito at sinenyasa...