Against All Odds 7

_____________________

Against All Odds 7
by: Migs


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.




Nagtatalo kami ni Nate, pinipilit ko kasing bayaran ang dalawang piraso ng shawarma pero tumanggi ito. Pilit sinasabing treat niya iyon. Nang mapuno ako ay agad kong iniwan ang pera sa lamesa at tumayo na sabay labas ng restaurant, agad naman akong hinatak ni Nate pabalik.



Sabi ko sayo ihahatid kita sa office ng boyfriend mo diba?” sabi nito sakin, seryoso na ang mukha nito habang pinipindot ang susi ng kotse para magbukas ang lock nito.



Bakit mo ba ginagawa ito?“ tanong ko sa kaniya. Mahina na ang boses ko.



Bumabawi lang ako sa loob ng ilang taong di ko nakasama ang pinakamamahal kong boyfriend.” sabi nito, natameme nanaman ako at itinulak na ako nito papasok ng sasakyan.



Di mo na kailangang bumawi. Nakalimutan na kita.” sabi ko dito, nagbuntong hininga ito at parang walang narinig na inistart ang sasakyan.



0000oooo0000



Alam mo ba ang ginawa ko abroad? Nagaral ako sa culinary school pati narin sa business management, kaya nung makauwi ako dito nagtayo agad ako ng business.” tuloy tuloy na sabi nito habang trapik.



Sa totoo lang wala ni isa sa sinasabi nito ang pumapasok sa aking isip. Siguro dahil wala narin akong pakielam sa kaniya.



Tapos naisip ko, pag mayaman na ako, pwedeng di ka na magbooking at yung kikitain ko sa restaurant ang ipagpapaaral ko sayo sa medschool. Kaso nagkasakit si Dad, mahal ang chemo niya kaya di ako agad nakauwi at sinamahan sila dun para sa session ng chemo.” tuloy tuloy na sabi nito.



Para bang kahit anong sabihin nitong dahilan sa pagkakawala niya ng ilang taon ay di ko matatanggap. Kahit gaano pa mang katotoo ng sinasabi niya.



Sana maniwala ka sakin, Aaron.” sabi nito na may halong pagmamakaawa ang tono. Di ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na ito.



Di mo ba napapansin?! Wala na akong pakielam, Nate. Kahit ano pa ang dahilan mo?! You could've talked to me about your plans, pero hindi mas pinili mong paginatayin ako sa ulan hanggang sa mawalan ako ng malay! Nakipagusap ka manlang sakin about sa pagaabroad mo pero hindi, umalis ka ng walang paalam! Your explanations are six years late! Wala na akong pakielam pa!” sabi ko dito sabay kalas ng seatbelt na hindi ko naman makalas dahil nanginginig na ang aking kamay.



Alam kong hindi ka papayag, Aaron...” simula nito.



Kaya mas pinili mong gawin akong tanga?!” sigaw ko dito at ng sa wakas ay matanggal ko na ang seatbelt ay agad na akong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa opisina ni Jase.




0000oooo0000




Habang naglalakad papalapit sa opisina ni Jase ay di ko mapigilang isipin ang mga sinabi ni Nathan, para sakin pala lahat ng ginawa niya. Pero naisip ko na tama naman ako, sana sinabi niya sakin para di ako nagmukhang tanga. Nang makasakay ng elevator ay agad kong inayos ang sarili ko, para di naman mahalata ni Jase na katatapos lang ng dramahan namin ni Nate.



Alam ko kasing makita lang nito ang mga bakas ng pagiyak ko, alam kong kukulitin ako nito hanggang sa umamin kung ako ang bumabagabag sakin.



0000oooo0000



Naglagay ako ng isang pekeng ngiti sa aking mukha habang dala dala ang aking duffel bag at ang dalawang shawarma. Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng opisina ni Jase.



Agad akong nanghina sa aking nakita, si Jase at ang kaniyang sekretarya, masuyong naghahalikan sa loob ng opisina nito. Parang may kung anong tumarak sa aking puso, daig ko pa ang kinuryente at tinamaan ng kidlat. Parang nawala ang lakas mula sa aking mga paa pero pinilit ko paring tumayo.



Dahandahan akong naglakad papunta sa isang babae na nakaupo katapat ng lamesa ng sekretarya ni Jase. Agad ko itong nginitian kahit na may mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata at dahandahang tutulo sa aking mga pisngi.



Ah, excuse me... uhmmm... Irma...” bati ko dito ng mabasa ang pangalan sa kaniyang lamesa.



Pwede bang pakiabot ito kay Jase Perea. Busy kasi siya ngayon kasama ng kaniyang sekretarya eh.” sabi ko dito sabay abot ng plastic ng dalawang shawarma.



I know right?! Tell me about PDA! Laging ganyan ang dalawang yan! Ayaw kumuwa ng kwarto sa isang motel at dun magjugjugan.” walang breeding na sabi nito sakin.



Th-thank you ah.” sabi ko dito ng maiabot ang shawarma sa kaniya, pagharap ko pabalik sa mga elevator ay nakita ko si Nate, nakasilip ito sa pinto ng opisina ni Jase, malamang nakita niya ang ginagawang pagtataksil sakin ni Jase.



Umiling ito.



0000oooo0000



Agad agad akong naglakad palapit sa elevator. Sumunod naman sakin si Nate. Ilang beses kong pinindot ang down button pero di parin bumukas ang mga lift.



Tsk tsk tsk. Buti na lang may Nathan Cruz ka pa.” mahanging sabi ni Nathan sa aking tabi.



Pwede ba Nathan, wala ako sa mood.” sabi ko dito sabay lakad papuntang fire exit, gusto ko na kasing makaalis sa lugar na iyon. Sumunod naman si Nate.



Bakit di mo siya kumprontahin?” tanong nito sakin habang nasa likod ko siya at habang nababa kami pareho ng hagdan.



Di ko alam!” sigaw ko dito.



Ginagawa ka ng tanga ayaw mo pang kumpronatahin?!” sigaw nito sakin, di ko napansin ang isa pang step at nadulas ako, muntik na akong mahulog, buti na lang andun si Nate at nasalo ako nito bago pa ako mahulog.



Dahan dahan ako nitong iniupo sa isang baitang ng hagdan at niyakp ng mahigpit habang patuloy parin ang pagbaha ng luha sa aking mga mata.



Shhh.. wag ka ng umiyak, andito na ako.” sabi niya, isinampay niya ang aking baba sa kaniyang balikat at hinagod ang aking likod.



Ayaw ko siyang kumprontahin dahil ayaw ko siyang mawala.” bulong ko, hinahagod parin ni Nate ang aking likod.



Siya ang nandyan nung mga panahong lugmok na lugmok ako, hindi niya ako pinandirian, nakiayon siya sa trip ng pride ko kahit na ang kapalit nun ay pagapak at pagdurog ko sa ego niya. Di ko siya pwedeng saktan, Nate. Masyado ko na siyang nasaktan, kaya para sakin ok na, di ko na kukumprontahin si Jase, alam mo kung bakit? Kasi itong putanginang sakit na nararamdaman ko ay wala pa sa kalingkingan ng sakit na naramdaman niya sakin.” sabi ko kay Nate sa pagitan ng mga hikbi.



Naiintindihan ko, pero sa tingin mo ba kakayanin mong tiisin lahat? Sa tingin ko kasi mukhang masaya sila at hindi nila basta basta mabibitawan ang isa't isa.” tanong sakin ni Nate. Natigilan ako nang mareakize kong tama ito sa kaniyang mga sinabi.



Kaya ko nga ba?” tanong ko sa sarili ko.



0000oooo0000



Inalok ako ni Nate na ihahatid niya raw ako sa aking boarding house, wala narin akong nagawa, alam ko namang mangungulit parin ito.



Dito ka parin pala nakatira?” tanong sakin ni Nate.



Eto na ang pinakamura at napalapit narin ako kay aling Babs, binibigyan na niya ako ng discount. Mura ngayon ng 25% ang upa ko kumpara sa ibang boarders.” sabi ko kay Nate habang ipinagtitimpla siya ng kape.



ahmm Aaron, may itatanong ako, wag ka sanang magagalit.” simula ni Nate.



Sa tingin mo ba may masasabi ka pa na ikagagalit ko matapos lahat ng malaman ko ngayong araw na ito?” tanong ko. Napatawa siya.



Good point.” sabi nito.



Ano ba yung itatanong mo?” sabi ko dito, agad naman niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan at mukhang pinaghahandaan pa ang sasabihin niya.



Itatanong ko sana kung di ka pa titigil sa pagbu-bu...”



Pagbu-booking?” tanong ko dito, napangiti naman siya. Nagbuntong hininga ako.



Iniisip ko na actually yan, napagasyahan na namin ni Jase na itigil ko na nga at tumira na ako kasama siya.” malungkot kong sabi.



Ahhh... edi maganda, kaya lang pano na yan, may girlfriend atang iba si Jase?” tanong sakin nito, kinilatis ko ang tanong na yun kung kinukutya ba ako nito o may himig sarkasmo ba pero hindi, gusto niya lang talaga siguro malaman.



Magbubulagbulagan ka na lang ba?” tanong sakin ni Nate. Napatigil ako.



Mukhang ganun na nga.”



Inayos ko na lahat ng gamit ko at nagpaalam narin ako kay Aling Babs tungkol sa pagalis ko, niyakap lang ako nito. Di na katulad ng nararamdaman ko kaninang umaga ang aking nararamdaman ngayon, wala na ang excitement na sa wakas magkakasama na kami ni Jude. Ngayon ay para na akong isang salamin ng kotse na nilagyan ng tint. Isang malaking palabas nanaman ang gagawin ko habang kinakasama ko si Jase, ang palabas na kunwari ay di ko alam ang tungkol sa kanila ni Sandra.



Nagpaalam ako kay Nate na maliligo lang ako at kung gusto na niyang umalis ay pwede na siyang umalis maski di magpaalam. Tumapat ako sa dutsa at hinayaang tumulo sa aking katawan ang maligamgam na tubig.



Iniisip ko na sana makayanan ko ang maging bato. Sana matagalan ko ang magbulagbulagan sana ay di mabago ang pagtingin ko kay Jase sa nalaman.



Masyado ko siyang nasaktan noon. Nararapat lang sakin ang masaktan ngayon.” sabi ko at tumulo nanaman ang luha sa aking mukha.



Bago ako lumabas ng banyo ay tumapat muna ako sa salamin. Tinignan ko ang mga nangyari sa loob lamang ng ilang araw.



Bakit kailangan pang bumalik ni Nate?”


Wala akong maisagot.



Bakit kailangang malaman ko pa ang tungkol kay Sandra?”



Wala ulit akong maisagot.



Lumabas na ako maski nakatapis lang, inaasahang wala na doon si Nate, pero nagkamali ako, nakaupo parin ito sa may sala, nang lapitan ko ito ay nagulat ako ng makitang natutulog na ito. Tinignan ko ang mukha nito, napaka gwapo parin nito. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag ilapat ang labi sa kaniyang mga labi.



Nakarinig ako ng pagsara ng pinto ng sasakyan, agad kong tinanaw ang dulo ng eskenita. Nakita ko doon si Jase, balisa pero nakangiting naglalakad papunta sa aking boarding house. Nagbuntong hininga ako.



Ready ka na Hon..ey?” tanong nito ng maabutan akong nakatapis lang saka itinuon ang tingin sa natutulog na si Nate.



Nagbuntong hininga ako. Alam ko kung ano ang iniisip nito.


Ano ginagawa niyan dito?!” nanlilisik ang mata na tanong ni Jase. Halata kong pinipigilan nito ang magwala.



Si Nate yan kaibiga..” pero hinatak ako ni Jase papunta sa aking kwarto.



Magbihis ka na bilis!” at nakita kong biglang bumangon si Nate, nakatingin lang ito saming dalawa ni Jase.



Teka lang aayusin ko...” simula ko.



Saka mo na ayusin! Magbihis ka muna!” sigaw nito sakin, nagsimula na akong magtaka.



Nagpapanic na si Jase.



Hon, may problema ba?” tanong ko dito habang nagbibihis.



Nagpalitan ng masamang tingin si Nate at Jase.



Hon, pano yung mga gamit ko?” tanong ko kay Jase ng bigla ako nitong hatakin palabas ng boarding house.



Saka na.” sabi nito.



Tama na! Nasasaktan na si, Aaron!” sigaw ni Nate. Pero hindi nagpatinag si Jase.



Get the fuck out of this house and don't you fucking show your face again! I swear di ko alam ang pwede kong gawin pag nakita pa ulit kita!” sabi nito kay Nathan at dinuroduro pa ito. Natameme si Nathan. Kinaladkad na ako ni Jase papunta sa kaniyang sasakyan.



Hon? Ano bang problema?!” sigaw ko dito, nangingilid na ang luha ko. Tinignan ako nito, hindi na galit ang nasa mata nito, hindi na ito nanlilisik, takot na ang nakita ko sa mga mata ni Jase. Tama takot.



I will never lose you. Not with Nate, not with my brother...”




Itutuloy...

Comments

  1. ayon!! magkapatid pala sila :)) at bitin na2man ako. bakit ngaba takot c jase? dahil ba alam nia na c nate parin ang gusto n Aaron? mukhang naiintindihan ko na ang AAO :D (slow)

    ReplyDelete
  2. galing... ganda tlaga gumawa ng story kuya migs... two thumbs up kuya....


    jockey

    ReplyDelete
  3. @Zekiee: Thanks Z! Lagi na lang ba kita binibitin? haha! Thanks ulit.

    @Jockie: Salamat! though, mukhang kayo lang dalawa ni Zekiee ang naka appreciate. :-(

    Anyways! thanks parin! ^_^

    ReplyDelete
  4. OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! parang alam ko na ang totoong pakay ni Jase kay Aarorn....

    haaayst poor Aaron...

    ReplyDelete
  5. kaming dalawa ka jan.. dami kayang nag cocomment^^ uu nabitin na2man ako.. pero alam ko naman bukas or sa makalawa meron ng update :)

    ReplyDelete
  6. anu ba yan! magkapatid pa sila!
    kawawang aaron naiipit sa dalawang naggigitgitang bato :/

    as usual bitin na nman ako XDD
    galing galing ni kuya migs :)

    -louie

    ReplyDelete
  7. ok lang sa akin kahit hinde mapansin (papansin?)

    sila pala yung magkapatid sa mga naunang chapter!!
    parang gumaganti lang ata si Jase kay Nate eh

    pero paganda ng paganda po ang kwento

    ReplyDelete
  8. @ Mervin: alam mo ba talaga? hahaha! Salamat sa pagsubaybay!


    @Louie/miserableshad: Salamat sa papuri!


    @mcfrancis: ayan pinansin na kita, yup sila nga ang maghalf-brother sa naunang chapter. hihi! Salamat din saiyo! ^_^

    ReplyDelete
  9. sabi na nga ba, magkapatid sila!

    lemme guess, Aaron is just a tool sa isang sibling rivalry?

    ReplyDelete
  10. nice revelations haha, i like it!

    ReplyDelete
  11. woah... talk about big revelation.. hehe

    who would have thought, right??

    great work..!!

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  12. Tama nga yung naiisip ko noon pa man na may connection sa isa't isa sila Nate at Jase. (Pero sa isip ko lang un!hehehe).

    Tindi ng mga eksena ngayon ha..hehehe

    Well iniisip ko ano kaya yung mangyayari sa mga susunod na tagpo. Sino kayang magpapaubaya?

    ReplyDelete
  13. Ayan na. Official na na brother si nathan at si jase. Bakit pa kasi ang landi landi mo jase eh. Iwan mo na si sandra. Taena. Kung mahal mo si aaron, iwan mo na si sandra. Heehe. Da best ka migs. Labz u more and more!

    ReplyDelete
  14. at tlagang magkapatid sila..migs.
    magkapatid
    magkakaribal
    yun na
    yun na migs
    kaso bitin hehehe

    ReplyDelete
  15. late comment ako here kasi late ko rin binabasa ang story gusto ko yung madaming chapter na ang tapos kasi di ako makatulog pag nabibitin sa binabasa ko and napapaisip ako kung ano next happen to them xenxa na sa late comment.... have a nice days ahead... keep writing muah...

    "royvan...."

    ReplyDelete
  16. ▬ hi sir, first time kong magcomment, im one of your silent readers....hihihih, pero mukang di na silent hihihi...., cheers!

    ▬ CallBoy

    ReplyDelete
  17. naku! makati itong si jase at ang malaking revelation magkapatid pa pala sila nate...hmmmm? sibling rivalry?, mukhang gagamitin lang si aaron ng magkapatid tsk!...basa uli (",)

    ReplyDelete
  18. Migs ask ko lang ksi may nabasa ako sa bandang gitna ano naman kinalaman ni Jude sa storya? ano papel nya? ksi may Jude na nkalagay dun..

    ReplyDelete
  19. hey ANONYMOUS August 15, 2011 8:45PM I'm sorry, typo yan it's supposed to be Jase, originally, Jude ang dapat na name for Jase's character, I'm sorry di ko agad nakita.

    ReplyDelete
  20. thank you migs for immediate reply... kala ko ksi may bagong character na papasok sa eksena... pa post na po ng 14 excited na ako kung ano mangyayari kay jase na iniwan ni aaron at sa pagkikita muli nila ni nate.

    -vash18

    ReplyDelete
  21. SINABI KO NA NGA BA EH. KYA PALA FAMILIAR YUNG NAME. DAMAT NAGHINUHA NAKO DITO. KAINIS. YUNG JASE AND JASON NA KINUKWENTO NI NATE IISA PALA.

    GANDA NG FLOW. KAHIT AKO NAG LATEST NA NAGBABASA NITO DAHIL NGAYON LANG AKO NAGKATIME. ANYWAYS. GALINGGGGGG MO TALAGA KUYA MIGS.

    HALOS IMARATHON KUNA ANG LAHAT NG ASA BLOG MO AHIHIHI.

    GODBLESS ULIT KAHIT KAKASABI LANG KANINA. INAGT PO LAGI. :D

    -ichigoXD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]