Against All Odds 2[32]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kunot noo na pinapanood ni Dan si Mike na bihasang-bihasa at walang ka-effort effort na nag ja-jump serve. Katulad ng naunang session nila na basketball ay walang kahirap-hirap na tinapos ni Dan ang written exam pero katulad din ng nauna nilang session ay tila ba hirap na hirap si Dan na isa-akto ang mga teorya na kaniyang napag-aralan. Habang pinagmamasdan niya si Mike sa pagja-jump serve matapos i-tayo ang net para sa volleyball ay hindi mapigilan ni Dan ang mamangha.

Tila isang mananayaw si Mike kung gumalaw. Iisa ang galaw ng buong katawan nito, lahat ng nakasulat sa libro na binasa ni Dan bago ang klase na iyon ay tila minaster ni Mike dahil walang ni katiting na mali na nakita si Dan. Bawat paghakbang ng paa, bawat pag-ikot ng kamay at mi ultimo ang pag dribol ng bola nito bago ang jump shot ay naaayon din sa nakasalaysay sa libro.


Naitawid ng maayos ni Mike ang bola papunta sa kabilang bahagi ng net ng walang kasabit-sabit, bagay na talaga namang ikinamangha ni Dan at lubos na ikinakaba nito. Ikinakaba dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya ito magagawa, bagay na hindi naman nakaligtas kay Mike dahil basang basa nito ang pagaalangan at kaba sa mukha ng huli.


Don't worry. I'm not expecting you to do that. Just a normal service will do.” subok na pagpapagaang ng loob ni Mike kay Dan na minasama naman ng huli.


Ang naging dating kasi nito kay Dan ay tila ba minamaliit siya ni Mike. Na hindi nito kaya ang ganung service. Na mahina siya. Na wala siyang kwentang tao. Na hindi siya karapatdapat. Muli, hindi ito nakaligtas kay Mike kaya agad niyang sinundan ang kaniyang unang sinabi.


I-I m-mean di naman kailangan jump shot ang gawin mo, Dan---” simula ulit ni mike pero hindi na ito hinayaan pang makatapos ni Dan dahil huli na ang pag segunda na ito ni Mike, sinumpa na kasi niya sa sarili na ipapakita niya kay Mike kung gaano siya ka-karapat-dapat.


Na hindi siya dapat maliitin dahil ibang-iba na siya sa nakilala nitong Dan.


Kumuwa ng bola si Dan at pumuwesto sa lugar kung saan dapat pumuwesto ang mag-se-serve ng bola sa kabilang kuponan. Umiiling na pinanood ni Mike si Dan dahil alam niyang na-offend nanaman niya ito dahil sa kaniyang sinabi base sa masamang tabas ng mukha nito ngayon.


Pinanood ni Mike si Dan na gawin ang bawat hakbang na nabasa at napag-aralan nito sa pahina ng volleyball. Pinanood niya ang paghakbang nito palayo sa linya kung saan legal pa ang pagserbisyo ng bola, pinanood niya itong ilayo sa sariling katawan ang bola, pinanood niya itong tumakbo sabay hagis ng bola paitaas at tumalon.


Pinanood niya si Dan na mawalan ng kuordinasyon. Pinanood niya kung paano tumama ang bola sa ulo nito, partikular sa mukha at kung paano ito mabuwal at sumalampak sa sahig.


Nagaalala at patakbong lumapit si Mike sa puwesto kung saan nakasalampak parin si Dan. Lumuhod siya malapit sa puwesto nito. Sinubukan niya itong abutin ngunit nag-alangan siya. Natakot siya na sa oras na dumampi ang kaniyang balat sa balat nito ay muli itong sumpungin ng anxiety attacks.


Sinisi niyang muli ang sarili dahil iniisip niya na dahil sa kaniyang huling sinabi ay itinulak nanaman niya si Dan na makaramdam ng pangliliit. Naisip niya na kung hindi niya ito sinabi ay malamang hindi kinailangan ni Dan na magpakitang gilas at patunayan na may ibubugha siya, hindi na sana na-aksidente si Dan, hindi na sana ito nasaktan at hindi na sana siya nag-aalangan ngayon sa pag-aalo at pagpapakita ng pagaalala.


Hindi na sana naipamukha sa kaniya na wala na siyang karapatan na mag-alala dito, na wala na siyang karapatan na aluhin ito, na wala na siyang karapatan na lumapit dito. Na wala na siyang karapatan dito dahil hindi na siya nito kaibigan. Na wala na siyang karapatan dito matapos niya itong saktan ng sobra.


At ang naiisip na ito ni Mike ang siyang pumapatay sa kaniya ngayon dahil sa sobrang sakit.


A-are y-you OK?” nagaalalang tanong ni Mike kay Dan na hindi parin tumatayo sa kinasasalampakan nito. Dahil wala man siyang karapatan na mag-alala dito bilang kaibigan ay may karapatan naman siya na mag-alala dito bilang guro nito.


Ang tanong na ito ni Mike ang gumising sobrang pagka-hiya ni Dan. Dahan dahan niyang ibinaling ang tingin dito at nagulat siya kung gaanong kabilis nitong nakalapit sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang sobrang pagaalala nito sa mukha at ang tila ba pag-aalangan nito na aluhin siya.


Danny, sabi naman kasi sayo na wag mo ng ipilit eh!” naiinis saka sabay na nagaalalang saad ni Mike kay Dan habang hinahagod nito ang likod ng huli.


Eh favorite ko yun eh! Saka para malaman mo na makakaubos ako ng isang bandehado ng carbonara” balik naman ni Dan sa pagitan ng mga hingal.


Sus! Dahil ba di ako tiwala na makakaubos ka ng isang bandehadong carbonara magpapaka lungad ka maubos lang yung isang bandehado sa harapan ko?” nangingiting balik ni Mike habang si Dan naman ay kumakalma na matapos ang pagsusuka. Hindi makapaniwala sa kahihiyan na ginawa sa loob ng cafeteria dahil lang gusto niyang patunayan kay Mike na isa ang carbonara sa mga favorite niyang pagkain.


Dan?” nagaalalang tawag pansin ulit ni Mike kay Dan ang gumising sa huli mula sa kaniyang pagbabalik tanaw.


Hindi mapigilan ni Dan ang mapatawa sa sariling kahihiyan katulad ng inihatid na nakakatawang kahihiyan ng alaala kung saan nagsuka siya sa gitna ng cafeteria nung sila'y elementarya pa lang mapatunayan lang kay Mike ang kaniyang ipinagmamalaki.


Natigilan si Mike, hindi dahil na-wiwirduhan siya sa ikinikilos ni Dan kundi dahil sa maikling panahon na iyon ay naramdaman niyang nabuhay muli ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Dan. Muli rin niyang narinig ang tawa na gustong gusto niya dahil para sa kaniya ay musika ito sa kaniyng tainga, nakita niyang muli ang paniningkit ng mata ni Dan dahil sa sobrang pag-tawa, nakaramdam siya ng pagiging kumportable muli ni Dan sa kaniyang presensya tulad noong panahon na hindi pa niya ito nasasaktan, muli siyang nakaramdam ng paggaang ng konsensya at kalooban.


I must've looked stupid.” umiiling na saad ni Dan habang humuhupa ang tawa na nakapagpangiti na sa wakas kay Mike at bumura sa sobrang pagaalala nito.


Actually I haven't thought of that because I was busy thinking if you're OK or kung nasaktan ka.” wala sa sariling sinserong sagot ni Mike na nakapagpatigil kay Dan sa pagtawa at nagkasya na lang sa pag-ngiti, hindi inaasahan ang sinabing ito ni Mike, pilit na isinasa-isang tabi ang bumibilis na pagtibok ng puso.


I told you to do a simple service. Di naman kailangang jump shot eh ayan tuloy na aksidente ka pa.” may halo paring pagaalala na saad ni Mike saka nag-aalangang inabot ang isang kamay upang tulungan si Dan na tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig.


Walang halong pagaalinlangan. Walang halong takot. Inabot ni Dan ang kamay na iyon ni Mike at tumayo na mula sa pagkakasalampak.


Hindi man sabihin sa isa't isa ay alam ng dalawa na muli ng magiging mabuti ang lahat sa pagitan nilang dalawa.


000oo000


You look happy.” sita ni Cha kay mike habang nagkukuwento ulit ito tungkol sa ilang alaala noong mga bata pa sila ni Dan.


That's because I'm happy.” nakangiting sagot ni Mike kahit pa pinutol basta basta ni Cha ang kaniyang pagkukuwento.


That's good to hear.” saad ni Cha sabay ngiti.


I have a good feeling that everything is going to be OK between Dan and I.” lakas loob na saad ni Mike.


I have no doubt--- but I advise you to slow down. Baka naman mabilisan sayo masyado si Dan.” makahulugang saad ni Cha na ikinakunot ng noo ni Mike at ikinabura ng ngiti nito.


W-what?”


I know you like him, Mike. I think you even love him---” simula ni Cha ngunit pinutol siya ni Mike.


H- How---?” simula ni Mike, nagtataka gayong wala naman siyang sinasabi kay Cha tungkol sa pagiging confused niya sa kaniyang nararamdaman. Sa mga bagay na kaniyang napagtanto nitong mga nakaraang linggo.


How did I know?” pagtatapos ni Cha sa itatanong sana ni Mike. “Sa pagku-kwento mo. Naririnig ko at nararamdaman ko ang pagmamahal mo sa kaniya kahit hindi mo sabihin. Hindi karin maaapektuhan ng ganun nung nasakatan mo siya, Mike kung kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya, hindi karin maguguluhan at maaapektuhan ng sobra nung magkita ulit kayo at nang malaman mo na may bago siyang buhay kahit pa malayo sayo.” makahulugang pagpapatuloy ni Cha na nakapagpatameme lalo kay Mike.


Saglit na natulala si Mike. Alam niya ang tinutumbok ni Cha at alam niyang tama ito.


What should I do?” wala sa sarili at parang batang nagaalangan na tanong ni Mike.


Just let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything will fall in it's place in the right time.”


What if he doesn't feel the same way for me anymore?” parang batang nagaalala muli na tanong ni Mike kay Cha. Lumapit si Cha kay mike at niyakap ito ng mahigpit.


You still have to know for sure.” pag-aalo ni Cha nang sa wakas ay lumabas na ang totoo nitong nararamdaman sa kabila ng kasiyahan sa muling paglalapit ng loob nilang dalawang dating magkaibigan.



0000oo0000


That was something huh?” tanong ni Mike kay Dan nang makasabay silang lumabas mula sa classroom nila sa humanities.


Ngumiti si Dan at tumango bilang sagot sa sinabi ni Mike saka nagpatuloy sa paglalakad palayo hindi alintana ang pagsunod sa kaniya ni Mike kaya naman halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ulit itong nagsalita.


Want to grab a cup of coffee or something?” tanong ni Mike, hindi alintana ang pagkagulat ni Dan.


Nagtama ang tingin nila Mike at Dan. Walang mabasa si Dan sa mukha ni Mike kundi ang pagkakaroon ng pag-asa at si Mike naman ay walang ibang mabasa sa mukha ni Dan kundi ang pagtataka.


Just let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything will fall in it's place in the right time.”


Umalingawngaw ang sinabing ito ni Cha sa isip ni Mike. Sumagi sa isip niya na maaaring minamadali niya nga ang mga bagay-bagay. Na pinupwersa niya ang muling paglalapit ng loob nila ni Dan gayong nito lang naman ulit sila naging kumportable sa isa't isa pero hindi niya kasi ito mapigilan gayong habang tumatagal ay saka lalong napagtatanto ni Mike ang kaniyang nararamdaman sa dating kaibigan.


I-if you---” nagaalangan ng simulang aya ulit ni Mike nang higupin ng nagtatakang tingin ni Dan ang lakas ng loob ni Mike.


Just let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything will fall in it's place in the right time.”


I'm sorry. I-I can't---” agad na sagot ni Dan na ikinabagsak ng balikat ni Mike at ikinabura ng ngiti nito. Hindi ito nakaligtas kay Dan pero hindi na lang niya ito pinansin. “---I have to work tonight.” pagtatapos ni Dan na ikinatango na lang ni Mike habang pilit na naglalagay ng ngiti sa mukha atsaka tumalikod at naglakad palayo.


Bagay na hindi na mapapalagpas ni Dan dahil ang tingin na iyon ni Mike ay tila ba isang palad na pumipiga sa kaniyang puso.


Mike---” wala sa sariling tawag ni Dan kay Mike na bagsak balikat na naglalakd palayo, hindi makapaniwala sa kaniyang susunod na sasabihin.


---next time, OK? I would love to grab coffee and hang out with you next time.” saad ni Dan na nagplaster muli ng isang matamis na ngiti sa mukha ni Mike saka tumango.


Agad na tumalikod si Dan matapos ngitian si Mike at naglakad palayo. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang ginawa pero kung ang pagbabase-han ay ang tila ba lalong pag gaang ng kaniyang loob ay masasabi niyang maaaring tama ang kaniyang ginawa.


0000oo0000


Pinapanood ni Jase si Dan habang nakangiti nitong sinamahan ang ilan sa mga huling customer nila palabas ng restaurant. Nahihiya parin siya magpasa hanggang ngayon dahil sa patuloy niyang hinihiling ang nalalapit na pagbagsak ni Dan katulad ng pagbagsak ni Aaron noon para lamang maipamukha dito na hindi lahat ng bagay ay dapat idinadaan sa positibong paraan. Nahihiya siya dahil alam niyang hindi niya dapat iyon hinihiling upang maiparating lang ang kaniyang ipinupunto kay Dan at isuplong lahat ng gumago sa kaniya.


You're still waiting for him to get hurt again, aren't you?” tanong ng lalaking kinakasama ni Jase sa likod nito na hindi na ikinagulat ng huli. Sa ilang taong pagsasama ay kilalang kilala na siya nito.


It's just unfair for him to hope for the best when we all know that he's going to get hurt no matter how optimistic he is. Look what happened to Aaron---” simula ni Jase habang pinapanood parin ang abalang abala na si Dan sa pagliligpit ng pinagkainan ng kanilang mga customer.


Nakakalimutan mo nanaman na sila Aaron at Dan ay makaibang tao, Jase. Na hindi porke nangyari ang nangyari kay Aaron ay mangyayari din yun kay Dan. And please don't be scared for Dan, like Aaron, Dan is doing what he feel is right, there's also nothing wrong with being optimistic. Sometimes, broken people doesn't have anything to hold onto but optimism so please, please, don't take that away from Dan.” makahulugang pagpapaintindi ng lalaki kay Jase sabay talikod at naglakad palayo. Iniwan si Jase sa malalim nitong pag-iisip.


Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi napansin ni Jase ang papalapit na si Dan, kaya naman hindi siya agad nakaiwas dito nang makalapit ito sa kaniyang kinatatayuan.


I'm sorry.” wala sa sariling saad ni Jase kay Dan nang mapatapat ito sa kaniyang kinatatayan, bagay na ikinatigil ng huli sa paglalakad papasok ng kusina.


It was nothing. I still don't understand why you acted that way, though.” tila naguguluhang sagot ni Dan saka ipinagpatuloy ang paglalakad papasok ng kusina kasunod si Jase.


You remind me of someone--- anyway it's just that I couldn't understand why you wouldn't tell the police about what happened---” umiiling na sagot ni Jase na ikinatigil ulit ni Dan sa kaniyang ginagawa.


Oh--” ang tanging nasabi ni Dan.


Pero believe me, I'm trying to understand.” pampapalubag loob na saad ni Jase kay Dan na ikinatango-tango na lang ng huli.


Binalot ng katahimikan ang dalawa. Parehong malalim ang iniisip at nang hindi na matagalan pa ni Jase ang katahimikan ay siya na mismo ang bumasag nito.


So, how's everything going?” tanong ni Jase kay Dan mabura lang ang nangangapal na pagaalangan sa paligid nila.


Everything is great.” sagot ni Dan.


Is this guy still giving you a hard time?” tanong ulit ni Jase, iniisip na unti-unting nagiging kumportable ulit ang paligid.


Actually, OK naman lahat pati siya. I thought having him around would be the end of me but nothing bad happened so far. He's helping me with my back subjects para makapag OJT na ako sa hospital and he's been nothing but a pleasant classmate in humanities.” tuloy tuloy na pagku-kuwento ni Dan na ikinabahala naman ni Jase.


Muli nanaman niya kasing naihambing si Dan kay Aaron. Masyadong mapagpatawad. Masyadong mapag-bigay. Masyadong mabait. Masyadong mapagtiwala. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Jase at pilit na pinakalma ang sarili. Pilit na isinasaisip at isinasapuso ang kasasabi sabi lamang na pangaral sa kaniya ng kaniyang nobyo pero hindi parin niya napigilan ang sarili na kwestyunin ang madaliang pagpapatawad na ito ni Dan.


How can you trust him that easily?” tanong ni Jase kay Dan na ikinabuntong hininga naman ng huli.


I wish ever body would just believe me that Mike is not going to hurt me again because I'm not going to let him and that I don't trust him. I'm doing this for myself not for him and absolutely not for me to get hurt.” umiinit narin na balik ni Dan na ikinatameme ni Jase.


Isa nanamang bagay ito ng malaking pagkakahalintulad ni Aaron at Dan para kay Jase kaya naman lalo niyang hindi mapigilang isipin na hindi magtatagal ay muli nanaman itong masasaktan. Hindi ba't sinabi rin ni Aaron noon na hindi niya hahayaan na saktan siya ni Nathan pero nangyari parin ito ng paulit-ulit.


Gusto ni Jase na maiba ang kwento ni Dan mula kay Aaron kahit ano pang sabi ng kaniyang nobyo na magkaiba ang dalawa ay hindi parin maitatanggi ni Jase ang pagkakapareho ng mga ito. Hindi niya magagawang hayaan na masaktan ulit si Dan. Hindi niya makakayang isang buhay nanaman ang masisira sa kaniyang harapan dahil pinabayaan nanaman niya itong mangyari.


You need to stop thinking that I can't fight. That I can't protect myself.” lakas loob na saad ni Dan na ikinatameme parin ni Jase.


J-just please be careful. You're like a brother to me, Dan. I don't want to see you get hurt.” saad ni Jase.


Itutuloy...



Against All Odds 2[32]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(

    Malapit ng matapos ang season na ito!

    Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!

    #formorechaptersandit'sseasonthree

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Dee: Nope, AAO is a work of fiction. :-)

    robert mendoza: paki-abangan na lang sa mga susunod na chapter kung ano ang mangyayari kay Ry. :-)

    lawfer: salamat sa iyong pagintindi sa aking pagiging busy! :-P

    frostking: let's see kung magiging kontrabida si Ryan. :-) and let's see if AAO is all about sad endings! :-)

    Pink 5ive: thanks! :-)

    Ryge Stan: intayin natin kung sino ang magiging mga panira.

    ANDY: ano ang kutob mo? Haha!

    Marven cursat: tignan po natin kung masasagot ng mga susunod na kabanata ang inyong mga katanungan.

    Love Doctor: baka po masabi sa mga susunod na kabanata kung kailan na-inlove si Mike kay Dan. :-P

    Riley: intayin natin ang magiging reaksyon ni Ryan sa mga susunod na kabanata! :-P

    WaydeeJanYokio: tignan natin kung tama ang napanaginipan mo ;)

    Roan: good thing napapakilig ko pa kayo? Haha!

    Lyron Batara: yup, medyo matagal pa talaga kasi ngayon pa lang matatapos ang season two. Hehe.

    Therese: yup. Tuloy tuloy ang moments nila hanggang matapos ang season two. :-)

    gavi: haha! Bakit ano ba ang dating ng Dan-Ryan tandem?

    Makki: haha! Feeling ko nga kumukupas na eh. Ahahaha!

    Teresa: ngayon lang ulit kita nakita dito ah! Welcome back!

    AR: tignan natin ang magiging role ni Lisa sa buhay ng dalawang magkaibigan. :-) malay mo naman she's not the bitch that you think.

    Seph: walang aaway sayo dito. Haha! :-P

    Edmond: biglang kabig? Hahahaha! Thanks!

    Jonas mejia: haha! Rape scene talaga? :-D

    foxriver: abangan kung paano mangyayari kay Ry. :--D

    Johnny Quest: this time I'm going to be a spoiler and say that you are WRONG. Haha! :-P

    joshua: you are stereotyping naman Lisa. Hahahaha! Wait and see kung anong role ni Lisa dito sa AAO. Malay mo isa siya sa mga characters na nakita mo na from my previous stories. Hehe. Ang yes you can post this on your page. :-)

    akosichristian: did I tell you guys about the position they're giving me? Haha! Sorry short term memory loss lang. Haha! Thanks!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oww i see....... That makes me more interesting sa mga stories mo.
      pero worried padin ako kay Dan. :) ..

      >> Dee

      Delete
    2. PS: Ryan is PERFECT for DAN. Enjoy your Holy-week Migs :)

      >>Dee.

      Delete
  2. Way to go daddy idol. Ikaw na lang nakakagawa ng ganito. Marami diyan ang gumagaya sa style mo but still may kakaibang magic on your writing style. Hindi man ako madalas mag-comment but I'm reading your updates. I know your a busy guy, so busy and naa-appreciate ko na nakakapag-update ka pa din. Thanks daddy. I love you!

    ReplyDelete
  3. hula ko si dan at ryan pa rin...hahaha..rape scene..rape scene

    Jonas Mejia

    ReplyDelete
  4. "Sometimes, broken people doesn't have anything to hold onto but optimism..."

    I can relate! Straight from the heart!

    Great chapter migs! :-)

    ReplyDelete
  5. Hala marami ngang similarities cna aaron at dan hehehe...

    ReplyDelete
  6. mukhang palapit na ang iyakan scene ah! para kang LEVI's na pantalon kahit kumukupas na eh sinusuot parin! WALANG KUPAS! IDOL!

    ReplyDelete
  7. Sige kuya aabangan ko yan... Si Rob nga ba ung mystery bf ni Jase? :)

    ReplyDelete
  8. Yung totoo?ang daming pwedeng maging fb status sa chapter na to Migs.Lol

    Pero ang totoo,gusto ko na ulit si Mike para kay Dan.hihi
    As for Jase,naiintindihan ko yung pag aalala nya for Dan dahil nga sa nagyari kay Aaron,but i hope he could put more trust on Dan..nagagawa na ni Dan na mag move on so sana si Jase or even Ryan and Bryan,maintindihan nila si Dan..coz I think,Dan is brave..he is trying his best para maging ok sya..na makapag move on na sya..and he really deserve to be happy. :))

    Thanks sa update Migs..take care always. :))

    ReplyDelete
  9. enjoy sa holy week mo kuya migs ah.. ingatz palage :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok, kuya migz.. I hold my questions, and I'll wait nalang sa story line moh :)

      wag naman sana.. pero may redundancy ba uli nang scene for the next chapter?? mukhang too much ang pag aalala ni jase eh.. although Aaron and Dan are having both similarities, talaga.. right after ba ma gain uli ni mikee ang trust ni Danny boy ay unconsciously ma hurt nia uli si dan? Owww may gulay.. and I guess si Rob ang boyfie ni Jase, right after ihabilin ni Aaron ito sa beach.. hehehe.. well I cant wait for the next chapter :)

      Ingatz uli Kuya Migz... :)

      Delete
  10. Hmmmmmm i really like Ryan's character, sweet and caring....kaso parang may mali...i don't know..para bang magbebreak down sya any moment. Hahaha topak lang, gnun.. :D para kasing destined sila mike and dan...iba talaga ang chemistry. Tapos si melvin pa, don't forget that he's still in the picture! Ugh!

    -gavi :)

    ReplyDelete
  11. Huma-hashtag ka kuya migs ah. Ung totoo ng t-twiter ka noh? Haha loko lang. :P

    To mike: fyi's mike haha cha claimed that she's the saints of all beki's kaya alam nya yan. Wala kang malilihim sa knya. Haha :D

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngapala kuya speaking of twiter, twinit ko'to kagabi. Haha dontwory linagyn ko naman ng citation bka kasuhan mo ako sa pag Plagiarize ng lines mo haha.

      "Just let things happen. Don't force it.
      Don't over analyze it. Everything will fall
      in it's place in the right time." ~~AAO2/
      CHAPTER32/MSBS

      ~WaydeeJanYokio
      c:

      Delete
  12. am gonna wait for Ryan's thoughts and emotions towards this 'reunion' of sort of Dan and Mike. Am gonna watcha baby!

    ReplyDelete
  13. teresa of the faint smileMarch 25, 2013 at 7:33 PM

    i always read your update its just that i feel lazy to leave comments each update,...i'm using my phone to access the blog but not so high end phone to have a fast connection like others,thats why i feel lazy of waiting the connection allow my comment to settle in to the page...but i still love my phone no matter what haahaha that's why,...i never leave, i just switch to a silent reader haheheh :)

    ReplyDelete
  14. hopefully may aabangan ako lagi hanggang makauwi ako uli ng 'pinas! Galing mo talaga! Inaabangan ko rin yung 'chasing pavements' mo. :)

    ReplyDelete
  15. so far so smooth, peo dpa dpat makampante. malau pa ang pglalakbay at d mlabong my mga darating pang lubak. i jst hope dan’s strong enough to endure

    nice update ginoong migoy :))

    ReplyDelete
  16. na-ah, training officer..?? :p anyway, kinakabahan ako for ryan, for a moment there bigla xa na nawala sa eksena.. :p

    ReplyDelete
  17. hi migs its nice to see an update to dan's story hehehe. I'm glad that mike and dan is doing great pero i'm worried that if dan would open up para sa kanila ni mike ay masaktan siya ulet. I hope not, my I ask what happen to ryan and bryan? bigla kasing nawala sila sa scene and I hope hindi sila maging panira next chapter migs.

    have a blessed week and keep safe...

    ReplyDelete
  18. senxa na migs...busibusihan kase graduating eh..

    ReplyDelete
  19. naku senxa na migs..busibusihan sa school eh..anyway highway feeling ko tuloy tuloy nating mikee danny na to forever tsaka feeling ko si ryan ang pinakakontrabida napaka violente nya kaya tapos para mejo obsess pa xa kay dan tapos feeling ko si melvin pa ang tutulong kay dan pagkanilaglag na xa ni ryan..malay natin baka binabantayan ni ryan di dan oras oras tapos na puno na xa sa mga swit moments ni danny at mikee tapos un nabaliw na sa selos si ryan lol

    MIKEE AND DANNY POREBER
    Love u miggs ingat and have blessed holiday

    -therese

    ReplyDelete
  20. thanks kuya sa pagpayag mo hehehe

    well I agree sa mga ibang comment na mababaliw o di kaya ay ma oobsess siya kay Dan, basta ganun ang peg ni ryan. but I still like him for dan at sana "MALI" ang comment namin about that matter.

    about lisa naman, siya ba yung ni request ko na isa pang character na mabait at may malaking role sa buhay ni dan?

    anyway, salamat talaga kuya sa pagpayag mo. paulit ulit lng noh at talagang may sakit pa ako ngayon sa pagbabasa nito.

    - JOSHUA

    ReplyDelete
  21. Author Migs!

    net name ko hahaha

    hmmm so may role si lisa, well I hope so, aping api na si Dan.

    I do have this feeling na may mangyayari, ayoko muna mag give comment haha

    Tulad ng iba, worried din ako kay ryan, wag sana maging enemylover si Ryan ok na sila Dave and friends...I hope wag siya magin mala-nathan ang dating both speaking sa AAO at walang hanggan chos! haha

    And again the qoute there's a right time for everything, and aside from that yung ibang words na nakakamove ng feelings haha..talagang winner na winner mga quotations mo :D Love it;)

    -aR

    ReplyDelete
  22. OMG! Waaa.. Naman Migs ih.. Babalik ang feelings ni Dan kay Mike. Paano na si fafa Ryan? Kalokooo.. Basta ang daming quotable quote dito sa chap na ito. Ang dame kong nascreenshot na line at ipopost sa fb :pp

    Thanks Migs. :)

    ReplyDelete
  23. Kutob ko kuya na baka magkagusto ulit si dan kay mike!!! At ayoko yun!!! Friends na lang sana sila!!! Ryan-Dan lang!! Hehe!

    Kinakabahan ako jan kay Jase na yan. Sana lang tlaga iba ito sa Book 1. Sana happy na to.. Ayoko na masaktan. LOL!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]