Against All Odds 2[33]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Isang linggo nanaman ang lumipas. Muli, magkakasama nanaman si Dan at Mike sa loob ng dalawang oras, tuturuan muli ni Mike si Dan, dalawang oras para makuwa ulit ni Mike ang loob ni Dan. Dumating si Dan na malalim ang iniisip nang maalala niya ang huling sinabi sa kaniya ng kaniyang boss na si Jase may ilang araw na ang nakakaraan.


J-just please be careful---”

Sa hindi kasi maipaliwanag na dahilan ay naiirita si Dan sa tuwing naririnig niya ang mga katagang ito na nagsasabing mag-ingat siya kay Mike. Alam niyang dapat siyang mag-ingat dahil sa kaniya mismo nangyari ang kahalayang ginawa nito noon. Para sa kaniya ay hindi na niya kailangan pang paaalalahanan at sa kabilang banda rin kasi ay hindi niya makita ang pagkakataon maski sa kaniyang isip na muli siyang sasaktan ni Mike.


Sino ba namang mag-iisip na may masamang intensyon ang isang ito?” nagising mula sa malalim na pag-iisip si Dan nang maabutan niya si Mike na nakatalikod sa kaniya, naka ear phones, umiindak at kumakanta.


And even as I wander
I'm keeping you in sight
You're a candle in the window on a cold dark winter's night.
And I'm getting closer than I ever thought I was


Hindi mapigilan ni Dan ang mapangiti. Hindi magaling kumanta at sumayaw si Mike, ginagawa niya lang ito sa tuwing sobrang masaya ito.


Anak, wag na.” pigil tawang saad ni Brenda habang binabato ng isang wiling wili na tingin si Dan na mukhang nagpipigil din ng tawa.


Ma! I'm good at singing. You and dad said so the other night---” simula ni Mike na nagsisimula ng mainis.


I said you can sing but I never said you're a great singer and besides, anak, mapapahiya ka lang dun.” pagpapaliwanag ulit ni Brenda habang pinipigilan parin ang sarili na mapatawa habang si Dan ay hindi na napigilan ang mapatawa ng malakas lalo pa't nakita niya ang tila ba lumalalang pagkainis ni Mike.


I can sing and I will join the pinoy idol whether you let me or not!” singhal ni Mike nang sumagad na ang kaniyang inis na binalewala naman ni Dan at Brenda na hindi na napiglan ang humagalpak sa tawa na ikina-walk out na lang ni Mike papunta sa kaniyang kwarto.


Nang humupa na ang tawanan nila Dan at Brenda ay napatigil at tila naman natauhan si Dan. Kilala niya kasi ang kaniyang kaibigan, sa oras na may maisipan ito katulad na langng pagsali sa isang kumpetisyon na alam ng lahat ay hindi niya dapat salihan ay ipipilit at ipipilit niya ito pero alam niya din na sa oras na hindi ito magawa ng kaibigan ay alam naman niyang masasaktan ito kaya naman nang humupa na ang tawa nila ng kaniyang Tita Brenda ay nagpaalam na siya dito.


Tita, sundan ko lang po si Mikee.” paalam ni Dan na tila naman ikinagising ni Brenda sa pagtawa.


Mabuti pa nga at baka kung ano pang kalokohan ang gawin nun sa paniniwalang magaling siyang kumanta.” nangingiti at umiiling na saad ni Brenda.


Mabilis na inakyat ni Dan ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila Mike at tinungo ang kwarto ng kaibigan. Dahan dahan niyang pinihit ang door knob ng pinto ng kwarto ni Mike at nang bumukas ang pinto ay naabutan niya itong nakasalampak sa kama.


Hey.” tawag pansin ni Dan kay Mike sabay upo sa dulo ng kama ng huli.


What?!” nakangusong singhal ni Mike kay Dan nang magtaas ito ng tingin upang tignan ang kaibigan, sasagot pa lang si Dan nang magsalita muli si Mike.


Sana sinuportahan mo ako maski ng konti lang no?!” singhal pabalik ni Mike kay Dan na ginawa lahat ng kaniyang makakaya upang hindi mapahagalpak ulit sa tawa.


Hindi ba talaga ako magaling kumanta?” insecure na tanong ni Mike kay Dan na agad namang nabura ang kagustuhang tumawa ng malakas dahil naramdaman niyang seryoso na si Mike.


Natahimik naman si Mike nang makita niya ang reaksyon sa mukha ni Dan. Tila sinasabi nitong nahihirapan siyang sagutin ang tanong niyang iyon dahil ayaw niya itong masaktan sa kaniyang isasagot kaya hindi na niya ito pinahirapan pa.


Fine. Sana sinabi mo pa nung una pa lang na hindi ako magaling kumanta para hindi ko na kinumbinsi yung sarili ko na may chance akong manalo sa pinoy idol.” nakanguso pero magaang ng loob na saad ni Mike.


I kept on telling you, Mikee. But you wouldn't listen.” malungkot at nagaalangang saad ni Dan na ikinatameme ulit ni Mike.

Alam naman niya kasing minsan ay may maipilit lang siya kahit pa may nagsasabi siya na hindi ito bagay sa kaniya o hindi dapat ipagpilitan ay magbi-bingi-bingi-han siya. Kaya naman hindi niya mapigilang makonsensya nang sisihin niya pa si Dan gayong alam naman niyang matagal na siya nitong sinasabihan patungkol sa kaniyang pagkanta.


Wala sa sariling tumayo si Mike mula sa pagkakasalampak sa kaniyang kama at tumanaw sa labas ng kaniyang bintana.


Fine--” simula muli ni Mike habang nakatingin parin sa labas ng kaniyang bintana. Hindi nakaligtas kay Dan ang lungkot at pagkadismaya sa boses ni Mike na ikinalungkot niya rin. Hindi maikakaila ang inis sa sarili dahil sa hindi pagsuporta sa gusto ng kaibigan kahit pa mali ito.


From now on---” malungkot muling pagpapatuloy ni Mike.


I'm just going to sing to you and you alone.” nakangising pagtatapos ni Mike saka tumakbo papunta sa may pinto upang mapigilan si Dan sa pagtakas sa kaniyang panghaharot.


Hindi nagtagal ay na-absorb na ni Dan ang ibig sabihin ni Mike kaya naman muli ng lumatay na sa kaniyang mukha ang ngiti.


JUST WHEN I THOUGHT I WAS OVER YOUUUUUUU!” simulang pagkanta ni Mike na ikinahagalpak ni Dan sa tawa.


WAAAAHH DEATH BY YOUR HORRIBLE SINGING!” sigaw ni Dan na ikinatigil ni Mike.


What did you say?” umaarteng nasakatan na saad ni Mike na ikinangisi ni Dan dahil naisahan nanaman siya nito.


I said what an awful way to die. Death by your horrible singing.” nakangising pag-uulit ni Dan. Wala sa sariling umarteng nasasaktan muli si Mike kung saan naglagay siya ng isang kamay sa kaniyang dibdib na miya mo may sumaksak dito.


You're going to pay for that, you know.” naniningkit matang saad ni Mike kay Dan bilang sabi na paghandaan na niya ang pag-ganti sa kaniya ni Mike.


Pay for what?” nakangisi at taas kilay na saad ni Dan kay Mike kaya naman hindi niya napansin ang simulang pag-galaw ni Mike upang habulin siya.


ARGGGHHHHH!” sigaw ni Dan saka nagtatakbo upang makalayo kay Mike sa kabila ng sobrang liit na kwarto na kanilang kinalalagyan.


MIKEE, DANNY! IF I WANTED THE HOUSE DEMOLISHED I WOULD'VE CALLED FOR DEMOLISH INC!” sigaw ni Brenda mula sa kusina.


Ang sinabing ito ni Brenda ay hindi pinakinggan ni Mike at Dan. Si Mike patuloy lang sa pagkiliti sa kaniyang kaibigan habang si Dan naman ay nagpapapalag.


Death by MY singing pala ha! Saglit lang!”


Nagising si Dan sa kaniyang pagbalik sa nakaraan nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Hindi siya nagkamali. Dahil nang i-angat niya ang kaniyang tingin ay naabutan niya si Mike na nakatingin sa kaniya gamit ang salamin sa harap nito habang patuloy lang sa pagkanta.


And I can't fight this feeling anymore!
I've forgotten what I started fighting for
It's time to bring this ship into the shore
And throw away the oars forever


Nagtama ang tingin nila Dan at Mike tila may isang sumpa na inilukob sa kanila at hindi nila magawang i-iwas ang kanilang tingin mula sa mga mata ng bawat isa. Ramdam na ramdam ni Dan ang bawat salita sa kinakanta na iyon ni Mike kahit pa wala ito sa tono at parang nilalagaring bakal ang boses nito.


“MIKE!” sigaw ni Randy na bumasag sa pagtitigan ng dalawa pati narin sa pagkanta ni Mike.


Mabilis na tumalikod si Mike at humarap sa gawi kung san nanggagaling ang boses ni Randy. Hindi naman napigilan ni Dan ang makaramdam ng konting pagkainis. Pagkainis na hindi niya alam kung saan nanggaling.


“Coach wants me to tell you that you're free after this because Andy already took care of the locker room.” saad ni Randy na inilawit lang ang ulo mula sa pinto ng kwarto na nililinis nito. Hindi rin nakaligtas ang gulat sa mukha nito ng makita nito si Dan doon, halatang hindi inaasahan na may kasama si Mike.


“OK.” wala sa sariling saad ni Mike.


“Hi Dan!” nakangiting saad ni Randy saka ibinalik ang ulo sa loob ng kwarto saka isinara ito kahit di pa sumasagot si Dan sa kaniyang pagbati dito.


“Hi.” mahinang balik ni Dan kahit pa wala na doon si Randy at dahil abala parin sa pagiisip ng maaaring dahilan ng kaniyang pagka-irita ay hindi niya napansin ang pagtingin muli ni Mike sa kaniya.


Hindi mapigilan ni Mike ang mapangiti habang pinagmamasdan si Dan. Isang bagay na gumising kay Dan mula sa kaniyang malalim na pag-iisip at wala sa sariling tumingin muli kay Mike. Nakita ni Dan ang ngiti na iyon ni Mike na awtomatikong nagdudulot sa kaniya upang mapangiti rin.


“Hi. Ready for our class?” malumanay na tanong ni Mike na ikinatango na lang ni Dan.


000oo000


Badminton. Tulad ng inaasahan ay alam lahat ni Dan ang dapat malaman sa paglalaro ng badminton ang hindi lamang nito makuwa ay ang tamang pagse-serve ng bola papunta sa kabilang panig ng court.


“I can't understand! Ano ba ang ginagawa kong mali?” naiiritang saad ni Dan na halos ibato na ang raketa na kaniyang hawak.


“Absolutely nothing.” pangaalo naman ni Mike kay Dan na hindi napigilan ang sarili na lumapit sa huli.


“Then why can't I bring the friggin ball in your court?” tanong muli ni Dan.


“Hey. Let's have a break for a minute, OK?” alok ni Mike kay Dan na hindi napigilan ang sarili na mapabuntong hininga.


Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa gilid ng court at parang mga bata na umupo sa sahig. Hinihingal man si Dan ay hindi parin nito mapigilan ang sarili na maglabas ng sama ng loob kay Mike. Isang bagay na hindi niya sinasadyang magawa. Isang bagay na akala niya ay hindi na muling mangyayari dahil sa nangyari sa kanila noon ni Mike.


“I'm so friggin bad at this. I mean, you can give me a five hundred item exam and ace it but give me a racket and a ball and expect me to bring it on the other side of the court, watch me fail it. Big time.” umiiling na saad ni Dan sabay inom sa kaniyang ibinaon na tubig.


“You should stop being hard on yourself, Dan.”


“But I'm just saying the truth---” simula uli ni Dan.


“Look---” mariin na simula ni Mike na siyang pumutol sa sinasabi ni Dan. “Some people are good at sports. Some are not. Like you being good at academics where some are not. You can't be good at everything. That's how life is and no one is going to judge you because of that---” patuloy na pangangaral ni Mike kay Dan na nagdala muli kay Dan sa nakaraan.


Hey.” tawag pansin ni Mike kay Dan nang maabutan niya itong nagtatago sa ilalim ng isang malaking puno sa school grounds nila.


Are they still laughing at me?” malungkot na tanong ni Dan sa pagitan ng kaniyang paghikbi.


You know that's not true, Dan.” malungkot ding pagpapaintindi ni Mike kay Dan sabay akbay dito.


You don't have to lie, Mike---”


Dan, they're laughing because of the situation. Not because of you. So what if you can't say out the word “penis” in anatomy class? I bet there are some who couldn't even say the word “kantutan” in there. You see, they're just laughing because they know that if they put themselves in your place they will be laughed at also and that makes everything normal.” mariing pagpapaintindi ni Mike kay Dan.


Hindi napigilan ni Dan ang sarili na pagmasdan si Mike at isipin na kung bakit kahit noong bata pa sila ay tila lagi nitong alam ang kaniyang dapat sabihin upang mapagaang ang kaniyang loob, kung panong ang bawat salita nito ay tila ba gamot na pumapawi ng kaniyang sakit at kung panong ang bawat pagpapaliwanag nito ay naghahatid sa kaniya ng liwanag.


“I miss you.” wala sa sariling bulong ni Dan.


Bagay na alam niyang kanina pa niya nais sabihin simula pa lang nang marinig niya itong kumanta muli. Nung makita niya itong tumitig sa kaniya katulad noong panahong wala pang pumapagitna sa kanilang pagkakaibigan, kung saan lihim na naguusap ang kanilang mga mata. Alam narin niya ngayon na ito ang dahilan nang pagkainis niya kanina kay Randy, dahil inistorbo nito ang lihim na pag-uusap ng mga mata nila ni Mike.


Pero gayun pa man, hindi parin maitatago ni Dan na natatakot parin siya sa dating kaibigan. Dahil kahit gaano pa man niya nami-miss ang pakikipagkaibigan dito ay ang pagkakaibigan din niya dito noon ang nagiging dahilan upang hindi niya makalimutan ang pananakit nito sa kaniya.


000oo000


“I miss you.”


Natigilan si Mike sa patuloy niyang pagpapaliwanag kay Dan. Isang bagay na sanay na sanay niyang gawin noon sa tuwing nakikita niyang hinahatak nanaman ng insecurities at frustration si Dan. Dahan dahan niyang iginawi ang tingin kay Dan na naka- indian sit parin sa kaniyang tabi sa sahig.


“I miss you too. I miss you more than anything.” pabulong ding saad ni Mike habang mariing tinitignan si Dan.


Tila ang sinabing ito naman ni Mike ang gumising kay Dan. Tumayo siya mula sa sahig at mabilis na inayos ang kaniyang gamit upang umalis na.


“Dan, wait.” pagmamakaawa ni Mike. Nagmamakaawa siya dahil ito ang unang beses na nagkaroon muli sila ng kuneksyon at hindi niya papayagan na muli itong mawala dahil lamang sa takot sa kaniya ni Dan.


“I have to go.” mariin pero pabulong paring saad ni Dan.


“Dan, please wait.” habol ulit ni Mike sa dating kaibigan, hindi mapigilan ang sarili na pigilan ito sa pamamagitan ng pagkapit sa braso nito. Hindi mapigilan ang sarili dahil kahit sana saglit pa ay maranasan niya ang mga bagay na matagal niyang na-miss, mga bagay na matagal niyang hiniling na maulit muli. Ito ay ang tignan siya ni Dan ng kumportable, ang kausapin siya ni Dan na parang wala siyang ginawang kagaguhan dito, ang maramdamang muli ang pagpapahalaga nito.


Natigilan si Dan nang maramdaman niya ang pagkapit ng malaking kamay ni Mike sa kaniyang braso. Natigilan din si Mike sa kaniyang ginagawang ito. Inaasahan na ilang saglit lang ay muling manginginig si Dan sa takot sa kaniyang pagkakahawak na ito, na magtatakbo ito palayo sa kaniya papunta sa sulok at doon magiiiyak.


Pero mali si Mike dahil dahan dahang humarap si Dan sa kaniya. Base sa nakita ni Mike na emosyon sa mga mata nito ay naguguluhan ito at malayong malayo mula sa pagtakbo palayo sa kaniya, malayo mula panginginig dahil sa takot sa kaniya.


“Talk to me.” pagmamakaawa ulit ni Mike. Nagmamakaawa siyang sabihin ni Dan sa kaniyang gumugulo sa kaniya katulad noong mga bata pa lang sila.


“Mike, please let me go.” pagmamakaawa ulit ni Dan na siyang nagtulak naman kay Mike upang tanggalin ang kaniyang pagkakahawak sa braso nito.


Habang naglalakad palayo si Dan ay hindi niya mapigilang mainis sa sarili dahil hinayaan nanaman niya ang kaniyang sarili na ilabas ang kaniyang nararamdaman. Hindi ba't ito rin ang naging dahilan kung bakit siya ginahasa, kung bakit siya trinaydor at muntik ng patayin ng mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya. Mga taong akala niya ay hindi kailanman siya sasaktan.


I love you.”


Ang alaala ng pagsasabi niya ng mga katagang ito kay Mike ay nagdulot kay Dan na mapatigil sa paglalakad at mapapikit upang mapigilan ang ilang luha sa kaniyang mga mata na kumawala. Hindi kasi siya makapaniwala na matapos ang lahat ng pambababoy, pananraydor at pananakit sa kaniya ni Mike ay hindi niya parin maiwasang ma-miss ito katulad ng kaniyang hindi sinasadyang nasabi dito. Sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa kaniya ay hindi niya parin mapigilan ang sariling utak na isipin na ang Mike na kaharap niya kanina ay ang Mike na kaniyang kinalakihan.


Na sa kabila ng mga ginawa nito sa kaniyang pananakit ay mahal parin niya ito.


Why the hell do I still love you?!” naiinis na tanong ni Dan sa kaniyang sarili sabay dilat at nagpatuloy sa paglalakad palayo.


Umaasa na sa oras na umuwi siya at natulog. Pag-gising niya sa umaga ay wala na ang pakiramdam na ito katulad noong oras na gumising siya at maalala ang kahalayang ginawa sa kaniya nila Mike, magising sa panahon na wala si Mike sa tabi niya na nagpapaalala sa kaniya na hindi ang Mike na ito ang gumahasa sa kaniya kundi ang Mike na lulong sa droga na ibinigay nila Melvin. Magising sa panahon kung saan hindi muling binubuhay ni Mike ang pagmamahal niya dito sa pamamagitan ng pagpapamukha sa kaniya ng mga bagay na kinasasabikan niya dito. Ang pagaalaga, pagiging maaalalahanin at mabait nito sa kaniya.


Sana wala na 'to bukas.” walang silbing hiling ni Dan sa sarili kahit pa alam niyang impossible ito.


Itutuloy...



Against All Odds 2[33]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(

    Malapit ng matapos ang season na ito!

    Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!


    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Dee: Let's see how perfect Ryan is for Dan. :-)

    dhenxo: Thanks Dhen! :-)

    Jonas Mejia: haha! Intayin mo ang AAO book 4. doon, madaming ganyan. :-P

    jemyro: I hope magustuhan mo pa ang mga susunod na chapters. :-)

    Mars: and your point is? Daya mo, minsan ka na lang mag comment dito tapos sa ibang blog kada chapter meron kang comment. :-(

    Love Doctor: intayin sa AAO 3 kung sino ang mystery BF ni Jase. :-)

    riley: dami ngang nagpaalam na i-qoute ang ilan sa mga lines dito. Haha! Anong meron?

    Marven cursat: intayin na lang natin kung si Jase nga at Rob sa AAO 3. :-)

    gavi: walang nakakakalimot kay Melvin. :-)

    WaydeeJanYokio: Thanks for tweeting my lines! :-) advertisement din yan haha! :-)

    foxriver: sa last two chapters pa natin malalaman ang magiging side ni Ryan. :-)

    teresa: silent reader or not. Thanks! :-)

    Lyron Batara: but CP is on hold. :-(

    Lawfer: Thanks! Di parin talaga nawawala ang “ginoo”? Ahahaha!

    Akosichristian: OMG! How did you know?! :-(

    Ryge Stan: malapit na silang bumalik, Ryge. Sabay sabay silang babalik. :-) SPOILER ALERT! Ahaha!

    Anonymous March 26, 2013 at 5:51 PM: pakilala po kayo next time. Anyway. Thanks!

    Therese: haha! Nakagawa ka na ng story mo! Ahhahaha! Thanks!

    Joshua: pwedeng Oo pwedeng hindi, basta may role siya dito. Hihi!

    AR: winner daw. Sana kung winner ang mga lines dito, madami sana ang nagco-comment eh, wala naman eh. :-(

    Johnny Quest: Screen shot talaga? Haha! Thanks!

    ANDY: haha! Kinakabahan talaga? :-P at ikaw ang masasaktan ah? :-D



    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. Migs wag kang ganyan! :(

      Ryan is very perfect for Dan, in fact siay ung kasama ni Dan nung asa dark times siya ng buhay niya dahil kay Mike.

      MIGS. Sinunod ko ung advice mo na basahin ung mga stories mo from the start!
      Grabe, mas nagiging clear ung insights ko sa mga recent stories mo. :)

      The BEST!!

      >> Dee.

      Delete
    2. Nga pala migs tuwang tuwa ako sa meaning ng TIA ni CHA. hahahaha


      >> Dee

      Delete
  2. first comment hehehe okay kuya ikaw na bahala basta wala naman kayang mamatay diba? hindi mamatayan at hindi mamatyay si dan ryt?

    -joshua

    ReplyDelete
  3. hehehe... Daya ni kuya migs.. parang ang dami kung querries nun ah.. yung kay jase lang ang sinagot at abangan kupa daw.. wala talagang hint.. heheh

    pero okz lang kuya... super enjoy at kilig parin talaga ako sa kwento nila mikkee, at danny.. and I hpoe na sila parin till the eng, even if theirs more hindrances na dumating...

    hindi pa kasi talaga nakakabawi si mikee kay Danny, even his true feelings to Dan.. sana makabasa ako nang ganun.. and for sure AKO ang unang unang kikiligin hehehehe...

    Ingatz kuya migz...
    thanks sa pag update huh..
    kahit alam namain busy ka sa ospital :-)

    ReplyDelete
  4. Author Migs!

    Awww..why sad? don't be totoo naman yun :)

    malay mo di lang sila makapag comment kasi nahihiya and mga secret readers :D

    Back to story...
    I will sing for alone, sweet :3

    Dan, then he really loves Mike, tsk2 something tells me na babalik sa pagiging Bad Guy si Ryan..hope not :(

    Mike, just do it (nike) damoves dude haha..like like

    and...Wild HD appears hoho..does Randy have a part in this love-love something haha?

    First Lisa, then this Randy..may ugali ha..tss..Kung ako yun ginanun niya magiiisip ako ng somethings wrong hmmm

    -aR

    ReplyDelete
  5. first love never dies, yang ang kasabihan and mukhang mangyayare kay DAN at MIKE! he he he, d ba MIKE?

    ReplyDelete
  6. Nyak is that for real migs sabaysabay silang babalik good heavens anu kaya mangyayari kay Dan when that time comes?

    Too bad na after all what happened mahal pa rin ni Dan si Mike. That's how love moves, may nabasa nga ako na kung sinu pa ang mahal mo siya pa ang mananakit sayo. Di ba ang weird?

    Have a great day!!!

    ReplyDelete
  7. Naiyak ako dun sa "I miss you" ni Dan. Just 3 words but a lot of feelings are into it.

    ReplyDelete
  8. ...kuya migs first time q pong magco-comment kahit matagal q nang binabasa ito...you really did a great job poh...kac paganda po ng paganda ang daloy ng story...galing nyo po talaga...keep it up...tnx poh sa back to back update.. :-)

    ReplyDelete
  9. natawa ako dun sa "kantutan" hahahahaha

    u oh! pano na si ryan?

    ReplyDelete
  10. waaah! Ayoko ko to! Dan naman! May ryan ka na kasi! Tama na! Sa kanya ka lang!!!!!!

    Bakit nawala na si ryan! Nkakamiss!

    Mike, kay Randy ka na lang. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakita ko yung name na andy! Haha! Baka pwedeng si Mike at Andy na lang? Hahaha!

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]