Against All Odds 2[30]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Tila may isang malamig na hangin ang umihip sa batok ni Dan na siyang nagdulot sa pag-tense ng kaniyang buong katawan. Hindi niya magawang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad palayo pero hindi niya parin magawang ihakbang ang kaniyang paa pasulong. Hindi niya rin magawang lingunin si Mike, natatakot na baka makita niyang niloloko lamang pala siya nito at natatakot na baka makita nito ang epekto ng kaniyang sinabi sa buo niyang pagkatao.


Dahil umiral nanaman ang takot ay pinili na lang ni Dan ang madaling daan. Ang umiwas.

I-I'll see you on thursday, Sir.” patuloy na pagpapalakas loob na saad ni Dan sa sarili sabay pinilit ang kaniyang paa na humakbang pasulong at lumabas na ng kwartong iyon.


Bago pa man niya isara ang pinto sa kaniyang likod ay narinig pa ni Dan ang malalim na pag-buntong hininga ni Mike, pero dahil mas pinili niya ang madaling daan ay hindi na lang niya ito pinagtuusan ng pansin.


0000oo0000


So how does finally talking to him made you feel?” propesyonal na tanong ni Cha habang tinititigan nito si Mike na nakahiga sa sofa ng kaniyang clinic.


Walang schedule ng session ngayon si Mike kay Cha pero dahil madali kitang kita ni Cha na kailangan ni Mike ng makikinig sa kaniya ay wala siyang nagawa kundi ang i-cancel ang dapat sana'y pasyente na naka schedule ng araw at oras na iyon.


Emotionally draining.” matipid na sagot ni Mike.


Noon niya pa inaasam-asam na muling makausap at makasama sa isang kwarto si Dan ng walang takot, galit at sakit na bumabalot sa pagkatao nito sa tuwing nakikita siya, ngayong nagkaharap na sila at naguusap ng kaswal, kahit may mga bakas pa ng emosyon na iyon ay hindi parin maintindihan ni Mike kung bakit ganon parin ka-awkward ang paligid nilang dalawa.


Give it time.” matipid na saad ni Cha.


All I want is us to be comfortable with each other again.” parang batang nagpupumilit sa kaniyang gustong sabi ni Mike.


It's not going to be easy and I think you know it.” saad muli ni Cha na nagdulot kay Mike na muling mag-isip ng malalim.


Hindi maiwasan ni Mike ang sumang-ayon. Hindi niya ikinunsidera ang marahil nararamdaman ngayon ni Dan, alam niyang mahirap ito para sa huli kaya naman ano nga bang karapatan niyang mag-reklamo, anong karapatan niyang madaliin ang lahat at anong karapatan niyang ipilit ang kaniyang gusto gayong si Dan naman ang lubos na mas nahihirapan sa kanilang dalawa.


Pinagsamantalahan mo siya, Mike, binugbog at halos patayin, itinulak mo siya palayo ng hindi siya ipinagtatanggol sa karamihan at nagdulot ng paglalayas nito. Himala ngang nakuwa pa ni Dan na makipag-usap sayo ngayon ng mag-isa sa loob ng isang kwarto eh. Kaya wag ka ng magreklamo, mahirap na ito para kay Dan. Huwag mo na siyang pahirapan pa.” saad naman ni Mike sa sarili atsaka umupo.


You're right.” wala sa sariling pagsang ayon ni Mike kay Cha.


I'm always right, darling.” nakangising saad ni Cha na ikinatango ni Mike.


Tumayo na si Mike, ito ang ginawang hudyat ni Cha na para dito ay tapos na ang kanilang session kaya naman tumayo na rin siya. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Mike at nang magpasalamat ito. Hindi na naka-kibo si Cha at hinatid na lang ito palabas ng clinic.


Don't push it, Mike. Take your time. Everything will fall to it's place.” nakangiting pamamaalam ni Cha kay Mike na hindi napigilan ang ngumiti at tumango sa sinabi ni Cha.


0000oo0000


““WHAT?!”” sabay na saad ni Ryan at Bryan nang biglang ibulalas ni Dan habang kumakain sila kung sino ang kaniyang magiging instructor sa kaniyang back subject.


It's no big deal, really---” simula muli ni Dan ngunit hindi na siya pinatapos ng kambal na sabay na muling naghurumintado.


THIS IS A BIG DEAL---!” “ABSOLUTELY NOT! YOU ARE NOT GOING TO BE ALONE WITH THAT RAPIST---!” sabay na sigaw ng dalawa na ikina-iling na lang ni Dan.


GUYS!” tawag pansin ni Dan sa dalawa ngunit hindi narinig ng mga ito si Dan dahil abala ang mga ito sa kadadakdak.


I'm going to ask the coach to teach you himself! Meron yung utang na loob sakin eh---” pagpapatuloy ni Bryan.


He might harass you or hurt you again! Why can't you attend a normal irregular class? Why do you have to take a special class for physical education---?” sabay na saad ni Ryan sa mga sinasabi ni Bryan.


GUYS! SHUT UP!” sigaw muli ni Dan na ikinakuwa na ng atensyon ng dalawa.


Finally!” saad ni Dan nang tumahimik na ang mga ito.


I'm going to be fine--- please, let me finish first!---” simula at singhal ni Dan nang makita niyang sisingit nanaman ang dalawa. “I'm going to be fine. I'm doing this not because I have to but because I need to. I need to get over this fear. I'm not going to let him hurt me again. And, Bry, I tried talking to the coach before they assigned Mike to be my instructor, kasi nga naisip ko na baka nga maging teacher ko siya, he said that he can't teach me himself kasi full ang schedule niya ngayong sem---” pangungumbinsi ni Dan sa dalawa pero hindi parin ito kinakagat ng kambal. “And I can't enroll for that subject as an irregular because I don't have the time. I still need to work.” pagpapatuloy ni Dan.


You're still not going to be alone with him---” pasinghal na pagpupumilit ni Ryan. “No! You're not going to take that subject.” pasinghal paring pagtatapos ni Ryan saka tumayo at naglakad papasok ng kaniyang kwarto at isinagalpak ang pinto sa likod nito. Hindi napigilan ni Dan ang mapabuntong hininga at tinignan si Bryan na nakakunot ang noo pero patuloy parin sa pagkain.


Naiinis na tumayo si Dan mula sa kaniyan kinauupuan at galit na sumugod sa kwarto ni Ryan. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niyang nagsalita si Bryan. Hindi maitatago ang pagkabahala sa sinabi nito.


Uh oh.” saad ni Bryan na hindi na lang pinansin ni Dan.


0000oo0000


Im going to finish this subject, wether you like it or not.” singhal ni Dan nang makapasok siya sa kwarto ni Ryan. Lalo namang nag-init ang mukha ni Ryan sa inis at sinabunutan ang sarili.


Di naman kita pinipigilang tapusin yung subject, Dan. Pero sana naman sa ibang instructor!” balik ni Ryan. Pero para kay Dan, kahit anong paliwanag niya kung bakit si Mike parin ang kaniyang napiling instructor ay hindi ito maiintindihan ni Ryan. Ginagawa niya rin kasi ito para sa kaniyang sarili.


Ayaw na niyang makulong sa kahapon. Gusto na niyang isuko ang sakit, takot at galit na niyakap niya ng ilang buwan na nagdudulot sa kaniya ng pagiging miserable. Gusto na niyang mamuhay ng normal. Malayo sa sakit at sa anino ng kahapon.


I keep telling you that there is no one else who's available to teach me, Ryan! I keep telling you that if I have any other choice I wouldn't wish to be with him every thursday!” pagsisinungaling ni Dan, hindi dahil ayaw niyang ipaalam kay Ryan na mas OK sa kaniya na si Mike ang magturo sa kaniya kundi dahil hindi siya nito maiintindihan. Hindi nito maiintindihan na gusto na niyang isara ang kabanata na iyon ng kaniyang buhay at magpatuloy sa mga susunod pang kabanata.


Saglit silang binalot ng katahimikan. Nagtititigan. Tila ba sinusukat ang isa't isa at ang bawat salitang kumawala sa kanilang mga bibig.


FINE!” pag-suko ni Ryan na ikinahinga ng maluwag ni Dan.


But be late from school every thursday, I see a bruise on you and when I see traces of tears on your face--- HE'S DEAD!” seryosong kundisyon ni Ryan na ikinatakot ni Dan.


Ikinatakot dahil alam niyang seryoso ito sa pagbabantang iyon.


0000oo0000


Hindi mapakali si Mike. Ilang araw na niyang inaasam ang makasama muli si Dan. Gayong kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit niya inaasam ang araw na iyon ay hindi niya na iyon binigyan masyado ng pansin. Inisip na lang niya na marahil ay namiss niya lang ang best friend kaya gayon na lang ang kaniyang pag-aasam na makasama ito. Halos hindi siya makatulog sa nakalipas na tatlong araw mag-buhat ng magsabi si Dan na 'OK' lang dito na siya ang maging guro nito sa isa sa mga back subjects nito.


Andyan ang nag-iisip siya ng magagandang paraan para mapadali at maging masaya ang pagkukumpleto ni Dan sa subject na ito, yung hindi boring at nakakainis pasukan. Gusto niyang iparamdam kay Dan na hindi iyon subject na kailangan niya lang kumpletuhin kundi isang subject na karapatdapat kumpletuhin. Kung pano niya ituturo ang bawat galaw sa bawat sports sa kanilang practicum na hindi nababalot ng pag-aalangan at sa huli ay kung panong hindi magsisisi si Dan na siya ang pinili nitong maging instructor at gabay sa pagkukumpleto ng subject na iyon.


Ito ang tumatakbo sa isip ni Mike habang inaayos niya ang mga basketball sa lalagyan nito sa isang bahagi ng court nang abutan siya ni Dan.


Katulad ni Mike ay hindi rin mapakali si Dan nitong mga nakalipas na araw pero hindi dahil gusto niyang makita si Mike katulad ng nararamdaman ng huli kundi dahil gusto niyang malaman sa sarili kung kaya niya na nga bang talikuran ang lahat at muling mamuhay ng walang dala-dalang masamang alaala ng kahapon.


G-good afternoon.” mahinang tawag pansin ni Dan kay Mike na tila naman nagulat sa kaniyang biglaang pagsasalita.


Agad na humarap si Mike. Naka plain white t-shirt na ito, shorts at rubber shoes saka may bitbit bitbit na duffle bag na sa palagay ni Mike ay puno ng damit na pamalit nito. Hindi na napigilan ni Mike ang sarili na magbato ng isang mapanganyayang ngiti sa direksyon ni Dan. Nang makita ni Dan ang ngiting iyon ay tila may kumuryente sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinansin at lumapit na sa lamesa sa gilid ng court kung saan doon tumuloy si Mike matapos niya itong batiin ng isang magandang araw.


Naka-ahin sa harapan ngayon ni Dan ang isang papel kung saan naka print-out ang lahat ng tungkol sa basketball. Napansin ni Mike na doon nakatingin si Dan kaya naman agad na niyang sinimulan ang kanilang aktibidad para sa araw na iyon.


I want you to read that first before I give you a quiz about it and then we'll do your practical next.” nakangiti paring saad ni Mike na nakapagpatango lang kay Dan bilang sagot.


Tila hinila ng oras si Mike pabalik sa kahapon habang pinagmamasdan niya ang tahimik na si Dan na nagbabasa. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita niyang nangunot ang noo nito, kung panong tumakbo ang mga mata nito mula sa kaliwa papunta sa kanan alinsunod sa pagbabasa nito at kung pano paminsan-minsang tumataas ang kanang kilay nito sa tuwing nakakabasa ito ng isang interesanteng paksa.


Bagay na madalas makita noon ni Mike sa tuwing nag-aaral sila para sa mga long quiz noon nung elementary at high school sila.


Bakit kailangang pag-aralan ang history eh tapos na nga ito, diba dapat nagmu-move on na tayo?!” singhal ni Mike kay Dan na hindi mapigilan ang mapahagikgik noong nagre-review sila para sa long quiz nila kinabukasan.


Kasi makatutulong yung kaalaman natin sa nangyari noon sa mangyayari bukas.” makahulugang sagot ni Dan na ikinatameme na lang ni Mike at wala sa sariling pinanood ang kaibigan na mangunot ang noo, ang pagtakbo ng mga mata nito mula sa kaliwa ng pahina ng papel na binabasa papunta sa kanan, ang pagkislap ng mata nito na miya mo isang napakagandang bagay ang kaniyang kaalaman na binabasa.


Hindi muli mapigilan ni Mike ang sarili na malungkot matapos maalala ang tagpong iyon.


How could I have been so stupid to hurt this person.” saad ni Mike sa sarili na lalong nakapagpalungkot dito. Iniisip na marami mang bagay na hindi nagbago sa kanyang kaibigan ay mas malaki at marami ang ipinagbago nito.


At siya ang nagdulot ng mga pagbabagong iyon.


Marahil ay napansin ni Dan na asa kaniya ang tingin ni Mike dahil wala sa sarili nitong isinalubong ang tingin ng huli. Muling nagtama ang tingin ng dalawa. Wala sa sariling nginitian ni Mike si Dan sa kabila ng lungkot at paninisi sa sarili na kaniyang nararamdaman.


0000oo0000


Tumango-tango si Mike habang tsine-check-an niya ang papel ni Dan. Halos ma-perfect nito ang exam, bagay na hindi ipinagtataka ni Mike dahil alam naman niya kung gaano katalino ng dating kaibigan. Wala sa sarili niya na lang na nginitian muli si Dan pero tila ba walang nakita si Dan na agad ini-iwas ang kaniyang tingin mula sa mukha ni Mike at itinuon iyon sa papel na tsine-check-an nito.


Agad na nabura ang ngiti sa mukha ni Mike at inialis ang nakabara sa kaniyang lalamunan pagkatapos ay tumayo at sinimulan na ang pagpapaliwanag sa kanilang susunod na aktibidad na gagawin ni Dan.


Now let's test the theories you just learned.” saad ni Mike at hindi napigilang mapangiti muli nang makita niya ang kaba sa mga mata ng dating kaibigan.


Alam niyang kailanman ay hindi nagustuhan ni Dan ang kahit ano mang uri ng sports. Siya ang nahumaling dito nung sila ay nasa elementary at high school pa lamang samantalang si Dan naman ay mas gusto ang pagbabasa, pagsusulat at pagdo-drawing.


D-Do we have to? I-I mean I aced the test. Isn't that enough?” insecure na tanong ni Dan saka iniyuko ang ulo dahil sa hiya.


I'm sorry, Dan. But coach instructed us to give you guys practical exams like what he gives his students in his class---” seryosong sagot ni Mike, hindi na nagawang gawing katatawanan ang takot na ito ni Dan. “---don't worry. I'll help you if it gets too hard for you.” pahabol ni Mike na ikina-angat ng tingin ni Dan.


Promise me you won't laugh?” insecure na tanong ni Dan kay Mike habang hawak-hawak nito ang basketball at pinaplanong i-shoot ito sa ring na hindi kalayuan mula sa kaniyang kinatatayuan.


I promise.” tumatangong seryosong saad ni Mike na ikinalakas naman ng loob ni Dan.


Ibinato na ni Dan ang bola gunit kapos ito. Nagsimula ng mangilid ang luha ni Dan pero pinipilit niyang huwag itong tumulo dahil sa hiya sa kaniyang kaibigan.


Here. I'll teach you.” marahan at nakangiting saad ni Mike habang pinupulot ang bola na kanina lang ay sinubukang ipasok ni Dan sa ring.


Napamaang si Dan sa kaniyang naalala na ito. Naisip na wala halos na nagiba kay Mike, maaalalahanin parin ito at matulungin pero para kay Dan ay may malaking nagbago sa pagitan nilang dalawa. Oo at gusto na niyang makawala sa sakit na dulot ng nakaraan niyang birthday pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan niya na lang ito na parang walang nangyari dahil para sa kaniya malaki ang nagbago sa pagitan nilang dalawa.


I don't need your help.” singhal ni Dan na ikinabura ng ngiti ni Mike sa mukha.


Kumuwa ng bola si Dan at drinibol ito. Pumuwesto na parang magshu-shoot. Tinignan siyang maigi ni Mike. Tama ang pwesto ng paa nito, ang hawak sa bola at ang porma pero alam ni Mike na hindi sapat iyon. Tulad ng inaasahan, nang pakawalan ni Dan ang bola upang i-shoot ay hindi ito umabot sa ring.


Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Dan at napayuko na lang dahil sa pagkapahiya. Pinigilan maigi ni Mike ang mapangisi pero hindi niya ito magawa kaya naman nagpakawala na lang siya ng isang umiintinding ngiti. Kumuwa ng isa pang bola si Mike at pinadribol ito papunta sa kinatatayuan ni Dan.


Here. Try it again.” marahang utos ni Mike kay Dan na sinalo ang bola na ibinigay sa kaniya ni Mike saka tumango bilang sagot sa gustong mangyari ni huli.


0000oo0000


Determinasyon. Yan ang isa sa mga ugaling gustong gusto ni Mike kay Dan maski simula noong mga bata pa ito. Halata ni Mike na hirap na hirap na si Dan pero hindi niya sinubukang lapitan ito at tulungan dahil natatakot siya na sa oras na hindi sinasadyang magdinkit ang kanilang mga katawan ay muling bumalik ang takot, sakit at galit nito, na muli itong magtatakbo palayo sa kaniya at umiyak sa isang sulok kaya naman nagkasya na lang siya sa pagbato ng instructions at pagpapalakas ng loob nito upang magawa nito ng tama ang pagshu-shoot ng bola.


Dammit!” singhal ni Dan saka hinabol ang bola hindi kaila na susubukang i-shoot ulit ang bola.


Nakangiting umiling si Mike habang pinapanood si Dan nang maalala niya na kailangan pa nga pala niyang isumite ang papel at evaluation sa unang pagsusulit ni Dan sa kaniyang coach.


You're doing great, Dan. But I think it's time for us to end this class.” nakangiting awat ni Mike.


Pss! Doing great daw.” pabulong na singhal ni Dan na ikinailing at hagikgik naman ni Mike. Lumapit na si Dan sa kaniyang gamit at uminom sa kaniyang lagayan ng tubig habang nag-e-explain si Mike sa susunod nilang gagawin para susunod na linggo. Nang matapos sa pagsasalita si Mike ay agad narin niyang dinampot ang kaniyang duffle bag.


Nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi alam kung paano magpapaalam sa isa't isa. Si Dan na ang unang nag-iwas ng tingin at una ding namaalam.


I'll see you next thursday.” marahang saad ni Dan dahil sa kawalan ng masasabi. Tila isa naman itong bato na ipinukol sa ulo ni Mike. Hinihiling na sana ay bumalik sila sa pagiging kumportable sa isa't isa. Yung tipong hindi na nila kailangang magkapaan kung sino ang unang magpapaalam.


Pero masyadong mabigat ang mga hiling niyang ito lalo pa't nasaktan niya ng husto si Dan kaya naisip niyang dapat na lamang siyang magkasya sa kung ano man ang patutunguhan ng muli nilang pagkikita ni Dan na iyon.


OK.” malungkot na pagsang-ayon ni Mike saka tumango-tango.


0000oo0000

Nang mai-ayos na ni Mike lahat ng kaniyang dadalhin sa opisina ng coach ay agad na siyang lumabas ng gym. Sa di kalayuan ay naabutan niya si Dan na tumatawa habang kausap ang isang lalaki. Hindi niya mapigilang pakinggan ang tawa na iyon. Tawa na walang ipinagbago simula noong mga bata pa sila. Hindi mapigilan ni Mike ang mapangiti, pero ang ngiting iyon ay hindi nagtagal sapagkat nakita niya na inilapat ng lalaking kausap ni Dan ang kaniyang labi sa mga labi ng huli. Dahil marahil sa gulat ay agad na inihiwalay ni Dan ang kaniyang mga labi sa labi ng lalaki, marahan itong hinampas sa malaking braso at lumingon-lingon upang malaman kung meron bang nakasaksi sa panakaw na halik na iyon ni Ryan. Agad na nagtago si Mike kaya naman hindi siya nakita ni Dan.


Sa kaniyang tinataguan ay hindi mawari ni Mike ang kaniyang nararamdman. Mas mabigat pa ito sa kaniyang naramdaman kani-kanina lang ng marinig niya ang malamig na paalam ni Dan.

Itutuloy...

Against All Odds 2[30]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Dee: thanks! Please do follow my blog page and welcome to Miguel's Short Bisexual story. Looking forward to see your comments every after post! :-) What stories are you referring to nga pala?

    ANDY: Haha! Magpari talaga! Thanks sa patuloy na pag-comment! :-P

    akosichristian: Yup. They're offering me a new position sa hospital kaya lalong dumami ang trabaho. :-(

    WaydeeJAnYokio: haha! Manghuhula ka na din parang si aR? Haha!

    Jay!: thanks for supporting me always! :-)

    gavi: here's a back to back chapter for you! :-)

    Lawfer: salamat ginoong lawfer.

    Makki: sige ngiti ka lang di magtatagal iiyak ka ulit. :-)

    russ: tignan natin kung magkakatotoo ang hula mo.

    Frostking: sometimes the simplest words are the ones with greater impact. :-)

    marven cursat: haha! May fan base na pala sila Dan at Mike. Lol! :-) Thanks!

    Love Doctor: haha! May plot ka na talagang naiisip ah! We'll see! :-)

    Ryge Stan: thanks for hoping a meaningful life for me. Thanks! :-)

    cef de mesa: ganun ba. Haha! Thnaks! :-)

    riley de lima: masyado na bang dragging yung story? :-(

    Edmond: so you think dragging na ang story? :-(

    Johnny Quest: Let's see kung anong mangyayari kapag nalaman ni Ryan. :-)

    Seph: what are the things that I made you imagine? :-P

    Jumpin rooftops: thanks! :-)

    robert mendoza: salamat! :-)

    foxriver: haha! Inatyin na lang natin ang mangyayari kung totoong talo na ba si Ryan. :-)

    aR: hindi ka pa nasanay sa mga time skips ko. :-) at ginagawan mo nanaman ng story ng sarili mo ang story ko ah! Ahaha! Thanks!


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. sa wakas at may back2back na ulit. maraming salamat sir. tuloy lang ng pagsulat sa free time at ipost ng mabasa agad namin.


    ---januard

    ReplyDelete
  3. moving forward it means you have to put your first foot forward to begin a new journey. and I think gnito ang gustong gawain ni Dan, he step forward to start a new life and for that I'm happy for him.

    Have a great day migs and enjoy your week.

    ReplyDelete
  4. nabuhay ang dugo ko ng mabasa ko ang back-to-back. Haha! Thanks Kuya Migs!!

    ReplyDelete
  5. Migs hindi naman..haha!i still like the flow..don't worry babasahin ko to until the last chapter ;)

    Thanks sa update Migoy :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]