Against All Odds 2[31]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Isang
linggo. Isang linggo ang lumipas at binabagabag parin ang damdamin ni
Mike ng emosyon na iniwan sa kaniya ni Dan nang makita niya itong
nakikipaghalikan kay Ryan. Naguguluhan siya dahil bago sa kaniya ang
kaniyang nararamdaman na iyon. Alam niyang hindi dahil ayaw niyang
makakakita ng dalawang lalaki na naghahalikan dahil wala ni katiting
na pandidiri naman siyang naramdaman noong nasaksihan niya ang
halikan na iyon sa halip ay nakakaramdam siya ng galit. Galit para sa
lalaking nakita ni Mike na kahalikan ng kaniyang kaibigan.
Galit
na sa hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung saan
nanggagaling.
“Magkuwento
ka pa tungkol sa friendship niyo noon ni Dan.” utos ni Cha kay Mike
habang kinukulayan ng nail polish ang kaniyang mga kuko.
“Ano
ba kasing gusto mong malaman?” naiiritang tanong ni Mike dahil
kanina pa niya sinabi kay Cha ang gumugulo sa kaniya pero hindi naman
siya nito sagutin ng daretso at pilit na pinababalikan sa kaniya ang
mga alaala nila ni Dan noon sa high school bago pa gumulo ang lahat.
“Sino
bang may sabing may gusto akong malaman? Diba ikaw 'tong may
kailangan malaman?” pilosopong balik ni Cha na ikinaurat ng tuluyan
ni Mike. Dahil sa inis ay wala sa sariling pumikit si Mike upang
makapagpalamig sana pero muli lang bumalik ang kaniyang isip sa
pagalala sa ilang nakaraan.
“Ang
hot talaga ni Trina.”
“Ah
Oo nga. Hot siya---” tila walang ganang segunda naman ni Dan habang
pinapanood ang crush ni Mike na isang taon ang tanda sa kanila sa
high school. “---Oo nga pala, pinagbaon ka ni Mommy ng sandwhich.
Eto oh.” biglang sumiglang saad ni Dan saka inabot ang sandwich kay
Mike na agad naman itong inabot at sinimulang kainin habang
tinitignan parin ang kaniyang crush.
Nang
mapansin na hindi na abot ng kaniyang tingin ang babae na kaniyang
iniidolo ay sa iba na lang ibinaling ni Mike ang kaniyang tingin at
nagkataon naman na kay Dan ito napunta. Nahuli niya itong nakatingin
sa kaniya. Isang tingin na hindi katulad ng tingin na ibinabato nila
sa isa't isa sa tuwing nagkakatulad sila ng iniisip na kalokohan,
kundi isang tingin na puno ng pagpapahalaga.
At
dahil sa naalalang ito ni Mike ay bigla siyang napabalikwas at saka
siya nagka-ideya sa kung anong nangyayari sa kaniya.
Selos.
Selos, katulad ng naramdaman niya noong mas iniintindi ng kaniyang
mga magulang ang nakatatandang kapatid, nung mas binibigay ng mga ito
ang hilig ng kuya niya. Selos dahil nasanay siya noon na nasa kaniya
ang atensyon ni Dan at wala sa iba.
Pero
may isang uri ng selos ang pilit ding sumisiksik sa kaniyang isip.
“I-I
love you.”
Napa-iling
si Mike sa naalalang ito. Kahit gaano man kaganda sa pandinig ang mga
salitang iyon ay hindi naman nito magawang mapangiti si Mike dahil
ang mga sumunod sa mga salitang iyon ay ang kawalanghiyaan na habang
buhay niyang pagsisisihan. Pero ang selos na kalakip ng mga salitang
iyon ang sumisiksik sa kaniyang isip ngayon.
Nagulat
at lumagpas ang kulay dilaw na brush ng nail polish sa kuko ni Cha
nang biglang tumayo si Mike mula sa sofa at mabilis na lumabas ng
pinto. Wala sa sariling napakamot si Cha sa kaniyang ulo at tinignan
ang oras sa pader.
“Tapos
na ba ang session?” tanong ni Cha sa hangin pero agad ding
tumahimik nang mapansing lagpas na nga pala sila sa oras.
“Di
manlang mag thank you o kaya goodbye manlang?” sarkastikong saad ni
Cha.
0000oo0000
Napatigil
sa paglalakad si Dan papasok ng mall kasama si Ryan nang may nakita
siya sa hindi kalayuan. Si Mike, may kasamang babae at tila ba
kumportableng kumportable na ang mga ito sa isa't isa. Ang mga galaw
ng mga ito ay galaw na nagpapahiwatig o nagpapakita na intersado sila
sa isa't isa. Kasabay ng pagtigil niya sa paglalakad ay hindi rin
mapigilan ni Dan ang mapakunot ang noo.
“Eh
ano naman ngayon, Dan?” inis
na tanong ni Dan sa sarili gayong hindi niya malaman kung ano ba ang
dahilan ng bigla niyang pagkainis.
Kasabay
ng nasabi na ito ni Dan sa kaniyang sarili ang muli niyang paglalakad
at pagbato ng isang tingin kay Ryan na abala sa paglingon-lingon.
Nang magtama ang kanilang mga tingin ay hindi napigilan ni Ryan ang
mapangiti ng matamis. Isang matamis na ngiti na sa hindi ulit
maipaliwanag na dahilan ay hindi maibalik ni Dan.
0000oo0000
Naniniwala
siyang nagseselos siya sa ipinapakitang atensyon ni Dan kay Ryan
dahil noon ay siya ang nakakatanggap non mula sa kaibigan at yun lang
iyon pero kailangan niya paring makasiguro kaya naman naisipan niyang
makipag-date. Hindi nahirapan si Mike dahil ginagawa narin niya ito
noong siya ay asa high school palang.
Madali
man ito kay Mike ay tila ba naninibago siya ulit sa larangan na ito,
nangangapa at nagaalangan. Maganda ang kaniyang kasama ngayon,
maganda pa sa ilang mga babae na kaniyang naka-date ngayon pero
balewala ito.
Dahil
isang tao lang ang kaniyang nasa isip ngayon.
Tao
na siyang nagpapatunay ng kaniyang kanina lamang ay hakahaka.
Haka-haka
na kaniya lang ding naisip nang makaramdam siya ng kakaiba nang
makita niya ang pagdadampi ng mga labi nila Ryan at Dan.
Inisip
ni Mike na dahil hindi parin naman siya sigurado sa kaniyang naiisip
na dahilan ngayon sa likod ng galit na nararamdaman nung nakita niya
si Ryan at Dan na naghalikan ay itinulak na lang niya ang kaniyang
sarili na mag-enjoy kasama si Lisa. Kaklase niya sa isa sa kaniyang
mga subject, tutal hindi naman ito boring kasama.
“You're
really serious aren't you?” kunot noong tanong ni Lisa kay Mike
habang pinagmamasdan ito habang naglalakad sila sa loob ng mall.
“Wha---?
Oh no---no. I was just thinking---” simula ni Mike pero agad din
siyang pinutol ni Lisa.
“So
who is it? Who's the lucky girl?” sunod sunod na tanong ni Lisa kay
Mike na agad natahimik at nangunot ang noo.
“Wha--?”
tanong ni Mike sabay bato ng tingin kay Lisa na umirap lang dahil sa
hindi nasakyan ni Mike ang kaniyang nais sabihin.
“You
said you were thinking--- right?” umiiling na pagkukumpirma ni Lisa
kay Mike na tumango lang.
“Now
I'm asking you who are you thinking about.” nangingiting tanong na
ni Lisa habang umiiling.
“Oh---uhmmm
j-just thinking about this f-friend.” nauutal na sagot ni Mike,
hindi alam kung bakit sinasabi niya ito kay Lisa gayong kalalabas pa
lang nila at kakikilala para pakielaman siya nito.
“If
you're going to think about this friend all night long then
you can bring me home now.”
Napatigil
si Mike na ikinahagalpak naman sa tawa ni Lisa.
“I'm
just joking. You seem so stiff. Relax. Chill.” nakangiti nang saad
ni Lisa na nakapagpangiti at relax narin kay Mike.
Nasa
ganito silang tagpo nang dumating sila Ryan at Dan sa mall.
0000oo0000
“Kamusta
yung extra class mo?” nagaalangang tanong ni Ryan kay Dan.
Nagaalangan dahil napansin niyang tila ba nawala sa mood si Dan nang
pumasok sila sa mall na kanila ngayong kinakainan.
“Drop
it, Ryan. I told you he's not going to hurt me.” may pagka-iritang
sagot ni Dan kay Ryan. Madalas na kasi nila itong pag-usapan at
madalas na nauuwi sa away.
“Sa
ngayon, hindi ka pa niya sinasaktan kasi nakaka-isang klase pa lang
kayo pero pano sa mga susunod?” nagaalalang balik naman ni Ryan.
Hindi nakaligtas ito kay Dan na napabuntong hininga na lang. Inabot
niya ang kamay ni Ryan.
“I'm
not going to let him hurt me again, Ry.” mariing paniniguro ni Dan
kay Ryan na hindi alam kung bakit siya tumango-tango gayong alam
naman niya na kahit anong sabihin ni Dan ay hindi niya parin
pababayaan si Mike na makalapit dito at saktan ito.
0000oo0000
Oras
nanaman para sa klase nila Mike at Dan. Si Mike di mapakali dahil
hindi niya alam kung pano niya haharapin si Dan matapos ang kaniyang
napagtanto kahit hindi pa siya sigurado dito, si Dan naman ay
nagdadalawang isip din dahil hindi siya sigurado kung may punto nga
ba si Ryan at dapat na ba siyang umiwas kay Mike bago pa man siya
saktan ulit nito.
Pero
lahat ng pag-aalangan ni Dan ay parang magic na naglaho nang
magkasalubong sila ni Mike bago pa man ang oras ng klase nila na
kinukumpleto ni Dan sa araw na iyon.
“Hi!”
nahihiyang bati ni Mike sabay kaway, ngiti at lapit kay Dan.
Nang
makita ni Dan ang ngiting iyon ni mike ay tila ba hinila siya ng
pagkakataon na iyon sa nakaraan. Tila ba nasa kaniyang harapan ngayon
ang batang si Mike na masaya siyang binabati matapos nilang
magkahiwalay ng ilang oras dahil sa pagiging hindi nila pagiging
magkaklase at hindi ito ang Mike na nanakit sa kaniya at gumahasa.
Na
tila ba ang Mike na nasa kaniya ngayong harapan ay ang Mike na
natutunan niyang mahalin. Na ang Mike na nasa kaniya ngayong harapan
ay iba sa Mike na sumira sa kaniyang buhay.
Ang
ngiting nasaksihan na ito ni Dan ay nagtulak sa kaniya na wala sa
sariling mapangiti din. Ang ngiting ito naman ni Dan ang nagtulak kay
Mike na mapatigil sa gitna ng kaniyang paglalakad pasalubong kay Dan
at pagmasdan saglit ang ngiti na iyon ni Dan na matagal na niyang
hindi nakikita.
Ang
ngiting iyon ni Dan ay nagtulak sa kaniya na muling maramdaman ang
pakiramdam na mag-iisang linggo nang bumabagabag sa kaniya ang
kaibahan lang ay may linaw na kung ano ang maaaring nagdudulot nito.
Ang ngiting iyon ang nakapagpaintindi sa kaniya kung bakit hindi
naging epektibo ang kaniyang plano ang pakikipagdate at mabura ang
pakiramdam na dulot ng paglalapit nilang muli ni Dan.
Hindi
mapigilan ni Mike na maisip kung gaanong kalaking bagay ang ngiti na
pinakawalan na iyon ni Dan sa kaniya. Ang ngiting iyon ang nagtulak
sa kaniya na muling maramdaman ang masarap na pakiramdam ng
pagpapahalaga ni Dan sa kaniya noon. Ang pakiramdam na importante
siya dito.
Hindi
man niya maamin pa sa sarili ay hindi naman maikakaila ni Mike na
matagal narin niya itong nararamdaman. Matagal narin niyang gusto si
Dan, hindi bilang isang kaibigan, hindi bilang isang kapatid kundi
bilang isang tao na alam niya ay makakasama niya habang buhay.
“Y-yes?”
tawag pansin ni Dan kay Mike matapos nitong makalapit sa kaniyang
pwesto
Ito
ang gumising kay Mike sa kaniyang maraming iniisip. Ibinaling niyang
muli ang kaniyang tingin sa mukha ni Dan at wala na ang gustong-gusto
niyang ngiti sa mukha nito. Tila tuloy inalis lahat ng kaniyang lakas
at kasiyahan sa blangkong mukha nito at tila ba nagsusupladong tono
ng boses nito.
0000oo0000
Nang
mapansin ni Dan na nagpapakawala siya ng ngiti papunta kay Mike ay
agad niya itong binura at sumimangot. Pilit niya ring nilamigan ang
kaniyang boses nang tawagin niya ang pansin nito. Ayaw niya kasing
mapalapit ulit dito dahil ayaw niyang muling masaktan. Pumayag lang
naman din kasi siya na ito ang magturo sa kaniya upang pareho na
silang makausong mula sa nakaraan. Ribig na rinig nya ang sakit nang
magmakaawa ito na patawarin siya. Sakit na alam niyang hindi man
kapantay ng sakit na kaniyang nararamdaman ay sakit parin na maaaring
sumira sa dating kaibigan.
At
ayaw niya itong mangyari. Gusto na niyang kalimutan ang lahat at para
kay Dan ay dapat siyang magsimula sa pagpapatawad. Pero hindi ibig
sabihin na dahil sa napatawad na niya ito ay muli na silang magiging
magkaibigan.
“Para
ano? Saktan niya ako ulit?” tanong
ni Dan sa sarili.
“Oh
---uhmmm--- I was just going to remind you about our class later---”
simula ni Mike pero agad din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dan.
“I'll
come. I don't need reminding. Di na ako bata.” blangko muling sagot
ni Dan na ikinatameme ni Mike at ikinayuko nito dahil sa hiya.
“Y-you're
right. I-I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Mike saka nagmamadaling
lumayo kay Dan.
Hindi
maiwasan ni Dan ang mapailing pero hindi rin niya napigilan ang
sarili na malungkot at mamigat ang sariling loob dahil sa ginawa.
Wala sa sarili niyang nilingon si Mike at lalong namigat ang kaniyang
loob nang makita niya ang bagsak nitong balikat at nakayukong ulo
habang naglalakad palayo sa kaniya.
0000oo0000
Nang
tumuloy na si Dan sa may gymnasium para sa kaniyang isa nanamang
klase kasama si Mike ay naabutan niya na tahimik na nakaupo at tila
ba abalang-abala sa pagsusulat. Hindi ito nagtataas ng tingin kaya't
hindi nito alam na papalapit na si Dan. Habang papalapit naman si Dan
ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti.
Muli
nanaman siyang hinatak ng pagkakataon sa nakaraan.
“Kailangan
naka-kagat dila kapag nagsusulat, Mikee?” tanong ni Dan kay mike
nang maabutan niya itong nagsusulat sa isang maliit na papel sa
kanilang terrace.
Hindi
mapigilan ni Dan ang lalong mapangiti nang maalala niya ang mga
sumunod na nangyari pagkatapos non.
Nagmamadaling
itinago ni Mike ang papel na sinusulatan nito. Sinubukan ni Dan na
kulitin ang kaibigan na ipakita ang tinatago nito sa kaniya ngunit
nagmatigas ito hanggang sa sumama ang loob niya dito at maghapon
itong hindi pinansin. Umuwi siya na masama ang loob sa kaibigan pero
agad na napawi yun nung puntahan siya nito kinabukasan.
Nakangiti
si Mike ng matamis at may inaabot sa kaniyang isang papel pagkabukas
na pagkabukas niya ng pinto ng kaniyang kwarto.
“Happy
Birthday.”
Isa
iyon sa pinakamasayang birthday ni Dan. Malayong malayo sa huling
birthday niya. Inalis na ni Dan ang kaniyang pagtitig sa mukha ni
Mike at inanunsyo na ang kaniyang pagdating.
“Ehem.”
paglilinaw ni Dan sa kaniyang lalamunan. Agad na nagtaas ng tingin si
Mike habang kagat kagat parin ang dila sa pagsusulat, nagmadali itong
ayusin ang pinaghalo-halong libro, papel at mga panulat sa lamesa.
“I-I'm
sorry. I was so loaded with homework that I forgot to make your
written exam for today---” simula at tuloy tuloy na pagpapaliwanag
ni Mike habang taranta paring inaayos ang kaniyang mga gamit sa
lamesa. “I will just type this---” aligagang pagpapatuloy ni Mike
nang pigilan siya ni Dan.
“Anlakas
ng loob na paalalahanan ako kanina, siya naman pala 'tong hindi pa
ready.” saad ni Dan sa sarili
at kating kati ng ibato kay Mike pero pinigilan niya ang sarili at
iba na lang ang sinabi.
“The
computer laboratory is already closed.” matipid na saad ni Dan nang
maisip niya kung ano ang plano ni Mike.
“Huh?”
napatigil na saad ni Mike dahil sa sinabi ni Dan.
“I
said it's already five o'clock and the computer laboratory is already
closed. Wala ka ng pwedeng pag-type-an at pag-print-an, unless gusto
mong maglakad ng malayo papuntang internet cafe two blocks away---”
simula ulit ni Dan habang pinapanood ang unti-unting paglatay ng
pagkadismaya at inis sa mukha ni Mike.
“Shoot!”
pabulong na singhal ni Mike saka tuluyang nilamon ng pagkadismaya.
Iniisip na wala na siyang ginawang tama at lagi na lang nadadamay si
Dan sa mga kapalpakan niyang ito. Hindi nakaligtas ito kay Dan kaya
naman hindi niya napigilan ang sarili na magsalita.
“You
don't have to type the exam. You know I can read your handwriting no
matter how awful it is.” biro ni Dan saka hindi napigilan na
magpakawala ng isang hagikgik.
Agad
na nagtaas ng tingin si Mike at hindi mapigilan ang magulat at
mapanganga sa pagbibiro na ito ni Dan. Naisip niya na imposible na
ito ang nagbibiro sa kaniya dahil sa sandaling iyon ay tila ba pareho
silang bumalik sa mga panahon kung saan hindi pa niya ito nasasaktan,
kung saan hindi pa niya nasisira ang pagkatao nito.
Hindi
mapigilan ni Mike ang mapangiti at mapakamot sa kaniyang ulo. Sa
kabila ng hiya at kasiyahan na nararamdaman ay hindi parin
nakalimutan ni Mike ang humiling sa may taas na sana ay tumagal ng
habang buhay ang sandali na iyon.
Hinihiling
niya na sana ay tumigil ang oras sa punto na iyon.
“How
about that exam?” kumportable at nakangiti ng tanong ni Dan kay
Mike na hindi rin mapigilan ang mapangiti ng malaki saka inabot ang
kagagawa niya lang na exam kay Dan.
“Improving---”
bulong ni Dan saka umupo at sinimulan ng sagutan ang mga tanong na
isinulat ni Mike. Hindi naman nakaligtas ang pabulong na pasaring na
ito ni Dan sa penmanship ng huli kaya't hindi nito napigilan ang
lalong mapangiti at mapa-iling na lang.
Sa
hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi rin mapigilan ni Dan ang
mapangiti habang nagsasagot. Hindi malaman kung dahil ba ito sa pang
batang hand writing ni Mike o dahil sa pakiramdam ng pagiging
kumportable ulit kay Mike.
Itutuloy...
Against All Odds 2[31] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Dee: thanks! Please do follow my blog page and welcome to Miguel's Short Bisexual story. Looking forward to see your comments every after post! :-) What stories are you referring to nga pala?
ANDY: Haha! Magpari talaga! Thanks sa patuloy na pag-comment! :-P
akosichristian: Yup. They're offering me a new position sa hospital kaya lalong dumami ang trabaho. :-(
WaydeeJAnYokio: haha! Manghuhula ka na din parang si aR? Haha!
Jay!: thanks for supporting me always! :-)
gavi: here's a back to back chapter for you! :-)
Lawfer: salamat ginoong lawfer.
Makki: sige ngiti ka lang di magtatagal iiyak ka ulit. :-)
russ: tignan natin kung magkakatotoo ang hula mo.
Frostking: sometimes the simplest words are the ones with greater impact. :-)
marven cursat: haha! May fan base na pala sila Dan at Mike. Lol! :-) Thanks!
Love Doctor: haha! May plot ka na talagang naiisip ah! We'll see! :-)
Ryge Stan: thanks for hoping a meaningful life for me. Thanks! :-)
cef de mesa: ganun ba. Haha! Thnaks! :-)
riley de lima: masyado na bang dragging yung story? :-(
Edmond: so you think dragging na ang story? :-(
Johnny Quest: Let's see kung anong mangyayari kapag nalaman ni Ryan. :-)
Seph: what are the things that I made you imagine? :-P
Jumpin rooftops: thanks! :-)
robert mendoza: salamat! :-)
foxriver: haha! Inatyin na lang natin ang mangyayari kung totoong talo na ba si Ryan. :-)
aR: hindi ka pa nasanay sa mga time skips ko. :-) at ginagawan mo nanaman ng story ng sarili mo ang story ko ah! Ahaha! Thanks!
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
you welcome migs! haha. yung against all odds. :)
Delete>> dee.
PS. sana si ryan na dan talaga. :)
wow! galeng mo migz ah! bawing bawi ka na sa mga pagka bz sa mga nagdaang araw at mejo nagkakarun na ng improvemment ang samahan ni DAN AT MIKE. i observe sa knilang dalawa, but panu na kaya c RYAN? hmmm, sounds intriguing ba? he he he. tnx MIGZ
ReplyDeleteaw out of the picture c papa ryan :/
ReplyDeletepeo kilig much naman sa mga eksenang dan-mike haha
c cha sarap batukan haha wla lang ^w^
muli, sulit na sulit ang paghhntay! salamat ng madami sa B2B chapter ginoong migoy na kahil di lingid sa kaalaman namin ang pagging sobrang abala mo’y d m pa dn kmi knakalimutan haha
mamats tlaga ^w^
Wag lang sana maging contrabida si ryan sa huli. :(
DeleteCute! :">
ReplyDeleteMigs, salamat sa back to back na update.
ReplyDeleteNatatakot ako na baka sa oras na ok na c dan at mike, saka naman papasok ang mga contrabida... ewan ko ba pero i really hate sad endings.
Thanks much migz sa back to back chapters. I glad everything is going smoothly between Dan and Mike kaso baka may panirang umiksena. I wonder what will happen after na magkaharapharap ang nanay ni dan at si dan mismo?
ReplyDeleteNext chapter na po migz hehehe. enjoy your week.
waaaah!!! Hindi ko gusto ang ngyayari!!! Wag sana mainlove ulit si Dan kay Mike!!! Ryan-Dan lang!!!!!!! Si mike naman kasi!!! Friends na lang kayo ni dan please!!!!! Mukhang may kutob ang sa mangyayari!!!
ReplyDeleteThankz sa back to back kuya Migz :)
ReplyDeleteOo Kuya, meron nang fan base ang dalawa magtandem.. at ako ang president.. hehehe :D
DeleteAt in favor talga ang episode nato sa dalawa.. kilig much :)
masyadong highlighted ang "Sa Iyong Ngiti, akoy nahuhumaling" moment...
at eto pa, mikee had already a feeling of someone's special to Dan even if before palang.. how sweet,, well paghirapan mung I back ang trust ni danny, mikee boy.. :)
may 3 querries nalng ako:
*1st why mikee didn't tell to dan's mother that they casually meet for a couple of weeks, even if he knows that, it is almost ruin the life of the mother when the time dan left their house.
*2nd you told before na iiwan ni ryan si Dan for a certain circumstances, I wonder what kind of situation is it? Hmmpff..
*3rd how mikee could win totally the trust of Dan, is there is a way or situation that Dan, might fall "In Love" again to him? and what is it?? hehehe
Cge na Kuya Migz.. pasagot.. Kahit Hint or Clue lang.. Thankz.. Ingatz :)
Sabi na e...matagal nang may gusto si Mike kay Dan...pilit niya lang tinatanggi...ibig sabihin ba nun Kuya Migs... na noong hinalay niya si Dan...
ReplyDeletedi lang dahil sa banggang siya sa droga, ginusto niya rin bang iparamdam kay Dan na mahal niya rin ito?
Kung hindi man...kailan niya narealize na mahal niya si Dan? hahaha
Paano na si Ryan...mukhang nadedevelop na muli si Dan kay Mike e :(
Epic talaga...bagay ang theme na "First Love Never Dies" dito. Kudos! :D
Love it Migs!atleast ok na yung dalawa..hmm..si Ryan paano kaya pag nalaman nyang ok na yung dalawa?magwawala malamang haha!
ReplyDeleteTake care Migs :)
Ah ewan! Kinilig din ako Kay MIKEE-DANNY haha. Ah bsta kung cnu nalang ung magpapasaya kay dan dun din ako! Haha
ReplyDeleteKuya may tanong pla ako ii-email ko nalang. Hehe
~WaydeeJanYokio
thanks for this back to back chapters.. hehe
ReplyDeletea little bit of kiligness though may tension pa rin but i still love it..
God bless.. -- Roan ^^,
nangangati na ako para sa next chapter! hehehehe
ReplyDeletesa tingin ko matagal pa ito, wala pa kasi closure kay melvin pati dun kay dave at mark. hindi pa din pumapasok uli sa scene yung mother ni Dan.
kaka-excite na talaga...
winner grabe tong back to back na to panalo talaga...go team mikee-danny sana tuloy tuloy na to..hindi sa pang aaway sa iba jan ha pero feeling ko nagkakalamat na ang relationship ni dan at ryan..feeling ko magiging sobrang possesive ni ryan at masasaktan nya si dan di ko sure kubg physical or verbal...anyways highway panalo talga kinikilig ako na naluluha
ReplyDeletemiggy thanks sa greetings soree di ako naka comment last wik busy eh..ingat lage miggy..salamat tuloy tuloy ba danny mikee moments..hehe
-therese llama
Di ko na alam kung sino ang pipiliin ko...iba talaga ang dating ng Mike-Dan tandem.. Pero gusto ko talaga si Ryan.. :( waaaaaaaaaaaaaaaah.
ReplyDeleteThanks sa B2B chaps, sir! Lovet. :))
Cheers!
gavi :))
ganun? cguraduhing mapapaiyak mo ako migoy ha! LOL susulitin ko na lng muna ang pangisi-ngisi habang nagbabasa.. wala kang kupas! IDOL
ReplyDeleteMike and dan pa rin ako
ReplyDelete#teresa of the faint smile
Author Mig!
ReplyDeleteantaagl ng back2back mo! :D
haha! somehow the feeling is mutual with Dan...anyways.hehe
puro pamoment silang dalawa haha,and i feel bad kay Ryan, somehow..sana siya nalng, coz I got this feeling na magiging close sila..na ok lang naman basta sila ni ryan, ayooko mapunta siya kay melvin tss...
sna filler lang si Lisa, haha baka maging best supporting character pa siyaXD just kidding, kaw bahala Author! kahit ano naman bet ko..
so where are the 2 other guys? hmmm soon naba?
-aR
ayun o! buma back to back si babe... hehe
ReplyDeleteyan ang busy! pasalamat kaming lahat at despite your being always busy e nakapagpost ka pa nito...hehe pero bitiiiiinnnn pa din e!!! hahaha demanding? =) anyway, ano nga ba yung mga naiisip ko? hehe saka ko na sasabihin... =p
--- ANONYMOUS (kunware di mo ako kilala kasi tinawag kitang babe e) baka maraming umaway sakin d2...hehe =)
Wala akong sinabing ganyan ha. =p
ReplyDeleteI mean, mas nai-immerse ko sarili ko as if I were in the scene dahil hindi ako nagagambala ng time frame or anything.
I don't care how long it'll take for this to end. Babasahin at babasahin ko pa rin 'to. =)
- Edmond
haiist ngayon lang nakapagcomment...nganga namn kasi sched ko hospital gwin bang graveyard shift..ano ako bampira,,,
ReplyDeletepero kuya migs i love the story..kinikilig si ako.. rape scene ulit,,,haha joke...
ayan na ayan na!!! Nagiging close na ulet si Mikee at Dan...waaah panu si Ry.
ReplyDeleteOMG Like I'm so kilig for the progress between Mikee and Danny. And why do I speak like this? So conyotic. Hahaha..
ReplyDeleteSeriously, napangiti ako dito. I used to do that before sa mga friends ko pag nagkakagalit kami.. Those awkward moments.. Ang sweet lang.. But I conclude, conclude ha.. Friendship lang talaga ang kay Mike at Dan. The special feeling will always be there but alam mong hindi na puwede. Hindi na maipipilit. Aw! Migs and Ed lang ching! Peace tayo migs! Hehe
Thanks for backtoback chapters Migs. Don't forget to rest. ;))
hello kuya, joshua toh!!! sorry kung ngayon lng ako nakapag comment, btw bakit parang feeling ko may malaking gagampanan yung babaeng lisa na yun. hindi ko sure ha, pero muhkang may another kontrabida in the making na naman sa storyang to. kase napapansin ko sa mga stories kapag may character na hindi pinangalan or napadaan lang sa isang chapter ay wala na yun. pero iba ang naamoy ko kay lisa. parang may pagkadevilish ang aura.
ReplyDeletepero sana naman kuya wag mo nang dagdagan o patulan o gawing makakatotohan tong mga cunclusions ko. kawawa na masyado si dan eh, balik mo na lang sila dave at yung isa pa. hindi ko tuloy maalala :P
galingan mo palagi kuya, idol kita eh!
- joshua
kuya pwede request, kakapalan ko na tlga muhka ko. bale magpapaalam sana ako kung pwede lng naman na i-post o ilagay ko tong AAO II sa page ko? pwede?
Deletekung hindi pwede okay lang kuya, I understand.
basta abangan ko na lang sagot mo sa next chapter.
salamat kuya :D
- joshua
ancute ng habit ng 2 sa pagsusulat.. :p
ReplyDeletego push for the new position sir!!! break a leg!
im back migs heheeh but not for long..hiram lang ako ng netbook ehh..para mabasa ko ito..hahays sira n nmn kasi ang cpu ko huhuhu..
ReplyDeleteanong ibig sabihin nito..mike and dan loveteam..pls dont.. G R R R...