Against All Odds 2[32]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kunot
noo na pinapanood ni Dan si Mike na bihasang-bihasa at walang
ka-effort effort na nag ja-jump serve. Katulad ng naunang session
nila na basketball ay walang kahirap-hirap na tinapos ni Dan ang
written exam pero katulad din ng nauna nilang session ay tila ba
hirap na hirap si Dan na isa-akto ang mga teorya na kaniyang
napag-aralan. Habang pinagmamasdan niya si Mike sa pagja-jump serve
matapos i-tayo ang net para sa volleyball ay hindi mapigilan ni Dan
ang mamangha.
Tila
isang mananayaw si Mike kung gumalaw. Iisa ang galaw ng buong katawan
nito, lahat ng nakasulat sa libro na binasa ni Dan bago ang klase na
iyon ay tila minaster ni Mike dahil walang ni katiting na mali na
nakita si Dan. Bawat paghakbang ng paa, bawat pag-ikot ng kamay at mi
ultimo ang pag dribol ng bola nito bago ang jump shot ay naaayon din
sa nakasalaysay sa libro.
Naitawid
ng maayos ni Mike ang bola papunta sa kabilang bahagi ng net ng
walang kasabit-sabit, bagay na talaga namang ikinamangha ni Dan at
lubos na ikinakaba nito. Ikinakaba dahil alam niya sa kaniyang sarili
na hindi niya ito magagawa, bagay na hindi naman nakaligtas kay Mike
dahil basang basa nito ang pagaalangan at kaba sa mukha ng huli.
“Don't
worry. I'm not expecting you to do that. Just a normal service will
do.” subok na pagpapagaang ng loob ni Mike kay Dan na minasama
naman ng huli.
Ang
naging dating kasi nito kay Dan ay tila ba minamaliit siya ni Mike.
Na hindi nito kaya ang ganung service. Na mahina siya. Na wala siyang
kwentang tao. Na hindi siya karapatdapat. Muli, hindi ito nakaligtas
kay Mike kaya agad niyang sinundan ang kaniyang unang sinabi.
“I-I
m-mean di naman kailangan jump shot ang gawin mo, Dan---” simula
ulit ni mike pero hindi na ito hinayaan pang makatapos ni Dan dahil
huli na ang pag segunda na ito ni Mike, sinumpa na kasi niya sa
sarili na ipapakita niya kay Mike kung gaano siya ka-karapat-dapat.
Na
hindi siya dapat maliitin dahil ibang-iba na siya sa nakilala nitong
Dan.
Kumuwa
ng bola si Dan at pumuwesto sa lugar kung saan dapat pumuwesto ang
mag-se-serve ng bola sa kabilang kuponan. Umiiling na pinanood ni
Mike si Dan dahil alam niyang na-offend nanaman niya ito dahil sa
kaniyang sinabi base sa masamang tabas ng mukha nito ngayon.
Pinanood
ni Mike si Dan na gawin ang bawat hakbang na nabasa at napag-aralan
nito sa pahina ng volleyball. Pinanood niya ang paghakbang nito
palayo sa linya kung saan legal pa ang pagserbisyo ng bola, pinanood
niya itong ilayo sa sariling katawan ang bola, pinanood niya itong
tumakbo sabay hagis ng bola paitaas at tumalon.
Pinanood
niya si Dan na mawalan ng kuordinasyon. Pinanood niya kung paano
tumama ang bola sa ulo nito, partikular sa mukha at kung paano ito
mabuwal at sumalampak sa sahig.
Nagaalala
at patakbong lumapit si Mike sa puwesto kung saan nakasalampak parin
si Dan. Lumuhod siya malapit sa puwesto nito. Sinubukan niya itong
abutin ngunit nag-alangan siya. Natakot siya na sa oras na dumampi
ang kaniyang balat sa balat nito ay muli itong sumpungin ng anxiety
attacks.
Sinisi
niyang muli ang sarili dahil iniisip niya na dahil sa kaniyang huling
sinabi ay itinulak nanaman niya si Dan na makaramdam ng pangliliit.
Naisip niya na kung hindi niya ito sinabi ay malamang hindi
kinailangan ni Dan na magpakitang gilas at patunayan na may ibubugha
siya, hindi na sana na-aksidente si Dan, hindi na sana ito nasaktan
at hindi na sana siya nag-aalangan ngayon sa pag-aalo at pagpapakita
ng pagaalala.
Hindi
na sana naipamukha sa kaniya na wala na siyang karapatan na mag-alala
dito, na wala na siyang karapatan na aluhin ito, na wala na siyang
karapatan na lumapit dito. Na wala na siyang karapatan dito dahil
hindi na siya nito kaibigan. Na wala na siyang karapatan dito matapos
niya itong saktan ng sobra.
At
ang naiisip na ito ni Mike ang siyang pumapatay sa kaniya ngayon
dahil sa sobrang sakit.
“A-are
y-you OK?” nagaalalang tanong ni Mike kay Dan na hindi parin
tumatayo sa kinasasalampakan nito. Dahil wala man siyang karapatan na
mag-alala dito bilang kaibigan ay may karapatan naman siya na
mag-alala dito bilang guro nito.
Ang
tanong na ito ni Mike ang gumising sobrang pagka-hiya ni Dan. Dahan
dahan niyang ibinaling ang tingin dito at nagulat siya kung gaanong
kabilis nitong nakalapit sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya
ang sobrang pagaalala nito sa mukha at ang tila ba pag-aalangan nito
na aluhin siya.
“Danny,
sabi naman kasi sayo na wag mo ng ipilit eh!” naiinis saka sabay na
nagaalalang saad ni Mike kay Dan habang hinahagod nito ang likod ng
huli.
“Eh
favorite ko yun eh! Saka para malaman mo na makakaubos ako ng isang
bandehado ng carbonara” balik naman ni Dan sa pagitan ng mga
hingal.
“Sus!
Dahil ba di ako tiwala na makakaubos ka ng isang bandehadong
carbonara magpapaka lungad ka maubos lang yung isang bandehado sa
harapan ko?” nangingiting balik ni Mike habang si Dan naman ay
kumakalma na matapos ang pagsusuka. Hindi makapaniwala sa kahihiyan
na ginawa sa loob ng cafeteria dahil lang gusto niyang patunayan kay
Mike na isa ang carbonara sa mga favorite niyang pagkain.
“Dan?”
nagaalalang tawag pansin ulit ni Mike kay Dan ang gumising sa huli
mula sa kaniyang pagbabalik tanaw.
Hindi
mapigilan ni Dan ang mapatawa sa sariling kahihiyan katulad ng
inihatid na nakakatawang kahihiyan ng alaala kung saan nagsuka siya
sa gitna ng cafeteria nung sila'y elementarya pa lang mapatunayan
lang kay Mike ang kaniyang ipinagmamalaki.
Natigilan
si Mike, hindi dahil na-wiwirduhan siya sa ikinikilos ni Dan kundi
dahil sa maikling panahon na iyon ay naramdaman niyang nabuhay muli
ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Dan. Muli rin niyang narinig ang
tawa na gustong gusto niya dahil para sa kaniya ay musika ito sa
kaniyng tainga, nakita niyang muli ang paniningkit ng mata ni Dan
dahil sa sobrang pag-tawa, nakaramdam siya ng pagiging kumportable
muli ni Dan sa kaniyang presensya tulad noong panahon na hindi pa
niya ito nasasaktan, muli siyang nakaramdam ng paggaang ng konsensya
at kalooban.
“I
must've looked stupid.” umiiling na saad ni Dan habang humuhupa ang
tawa na nakapagpangiti na sa wakas kay Mike at bumura sa sobrang
pagaalala nito.
“Actually
I haven't thought of that because I was busy thinking if you're OK or
kung nasaktan ka.” wala sa sariling sinserong sagot ni Mike na
nakapagpatigil kay Dan sa pagtawa at nagkasya na lang sa pag-ngiti,
hindi inaasahan ang sinabing ito ni Mike, pilit na isinasa-isang tabi
ang bumibilis na pagtibok ng puso.
“I
told you to do a simple service. Di naman kailangang jump shot eh
ayan tuloy na aksidente ka pa.” may halo paring pagaalala na saad
ni Mike saka nag-aalangang inabot ang isang kamay upang tulungan si
Dan na tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig.
Walang
halong pagaalinlangan. Walang halong takot. Inabot ni Dan ang kamay
na iyon ni Mike at tumayo na mula sa pagkakasalampak.
Hindi
man sabihin sa isa't isa ay alam ng dalawa na muli ng magiging mabuti
ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
000oo000
“You
look happy.” sita ni Cha kay mike habang nagkukuwento ulit ito
tungkol sa ilang alaala noong mga bata pa sila ni Dan.
“That's
because I'm happy.” nakangiting sagot ni Mike kahit pa pinutol
basta basta ni Cha ang kaniyang pagkukuwento.
“That's
good to hear.” saad ni Cha sabay ngiti.
“I
have a good feeling that everything is going to be OK between Dan and
I.” lakas loob na saad ni Mike.
“I
have no doubt--- but I advise you to slow down. Baka naman mabilisan
sayo masyado si Dan.” makahulugang saad ni Cha na ikinakunot ng noo
ni Mike at ikinabura ng ngiti nito.
“W-what?”
“I
know you like him, Mike. I think you even love him---” simula ni
Cha ngunit pinutol siya ni Mike.
“H-
How---?” simula ni Mike, nagtataka gayong wala naman siyang
sinasabi kay Cha tungkol sa pagiging confused niya sa kaniyang
nararamdaman. Sa mga bagay na kaniyang napagtanto nitong mga
nakaraang linggo.
“How
did I know?” pagtatapos ni Cha sa itatanong sana ni Mike. “Sa
pagku-kwento mo. Naririnig ko at nararamdaman ko ang pagmamahal mo sa
kaniya kahit hindi mo sabihin. Hindi karin maaapektuhan ng ganun nung
nasakatan mo siya, Mike kung kaibigan lang ang tingin mo sa kaniya,
hindi karin maguguluhan at maaapektuhan ng sobra nung magkita ulit
kayo at nang malaman mo na may bago siyang buhay kahit pa malayo
sayo.” makahulugang pagpapatuloy ni Cha na nakapagpatameme lalo kay
Mike.
Saglit
na natulala si Mike. Alam niya ang tinutumbok ni Cha at alam niyang
tama ito.
“What
should I do?” wala sa sarili at parang batang nagaalangan na tanong
ni Mike.
“Just
let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything
will fall in it's place in the right time.”
“What
if he doesn't feel the same way for me anymore?” parang batang
nagaalala muli na tanong ni Mike kay Cha. Lumapit si Cha kay mike at
niyakap ito ng mahigpit.
“You
still have to know for sure.” pag-aalo ni Cha nang sa wakas ay
lumabas na ang totoo nitong nararamdaman sa kabila ng kasiyahan sa
muling paglalapit ng loob nilang dalawang dating magkaibigan.
0000oo0000
“That
was something huh?” tanong ni Mike kay Dan nang makasabay silang
lumabas mula sa classroom nila sa humanities.
Ngumiti
si Dan at tumango bilang sagot sa sinabi ni Mike saka nagpatuloy sa
paglalakad palayo hindi alintana ang pagsunod sa kaniya ni Mike kaya
naman halos mapatalon siya sa gulat nang bigla ulit itong nagsalita.
“Want
to grab a cup of coffee or something?” tanong ni Mike, hindi
alintana ang pagkagulat ni Dan.
Nagtama
ang tingin nila Mike at Dan. Walang mabasa si Dan sa mukha ni Mike
kundi ang pagkakaroon ng pag-asa at si Mike naman ay walang ibang
mabasa sa mukha ni Dan kundi ang pagtataka.
“Just
let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything
will fall in it's place in the right time.”
Umalingawngaw
ang sinabing ito ni Cha sa isip ni Mike. Sumagi sa isip niya na
maaaring minamadali niya nga ang mga bagay-bagay. Na pinupwersa niya
ang muling paglalapit ng loob nila ni Dan gayong nito lang naman ulit
sila naging kumportable sa isa't isa pero hindi niya kasi ito
mapigilan gayong habang tumatagal ay saka lalong napagtatanto ni Mike
ang kaniyang nararamdaman sa dating kaibigan.
“I-if
you---” nagaalangan ng simulang aya ulit ni Mike nang higupin ng
nagtatakang tingin ni Dan ang lakas ng loob ni Mike.
“Just
let things happen. Don't force it. Don't over analyze it. Everything
will fall in it's place in the right time.”
“I'm
sorry. I-I can't---” agad na sagot ni Dan na ikinabagsak ng balikat
ni Mike at ikinabura ng ngiti nito. Hindi ito nakaligtas kay Dan pero
hindi na lang niya ito pinansin. “---I have to work tonight.”
pagtatapos ni Dan na ikinatango na lang ni Mike habang pilit na
naglalagay ng ngiti sa mukha atsaka tumalikod at naglakad palayo.
Bagay
na hindi na mapapalagpas ni Dan dahil ang tingin na iyon ni Mike ay
tila ba isang palad na pumipiga sa kaniyang puso.
“Mike---”
wala sa sariling tawag ni Dan kay Mike na bagsak balikat na naglalakd
palayo, hindi makapaniwala sa kaniyang susunod na sasabihin.
“---next
time, OK? I would love to grab coffee and hang out with you next
time.” saad ni Dan na nagplaster muli ng isang matamis na ngiti sa
mukha ni Mike saka tumango.
Agad
na tumalikod si Dan matapos ngitian si Mike at naglakad palayo. Hindi
niya alam kung tama ba ang kaniyang ginawa pero kung ang
pagbabase-han ay ang tila ba lalong pag gaang ng kaniyang loob ay
masasabi niyang maaaring tama ang kaniyang ginawa.
0000oo0000
Pinapanood
ni Jase si Dan habang nakangiti nitong sinamahan ang ilan sa mga
huling customer nila palabas ng restaurant. Nahihiya parin siya
magpasa hanggang ngayon dahil sa patuloy niyang hinihiling ang
nalalapit na pagbagsak ni Dan katulad ng pagbagsak ni Aaron noon para
lamang maipamukha dito na hindi lahat ng bagay ay dapat idinadaan sa
positibong paraan. Nahihiya siya dahil alam niyang hindi niya dapat
iyon hinihiling upang maiparating lang ang kaniyang ipinupunto kay
Dan at isuplong lahat ng gumago sa kaniya.
“You're
still waiting for him to get hurt again, aren't you?” tanong ng
lalaking kinakasama ni Jase sa likod nito na hindi na ikinagulat ng
huli. Sa ilang taong pagsasama ay kilalang kilala na siya nito.
“It's
just unfair for him to hope for the best when we all know that he's
going to get hurt no matter how optimistic he is. Look what happened
to Aaron---” simula ni Jase habang pinapanood parin ang abalang
abala na si Dan sa pagliligpit ng pinagkainan ng kanilang mga
customer.
“Nakakalimutan
mo nanaman na sila Aaron at Dan ay makaibang tao, Jase. Na hindi
porke nangyari ang nangyari kay Aaron ay mangyayari din yun kay Dan.
And please don't be scared for Dan, like Aaron, Dan is doing what he
feel is right, there's also nothing wrong with being optimistic.
Sometimes, broken people doesn't have anything to hold onto but
optimism so please, please, don't take that away from Dan.”
makahulugang pagpapaintindi ng lalaki kay Jase sabay talikod at
naglakad palayo. Iniwan si Jase sa malalim nitong pag-iisip.
Dahil
sa malalim na pag-iisip ay hindi napansin ni Jase ang papalapit na si
Dan, kaya naman hindi siya agad nakaiwas dito nang makalapit ito sa
kaniyang kinatatayuan.
“I'm
sorry.” wala sa sariling saad ni Jase kay Dan nang mapatapat ito sa
kaniyang kinatatayan, bagay na ikinatigil ng huli sa paglalakad
papasok ng kusina.
“It
was nothing. I still don't understand why you acted that way,
though.” tila naguguluhang sagot ni Dan saka ipinagpatuloy ang
paglalakad papasok ng kusina kasunod si Jase.
“You
remind me of someone--- anyway it's just that I couldn't understand
why you wouldn't tell the police about what happened---” umiiling
na sagot ni Jase na ikinatigil ulit ni Dan sa kaniyang ginagawa.
“Oh--”
ang tanging nasabi ni Dan.
“Pero
believe me, I'm trying to understand.” pampapalubag loob na saad ni
Jase kay Dan na ikinatango-tango na lang ng huli.
Binalot
ng katahimikan ang dalawa. Parehong malalim ang iniisip at nang hindi
na matagalan pa ni Jase ang katahimikan ay siya na mismo ang bumasag
nito.
“So,
how's everything going?” tanong ni Jase kay Dan mabura lang ang
nangangapal na pagaalangan sa paligid nila.
“Everything
is great.” sagot ni Dan.
“Is
this guy still giving you a hard time?” tanong ulit ni Jase,
iniisip na unti-unting nagiging kumportable ulit ang paligid.
“Actually,
OK naman lahat pati siya. I thought having him around would be the
end of me but nothing bad happened so far. He's helping me with my
back subjects para makapag OJT na ako sa hospital and he's been
nothing but a pleasant classmate in humanities.” tuloy tuloy na
pagku-kuwento ni Dan na ikinabahala naman ni Jase.
Muli
nanaman niya kasing naihambing si Dan kay Aaron. Masyadong
mapagpatawad. Masyadong mapag-bigay. Masyadong mabait. Masyadong
mapagtiwala. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Jase
at pilit na pinakalma ang sarili. Pilit na isinasaisip at isinasapuso
ang kasasabi sabi lamang na pangaral sa kaniya ng kaniyang nobyo pero
hindi parin niya napigilan ang sarili na kwestyunin ang madaliang
pagpapatawad na ito ni Dan.
“How
can you trust him that easily?” tanong ni Jase kay Dan na
ikinabuntong hininga naman ng huli.
“I
wish ever body would just believe me that Mike is not going to hurt
me again because I'm not going to let him and that I don't trust him.
I'm doing this for myself not for him and absolutely not for me to
get hurt.” umiinit narin na balik ni Dan na ikinatameme ni Jase.
Isa
nanamang bagay ito ng malaking pagkakahalintulad ni Aaron at Dan para
kay Jase kaya naman lalo niyang hindi mapigilang isipin na hindi
magtatagal ay muli nanaman itong masasaktan. Hindi ba't sinabi rin ni
Aaron noon na hindi niya hahayaan na saktan siya ni Nathan pero
nangyari parin ito ng paulit-ulit.
Gusto
ni Jase na maiba ang kwento ni Dan mula kay Aaron kahit ano pang sabi
ng kaniyang nobyo na magkaiba ang dalawa ay hindi parin maitatanggi
ni Jase ang pagkakapareho ng mga ito. Hindi niya magagawang hayaan na
masaktan ulit si Dan. Hindi niya makakayang isang buhay nanaman ang
masisira sa kaniyang harapan dahil pinabayaan nanaman niya itong
mangyari.
“You
need to stop thinking that I can't fight. That I can't protect
myself.” lakas loob na saad ni Dan na ikinatameme parin ni Jase.
“J-just
please be careful. You're like a brother to me, Dan. I don't want to
see you get hurt.” saad ni Jase.
Itutuloy...
Against All Odds 2[32] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteMalapit ng matapos ang season na ito!
Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!
#formorechaptersandit'sseasonthree
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Dee: Nope, AAO is a work of fiction. :-)
robert mendoza: paki-abangan na lang sa mga susunod na chapter kung ano ang mangyayari kay Ry. :-)
lawfer: salamat sa iyong pagintindi sa aking pagiging busy! :-P
frostking: let's see kung magiging kontrabida si Ryan. :-) and let's see if AAO is all about sad endings! :-)
Pink 5ive: thanks! :-)
Ryge Stan: intayin natin kung sino ang magiging mga panira.
ANDY: ano ang kutob mo? Haha!
Marven cursat: tignan po natin kung masasagot ng mga susunod na kabanata ang inyong mga katanungan.
Love Doctor: baka po masabi sa mga susunod na kabanata kung kailan na-inlove si Mike kay Dan. :-P
Riley: intayin natin ang magiging reaksyon ni Ryan sa mga susunod na kabanata! :-P
WaydeeJanYokio: tignan natin kung tama ang napanaginipan mo ;)
Roan: good thing napapakilig ko pa kayo? Haha!
Lyron Batara: yup, medyo matagal pa talaga kasi ngayon pa lang matatapos ang season two. Hehe.
Therese: yup. Tuloy tuloy ang moments nila hanggang matapos ang season two. :-)
gavi: haha! Bakit ano ba ang dating ng Dan-Ryan tandem?
Makki: haha! Feeling ko nga kumukupas na eh. Ahahaha!
Teresa: ngayon lang ulit kita nakita dito ah! Welcome back!
AR: tignan natin ang magiging role ni Lisa sa buhay ng dalawang magkaibigan. :-) malay mo naman she's not the bitch that you think.
Seph: walang aaway sayo dito. Haha! :-P
Edmond: biglang kabig? Hahahaha! Thanks!
Jonas mejia: haha! Rape scene talaga? :-D
foxriver: abangan kung paano mangyayari kay Ry. :--D
Johnny Quest: this time I'm going to be a spoiler and say that you are WRONG. Haha! :-P
joshua: you are stereotyping naman Lisa. Hahahaha! Wait and see kung anong role ni Lisa dito sa AAO. Malay mo isa siya sa mga characters na nakita mo na from my previous stories. Hehe. Ang yes you can post this on your page. :-)
akosichristian: did I tell you guys about the position they're giving me? Haha! Sorry short term memory loss lang. Haha! Thanks!
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
oww i see....... That makes me more interesting sa mga stories mo.
Deletepero worried padin ako kay Dan. :) ..
>> Dee
PS: Ryan is PERFECT for DAN. Enjoy your Holy-week Migs :)
Delete>>Dee.
Way to go daddy idol. Ikaw na lang nakakagawa ng ganito. Marami diyan ang gumagaya sa style mo but still may kakaibang magic on your writing style. Hindi man ako madalas mag-comment but I'm reading your updates. I know your a busy guy, so busy and naa-appreciate ko na nakakapag-update ka pa din. Thanks daddy. I love you!
ReplyDeletehula ko si dan at ryan pa rin...hahaha..rape scene..rape scene
ReplyDeleteJonas Mejia
"Sometimes, broken people doesn't have anything to hold onto but optimism..."
ReplyDeleteI can relate! Straight from the heart!
Great chapter migs! :-)
Hala marami ngang similarities cna aaron at dan hehehe...
ReplyDeletemukhang palapit na ang iyakan scene ah! para kang LEVI's na pantalon kahit kumukupas na eh sinusuot parin! WALANG KUPAS! IDOL!
ReplyDeleteSige kuya aabangan ko yan... Si Rob nga ba ung mystery bf ni Jase? :)
ReplyDeleteYung totoo?ang daming pwedeng maging fb status sa chapter na to Migs.Lol
ReplyDeletePero ang totoo,gusto ko na ulit si Mike para kay Dan.hihi
As for Jase,naiintindihan ko yung pag aalala nya for Dan dahil nga sa nagyari kay Aaron,but i hope he could put more trust on Dan..nagagawa na ni Dan na mag move on so sana si Jase or even Ryan and Bryan,maintindihan nila si Dan..coz I think,Dan is brave..he is trying his best para maging ok sya..na makapag move on na sya..and he really deserve to be happy. :))
Thanks sa update Migs..take care always. :))
enjoy sa holy week mo kuya migs ah.. ingatz palage :)
ReplyDeleteOk, kuya migz.. I hold my questions, and I'll wait nalang sa story line moh :)
Deletewag naman sana.. pero may redundancy ba uli nang scene for the next chapter?? mukhang too much ang pag aalala ni jase eh.. although Aaron and Dan are having both similarities, talaga.. right after ba ma gain uli ni mikee ang trust ni Danny boy ay unconsciously ma hurt nia uli si dan? Owww may gulay.. and I guess si Rob ang boyfie ni Jase, right after ihabilin ni Aaron ito sa beach.. hehehe.. well I cant wait for the next chapter :)
Ingatz uli Kuya Migz... :)
Hmmmmmm i really like Ryan's character, sweet and caring....kaso parang may mali...i don't know..para bang magbebreak down sya any moment. Hahaha topak lang, gnun.. :D para kasing destined sila mike and dan...iba talaga ang chemistry. Tapos si melvin pa, don't forget that he's still in the picture! Ugh!
ReplyDelete-gavi :)
Huma-hashtag ka kuya migs ah. Ung totoo ng t-twiter ka noh? Haha loko lang. :P
ReplyDeleteTo mike: fyi's mike haha cha claimed that she's the saints of all beki's kaya alam nya yan. Wala kang malilihim sa knya. Haha :D
~WaydeeJanYokio
Ngapala kuya speaking of twiter, twinit ko'to kagabi. Haha dontwory linagyn ko naman ng citation bka kasuhan mo ako sa pag Plagiarize ng lines mo haha.
Delete"Just let things happen. Don't force it.
Don't over analyze it. Everything will fall
in it's place in the right time." ~~AAO2/
CHAPTER32/MSBS
~WaydeeJanYokio
c:
am gonna wait for Ryan's thoughts and emotions towards this 'reunion' of sort of Dan and Mike. Am gonna watcha baby!
ReplyDeletei always read your update its just that i feel lazy to leave comments each update,...i'm using my phone to access the blog but not so high end phone to have a fast connection like others,thats why i feel lazy of waiting the connection allow my comment to settle in to the page...but i still love my phone no matter what haahaha that's why,...i never leave, i just switch to a silent reader haheheh :)
ReplyDeletehopefully may aabangan ako lagi hanggang makauwi ako uli ng 'pinas! Galing mo talaga! Inaabangan ko rin yung 'chasing pavements' mo. :)
ReplyDeleteso far so smooth, peo dpa dpat makampante. malau pa ang pglalakbay at d mlabong my mga darating pang lubak. i jst hope dan’s strong enough to endure
ReplyDeletenice update ginoong migoy :))
na-ah, training officer..?? :p anyway, kinakabahan ako for ryan, for a moment there bigla xa na nawala sa eksena.. :p
ReplyDeletehi migs its nice to see an update to dan's story hehehe. I'm glad that mike and dan is doing great pero i'm worried that if dan would open up para sa kanila ni mike ay masaktan siya ulet. I hope not, my I ask what happen to ryan and bryan? bigla kasing nawala sila sa scene and I hope hindi sila maging panira next chapter migs.
ReplyDeletehave a blessed week and keep safe...
senxa na migs...busibusihan kase graduating eh..
ReplyDeletenaku senxa na migs..busibusihan sa school eh..anyway highway feeling ko tuloy tuloy nating mikee danny na to forever tsaka feeling ko si ryan ang pinakakontrabida napaka violente nya kaya tapos para mejo obsess pa xa kay dan tapos feeling ko si melvin pa ang tutulong kay dan pagkanilaglag na xa ni ryan..malay natin baka binabantayan ni ryan di dan oras oras tapos na puno na xa sa mga swit moments ni danny at mikee tapos un nabaliw na sa selos si ryan lol
ReplyDeleteMIKEE AND DANNY POREBER
Love u miggs ingat and have blessed holiday
-therese
thanks kuya sa pagpayag mo hehehe
ReplyDeletewell I agree sa mga ibang comment na mababaliw o di kaya ay ma oobsess siya kay Dan, basta ganun ang peg ni ryan. but I still like him for dan at sana "MALI" ang comment namin about that matter.
about lisa naman, siya ba yung ni request ko na isa pang character na mabait at may malaking role sa buhay ni dan?
anyway, salamat talaga kuya sa pagpayag mo. paulit ulit lng noh at talagang may sakit pa ako ngayon sa pagbabasa nito.
- JOSHUA
Author Migs!
ReplyDeletenet name ko hahaha
hmmm so may role si lisa, well I hope so, aping api na si Dan.
I do have this feeling na may mangyayari, ayoko muna mag give comment haha
Tulad ng iba, worried din ako kay ryan, wag sana maging enemylover si Ryan ok na sila Dave and friends...I hope wag siya magin mala-nathan ang dating both speaking sa AAO at walang hanggan chos! haha
And again the qoute there's a right time for everything, and aside from that yung ibang words na nakakamove ng feelings haha..talagang winner na winner mga quotations mo :D Love it;)
-aR
OMG! Waaa.. Naman Migs ih.. Babalik ang feelings ni Dan kay Mike. Paano na si fafa Ryan? Kalokooo.. Basta ang daming quotable quote dito sa chap na ito. Ang dame kong nascreenshot na line at ipopost sa fb :pp
ReplyDeleteThanks Migs. :)
Kutob ko kuya na baka magkagusto ulit si dan kay mike!!! At ayoko yun!!! Friends na lang sana sila!!! Ryan-Dan lang!! Hehe!
ReplyDeleteKinakabahan ako jan kay Jase na yan. Sana lang tlaga iba ito sa Book 1. Sana happy na to.. Ayoko na masaktan. LOL!!