Against All Odds 2[29]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Malalim
ang iniisip ni Cha habang pinapanood niya ang nakahiga at malungkot
na malungkot na si Mike. Oras nanaman para sa isa nilang session at
hindi niya mapigilan ang maawa kay Mike. Ayon kasi sa mga ikinuwento
nito ay malapit talaga silang magkaibigan ni Dan at gagawin niya ang
lahat makuwa lamang ulit ang pagkakaibigan nito pero ngayon, nang
sundin nito ang kaniyang payo na magpakalalaki at gumawa ng paraan
upang magka-ayos muli sila ay hindi na niya alam pa ang susunod na
gagawin.
Maaaring
takbuhan siya ng mga may mabibigat na problema katulad ni Mike pero
hindi naman lahat ng kaniyang naiisip na paraan upang makatulong ay
palaging tama. Alam niya din at napatunayan na niya na kapag tadhana
na ang nangi-ngielam katulad ng nangyayari ngayon kila Mike, madalas
ang kaniyang mga payo ay balewala lamang.
“What
should I do, Cha?” parang batang naiiyak na tanong ni Mike kay Cha
na marahan lang na umiling.
“I
think you should give it time, Mike at kung hindi parin naayos lahat
sa pagitan niyong dalawa then I think you should move on and stop
killing yourself from guilt, because obviously Dan has moved on
already and seems to have forgotten what happened between you guys.”
marahan na balik ni Cha na nagtulak sa ilang luha ni Mike na tumulo.
Hindi
matanggap na humantong na sila ni Dan sa paglimot sa ilang taong
pagkakaibigan. Bagay na para sa kaniya ay tila ba hindi niya magagawa
sapagkat si Dan lang ang tanging totoong kaibigan na nagkaroon siya.
000oo000
Matapos
ang ilang linggo ay madalas paring natutulala si Mike. Tila ba ginawa
niyang hobby ang pagtitig sa mga bola na pinapaayos sa kaniya ng
coach habang ang ibang kasamahan niya sa trabaho ay nililinis ang
kabuuan ng gym. Hindi parin niya magawang tanggapin ang katotohanan
na nawala na talaga sa kaniya ang kaibigan na si Dan, na dapat na
niyang kalimutan ang kanilang pinagsamahan, na magkakasya na lang
siya sa pagtingin dito at paglagpas sa tuwing magkakasalubong sila sa
unibersidad na iyon na parang hindi nagkakilala.
Asa
ganito siyang pag-iisip ng biglang may magsalita sa kaniyang likuran.
“Dude,
coach gave you a new assignment.” saad ng tila ba bored na bored na
si Randy sabay talikod maski hindi pa sumasagot si Mike na dahan
dahan, tamad na tamad ding humarap sa pinaggalingan ng boses ni
Randy.
Alam
ni Mike ang ibig sabihin ng sinabi ni Randy na “assignment”
ito
yung mga tamad na estudyante na bumagsak sa kanilang subject na
Physical Education noong freshman pa lang sila dahil sa mga absent at
ngayon ay gagawin ang lahat makakuwa lang ng clearance o maipasa lang
ang subject na iyon upang hindi maging irregular at mahuli sa
graduation.
At
dahil may sa tamad din ang coach na madalas professor din ng
nakararami sa P.E. ay ipinauubaya niya rin ang trabahong ito sa
kaniyang mga student assistant basta ba't masunod at magawa rin nito
ang mga practical na alinsunod sa kanilang curriculum. At dahil
madalas ay nag-iinarte ang mga estudyante na ito lalo pa't nalaman
nilang kapwa estudyante lang din naman nila ang mag-gre-grade sa
kanila ay ikinaiinis at ikinatatamad din ito ng mga student
assistants katulad nila Mike at Randy.
Pero
iba ang pagkakataon na ito. Nang ganap nang makaharap si Mike mula sa
pinanggalingan ng boses kanina ni Randy ay agad na nanlaki ang
kaniyang mga mata. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nagtense ang
kaniyang buong katawan at bumabaw ang kaniyang paghinga.
Dahan-dahan
ding nagtaas ng tingin si Dan at tulad ng inaasahan ni Mike ay
unti-unting bumakas sa mukha ni Dan ang gulat, takot at sakit kaya
naman agad na lang na iniwas ni Mike ang kaniyang tingin kesa tignan
ang mga takot at sakit sa mga mata na iyon ni Dan.
“I-I'm
sorry. I will ask Randy to assign you to a d-different student
assistant.” marahan na saad ni Mike nang maisip na hindi na niya
kaya pang tignan ang reaksyon na iyon ni Dan, tama lang ang lakas
upang marinig ni Dan ang kaniyang sinabi ngunit hindi ang sakit sa
tono nito.
Tila
naman may kumurot sa puso ni Dan sa agad na pag-iwas na ito ni Mike.
Hindi niya kasi akalain na makakaharap niya muli si Mike matapos ang
nangyari sa bahay ampunan. Sariwa pa sa kaniya ang mga sinabi nito.
Ang kaniyang mga naramdaman. Ang sakit sa mga bawat salitang binigkas
nito. Pero sa kabila nito ay sinabi niya parin sa kaniyang sarili na
mas mabuti na sigurong magkalayo na lang silang dalawa, para makaiwas
narin na sa mga bagay at alaala na magdudulot sa kaniya ng sakit.
“W-wait.”
wala sa sariling pigil ni Dan kay Mike. Nais na niyang kalimutan ang
lahat. Gusto na niyang kalimutan na naging magkaibigan sila. Gusto na
niyang kalimutan ang pantratraydor nito. Gusto na niyang kalimutan
ang nangyari noong gabing iyon. Pero sa lahat ng gusto niyang ito ay
tila ba nabale wala dahil hindi niya parin maatim ang sakit na
kaniyang nasulyapan sa mga mata ni Mike nang dumaan ito sa kaniyang
harapan.
Nanlaki
ang mga mata ni Mike at agad siyang napatigil nang marinig ang
sinabing iyon ni Dan. Sa unang pagkakataon ay wala na siyang narinig
na sakit, galit at takot sa boses ni Dan tulad ng mga pagkakataon na
nagmamakaawa ito sa tuwing makikita siya. Dahan dahan siyang humarap.
Nakita niya si Dan na nakayuko at tila ba nag-aalangan sa kaniyang
gagawin. Tila ba nagiisip ng malalim kung tama ba o mali ito.
“I-I---”
simula ni Dan. “I just want this to be over with. I-I need to pass
this subject so I can go on with my OJT's.” nauutal pero malamig na
saad ni Dan. Hindi naman ito inintindi ni Mike. Ayos lang sa kaniya
na malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Dan kumpara naman sa
nagtatatakbo ito palayo sa kaniya o yung nilalagpas-lagpasan na
parang hindi kakilala.
000oo000
Hindi
mapigilan ni Mike ang sarili na mapangiti lalo pa nang makita niyang
tumango si Dan nang ayain niya ito sa conference room ng gym na iyon
para pag-usapan ang magiging set up ng pagkukumpleto ni Dan sa mga
requirements sa subject na iyon. Ang magandang ngiti na iyon ni Mike
ay hindi nakaligtas kay Dan.
Noon
niya lang ulit nakita ang ngiti na iyon at sa hindi maipaliwanag na
dahilan ay tila ba nabawasan ng ngiting iyon ang kaniyang
pag-aalangan. Ang ngiting iyon ay hindi nagtulak sa kaniya na matakot
katulad sa tuwing makakakita siya ng ngiti mula sa ibang tao sa halip
ay nagtulak ito ng ilang masasayang alaala mula sa kaniyang
pagkabata.
“Aray
ko! Bakit mo ginawa yun?!” sigaw ng siga matapos siyang batukan ni
Mike.
“Kasi
inaaway mo si Danny!” balik naman ng nakapama-ewang na si Mike.
“Eh
bakit naman kung inaaway ko siya?!” pagmamatigas ng siga saka
pumaewang din tulad ni Mike.
“Best
friend ko siya at kung sino man ang umaway sa kaniya ay aawayin ko!
Magsorry ka kay Danny! Nagyon din!” sigaw na utos ni Mike sa siga
na agad namang lumapit kay Dan na umiiyak sa isang tabi ng play
ground na kanilang madalas paglaruan.
Nang
makalapit ang siga ay hindi alam ni Dan kung ipagpapatuloy niya ba
ang pag-iyak dahil sa takot niya sa lumalapit na siga, nagbato siya
ng nagaalangang tingin kay Mike na nakapamewang parin sa hindi
kalayuan at tila ba pinipigilan ang sarili na mapangiti pero ang
pagpipigil na iyon ni Mike ay tuluyang nabigo nang makita niya ang
mangiyakngiyak na siga na humihingi ng tawad kay Dan at nang makita
niya rin ang manghang-mangha na si Dan.
Ang
mga ngiting iyon ni Mike ang nagdulot din kay Dan na mapangiti.
Ang
mga ngiting iyon ang naaalala ngayon ni Dan habang sinusundan niya
ang nakangiti paring si Mike papasok ng conference room. Ang mga
ngiting iyon ang muling nagtulak sa kaniya na wala sa sarili muling
hilingin na sana ay hindi na sila umalis pa sa panahon na iyon,
panahon kung kailan walang masasamang alaala na nagbubuklod sa
kanila, panahon kung saan simpleng ngiti lang ang kailangan nila mula
sa isa't isa at mapapawi na ang lahat ng kanilang masamang loob.
000ooo000
Hindi
alam ni Mike ang kaniyang unang gagawin, hindi dahil sa bago siya sa
trabaho, ang totoo niyan ay hindi lang naman si Dan ang ibinigay sa
kaniyang estudyante nila Randy, pangatlo na ito kaya naman alam na ni
Mike ang dapat gawin pero iba ngayon. Tila ba nabura lahat ng
kaniyang binuong sistema sa pagtuturo, mi ultimo ball pen na kaniyang
gustong gustong gamitin sa tuwing isusulat niya ang registration form
number ng studyante sa logbook ay hindi na niya nakita kahit pa alam
niyang dun niya lang din ito iniwan.
Ang
tila ba pagka-aburido na ito ni Mike ay hindi nakaligtas kay Dan.
Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung handa na ba talaga sila ni
Mike na maging malapit kagaya ngayon. Oo't, hindi nga sila
magkaibigan pero kaya na ba nilang maki-ayon? Kaya na ba nilang
i-isang tabi ang konsensya, takot, sakit at galit?
“I-I'm
sorry.” simula ulit ni Mike. Hindi mapigilan ni Dan na isipin na,
ngayon, ito na ang madalas sabihin sa kaniya ni Mike hindi tulad
noong mga bata pa lang sila na “nagugutom na ako---” ang
tanging lumalabas sa bibig nito. Hindi mapigilan ni Dan ang
malungkot, dahil tila ito na lang ang sasabihin sa kaniya ni Mike
hanggang sa hindi na muli sila magkita.
Namula
ang pisngi ni Mike nang mapansin niya ang hindi sinasadyang pagtitig
sa kaniya ni Dan dahil sa sobrang pag-iisip. Iniisip ni Mike na
hanggang ganito na lang siguro sila. Tanging isang tagaturo at
nangangailangang estudyante na lang ang magiging turingan nila.
“It's
OK.” tanging saad ni Dan na hindi ito nauutal. Sa unang
pagkakataon, matapos ang mangyari noong gabing iyon ay narinig na ni
Mike si Dan na magsalita na walang halong galit o takot sa boses
nito. Purong pagiging kumportable ang narinig niya sa sinabing ito ni
Dan.
Bagay
na nagtulak sa kaniya na ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa at
nagtulak din sa kaniya na mabuhayan ng loob.
Na
magkaroon ng pag-asa.
“So—uhmm---
here's the logbook. Can you please write your name there and your
student number.” marahang request ni Mike kay Dan sabay turo sa mga
susulatan nito. Inabot ni Dan ang logbook at nagsimula ng magsulat.
Hindi
napansin ni Mike na tintitigan na pala niya si Dan. Ang bawat
pagkumpas ng kamay nito habang nagsusulat, ang paghilig ng ulo nito
sa kaliwa na tila ba nagbibigay dito ng kumportableng pusisyon habang
nagsusulat at ang pasimple nitong pagkagat sa dila habang iginuguhit
ang bawat letra ng pangalan nito.
“You're
weird.” humahagikgik na saad ng anim na taong gulang na si Mike
sabay turo kay Dan na agad nagtaas ng tingin mula sa sinusulatan
nitong notebook at nangunot ang noo dahil sa sinabing ito ni Mike.
“Mikee,
you're being mean to me again. It's not nice to call people, weird,
you know.” seryosong saad ni Dan kay Mike na agad binura ang
kaniyang ngiti sa mukha at tinernuhan ang seryosong mukha ni Dan.
“I-I'm
sorry, Danny. It's just that you look silly when you write. Didn't
you know you're biting your tongue while writing?” sunod sunod na
saad ni Mike upang makapagpaliwanag.
“I
do?” naaalarmang tanong ni Dan sabay nalungkot.
Hindi
mapigilan ni Mike ang mapangiti lalo sa naalala habang patuloy parin
sa pagtingin kay Dan na nagsusulat parin sa logbook. Nang mapagtanto
ni Mike kung ano ang kaniyang ginagawa ay agad na ginising ni Mike
ang sarili mula sa malalim na iniisip at naisipan na lang na magbukas
ng mapaguusapan nilang dalawa ni Dan upang hindi sila pareho mabingi
sa katahimikan.
“Bakit
hindi mo natapos yung PE mo last school year?” tanong ni Mike kay
Dan. Hindi pa man nagtatagal ng isang segundo ang tanong niyang ito
ay agad na napayuko sa hiya si Mike.
“Feeling
close ata ako.” saad ni Mike
sa sarili. Lalo pa siyang nahiya nang tumagal pa ng saglit ng hindi
sumasagot si Dan.
Napatigil
si Dan sa sinusulat at tumingin sa tila nahihiya at nakayukong si
Mike. Nangunot ulit ang noo niya.
“Dahil
ayaw akong tantanan ng takot at paranoya sa tuwing napapaligiran at
pinagtitinginan ako ng mga tao, lalong lalo nang ayaw ko na sa tuwing
may practical na sa contact sports. Pakiramdam ko may gagawin silang
masama sakin katulad nung ginawa niyo sakin. Ayaw ko ng kinukuyog ako
para makuwa ang bola. Pakiramdam ko kinukuyog nila ako para patayin.
Yan ay dahil sa lahat ng kababuyan na ginawa niyo sakin.” kating
kating gustong sabihin ni Dan kay Mike pero pinigilan niya ang
sarili, ayaw na niya itong sumbatan, ayaw na niya itong konsensyahin.
Ayaw na niya itong masaktan.
Kung
totoo man ang sinabi nito noon habang asa bahay ampunan sila ay alam
niyang hindi rin ito lahat naging madali kay Mike lalo na ang
pango-ngonsensya nito sa sarili at dahil ayaw na rin ni Dan na
bumalik pa lahat ng sakit ng mga nangyari ay agad narin niyang
sinagot ang tanong nito para hindi ito mag-isip na hanggang ngayon ay
namumunghi parin siya dito.
“I-I
d-don't have t-time back then. I w-was juggling with work, second
work and school time.” palusot ni Dan ngunit hindi nakaligtas ang
takot sa boses ni Dan kay Mike na agad nag-isip na nagsisinungaling
ito. Takot, sakit at galit sa sinabing ito. Hindi napigilan ni Mike
ang malungkot lalo pa't mabasa niya ang nasa isip ni Dan, na marahil
siya nanaman at ang ginawa nila noon dito ang natulak dito na umiwas
sa mga bagay na nakakapagpaalala kay Dan ng sakit.
“I'm
sorry---” wala sa sariling saad ni Mike nang maramdaman ang sakit
mula sa mga sinabi ni Dan kahit pa hindi siya sigurado na siya ang
nagdulot ng sakit nito. Nagtaas ng tingin si Dan at nagsalubong ang
tingin nila ni Mike.
Noon
lang ulit sila nagkatitigan matapos ang mahabang panahon. Hindi
mapigilan ni Mike ang sarili na mapansin ang lalong pag amo ng mukha
ni Dan, kung pano lalong naging lumamlam ang mga mata nito, kung
panong lalong naging maganda ang kulay ng mga mata nito, kung panong
lalong naging determinado ang tingin nito, kung pano lalong naging
matatag ang ere nito.
Bagay
na nagtulak kay Mike upang lalong kabahan sa hindi niya maipaliwanag
na dahilan.
Tila
may isang malaking tao ang umupo sa dibdib niya. Hindi niya alam kung
bakit hindi niya magawang i-iwas ang tingin sa mga magagandang mata
ni Mike. Sa kaniyang palagay ay mas bumagay kay Mike ang pag-mature
ng itsura nito. Ang nararamdaman na ito ni Dan sa kaniyang dibdib ay
pamilyar sa kaniya pero ibang-iba ito sa kaniyang mga nararamdaman
nitong mga nakalipas nilang pagkikita ni Mike na puro takot at galit.
Sa
unang pagkakaton. Matapos ang nangyari sa kanilang pagitan ay muling
nakita ni Dan ang kaniyang kababatang sa mga emosyon na ipinapakita
na iyon ni Mike sa kanilang pagtititigan.
“I'm
done.” saad na lang ni Dan upang maputol na ang kanilang
pagtititigan at mabura na ang nangangapal na hindi maipaliwanag na
emosyon sa kanilang paligid. Ang sinabi ding ito ni Dan ang siyang
gumising din kay Mike.
“Oh---Uhmmm---so--- so” simula ni Mike habang tila may hinahanap sa mga files at papel na nakalatag sa kaniyang harapan. “--- W-we're going to cover basketball next meeting first and then I'll tell you what sport will be next after we had your practical.” mabilis na pagpapatuloy ni Mike nang siya ay makabawi.
“So
basically we'll just do everything in the manual, give me exams both
written and practical and I'm done?” mabilis na tanong ni Dan na
ang naging dating naman kay Mike ay iba. Tila ba may nagsabi kay Mike
na ginagawa lang ito ni Dan dahil wala siyang choice. Bumagsak ang
mukha ni Mike, umasa kasi siya na muling mabubuo ang kanilang
pagkakaibigan ni Dan pero ngayon na natauhan na siya, nang maalala
niya na hindi nga pala iyon ang pakay ni Dan kundi ang mairaos lang
ang back subject na iyon ay tila may sumampal sa kaniya ng dalawang
beses.
Umasa
siya. Yun dapat ang hindi niya ginawa. Agad na bumawi si Mike at
umarte na tulad ng isang propesyonal na instructor.
“Yes.”
malungkot na pagkukumpirma ni Mike na hindi napansin ni Dan na abala
sa pag-tango. Tila ba muli siyang bumalik nung araw na pinasaringan
niya si Dan noong high school sila, nang siya naman ang talikuran
nito.
“Danny,
bakit ngayon ka lang? Bakit ka naglakad? Sana nag trike ka nalang,
timo yan, basang basa ka tuloy.”
“It's
Dan. Not Danny.”
“Danny,
wag ka namang ganyan. Look, I'm sorry for being such an asshole for
the last three years---”
“It's
three years, four months and fifty four days.”
“What?”
“It's
been three years, four months and fifty four days since you dropped
me as your best friend.”
“Danny,
I'm sorr---”
“It's
Dan, not Danny.”
Pakiramdam
ni Mike ay muli siyang binabalewala ni Dan katulad ng kaniyang alaala
na iyon ang kaibahan lang ay tila ba mas dinoble doble ngayon ang
sakit na kaniyang nararamdaman. Alam niyang wala siyang magagawa kung
ito man ang gustuhin ni Dan dahil siya naman ang may kasalanan ng
lahat.
Muling
iginawi ni Mike ang tingin kay Dan, batid niya na muli itong
nag-iisip ng malalim. Naalala niya noong bata pa sila sa tuwing
makikta niyang nag-iisip ng malalim si Dan ay hindi niya napipigilan
ang sarili na tumitig sa maamong mukha nito katulad ng ginagawa niya
ngayon.
Tulad
din noon ay hindi parin napigilan ni Mike na humiling na sana ay may
kakayahan siyang bumasa ng isip. Gusto niyang malaman kung ano
marahil ang gumugulo kay Dan, gusto niyang malaman kung makakatulong
ba siya, gusto niyang malaman kung siya ba ang nagdudulot ng
pag-iisip nito ng malalim.
Maraming
gustong malaman si Mike patungkol kay Dan na alam niyang ang
kakayahan lang sa pagbabasa ng isip ang makakasagot lahat ng gusto
niyang malaman na iyon at isa sa mga gusto niyang malaman ay kung
mapapatawad pa ba siya nito, kung totoong hanggang sa ganito na lang
sila, isang simpleng mag-kamag aral, hindi magkaibigan, kung
pagakatapos ba ng pagtatapos ni Dan sa subject na iyon ay babalik na
muli sila sa hindi pag-uusap, kung wala na silang pag-asa na
magka-ayos ulit.
Nagising
si Mike sa malalim na pag-iisip nito nang marinig niya at makitang
nagbuntong hininga si Dan. Muli tila isa itong sibat na tumarak sa
kaniyang puso. Iniisip niya kasi na kaya nagbuntong hininga si Dan ay
dahil napipilitan lang ito sa kanilang gagawin at kung may iba siyang
choice ay hindi nito gagawin ang pagtatapos ng subject na iyon ng
kasama siya.
Pero
sawa nang maging masama sa tingin ni Dan si Mike. Kaya naman siya na
ang magbibigay dito ng choice.
“Are
you sure you want me to be your instructor? Randy is also a good
instructor and very considerate---” saad ni Mike, pilit na binubura
ang kaniyang nararamdamang lungkot, pagkadismaya at sakit sa kaniyang
boses. Pero kahit anong pilit ni Mike na pagtatago ng kaniyang sakit
at lungkot na nararamdaman galing sa kaniyang boses, hindi ito
nakaligtas kay Dan na tila may kumurot muli sa puso dahil sa sinabing
iyon ni Mike.
Iniisip
niyang muli nitong kinukunsensya ang sarili dahil sa mga masasama
nitong ginawa sa kaniya. Ngayon, alam na ni Dan na hindi lang siya
ang mamatay-matay sa sakit matapos ang mga nangyari sa kaniyang
kaarawan mag-iisang taon na ang nakalipas. Dalawa sila ni Mike at
hanggang ngayon at unti-unti parin itong pinapatay ng kahapon.
“It's
OK. Saglit lang naman 'to eh. Kung ikaw ang binigay nilang instructor
OK lang.” matipid na paniniguro ni Dan na ikinatango na lang ni
Mike. “So pano, eto ang libre kong oras.” pahabol pa ni Dan sabay
abot ng kaniyang schedule at ipinakita ang araw na libre siya kay
Mike na tumango lang.
“We
can do it every Thursday. Yun lang ang sched natin na maluwag at
nagtutugma eh.” sagot naman ni Mike sabay tingin kay Dan na tila ba
isang bata na umaasa, natatakot at na-e-excite sa isasagot ng mga
magulang niya tungkol sa hinihinging laruan, umaasa na OK ang sched
na ibinigay niya dito.
“OK.
Sir---” simula ni Dan sabay akting na tumingin sa relos. “--una
na po ako kasi magpre-prepare pa po sa susunod na class. Thank you.”
paalam ni Dan sabay tayo mula sa kinauupuan, kaswal na nagpasalamat
ulit kay Mike, tumalikod at magsisimula na sana maglakad palayo nang
may sabihin si Mike.
“I
miss you.” wala sa sariling bulalas ni Mike na gumulat kay Dan.
Itutuloy...
Against All Odds 2[29] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
cef de mesa: Thanks for reading and welcome to my blog! :-) Please do follow me. :)
Gerald: thanks! OK lang namang manghula. Minsan nga ginagawa ko yung basis kung naiintindihan ba o nakukuwa ng readers ko ang gusto kong mangyari eh. :-)
Lawfer: mukha lang siyang bitin. :-P
Anonymous March 5, 2013 at 5:32 AM: gusto kong mabilisin ang posting, maniwala ka, pinipilit ko siyang i-singit sa sched ko pero di ko siya maisingit eh. Please do write your name every after comment so I can address you properly. Kung OK lang din naman sayo ay paki-follow narin an blog ko. Salamat!
-makki-: Thanks!
Russ: haha! Yan ba ang hula mong susunod na mangyayari? Haha! Salamat!
Love Doctor: hala bakit naman? Di pa nga alam kung mapapatawad ni Dan si Mike eh! Ahaha!
Gavi: missed you too! :-)
Anonymous March 5, 2013 at 9:27AM: balikan na agad? :-) Please do write your name after every comment para po ma-address ko kayo ng maayos. Paki follow narin po ang blog ko kung inyong mamarapatin. Salamat! :-)
Ryge Stan: Very well said again. :-) Thanks!
Migz: It's my pleasure. :-)
Edmond: Thanks! Expect the un-expected. ;) marami pang mangyayari... abangan... :-)
Seph: demanding much? :-P
ANDY: hanggang ngayon ba naman di mo parin gamay ang pagsusulat ko? :-P
Rascal: don't cry. :-)
WaydeejanYokio: talagang nambola ka pa ah! :-)
3K: thanks for loving my story. :-) Please follow my blog. Thanks!
Marven Cursat: thanks! :-) that episode really loves you too! :-)
Therese Llama: belated happy birthday! :-)
Riley: salamat sa information dissemination! :-)
Johnny Quest: who said Ryan will turn bad? :-)
foxriver: Thanks! :-)
akosichristian: sensya na sa hindi agad pagsagot. :-(
aR: meron ka nanamang sariling version ng mangyayari ah! Haha! Thanks!
adik_ngarag: sinadya ko talagang maramdaman niyo. :-)
Slythex: Welcome back! I missed you, bro! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
migs! Sobrang fan mo na ako. last week i was just browsing the net. tapos naicep ko mag browse ng mag bisexual stories, nung makita ko blog mu una nakaka curious tapos nung nag start nako mag basa ng mga story mo, grabe !!!!! IDOL NA KITA......... sana ma publish sa book ang mga story mo at maka bili ako ng copy ! the best !
Delete>> Dee
may pahabol lang na tanong,
Deleteung mga stories mo base ba ito sa mga expirience mo?
>> Dee
sana hindi sila madevelop sa isat isa! Si dan ay para kay ryan lang!! At si Mike ay magpari na lang.
ReplyDeleteAng hirap ng sitwasyon nila.
OMG!!! i was moved by the "i miss you" statement ni mike.. :p malito na c danny nian.. :P busy-much ka din..?? chill lang, go push!!!
ReplyDeleteHindi ako nambobola noh! Kahit tanungin mu pa sila. ^__^
ReplyDeleteSo babalik naba ang felings ni dan kay mike? Un un eh! Mukang dun papunta eh! Haha bsta TEAM "RYDAN" padin ako!!
~WaydeeJanYokio
Wahhh! Sa wakas Kuya Migs! I've been waiting for this update the whole week! Isa ito sa mga kaunting stories na sinusubaybayan ko talaga. :D
ReplyDeleteWhen I read the line "It's Dan, not Danny." and I recalled what happened in that part of the story, it really striked me. The first thing that Mike did to Dan that hurt him before the whole birthday incident was the time he dropped Dan as his best friend. "It's been three years, four months and fifty four days since you dropped me as your best friend." and when you think about that happening to you, it really goes through to you. The fact that a person counts from years, to months, to days the time since you dropped him as a best friend or even as a friend, you could tell, your friendship meant a lot to him.
For Dan, the barriers he built are slowly crumbling in a good way and from that emerges a better Dan and the same for Mike. He built a barrier wherein his past had confined him but through his counselling with Cha and his own self, the barriers slowly crumble and there emerges a better Mike with courage to face his past.
It's obvious that they have feelings for each other but they treat that "awkward space" of remembering what happened in the past between them as more dominant than the feelings they have for each other.
One thing though, the story is shifting to the whole Dan-Mike thing. hahaha. I'm a supporter of Dan-Ryan so... no comment. hahaha. :D
P.S. Sorry that I haven't been commenting on your posts recently. hehehe. But hope you still know that I still wait for your every update slash posts here.
Kaya mo yan!
Go! lang ng Go! Kuya Migs!
Supporting you always,
- Jay!:)
Wah. This chapter made me think. Nalilito na tuloy ako kung kanino ko...kay Ryan ba o Mike? :(
ReplyDeleteThis story's so unpredictable! Lovet. :)
P.S.
Wala po bang back to back for me? :)) love you, sir!
-gavi :)
tadhana ang nangealam at gumulo ng sitwasyon, mukang tadhana din ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat...
ReplyDeletenapakagandang kabanata, ginoong tadhana este, ginoong migs pla haha
ngiti ng ngiti habang binabasa hihihihihi ^___^ Goodmorning!
ReplyDeletegrrrrrrr..."i miss you'? what the ell mike..
ReplyDeletewheres ryan ba sana lagi nya guard si dan.. hehe bodyguard lang?
tnx migs..yap yan ang hula ko..hehehe ayee
"i miss you. "
ReplyDeleteSimpleng salita pero naramdaman ko tlga kung gaano na ka miss ni mike c dan.
Salamat sa update migs. :)
wag naman kayung ganyan mga readers kay mikee...
ReplyDeletenamimiss naman nia din talaga si dan eh..
still mikee and danny boy parin ako.. kahit ako nalang mag isa.. hehehe
speaking of, mukhang mahaba pa talaga ang takbo ng storyline nang AAO2 at mukhang may part 3 pa.. all of a sudden, destiny talaga ang may malaking kinalaman sa lahat ng nangyayari.. pero hindi basta basta mapuputol ang bond nang mag bestfriend, sadyang marami na silang pinagdaanan, kaya ganun nalang ang reaction ni micheal filiciano, nanghihinayang sya kung bakit pa dumating sa puntong magsisimula uli sya sa umpisa, dagdag pa ditto na sa kanya isinisisi ng nanay ni dan ang lahat..
Deletehindi ko rin naman masisi si dan sa mga nangyari.. but I still treasure their bonds and friendship na walang makakapantay...
kaya sa mga Ryan-Dan jan...
may buhay papong fans ang tambalang
mikee-danny...
hahaha
Ingatz kuya migz..
galling mo talaga..
naiisingit mu parin
ito despite sa busy mung schedule.
sarap din tuloy gumawa nang sariling blog.. hehehe
E kasi naman kuya Migs...malakas kutob ko ftom previous chapter na ang outcome ng pagbabalik-magkaibigan nina Danny at Mikey ang way para maging sila. With respect to Dan, he will be able to trust Mike again and that will reignite his love for Mik, on the other hand, Mike will, after longing to be forgiven and reunited with his best friend, then realize that all this time he has been fighting against his true feelings for Dan...by being pressured by his so called frat friends that he is a MAN. With respect to Ryan, I believe that he won't give Dan up easily. Kudos! :)
ReplyDeletewell they are off for a new start. Sana tuloy tuloy na ung pagkakasundo ni Mike at Dan, I know its hard kasi ang pagkakaibigan ay parang babasaging pinggan pag nabasag mabuo mo man nandun parin ung lamat at marka na minsan nabasag siya.
ReplyDeletesa sobrang busy ko migz I always forget to ask how are you doing like what I used to do in my previous comments. I hope your doing great though matagal ung mga update worth the wait naman kaya thankful pa rin me that you still find time to post the updates. I hope kahit na busy ka you will still have time to write wonderful stories that are entertaining and inspiring as well.
Have a great week ahead migz and enjoy a meaningful life.....
wenk, kuya dati p aq nagcocomment s u s dti u png work n everytime eh laging bitin at cnsabing cant wait for the next chapter. ahehehe
ReplyDeletenxt n ulet. hehehe
Utang na loob magkaayus na kayo!haha!ang hira ng feeling na ganun ni Mike..sa bawat pagkakataon na magkikita sila ni Dan,parang pinapatay sya sa kunsensya..and i really do think he deserves that..
ReplyDeleteThanks sa update Migs..walang anuman sa information dissemination :))
What I like about this episode is that, while timeline wise halos hindi rin umusad pero with the way you wrote it, parang andaming nangyari at na-realise nina Mike and Dan.
ReplyDelete- Edmond
Teary eyes ako sa chapter na ito Miggyboy. Nakakaawa si Mike at Dan. Sana mafix na nila lahat ng gusot. :/ pero andun ako sa thought na hindi sila magiging magkarelasyon. Ewan ko navibes ko lang.
ReplyDeleteAh basta Ryan will always make me kilig. Sana magselos na si Ryan kasi panigurado ako kilig kiligan yun pag sinuyo sya ni Dan. :)
Migs, sana makilala din ni Cha si Dan. :)
ReplyDeleteMiggy Boi!!!
ReplyDeleteyep, demanding ako alam mo yan, though I know di mo naman ako pagbibigyan e...hahaha anyway, bitiiiiinnnnn itong chapter na to! haha
sana magkabati na ulit si Mike and Dan =) kaso pano na si Ryan? hmmmm... you're making me imagine a lot of things! ilabas na ang susunod na chapter PLEASE???
ahem! ang daming fan ni Miggy Boi o...hehe
hands down! it's worth the weekly wait. seriously can't wait for the next chapter.
ReplyDeleteang bigat sa pakiramdam talaga ung situation at pinagdadaanan nilang dalawa, lalu na sa part ni mike. sana magka auz na clang dalawa at mka pag move na. masarap mabuhay ng nagpapatawad at mas mkakagaan sa pakiramdam. tnx migs sa another makabagbag damdamin na chapter. congratz, gleng gleng mo talaga.
ReplyDeleteI admire the courage that Dan is showing and i hope that he and Mike will evenatually patch things up. Its gonna be pretty ugly for Ryan if thinhs would be okay for the two, if he sees the reason for him to fight for Dan's love, be my guest, but if he sees and feel that he already lost the battle that has not even started, he must think.
ReplyDeleteAuthor Migs!!
ReplyDeleteAlam na syempre feeling scriptwriter ako minsan :P
,TADHANA, pag si tadhana nagielam mag tago kana! haha
so this is it, so close yet so far nanaman ang moment, kainis lang, though I salute Dan for tolerating his fears..e kasi naman bet na bet parin niya si mike after all loveydovey niya si Mike.
Ang question ko lang nagtime skip tayo author, parang eksena lang sa ampunan the next week tada! back classes na, anu nangyari after nun? di ba kasama niya si Ryan.anyways nangungulit lang for details :D haha
Next chap..anu kaya mangyayari meron kayang Sir Chief at Maya lang ang pegXDyung tipong tuturuan panu mag proper free throw etc..LoL kinikilg ako na parang ewan lang XD
*wag kalimutan si Ryan sa next chap ;)
kaw na bahala author! :)
aR
ay, ramdam na ramdam ko yung last part ha lalo na nung sinabi ni mike na miss nya si dan!!!!
ReplyDeletelove it, migs!