Against All Odds 2[28]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Manghang-mangha
si Dan sa kaniyang nasa harapan ngayon. May mga maliliit na lobo na
gawa sa papel ang pinapalipad sa pamamagitan ng apoy. Hindi sa
mamahaling restaurant o bar siya dinala ni Ryan ngayon, walang gimik
na nakakapagpakilig sa kaniya. Nasa bahay ampunan sila ngayon, isang
bahay ampunan na nagce-celebrate ng parent's day kahit pa karamihan
sa mga bata doon ay hindi na nakilala ang kanilang mga magulang.
Isang
side ni Ryan na hindi inaasahan ni Dan ang kaniya ngayong
nasisilayan.
Nang
nasa gate na sila ng bahay ampunan nang ilahad ni Ryan ang kaniyang
pagtra-trabaho ng libre dito sa bahay ampunan na ito sa tuwing
mahaba-haba ang free time niya. Isang bagay na talaga namang
ikinagulat niya, si Ryan kasi yung inaakala niyang tao na mahilig
lang sa pakikipag good time.
“Di
nila nakilala yung parents nila. Sila yung mga bata na namatayan ng
parents at hindi kayang alagaan ng mga kamag-anak nila. Since the
orphanage doesn't have the money and time to bring each and one of
them to their parent's grave eto na lang ang ginagawa nila taon
taon.” bulong ni Ryan habang manghang-mangha rin na pinapanood ang
mga maliliit na lobong lumipad.
Ang
pag-bulong na ito ni Ryan ang gumising sa malalim na pag-iisip ni Dan
at sinabi na lang ang mga salitang tanging lumalarawan sa kaniyang
nakikita ngayon at sa pagkatao ni Ryan na ngayon niya lang nakita.
“It's
beautiful.” ang sinabing ito ni Dan ang nagdulot kay Ryan na
tumingin kay Dan at mapangiti nang makita niya ang magandang ngiti
nito. Wala sa sarili niyang inabot ang kamay nito at hinawakan ng
mahigpit.
0000oo0000
“Dude!
You're going to love it here! I mean, the job is not that heavy,
you'll just assist those dumb ass students who wouldn't take their
sports 101 seriously, it's like coaching little kid, only they're not
cute and cuddly anymore.” may pagakamsiyahing saad ng bagong
katrabaho ni Mike sa pagiging student assistant. Hindi pa kasi
mabigat ang kaniyang mga load kaya naman naisipan niyang hindi naman
masama ang magkaroon ng iba pang pagkakakitaan.
“TIME
TO LEAVE!” sigaw ng isang lalaki sa kanilang likod na halos
ikatalon ni Mike sa gulat.
“Yay!”
sigaw naman ng lalaking nag-interview kay Mike.
“Dude,
wanna come with?” tanong naman ulit nito nang makita niya ang
naguguluhang si Mike.
“Uhmmm---”
nagaalangan pang saad ni Mike.
“Good!
You're going to love it there!”
0000oo0000
Gusto
ng sumigaw ni Mike ng 'kidnap'
habang asa sasakyan sila ng isa pa niyang magiging bagong katrabaho
papunta sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Kung ano mang
inilaki at ikina-macho ng katawan ng kaniyang mga magiging
katrabahong ito ay siya rin namang ingay ng mga ito at sa ingay na
iyon ay ni hindi man lang niya nalaman kung saan sila pupunta.
“We're
here!” sigaw muli ng lalaking nag-interview sa kaniya na hindi niya
parin alam hanggang ngayon ang kaniyang pangalan.
“Where
exactly are we?” tanong na lang ni Mike sa kaniyang dalawang
madaldal na makakatrabaho.
“You'll
have to find out to know.” nakangising sagot nito kay Mike.
“---and
by the way. I'm Randy and this is Kim.” pagpapakilala ng mga ito sa
wakas sabay baba ng sasakyan. Iniwan si Mike na li-lingon-lingon sa
lugar kung san man sila napadpad.
Pagkapasok
na pagkapasok niya sa gate ng malaking bahay na pinag-iwanan sa
kaniya ng mga kumag niyang mga magiging katrabaho ay hindi niya
maiwasang mapansin ang mga batang nagtatakbuhan sa paligid ng
malaking bahay. Muling nangunot ang kaniyang noo at tinanong muli ang
sarili kung asan sila maaaring nandon.
“Kuya,
halika! Bilis!” sigaw ng isang batang lalaki saka hinila ang kamay
ni Mike papunta sa isang bahagi ng mansyon.
Napanganga
si Mike sa tagpo sa kaniyang harapan. Hindi pa siya nakakita ng
ganong kagandang tagpo. Mga ilaw na lumilipad. Tila ba bumalik siya
sa pagkabata at muling naniwala na ang magic ay parte ng kanilang
mundo.
“Wow.”
bulong ni Mike sabay pakawala ng mahigpit na pagkakahawak ng bata sa
kaniyang kamay. Iginala niya ang kaniyang mata upang makita kung san
maaaring nagpunta ang batang nagdala sa kaniya sa bahagi ng mansyon
na iyon.
Pero
imbis na ang batang nanghila sa kaniya ang kaniyang nakita ay iba ang
bumungad sa kaniyang paningin.
“Dan?”
0000oo0000
Hindi
alam ni Mike kung ano ang bagong pakiramdam na iyon na sumisiksik sa
kaniyang dibdib habang pinapanood niya ang pakikipaghawakan ng kamay
ni Dan sa lalaking humabol dito noon nung enrollment. Hindi niya
maintindihan kung bakit pero tila ba hinihiling niya sa kaniyang
sarili na siya ang tinititigan na iyon ni Dan, na siya ang kahawak ng
kamay nito, na siya ang binabato ng ngiti nito, na nasa kaniya ang
pansin nito at nasa kaniya sana ang pag-tingin nito.
Gusto
niyang sumigaw makita niya lamang na bitawan ni Dan ang kamay ng
lalaking iyon, gusto niyang sumigaw, ibaling lamang ni Dan ang mga
maganda nitong mata sa kaniya at gusto niyang sumigaw at kausapin
siya ni Dan kahit pa ang sasabihin lang nito ay kung gaano siya
nagmumukhang tanga.
Pero
hindi niya ito ginawa dahil mas natatalo ng pagkalito at
pagaalinlangan ang kagustuhan na iyon sapagkat bago parin ang mga
nararamdaman niyang ito para sa kaniya.
“Baka
nagseselos lang ako dahil sakin lang dati close si Dan pero ngayon ay
nakakita na ito ng mamahalin at magiging kasama lagi.” in
secure na saad ni Mike sa sarili habang pinapanood ang pag-kinang ng
mga mata ni Dan para sa ibang tao.
0000oo0000
Pilit
na iniiwas ni Mike ang kaniyang sarili mula sa dalawa. Ayaw niyang
gumawa ng eksena. Ayaw niyang magkaroon ng kumosyon. Ayaw niyang
alisin sa pagiging kumportable si Dan.
Ayaw
niyang saktan ito sa pamamagitan ng pagpapakita niya dito.
Pero
kahit anong pa-iwas ni Mike ay hindi parin non maiiwasan na magkita
silang dalawa ni Dan. Kung ang Pilipinas nga ay hindi naging sapat
ang laki para magkita muli silang dalawa ano pa kaya ang maliit na
mansyon na iyon.
“You're
really good with kids!” saad ni Randy kay Mike nang makita niya
itong nakikipaglaro sa dalawang bata habang siya mismo ay
nakikipagbuno sa tatlong makukulit na bata.
“Thanks.
I guess?” insecure muli na saad ni Mike.
Sa
hindi kalayuan ay nasa ganon ding tagpo sila Dan at Ryan. Abala din
ang mga ito sa pakikipaglaro sa mga bata na tila ba walang kapaguran.
“Giving
up already?” nakangising tanong ni Ryan kay Dan na hindi naman
tumitigil sa kakangisi.
“Nah---!”
umiiling paring saad ni Dan habang patuloy lang sa pakikipaglaro sa
mga bata. “---di ko ba nasabi sayo na mahilig ako sa mga bata?”
nakangising tanong ni Dan sa umiiling lang na si Ryan, hindi kasi
makapaniwala si Ryan na marami pang magagandang ugali si Dan na hindi
niya pa alam.
Asa
ganitong tagpo ang dalawa nang mapabaling ang tingin ni Mike sa mga
ito. Noon pa man ay gustong-gusto na ni Dan ang mapalibutan ng mga
bata, hindi mapigilan ni Mike ang mapangiti, iniisip na may mga bagay
parin na hindi nagbabago.
Ang
ngiting iyon ay agad ding mabura nang wala sa sarili niyang naihiling
na sana ay wala rin nagbago sa pagitan nilang dalawa. Nagpakawala na
lang siya ng isang buntong hininga at ibinalik ang kaniyang pansin sa
batang kalaro.
“Time
first!” humahagikgik na saad ni Dan sa mga batang walang tigil ang
pangungulit sa kaniya. Hindi ito nakaligtas kay Ryan kaya naman agad
siyang nagbato ng tingin ulit kay Dan.
“Bladder
break.” nakangiting bulong ni Dan sa nagsisimula ng magalala at
magtaka na si Ryan. Muling bumalik ang ngiti sa mukha ng huli at
tinawag ang dalawang bata na kalaro ni Dan upang malaya itong
makapag-C.R.
Napansin
ni Mike na papalapit si Dan sa kanilang puwesto, dahil ayaw niya ng
saktan si Dan sa pamamagitan ng pagpapakita dito ay si Mike na mismo
ang tumalikod at naglakad palayo.
0000oo0000
“Kung
ganong kalaki ng bahay na 'to siyang laking kulang naman sa C.R.”
umiiling na bulong ni Dan sa
sarili. Nasa third floor na siya ngayon ng malaking mansyon na iyon
at katulad ng dalawang naunang palapag ay hindi parin siya nakakakita
ng C.R. Iilang bata na lang ang nasa palapag na iyon, hindi katulad
ng dalawang nauna, ang mga bata rin na asa palapag na iyon ay malapit
na ting tumuntong sa pagiging teenager kaya naman hindi na nagtaka si
Dan nang makitang hindi nakikisali ang mga ito sa palaro sa baba.
Asa
ganitong pag-iisip si Dan nang may makabunggo siya. Halos mapaupo na
siya sa sahig ng hallway na iyon sa lakas ng kanilang pagkakabangga.
“S-sorry.”
nauutal na saad ni Dan sabay tayo ng daretso.
“S-sorr---”
di pa man natatapos ng kaniyang kabanggaan ang sasabihin nito ay agad
ng bumilis ang tibok ng puso ni Dan.
0000oo0000
Nakatanga
lang si Mike. Hindi niya alam kung san na siya dinadala ng kaniyang
mga paa, ang tangi niya lang alam ay tumatakas siya kay Dan upang
hindi na niya ito lalo pang masaktan pero tila ba may bumubulong sa
kaniya na hindi tama ang kaniyang ginagawang ito. Tila ba may
bumubulong sa kaniya na dapat siyang magpaliwanag muli kay Dan, tila
ba may nagsasabi sa kaniya na, ngayon, mag-iisang taon na matapos ang
insidenteng iyon ay maaari na siya nitong pakinggan.
Tila
ba may nagsasabi sa kaniya na maaring bibigyan siya ng ikalawang
pagkakataon ng dating kaibigan. Kasama ng mga bagay na ito na
tumatakbo sa kaniyang isip ay ang mga sinabi ni Cha nang sabihin niya
dito ang pagkikita muli nila ni Dan.
“I
said, grow some balls!--”
“---maybe
destiny is giving you a second chance.”
“I'm
scared.”
“I
know you are, but I think this is a chance that you shouldn't have to
miss. There could be so many reason why you and Dan bumped to each
other this morning and fixing things between the two of you might be
one of the many reasons there is.”
Napailing
si Mike sa naisip na ito, kahit naman kasi desidido siya na
magpaliwanag kay Dan ay hindi niya parin maikakaila na mahihirapan
siyang gawin ito lalo pa't makita lamang siya nito ay magtatatakbo na
ito at manginginig sa isang sulok.
Asa
ganito siyang pag-iisip nang biglang may bumangga sa kaniyang
matipunong katawan. Nagsimula ng umusok ang kaniyang ilong dahil
nasaktan din naman siya kahit papano sa nangyari at pagsasabihan na
niyang 'tumingin sa dinadaanan' ang
bumangga sa kaniya katulad ng ibang tao na bumangga sa kaniya noon
nang matigilan siya.
“S-sorr---”
agad na saad ni Mike nang makita niya na si Dan pala ang kaniyang
nakabangga. Aabutin na sana niya ang kamay nito upang tulungang
tumayo.
“S-sorry.”
sabay na tugon ni Dan kay Mike saka agad na tumayo.
Pero
hindi na natapos ni Mike ang kaniyang sasabihin dahil tulad ng
inaasahan, kahit di pa man siya binabato ng tingin ni Dan ay alam na
alam naman na nito ang kaniyang boses at tila ba napipe na siya nang
makita niyang mag-tense ang katawan nito at hindi na niya naituloy pa
ang paghingi ng paumanhin dito.
Muling
bumalik kay Mike ang mga bagay na kanina lang ay kaniyang iniisip.
Ang pagpapaliwanag kay Dan at ang paghingi niya ng pangalawang
pagkakataon na maging kaibigan ito. Alam niya sa kaniyang sarili na
gagawin niya ang lahat pakinggan lang ni Dan ang kaniyang mga
paliwanag, na muling bumalik ang kanilang pagkakaibigan, na kahit man
lang tignan siya nito ng daretso, walang bahid ng takot at sakit ang
mga mata dahil aminin man niya ito sa sarili o hindi ang mga bagay na
ito ay unti-unti ring pumapatay sa kaniya.
Hindi
nagtagal ang pagkapako na iyon ni Dan sa kaniyang kinatatayuan. Pilit
niyang sinasabi sa sarili na 'carboard' lang
si Mike na ngayon ay kaniyang nasa harapan pero hindi ito pinuproseso
ng utak ni Dan kaya naman mabilis na lang siyang tumalikod dito at
patakbong lumayo.
Hindi
na niya muli pang hahayaan na malunod ang kaniyang sarili sa
nakakinis ng panic attacks niya at tumakbo na siya mula sa taong
nagdudulot nito. Naramdaman niya na sinusundan siya ni Mike kaya
naman mas pinili niyang pumasok sa isang bakanteng kwarto at isinara
agad ang pinto nito.
Hindi
mapigilan ni Mike ang sarili na tumakbo lalo pa nang makita niya ang
dahan-dahang pagsara ng pinto ng kwarto na pinasukan ni Dan. Hindi
niya ito naabutan at halos bumangga ang kaniyang mukha sa pinto pero
hindi nito napigilan si Mike. Itinuloy niya parin ang binabalak na
pagpapaliwanag dito.
0000oo0000
“Danny---”
saad ni Mike sa siwang ng pinto. Tila naman may pumukpok sa ulo ni
Dan nang marinig niya ang pagmamakaawa na ito ni Mike. Tila ba hirap
na hirap ito maski sa pagsasabi pa lang ng kaniyang pangalan.
“I-I
don't know how to start, Danny. B-but p-please hear me out. Please.”
“I-I
know I hurt you--- I-I know that what I did is unforgivable I don't
even forgive myself for what happened to you b-but, Danny, I-I miss
you---” saad ni Mike sa nakasara paring pinto. Rinig na rinig ni
Dan ang pagsinghap ni Mike, indikasyon na sinasabi niya ito sa
pagitan ng paghikbi nito. Ang naisip na ito ay siyang sumaid sa lakas
ni Dan. Wala sa sarili siyang napasandal sa pinto na nagbubuklod sa
kanila ni Mike at pumadausdos paupo sa sahig.
“I-it
was the drugs. It m-made me do things that you and I both know I
wouldn't do. D-Danny, p-please believe m-me when I said that I
intended to keep my promise--- the o-one where I said I'm never going
to hate you again after we became friends again our senior year,
b-but the drugs, they made me do those things to you, Danny and you
don't know how sorry I was.” humahagulgol ng saad ni Mike, wala na
rin siyang napaluhod sa harapan ng pinto ng kwarto na pinasukan ni
Dan, idinikit niya ang kaniyang noo sa pinto upang suportahan ito,
dahil alam ni Mike ay kaunti pa at tuluyan ng masasaid ang kaniyang
lakas.
“A-after
that night, when I learned that everything was not just a bad dream,
after seeing you in that hospital bed all broken up I haven't slept
for almost two months. I know that is nothing compared to what you've
been through b-but I just want you to know that it almost killed me
too. Seeing you like that---” naputol na saad ni Mike at muling
narinig ni Dan ang paghikbi nito.
“And
then you left--- I tried looking for you. Depression already left me
for dead. I kept thinking about how I ruined your life. Tita Lily's
life. I cannot focus on my studies, I was expelled. Mom and Dad found
out about what we did to you. I thought, my life is over---”
pagpapatuloy ni Mike sabay singhap ulit na hindi nakaligtas kay Dan.
“---The
funny thing is, I'm actually thinking that my life being over is a
good thing. After that night I never wanted to live again.”
pagpapatuloy ni Mike habang patuloy lang sa pag-iyak.
“I
don't know how many times you heard this from me or if you believe me
every time I ask for your forgiveness but Danny, I'm really really
sorry, Danny---” pagpapatuloy parin ni Mike.
Hindi
makuwa ni Dan ang sumagot sa dinamidami ng mga sinabing ito ni Mike,
hindi dahil hindi niya alam ang isasagot, hindi dahil nababalot parin
siya ng sobrang galit kundi dahil ramdam na ramdam niya ang sakit sa
bawat salita na pinakawalan ni Mike at ang sakit na iyon na kaniyang
naririnig ay tila ba mga kamay na unti-unting sumasakal sa kaniya at
nagtutulak ng hangin palabas ng kaniyang baga.
Ayaw
niyang paniwalaan ang sakit sa boses ni Mike. Ayaw niyang paniwalaan
ang sinseridad na kaniyang naririnig mula sa pag-hingi nito ng tawad.
“Danny,
please say something---” ang pagmamakaawa na ito ni Mike ay tila ba
pumiga sa puso ni Dan. Isang bagay na lalong nagdulot sa kaniyang
hininga na bumabaw.
Hindi
mapigilan ni Mike na lalong umiyak. Lalong manghina. Lalong masaktan
nang hindi parin sumagot si Dan. Umasa kasi siya na kung hindi man
siya mapatawad ni Dan ay kakausapin parin siya nito kahit sa pa-galit
na paraan hindi yung parang wala siyang kinakausap, yung parang
nagpapakatanga lang siya sa pagpapaliwanag para sa wala.
“Fine---”
simula ni Mike nang hindi parin nagsalita si Dan matapos ang ilang
saglit, hindi parin maikakaila ni Dan ang sakit sa isang salita na
iyon na pinakawalan ni Mike.
“---M-maybe
you want me o-out of your life. Like our friendship never existed.
Like I never existed and that's OK with me--- That's nothing compared
to what I did to you---” simula ni Mike na parang mas nahihirapan
pa siyang sabihin ito at kilalanin.
“I-I'm
sorry, Danny. I'm sorry.” saad ulit ni Mike sabay tayo at mabilis
na naglakad palayo mula sa nakasarang pinto na iyon.
0000oo0000
“I-I'm
sorry, Danny. I'm sorry.”
Nang
marinig ni Dan ang huling sinabing ito ni Mike ay bigla siyang
napatayo at napahawak sa door knob. Bubuksan na sana niya ang pinto
dahil rinig na rinig niya sa tono ng bawat salitang sinabi na iyon ni
Mike ang pagiging permanente nito. Na ang sinabing ito ni Mike ay
hindi na pwede pang bawiin.
Ayaw
mang aminin ni Dan sa sarili pero ayaw niyang mangyari ito. Kung
anong pagtakbo at pag-iwas ang ginawa niya dito noon ay siya namang
kabaligtaran ng kaniyang nararamdaman ngayon matapos niyang marinig
ang pagpapaliwanag ni Mike. Matapos niyang marinig ang sinseridad ng
paghingi ng tawad nito. Matapos niyang marinig itong magmakaawa.
Matapos niyang marinig ang sakit sa bawat salitang sinasabi nito.
Itutuloy...
Against All Odds 2[28] by: Migs
Hey guys! Musta kayo! :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Edmond. You're welcome. Malalaman mo sa book 3 ng AAO ang tungkol sa bf ni Jase. :-)
Lawfer: bitin na ba? Haha!
ANDY: sorry, hindi ko magagawa ang hinihiling mo. Haha!
Marven cursat: salamat sa pagiintindi. :-)
gavi: you're welcome. :-)
Ryge Stan: very well said. :-)
Love Doctor: I don't think gusto ni Jase sa ganong paraan si Dan. :-)
Waydeejanyokio: intayin mo ang susunod na kabanata! :-)
aR: sorry, nagkulang ako sa konting descrition. Ahahaha! Di ko na kinayang magsulat nung gabi niyan eh. :-)
russ: sayo lang ata ako malakas ahaha!
Foxrivers: syempre kayo pa na readers ko ang pababayaan ko? :-)
akosichristian: cos he sees aaron kay Dan. :-) in short he's still not over aaron. :-)
Therese Llama: you're one of the few na gusto ang love team na yan. Haha!
Anonymous, March 1, 2013 at 7:08pm: pakilala ka po next time para maaddress kita ng tama at paki follow nadin po ang blog ko. Salamat! :-)
rascal: sino ang kumanta niyan? :-)
Anonymous March 2, 2013 at 1;02pm: pakilala ka po at sana paki follow po ang blog ko para ma-address kita ng maayos next time. :-)
riley de lima: matagal tagal pa to kaya hindi mo siya mamimiss baka nga magsawa ka pa dito eh. :-))
Johnny Quest: pakikiligin ka pa kaya niya sa susunod? :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
im first.,,,hehehe
ReplyDeletekuya update n ulet.,.,., kakaexcite ang storya.,.,.,
Hi Miggsss............Ayaw ko nang manghula. Hintay na lang ako ng update. Knowing you sira ang mga hula ko sa mangyayari. Still, you're the best.
ReplyDeletegrabe d q alam kung anu sasabihin q sa nbasa q... x.x wla aqng alam kampihan this time wew! peo betin pa dn x.x waaah!
ReplyDeletesooo bitennnnnnnn... saba mejo mapaaga mga updates
ReplyDelete"heartbreaking" galing mo talaga migoy!
ReplyDeleteaabangan nga talaga natin kung si danny ay patatawarin na si mike..
ReplyDeleteplease wag naman sana!!!..
migs..malakas ka talaga hehehhe..galing mo..
Awww heartfelt revelations for Dan...naku paano na si Ryan niyan? Sana dalawa na lang puso ni Dan hahaha joke lang :))
ReplyDeleteWaaaaaaaaaaaaaaah! Bitin! Patay.. Infer, naramdaman ko si mike. :( but i'd still prefer dan to end up with ryan. :(
ReplyDeleteMissed you, sir! Thanks :)
-gavi :)
nako may balikan atang mangyayari.. hehe
ReplyDeletemany people think that what we are today is the result of what we are yesterday. That's how life goes every decisions and things that we do will bear the fruit that we will reap in the future. Ngayon pinagbabayaran ni Mike ang katarantaduhang ginawa nila kay Dan. I wonder kailan nmn yung kanila Mark and Dave. hehehe.
ReplyDeleteHave a great day Migs and enjoy life!!!
Hopefully Dan forgives Mike and that is it, they become friends again but please let Dan end up with Ryan for they both deserve each other and it will be a very painful one if they go on separate ways.. As for Mark and Dave, perhaps the renewed friendship of Dan and Mike will pave the way for those two imbeciles to be given their due punishment.. What say you brilliant author? By the way, thanks for the update and this brilliantly crafted story..
ReplyDeleteDramatic much naman ni Mike, hahahaha!
ReplyDeleteDidn't expect na maglitanya agad siya kay Dan. Now Danny, the ball is on your court.
- Edmond
Migs, Migs, Migs! finally! I was able to catch up! whew! =)
ReplyDeletewell, they almost said it all... I can't wait for the next chapter and since nagyon lang ako magdedemand, pakihabaan PLEASE? haha also, PLEASE ibalik mo naman yung friendship ni Dan and Mike without compromising Ryan and Mikle's relationship... sana maging ok silang 3... I'm hoping for the best... =)
pakidalian ang update please? hahaha
-- Seph aka Lance
waaah kawawa si Mike!! Pero si Ryan paring ang like ko for Dan..i think magkakabati na sila...sana hanggang friends na lang sila..bka magselos si ryan.
ReplyDeletenakakaiyak nmn......
ReplyDelete~at some poin naawa ako kay mike. Kung ako si dan nun parang gusto ko syang takbuhin at yakapin sabay sabing "mikey please stay?!".
ReplyDelete~Haha char! Nadala lang sa eksena kau migz! ^__^ supergaling kc ang author! Next chap plz?. Plz?.
~WaydeeJanYokio
How could I not love the story? :)
ReplyDeleteWow.. kuya Migz.. I really Love this episode.. hehehe Go Mikee.. bawiin muna si Danny boy moh.. hahaha... I dont want to give any predictions,, masaya nakong si author ang magpatakbo ng story.. hahaha...
ReplyDeleteIngatz Miggy Boy :)
>Good Mood :)
ikaw na ikaw na tlaga miggs..panahon na to ni mikee at danny na mag ayos at sana sila ang magkatulyan...go danny yakapin mo na si mikee..i dont mind kung si ryan at melvin mgkatuluyan..go team mikee!!!!grabe miggs d best ka tlga timing tlga sa b.day ko yung moment ni dan at mike
ReplyDeletebtw love d new look
nakakaawa si Mike :(..sana magkaayus pa din sila ni Dan..although mahirap din talaga kay Dan yung mapatawad nya agad si Mike..
ReplyDeleteMigs hindi cguru ako magsasawa dito haha!eh pag natatantya ko na yung date na magpopost ka tinitingnan ko agad to eh.. :)) tapos itetext ko na yung friend ko na may update ka na tapos sasabihin ko agad kay kuya ko..o diba?
thanks sa update Migs :))
Ay Migs wag kang ganyan. Wag mong sabihing magiging masama si Ryan-ko I mean Ryan pala ni Dan. Bwahaha
ReplyDeleteNapakabuti talaga ni Dan. Un lang yun. Ang swerte ni Mike kasi kahit may ginawa siyang mali, si Dan kaya padin siyang patawarin. Sana narinig ni Ryan yung usapan nila Dan at Mike :p
i don't wanna guess or think what will happen, i will wait. Super tnx super author super Migs
ReplyDeleteayan na!!! cant wait for the next chapter, kasi kasi naman, pano na kaya c ryan kpg nainlab uli c dan ke mike..??
ReplyDeletefinally, nasagot ka rin sa mga comments.. lol
Author Migs!!
ReplyDeleteBangagers nako ang basa ko sa napipe is na-pipe?inulit ko x2 bago ko magets!
anyway, mahirap magalit sa taong gusto mo, dahil kahit gaanno kabigat at kalaki ito, meron at meron parin guilt, dissapointment etc na mararamdaman at tanong na maybe at what if?..hahaha..
eksena to the max buti walang mga kids :D
ano kaya..hahabulin ba niya o hindi...or bago niya mahabol magkikita muna sila ni ryan at mike? hoho
aR
bongga ang chapter na to migs!
ReplyDeletedamang dama ko ang eksena ni mike at dan! hahahaha
This chapter has one of the most dramatic moments of the story.
ReplyDeleteHi Migs!
Glad to be back after years of being dormant. I constantly check your blog for updates, which I am glad you've managed to do. I think the last comment I wrote on this blog was back in 2011 and it was Against All Odds 1.
I like this story so much that I've followed it. It's heart-breaking yet inspirational. I think no one else can do this kind of story in PH other than you.
I am saddened about Dan's situation. But I am also glad that he has found redemption in the forms of Ryan and Bryan though I know problems are still lurking behind him.
Fate has a way of being a bitch. The situation between Dan and Mike still needs reconciliation and I hope that it will happen anytime soon.
I don't want to suggest things to change the direction of your story. I like surprises.