Against All Odds 2[34]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kahit
anong hiling ni Dan na mawala na ng ganun ganon na lang ang kaniyang
nararamdaman para kay Mike ay hindi naman ito possible lalo pa't
parang araw araw na niya itong nakikita. Pagka-gising na pagkagising
niya ay taliwas sa kaniyang gustong mangyari ang nangyari.
Kauna-unahang pumasok sa kaniyang isip si Mike kahit pa isinumpa niya
na magiging ligtas ang kaniyang buong pagkatao mula sa alaala ni Mike
at kaniyang nararamdaman dito.
Hindi
naman nakaligtas sa kambal ang kakaibang kinikilos ni Dan dahil narin
hindi naman itinatago nito ang kaniyang tila ba malalim na iniisip.
Tinanong siya ni Bryan kung ano ang bumabagabag dito pero isang
nagaalangang ngiti lang at isang hindi kapani-paniwalang “Wala
naman.” ang
sagot nito. Hindi rin nagkulang si Ryan sa pagtanong dito pero wala
lang ding sinagot si Dan kundi ang “Di
lang siguro naging maganda ang gising ko.”
Kahit
pa ang totoo ay kinatatakutan ni Dan na malaman ng dalawa.
Ang
katotohanang kahit gaano pa man niya kasuklaman si Mike, kahit gaano
niya ito ipagkatulakan palayo, kahit gaano niya ito ibaon sa limot at
kahit pa lunurin niya ito sa sobrang galit niya ay mahal niya parin
ito
Umalis
siya ng bahay upang pumasok na malalim parin ang iniisip.
000oo000
“Hey.”
Agad
na nagtaas ng tingin si Dan nasa harapan niya ngayon ang taong
gumugulo sa kaniyang isip. Ang taong nagtutulak sa kaniya na
maramdaman ang mga bagay na ayaw na niyang maramdaman.
Ang
taong mahal niya.
“Hi.”
matipid na sagot ni Dan at awtomatikong umisod upang makaupo si Mike
sa kaniyang tabi. Bagay na ikinangiti ng malaki ni Mike, dahil naisip
niya na unti-unti ng bumabalik ang pagpapahalaga ni Dan sa kaniya
kahit pa sa mga simpleng bagay katulad nito.
“I
just talked to Randy before entering the classroom, sabi niya Mrs.
Pagtipunan will give us a free day today kasi parang may activity
tayo na gagawin on Wednesday.” nakangiti parin at parang batang
hindi mapakali ang pwet sa sobrang excitement na saad ni Mike na
hindi nakaligtas kay Dan na hindi narin napigilan ang sarili na
mapangiti.
“Ano
sa tingin mo ang regalo ni Mommy sakin?” tanong ni Mike kay Dan na
hindi mapigilang mapansin ang excitement sa mukha ni Mike isang araw
bago ang kaniyang ika-pitong kaarawan.
“Baka
yung robot na hinihingi mo.” nakangiti ring balik ni Dan na lalong
ikinalaki ng ngiti ni Mike.
Saglit
na natahimik ang dalawa si Dan hindi mapigilang mainggit sa kaniyang
kaibigan dahil alam niyang hindi siya mabibigyan ng kaniyang ina ng
ganung kagagarang laruan lalo pa't mag-isa siya nitong itinataguyod.
Si Mike naman ay hindi mapigilang mabasa kung ano marahil ang iniisip
ng kaniyang kababata kaya naman wala sa sarili niya itong inakbayan
at mahigpit na itinabi sa kaniyang katawan.
“Kung
yung robot nga ang regalo sakin ni Mommy gusto ko share tayo dun ah.”
nakangiting alok ni Mike na ikinagulat saglit ni Dan at hindi
nagtagal ay ikinangiti narin ng malaki.
“Huh?”
wala sa sariling tanong ni Dan kay Mike nang marinig niya itong
magsalita habang nagbabaliktanaw siya kaya't ilang parte lang ng
sinabi nito ang kaniyang narinig.
“I
said---” namumulang pisngi na simula ulit ni Mike. “---if what
Randy said is true---uhmmm--- can we have those coffee that you
promised me the other day?” at nahihiyang pagtatapos ni Mike habang
nakatingin ng mariin sa mga mata ni Dan na lalong naguluhan.
Hindi
pa man nakakasagot si Dan ay bigla ng pumasok si Mrs. Pagtipunan ang
kanilang guro para sa Humanities. Katulad ng inaasahan ay mabilis na
umayos ang buong classroom, ang mga nagdadaldalan ay nagsitahimik na,
ang mga nakatayo at nagpapabida ay pumunta na sa kanikanilang mga
pwesto at si Dn ay tumingin na ng daretso sa pisara, nagpapasalamat
sa magandang timing ng kanilang guro.
Kung
si Dan ay nagpapasalamat si Mike naman ang nanggagalaiti sa inis pero
hindi niya hinayaan ang nangyaring iyon na pigilan siyang makuwa ang
kaniyang gustong mangyari kaya naman imbis na idaretso na rin niya
ang kaniyang tingin sa pisara ay itinuon niya lang ito kay Dan, hindi
pinapansin ang pagsasalita ng kanilang guro at ang cute na
pagsulyap-sulyap sa kaniya ni Dan at ang mga pigil na ngiti nito.
“Mr.
Arellano can you please give Mr. Feliciano whatever he's asking you
so I can go on with my explanation.” seryosong saad ni Mrs.
Pagtipunan na ikinatawa naman ng buong klase kahit pa wala silang
ideya kung bakit sinita ng kanilang guro si Mike.
Binato
ni Dan si Mike ng isang sulyap at nang makitang nakatingin parin ito
sa kaniya sa kabila ng pambubuyo sa kanila ng kanilang mga kaklase at
namumulang mukha nito dahil sa hiya ay hindi niya napigilan ang
sarili na nangingiting singhalan ito.
“Stop
staring at me, Mike!” pabulong na singhal ni Dan.
“Not
until you say we're going to have coffee after this.” bulong ni
Mike pabalik kay Dan habang umiiling. Pilit mang itago ni Mike ang
pagmamakaawa sa kaniyang boses ay narinig parin ito ni Dan na wala sa
sariling nakipagtitigan muna ng ilang segundo kay Mike saka tumango
at ibinalik ang tingin sa kanilang guro.
“Yes!”
pabulong na saad ni Mike na naglagay ng permanenteng ngiti sa mukha
ni Dan.
“As
I was saying before I was rudely interrupted by our resident lovers
over there---” di pa man natatapos ni Mrs. Pagtipunan ang kaniyang
sinabing ito ay pareho ng namula ang pisngi ng dalawa at ang hindi
maalis-alis na ngiti sa kanilang mga mukha.
0000oo0000
Katatapos
lang ng dalawa sa isang malakas at mahabang tawanan. Tama nga si
Randy sa sinabi niya kay Mike, maaga silang pinalabas ng klase ni
Mrs. Pagtipunan matapos nitong i-explain sa kanila ang gagawing
activity para sa susunod nilang pagkikita.
Hindi
pareho makapaniwala ang dalawa. Hindi kasi inakala na magiging ganito
pa sila ulit ka-kumportable sa isa't-isa, hindi nila inakala na
mapupuno ng masasayang tawanan at kuwentuhan ang kanilang unang
paglabas na iyon matapos ang mga nangyari magi-isang taon na ang
nakakaraan.
“Wala
ka talagang balak na lumabas at magkape kasama ako no? Kahit pa libre
na ang hapon mo bago ka pumasok sa trabaho mamya---” simula ni Mike
matapos ang mahaba-haba nilang pagtahimik dalawa, hindi maikakaila
ang pait na itinatago nito at hindi ito nakaligtas kay Dan na umiling
na lang.
“I
don't think I was ready to---” sinserong sagot ni Dan na ikinayuko
naman ni Mike dahil sa lungkot dala ng pag-amin na ito ni Dan.
“But
when I saw those googly eyes of yours---!” natatawang biro
ni Dan kay Mike na agad na nagtaas ng tingin at hindi napigilan ang
sarili na mapangiti.
“Googly
pala ah!” simula naman ni Mike na ikinahagikgik ni Dan.
“You
always have this look in your eyes when you really want something.”
umiiling na pagbabalik tanaw muli ni Dan na ikinahagikgik narin ni
Mike.
“Do
you remember that one time when you said you're saving up your money
for this nice pair of shoes pero hindi mo nagawa kasi napapayag kita
na bumili tayo ng matching shirt!” humahagikgik na pagpapaalala ni
Mike kay Dan na umiling na lang ng maalala ang binanggit ni Mike.
“The
one with the caption- “Girls loves my cute ass” of course
I remember, my mom wouldn't let me wear it because of the word “ass”
that was printed in bold letters and neon green ink!”
galit-galita-an na saad ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Mike.
“But
you snuck it out of your house and then we wore it at the school's
foundation day!” pagpapaalala ulit ni Mike kay Dan na hindi narin
napigilan na humagalpak sa tawa.
“And
we almost got suspended because of it!” pagtatapos ni Dan atsaka
sabay na tumawa ang dalawa.
Ilang
segundo pang tumagal ang tawanan na iyon at nang sa wakas ay humupa
na ito ay wala sa sariling nagkatitigan ang dalawa. Hindi maitatago
ang tuwa sa kanilang mga mata, naputol lamang ang pagtitigan na ito
ng dalawa nang mag-alarm ang telepono ni Dan.
“Oh
shoot! I'm going to be late for work!” nagmamadaling saad ni Dan
saka tumayo at inayos ang kaniyang mga gamit na ikinalungkot ni Mike.
Ayaw
pa niyang matapos ang araw na iyon kaya't hindi niya hahayaan na sa
ganun-ganon na lang matatapos ito.
“Hatid
na kita.” mabilis pero mahina at nahihiyang saad ni Mike na sa
kabila naman ng hina ay naririnig na hiya ay hindi nakaligtas kay Dan
na natigilan saglit.
Magsisimula
na sanang tumanggi si Dan ngunit hindi na siya nakatanggi pa nang
nagmamadali ding tumayo si Mike at hinila ang kaniyang kamay palabas
ng coffee shop. Gusto mang hilahin ni Dan ang kamay niyang binabalot
ng kamay ni Mike ay hindi niya magawa dahil gaano pa man niya ito
labanan ay hindi niya parin maikakaila ang kaniyang nararamdaman na
tila ba ang paghawak ni Mike sa kaniyang kamay na iyon ay nararapat
lamang, normal at tama.
0000oo0000
“Thank
you.” bulong ni Dan kay Mike nang maihatid na siya nito sa
Gustav's.
“No
problem.” nakangiting saad ni Mike. Tumango na lang muli si Dan at
tuloy tuloy ng pumasok sa pinto kung saan pumapasok ang empleyado ng
restaurant na iyon.
Hindi
mapigilan ni Dan ang lingunin si Mike at hindi rin napigilan ang
sarili na mapatawa nang makita niya itong nagtatatalon na miya mo
nanalo sa lotto.
“Nabaliw
nanaman si kumag.” umiiling na
saad ni Dan sa sarili at pumasok na.
Hindi
alam na hindi pa tapos si Mike sa araw na iyon.
0000oo0000
Matapos
magbihis aya agad ng sumalang si Dan upang kumuha ng order ng mga
bagong dating na customer. Inilabas niya ang kaniyang pad at isang
ballpen sa bulsa ng kaniyang itim na apron saka nagtatak ng isang
permanenteng ngiti sa kaniyang mukha. Isang permanenteng totoong
ngiti. Ngiti na hatid sa kaniya
ng lahat ng magagandang bagay na nangyari sa kaniya nung umagang
iyon.
“Dan,
table six. Bagong dating di ko pa nakukuwanan ng order.” saad ni
Lyn, katrabaho ni Dan.
“Oki
doki!” nakangiting saad ni Dan sabay tungo sa table six.
“Nakapili
na po ba kayo ng o-order-in?” magalang na tanong ni Dan sabay yuko
at sulat sa kaniyang pad, ngunit ang nakuwa niya palang ballpen ay
hindi sumusulat kaya naman muli siyang dumukot sa kaniyang bulsa
upang kuwanin ang kaniyang spare na ballpen.
“Yes.
I'll have a slice of my friend, please.” saad ng taong naka upo sa
may table six. Agad na nagtaas ng tingin si Dan. Pamilyar ang boses
na iyon ngunit hindi siya sigurado.
“Excuse
me sir?” paglilinaw ni Dan.
Dahan-dahang
ibinababa ng lalaki ang menu na kaniyang hawak at halos mahulog ang
panga ni Dan nang makita niya ang nakangising si Mike na nakaupo sa
kaniyang harapan pero hindi rin nagtagal ay muling lumatay sa
kaniyang mukha ang isang hindi mapigilang ngiti.
“What
are you doing here?” pasinghal pero nakangiti paring tanong ni Dan.
“I'm
hungry.” umaarteng na-offend na sagot ni Mike na ikinasingkit naman
ng mga mata ni Dan.
“What
are you really doing here, Mike?”
“I'm
hungry.” pagpupumilit ulit ni Mike.
“Fine.
What's your order?” nangingiting tanong ni Dan kay Mike dahil sa
pagiging makulit ng huli.
“What's
your special---?”
“Try
the shawarma.” pagpuputol na excited na sagot ni Dan.
“OK.
I'll have two of those and then I'll have some chicken wings, meat
ball parmigniana and a bottomless iced tea please.” nakangiting
pag-oorder ni Mike kay Dan na hindi napigilan ang sarili na
mapailing.
“Mike,
pang dalawang tao lahat ng ino-order mo.” pagpapaalala ni Dan kay
Mike na ngumiti lang at tumango.
“I'll
have someone over.” paninigurado naman ni Mike na tama lang ang
kaniyang mga in-order na siyang nakapagpatameme kay Dan. Iniisip na
malamang may ka-date si Mike kaya pang dalawang tao ang in-order
nito.
“Oh-OK.
I-I'll get back with your orders, Sir.” blangkong balik ni Dan nang
maisip niya kung gano siya katanga matapos ang naisip. Hindi
nakaligtas ang pagbabago na ito ni Dan sa kaniyang tono ng
pagsasalita kay Mike na saglit na naguluhan sa ikinikilos ni Dan pero
agad ding napangiti nang maisip kung ano marahil ang naging sanhi
nito at kung ano marahil ang tumatakbo sa isip ni Dan.
0000oo0000
Bumalik
si Dan na dala-dala na ang mga inoder ni Mike. Naglagay ito ng pekeng
ngiti sa kaniyang mukha pero hindi rin mapigilan ang magtaka dahil sa
hanggang sa noong punto na iyon ay wala paring pumapasok sa loob ng
restaurant na maaaring ka-date ni Mike.
“Here's
your order, sir.” saad ni Dan sa nakangisi at umiiling na si Mike.
Aktong tatalikod na si Dan nang magsalita si Mike.
“This
is too many.” saad ni Mike na nakapagpatigil kay Dan sa paglalakad
palayo hindi mapigilang mainis.
“Sir?”
dikit kilay na tanong ni Dan kay Mike.
“I
said the food is too many. You can join me if you want.”
“I-I
c-can't. I-I'm working and I thought you have a date kaya ganyan
karami ang in-order mo?” umiiling na sagot ni Dan. Umiling na lang
din si Mike, pinipigilan ang sarili na ngumit dahil napatunayan niya
na tama ang kaniyang hinala.
“I
didn't say anything about having a date, Dan. These food is really
for both us but if you say that you can't spare me some time then
that's OK.” lungkot-lungkutan na saad ni Mike na nakapagpadikit
lalo sa mga kilay ni Dan dahil sa pagtataka sa ikinikilos ni Mike.
Nagtataka parin si Dan na naglakad palayo kay Mike at dumaretso sa
iba pang cutomer na kailangan ng kaniyang serbisyo.
Pero
abala man sa dami ng tao na nasa loob ng restaurant ay
paminsan-minsan paring tinitignan ni Dan si Mike at hindi mapigilang
mapangiti sa tuwing nakikita niya itong sarap na sarap sa kinakain na
parang isang buong araw na hindi nakakain. Hindi rin niya mapigilan
ang sarili na ituon ang kaniyang pansin at isalubong ang kaniyang
tingin kay Mike sa tuwing nararamdaman niya itong nakatitig sa kaniya
habang ganadong ganado parin sa pagkain. Hindi mapigilan ang sarili
na mapa-iling sa tuwing kikindatan siya nito at sesensyasan ng thumbs
up bilang sabi na masarap ang pagkain na inaalok ng restaurant nila.
Umiiling
at nangingiti paring lumapit si Dan kay Mike. Umiiling dahil hindi
makapaniwala na naubos nito lahat ng inorder at nangingiti dahil tila
ba wala parin itong balak na umalis sa restaurant at makipaglaro ng
titigan at kindatan sa kaniya.
“You
want me to get your bill, sir?” may pagkasarkastikong tanong ni Dan
na nakapag-pailing kay Mike.
“Nope.”
“We're
going to close soon and it's getting late.” pagpapaalala ni Dan kay
Mike.
“Exactly!
You're going to close soon meaning it's not that long before your
shift is out and it's getting late so I must get you home---”
nakangising simula ni Mike.
“No.”
mariing sagot ni Dan.
“Why?”
seryoso ng balik tanong ni Mike kay Dan. Nagtama ang kanilang mga
tingin ni Dan naguguluhan parin habang si Mike naman ay hindi makuwa
kung bakit ayaw ni Dan magpahatid gayong malapit narin naman itong
mag-uwi-an.
“Why
are you doing this?” dikit kilay na tanong ni Dan kay Mike na sa
unang pagkakataon ay natameme.
“Bakit
mo nga ba ginagawa 'to, Mike?” tanong
ni Mike sa sarili na noon lang napagtanto kung ano ang kaniyang
ginagawa. Napagtanto niyang hindi niya sinasadya na ipakita kay Dan
ang kaniyang nararamdaman dito dahil nawili siya sa pagiging
kumportable nila muli sa isa't-isa.
“OK.
If you don't want me to walk you home it's fine---” nakangiti
paring simula ni Mike na umaasang hindi muli sila babalik ni Dan sa
lugar kung saan puno ng pagaalinlangan ang kanilang paligid at hindi
kumportble sa isa't isa. Saglit pang nagtitigan ang dalawa. “---I'll
pay for my dinner now.” nakangiting pagtatapos ni Mike na siyang
gumising kay Dan.
0000oo0000
Nakatitig
si Dan sa pinto nang lumabas si Mike mula doon. Katulad ni Mike
kanina ay umaasa na sana sa susunod na pagkikita nila ni Mike ay
kumportable parin sila sa isa't isa matapos ang nangyari kanina lang
nang alukin siya nito na ihatid pauwi dahil alam niya sa sarili na
hindi iyon ang kaniyang gusto, na ayaw na niyang malayo pang muli
dito.
“Who's
that?” kunot noong tanong ni Jase kay Dan.
“Classmate
ko, boss.” sagot ni Dan sabay balik sa loob ng kusina. Sa puntong
iyon ay si Jase naman ang tumitig sa may gawi ng pinto tila ba hindi
naniniwala na classmate lang ang lalaking iyon kay Dan.
0000oo0000
“DAN,
SUNDO MO RAW!” sigaw ng gwardya na siyang nakapagpakaba kay Dan.
Iniisip
niyang nagmatigas parin si Mike at ipagpipilitan parin nito ang
paghatid sa kaniya pauwi. Kinakabahan na may halong hindi
maintindihan na pakiramdam na lumabas ng pinto si Dan at kinakabahan
paring lumapit sa lalaking nahaharangan ng gwardya.
“Ryan.”
nadismayang saad ni Dan nang makita na hindi pala si Mike ang sumundo
sa kaniya.
Sa
hindi maipaliwanag na dahilan ay ayaw mawala ng pagkadismaya na iyon
na nararamdaman ni Dan kahit pa gaanong katamis ng ngiting iginagawad
sa kaniya ni Ryan. Ang kaninang hindi maipaliwanag na nararamdaman
habang iniisip niya na si Mike marahil ang sumusundo sa kaniya ang
napangalanan bilang excitement at agad na nawala yun nang
makita niya si Ryan.
Itutuloy...
Against All Odds 2[34] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteMalapit ng matapos ang season na ito!
Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Dee: Let's see how perfect Ryan is for Dan. :-)
dhenxo: Thanks Dhen! :-)
Jonas Mejia: haha! Intayin mo ang AAO book 4. doon, madaming ganyan. :-P
jemyro: I hope magustuhan mo pa ang mga susunod na chapters. :-)
Mars: and your point is? Daya mo, minsan ka na lang mag comment dito tapos sa ibang blog kada chapter meron kang comment. :-(
Love Doctor: intayin sa AAO 3 kung sino ang mystery BF ni Jase. :-)
riley: dami ngang nagpaalam na i-qoute ang ilan sa mga lines dito. Haha! Anong meron?
Marven cursat: intayin na lang natin kung si Jase nga at Rob sa AAO 3. :-)
gavi: walang nakakakalimot kay Melvin. :-)
WaydeeJanYokio: Thanks for tweeting my lines! :-) advertisement din yan haha! :-)
foxriver: sa last two chapters pa natin malalaman ang magiging side ni Ryan. :-)
teresa: silent reader or not. Thanks! :-)
Lyron Batara: but CP is on hold. :-(
Lawfer: Thanks! Di parin talaga nawawala ang “ginoo”? Ahahaha!
Akosichristian: OMG! How did you know?! :-(
Ryge Stan: malapit na silang bumalik, Ryge. Sabay sabay silang babalik. :-) SPOILER ALERT! Ahaha!
Anonymous March 26, 2013 at 5:51 PM: pakilala po kayo next time. Anyway. Thanks!
Therese: haha! Nakagawa ka na ng story mo! Ahhahaha! Thanks!
Joshua: pwedeng Oo pwedeng hindi, basta may role siya dito. Hihi!
AR: winner daw. Sana kung winner ang mga lines dito, madami sana ang nagco-comment eh, wala naman eh. :-(
Johnny Quest: Screen shot talaga? Haha! Thanks!
ANDY: haha! Kinakabahan talaga? :-P at ikaw ang masasaktan ah? :-D
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
bkit gnun d na b mahal ni dan c ryan haix....
ReplyDeletebmablik na kc feelings ni dan 4 mike eh....
feeling ko aabot pa to ng more than 50 chapters - joshua
ReplyDelete
ReplyDeletekelan niu po gagawan ng book 2 ng Taking Chances kuya,
d ko na kc alm kung anu na nanyari kay francis eh
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletethanks kuya migs.. ingatz :)
ReplyDeletehehehe... Daya ni kuya migs.. parang ang dami kung querries nun ah.. yung kay jase lang ang sinagot at abangan kupa daw.. wala talagang hint.. heheh
Deletepero okz lang kuya... super enjoy at kilig parin talaga ako sa kwento nila mikkee, at danny.. and I hpoe na sila parin till the eng, even if theirs more hindrances na dumating...
hindi pa kasi talaga nakakabawi si mikee kay Danny, even his true feelings to Dan.. sana makabasa ako nang ganun.. and for sure AKO ang unang unang kikiligin hehehehe...
Ingatz kuya migz...
thanks sa pag update huh..
kahit alam namain busy ka sa ospital :-)
so happy that things around that two is getting better , i am a really fan of that two, dan and mike pa rin ako :)
ReplyDeletekilig talga kung my past anoh.
ReplyDeleteWaaaaaaah. I'm still hoping the best for ryan. :( at sana wag sya mag end up kay melvin. Ugh!
ReplyDelete-- gavi :)
Di ko napansin na back to back pala to. :( di ko nabasa yung 33! Waaaaaaaah. 34 Agad nabasa ko at now ko lang napansin yung 33 :'((
Delete-- gavi :'(
Author Migs!
ReplyDeleteI Agree with this guy above me, wag si melvin please..
And for Ryan still hopes na maging ok, Ryan needs to be happy too! or baka naman kay martin siya :D
Happy Paring ako pag ganun :D
PS.
I hope walang patayan na mangyari since wala pa sila Dave..pew
-aR
Gusto kong magbugbugan si Mike at Ryan at malaman na Kuya migz kung sino talaga ang mahal ni Dan. Ang haba na ng love story niya ah. Tinalo pa ang Different Similarities. Hahaha.
ReplyDeleteouch!
ReplyDeletemtapos linisin at muling pakinangin ni ryan c dan, mukang mauuwi sa wala :(
im sad for ryan haiz :(
uu naman xempre ginoo, peo kung gs2 m palitan cge, binibining migoy hahaha u like? :p
Thanks Migs. I love how you made me root for Mikee again for Dan! Haha :-)
ReplyDeletewhoahh..grabee ito na talga..sobrang nakakakilig si mikee at danny..mukhang nafafall out of love na si dan ky ryan..sana tuloy tuloy na to..di kaya ang ending ng finale na to eh rarapin ni ryan si dan??kasi baka mabaliw na si ryan tapos isipin niya kaya na iinlove si dan ky mike is dahil na rape siya..oh diba.. naku sana danny and mikee forever na
ReplyDeletebtw miggy pwede mgtanong??makulit lng talaga..madudugtungan ba ung chasing pavements??pero ok lng kung hindi na kasi mejo lumalaki na si ricky eh..pero sana lng..haha
therese
yesss! little by little ay nabubuo ule ang mundong binuo ni MYKE AT DAN, sana nga ay maging sila forever. at pag nangyare un true love will be there na sinubok ng panahon. tnx MIKE, bawing bawi again this tym sa npakagandang BACK TO BACK STORY MO. YNGAT LAGE FREND!
ReplyDeleteGrabe ang lagkit ng dalawang chapters kuya super nakakatuwa sila! :D Wow may AAO3 at AAO4 na palang naka-line up....will look forward to those two! Sabi na kuya e panakip-butas lang si Ryan :( pero ano nga naman ang magagawa niya kung nawala na ang pagsinta ni Dan sa kanya di ba? Kahit pa anong panliligaw muli niya kung iba na ang nagpapatibok noon wala na ring halaga pa. Feeling ko si Ryan ung AAO4/AAO3. Kudos!
ReplyDeleteSingle ako since birth pero kapag nababasa ko yung mga stories mo Feeling ko ako yung bida :)
ReplyDeleteNatatakot ako na baka masaktan lang ni dan si ryan. Naaawa ako sa kanya kasi ginawa niya ang lahat for dan tapos sa ganon lng mauuwi ang lahat ng effort niya.
ReplyDeleteSalamat nga pala migs. Im still looking forward for a happy ending...
shoot I have a feeling na in the end my dalawang magtutunggali para sa puso ni Dan. I'm afraid na in the end someone will cry and I hope it's not ryan. RyDan pa rin ako hehehe
ReplyDeleteHave a great day migs and keep on writing.
parang natatalo si ryan nang walang kalaban-laban...
ReplyDelete:-(
lalo pa akong nalungkot sa bandang dulo...
go, ryan! kaya mo yan! you can win ryan's heart!!!
-mhei
Yung dumating lang si MIKE nawala na si RYAN sa eksena? Anghirap naman, bumabalik na kasi ung felings ni dan for mike. Pano na si ryan? Wag lang syang bumalik kay melvin please? Iba nalang.
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
and yet, another complication... Alam na kasi ni Dan na-under-the-influence of drug si Mike nung nangyari yung panggagahasa sa kanya... hindi naman basta-basta mawawala ang love, lalo na kung binuo ito ng mahabang panahon... Naging special sa kanya si Ryan, pero hindi kasing special ni Mike...
ReplyDeleteSa tingin ko kung magkakatuluyan man sina Mike at Dan, marami pang issues na haharapin: Una, Justice laban kina Melvin pati doon sa dalawa; pangalawa, rehabilitation pati forgiveness para sa mother ni Dan; And lastly maayos na paghihiwalay ni Dan sa kambal especially kay Ryan na talagang in-love sa kanya...
akala ko okay na ko na si ryan at dan....pero in my heart si mike pa rin gusto ko (sana)
ReplyDeleteKuya maka my heart ka naman..Lol!
Deleteparehas naman tayo ng wish..magkapatid nga tayo.. :D
Ay! Ayaw ko netong chapter na ito. Kawawa si fafa Ryan.:(( *emo.mode*
ReplyDeleteJohnnytals maka ayaw ha?edi ikaw na may ayaw.hahaha!
Deleteshoot so training officer ka na pla sir..?? good to hear that!!! :p chief ka na next time, hehe.. kawawa tlga c ryan dito.. :(
ReplyDeletewell ganun talaga,mahal ni Dan si Mike..
ReplyDeletemaka Mike na ako Migs..hihi
I really feel sad for Ryan.. He was instrumental sa magandang mga nangyari Dan tapos parang mawawala bigla lahat ng iyon which I think is unfair to him.. It cannot be said that Dan never felt love for Ryan because the other chapters showed that he also fell for him.. But if Dan and Mike will do end up with each other, I just wish that Ryan ends up with a decent guy and please no Melvin. At the very least, somebody who can be a positive influence to Ryan.. I am still wishing though that it will still be Dan and Ryan.. Again, just a wishful thinking.. Nonetheless, I really thank you dear author for a well-crafted story.. Congratulations for this, another job well done..
ReplyDelete:'( ayoko 'to! Please kuya mike wag na sana magkatuluyan si Mike at Dan. Baka naman ang balak mo kuya eh magkabalikan si melvin at ryan??!! Oh no!!!
ReplyDeleteNamimiss ko si Ryan, at nababadtrip ako kay Dan dahil sa ginagawa nya...kawawa si ryan.
Iniisip ko pa lang na maghihiwalay si ryan at dan, hindi ko na matanggap! Ouch!!! ^^v haha!
Kuya migs naman, isipin mo yung mga ginawa ni ryan para mapabuti si Dan, tapos mapupunta lang si Dan kay Mike na syang isa sa dahilan kaya naging miserable si Dan. :'( sobrang affected po talaga ako, naaawa ako kay Ryan more pa kesa sa awa ko kay Dan nung down na down sya. At sana wala ng Melvin....sigh...
Deletesana, wala ng mamatay sa ending ng story, XD...naset aside na ang twins especially Ryan, who help Dan to recover. Good Job Kua Idol migs!, i know na dis will have a great ending.
ReplyDelete