Thursday, April 18, 2013

Against All Odds 2[38]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Dan ang mapangiti sa sarili lalo pa ngayon na muli silang magkikita ni Mike sa klase nila sa humanities. Alam niyang pagtitinginan siya at paguusapan ng kaniyang mga kaklase matapos ang kaniyang anxiety attack sa bilangguan nuong nakaraang activity nila dito pero wala siyang pakielam dito dahil alam niyang basta't nandun din si Mike sa klase na iyon ay wala siyang dapat pangambahan.

Pero pinagtinginan na siya at pinagusapan ng lahat at wala paring dumating na Mike upang maging taga-sagip niya. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at bago pa man magsimula ang klase ay nakalabas na siya sa kanilang classroom.


0000oo0000


Buong araw hindi mapakali si Dan. Pakiramdam niya ay may mali. Simula pa lang sa ikinikilos ni Ryan bago pa man siya pumasok sa skwelahan, masyado itong masaya at malambing, bagay na matagal ng hindi nakita ni Dan lalo pa nang dumating ulit si Mike sa kaniyang buhay. Noong dumating kasi si Mike ay lagi itong may haka-haka, laging may iniisip na masama kay Mike at laging hindi mapakali.


Tapos ngayon, hindi pumasok si Mike.” wala sa sariling nasabi ni Dan saka umiling.


Alam niyang may mali sa araw na iyon at kinakabahan siyang malaman kung ano ito.


0000oo0000


Pumasok si Dan sa kaniyang trabaho na tila ba isang zombie. Nasa isip parin ang maaaring dahilan sa likod ng masamang araw na iyon.


You OK?” tanong ni Jase kay Dan na halos mapatalon sa sobrang gulat.


Geesh!” saad ni Dan na ikinahagikgik ni Jase.


Lay down on coffee a bit.” umiiling at humahagikgik parin saad ni Jase.


Douche!” pabulong na singhal ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Jase.


I'm still your boss you know.” taas kilay na saad ni Jase sabay ngisi kay Dan.


Then start acting like one.” nakangisi din na balik ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Jase.


Burn!” parang batang saad ni Jase. “---still you didn't answer why you're being all zombie like.” pagtatapos ni Jase na ikinabura ng ngiti ni Dan.


Something feels off today. Anyway, I know I'm just being paranoid and all.” nakangiti pero matipid na pakawala ni Dan na ikinatahimik ni Jase. Hindi na ito pinansin ng huli at inisip na baka may pinagdadaanan lang si Dan.


OK kiddo, just lay off the coffee a little, OK?” nakangisi ulit na saad ni Jase na ikinangiti lang ng matipid ni Dan.


0000oo0000


Lilipat ako ng ibang school.” wala sa sariling biglang naibulalas ni Mike sa session nila ni Cha.


Nararamdaman ni Cha na may kakaiba sa ikinikilos ni Mike. Ilang araw lang ay masayang masaya nitong sinabi sa kaniya ang pagiging kumportable muli nila sa isa't isa ni Dan at ngayon ay tila ba bumalik nanaman ito sa panahon kung kailan una pa lang silang nagkakilala. Naguguluhan. Nawawala. Kailangan ng taga gabay.


What?!” pasinghal na tanong ni Cha saka itinigil ang kaniyang pagke-curl iron ng buhok.


I'm still hurting him.”


Hurting who?” kunot noong tanong ni Cha, tila ba hindi makasunod sa sinasabi ng kaniyang kliyente. Inilapag na niya ang kaniyang curling iron at hinayaan ang kanang bahagi ng kaniyang ulo na kulot at ang kaliwa ay straight.


Dan. I'm still hurting him. My presence makes him miserable. Masyado ko na siyang nasaktan noon at ayaw ko na siyang saktan pa.” sagot ni Mike na ikinakunot lalo ng noo ni Cha sa pagtataka.


Where did you get this crazy idea?!” pasinghal na tanong ni Cha.


It doesn't matter---” nakayuko at naluluhang sagot ni Mike.


It does matter. Dammit! Sa tingin mo hindi masasaktan si Dan sa pag-alis mo ulit nang hindi ka nagpapaalam at hindi ka nagsasabi kung anong nangyari at bigla kang nawala?”


It's Ryan. He said that Dan is becoming more and more miserable and this started happening after I showed up at the university.”


And Ryan is in love with Dan?” agad na tanong ni Cha na ikinatameme ni Mike.


You don't understand---” bwelo ni Mike.


Of course I don't understand. Look. Dan wouldn't let you get near him if your presence makes him miserable even subconsciously—-” simula ulit ni Cha pero nakita niya si Mike na umiling na sumaid sa lahat ng kaniyang pasensya. “---You know what I think? I think you're being a coward again! You don't really like to know whether Dan is hurting or not. You just want to run away again because what Ryan said ticked you off.” galit na galit na saad ni Cha.


If you're not going to set aside those fears and those gawddem conscience then you will not just hurt Dan but you will also hurt yourself! Stop being a coward! Stop being stupid. Dan took a risk and decided to trust you again. You should learn from him. Take a risk!” singhal ni Cha na ikinainis na ni Mike.


Hindi niya kasi makuwa ang nais ipaintindi sa kaniya ni Cha. Ang tangi niya lang alam ay hindi siya nito naiintindihan dahil alam niyang hindi pa ito nakakasakit ng tao na malapit dito, nakasakit ng sobra na aabot sa punto na ikaw na mismo ang nasasaktan para dito.


Pero ang totoo ay nabubulag nanaman si Mike ng kaniyang pangongonsensya sa sarili. Pangongonsensya sa sarili na noon ay nagawan na ng paraan ni Cha matapos ang kanilang mga sessions ni Mike.


Pangongonsensya sa sarili na tanging si Ryan lang ang muling makakapagpabuhay sa pamamagitan ng panunumbat dito.


Pangongonsensya sa sarili na nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan ngayon ni Mike at Cha.


Stop sounding like a fortune cookie, Cha. You don't understand where I'm coming from that's why you can say all those things and you're never going to understand!” singhal ni Mike sabay tayo at tungo sa pinto, hindi nagatbuli na iparamdam kay Cha na galit siya dito sa pamamagitan ng pagdadabog at pagbabagsak sa kaawa-awang pinto ng opisina ni Cha.


I sound like a fucking fortune cookie?!” pasinghal na tanong ni Cha sa sarili atsaka inabot ang kaniyang telepono at tinawagan ang kaniyang kaibigan na si Migs.


Do I sound like a fucking fortune cookie to you?!” agarang tanong nito bago pa mang makapag 'hello' si Migs.


0000oo0000


Sumapit nanaman ang araw kung saan kailangan ulit magreport ni Dan sa gym upang kumpletuhin ang kaniyang back subject. Umaasa siya sa kabila ng ilang araw nilang hindi pagkikita ni Mike ay ayos lang ito at nakangiti siya nitong sasalubungin, kukuwentuhan ng nakakatawang kwento dahilan ng kaniyang pag-absent sa humanities at mangongopya sa kaniya sa mga lessons nilang na-miss nito.


Pero hindi ang nakangiting mukha ni Mike ang sumalubong sa kaniya kundi ang mukha ng isa sa mga student assistant.


Where's Mike?” wala sa sariling tanong ni Dan sa lalaki na nagbigay muna ng isang nanunukat na tingin bago sumagot.


Nag-quit siya, nung isang araw pa. He said he's going to tell you?” kunot noo na sagot ng lalaki kay Dan na tila naman nawalan ng lakas.


Are you OK?” nagaalalang tanong ng lalaki na binigyan lang ng matipid na ngiti ni Dan.


J-just a little tired---uhmmm--- do you mind if I skip this session? I think I might be going down with a flu.” pagpapalusot ni Dan binigyan ulit siya ng isang nanunukat na tingin ng lalaki bago ito tumango at tumalikod upang bumalik sa office.


0000oo0000


Why the fuck are you smiling like you're going to kill someone?” naguguluhang tanong ni Bryan sa kaniyang kakambal nang maabutan niya itong nakangisi.


I got him out of Dan's back.” mayabang na sagot ni Ryan na ikinakunot ng noo ni Bryan habang tinitignan ang tila ba lugmok na lugmok na si Dan na nanonood sa kanilang TV sa sala.


What did you do, Ry?” nagaalalang tanong ni Bryan na ikinabura ng ngiti ni Ryan.


I told Mike to stay away from Dan if he cannot stand Dan killing himself because of being subconsciously miserable brought about his presence.” mayabang na sagot ni Ryan sa kaniyang kakambal.


Wow. That was very selfish and immature of you, Ryan.” singhal ni Bryan.


What?! I was just trying to protect, Dan.”


Dan made it very clear that he doesn't need protecting. That guy was his best friend since they were five---”


That didn't stop him from raping and almost killing Dan---”


He asked for Dan's forgiveness and he's making it up to him---” simula ni Bryan pero dahil halos iisa lang ang hilatsa ng kanilang katawan ay nabasa agad ni Bryan ang kakambal. “---wait. That's it, isn't it? You're afraid that Dan would fall in love with Mike again. WOW. Ry, talk about being selfish. You should come clean to Dan and apologize to Mike. You could've made things worse between them---”


So what if things got worse between them. Dan is better off without him.”


He is the only link Dan got to his old life. To his family, Ry and you're taking that away from him. Mike is the only link to his mother. Mike is making him better. It's as if you're taking a part of his life.” makahulugang saad ni Bryan saka tumalikod at lumapit kay Dan at ginawa ang lahat mapangiti lamang ito.


Tahimik na pinanood ni Ryan ang kakambal na pilit patawanin si Dan. Malalim ang iniisip.


0000oo0000


What's with the long face, dude?” tanong ni Randy nang maabutan niya si Mike na naghahakot ng gamit mula sa gym. Hindi siya sinagot ni Mike pero hindi naman siya pinaalis nito kaya naman...


I heard you just quit? Can I ask why?” tanong ni Randy na ikanatigil ni Mike sa kaniyang ginagawa.


I'm gonna transfer to another university.” matipid na sagot ni Mike. Naramdaman ni Randy na may ayaw sabihin si Mike kaya naman hindi na niya ito kinulit pa.


Cool. Hey, since you're going to transfer and all do you wanna give yourself a despedida or something?” nakangising tanong ni Randy na ikinailing ni Mike.


Not going to pass out an opportunity to party, huh?” nakangising saad ni Mike na lalong ikinalaki ng ngisi ni Randy.


Totally.” sagot ni Randy.


0000oo0000


Ilang araw na ang nakakaraan at hindi parin nakita ni Dan si Mike. Oo, marahil ay hindi siya naghahanap mabuti pero may saysay ba ang maghanap sa isang tao na ayaw magpahanap? Hindi ang hindi nila pagkikita ni Mike ang lubos na gumugulo ngayon kay Dan kundi ang lubos na pag-aalala dito sa hindi nito pagsulpot sa mga klase nila pati narin ang biglaan nitong pag-alis sa trabaho.


Ito ang gumugulo kay Dan sa loob ng ilang araw kaya't madalas siyang tahimik, madalas nakatulala sa sang tabi at wala sa sarili. Hindi iba ang pagkakataon na iyon habang naglalakad siya sa bangketa sa mga pagkakataon kung saan lunod na lunod siya sa pag-iisip kaya't hindi niya napansin ang isang lalaki na mabilis na naglalakad upang makaabot sa party na kaniyang pupuntahan.


Nang tumama ang katawan ng lalaki sa katawan ni Dan at nang humingi ito ng pasensya ay agad na nagising si Dan sa kaniyang malalim na pag-iisip at binato ng isang mapangunawang tango sa lalaki. Pero hindi ang lalaki na iyon ang ikinakuwa ng atensyon ni Dan at tuluyang gumising sa kaniya kundi ang lalaki na nasa loob ng bar.


Nakikipagtawanan ito habang napapalibutan ng magagandang babae. Bumibida sa kwentuhan at paulit ulit na idinidikit ang labi sa inumin na kaniyang hawak-hawak. Ang lalaking iyon ang nagpako kay Dan mula sa kaniyang kinatatayuan. Iba't ibang emosyon ang sabay sabay na pumuno sa kaniyang isip at puso, tila ba naglalaban-laban para sa mauuna at hihirangin ni Dan na kaniyang magiging emosyon sa gabi na iyon.


Pakiramdam niya ay muli nanaman siyang inayawan. Trinaydor. Pinaasa. Pakiramdam niya ay ang pangit pangit niya kaya siya ginaganito ng mga tao. Pakiramdam niya ay isa siyang masamang tao. Pakiramdam niya ay wala siyang halaga at nararapat lang siyang saktan ng ganito.


Mikee?”


Stop calling me that!” 


Mikee---”


I said stop calling me that! It's Mike not Mikee!”


Pero matagal na kitang tinatawag na Mikee--” 


OK. I-I'll call you whatever you want me to call you. P-pumunta ako dito para mapag-usapan na natin yung tinatanong mo sakin last week.” 


I don't care anymore.” 


We don't have to talk about everything that is happening with each others lives. If you want to be quiet and be miserable all the time, it's fine with me because I don't care anymore.”


Mikee--” 


I said stop calling me that!”


Mikee”


 Paulit ulit na tumakbo sa isip ni Dan ang alaala na ito habang nakatingin siya sa lalaki na patuloy parin ang pakikipagtawanan sa mga babae na nakapaligid sa kaniya. Dahil pakiramdam niya ay na-reject nanaman siya, pinagkaisahan nanaman siya, niloko nanaman siya at pinaasa. Nakatitig parin siya sa lalaking asa loob ng bar nang bigla itong lapitan ng isang magandang babae at hinalikan ito ng daretso sa labi.


Mikee” wala sa sariling bulalas ni Dan habang pinapanood si Mike na nakikipaghalikan sa magandang babae na lumapit dito. Hindi alintana na tinawag niya ang kaniyang dating kaibigan gamit ang kanilang tawagan noong mga bata pa sila.


 Iyon na ang nagtulak kay Dan na magkaroon ulit ng lakas ang sariling mga paa pero ang kapalit naman noon ay ilang matatabang luha na tumulo sa kaniyang mga mata.


0000oo0000


It's OK. I'm here now. I told you he's up to no good. It's like he's out there just to hurt you.” pagaalo pero lingid sa kaalaman ni Dan ay pangga-gatong ni Ryan.


I thought we're going to be friends again.” humihikbi ulit na saad ni Dan.


Dan, there are people who enjoys hurting other people. Mike being one of them just waited to gain your trust again. Waited for you to be vulnerable and then hurt you. They get off by hurting other people.” panggagatong muli ni Ryan na tila naman epektibo dahil napamaang si Dan at tila ba nagiisip ng malalim.


Wait. I'm going to get you some comfort food.” paalam ni Ryan kay Dan saka marahang inalis ang pagkakaakbay dito. Hindi maikakaila sa sarili ang saya at sa wakas ay tila ba wala ng Mike na mamamagitan sa kanila.


 Nang makarating si Ryan sa bungad ng kusina ay sinalubong siya ng pamatay na tingin ni Bryan.


You disgust me.” singhal ni Bryan na aminin man ni Ryan o hindi ay talagang bumaon sa kaniyang puso.


What?”


You are the one abusing Dan's vulnerability not Mike. You are feeding him lies---” singhal ni Bryan pero agad din siyang pinutol ni Ryan sa pagsasalita.


I was just trying to protect him!” depensa ni Ryan sa sarili.


Keep convincing yourself that.” balik ni Bryan. “Be careful. Karma's a bitch.”


 Natameme si Ryan sa sinabi ng kakambal at pinanood itong umiiling habang naglalakad palayo. Nagsisimula ng kainin ng konsensya si Ryan at nagisisimula ng bumigat ang kaniyang loob. Pero handa niya itong tiisin para sa kaniyang pinakamamahal na si Dan.


Itutuloy...

Against All Odds 2[38]
by: Migs

35 comments:

  1. Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(

    Malapit ng matapos ang season na ito!

    Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!


    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    DEE: haha marami na ngang nagsabi na unpredictable daw ang AAO series. Parang hindi naman. Parang predictable nga para sakin eh.

    Zildjian: ganyan ka naman eh. Nagpaparamdam ka lang kapag may kailangan ka eh. Haha!

    Marven Cursat: you're welcome. Dito mo malalaman kung sino ang nakakita sa kanila. :-)

    THERESE: yup. Nakakapagpahinga pa. :-)

    Erwin F: San ka ba kasi galing? Haha! Welcome back. :-)

    Lyron Batara: pwede ka anman kiligin ng hindi sumisigaw ah. Haha!

    AR: meron na agad story line? Haha!

    Gavi: ang laki laki na ng nakalagay na back to back eh. Haha!

    WaydeeJanYokio: hahaha! Ambilis bumaligtad? :-P

    KV: don't be. Malay mo may story din si Ryan?

    Akosichristian: chicKs talaga? Hahaha!

    Ryge Stan: awwww! Don't feel sorry for Ry. :-)

    JOSHUA: si BRYAN lang ang may ADHD. Haha!

    Johnny Quest: that will be on the third season. Next season.

    JB BJ: Martin will be present next season. :-)

    Lawfer: di pa naman tapos yung season eh. Malay mo...

    foxriver and rilet: haha! Ang gulo niyong dalawa!

    ANDY: di pa huli ang lahat. May next season pa. :-)

    Love Doctor: babalik na nga si Dave at Mark pero hindi para manggulo. Abangan.

    Pink 5ive: kilala mo na nga talaga ako. Hehe.

    Michael Bulatz: Ram had his happy ending. ;-)

    Dereck Evans: Thanks!

    Frostking: awww prdeictable na ako? :-(

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ewan ko sayo. hahaah PERO PARA SAKIN SOBRANG UNPREDICTABLE (SIGURO NAMAN MADAMING MAG AAGGREE SAKIN). *Ung tipong HAPPY ENDING NA TAPOS DI PA PALA. Hahahaha....

      >> ayaw ko hulaan ang mangyayari kasei alam ko di ako tatama, hahaahaha.......

      >> THANKS sa magandang story na to.... SUPER LOVE


      >> DEE

      Delete
  2. oh? i forgot martin, pero kay mike/dan pren ata iikot ang story in the end XD, spice lng si martin hehehehe

    ReplyDelete
  3. Puta ka talaga Ryan. Writer, can you kill Ryan ASAP!?

    ReplyDelete
  4. Wow...heavy drama chapter...and very dark. Can't wait for book 3 .. Kuya Migs, si Mike at Dan pa rin ba ang bida ng book 3 :D

    ReplyDelete
  5. Author Migs!

    ANd that's why too much love could kill you LoL, jk,

    Ryan is a good liar LoL again to that! haha

    Cunning but not the way I think..haha..I was thinking that he's going to abduct Mike and do sadists acts hoho then wait until Mike begs for his life

    anyway if marealize ni Ryan na mali siya sana masabi niya ang ang mga lines na to..."sabihin mo lang na mahal mo siya at walang tanong-tanong na magpaparaya ako, dahil ganyan kita mahal :3 now thats Epic!!

    Ryan is like Bad-good-Bad-Good haha

    .,and seriously babalik pa si martin, wag na haha ok na ko dito sa kanila haha..jk kidding go on spice them up! hehe

    tapos next story si martin, bryan and friends haha

    -aR

    ReplyDelete
    Replies
    1. PS

      Author Migs!

      anong long long long long line ng sentences..haha..napansin ko lang :D

      Delete
  6. “Do I sound like a fucking fortune cookie to you?!”

    Hahahaha!

    Saan ako galing?

    Edi sa work ko na corporate pero nabibilad ako sa araw. Nangingitim at nagkakarashes pa ako fahil sa init. Asar talo na nga ako sa boss ko....

    Pumasok ako doon na tibo (yes lesbo, tiboli, shivo or ano man) ang itsura ko. Ngayon parang kanto boy na kutis ko.... :( atar!

    Anyway. I effin hate Ryan na. Low IQ si Mike ha! Isip isip pag may time!

    ReplyDelete
  7. though maganda parin ang takbo ng story, but its starting o bore me. mr author, parng masyado nang dragging..

    ReplyDelete
  8. i don’t want ryan hurt, peo i dun want him hurt others dn naman. tsk! very bad ry >_<

    ReplyDelete
  9. Parang hindi na kailangan magkulot ni Cha ng buhok, kusa na itong kukulot kay Mike.
    Well, talagang hindi magiging madali sa dalawa lalo pa't may hadlang sa tuluyang pagkakaayos nila. In time, all wounds will be healed.
    Ryan is just taking his chance, by hook or by crook.
    Hindi naman masisisi kasi nagmahal lang din naman siya, di ba?

    Ang galing ni Bryan mas bagay ata siyang psychologist?
    At mukhang kailangan nang dalhin ni Cha sa hypnotist si Mike! Ha Ha

    p.s.
    "sobrang kinikilig" ako sa mga sweet scenes nila, kaya napapasigaw heheheheh

    ReplyDelete
  10. for me mike and dan till the end. ryan will realize his mistakes and he will be the one to correct his mistakes and help dan be happy again w his true one love MIKE. am i too much frend migs? he he he

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Oh db nga makaMura si Kuya Anonymous naman kay Ryan.. Nasasaktan kaya ako for fafa Ryan! Hihihi

    Natawa ako at may cameo si Migs d2. Hahaha. "Do I sound like a fucking fortune cookie to you?" Epic mo talaga Cha! Hahahaha

    Got an idea how this season will end. And excited na ako for the next season Migs. :)

    ReplyDelete
  13. Anong nangyari kay Ryan? :( i am still hoping though that he and dan will be ingood terms in the end. He's the one who helped Dan afterall. :'( ibigay mo na lang skn si ryan, sir!!!! Please? :))

    -- gavi :)

    ReplyDelete
  14. Wow, kuya migz..

    sabi kuna eh...

    magiging possessive si ryan.. sana hindi dumating ang panahong, magiging toxic na sya sa pagmamahalan nila Dan/Mike...
    sana makahanap na din sya ng lovelyf..

    for Mike... bakit may kahalikan na sya... kainis ka.. ang duwag mo... naiinis ako sayo mike.. naiinis ako... matapos mung halikan si Dan.. naging duwag ka agad.. I hate You.. hehe

    Ingatz.. Kuya Migz... :)

    ReplyDelete
  15. I'm right in the end Ryan will be a kontrabida here but I hope not kasi he such a nice person.

    Bcoz of ryan's love to dan he is beginning to get selfish and immature but I understand him he just wishe to protect dan pero mukhang kabaligtaran ang nagagawa niya.

    Have a great week migs and keep it up.

    ReplyDelete
  16. Every chapter's worth the wait. Sana wag munang matapos..
    -icy-

    ReplyDelete
  17. Nakakainis si ryan at ganun din si mike. Anu bayan. May the best man win dapt ung drama nyo! Anyways ganun batalaga si cha pag hndi kuko ung pingkakaablahan buhok naman. Ang tanong my bf naba sya kuya? Haha

    ~waydeeJanYokio

    ReplyDelete
  18. -Hi kuya, im back! :D
    nabasa ko ung mga older posts mo at stories at wala akong linampasan, gusto ko kasing ulitin ung mga stories mo kaya binasa ko ulit at para maliwanagan ako.

    Hmm.. dito sa chapter na ito, nainis ako kay Ryan, may pagka-selfish ang ginawa niya pero hindi ko rin siya masisisi. Haayy... Ganyan ang in-love, may pagka-selfish din paminsan-minsan. -.-

    Kuya, kailan babalik sila Lily at Brenda sa eksena?? Im sure iyakan to the max ang mangyayari kapag nagkita ang mag-ina. :)

    Everyday pa rin ako magccheck sa blog mo, para hindi ako mahuli sa post mo. :)

    INGATZ! :*

    ReplyDelete
  19. Natawa ako kay Cha XD Hahaha. Do i look like a Fucking fortune coockie!? XD That Line made me laugh sooooo hard XD Wala paring kupas si cha :D

    Well, Naawa ako kay dan :< He doesnt deserve to be sad.
    Pero magiging happy din si dan bandang huli :D
    - Akhii

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sound Like po pala yun XD*

      Delete
  20. Hindi naman sa predictable ka miguelito, may mga "guess" lang ako.. ;)

    (About this chapter):
    I dont hate Ryan for what he did or why he did that.
    Natural lang naman kasi na ganun ang maramdaman mo kung sobrang pinapahalagahan mo ang isang tao.
    The only problem is, instead na matulungan niya si Dan na ma heal, nagiging hindrance na siya kahit pa hindi ganon ang intention niya.
    As for mike, naiinis ako sa kanya kasi di man lang niya sinubukang alamin kung ano talaga ang totoo. :3

    Nga pala migs, may sched kaba ng pag popost?


    ~Frostking (nagloloko ang browser ko kaya di ko malagay name ko)

    ReplyDelete
  21. teresa of the faint smileApril 20, 2013 at 11:54 AM

    As i thought,...mike will leave dan again in the end because of the idea that dan will have a happy and normal life again with out him,.....hope that this story will not be the same with the first season,...coz if thats the case i think i should stop reading the story,..coz theirs no point reading a story with the same concept even if the character is different from the first season and has a link to the first season,....but still i'm still fan of DANNY AND MIKEE LOVE STORY, heheh :)

    ReplyDelete
  22. Magbabasa nlng q kpg my ending na para di aq mabitin..haha

    galing mo tlga migz

    lonelyboy of naga city

    ReplyDelete
  23. Bakit ganun?pag may magandang mangyayari kay Dan kasunod agad yung di magandang pangyayari?

    Ang sad naman Migs. :(

    Thanks sa back to back Migs. :)

    ReplyDelete
  24. bakit ganito tlaga ang sitwasyon migs?

    ReplyDelete
  25. migs, ginawa mong masama si ryan para hindi na sya magmukhang masyadong kawawa pag nagkatuluyan si mike at dan. naawa naman ako sa character niya. biglang binago. akala ko he will change for good. pero hindi ginawa mo siyang masama. :(

    -lance

    ReplyDelete
  26. I don't blame Ryan for being protective of Dan coz he saw what and how did Dan went through, but to be fair, Bryan is darn right, Ryan is blinded by the abovementioned and of selfishness, if your clouded with negativity, rationality is not gonna visit your mind. Now Mike was trying to gather himself and putting together his broken life by trying to reach to Dan. They need each other to cure the pain in thier life and heart. Their friendship and love will cure everything. All i want to see is for Mike to be stronger and listen to his heart.
    We are entitled to our own opinion, but we don't need to be harsh with our comments that the story is this and that, that is why there are courtesy words and always remember that the author work so hard to write this wonderful story and that should always be considered. If you can't bear the heat get out from the heat. If you just keep on saying its hot its hot, but you stay, then don't complain.
    Let us be considerate. Migs, Good job.

    ReplyDelete
  27. Naku, hindi na maganda ang kutob ko dito, sa book 1 parang ganito din eh, selfish, nabulag sa pagmamahal. Wala sanang mamatay kuya migs. At sana ibang story na sa next season. Lol.

    Wala na, si Bryan na lang ang gusto ko.

    ReplyDelete
  28. Naku, hindi na maganda ang kutob ko dito, sa book 1 parang ganito din eh, selfish, nabulag sa pagmamahal. Wala sanang mamatay kuya migs. At sana ibang story na sa next season. Lol.

    Wala na, si Bryan na lang ang gusto ko.

    ReplyDelete
  29. BTW kuya migs, sobrang thank you sa B2B chapters, grabe nakakalunod. Hahaha! Sulit na sulit talaga. Thanks a lot. Keep safe.

    ReplyDelete
  30. EXCITED NA AKO Sa susunod, di na ko makapag hintay...
    .
    sana naman ipaglaban ni mike si Dan at huwag nanaman niya itong tatalikuran.
    Kung si bryan nalan kaya para masaya haha



    -Ryan

    ReplyDelete
  31. i have a feeling na mabaet naman tlga yang c ryan eh, mike-dan pa rin sa huli.. :p

    ReplyDelete
  32. Fortune cookie HAHAHAHAHAHA CHA LUV U PUREBERR

    ReplyDelete