Against All Odds 2[40]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hinanda
na ni Mike ang lahat. Ang damit ng kaniyang anak, ang gagamitin nito
sa camp sa loob ng limang araw at ang kakainin nito sa sasakyan
habang asa daan papunta doon. Habang ginagawa ito ay hindi parin
magawang isipin na magsasampung taong gulang na ito, parang kailan
lang kasi ay hindi niya inakala na maiaayos pang muli ang kaniyang
buhay matapos mawala sa kaniya ang lahat.
Matapos
mawala sa kaniya si Dan.
Pero
totoo nga ang kasabihan na mawala man ang isa sa
pinakai-ingat-ingatan mo may papalit at papalit na mas matimbang pa
dito at ngayon, para kay Mike ito ay ang kaniyang prinsesa. Hindi
napigilan ni Mike ang mapangiti nang mapansin niya ang anak na
masuyong nakasilip sa kaniya sa likod ng kahon ng cereal.
“You
know I can see you, right?” napapahagikgik na saad ni Mike, hindi
mapigilang ma-cute-an sa kaniyang sampung taong gulang na anak.
“I
just can't believe you're here.”
“I'm
that busy huh?” nahihiyang tanong ni Mike sa anak.
Isa
na kasi siyang ganap na abugado. Tulad ng kaniyang pinangarap noon
kasama ang kaniyang bestfriend na si Dan kaya naman madalas siyang
walang oras para sa anak pero bumabawi naman siya sa oras na
magkaroon siya ng libreng oras.
“Yup.”
walng kagatul-kagtol na saad ng bata.
“Don't
worry I'm going to take two days off every week sa firm just to bond
with you.” taas babang kilay na saad ni Mike na ikinahagikgik ng
anak.
“Dad.
Malaki na ako---”
“Hep
hep hep--- anong malaki? Baby ka pa kaya namin!” saad ni Mike sbay
lapit sa kaniyang anak at niyakap ito ng mahigpit.
“Dad!
Ang cheesy mo talaga!” maarteng saad ng kaniyang anak kahit pa
hindi nito mapigilan ang mapangiti at mapahagikgik.
Susundan
pa sana ni Mike ang kanilang asarang mag-ama nang biglang mag-ring
ang phone niya. Bihira tumawag si Brenda sa ganung oras kaya naman
hindi niya pa sinasagot ang tawag ay agad na siyang kinabahan.
“Hello
Ma?” sagot ni Mike sa telepono na may halong takot hindi ito
nakaligtas sa batang babae.
“Hi
Lola!” sigaw ng bata, pilit pinapagaang ang nagsisimulang bumigat
na hangin sa kanilang paligid ang ginawang ito ng batang babae ay
ikinangiti ni Mike alam niya kasi na pinapagaang lang nito ang
kaniyang nararamdaman.
Ngunit
ang ngiting iyon ay agad na nabura nang marinig ni Mike ang dahilan
kung bakit tumawag ang ina. Agad na nanlamig ang buo niyang katawan,
nanghina at namutla. Hindi ito nakaligtas sa batang babae na agad
tinawag ang ina.
“Ma,
come quick I think something's wrong!” nagaalalang sigaw ng bata na
agad lumapit sa ama.
Wala
pang ilang saglit ay sumulpot na ang ina nito at nagaalalang tumingin
sa mag-ama. Nagtama ang tingin ni Mike at Mona. Alam na alam ni Mona
ang tingin na iyon sa mga mata ni Mike, ang tila ba nawawala nitong
itsura, papaiyak na mga mata at hindi mapakaling mga paa.
Alam
niyang malayo sa magandang balita ang natatanggap nito ngayon at wala
siyang ibang gustong gawin kundi ang pakalmahin ito, ang aluhin ito
at ang yakapin ito ng mahigpit.
“What
happened?”
Hindi
nagawa ni Mike pa ang magsalita at niyakap na siya ng mahigpit ni
Mona.
0000ooo0000
Halos
nasa kaniya na ang lahat. Magandang trabaho, dahil nakatapos na siya
ay isa na ngayong ganap at sikat na duktor kung saan pinipilahan siya
ng mga pasyente na nakakatanggap ng mabisang panggagamot sa kaniya,
may maayos na bahay siyang natutuluyan at may isang tao na nagaalaga
sa kaniya at nagmamahal.
Pero
hindi parin siya masaya.
Pakiramdam
niya ay may kulang parin.
Parang
may mali.
Nagising
si Dan sa kaniyang ginagawang pagbabasa nang makatanggap siya ng
mensahe sa kaniyang beeper. Sabi doon ay may pasyente daw sa
Emergency Room na kinakailangan niyang masuri. Tulad ng nakagawian ay
inayos ni Dan ang sarili at mahinahong pumunta sa Emergency Room.
“We
need the immediate family, sir.” magalang na saad ng nurse sa isang
lalaki na natatakpan pa ng kurtina ng dumating si Dan sa E.R.
“She
has no one but me and my family. Please see to it that she is taken
care of. Kaming bahala sa bills niya and if decisions are to be made
then inform us. We consider her as family.” mahinahon namang balik
ng lalaki na ikinakuwa ng atensyon ni Dan.
Ang
boses na iyon. Hindi mapigilan ni Dan na tanungin ang sarili kung
saan ba niya narinig ang boses na iyon.
“Ay
doc, andyan na po pala kayo---” simula ng nurse pero naputol iyon
nang tawagin ng pasyente ang pansin nito.
“NURSE!
Nasususka ako, Nurse!”
Ang
sigaw na ito ang nagtulak sa nurse na magmadaling kumuwa ng isang
maliit na palanggana at hinawi ang kurtina upang mabilis na makapunta
sa tabi ng pasyente bago ito sumuka.
Tila
ba tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Dan nang makita niya ang
babaeng nakahiga sa stretcher at sumusuka sa palanggana na inabot ng
nurse. Hindi na nakayanan ni Dan ang kaniyang nakikita pero hindi
niya rin magawang lumayo mula sa tagpo na nagdudulot sa kaniya ng
pamimigat ng loob. Nagdudulot sa kaniya ng matinding pighati.
Nang
sa wakas ay nagkaroon na si Dan ng lakas upang i-iwas ang kaniyang
tingin sa pasyente ay nagtama ang tingin nila ng lalaking kasama
nito.
“Mike.”
bulong ni Dan.
0000ooo0000
“You're
fired.” mahinahon pero puno ng diin na saad ng boss ni Ryan.
“What?!”
“Don't
act as if you don't know what I'm talking about.” mariin ulit na
saad ng boss ni Ryan na agad ikinamutla ng huli lalo pa nang
masilayan niya ang isang cd na may nakalagay na “Pantry Room
4-2-12” Alam niya kung ano ang nangyari sa pantry room ng
kanilang firm na iyon sa eksaktong alas dos ng madaling araw.
“I-I
can explain---”
“This
is the third time something like this happened, Ryan. Pinagbigyan
kita sa unang dalawang beses---”
“Please
give me another chance. I promise I won't do it again.” nagsisimula
ng mag-panic na saad ni Ryan.
“I
can't---”
“Why
not this time?! Sayo na rin nanggaling na pinagbigyan mo na ako sa
unang dalawang beses. Why not this time?! I promise I won't do it
again.” halos nagmamakaawa ng balik ni Ryan sabay tayo sa kaniyang
kinauupuan sa loob ng opisina ng kaniyang boss.
“Because
he's filing a sexual harassment case against you.”
Agad
na lumiban ang lakas sa buong katawan ni Ryan, gayun din ang kulay sa
kaniyang mukha at base sa nakikita ng boss niya ay tila ba mawawalan
pa ito ng malay.
0000ooo0000
Masaya
siya at sa wakas ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pagbabago. Hindi
naging madali ang umiwas sa kaniyang nakagawian pero dumadalas na ang
pagkakataon na nakakasakit siya bagay na ikinatataka niya kung bakit
wala parin siya sa loob ng bilangguan ngayon at nagtulak sa kaniya na
magbagong buhay na.
Naglalakad
na siya pauwi galing rehab, lugar kung saan nagvo-volunteer siya sa
pagtulong sa mga kabataang tulad niya noon ay nalululong sa
masasamang bisyo nang sumagi sa kaniyang isip ang muling mag-aral.
Asa
ganito siyang pag-iisip nang biglang may bumulaga sa kaniyang harapan
na isang lalaki galing sa malaking pinto ng building sa kaniyang
harapan.
“What
the hell?!” sigaw ng lalaki na ikinapako niya sa kaniyang
kinatatayuan.
“Lasing
ka na! Wag ka na dito manggulo! Umuwi ka na dun sa inyo!” sigaw ng
bouncer.
“Fuck
you!” sigaw pabalik ng lalaki sabay daretso ng tingin.
Nagtama
ang tingin nilang dalawa at halata sa lalaki sa kaniyang harapan na
nagulat din ito sa kabila ng pagkalasing nito.
“Melvin.”
bulong ng lalaking itinapon palabas na ikinatunaw lahat ng resolba ni
Melvin.
0000ooo0000
Mabilis
ang pagpapatakbo niya ng sasakyan, kasabay ng mabilis na ikot ng mga
gulong ng patrol na iyon ang malakas na wangwang at ang malikot na
patay sindi ng kulay pula at asul na ilaw sa bubungan ng patrol na
iyon, ang lahat ng ito ay para lang mahuli nila ang isang kilalang
pusher ng droga na matagal na nilang tinutugis.
Para
kay Martin ay personal ang kanilang misyon na ito dahil ang pusher na
ito ang isa sa mga sumira ng buhay noon ng tanging tao na nagturing
sa kaniya bilang isang tao na kailangan ding irespeto. Tinutugis niya
ang tao na ito hindi para ipaghiganti ang kaibigan kundi upang
matulungan pa ito. Naniniwala siya na hindi pa huli ang lahat para sa
tao na ito, na tulad ng kaniyang kapatid ay may pag-asa pa itong
magbago.
“May
kumanta nanaman siguro. Hindi nanaman namin naabutan, Sarge.” saad
ng isa sa mga batang pulis pagkatigil na pagkatigil ng patrol na
minamaneho ni Martin.
“Sige.
Basta sa susunod na magkaroon ulit tayo ng lead sabihan niyo agad ako
at gusto ko kung maaari buhay.” mariin saad ni Martin atsaka
marahang ini-atras ang kaniyang minamaneho na patrol.
Umaasa
na sana sa susunod ay mahuli na nila ito.
0000ooo0000
“Putangina!”
sigaw ni Marc habang patuloy parin siya sa pagtakbo.
Hindi
na niya alam kung gaano na ba kalayo ang kaniyang natatakbo basta ang
alam niya at ang sinasabi sa kaniya ng lango niya sa drogag isip ay
tumakbo papalayo mula sa silong na tinatawag niyang bahay.
“Sino
nanaman kayang patoro ang nagsabi sa parak?!” singhal ni Marc sa
kaniyang sarili habang lumilingon-lingon. Tinitignan kung asa paligid
pa ba niya ang mga pulis.
Nang
masiguro na wala ng sumusunod sa kaniya ay dahan-dahang bumagal ang
kaniyang pagtakbo at saglit na umupo sa bangketa. Inipit ang kaniyang
ulo sa pagitan ng kaniyang mga tuhod at nilamukos ang sariling mukha
gamit ang dalawang palad.
“San
na ako pupunta nito ngayon?!” singhal niya muli sa sarili, pilit
pinapalinaw ang kaniyang isip pero kahit anong gawin niya ay
pinapalabo parin ito ng droga.
Ilang
saglit pa ay pinakalma ng droga ding iyon si Marc. Hindi niya alam
kung kailan pa siya nawalan ng kuntrol sa sariling buhay. Ang alam
niya lang ay masaya siya noong asa high school pa lang siya, kasama
ang kaniyang mga kaibigan at kahit abala man ang kaniang mga magulang
ay andun naman ang kaniyang mga kaibigan para tumulong sa kaniya.
Hindi
niya alam kung bakit hindi niya maialis sa kaniyang sistema ang droga
katulad ng kaniyang mga kaibigan ang tangi niya lang alam ay
kailangan na niya ito na parang isang halaman na kailangan ng tubig
at matabang lupa na pagtataniman.
Ilang
saglit pa at wala sa sariling ngumiti na tila nakakaloko si Marc at
sa puntong iyon din siya naka isip ng isang ideya.
“Bibisitahin
ko nga si bespren.” saad muli ni Marc sa sarili saka pagewang
gewang na naglakad palayo.
0000ooo0000
“What
the hell?!” singhal ni Dave sa kaniyang sarili sabay tayo mula sa
kama at nagpunta sa lamesita kung saan nakapatong ang kaniyang
telepono.
“Sino
naman ang tatawag ng ganitong kaaga?!” inis na saad ni Dave sa
sarili kahit pa alam niya na tanghali na ang ganong oras para sa
ibang tao na hindi nagpupuyat tulad niya na isang kilalang abugado
upang mairaos lang ang kaso na kanilang pinaglalaban.
Nang
makita niya ang pangalan ng numero na nakarehistro sa kaniyang
telepono ay natigilan pa siya saglit bago sagutin ito. Alam niyang
kailangang kailangan siya ng kaibigan dahil sa ilang pagkakataon na
tumatawag ito sa kaniya ay nagpapasabi muna ito na tatawag ito hindi
katulad ngayon na basta lang ito tumawag.
“Mike”
sabi sa screen ng kaniyang
telepono.
Magsasampung
taon na nang lapitan niya si Mike upang hingan ito ng tulong. Hindi
siya nito binigo. Tinulungan siya nitong makabawi at makalayo sa
droga, ginabayan siya nito katulad ng isang mabuting kaibigan. Hindi
ito umalis sa kaniyang tabi hanggang sa mapagtagumpayan niya ang
kaniyang minimithi at hanggang sa ngayon ay mayroon parin silang
contact ngayong malinis na siya at isa na siyang sikat na abugado
katulad ng kaniyang pinangarap noon pa.
Kaya
naman ipinangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat
makabawi lang dito.
“Mike.”
sagot ni Dave sa kaniyang telepono.
“Si
Tita Lily, sinugod sa ospital kanina pa siya nagsusuka ng dugo.”
Napako
si Dave sa kaniyang kinatatayuan. Alam niyang darating ang araw na
iyon. Isa ito sa mga gustong mangyari ni Mike bilang ganti sa mga
nagawa nito sa kaniya. Ang ayusin kahit papano ang buhay na kanilang
sinira maglalabing isang taon na ang nakakaraan.
“Dave,
hindi na maganda ang lagay niya.” rinig
na rinig ni Dave ang hirap, sakit at pagmamakaawa ni Mike sa kabilang
linya.
Ito
ang nagtulak sa kaniya na igalaw ang kaniyang mga kalamnan. Naglakad
papunta sa tukador at binuksan ang isang sobre. Sobre kung saan may
ilang mahahalagang dukumento at impormasyon ang nakapaloob. Huminga
ng malalim si Dave at binuksan at binasa ang laman nito.
“Sang
ospital kayo?” mahinahon pero puno din ng hinagpis na tanong ni
Dave.
“Saint
Luke's---” bitin na sagot ni
Mike sa kabilang linya.
“Lipat
kayong Makati Med. Sunod ako sainyo dun.”
Tila
naintindihan naman ni Mike ang kaniyang nais iparating at mabilis na
nitong ibinaba ang kabilang linya.
Agad
agad na nagbihis si Dave. Dinala ang kung ano mang importanteng bagay
na maaaring kailanganin habang iniisip na iyon na ang tamang panahon
upang gawin lahat ng kanilang makakaya na ayusin ang gusot na
kanilang ginawa noon. Alam niyang mahihirapan siya pero gagawin niya
ang lahat makahingi lang ng tawad sa isang tao na kanilang binaboy,
muntik ng patayin at sirain ang buhay may labing isang taon na ang
nakakaraan.
“Ito
na lang ang kulang, Dave.” saad ni Dave sa kaniyang sarili nang
mapaharap siya sa salamin sa loob ng banyo ng kaniyang apartment.
Buo
ang loob ni Dave na lumabas ng kaniyang apartment. Pero pagkalabas na
pagkalabas niya sa kaniyang apartment ay bumulaga sa kaniya ang
pangalawang supresa para sa araw na iyon.
“Musta
na bespren?”
“Marc?”
gulat na gulat na saad ni Dave.
“The
one and only.”
Itutuloy...
Paunang
silip sa napipintong pagtatapos ng pangalawang libro ng AAO
Against
All Odds 2[40]
by:
Migs
Season Finale na po. :-(
ReplyDeleteTinatamad na akong magpost ng stories. Hindi dahil busy pero dahil... a basta.
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
DEE: thanks! Mukhang ikaw lang naman ang nagagandahan eh.
JB BJ: actually sa kanila lahat iikot ang story hindi lang dun sa dalawa.
Anonymous April 18, 2013 at 10:28 PM: Sa susunod po na magcomment kayo, lagyan niyo na po ng name para po ma-address kayo ng maayos. Salamat po. :)
Love Doctor: hindi na po. :-(
aR: intayin mo na lang kung sino sino ang adun sa season three at kung sino ang mawawala. Anong long long long line ng sentences?
Erwin F. Intindihin na lang natin si Mike. Haha!
Anonymous April 18, 2013 at 11:59 PM: isn't that what you guys requested? Long story. More chapters. Drama. Binibigay ko lang po sainyo. :-) If you find it dragging na then maybe you should stop reading na and wait for the next story? This one will be finished soon. And Oh, I forgot, please do put your name sa next comment mo para ma-address kita ng maayos. :-)
Lawfer: every body hurts in love. :-)
Lyron Batara: more sweet scenes soon kapantay ng drama.
Robert mendoza: sakto lang frend. Thanks!
Johnny Quest: tumugma ba? :-)
gavi: hindi pwede MAHIHIRAPAN ka lang kapag binigay ko siya sayo. Kung bakit? Alamin sa pagtatapos ng story na ito. Hihihi!
Marven cursat: cowardice is a by product of other people's bad action. Tandaan mo yan. :-P
Ryge Stan: natumbok mo ang character ni Ryan. :-)
icy: tell that to Anonymous April 18, 2013 at 11:59 PM gusto na raw niya matapos dahil dragging. :-)
waydeeJanYokio: ang layo ng tanong? Haha!
Lynx: magkikita na sila sa next post ko. :-)
akhiii: glad to make you laugh. :-)
Frostking: sa sobrang busy kahit mya schedule di ko padin siya magawa. :-(
teresa of the faint smile: why not give the story a shot? Eh ano ngayon kung magkapareho ng magiging ending? That doesn't mean na pareho ang paraan ng pagtatapos nila diba? Maybe you should finish the story first before you say that the story is pointless na for you to read it.
Lonelyboy: Thanks!
Riley delima: hehe ano pang naging AAO ang title nito? Haha! :-P Thanks!
Russ: ganyan talaga. :-)
lance: di pa tapos ang story. Walang masama sa character na pinurtray ni Ryan. Naging desperado langs iya.
Foxriver: thanks. Readers like you keeps me motivated. :-)
ANDY: meron pang season 3. Wag mawalan ng pag-asa.
Ryan: straight si Bryan. Hahaha!
Akosichristian: haha die hard fan ka ba? :-P
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
wow season 3!
ReplyDeleteWTH happened to ryan?! :o
bumalik ang mga dting karakter, naeexcite nq x3
kea ikaw ginoong migz wag na wag ka mgsasawa mgpost, kundi ipapagahasa kta sa sampung baklang maton na my hadhad! cge ka :p
dun wori, d2 naman kming mga FANS m eh :D
The ending... Why. How. What. I can't. :-(
ReplyDeleteSir, anong nangyari? Kung nay prob ka man..lilipas din yan. :)
ReplyDeleteHmmmmm ako? Mahihirapan? So far pa naman di pa ko sumuko. :) try me. :D akin na lang si Ryan! But i am wondering kung ano ngyari sa kanya..
Nice twist. super unexpected.. This is truly one of the best stories that you've created (actually lahat naman ng stories mo the best. :p) :) pero syempre paborito ko pa din yung Taking Chances..it saved my life..
-- gavi :)
OMG magkukrus na ang landas nilang lahat.Nice kuya Migz. Akala ko mali ang nabasa ko at parang biglang nagbago ang takbo ng istorya hehehe. Haist. May mga kanya kanya na silang buhay lalo na si Mike may anak na. Sila pa rin ba kaya ni Ryan?Hmm. Kagaya rin kaya ng buhay ni Aron ang magiging takbo ng buhay ni Dan? Exciting...Kawawa naman ang mother ni Dan....
ReplyDeleteWag kang tamadin kuya Migz post lang ikaw pag may time...tc
Kakagulat naman ang pag time travel.. Walang confrontation between ryan and dan right after sabihin ni mike yung "lies" ni ryan?
ReplyDeleteLike gavi, this is my moooost favorite..
Sana wag ka tatamarin..
-icy-
I Am So thrilled right now, Hindi ko mapredict kung ano ang susunod na mangyayari. excited na ako :D
ReplyDeleteKuya Migs, Kaya mO yan ! We love you
-ryan
Bakit kuya ayaw mona mag sulat? :,-( wag kuya pls. Ikaw nalang natira sa mga fav. Na author ko ang ng uupdate ngaun eh. Pls dito pa kami ng babasa pa.
ReplyDelete~At what The? The BIG COMEBACK ng lahat ng characters. Weew! E2 nato my aksyon na ei. Hehe tapus anung ngyari ky mike? Bat sya ng asawa? Yan kc dan eh! At alam ko namang may soft side talaga si dave.
~WaydeeJanYokio
okay season 3 na! 10 years kaagad? Wow, I'm sure none of your reader's expected that ewan ko lang kay makki...
ReplyDeletekanina habang binabasa ko yung chap 39 parang naiiyak ako,
at sa tingin ko mas maraming makabagbag damdaming pangyayari ang magaganap sa book 3!
Keep it up!
Note to self: magdala ng tissue paper kapag magbabasa!
ang saya ng reunion nila... sna lumuhod silang lahat sa paanan ni Dan :)
ReplyDelete<07>
aaaggghhh! super bitin again. matatapus na ata tlaga. what will happen kaya?
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteHAHA Time space warp!! LOL hehe
kanina lang emotional na ko tapos sabay umpisa ng basa..may anak si mike?
sino asawa?
then...skip skip..OMG si Lily!!
the..skip skip..Melvin...Ryan! baka naging lasinggero si Ryan..then it means iniwan rin siya ni mike..so si melvin ba ang da one en onli?
skip skip Dave? doktor din?...sa makati med COOOOOL...
Mark...Most wanted Pusher!! and Martin OOOOOOMMMMMMMMM.. ang hot siguro ni martin dito lels...jk
Mike..Dan..Lily...reunion...IM SO EXCITED made my morning Lol!! haha 12:45 am na pla..
author migs!! galing galing :3
-aR
Hala ending na pala? Bakot parang tagpi-tagpi at laktaw-laktaw...@_@ am sure malilinawan ako sa next chapter :)
ReplyDeleteU never fail to amaze me. migz..actually dalawang blog sites na lang sinusubaybayan q s mundo ng m2m..isa na to.sobrang galing mo po..and i will be always thankful to u coz of da lessons in ur stories..sarap maging single..ok lng n single dhl busog nmn aq s kakabasa. Continue writing migz.tc always :)
ReplyDeleteLonelyboy :)
OMG! Anong plano mo kuya migs! Unexpected naman itong chapter na to!!!
ReplyDeleteDba maka-ryan ako? Pero dahil sa sinundan nitong chapter na to, wala na ako sa team ryan at wala din sa team mike. Pero nanghihinayang naman ako nung may anak na si Mike at may asawa na, ang hirap sa pkiramdam.
At ano na bang pinaggagagawa ni ryan sa buhay nya?
Asan si bryan?
Sinong nagmamahal/alaga daw kay dan?
Si dave nagbago na. Si Marc nakakatakot lalo.
Si Martin pulis na!
At isang matinding scene sigurado ang pagkukrus ng landas nilang lahat lalo na ni Dan at ni Lily.
Nakakaexcite at nakakakaba kuya Migs!!
Galing mo talaga!!!
hello
ReplyDeleteokay hindi ko talaga siya kinaya as in!!!!
Si MIKE.... may pamilya na at asawa???!!![DAPAT HINDI NA LANG SIYA NAG-ASAWA.. BADTRIP OH. PAANO NA SILA NGAYON NI DAN :(]
Si DAN.... isa ng ganap na duktor and yung babaeng nagsusuka ay si LILY
Si RYAN.... naging isang dakilang MANYAKIS!!! What happen??? at anu work niya?
Si MELVIN... ayun nagbago na siya diba? at yung nakita niya na lasing is si Ryan??? ryt? ( PARANG NAGUGUSTUHAN KO NA ANG CHARACTER NI MELVIN, KUNG NAGBAGO NA SIYA... SILA NA LANG NI RYAN DIBA? AGREE???!!)
Si MARC... ayun... NO COMMENT ALAM NAMAN NATING NA SIYA ANG KONTRABIDA EH!
Si DAVE... hay salamat nagbago narin siya :D
at si MARTIN... yun oh! naging pulis na siya yehey!!!!
ANG HINDI KO TLGA MATANGGAP SA STORYANG ITO IS:
UNA! SI MIKEE MAY FAMILY NAH!
PANGALAWA! SI RYAN NAGIGING BAD NAH!
PANGATLO! SI MARC... NAKU NAKAKAAMOY NA TLGA AKO NG SOMETHING DYAN, MUHKANG MADEDELAY PA YATA ANG PAGTULONG NI DAVE EH! KANINIS!!!
-JOSHUA..... :p
kuya migs first time ko magconent dito , your stories are the best sa mga binasa ko especially this one, kaya keep on making this kind of stories marami manghihinayang kapag tmigil ka sa pagpopost syempre kasama nako dun hehehe diba kuya johnpot (john allen bantay)
ReplyDeleteanyway, about naman po dun sa stories, mukhang nagiging interesado na mga nangyayari , syempre tamang hntay ulit ng update xD keep it up po <3
-Kevin P.
Anyare? After this no more na?
ReplyDeleteMigs naman oh! Di magandang biro yan.... :((
this is beyond exciting!!!
ReplyDeleteMigs it makes me sad to think that your beginning to loose your grip. I know there are times that we think kung may kabuluhan ba ang ating ginagawa? is there a reason behind everything that we do? and the most difficult thing to do is to know what is that reason. Kaya siguro tinatamad ka ng magsulat aside from being busy with your work I think its more on psychological side.
ReplyDeleteI know I'm not in the position to ask why? If in time you think that you have enough then rest but don't let your talents go to waste. It's almost a year since I read your stories and I admit at first I find it a waste of time but guess what you prove to me that I'm wrong. That next thing I knew I'm already hooked up to your stories. That my day/week is not complete if I miss a chapter or two.
But still at the end of the day, its you who will decide. but before I'm out of time let me give you my warmest thanks, for the inspiration and for the tears, smiles and critters I feel in my stomach every time I read your stories. I hope this not farewell. Have a great day.
Like this chapter. Dan's a doctor. Mike's a lawyer. Perfect. You're an inspiration Migs.
ReplyDeleteIs it a happy ever after for dan and mike? Sana :( Ramdam ko yung chapter 39. Standing ovation yun XD
ReplyDeleteBy The Way
Please dont quit kuya migs :(
-Akhii
dammit! speechless!, di ko inaasahan na aabot sa ganito ang story, halimaw ka talaga idol migs! hehehe galing!
ReplyDeleteI read your works almost twice and I love how you write. This is a good story or should I say way more beyond awesome. Sulat lang ng sulat! Habang may bumabasa sulat ka lang!
ReplyDeleteYou know how to capture minds. Sabi mo nga sa isa MONG story dito "Ang magaling na author nagsusulat mula sa kanyang puso." And that's what you are doing!
Kudos bro!
-dilos from Toronto. :)
Kuya migs! please waaaaag ka tamarin magpost. haha.
ReplyDeletenamiss ko magcomment ha, sobrang excited na ko sa mga mangyayari, namiss ko bigla si Aaron, Nate at Jace d2 sa chapter na to medyo magkahawig ung scene. btw, next please. Hahaha
Saka kayo mga kuya wag na kayo magulat sa napakalaking time travel ni kuya migs sa story, parang d kau nasanay pasasaan din at malalaman nyo rin ang mga nangyari. chill lang tau! hahaha
-iyanchan
Gusto ko ng basahin yung next chapter, Kuya MIGS Lahat na nga Story Mo NABASA ko na poIto nalang yung hindi ko pa natatapos, Pangalawang comment ko na to hahaha
ReplyDelete.
HUHUHU Update na po Plz ^_____^
Galing mo panaman magsulat !
-Ryan
wow... lahat na characters nagsibalikan na... si melvin, si dave, si mark at si martin. I remember martin na naging good friend kay dan at tanging tao na nakakaalam ng kwento ni dan aside from ryan and bryan. at ngayon pulis na siya, tagapatupad ng batas! sana mayroon din syang story sa susunod. Migs gawan mo please.....
ReplyDeletei feel sad kasi tatapusin na ni author ang kwentong ito. sana Migs wag mong madaliin. nakuha ko ang ibig mong sabihin. sana sila pa rin mi mike.
Migs galing mo talaga. wala kang kakupas kupas. ang imagination mo, grabe! di ko alam kung san nanggagaling ang mga to... paano nagkabuo buo ang story na to. lahat ng stories mo, Super A ang grade. Lahat nabasa ko na.
Sana marami ka pang magawang kwento. Salamat.