Against All Odds 2[35]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
alam ni Dan pero paminsan-minsan parin siyang napapangiti sa tuwing
naaalala niya ang kakulitan ni Mike sa buong araw nilang magkasama.
Iniisip na sa wakas ay muli ng bumalik ang dating kumportableng-
kumportable nilang pakikisama sa isa't isa, sa wakas ay unti-unti ng
nakakaungos si Dan sa masamang nakaraan at sa wakas ay unti-unti na
niyang naipagpapatuloy ang kaniya buhay.
Ang
pag-ngiting ito ni Dan ay hindi nakaligtas kay Ryan na nasa kaniyang
tabi sa loob ng sinasakyang dyip.
“Great
day?” tanong ni Ryan kay Dan nang mahuli niya ulit itong
naka-ngiti.
“Huh?”
tanong ni Dan kay Ryan na hindi alintana na nakangiti parin siya.
“You
won't stop smiling. Did you have a great day at school and at work?”
tanong ni Ryan kay Dan sabay abot sa kamay ng huli at ibinalot ang
kaniyang malaking kamay sa kamay nito.
“Yup.
Great day.” matipid na sagot ni Dan sabay pinagmasdan ang malaking
kamay ni Ryan na nakabalot sa kaniyang kamay.
“That's
good.” nakangiti naring saad ni Ryan saka hinigpitan pa lalo ang
pagkakahawak sa kamay ni Dan. Hindi na ito naintindi pa ni Dan dahil
nang maramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Ryan sa
kaniyang kamay.
Matagal
pang pinagmasdan ni Dan ang kamay na iyon ni Ryan tila may isang
bagay siyang iniintay na makita o maramdaman.
000oo000
“Bakit
parang tumahimik ka ata bigla?” tanong ni Ryan kay Dan habang hawak
parin niya ang kamay nito habang naglalakad sila papasok ng kanilang
apartment.
“Oh---uhmmm---just
tired.” matipid ulit na sagot ni Dan.
Hindi
parin kasi niya naramdaman ang bagay na dapat sana sa puntong iyon ay
bumabalot na sana sa kaniyang pagkatao habang hawak ni Ryan ang
kaniyang kamay kaya siya biglang nanahimik. Oo at bumalik na ang ilan
sa kaniyang nararamdaman noon kay Mike pero hindi ba't dapat kang na
mas malaki na dapat ang puwang ni Ryan sa kaniyang puso, mas mahal na
sana niya ito, mas papaboran at mas kikiligin sa mga simple nitong
bagay na ginagawa sa kaniya kesa sa mga simpleng pag ngiti sa kaniya
ni Mike?
Tutal
si Ryan naman ang nagturo sa kaniya na magtiwala ulit, kung pano
mahalin muli, kung pano pahalagahan muli, kung pano mamuhay ng
normal, malayo sa takot ng masaklap na kahapon.
“Pero
bakit mas malaki parin ang puwang ni Mike sa puso ko?” tanong
ni Dan sa sarili habang nakatingin sa kamay ni Ryan na nakabal0t
parin sa kaniyang mga kamay.
Habang
abala si Dan sa pagtitig sa mga kamay nila ni Ryan ay hindi niya
alintana ang malungkot na tingin na ibinigay nito sa kaniya. Alam
kasi ni Ryan na nagsisinungaling lang si Dan, na hindi lang ito pagod
kundi malalim din ang iniisip nito. Bagay na hinihiling ni Ryan na
hindi itinatago sa kaniya ni Dan.
Dahil
nagsisimula na siyang mag-alala.
000ooo000
Maingay
dahil sa excitement ang buong klase ni Mrs. Pagtipunan dahil sa
ipinangako ng guro na isang suprise activity. Kasama sa mga
nag-iingay si Mike na kausap ang ilan sa mga nakapalagayan na niya ng
loob sa klase na iyon habang si Dan naman ay malalim parin ang
iniisip, ang pagtahimik na ito ni Dan ay napansin na kanina pa ni
Mike pero nang tanungin niya ang huli ay nagpakawala lang ito ng
isang matipid na ngiti kaya naman pinabayaan muna ito ni Mike sa
pagiisip.
Paulit-ulit
na tinatanong sa sarili kung bakit mas matimbang parin si Mike kesa
kay Ryan gayong ilang beses na siyang sinaktan ni Mike habang si Ryan
ay walang ipinakitang mali sa kaniya. Kung panong si Mike parin ang
mas may puwang sa puso niya matapos ang mga ginawa nito sa kaniya
mag-iisang taon na habang si Ryan ay walang ginawa kundi ang
pagaangin ang loob niya nung wala siyang ibang masandalan.
“OK,
listen---” bungad ni Mrs. Pagtipunan sa may pinto ng silid aralan
na ikinakuwa ng pansin ng lahat kasama na ang kay Dan.
“Naayos
ko na ang lahat for today's activity. Now I want to treat all of you
as adult so please behave like one. Meet me at the quadrangle in five
minutes.” pagtatapos ni Mrs. Pagtipunan sa nagtataka niyang klase.
Nang
tumalikod na upang lumabas ng silid aralan ang guro ay napuno ng
bulungan ang silid aralan, may kaniya-kaniyang haka-haka ang bawat
isa. Maging si Dan ay hindi napigilan ang sarili na isipin ang
kanilang magiging aktibidad para sa araw na iyon sa kabila ng marami
niyang iniisip.
0000oo0000
Magsasampung
minuto na ang nakaraan at nakita na lang ng buong klase ni Mrs.
Pagtipunan ang kanilang sarili sa harapan ng isang tourist bus na
naka-park sa quadrangle. Excited ang iba, ang iba ay tila naman
walang pakielam nang dumating si Mrs. Pagtipunan na nakangiti na para
bang may alam siyang sikreto na hindi alam ng iba.
“Now,
are all here?” tanong ni Mrs. Pagtipunan at nang makita niya na
mukhang ang lahat naman ay nandun ay pinapasok na niya ang kaniyang
mga estudyante sa loob ng bus.
Wala
paring puknat ang pagtatanong ng ilan kung san sila pupunta habang si
Dan naman ay nagmadaling sumakay ng bus at tumabi sa isang kaklaseng
babae. Hindi ito napansin ni Mike na agad lumingon-lingon. Umaasa na
makakatabi niya si Dan habang asa byahe kung san sila papunta. Nang
makasakay na si Mike ay napa-buntong hininga dahil sa panghihinayang
na lang siya nang makita niyang may katabi ng iba si Dan kaya naman
sa pinakamalapit na bakanteng silya na lang siya umupo.
“I'm
sure you're all itching to know kung san tayo pupunta pero hahayaan
ko muna kayong mangati dyan, malalaman niyo din soon I promise.
Nagyon may karaoke ang bus na nirenta ng school for this activity.
Yung gustong magpasikat dyan, malaya kayong makakagamit nito.”
nakangising saad ni Mrs. Pagtipunan, hindi tuloy alam ng mga ito kung
totoo ba ang mga sinasabi nito o hindi.
Hindi
na ito pinansin ni Dan na siyang bumalik sa pagiisip ng malalim
habang si Mike ay nababahala na sa ikinilos ni Dan. Iniisip kung
umiiwas nanaman ba ito sa kaniya, kung may nagawa nanaman ba siyang
mali o kung may problema ito.
Nang
hindi na napigilan ni Mike ang sarili ay agad niyang hinugot ang
kaniyang notebook sa kaniyang bag at pumunit ng papel at sinulatan
ito.
0000oo0000
“What
the---?” inis na saad ng babaeng katabi ni Dan na siyang gumising
sa kaniyang malalim na pagiisip. Nakita niya na may pinulot itong
naka crumple na papel, iniisip na may nagbibiro lamang dito ay hindi
na pinansin pa ni Dan ang mga sumunod na nangyari kaya naman nagulat
na lang siya ng i-abot ng kaniyang katabi ang papel na ibinato dito
kanina.
Ok ka
lang? Kanina ka pa walang kibo ah? :-/
Agad
na lumingon si Dan sa kinauupuan ni Mike. Naabutan niya itong
kumakamot sa ulo, namumula ang pisngi at humihingi ng paumanhin sa
babaeng katabi na tinamaan ng papel na dapat ay para sa kaniya. Hindi
napigilan ni Dan ang mapahagikgik at mapailing sa ka-kengkoyan na
ipinakita ni Mike.
Umirap
lang ang katabi ni Dan at idinaretso na ang kaniyang tingin. Doon
lang napansin ni Mike ang paghagikgik ni Dan habang nakatingin sa
kaniya. Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti. Nang makabawi
sa pagkapahiya ay nagtaas ito ng isang kilay bilang pagpapaalala sa
kaniyang tinatanong kay Dan.
Nagbigay
ng matipid na ngiti si Dan at tumango saka nag thumbs up bilang sabi
na OK lang siya. Dito lang tuluyang nakahinga ng maluwag si Mike,
pero iniisip niya parin kung ano ang dahilan ng muling pagtahimik ni
Dan. Wala sa sariling dumaretso ng tingin si Mike, pilit na inuungkat
ang kaniyang isip kung may nasabi ba sa kaniya si Dan nitong mga
nakaraang araw na maaari nitong ikatahimik ngayon, tinignan ang isa
sa babae nilang kaklase na wala sa tonong kumakanta sa may bungad ng
bus.
0000oo0000
Walang
pakielam si Dan sa isa nilang kaklase na wala sa tonong kumakanta sa
kanilang harapan dahil abala ulit siya sa pag-iisip ng malalim.
Lalong lumalim pa ang iniisip ni Dan matapos magbato ni Mike ng isang
papel na may liham sa kaniya. Napagdesisyunan na niyang umiwas kay
Mike dahil akala niya ito na ang magiging sagot upang hindi lalong
lumaki ang lugar nito sa kaniyang puso.
“Pero
pano ko naman gagawin yun kung lagi siyang nakapaligid sakin?” wala
sa sariling tanong ni Dan sa kaniyang sarili.
“Siguro
dapat umiwas na ulit ako sa kaniya--- siguro sa tuwing magaaya siya
mag-coffee dapat tumanggi na ako, dapat di ako papa-apekto sa
pagiging maaalalahanin niya at sweet---”
tuloy tuloy na tumatakbo sa kaniyang isip pero ang malalim na
pag-iisip na ito ni Dan ay naputol nang makarinig siya ng isang
pamilyar na boses.
You're
a falling star, You're the get away car.
You're the line in the sand when I go too far.
You're the swimming pool, on an August day.
And you're the perfect thing to say.
You're the line in the sand when I go too far.
You're the swimming pool, on an August day.
And you're the perfect thing to say.
Napamaang
si Dan. Hindi niya inakalang maglalakas loob muli si Mike na kumanta
sa harap ng maraming tao sa kabila ng pagka tone-deaf nito, sa kabila
ng pagiging sintunado nito at sa kabila ng nakakapangilabot na boses
nito.
Pero
sa kabila nito ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti at
magandahan sa ipinaparating ng kanta.
And
you play it coy, But it's kinda cute.
Ah, When you smile at me you know exactly what you do.
Baby don't pretend, that you don't know it's true.
Cause you can see it when I look at you.
Ah, When you smile at me you know exactly what you do.
Baby don't pretend, that you don't know it's true.
Cause you can see it when I look at you.
“Fine--”
simula muli ni Mike habang nakatingin parin sa labas ng kaniyang
bintana. Hindi nakaligtas kay Dan ang lungkot at pagkadismaya sa
boses ni Mike na ikinalungkot niya rin. Hindi maikakaila ang inis sa
sarili dahil sa hindi pagsuporta sa gusto ng kaibigan kahit pa mali
ito.
“From
now on---” malungkot muling pagpapatuloy ni Mike.
“I'm
just going to sing to you and you alone.” nakangising pagtatapos ni
Mike saka tumakbo papunta sa may pinto upang mapigilan si Dan sa
pagtakas sa kaniyang panghaharot.
Hindi
alintana ang kinikilig at umiirit na mga kaklase nilang babae sa
bandang likod ng bus, hindi alintana ang hiyawan at pagkakanchang ng
mga kaklase nilang lalaki sa may gitna ng bus.
Dahil
para kay Dan. Silang dalawa lang sa loob ng bus ni Mike. Sa kaniya
lang tanging kumakanta si Mike.
And
in this crazy life, and through these crazy times
It's you, it's you, You make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.
It's you, it's you, You make me sing.
You're every line, you're every word, you're everything.
Hindi
na narinig pa ni Dan ang buong kanta dahil nawala na siya sa pagtitig
sa mga mata ni Mike na nakatingin din sa kaniyang mga mata. Gumagawa
ng sariling pag-uusap. Gumagawa ng sariling mundo. Gumagawa ng
sariling pagkaka-intindihan.
Nagising
lang si Dan sa pakikipagtitigan kay Mike nang matapos na nito ang
kinakanta at nang mabalot na ng palakpakan at hiyawan ang buong bus.
Eksaheradong nag-bow si Mike na ikinahiyaw muli ng kanilang mga
kaklase at maski si Mrs. Pagtipunan ay napapangiti at napapalakpak.
Nang
dumaan si Mike sa kinauupuan ni Dan ay nakitang muli ni Mike ang
magandang ngiti na gustong gusto niya na makikita sa mukha ni Dan.
Ang ngiti na naghuhudyat na wala ng gumugulo sa isip nito, na muli
niyang napagaang ang loob nito.
Kaya't
isang ngiti din ang ibinalik niya dito kasama na ang isang kindat na
ikinamula ng pisngi ni Dan. Muling umupo si Mike sa kaniyang
kinauupuan bago siya kumanta, kinuwa ang kaniyang bag at kinuwa muli
ang kaniyang notebook, kagat dila na nagsulat dito, pinunit ang
pahina at binilot ito at saka ibinato sa nakangiti pero nakadirecho
ng tingin sa unahan na si Dan.
Nagulat
si Dan nang dumampi sa kaniyang pisngi ang binilot na papel mula kay
Mike. Habang iniisip niya na mukhang magiging imposible ang pinaplano
niyang pag-iwas kay Mike. Tinanggal niya sa pagkakabilot ang papel at
napangiti lalo sa kaniyang nabasa.
There's
that cute smile I always wanted to see. ;-)
0000oo0000
Tuluyan
nang nai-isang tabi ang iniisip kanina ni Dan nang makarating sila sa
kanilang pupuntahan. Agad na nawala ang ngiti sa kaniyang mukha,
unti-unting nanlambot ang kaniyang buong katawan, nagsimula na siyang
pagpawisan ng malamig at manginig. Wala sa sarili siyang tumingin kay
Mike, walang duda na nagmamakaawa na tulungan siya.
Agad
ding nangamba si Mike nang makita niya kung asan sila. Wala sa sarili
niyang tinignan si Dan na nakatingin narin pala sa kaniya, hindi
maikakaila ang pagmamakaawa. Agad-agad ay gusto niya itong lapitan,
yakapin at pagaangin ang loob nito, ngunit naunahan siya ng
pagpapaliwanag ni Mrs. Pagtipunan.
“Krimen.
Isa yan sa mga salot na bumalot at patuloy na bumabalot sa
sangkatauhan simula't sapul pa lang. Dito maaari nating masilip at
maaari din nating maiintindihan kung ano marahil ang tumatakbo sa
isip ng isang kriminal---” simula ni Mrs. Pagtipunan ngunit nalunod
at hindi na ito naintindihan pa nila Mike at Dan dahil nawala na sila
sa pakikipagtitigan sa isa't isa habang binabalot ng pagkabahala.
0000oo0000
“Unless
you give me a logical enough reason, Mr. Feliciano I'm not going to
let you and Mr. Arellano to just stay here and skip this activity.”
pagmamatigas ni Mrs. Pagtipunan habang tinitignan si Dan na namumutla
paring nakaupo sa loob ng bus.
“There's
no way---!” simulang pagsinghal ni Mike.
“Mike.”
tawag pansin ni Dan kay Mike ngunit hindi siya nito pinansin.
“---you're
going to let him walk inside that shit hole!” pagtatapos ni Mike na
ikinairita ni Mrs. Pagtipunan.
“Watch
your language---” pagbabantang simula ni Mrs. Pagtipunan.
“No
you watch it! You don't know what happened to him and what he'd been
through---!” palaban na sagot ni Mike nang bigla makuwa ni Dan ang
kaniyang pansin.
“Mike!”
halos sabay na napatingin si Mrs. Pagtipunan at Mike sa lakas ng
pagkakasigaw nito.
“It's
fine. I'm going.” nanghihina pero puno ng pagmamatigas na saad ni
Dan na ikinailing ni Mrs. Pagtipunan at ikinabahala ni Mike.
“Are
you sure?” nagaalalang tanong ni Mike na sinagot lang ni Dan ng
simpleng tango.
0000oo0000
Hindi
mapakali si Dan sa mga ibinabato sa kaniyang tingin ng mga preso. Ito
rin ang mga tingin na ibinato sa kaniya nila Mike, Mark, Dave at
Melvin nung gabi birthday niya mag iisang taon na ang nakakaraan. Mga
tingin na nagbibigay sa kaniya ng ibayong takot.
Ginawa
niya ang itinuro sa kaniya ng kambal na si Ryan at Bryan. Inisip niya
na mga karton lang ang mga preso na ito at gaya ni Mike ay hindi siya
papatalo sa mga ito.
Pero
nagiisa lang si Mike. Hindi kagaya ng mga preso na ito na may ilang
daan ang bilang sa kaniyang paligid.
Ang
kaniyang pagmamatigas. Ang kaniyang lakas ay parang tubig sa isang
palad. Unti unting nawawala. Nagsimula ulit siyang balutin ng ibayong
takot, sinimulang multuhin ng mga masasamang alaala, nagsimula ng
mangilid ang kaniyang luha, nagsimula na siyang mamawis ng malamig,
nagsimula ng manginig ang kaniyang mga kalamnan at nagsimula na niya
muling marinig ang mga nakakapangilabot na alaala ng mga masasamang
sinabi nila Mark, Dave at Melvin sa kaniya noong gabing iyon.
Abala
ang lahat sa pakikinig. Maging si Mike ay nakikinig din sa
interesanteng mga bagay na sinasabi ni Mrs. Pagtipunan ay hindi
napansin ang pamumutla ni Dan sa kaniyang tabi.
Itinakip
na ni Dan ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha. Umatras siya
hangga't lumapat ang kaniyang likod sa isang pader at pumadausdos
pababa dito.
“Please
don't hurt me.” pagmamakaawa ni Dan na ikinakuwa na ng pansin nila
Mrs. Pagtipunan, Mike at iba pa nitong kaklase.
Agad-agad
na lumapit si Mike kay Dan upang aluin ito pero nang lumapat ang
kaniyang mga kamay sa balat ni Dan ay lalo itong nanginig at hindi
napigilan ni Dan ang sarili na tabigin ang mga ito.
“Let
me help you, please.” pabulong na pagmamakaawa ni Mike kay Dan.
Ang
sinabing ito ni Mike ay nakapagpakalma ng kaunti kay Dan. Nagaalangan
na idinampi muli ni Mike ang kaniyang mga kamay sa balat ni Dan,
natatakot na baka muling balutin ng takot ang huli pero nang dumampi
na ang kaniyang mga kamay dito at nang maramdaman niyang wala itong
pagtutol sa kaniyang ginagawa ay agad na niya itong inalalayan patayo
at niyakap ng mahigpit atsaka binuhat na parang bago silang kasal.
“I
need to get him out of here.” pagmamakaawang saad ni Mike kay Mrs.
Pagtipunan na wala na lang nagawa kundi ang tumango sa kabila ng
sobra niyang pagaaalala sa kaniyang estudyante na si Dan.
0000oo0000
Nag-ayos
ng masasakyan si Mrs. Pagtipunan para kila Mike at Dan upang mai-uwi
na ni Mike si Dan sa bahay nito nang makapag-pahinga na ito matapos
ang nangyari sa bilangguan. Pero hindi alam ni Mike kung saan
nakatira si Dan at ayaw naman niya itong gisingin upang magtanong
dahil natatakot siya na muli nanaman itong atakihin ng takot kaya't
dinala na lang niya ito sa clinic at doon hinayaan na makapagpahinga
ang huli.
Mag-i-isang
oras ng natutulog si Dan at walang ginawa si Mike kundi ang pagmasdan
lang ang maamo nitong mukha at tila ba isang batang natutulog, umaasa
na sana ang mahabang pagtulog na iyon ng huli ay mapapawi ang lahat
ng takot at sakit na naramdaman nito kanina.
Mag-i-isang
oras na ang nakakaraan at maski si Mike ay napagod dahil sa nangyari
sa bilangguan kaya naman dahan dahan niyang iniyuko at iniunan ang
kaniyang ulo sa kaniyang magkabilang kamay malapit sa ulunan ni Dan
at siya ring umidlip.
Pero
bago pa man siya tuluyang kainin ng antok ay kumawala sa kaniyang
bibig ang kaniyang tunay na nararamdaman dulot ng sobrang pagaalala
kay Dan.
“I
love you.” bulong ni Mike.
Tila
ang sinabi namang ito ni Mike ay isang alarm clock na gumising kay
Dan na matamang tinignan ang natutulog na si Mike na walang ilang
pulgada ang layo sa kaniya na siyang nakapagpakalma lalo sa kaniya
kaya't dahan-dahan niya muling ipinikit ang kaniyang mga mata at
natulog, walang pakielam kung may ibang tao man na nagaalala sa
kaniya dahil alam niyang hangga't nandun si Mike ay wala na siyang
dapat hilingin at hanapin pang iba.
Itutuloy...
Against All Odds 2[35] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteMalapit ng matapos ang season na ito!
Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Mhi mhiko: may sinabi na ba si Dan na mahal niya si Ryan? :-) intayin po natin kung magkakabook 2 ang taking chances. :-)
joshua: baka po. :-)
marven cursat: you're welcome. And thanks din. :-)
teresa of the faint smile: Ako din Mike Dan haha! Pero kawawa daw si Ryan eh kaya pagiisipan ko pa. :-)
russ: tama! :-P
gavi: may nakalagay sa title na back to back eh.
AR: di talaga maka-move on na straight si Martin? Haha!
Michael Bulatz: mahaba talaga ang AAO series. :-)
Lawfer: binibini talaga?
Pink 5ive: that's what I'm after. :-)
therese: like what I've said, chasing pavements is on hold hehe. Tignan natin ha? Malay mo... :-)
robert_mendoza: thanks! :-)
Love Doctor: pagsinta talaga? Ahahaha! :-P
Akhii: naks, single since birth pala ah!
Frostking: si Dan siguro ang dapat matakot. SPOILER ALERT!
Ryge Stan: hard core ry-dan. Hahahaha!
Mhei: malay mo si Ryan din ang piliin ni Dan.
WaydeeJanYokio: ahahaha! Sinong may sabi na nawala si Ryan sa eksena?
Lyron Batara: wow. Ikaw lang ang may reaksyon na ganyan. Yung iba kasi parang galit na galit na ipinaglapit ko sila Dan at Mike ulit eh. Ahaha! Thanks!
Foxriver: haha! Niloloko ka ng baby sis mo oh. ;)
Johnny quest: Hindi naman dehado si Ryan dito sa story na 'to. Baka sa susunod pang season. Hehe! :-P SPOILER ALERT!
Riley: akala ko noon ka pa maka-mike?
Migz: saying you love someone, looking like you love someone and feeling like you love someone is not the same. Malay mo ganyan ang nangyari kay Dan at Ryan? :-)
ANDY: calm down. Di pa tapos ang story. In the end malalaman mo kung bakit nangyayari ang naggyayari ngayon.
JB BJ: Thanks! Pero hindi na-set aside si Ryan, promise. I was just trying to emphasize what Mike and Dan must be feeling right now pero that doesn't mean na mawawala na sa picture ang kambal.
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Author Migs!
ReplyDeleteSige na nga give up nako :D
MArtin is Straigt! haha
POor Ryan if alam lang niya :(
To Dan: Dapat maging honest siya kay Ryan he deserves to know naman, dapat ma open niya to ka Ry.
Mike: iDi ko sure kung matutuwa ako o hinde sa ginagawa niya, I mean thats sweet, kaya lng team Ryan kasi ako haha :P
...and here comes yung moment na nasabi ni Mike ang ILY hmmm..Dans' reaction <3 Lol XD
-aR
is it starting ang pagkadurog ng puso ni ryan tsk tsk tsk. kawawang ryan I hope he can get over this pag nalaman niyang totoo ang kanyang mga kinatatakutan.
ReplyDeletehave agreat day migz
ang tunay na nagmamahal ay iisipin nya muna kung anu ang talagang magpapasaya sa minmahal nya and alam kung ganun c ryan kay dan, though masasaktan sya din labis. . . c dan aman ay tlagang mahal na mahal nya c myke at ganun din c myke kay dan.. hopefully ay maging totoo na cla sa mga sarili nila. haizt! tnx migs.
ReplyDeletewhoa! after what ryan had done to dan, tsk1 anyway, si kuya migs na bahal jan, im xure di niya tau bibiguin in making this story a great one! XD . longing for another chapters! hehehe
ReplyDeleteWhere's Ryan?? Mike's makin the moves and he's slowly getting Dan's heart.
ReplyDeleteThis chapter broke my heart. :'( poor Ryan.
ReplyDelete