Against All Odds 2[37]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Dahan-dahang iminulat ni Dan ang kaniyang mga mata. Nuong una ay hindi ay nalito pa siya kung asan siya, alam niyang wala siya sa kaniyang higaan dahil nakaupo siyang nakatulog, alam niyang wala siya sa kwarto nila ni Bryan dahil masyadong madilim ang paligid at masyado itong maliit pero ganun pa man ay hindi napigilan ng upuan na iyon, ang madilim na paligid at maliit na espasyong iyon na magkaroon siya ng magandang panaginip.

Iginawi niya ang tingin sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan kung saan siya nakatulog. Nakangiti ito at nakaderetso lang ang tingin. Hindi malaman ni Dan kung bakit nakatingin ito ng deretso gayung hindi naman umaandar ang kotse na kanilang sinasakyan.


kotse?” agad na napabalikwas si Dan nang mapagtanto niyang wala siya sa kaniyang tinutuluyan


Whoah there! Easy!” nakangiting saad ni Mike nang makita niya ang pagbalikwas ni Dan.


Where are we?” tanong ni Dan, pilit tinatago ang panic sa kaniyang boses ngunit hindi parin ito nakaligtas kay Mike na agad na siniguro kay sa huli na ligtas siya at hindi niya ito sasaktan.


Well, pagkasakay na pagkasakay mo ng kotse nakatulog ka agad. Tinatanong ko kung san kayo nakatira pero tulog na tulog ka na. Inintay kita magising pero---” pinutol muna ni Mike ang sinasabi niya para humagikgik. “---tulog mantika ka parin pala.”


Nagtaas lang ng kilay si Dan at kunwaring nag-galit-galitan, umayos ng upo at dumaretso ng tingin, hindi dahil galit talaga siya pero dahil pinipigilan niya ang mapangiti.


Kaya ayun nagpaikot-ikot na lang ako tapos naalala ko 'tong isang lugar na nadiscover ko kamakailan lang. I think it would be cool kung makita mo 'to.” excited na saad ni Mike sabay tingin ulit ng derecho.


Sinundan ni Dan ang tingin ni Mike pero hindi niya napigilan ang sariling noo na mangunot, dahil wala siyang nakita sa kanilang unahan kundi ang nagtatayugang puno at matalahib na paligid.


Cool.” sarkastikong saad ni Dan na ikinahagalpak ni Mike sa tawa.


That's not what I'm talking about, you doofus!” humahagikgik na saad ni Mike sabay baba sa kotse, umikot ng sasakyan, binuksan ang pinto sa side ni Dan at hinila ito pababa.


Hey! Where are we going?!” humahagikgik na saad ni Dan pero hindi rin naman siya tumanggi sa gusto nitong mangyari.


Dinala siya ni Mike makalampas sa makakapal na talahiban at nagtatayugang mga puno. Hindi napigilan ni Dan ang mamangha sa bumulaga sa kaniyang harapan. Hindi niya alam na nakatayo pala sila sa isang burol, burol kung saan kita ang nagkikinangan na ilaw sa di kalayuang kabilang bayan.


Whoah!” bulong ni Dan, hindi napigilan ni Mike ang mapangisi sa kaniyang narinig.


Awesome, right?” tanong ni Mike kay Dan na hindi maialis ang pagkakapako ng kaniyang mata sa kumukutikutitap ng ilaw ng kabilang bayan. Tumango bilang sagot si Dan.


Told yah, it's cool.” nakangising sabi pa ni Mike sabay upo sa isang malaking bato.


Whatever.” nakangising balik ni Dan.


0000oo0000


How did you end all the way up, here anyway?” tanong ni Dan kay Mike habang tintignan parin ang magandang tanawin sa kaniyang harapan.


Well, uhmm there was this one time where Randy took us to some party and then I needed to pee---” simula ni Mike pero napatigil siya nang magsalita si Dan at nang makita niya itong umiiling.


You're gross!” pangaasar ni Dan kay mike na piniling hindi pansinin ang pasaring ni Dan at ang paghagikgik nito.


Anyway--- it's seems that they cleared this area to build a restaurant or something pero hindi sila pinayagan ni Mayor.” pagtatapos ni Mike.


Good call from mayor or else there wouldn't be a great spot like this in town.” tumatangong saad ni Dan saka ibinalik ulit ang kaniyang tingin sa nakakamanghang tanawin kung saan nagsasalubong ang kumukutikutitap na ilaw ng mga nagtatayugang building ng kabilang bayan at ang napakaraming bituin sa langit.


Hindi mapigilan ni Mike ang sarili na mapatingin kay Dan at mamangha sa maamo nitong mukha.


Tingin mo may taong makakabilang ng stars sa langit?” wala sa sarili at parang batang tanong ni Dan na siyang gumising kay Mike sa pagtitig sa mga mata nito.


Sa tingin ko madami ng nagtangka---” simulang sagot ni Mike.


Madami na?” manghang manghang tanong ulit ni Dan kay Mike, manghang-mangha dahil tila ba maski nung mga bata pa sila ay alam na nito ang sagot sa lahat ng kaniyang itanong.


Why did my Dad have to die?” malungkot na tanong ni Dan kay Mike habang nakahiga sila sa kama ng huli matapos ang isang activity sa kanilang school kung saan kailangan kasama ng mga estudyante ang kanilang mga ama.


Maybe because God needs tito in His side.” nangaalong sagot ni Mike kay Dan kahit pa hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot sa kaibigan.


I need him in my side too, Mikee.” malungkot na saad ni Dan kay Mike. Kitang kita ng huli ang lungkot sa mga bilugang mata ni Dan. Hindi napiglan ni Mike ang sarili na yakapin si Dan dahil ito na lang ang naiisip niyang paraan upang pagaangin ang loob ng kaibigan.


Don't worry, Danny, Mr. Arellano might be not by your side all the time but I will always be.”


Yup. Kasing dami na siguro ng stars na nakikita mo ngayon yung nagtangkang magbilang nyan.” sagot ni Mike na ikinagising ni Dan mula sa kaniyang pagbabalik tanaw.


Nagtangka?”


Yup. They didn't get to finish counting kasi inumaga na sila.” nakangising sagot ni Mike na ikinataka ulit ni Dan at nang ma-gets ang sinasabi ni Mike ay wala sa sarili niya itong hinampas sa braso.


Slow much?” pangaasar ulit ni Mike.


Bwiset.” nangingiti ulit na saad ni Dan.


But you know, if my wish is granted, matatapos kong bilangin yan.” pabulong na saad ni Mike nang matapos na sila ni Dan sa paghagikgik.


Why, what's your wish?” parang batang tanong ni Dan kay Mike.


I wished for this night to never end.” pabulong na sagot ni Mike nagtama ang tingin ng dalawa at naintindihan ni Dan ang nais ipahiwatig ni Mike.


Ang mga tingin na iyon gamit ang mabibilog at inosenteng mata ni Dan ang nagtulak kay Mike na ilapit ang kaniyang mukha sa mukha nito. Inilapat niya ang kaniyang noo sa noo ni Dan, inabot niya ang makinis na pisngi nito at pinasadahan gamit ang likod ng kaniyang palad.


I'll count them after I grow tired of watching your face forever, though.” pabulong na saad ni Mike atsaka inilapit ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Dan na abala parin sa pagtitig sa kaniyang mga mata. Nagdampi ang kanilang mga labi, hindi na nagtangka pa na ihiwalay ni Dan ang kaniyang mga labi dahil alam niyang gusto niya rin naman ang kaniyang mga labi na nakadampi sa mga malalambot na labi ni Mike.


ANONG GINAGAWA NIYO DITO?! DI NIYO BA ALAM NA PRIVATE PROPERTY 'TO AT NO TRESPASSING DITO?!” sigaw ng isang lalaki na may hawak na flashlight na nagdulot kila Dan at Mike na agad na maghiwalay.


C'mon!” sigaw ni Mike. Agad na nagtaas ng tingin si Dan, wala siyang nakitang takot sa mga mata nito sa kabila ng pag-sigaw nito, sa halip ay nakita niya pang bumakas sa mukha nito ang isang nakakalokong ngiti.


Hindi na nagalangan na abutin ni Dan ang nakalahad na kamay ni Mike. Pagkadamping-pagkadampi ng kamay ni Dan sa kaniyang mga kamay ay agad itong hinawakan ng mahigpit ni Mike at hinila niya ang huli patayo at patakbo sa kotse ni Randy sa may high way.


That was such a screw up! Not to mention dangerous---and dangerous!” pinipigilang tumawa na saad ni Dan kay Mike sabay hampas sa braso nito na ikinatawa na lang ng malakas ni mike habang ini-i-start ang kotse.


Yes it's a screw up and dangerous but it's also sweet.” balik pangaasar ni Mike sabay kindat kay Dan na ikinatahimik nito.


HAHA! You should've seen your face!” patuloy na pangaasar ulit ni Mike.


Asshole!” singhal ni Dan. Humahagikgik na binitiwan ni Mike ang kambyo, inapakan ang break matapos nilang makalayo ng kaunti sa kanina nilang pinaradahan, pinatay ang kotse at humarap kay Dan.


Hey.” tawag pansin ni Mike kay Dan na ayaw humarap sa huli. Inabot ni Mike ang pisngi ni Dan at nang mapaharap niya ito sa kaniya ay hinayaan niya lang mag-usap ang kanilang mga mata at nang hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili ay bigla na lang niya isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Dan.


0000oo0000


Magkahawak kamay. Paminsan-minsan mang bumibitiw si Mike upang kumambyo ay muli niya itong ibinabalik sa mga kamay ni Dan na hindi naman tumatanggi.


Dito na lang, Mike.” marahang saad ni Dan, ayaw sanang maputol ang gabing iyon pero hindi naman iyon mapipigilan.


Oh-OK.” saad naman ni Mike at itinabi ang sasakyan. Tulad ni Dan ay umaasa ding hindi matapos ang gabi na iyon, nagkasya muna siya na matahin ang tinutuluyan ni Dan at saka tumingin dito upang mapatagal lamang ang gabing iyon.


I had a good time.” pag-amin ni Dan nang sa wakas ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng tinutuluyan ni Dan.


I had a good time also.” nakangiting saas ni Mike.


Bye.” pamamaalam ni Dan.


Ilan mang beses na hingin ni Mike na huwag na sanang matapos ang gabi na iyon, ilang beses man niyang hilingin na sana ay huwag ng pihitin ni Dan ang pinto at lumabas ng sasakyan ay alam niyang hindi ito posible. Pinanood niya itong lumabas ng sasakyan at naglakad papalapit sa kanilang front door, papaandarin na sana niya ulit ang sasakyan nang makita niya sa back seat ang bag ni Dan kaya naman dali dali niya itong kinuwa at hinabol si Dan.


Dan!” sigaw ni Mike na agad namang ikinatalikod ni Dan. Nang makalapit si mike ay agad niyang inabot ang bag nito.


Thanks!” saad ulit ni Dan na sinagot lang ni Mike sa simpleng pagtango. Itinaas na lang ni Mike ang kaniyang kanang kamay bilang paalam. Hindi parin pumasok si Dan sa kanilang apartment dahil nagkasya muna siya sa panonood kay Mike maglakad palayo.


We should do this again.” aya ni Dan kay Mike na agad humarap at hindi napigilan ang mapangiti ng malaki.


Absolutely.”


0000oo0000


Nakangiti parin si Mike na sumakay sa sasakyan at dahan dahan nang umandar ang sasakyan ng biglang may bumulagang lalaki sa harapan nito. Agad na inapakan ni Mike ang preno.


What the hell?!” singhal ni Mike sabay baba ng sasakyan.

Stay away from him.” puno ng lason na saad ni Ryan.


Hindi maganda ang kutob ni Ryan simula noong sumulpot si Mike sa kanilang unibersidad at lalong hindi naging maganda ang kaniyang kutob nang sabihin sa kaniya ni Dan na ito ang magtuturo sa kaniyang back subject at lalong lumalala ang hindi magandang kutob na ito nang mapansin niya ang tila ba pagiging confused ni Dan, ang madalas pagtahimik nito at ang madalas na pag-iisip ng malalim.


At hindi lang dahil sa selos kaya hindi maganda ang kutob ni Ryan. Kinausap niya ang school nurse nila bago siya umuwi nung hapon na iyon at bago niya sunduin si Dan sa restaurant. Nalaman niya na dinala ng professor sila Dan sa bilangguan at inatake nanaman ito ng anxiety attacks ay mas lalong tumindi ang galit ni Ryan dito.


Para sa kaniya, si Mike ang paulit-ulit na nagpapaalala kay Dan ng masama nitong nakaraan. Si Mike ang pumipigil dito na maging masaya, na si Mike ang pumipigil dito na ipagpatuloy ang buhay mula sa masamang nakaraan.

What?” pabulong ang sinabi ni Ryan kaya naman hiniling ni Mike na ulitin nito ang kaniyang sinabi kahit pa narinig niya ito.


I said stay away from Dan.” puno parin ng lason na saad ni Ryan habang nakatitig sa mga mata ni Mike. Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa.


You have no right to dictate who should be friends with Dan and who should he be with!” singhal pabalik ni Mike.


I have no right? You have the guts to question my rights when it comes to Dan?!” balik ni Ryan kay Mike, hindi nabawasan ang galit at lason sa boses nito, bagkus nadagdagan pa habang papalapit ulit ng papalapit kay Mike na hindi naman matinag.


Hindi ikaw yung nagigising sa kalagitnaan ng gabi sa tuwing sumisigaw si Dan, nagmamakaawa na huwag siyang saktan na hindi na niya kaya ang sakit, walang duda na napapanaginipan nanaman niya ang kawalang hiyaan niyo!---” humihingal na simula ni Ryan na ikinatameme ni Mike.


---Hindi ikaw ang nagpapakalma sa kaniya sa tuwing inaatake siya ng anxiety attacks niya dahil nakakita lang siya ng mga taong ngumingisi sa kaniya! Wala ka sa tabi niya noong nagkasakit siya at hinahanap niya yung nanay niya na tinalikuran siya! Wala ka sa tabi niya sa tuwing manginginig siya sa takot tuwing kumukulog at kumikidlat dahil naaalala niya ang bawat tunog ng suntok at sipa niyo sa kaniya noong gabing iyon, hindi ikaw ang nakakakita ng pangingilid ng luha niya sa tuwing napapadpad ang kaniyang kamay sa peklat sa kaniyang baba na nagpapaalala ng kahayupan niyo---” panunumbat ni Ryan kay Mike.


Bawat sumbat. Bawat salita ay tila isang punyal na tumatarak sa puso ni Mike. Nagpapaalala na wala siyang karapatan na maging kaibigan ulit ni Dan matapos ng mga nagawa niya dito at marahil ay patuloy parin pala niyang ginagawa dito. Nagpapaalala ng kahayupan na kaniyang ginawa noong gabi mismo ng kaarawan ng kaibigan.


Bawat sumbat. Bawat salita ay isang luha ang bumabagsak sa kaniyang magkabilang mata.


Bawat sumbat. Bawat salita ay unti-unting pumapatay sa kaniya.


Bawat sumbat. Bawat salita ni Ryan ay nagpapamukha sa kaniya ng kawalan niya ng konsensya at kawalang hiyaan niya dahil sa patuloy niyang pagsusumiksik sa buhay ni Dan kahit pa alam niyang nasasaktan ito sa kaniyang ginagawa niya.


Simula nung nagpakita ka ulit, lalong dumalas ang mga masasamang panaginip ni Dan! Mas lalong dumalas ang pananahimik at pagtitig niya sa isang tabi---!” pagsisinungaling ni Ryan. Hindi na nagawa pang pakinggan ni Mike ang mga sumbat ni Ryan. Tila ba ang matagumpay na session niya kasama si Cha sa loob ng ilang buwanay nabura lang ng ganun ganun at muli nanaman siyang bumalik sa pangongonsensya sa sarili.


I'm sorry, Dan.” nakayukong bulong ni Mike na ikinatahimik ni Ryan. Rinig na rinig niya ang sinseridad sa sinabi na ito ni Mike. Rinig na rinig niya ang pagsisisi at higit sa lahat ay rinig na rinig niya ang pilit na itinatagong pagmamahal ni Mike kay Dan sa kabila ng sakit.


Pagmamahal na lalong nagtulak kay Ryan na ilayo si Dan kay Mike.


If you're really sorry--- you would leave him alone.” tusong suhestyon ni Ryan na lubhang nakapag-paisip kay Mike ng malalim.


Iniisip na marahil ay tama si Ryan. Na marahil nga na ang kaniyang presensya ay nagdudulot parin kay Dan ng ibayong sakit. Sakit na hindi na niya nais pang maramdaman ni Dan.



Na tama nga ito sa isinusuhestyong pag-layo niya muli sa dating kaibigan upang tuluyan na itong malayo sa sakit na kaniyang idinudulot.


0000oo0000


Muling kinuwestyon ni Mike ang sarili. Kinuwestyon kung sapat na ba ang kaniyang naramdaman at ngayon ay nararamdaman ulit na pngungunsensya sa sarili sa mga nangyari kay Dan. Kinuwestyon na sapat ba na mahal niya si Dan upang hindi niya ito lalong masaktan sa tuwing pinapaalala ng kaniyang presensya ang mga ginawa nito sa kaniya.


Kung sapat ba ang pagmamahal niya upang makalimutan lahat ni Dan ang mga iyon at magpatuloy sila sa pagiging magkaibigan o higit pa o kaya naman ay kung dapat na niya bang iwan ulit si Dan at magpakalayo layo upang siguradong makalimutan na nito lahat ng sakit na kanilang ginawa.



Itutuloy...


Against All Odds 2[37]
by: Migs

Comments

  1. whoa! mgiging kontrabida pa ata si ryan dito XD

    ReplyDelete
  2. Grabe kuya Migs..ang intense ng roller coaster ride :D

    ReplyDelete
  3. Putang ina mo Ryan!

    ReplyDelete
  4. Author Migs!

    Ryan>>>THis scene, the attitude!! hehe

    yun lang ;)

    ReplyDelete
  5. sobrang pagmamahal ni ryan kay dan ay nagsisilbi ng lason! hah! the nerve!

    ReplyDelete
  6. wow bket may murahan factor si anonymous(april 18, 2013 at 10:34 pm).

    Remember that in love, magagawa mo ang isang bagay na minsan ay masama minsan naman ay mabuti, I think nathreaten lang si Ryan kasi nakikita na niya na his beginning to lose Dan kaya wag natin siyang sisihin. In the first place Ryan is the person who made Dan to see a new hope for his life.

    Have a great day migs and enjoy your week.

    ReplyDelete
  7. whewwwww. ngbasa ako nito ng walang preno..hindi ako humihinga..hehhe galing mike

    ReplyDelete
  8. ayan na, nabubulag na sila ng pagmamahal.

    Ginagawa ng kontrabida ni kuya migs si ryan, goodbye na nga yata sa love team ni ryan at dan.

    Wala paring epekto saken si Mike para kay Dan. Hay.

    ReplyDelete
  9. hay nako mike pag lumayo ka kay dan edi sinaktan mo rin siya in effect

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]