Against All Odds 2[36]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nag-aalala
si Ryan. Parang pinipiga ang kaniyang baga dahil hindi siya
makahinga. Parang iniipit ang kaniyang ulo sa pagitan ng dalawang
malalaking bato dahil sa sobrang pag-iisip kung ano na ang nangyari
kay Dan, kung ligtas ba ito at kung nasaan ito. Dalawang oras ng late
si Dan mula sa kaniyang usual na uwi kaya't puspusan ang pagaalala ni
Ryan. Kaya naman nang marinig niyang magbukas ang front door ay wala
sa sarili siyang napatalon at sinalubong ang kapapasok lang na si
Dan.
“San
ka galing?” tanong ni Ryan na lumabas bilang pasinghal dahil sa
sobrang pag-aalala na minasama naman ni Dan.
“Sa
school clinic---” simula at nanlalambot na sagot ni Dan pero hindi
siya inintindi ni Ryan.
“You
were not at school this afternoon, I asked your professors so don't
lie to me.” maanghang na simula muli ni Ryan na ikinainis ng sobra
ni Dan dahil sa wala naman siyang sinasabi at pinasisinungalingan.
“You
were not at work because I was there to fetch you home so don't lie
to me!” pagbibintang naman ni Ryan na ikinapikit na lang ni Dan sa
sobrang inis.
“I
was not at school the whole afternoon and not at work after that
because I was at the school clinic the whole time---” simula ni Dan
na ikinatameme ni Ryan. “I'm not lying also. I didn't say that I
was at school or at work the whole time I was gone.” pagtatapos ni
Dan sabay talikod kay Ryan at nagbalak na maglakad papunta sa
kanilang kwarto.
“Why
w-we're you at t-the school clinic?” tanong ni Ryan tuluyan ng
humupa ang galit.
“NOW
you're asking me?” maanghang na balik ni Dan bago mawala sa likod
ng pinto ng kwarto nila ni Bryan.
Maikli
at makahulugan ang pasaring na ito ni Dan pero daig pa nito ang isang
napakahabang panunumbat para kay Ryan. Matagal pa bago nagising si
Ryan sa kaniyang malalim na pag-iisip at sinundan si Dan sa kwarto
nila ni Bryan. Nakita niya itong nakahiga sa kama nito, nakatalikod
sa pinto at mukhang natutulog na. Tumabi dito si Ryan at bumulong.
“I'm
sorry. It's just that I got so worried.” bulong ni Ryan.
Hindi
na nakasagot si Dan. Simula nang paulanan siya ng bintang kanikanina
lang ni Ryan at nang pumasok siya sa kaniyang kwarto at humiga sa
kama ay hindi niya nagawang ipikit ang kaniyang mga mata upang
matulog sa kabila ng nakakapagod na araw sa halip ay marami pang
bagay ang paulit-ulit na tumakbo sa kaniyang isip at isa na si Ryan
sa mga ito.
Hindi
nagtagal ay narinig niya ang marahang paghilik ni Ryan sa kaniyang
likod. Hindi niya alam kung ilang minuto lang o oras ang lumipas pero
hindi parin siya dinadalaw ng antok.
“I'm
sorry, too.” wala sa sariling saad ni Dan.
Humihingi
siya ng tawad sapagkat alam niya na nagaalala lamang si Ryan sa
kaniya at alam niyang kahit naman kasi papano ay kasalanan niya dahil
hindi niya ito inabisuhan pero ang mas ikinahihingi niya ng tawad ay
ang katotohanang sinadya niya na hindi abisuhan si Ryan sa mga
nangyari sa kaniya nuong hapon dahil ayaw niyang magalit ito kapag
nalaman na kahit papano ay may kinalaman si Mike kung bakit siya
maghapong asa school clinic.
Ayaw
niyang sisihin ni Ryan si Mike. Ayaw niyang sapilitan siyang ilayo ni
Ryan kay Mike. Ayaw niyang malayo kay Mike.
0000oo0000
“Are
you OK? We can postpone---” nagaalalang simula ni Mike nang
bumulaga sa kaniyang harapan ang hinanghinang si Dan para sa kanilang
klase. Hindi na siya magtataka, malamang nasaid ng nangyari sa
bilangguan ang lakas ng huli kaya ito nanlulumo ngayon.
“Nah.
I'm good. Just tired.” matipid pero nakangiting sagot ni Dan na
nagtatak din ng isang matipid na ngiti sa mukha ni Mike.
Hindi
parin makapaniwala kung panong kahit ang isang tipid na ngiti na iyon
ni Dan ay nagbibigay buhay sa kaniyang araw.
Tulad
ng nakagawian ay binigyan muna ni Mike si Dan ng isang pagsusulit.
Lawn tennis. Yan ang sport na kanilang tatalakayin ngayon. Pinanood
muli ni Mike si Dan habang sinasagutan nito ang kaniyang hinandang
pagsusulit. Matapos ang nangyari sa bilangguan ay gusto muli niyang
yakapin si Dan, hindi dahil masarap ito sa kaniyang pakiramdam kundi
dahil gusto niyang paulit-ulit na ipamukha dito na ngayon ay
tutuparin na niya ang kaniyang pangako na hindi na niya ito sasaktan.
Na hindi na niya ito iiwan. Na gagawin niya ang lahat maproteksyonan
niya lang ito.
Naramdaman
ni Dan na nakatitig nanaman muli sa kaniya si Mike kaya wala sa
sarili niyang itinuon ang pansin kay Mike at nang magtama ang
kanilang tingin at nang makita niya ang paglatay ng isang
napakagandang ngiti sa mukha nito ay tila nawala lahat ng gumugulo sa
kaniyang isip at naliwanagan na siya. Na nawala lahat ng kaniyang
pagaalangan. Tila ba sa unang pagkakataon simula noong bumalik sa
buhay niya si Mike matapos ang mapait na karanasan niya dito ay alam
na niya ang kaniyang dapat gawin.
0000oo0000
Totoo
ngang pagod si Dan dahil hindi nakaligtas ang nanlalambot nito kay
Mike. Napansin din ni Mike na pagkat wala talagang kuordinasyon ang
katawan ni Dan maski hindi ito pagod ay mas lalong nawala ang
kuordinasyon nito ngayong pagod na pagod ito. Nakita niya kung pano
lumatay sa mukha ni Dan ang frustration kaya naman mabilis siyang
lumapit sa bahagi ng court ng huli.
“We
can do this some other time---” simula ni Mike pero agad na
nagsalita si Dan.
“No!
I can do this.” pagpupumilit ni Dan kahit pa sa pagser-serbisyo pa
lang ng bola papunta sa kabilang bahagi ng court ay hindi na niya
nagawa.
“OK.
At least let me show you how to do it properly.” pasensyosong sagot
ni Mike na humupa ng pagkairita ni Dan.
Napatigil
si Dan at tuluyan nang nawala ang kaniyang frustration nang
maramdaman niya ang paglapat ng kamay ni Mike sa kaniyang kamay na
nakahawak ng mahigpit sa kaniyang raketa.
“C-can
I show y-you how?” nagaalangang tanong ulit ni Mike. Inalis na ni
Dan ang kaniyang tingin sa malaking kamay ni Mike na nakabalot sa
kaniyang kamay at isinalubong ang tila ba nagmamakaawang tingin ni
Mike. Wala sa sarili siyang tumango. Hindi alintana ang namumulang
pisngi ni Mike.
Mabilis
na ipinuwesto ni Mike ang kaniyang sarili sa likod ni Dan. Hindi
parin iniaalis ang kaniyang kamay sa kamay ni Dan na may hawak parin
na raketa, inabot ang kamay ni Dan na may hawak ng bola at ginabayan
ito pataas upang ibato na ang bola bilang unang bahagi ng service
tapos ay ginabayan ni Mike ang isa pang kamay ni Dan upang kunwari
itong isalubong sa bola na kunwari ay ibinato ni Dan sa ere sa gabay
ng kabilang kamay ni Mike.
“S-show
me again.” bulong ni Dan.
Pero
hindi na ito narinig ni Mike dahil ipinapakita man niya ang tamang
kuordinasyon sa tuwing magse-serve ay hindi naman nito napigilang
pansinin ang kinis at lambot ng likod ng kamay ni Dan na siyang
binabalutan ng kaniyang kamay, ang bango nito sa kabila ng pawis nang
itaas nito ang kabilang kamay upang ibato ang bola, ang bango ng
makapal na buhok nito na tila ba isang damit na bagong laba.
Hindi
na napigilan pa ni Mike ang sarili at muli niyang ibinalot ang
kaniyang kamay sa kamay ni Dan na may hawak na raketa at kamay na may
hawak na bola, hindi na rin siya nag-alangan na ilapat ang kaniyang
matipunong dibdib sa likod ni Dan at ilapit ang kaniyang ilong sa
mabangong buhok ng huli.
“I
miss being this close to you, Dan.” bulong ni Mike.
Napapikit
si Dan dahil inaamin niya sa sarili na matagal na narin niyang
hinahanap-hanap ang pakiramdam ng pagiging ganito kalapit kay Mike sa
kabila ng pananakit nito sa kaniya. Wala sa sarili niyang nabitawan
ang raketa pati narin ang kulay dilaw na bola. Kinuwa naman itong
pagkakaton ni Mike upang ibalot ang kaniyang malalaking bisig sa
buong katawan ni Dan.
Ilang
saglit pa ang lumipas at hindi parin naghihiwalay ang dalawa.
“I
miss being this close to you too, Mike.” hindi napigilang saad ni
Dan na nagtulak kay Mike na yakapin pa lalo ng mahigpit si Dan na
para bang sa oras na lumuwang ang kaniyang yakap dito ay mawawala si
Dan na parang bula, natatakot siya na sa oras na luwagan niya ang
pagkakayakap dito ay magigising siya sa isang napakagandang
panaginip.
“I
miss my best friend.” bulong ulit ni Mike na tila naman gumising
kay Dan sa kanilang ginagawa.
Agad siyang humiwalay kay Mike at kaswal itong hinarap na parang
walang nangyari. Mapula parin ang mga pisngi ni Mike at hindi
mapakali ang mga mata, ayaw salubungin ang mga tingin ni Dan. Parang
bata na may ginawang kasalanan at ginagawa ang lahat
mapasinungalingan lamang lahat ito.
“C-can
we postpone the lesson now? I-I t-think I'm just going to fail this
thing.” marahang saad ni Dan matapos niyang kumawala sa kanilang
yakapan ni Mike na gumising sa huli.
“Oh---uhmm---OK--”dismayadong
simula ni Mike nang maghiwalay ang kanilang mga katawan. Gusto niya
kasi na yakapin si Dan habang buhay.
Namula
ang mga pisngi ni Mike dahil sa hiya nang mapagtanto kung ano nanaman
ang kaniyang ginawa. Hindi niya nanaman napigilan ang kaniyang
nararamdaman at inilagay nanaman niya sa alanganin si Dan kaya naman
agad nanaman itong kumawala sa kaniyang mahigpit na yakap at walang
duda na nais magpakalayo-layo sa kaniya.
“Nagpaka
selfish ka nanaman! Di mo nanaman inisip kung anong mararamdaman ni
Dan!” sighal ni Mike sa
kaniyang sarili.
Ginisa
pa ni Mike ang kaniyang sarili. Iniisip na dahil sa kaniyang huling
sinabi kaya humiwalay si Dan sa kaniyang yakap. Pinaalala niya dito
ang pagiging mag-bestfriend nila, bagay na para sa kaniya ay isang
malaking pagkakamali dahil wala naman siyang ginawang mabuti noong
mag best friend sila. Paulit ulit niya itong sinaktan at ang
pinakamalala ay ginahasa niya ito at muntikan pang mapatay.
“I'm
the most selfish person there is.” nakayuko
ng saad ni Mike sa sarili habang si Dan ay abala sa pag-aayos ng
kaniyang gamit. Bagsak balikat niyang nilikom lahat ng kanilang
ginamit, hindi niya magawang tignan si Dan at akala niya ay kanina pa
ito umalis, hindi na nagpaalam dahil sa sama ng loob sa kaniyang
sinabi.
“I-I
have spare time b-before work. Wanna h-have coffee?” mahina at
insecure na insecure na tanong ni Dan na ikinagulat ni Mike.
Agad
na nagtaas ng tingin si Mike at isinalubong ito kay Dan. Nakita niya
na katulad niya kanina ay namumula din ang mga pisngi ni Dan dahil sa
hiya. Para itong bata na nilalaro ang kaniyang sapatos sa tila
carpeted na court na iyon. Alam ni Mike na nagaalangan ito at inabot
ito ng ilang lakasan ng loob upang ayain siya kaya naman hindi niya
ito bibiguin.
“Coffee
is great.” sagot ni Mike na ikinataas ng tingin ni Dan. Lahat ng
pagaalangan at insecurities ay dali-daling kumawala sa kanilang
tingin at mukha. Lahat ng pagaalinlangan ay kumuwala sa kanilang mga
sistema at isip. Hindi napigilan ni Mike ang kaniyang sarili at
ini-akbay niya ang kaniyang malaking braso sa balikat ni Dan na
nagpaubaya lang.
Katulad
nung mga bata pa sila. Noong panahon na hindi pa siya nasasaktan ni
Mike ay wala sa sariling tinignan ni Dan ang malaking braso ni Mike
na nakaakbay sa kaniya. Lalong namula ang kaniyang mga pisngi at
katulad din ng dati ay iginawi naman niya ang tingin sa mukha ni Mike
pero hindi katulad ng dati na daretso lang ang tingin nito ay biglang
nagtama ang kanilang mga tingin. Agad ulit lumatay ang pamumula sa
pisngi ni Mike pero imbis na alisin niya ang pagkakaakbay sa balikat
ni Dan ay lalo niya itong hinila palapit sa kaniyang katawan atsaka
nagbigay ng isang kindat sa huli.
“You
stink!” natatawang pangiinsulto ni Dan kay Mike saka ito itinulak
palayo sa kaniya.
“What?!
I do not stink!” balik naman ni Mike pero pasimple niya ring inamoy
ang kaniyang sarili na ikinahagalpak sa tawa ni Dan.
“You
little twat!” nagbibirong singhal ni Mike sa nagsisimula ng tumakbo
na si Dan.
Nang
maabutan ni Mike si Dan ay napuno na ng tawanan ang buong court.
Inipit ni Mike ang ulo ni Dan sa pagitan ng kaniyang malaking braso
at kaniyang katawan atsaka ito kiniliti ng kiniliti.
“I
stink pala ha! Sige, ayan ang parusa mo. Death by kilikili at
kiliti!” tumatawang pagbabanta ni Mike kay Dan na walang puknat ang
pagtawa.
0000oo0000
“Eh
how about that time when you threw that baseball and it landed on
Mrs. Dilig's window?!” pagpapaalala ni Dan sa mga kapalpakan ni
Mike noong sila ay bata pa. Ipinapamukha na hindi sa lahat ng oras ay
magaling ito sa sport.
“Yeah.
I can still see her flaring nostrils up to now. It left me all broken
and scarred.” sarkastikong saad ni Mike.
Nabalot
muli ng tawanan ang lamesa pero nauna si Mike na tumigil sa patawa
dahil nagkasya na lang siya sa panonood kay Dan sa pagtawa. Tila
musika ang pagtawa nito sa kaniyang tenga, ang mala anghel nitong
mukha ay hindi niya pagsasawaang tignan.
Muli
sa ikailang pagkakataon ay hindi niya napigilan ang sarili na abutin
ang kamay ni Dan sa ilalim ng lamesa at balutin iyon gamit ang
kaniyang malaking kamay. Doon tumigil sa pagtawa si Dan, saglit
niyang tinitigan ang kamay na bumabalot sa kaniyang kamay, namula
muli ang kaniyang mga pisngi at dahan-dahan niyang isinalubong ang
kaniyang tingin kay Mike na nuon ay magiliw na nakangiti sa kabila ng
pamumula ng mga pisngi. Hindi na nagawang bawiin ni Dan ang kaniyang
kamay mula sa pagkakahawak ni Mike, dahil inaamin niya na
nagugustuhan naman niya ito kaya't nagkasya na lang siya sa pagterno
sa mga ngiting iyon ni Mike.
0000oo0000
“Do
you really have to go?” parang batang nakanguso na tanong ni Mike
kay Dan. Hindi napigilan ni Dan ang mapangiti.
“I'm
going to be late for work.” nakangiting sagot ni Dan.
“Skip
it.”
“You
know I can't.” balik ni Dan na nakapagpa-buntong hininga kay Mike.
“B-but
n-ngayon na nga lang ulit tayo nagkausap n-ng ganito eh.” parang
bata paring balik ni Mike sabay hawak sa kamay ni Dan na inosenteng
nakapatong sa may lamesa. Agad na namula ang pisngi ni Dan, maski
siya ay ayaw niyang putulin ang gabing iyon para sa kanila ni Mike.
“But
I really have to go to work.” malungkot pero may matipid na ngiting
saad ni Dan kay Mike na tumango na lang na parang batang hindi
napagbigyan sa kaniyang gusto at sinundan si Dan palabas ng coffee
shop.
“Dan,
wait. Hatid na kita sa work.” pigil ni Mike kay Dan.
“Ano
ka ba, wag na! Sayang lang pamasahe mo.” nakangiting pagtanggi dito
ni Dan.
“Sinong
may sabi na mamamasahe tayo?” nakangising saad ni Mike sabay
ipinakita ang susi ng kotse ni Randy na nakalimutang bawiin sa kaniya
bago siya umalis ng gym. Napansin ni Mike na tatanggi nanaman si Dan
kaya naman hinila na lang niya ito pabalik sa parking lot ng school.
“Randy
is so gonna kill you.” humahagikgik na saad ni Dan nang pagbuksan
siya ni Mike ng pinto ng kotse ni Randy. Humahagikgik ding naglakad
papunta sa driver's seat si Mike at sumakay na ng kotse.
0000oo0000
“Ingat!”
sigaw ni Dan kay Mike bago siya pumasok sa backdoor ng Gustav's.
Inintay
pa ni Mike na sumara ang pinto sa likod ni Dan bago siya tumalikod at
humakbang palayo. Para siyang tanga na nakangiti. Hindi makapaniwala
na bumabalik na si Dan sa kaniyang buhay at posible pang mas higit pa
sa kaibigan ang kanilang kahinatnan. Bagay na hiniling niya simula
nang mapagtanto niya ang tunay niyang nararamdaman dito.
“Sino
ka naman?” tanong ng isang lalaki kay Mike na nagtulak dito na
humarap muli sa gawi ng restaurant.
“Ako
si Mike.” matipid na sagot ni Mike sa gwardya na naniningkit lang
ang mga mata na miya mo sinusukat ang pagkatao ni ng huli.
“Huwag
mong sabihing kapatid mo rin si Bryan at Ryan?”
“Ha?”
“Yung
kambal? Yung madalas na naghahatid saka sumusundo kay Dan---”
simula ng gwardya pero hindi na siya pinatapos pa ni Mike dahil
nawala nanaman ito sa sariling nag-isip ng malalim dahil sa hindi
malamang dahilan ay gusto niyang malaman ang lahat ng tungkol kay
Ryan at sa sinasabi ng gwardya na kakambal nito.
“Ay
hindi po, kaklase po ako ni Dan, may tinapos lang po kami, eh since
on the way naman po itong Gustav's idinaan ko na din po siya. Si Ryan
po ba yung boyfriend ni Dan?” pasimpleng tanong ni Mike na agad
namang sinagot ng gwardya, hindi alintana ang pag-upo ng kumportable
ni Mike sa bangko na malapit lang sa kaniya.
“Ay
hindi pa iyon boyfriend ni Dan pero madalas ko yung kausap sabi niya
malapit na daw siyang maging boyfriend ni Dan---” sagot ng gwardya
na nagpako kay Mike sa kaniyang kinauupuan. Desedido na malaman ang
lahat ng maaaring namamagitan kay Dan at Ryan.
0000oo0000
Nakangiti
parin na lumabas si Dan sa back door ng Gustav's hindi mapigilang
paulit-ulitin ang magandang araw na iyon para sa kaniya.
“Oh,
ayan na pala siya eh.” narinig ni Dan na sabi ng gwardya.
Dahan-dahang nagtaas ng tingin si Dan, inaasahan na si Ryan o kaya
naman si Bryan ang kausap na ito ng gwardya pero nang dapuan ng
kaniyang tingin ang maamo at nakangiting mukha ni Mike ay hindi niya
napigilan ang kaniyang sarili na mapangiti.
“You're
still here.” wala sa sariling excited na saad ni Dan na ikinamula
ng pisngi ni Mike.
“I
was about to go but then kuya talked to me. Sarap pala niyang kausap,
before I know it ilang minuto na lang uwian mo na, so I decided to
wait for you para maihatid ka na din pauwi.” sagot ni Mike. Lalong
napangiti si Dan at namula ang mga pisngi. Hindi niya maiwasan ang
mapatingin sa likod ni Mike kung saan may isinisenyas ang gwardya.
Binasa ni Dan ang pagbukha ng labi nito at napangiti siya sa sinabi
nito.
“OK SIYA! SABI NIYA PA MAHAL KA DAW NIYA.” bukang bibig na senyas ng gwardya sabay kindat na ikinamula ng pisngi ni Dan pero naisip niya na niloloko lang siya ng gwardya kaya naman umiling na lang siya.
“Let's
go?” aya ni Mike at tumango na lang si Dan.
Nang
lagpasan ni Mike at Dan ang gwardya ay hindi nakaligtas kay ang
pag-a-apir ng dalawa at ang pag-bulong ng gwardya kay Mike.
“Sayo
ako boto, bata.” ang narinig ni Dan na ikinailing na lang niya at
nang tapunan niya ng tingin si Mike ay nakita niya ang namumula
nitong pisngi at nahihiyang patagilid na tingin sa kaniya, tinitignan
kung nadinig ni Dan ang sinabi ng gwardya.
Sa
di kalayuan ay pinanood ng isang lalaki sila Mike at Dan na may
magkaparehong pamumula ng pisngi at magkaparehong ngiti sa mukha.
Itutuloy...
Against All Odds 2[36] by: Migs
Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(
ReplyDeleteMalapit ng matapos ang season na ito!
Sinong makakahula ng mangyayari sa season finale? Haha!
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Mhi mhiko: may sinabi na ba si Dan na mahal niya si Ryan? :-) intayin po natin kung magkakabook 2 ang taking chances. :-)
joshua: baka po. :-)
marven cursat: you're welcome. And thanks din. :-)
teresa of the faint smile: Ako din Mike Dan haha! Pero kawawa daw si Ryan eh kaya pagiisipan ko pa. :-)
russ: tama! :-P
gavi: may nakalagay sa title na back to back eh.
AR: di talaga maka-move on na straight si Martin? Haha!
Michael Bulatz: mahaba talaga ang AAO series. :-)
Lawfer: binibini talaga?
Pink 5ive: that's what I'm after. :-)
therese: like what I've said, chasing pavements is on hold hehe. Tignan natin ha? Malay mo... :-)
robert_mendoza: thanks! :-)
Love Doctor: pagsinta talaga? Ahahaha! :-P
Akhii: naks, single since birth pala ah!
Frostking: si Dan siguro ang dapat matakot. SPOILER ALERT!
Ryge Stan: hard core ry-dan. Hahahaha!
Mhei: malay mo si Ryan din ang piliin ni Dan.
WaydeeJanYokio: ahahaha! Sinong may sabi na nawala si Ryan sa eksena?
Lyron Batara: wow. Ikaw lang ang may reaksyon na ganyan. Yung iba kasi parang galit na galit na ipinaglapit ko sila Dan at Mike ulit eh. Ahaha! Thanks!
Foxriver: haha! Niloloko ka ng baby sis mo oh. ;)
Johnny quest: Hindi naman dehado si Ryan dito sa story na 'to. Baka sa susunod pang season. Hehe! :-P SPOILER ALERT!
Riley: akala ko noon ka pa maka-mike?
Migz: saying you love someone, looking like you love someone and feeling like you love someone is not the same. Malay mo ganyan ang nangyari kay Dan at Ryan? :-)
ANDY: calm down. Di pa tapos ang story. In the end malalaman mo kung bakit nangyayari ang naggyayari ngayon.
JB BJ: Thanks! Pero hindi na-set aside si Ryan, promise. I was just trying to emphasize what Mike and Dan must be feeling right now pero that doesn't mean na mawawala na sa picture ang kambal.
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
MIGS!!!!!!!
DeleteNamiss ko ung reaction ni DAN pag anjan si RYAN :(
Anyway alam mo bang subrang nakakakilig ung mga stories mo!!
kahit saan kase nag babasa ako, tapos makikita ko nkangiti narin sakin ung nanunuod sakin mag basa. (Alam mu yun) hahaha... salamat sa pag share ng mga stories mo :) ..
TAKE CARE.
About sa ending, i cant predict! hahaha everything can happen. ABANGAN NALANG. :*
>> DEE
MIGOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteWala lang na miss lang kita. Nabasa ko kasi ang comment mo at talagang natuwa ako. Paramdam ka sa akin sa chatbox ko kapag may time ka. Tatambay ako doon at hihintayin kita ha. :)
Thank Kuya Migz.. :)
ReplyDeletemukhang minamadali muna ang pagtapos kuya migz ah.. hehehe
Deletesunod sunod na ang back to back mo :)
teka, si ryan ba iyon?? si ryan ba ang nakakita sa kanila??
may gawd, what if nga maging possesive si ryan at masaktan nya lang si Dan...
kalungkot naman, mabait si ryan kahit na boto ako kila mike@dan, sana lahat ay maging happy ending sa huli...
Ingatz ka lagi Kuya hah...
the best ka talaga :)
ikaw na talga migz sunod sunod na back to back nakakapagpahinga ka pa ba??hehe..anyways highways grabe sana tuloy tuloy na sila danny at mikee feeling ko si ryan yung nakakita sa kanilang dalawa..tapos bubugbugin ni ryan si dan sa sobrang selos or baka reypin na nya..hahaha..basta pakiramadam ko sa season finale nito masasaktan ng sobra ni ryan si dan..ok lng yun para si danny at mikee parin sa huli..
ReplyDeletenaku hintayin ko talga yang chasing pavements tulad ng paghihintay ko sa next book ng i am number four
ingat lagi migs God bless and more power
THERESE
Ngayon na lang ako lilitaw ulit.
ReplyDeleteLike OMG! Ayan na si Ryan!
Kinikilig na ako eh! Anuh bahhhh!
Migs: ano ito?! Tell me. Ngayon lang ako ulit nag basa at kahaba. From 1 to here binasa ko kanina.
Heto na! One wrong move, and all that Mike has worked for will be lost.
ReplyDeleteSa tingin ko crucial na itong mga susunod na mangyayari...
Grabe ang pinanghuhugutan mo!
Regarding dun sa nakaraan kong comment:
well, sa tingin ko, kung sakali lang na hindi na-drug nuon si Mike:
Hindi niya papatulan si Melvin;
Naitakas niya doon si Dan;
Baka sakaling mas maagang narealize ni Mike na mahal na niya pala si Dan;
At matagal nang natapos ang story na ito! bwahahaha
Keep it up! I'm Lovin' it!
P.S. Kung nasa bahay lang ako, kanina pa ako tumili sa kilig!
DeleteSinisigaw ko na lang sa unan.
Hahahaha
Author Migs!
ReplyDeletePatay tayo jan, ang first part ng story na ito ang start ng pagiging possessive ni Ryan kay Dan (mala Nathan ng walng hanggan) feel ko lng XD
second part nito ay yung L-L-L nila Mike at Dan..
THird part is yung start ng pagiging bad guy ni ryan, wala lang na feel ko lang ulit XD
Mali man ang conclusion ko ay I still feel something will change...Haha
-aR
Fave song ko yun. :) at buti na lang nabasa ko na back-to-back. Kundi malalagpasan ko na naman yung isa. Waaaaaaah.
ReplyDeleteNalulungkot na talaga ko para kay Ryan. :| ako na lang ipartner mo sa kanya. :)
-gavi :)
Kasi sa mga past chapters wala si ryan. Kala ko na tegy na. Haha joke lang. ^_^
ReplyDeletesi ryan ba yun? Oh bka si melvin? Hmmm... At mukang na bliktad ang sitwasyon masgusto kona si mike para kay dan. Haha like what i said before kuya "kahit sino nalang ung makakatoluyan ni dan, bsta ang mahalaga eh HAPPY sya".
~WaydeeJanYokio
I'm sad for ryan
ReplyDeleteKV
hindi pa pla mag-on cla ryan at dan..?? napaka-chicks ng arrive ni dan ah.. hahaha..
ReplyDeletei think i know who's starring at mike and dan and i feel sorry for him..... :(
ReplyDeletehala feeling ko si ryan na yun!!!!!
ReplyDeletemuhkang may ramobolan na mangyayari between kina mike at ryan.
its going to be MIKE VS RYAN NAHHHHH!!!!!
feeling ko tlga magiging possesive si ryan kay dan given na may ADHD sila ni bryan, pero sana kahit ganun sila parin ni dan sa huli.
pero infairness kinilig ako duon sa scene nila mike at dan kung saan tinuruan niya ng lawn tennis si dan. weeeeeeeehhhhhhh kinilig ako....
-JOSHUA
MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN MIKE VS RYAN
Delete- JOSHUA hehehe sana back to back tong eksena na toh!!!
As usual Migs, I feel bad for Ryan. I even posted "I hate Dan" on my FB. :/ I thought Mike will bring Dan back to their home. Dan's real home.
ReplyDeletehmmm, i was still hopimg na sana walang mamamatay sa ending ng story na to. yung tipong si melvin ay maghihiganti tas papatay siya dahil lango siya sa drugs, or baka malulung ulet si ryan sa drugs pag nalaman niya yung kay mike at dan, XD tas si martin nawala na, asan na si kumag? i think may may importante pa siyang role sa story. ABANGAN .....
ReplyDeletekilig na sana eh, kaso bgla q naicp c ryan. nkakaawa c ryan ei, ngmahal xa dti na d naman sinuklian, ngpakabaliw at nauntog ky dan na xang sumagip sa kanya sa pgkalulong sa kalungkutan at pighati. sbay silang n22 mgmahal ulit at humugot ng lakas sa isat isa.
ReplyDeletepeo ngaun, bumalik c mike..
ayoko snang mging mlungkot ulit c ryan :(
Si Ryan ba yun o si Melvin?
ReplyDeleteKuya ako yun.Hahaha!mwah Kuya ko!
Deletei dont know what to say.. :'(
ReplyDeletei hate dan and mike..poor ryan..
Kuya migs sino yung lalaki? Haha! At parang balingbing yung guard.
Grabe kuya! Ang ganda naman ng 2 consecutive chapters...ang lagkit sobra...patay na nabulilyaso na ni Ryan sina Mike at Dan...WW4 na!!! Feeling ko babalik sina Dave at Mark para manggulo...yun siguro ang finale hahaha.
ReplyDeleteKuya...meaning ba noon na sila Dan at Mike pa rin ang main characters ng AAO3?
Exciting! I'm feeling that after this series si Ryan naman ang bida. Haha.
ReplyDeleteAng saya saya!back to back again!Thanks a lot Migs :))
ReplyDeleteMaka mike naman talaga Migs,nabaling lang kay Ryan.LOL
pero naaawa din naman ako Ryan..sobrang mahal na nya si Dan..pero ganun talaga eh..mas matimbang talaga kung sino ang mas nasa puso mo..(drama lang hehehe)
Normal na sa kuya ko yung niloloko ko sya LOL!peace Kuya ko! :P
Kawawang Ryan. :((
ReplyDeleteParang si Ram lang ng LAIB. :((
As always ang ganda ng bawat chapter sulit sa paghihintay. Nakakaawa lang si Ryan:(
ReplyDeleteAng daming kilig moments. Hahaha...
ReplyDeleteParang may idea na ako kung ano ang mangyayari.. wag naman sanang tama ang naisip ko..
Natawa ako kay manong guard.. :)