Against All Odds 2[39]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi maintindihan ni Mike ang sarili kung bakit niya pa inihiwalay ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ng magandang babae na basta na lang humalik sa kaniya sa despedida party ni Randy para sa kaniya. Basta ang tanging tumatakbo sa kaniyang isipan ay kung bakit hindi siya masaya sa kaniyang desisyon, kung bakit hindi parin umaalis sa kaniyang isip si Dan at kung ano marahil ang ginagawa at lagay nito at kung bakit hindi niya magawang kalimutan ang buhay niya kasama si Dan kung sabi ni Ryan ay iyon ang kanilang magandang gawin pareho ni Dan.

I'm sorry.” bulong niya sa magandang babae na tila ba nagulat sa kaniyang hindi naging masayang reaksyon. Matapos lumayo sa grupo ng mga babae ay wala sa sariling iginala ni Mike ang kaniyang tingin sa buong bar upang malaman kung sino pa ang nakakita ng tagpong iyon.


Tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan nang para bang nakita niya si Dan na mabilis na lumalayo sa bar na kanilang tinitigilan. Kasabay ng paglayo na iyon ng imahe ni Dan ay tila ba ang tuluyan ng paglayo din ng kasiyahan ni Mike.

Bagay na nagdala ng ibayong takot sa kaniya.

0000oo0000


What?!” singhal ni Cha nang biglang nagpakita si Mike sa kaniyang opisina.


Magpapaalam lang sana at hihingi ng sorry.” malungkot at nahihiyang saad ni Mike na tumunaw naman ng pagmamatigas ni Cha. Saglit pang tinitigan ni Cha si Mike bago magsalita.


You don't have to do this, Mike. You're making a big mistake.” matipid na saad ni Cha. Nakikiramdam upang hindi na maulit ang hindi nila pagkakaintindihan ni Mike nuong isang araw.


I know.” pabulong na pag-amin ni Mike na ikinagulat saglit ni Cha dahil akala ng huli ay magmamatigas nanaman ito dahil sa panlalason at pangungunsensya ni Ryan sa utak nito.


Uhmmm--- want to come in for a minute?” alok ni Cha sabay ibinukas pa ng mas malaki ang pinto sa kaniyang opisina. Bagsak balikat namang pumasok si Mike na ikinailing na lang ni Cha.


So what made you see light?” makahulugang tanong ni Cha sabay abot ng isang tasa ng tsaa kay Mike na nakatitig lang sa kaniyang tinutungtungan.


It all felt wrong.”


Because it's wrong---” putol ni Cha sa sasabihin ni Mike.


Pero pano kung totoo nga na nasasaktan ko parin siya? We're both not there when Dan sleeps, Cha para malaman natin na binabangungot nga siya o hindi. We're both not there sa tuwing susumpungin siya ng mga anxiety attacks niya---”


KUNG totoo. Mike. KUNG. Ibig sabihin hindi pa natin sigurado. Ibig sabihin may posibilidad na hindi naman talaga ganun yung nangyayari, may posibilidad na kabaligtaran nun ang nangyayari.”


Pano ako makakasiguro?”


Talk to him--- ask him how he feels now that you guys are close again.”

I can't.”


Why?” matipid na tanong ni Cha kahit pa alam naman niya ang dahilan sa likod ng sagot na ito ni Mike.


Kasi sinaktan ko ulit siya. Iniwasan ko siya. I'm sure akala nanaman niya sinadya ko siyang layuan para saktan. Na iniwasan ko siya kasi ayaw ko sa kaniya---”


Then explain it to him. Make him understand.” suhestiyon ni Cha.


I—I c-ca---” parang bata paring natatakot na saad ni Mike.


Mike. Look at me.” matigas na saad ni Cha na nagdulot para kay Mike na tignan ito ng daretso sa mga mata.


You can.”


0000oo0000


Nakatitig lang si Dan sa isang tabi. Hindi makapaniwala na muli nanaman niyang nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Ganitong ganito rin ang kaniyang naramdaman noong umaga na pinuntahan niya si Mike habang nakikipaglaro ng basketball kila Dave at Marc sa covered court noong sila'y high school pa lang.


Tila ba ninakawan nanaman siya, pinagkaisahan at binugbog.


Hindi muling makapaniwala na hinayaan nanaman niya si Mike na saktan siya. Muli nanaman niyang hinayaan na samantalahin siya. Muli nanaman niyang ipinakita ang kaniyang kahinaan sa taong katulad ni Mike na mapagsamantala.


Mapagsamantala.” bulong ni Dan sa sarili saka umiling.


Simula sa murang edad na lima ay kasama at kakilala na niya lagi si Mike kaya naman hirap na hirap parin siya na isipin na mapagsamantalang tao si Mike ito ay sa kabila parin ng mga nagawa nito sa kaniya noon ay hindi niya parin magawang paniwalaan na mapagsamantala si Mike at ito ang ikinakainis niya sa kaniyang sarili.


Kahit ilang bess niya kasi sabihin sa kaniyang sarili na masamang tao si Mike at kahit ilang beses niyang paniwalain ang kaniyang sarili na walang gagawin si Mike kungdi ang saktan siya ay hindi niya parin magawang alisin ito sa kaniyang buhay.


Dan?”


Agad na lumingon si Dan at nakaharap niya si Ryan. Si Ryan na para sa kaniya ay walang ginawang masama sa kaniya pero bakit hindi niya magawang ituon dito ang kaniyang nararamdaman para kay Mike. Bakit kahit pilitin niya ang sarili niya na mas magiging masaya siya kay Ryan ay pilit ding sumisiksik sa kaniyang isip si Mike.


Are you OK?” tanong ni Ryan kay Dan na nakatitig lang sa kaniya matapos niyang tawagin ang pansin nito.


Y-yes.” sagot ni Dan.


Di ka ba papasok sa school?”


School.” wala sa sariling saad ni Dan sa kaniyang sarili hindi niya akalain na hihilingin niya ng palihim na sana ay nasa paaralan paring iyon si Mike, na sana ay katabi niya ito sa klase sa humanities at ito parin ang tumutulong sa kaniya sa kaniyang back subjects.


Hinihiling niya parin ito sa kabila ng ginawa nito sa kaniya.


Papasok.” matipid na sagot ni Dan sabay tumayo at naglakad palabas ng inuupahang apartment.


Natigilan si Ryan. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ulit si Dan. Tila ba isang zombie tulad noong mga unang araw nilang magkakilala nito. Walang ganang mabuhay. Ayaw niyang isipin na dahil ito sa kaniyang ginawang pagpapalayo kay Mike.


You did this to yourself.” pabulong na saad ni Bryan sa may gawi ng kusina na ikinaharap ni Ryan.


What are you talking about?!” singhal ni Ryan na ikinailing na lang ni Bryan.


Sabihin mo na yung totoo kay Dan, Ry. Hindi pa huli ang lahat.”


I still don't know what you're talking about, Bryan.” naiinis nang sabi ni Ryan at tatalikuran na niya sana ang kaniyang kakambal nang may sabihin ito na tumatak sa kaniyang isipan.


Can't you see he's hurting?”

0000oo0000

Dan.”


Agad na lumingon si Dan nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Magkakalahating oras ng tapos ang session ni Dan sa back subject nito kasama ang bagong student assistant ng coach pero hindi niya parin nagawang tumayo at maglakad palabas ng unibersidad para umuwi. Lahat kasi sa kaniya ngayon ay mabigat, lalong lalo na ang kaniyang kalooban at sa ganito siyang tagpo naabutan ni Mike.


Saglit pang tinitigan ni Dan si Mike. Tila ba pinagiisipan niya pang mabuti kung multo o guni-guni niya lamang ba ang Mike na nasa di kalayuan ng kaniyang kinauupuan.


Hey.” walang ganang bati ni Dan. Hindi niya pinag-practice-an ang kaniyang gagawin o kaya naman sasabihin sa oras na muli silang magharap ni Mike kaya naman ito na lang ang kaniyang nasabi pero kahit pa sa simple at nag-iisang salitang iyon na kaniyang pinakawlan ay hatid parin nito ang sakit ng kaniyang nararamdaman at hindi ito nakaligtas kay Mike.


I'm transferring to another school.” bulong ni Mike na tila naman isinigaw sa isang mega phone para kay Dan.


Why do you always hurt me, Mike?” mahinang tanong ni Dan na tila ba lahat ng lakas ay kumawala mula sa kaniyang katawan.


Tila tumigil ang oras para kay Mike. Iniisip niya na tama nga si Ryan sa sinabi nito, hanggang ngayon ay sinasaktan niya parin si Dan kahit pa sa mismong pag-lapit lamang niya dito. Di namalayan ni Mike ang ilang matatabang luha na dumaloy mula sa kaniyang mga mata at tila ba naguunahan sa pagpatak sa kaniyang makinis na pisngi.


Di makasagot si Mike. Gusto niyang magmakaawa dito paniwalain ito na hindi niya sinasadya na saktan ito at ipangako kay Dan na hinding hindi na niya ito sasaktan. Pero tila may sumpang dumapo sa kaniyang dila at nawalan siya ng kakayahang magsalita.


First you're going to show up after what you've done at my birthday and then you're going to make me believe that we're friends again and then just leave me---?” halos ngumalngal nang balik ni Dan kay Mike na agad napaiktad.


I didn't mean to leave you and make you feel that I don't want to be friends with you again—-”

Gustong paniwalaan ni Dan ang sinasabi ni Mike pero hindi niya mahayaan ang sarili dahil sa takot na baka pinapaikot nanaman siya nito.


Then you're going to be all sweet, make me feel special and then kiss me tapos ano? Kinabukasan di ka na magpapakita--- and then see you kiss a girl inside a club?” simula ulit ni Dan at pabulong na binigkas ang mga huling salita. Ibinubuhos na niya lahat ng kaniyang sama ng loob na nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso pero nakakapanghina sa kaniya ng lubos.


I didn't want to hurt you---!” may kalakasan ng balik ni Mike upang maiparating kay Dan na hindi niya intensyon ang saktan ito upang depensahan ang sarili na wala siyag kasalanan sa paghalik na iyon ng babae sa kaniya.


Don't you think it's a little too late for that?!” singhal ni Dan na nakapagpatameme kay Mike.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa. Nagtititigan. Nagpapamatigasan. Nagpapadamihan ng dumadaloy na luha sa kanilang pisngi. Nagpapabigatan ng loob.


He told me that nightmares started to keep on haunting your sleep nung nagkita tayo ulit, that your panic attacks became more often, that you wouldn't stop crying when something upsets you. He told me that I make you miserable. I couldn't face the fact that just by seeing me can hurt you so much.” bulong ni Mike sabay iwas ng tingin kay Dan, ayaw niyang maging mahina sa tingin ni Dan pero kailangan niyang sabihin lahat ng ito upang malaman niya ang dahilan ng pagtalikod niya muli dito.


Ngayon si Dan naman ang hindi nakapagsalita. Alam niya sa sarili niya na nagsasabi ng totoo si Mike, alam niya na ito talaga ang dahilan kung bakit ito biglang umiwas sa kaniya, alam niya at kilala niya kung sino marahil ang nagsabi nito kay Mike pero kailangan niyang makasiguro.


Who told you this?” tanong ni Dan lalong iniwas ni Mike ang kaniyang tingin at marahang umiling.


WHO TOLD YOU THIS?!” galit ng sigaw ni Dan na may halong pagmamakaawa.


Ryan.” sagot ni Mike.


Kahit pa ito na ang kaniyang hinala ay hindi parin ng malakas na kutob na ito ni Dan ang sakit na kaniyang naramdaman ngayon lalo pa't nalaman niya na kay Ryan nanggaling ang kasinungalingan na ito. Saglit niyang tinitigan si Mike. Nag-isip ng malalim.


You're lying.” malamig na saad ni Dan sabay tumawa ng isang nakapangingilabot na tawa habang patuloy parin sa pag-iyak pilit na kinukumbinsi ang sarili na hindi iyon magagawa sa kaniya ni Ryan kahit alam pa niya at nararamdaman niyang nagsasabi ng totoo si Mike. Pagpapaniwala niya sa kaniyang sarili na tama ng kaniyang ginagawa.


Ryan won't hurt me. Siya yung nandyan when every body else is pushing me away. He taught me how to live again. He taught me how to be happy again, that's why I don't believe you! You're just trying to win my trust back so you can hurt me again!”


That's not true and you know it! You know I'm not lying now! You can always tell whenever I'm lying, Dan!” balik ni Mike na gumulat parin kay Dan.


ENOUGH! I'M NOT GOING TO LET YOU HURT ME AGAIN!” pagmamatigas ni Dan sabay talikod kay Mike at nagsimulang maglakad palayo.


Dan.” tawag pansin ni Mike kay Dan sabay mabilis na hinablot ang kamay nito.


Napaharap si Dan kay Mike sa sobrang lakas ng paghatak nito sa kamay ng nauna. Nagtama ulit ang mga tingin nila.


I love you.” umiiyak paring turan ni Mike dahil sa sobrang takot nasa ginawa niyang ito ay tuluyan ng mawawala si Dan sa kaniya.


Ramdam na ramdam ni Dan ang bawat hilatsa ng sinseridad sa sinabi nito. Ramdam na ramdam niya ang emosyon.

You're lying.” umiiling na bulong ni Dan pilit paring pinapaniwala ang sarili na pinapaikot lang siya ni Mike.

Hindi na napigilan ni Mike ang sarili at niyakap na niya ng mahigpit si Dan.

I'm not lying. Please believe me, Dan. Please!” pagmamakaawa ni Mike habang patuloy lang ang kaniyang pagyakap kay Dan na tila ba sa oras na luwagan niya ang kaniyang pagyakap dito ay mawawala ito na parang bula.


You're lying---!” singhal ni Dan sabay itinulak si Mike palayo sa kaniyang katawan. “---You don't know how to love---”


I know you felt it when I kissed you and I felt in that kiss that you love me too---” simula ni Mike pero umiling lang ng umiling si Dan na tila ba nagsasabing hindi na siya nito pakikinggan. “--Please Dan! Please! Follow your heart! Dammit!”


Kumalma bigla si Dan na lubos na ikinatakot ni Mike, iniisip na naabot na niya ang hangganan ng pasensya ni Dan at natatakot siya na muli nanaman itong atakihin ng panic attacks.


I don't feel anything for you.” malamig na balik ni Dan na tila isang punyal nanaman na tumarak sa puso ni Mike ang sinabi ring ito ni Dan ang nagtulak kay Mike na lalong bumagsak ang mga balikat dahil sa tila ba may humihigop ng kaniyang lakas.

No!” simula paring pagpupumilit ni Mike.


Tell me you love me. I can still feel it! I know that you love me!” pagpupumilit pa ulit ni Mike sa kabila ng paubos na niyang lakas.

I can't---” simula nanamang pagtanggi ni Dan sa kaniyang tunay na nararamdaman.


Why?!” singit tanong ni Mike hindi parin makapaniwala sa pagmamatigas ni Dan.


Because the last time I said that I almost died.”


Ang mga sinabing ito ni Dan ang naging pako sa ataul ni Mike. Hindi na niya nagawa pang sagutin ang mga sinabing ito ni Dan dahil alam niyang may basehan ang takot nito. Kahit nga naman gaanong katindi ng pagmamahal nito sa kaniya kung may takot parin na bumabalot dito ay hindi niya rin ito magagwang sabihin o ipakita man lang.


Pakiramdam nanaman niya ay muli siyang naghukay para sa kaniyang saring libingan.


Danny.” bulong ni Mike habang pinapanood si Dan na maglakad palayo.


Malayo na ang nalalakad ni Dan nang maisipan ni Mike na hindi na niya pakakawalan muli si Dan. Hahabulin niya ito at ipapangako dito na hindi na mauulit pa ang nangyari noon sa oras na sabihin niya na mahal parin siya nito. Alam ni Mike na mahal parin siya nito pero nababalot lang ito ng takot dahil sa nangyari noo. Alam ni Mike na sa oras na masiguro niya kay Dan na wala ng mananakit sa kaniya sabihin niya lang na mahal siya nito.


Dan!” tawag pansin ni Mike pero dumapo lang ito sa nagbibingi-bingi-hang tenga ni Dan.


Wala paring tigil ang luha ng dalawa habang tumatawid sa quadrangle. Walang pakielam sa mga taong nakapaligid sa kanila.


Dan!” sigaw muli ni Mike pero hindi niya ito mahabol dahil sa bilis ng paglalakad nito. Naisip na niyang tumakbo para makahabol dito pero sa dami ng tao sa kanilang paligid at pagitan ay malamang makasakit lang siya ng tao.


Nang makalabas ng gate si Dan ay mabilis na siyang hinabol ni Mike dahil sa mas kakaunti ang mga estudyante dito pero mabilis ding nakasakay ng taxi si Dan. Mabilis na tumakbo ang taxi pagkasakay na pagkasakay ni Dan pero hinabol parin ito ni Mike.

Dan!”

Danny!” sigaw muli ni Mike habang hinahabol ang taxi.

Kuya tuloy lang po.” mariing saad ni Dan sa driver.

Dan!” pero hindi na narinig pa ni Dan ang sigaw nito ni Mike dahil masyado ng nakalayo ang taxi.

0000oo0000

Tila na-simot na ang lakas ni Mike dahil wala siya sa sariling napaluhod sa aspalto. Walang pakielam sa dumi nito o kaya naman sa sigawan ng mga driver ng dyip na nagpapatabi sa kaniya mula sa kalagitnaan ng kalsada o kaya naman sa kabila ng maraming tao na nanonood ng kaniyang palabas na iyon.


Danny, I love you.” bulong ni Mike habang pinapanood ang gatuldok na lang na taxi mula sa kaniyang kinaluluhuran.

Itutuloy...


pagtatapos ng pangalawang yugto ng pangalawang libro ng
Against All Odds 2[39]
by: Migs

Comments

  1. Season Finale na po. :-(

    Tinatamad na akong magpost ng stories. Hindi dahil busy pero dahil... a basta.

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    DEE: thanks! Mukhang ikaw lang naman ang nagagandahan eh.

    JB BJ: actually sa kanila lahat iikot ang story hindi lang dun sa dalawa.

    Anonymous April 18, 2013 at 10:28 PM: Sa susunod po na magcomment kayo, lagyan niyo na po ng name para po ma-address kayo ng maayos. Salamat po. :)

    Love Doctor: hindi na po. :-(

    aR: intayin mo na lang kung sino sino ang adun sa season three at kung sino ang mawawala. Anong long long long line ng sentences?

    Erwin F. Intindihin na lang natin si Mike. Haha!

    Anonymous April 18, 2013 at 11:59 PM: isn't that what you guys requested? Long story. More chapters. Drama. Binibigay ko lang po sainyo. :-) If you find it dragging na then maybe you should stop reading na and wait for the next story? This one will be finished soon. And Oh, I forgot, please do put your name sa next comment mo para ma-address kita ng maayos. :-)

    Lawfer: every body hurts in love. :-)

    Lyron Batara: more sweet scenes soon kapantay ng drama.

    Robert mendoza: sakto lang frend. Thanks!

    Johnny Quest: tumugma ba? :-)

    gavi: hindi pwede MAHIHIRAPAN ka lang kapag binigay ko siya sayo. Kung bakit? Alamin sa pagtatapos ng story na ito. Hihihi!

    Marven cursat: cowardice is a by product of other people's bad action. Tandaan mo yan. :-P

    Ryge Stan: natumbok mo ang character ni Ryan. :-)

    icy: tell that to Anonymous April 18, 2013 at 11:59 PM gusto na raw niya matapos dahil dragging. :-)

    waydeeJanYokio: ang layo ng tanong? Haha!

    Lynx: magkikita na sila sa next post ko. :-)

    akhiii: glad to make you laugh. :-)

    Frostking: sa sobrang busy kahit mya schedule di ko padin siya magawa. :-(

    teresa of the faint smile: why not give the story a shot? Eh ano ngayon kung magkapareho ng magiging ending? That doesn't mean na pareho ang paraan ng pagtatapos nila diba? Maybe you should finish the story first before you say that the story is pointless na for you to read it.

    Lonelyboy: Thanks!

    Riley delima: hehe ano pang naging AAO ang title nito? Haha! :-P Thanks!

    Russ: ganyan talaga. :-)

    lance: di pa tapos ang story. Walang masama sa character na pinurtray ni Ryan. Naging desperado langs iya.

    Foxriver: thanks. Readers like you keeps me motivated. :-)

    ANDY: meron pang season 3. Wag mawalan ng pag-asa.

    Ryan: straight si Bryan. Hahaha!

    Akosichristian: haha die hard fan ka ba? :-P


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sira ka talaga migs. sa dami ng nag cocomment ako lang ang nagagandahan?..

      >> alam mo ung gsto na, ayaw kong matapos ung kwento? ka excite!

      naiintindihan ko si ryan. Kaya Pro Ryan & Dan padin ako.


      >> Dee

      Delete
  2. hahays totoo nga love cros boundaries.. tnx mike for another story..

    ReplyDelete
  3. Bakit naman bro.. Lagi ko kayang sinubaybayan to simula pa seasom 1 one of the most owesome story.. Thanks



    Jims of sg.

    ReplyDelete
  4. Nakkakaba at xcting bawat chapter..

    ReplyDelete
  5. Ayaw.. Baka awayin pa ko ni Anonymous April 18, 2013 at 11:59 PM.. Haha.. But seriously, I love this story..
    -icy-

    ReplyDelete
  6. Napaiyak mo nanaman ako Kuya Migs, :)

    -Ryan

    ReplyDelete
  7. ~nainis lang ako kay mike at ryan dun kya si cha nalang ang ping2unan ko ng pansin.

    ~Ung totoo na inis ako kay dan dito. Its G R R!!

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  8. Author MIgs!

    Yun line na sobrang haba nakalimutan mo ata mag space bar. pero ok na yun haha

    ..malunkot ang naging ending ng chapter 2 ni dan :( same goes with mike

    Si ryan naman..haist ewan klo ba kung matutuwa pa ko or hindi, mali parin kasi ginawa niya..

    this time out muna ko sa team ryan..

    -aR

    ReplyDelete
  9. Awww ang dramatic naman...wahaha ang galing pa rin ng pagkakabuo...parang teleserye script lang na makabagdamdamin b(^-^)d

    ReplyDelete
  10. Bravo! Galing ng pagkakagawa sa chapter na 'to. Yung emosyon, yung mga linya ng characters, yung connection between the story and the reader, yung ramdam mo yung bawat part. Galing kuya migs. Para saken, kung baga ikaw yung nasa top ng food chain. ^^v!

    Parang isang scene sa isang blockbuster na movie. Lupet ng mga lines!

    ReplyDelete
  11. hala, bat naghiwalay cla..?? ambigat-bigat ng chapter na 'to.. may pinagdadaanan ka ba ser..??

    ReplyDelete
  12. Migs, ngayon ka pa titigil kung kelan ang mga gaya kong masugid na sumusubaybay sa mga kweto mo ay magdamag na nagbabasa ng mga kwento para lang makahabol sa recent posting mo at makasabay sa excitement ng next chapter?

    kung ano man dahilan nyan migs, sana isantabi mo nalang para sa aming mga sumusuporta sau at nag-aabang nga mga susunod na kwento mo.

    tuloy lang migs.

    -lance

    ReplyDelete
  13. Punyaterang ryn na yan.. siyang may kasalanan nito ehh!

    -- ADAN

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]