Breaking Boundaries 2[10]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nanikip
ang dibdib ni Andy. Humabol na ang pakiramdam ng galit sa kanina lang
ay simpleng pagkagulat at paunti-unting sakit. Hindi rin nakaligtas
sa kaniya ang reaksyon ng pagkagulat sa mukha ng taong kaharap niya
ngayon, taong akala niya ay kailanman ay hindi na niya makikita pa,
ang hindi niya lang alam ay kung totoo ba ang nakita niyang reaksyon
sa mukha nito pati narin ang emosyon ng tila ba pangungulila sa mga
mata nito o pinapaniwala muli siya nito katulad ng pagpapapaniwala
nito sa kaniya noon.
“WHAT
ARE YOU DOING HERE?!” buong diing tanong ni Andy sa lalaking
kaharap niya.
Hindi
mapigilan ni Allen na mapangiti sa bandang likuran ni Andy nang
makita niya ang hindi maikakailang pagbalik ng emosyon sa pananalita
ng kaniyang kapatid. Oo at galit ang kaniyang naririnig ngayon pero
mas mabuti na iyon kesa naman yung wala kahit ano siyang maramdamang
emosyon mula dito, na miya mo ito robot kahit gaano pa katindi dapat
ng nararamdaman nito.
“Uhmmm---”
simulang sagot ng lalaki pero hindi na ito nakapagsalita pa nang
pabalang nang sumara ang pinto sa mukha nito.
“Sino
yun?” tanong ni Tom na nakakuha ng matalim na tingin mula kay Andy.
Hindi
mapigilan ni Allen na lalong mapahagikgik nang masaksihan niya ang
tagpong iyon. Alam niyang nakita din ng kaniyang kapatid ang
malanding tingin mula sa mukha ni Tom nang makita nito ang gwapong
bisita na pinagsarhan ni Andy ng pinto.
“Mukhang
magiging OK ang plano natin ah.” bulong ni Allen kay Aldrin na
nag-abot lang ng kamay upang makipag-apir dito saka tinungo ang pinto
upang pagbuksan ang kararating lang na bisita.
Nang
bumukas ang pinto ay naabutan ng dalawang nakatatandang kapatid ni
Andy ang kanilang bisita na tila ba batang nakayuko na hindi alam ang
gagawin at nang magtaas ito ng tingin ay hindi mapigilan ni Allen na
maawa dito ng kaunti pero ang awang iyon ay agad napalitan ng inis ng
maalala niya na dito sa taong ito nagsimula ang lahat.
000ooo000
Sobra
ang kabang kaniyang nararamdaman habang nasa harapan ng pamilyar na
pinto na iyon. Wala parin itong pinagbago kahit pa ang kabuuan ng
bahay ay tila ba inaayos o binabago. Hindi niya alam kung anong
magiging pakitungo sa kaniya ng mga taong nasa loob.
Dahan-dahan
niyang inangat ang kaniyang kanang kamay upang kumatok, hindi pa man
lumalapat ang kaniyang kamao sa matigas na kahoy ay lalo pang bumilis
ang kaniyang tibok ng puso at lalo pa nga nang marinig niya ang tila
ba dagundong niyang pagkatok.
Tila
isang eksena sa pelikula ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Tila
tumigil ang puso ni Dale dahil kahit kakapiranggot na bahagi pa lang
ng katawan ng nagbukas ng pinto ang kaniyang nakikita ay alam na niya
kung kanino ito.
“Andy.”
bulong ni Dale sa sarili at tila kahit masyado itong mahina upang
marinig ni Andy ay hindi parin nito binigo si Dale sa agad nitong
pagharap.
Hindi
magagawang pangalanan ni Dale ang lahat ng emosyon na kaniyang
naramdaman dulot ng muli nilang pagkikita ni Andy pero may isang
namumutawing emosyon na lumulunod sa iba pa.
Sakit.
Kitang
kita niya ang mga emosyon ng pagkagulat, sakit at galit sa mukha ni
Andy at alam niyang siya ang may dulot ng lahat ng iyon at ito ang
nagdudulot ng ibayong sakit sa kaniya.
“WHAT
ARE YOU DOING HERE?!”
“uhhhmmm--”
simulang pagbati sana ni Dale at pagsagot kay Andy upang kahit papano
naman ay maging maganda muli ang pagkikita nilang dalawa pero agad na
siyang pinagbagsakan ng pinto ni Andy.
Wala
siyang nagawa kundi lalong malungkot. Para siyang batang nawawala,
hindi alam ang gagawin, hindi alam kung tatalikod na ba siya at
maglalakad ulit papalayo o magste-stay doon at inatayin na muli
siyang pagbuksan ng pinto. Saglit siyang yumuko upang isipin kung ano
nga bang ginagawa niya doon. Oo at pumayag siya na gawin ang lahat ng
kaniyang makakaya na kahit papano ay itama ang kung ano mang nangyari
sa kanila noon ni Andy ayon narin sa hiling ng mga kapatid nito pero
para kay Dale ay tila ba may malalim pa siyang dahilan sa pagpunta
doon at ito ang iniisip mabuti ng huli.
Nasa
malalim nang pagiisip si Dale nang bigla muling bumukas ang pinto at
bumulaga sa kaniya si Aldrin at Allen. Dalawa sa apat na magkakapatid
na bumisita sa kaniya noong nakaraang araw.
“Anong
itinatayo-tayo mo diyan? Pumasok ka---” imbita ni Aldrin na siyang
nakangiti ng matamis kay Dale, hindi mapigilang matuwa sa pagpapakita
ng nauna sa bahay na iyon kahit pa alam niyang mahirap din dito na
makaharap ang kaniyang kapatid.
000ooo000
“Where's
Tom?” tanong ni Andy sa kaniyang sarili matapos niyang makatulog
nang ilang oras dahil sa pagkukulong sa kwarto upang takasan ang
isang tao na hindi niya malaman ngayon kung totoo bang muling
nagpakita sa front door ng matandang bahay na iyon o panaginip lang.
Tayo-tayo
man ang buhok at naka-sando at boxers short lang ay wala parin sa
sariling bumaba si Andy mula sa ikalawang bahagi ng matandang bahay
na iyon. Bago pa man tumambad sa kaniya ang tagpo sa first floor ng
kanilang bahay ay naririnig na nya ang ilang boses doon na tumatawag
sa ilang pangalan na kung hindi nagkakamali si Andy ay mga pangalan
ng manggagawa ng pinapa-renovate nilang bahay.
“Jericho
Manuel---” tawag ni Aldrin sa isa pa sa mga manggagawa doon na
nakayuko lang. Ito ang isa sa mga pinakabatang manggagawa na madalas
mahuli ni Andy na kahuntahan ng kaniyang nobyo na si Tom.
“Sir,
kahit po iba na yung contractor gusto ko parin po magtrabaho dito.”
may bahid ng pagmamakaawa ng trabahador na tila naman ikinaputok ng
ugat ni Aldrin sa kaniyang noo.
“Hijo,
kulang pa ba ang pera na ito sa binibigay sayo ni Tom tuwing
nagkukulong kayo sa isang kwarto?” pabulong ang tanong na iyon ni
Aldrin pero hindi iyon nakaligtas sa lahat dahil sa kakaibang
katahimikan ng lugar. Umiling lang si Jericho at nakayukong umalis sa
harapan ni Aldrin.
“Anong
nangyayari?” tanong ni Andy nang makaapak na siya sa pinakahuling
baitang ng hagdan.
“Papalitan
namin lahat ng taong gagawa dito sa bahay---” walang sabit na sagot
ni Allen na ikinairap ni Andy.
“Tapos
tao ni Dale ang ipapalit niyo?” swabe ring tanong ni Andy sa
kaniyang mga kapatid, nagtataka kung panong nasabi niya ang pangalan
na iyon na matagal na niyang sinusuka.
“Oo---”
sagot ni Aldrin pero hindi na naituloy ang sasabihin nito nang
magsalita ulit si Andy.
“Hindi
niya natupad yung pangarap niyang maging architect kaya pagiging
contractor at foreman ang inaatupag niya ngayon? Malala pa aagawan
niya ng trabaho yung dati naming cotractor at mga tauhan nito?”
wala sa sariling saad ni Andy, hindi alam na nandun pala si Dale sa
likod ng mga kapatid niya kung saan natatago mula sa kaniyang
kinatatayuan.
“For
your---” simula na sana ni Allen na pambabara kay Andy nang pigilan
siya ni Dale mismo.
“Your
brothers are not happy with the work they're doing so they looked for
another contractor. If you are not going to be happy with our work,
you can also chuck us out as well but at least give us a chance.”
palaban pero mahinahon na saad ni Dale na ikinagulat ni Andy sa
paga-akalang wala na ito doon at ang malala pa ay ramdam niya ang
pagiging double meaning ng sinabi nito.
Matagal
natahimik ang buong bahay at matagal ding nagsalubong ang mga tingin
ni Dale at Andy tila naghahamunan pero para kay Aldrin ay alam niya
ang titigan na iyon. Iyon din ang tinginan nilang dalawang mag-asawa
sa tuwing umaalis siya papunta sa mga business conference niya sa
ibang bansa at iyon din ang titigan nila sa muli nilang pagkikita
matapos ang mga business trip na iyon.
Hindi
niya napigilang mapangisi at sikuhin ang kaniyang kapatid na si Allen
na tila naman hindi alam ang mga nangyayari.
“What?”
bulong ni Allen kay Aldrin na hindi mapigilang mapailing sa bagal ng
pick-up ng kaniyang kapatid.
“Our
plan is working.” bulong pabalik ni Aldrin na ikinakunot ulit ng
noo ni Allen.
“How
did you know?” parang batang tanong ni Allen sa kapatid na hindi na
lang mapigilang mapahagikgik habang iniisip kung gano ka-slow ng
kapatid.
“Whatever.”
saad ni Andy na siyang pumutol sa pagtititigan nila ni Dale. Walang
ideya na lalo lamang niyang binibigyang daan ang plano ng mga kapatid
sa kaniyang pagkikibit balikat na iyon patungkol sa pagtake over ni
Dale at kaniyang mga tauhan sa pagre-renovate ng matandang bahay.
Hindi
mapigilan ni Dale ang mapangiti.
“Tom---”
tawag ulit ni Andy sa kaniyang nobyo sa pagaakalang andun din ito sa
loob ng bahay.
“Wala.
Nasa park, nakikipaglandian sa mga hardinero dun sa likod ng malaking
accacia.” umiiling na sagot ni Allen.
Tatawa
na sana si Dale sa sinabing ito ni Allen nang mapansin niya ang
paghinga ng malalim ni Andy at pagbagsak ng balikat nito at ang
pagiling ni Allen mga palatandaan na nagsasabing hindi ito biro at
totoong nangyayari ito ngayon. Dikit kilay na nilapitan ni Dale si
Aldrin na tila naman alam ang dahilan ng paglapit sa kaniya ng nauna.
“Not
here.” saad ni Aldrin kahit hindi pa man nagtatanong si Dale.
000ooo000
“It
will take us more than two months to complete this project.” sagot
ni Dale kay Aldrin habang nasa loob sila ng cafe na iyon kung san
nila pinaguusapan ang mga plano para sa matandang bahay.
“Bakit
ganong katagal?” tanong naman ni Aldrin kahit pa parang wala naman
itong pakielam kahit pa abutin ng taon ang renovation ng bahay.
“Well
we have to re-paint every single wall in the house, we have to
retrieve every iron work they took down from the windows and we have
to reinstall them, we also have to dig every bush and plants they
have planted in the backyard---” pagpapaliwanag ni Dale.
“OK.”
agad agad na sagot ni Aldrin sabay inom ulit sa kaniyang kape habang
tinititigan ang litrato ng kanilang lumang bahay kung saan nasa
paanan nito ang buo niyang pamilya noong nabubuhay pa ang kaniyang
ama at nung bago pa sila maghiwa-hiwalay.
Ito
na ang kinuwang pagkakataon ni Dale upang tanungin ang kanina pa
niyang gustong tanungin kay Aldrin.
“Totoo
ba yung sinabi niyo kanina?” tanong ni Dale na siyang gumising kay
Aldrin sa kaniyang pagbabalik tanaw.
“Ha?”
pagpapalinaw ni Aldrin sa tanong ni Dale.
Muling
inisip ni Dale kung dapat ba niya itong tanungin pero nang maisip
niya ang dahilan kung bakit siya andun ngayon at kung bakit nila
pinaguusapan ang tungkol sa pagte-take over niya sa pagaayos ng bahay
nila Andy ay nilaksan na niya ang kaniyang loob at nilinaw ang
kaniyang tanong.
“Totoo
bang nasa park si Tom kada hapon at nakikipaglandian habang si Andy
ay nasa bahay at nagpapahinga?” tanong ni Dale sabay tingin ng
mariin sa mga mata ni Aldrin na siya namang naramdaman ang kagustuhan
ni Dale na malaman ang sagot at ang galit sa tanong nito. Walang duda
na ang galit na iyon ni Dale ay para kay Tom na pinagsasamantalahan
ang kahinaan ni Andy.
Tumango
lang si Aldrin bilang sagot. Kitang kita ni Dale ang biglaang
paglungkot ng mukha ni Aldrin bilang sabi na totoo ang sagot na iyon
at walang halong kasinungalingan.
“Bakit
niya hinahayaang ganunin siya ni Tom?” wala sa sariling tanong ni
Dale.
“Sayo
pa talaga galing yang tanong na yan?” wala sa sarili ring sagot ni
Aldrin na nakapagpatameme kay Dale. Kitang kita niya ang paglatay ng
pagsisisi sa mukha ni Dale kaya naman tumayo na siya sa kaniyang
kinauupuan kahit hindi pa niya nauubos ang kanilang meryenda.
Hindi
na hinabol pa ni Dale ang nakatatandang kapatid ni Andy at hinayaan
na lang niya itong maglakad papalayo. Nang akala niya ay tapos na ang
kanilang usapang iyon ay muling humarap si Aldrin.
“You
should ask him yourself.” saad ni Aldrin na lalong ikinatameme ni
Dale.
000ooo000
Dahan-dahang
idinilat ni Andy ang kaniyang mga mata matapos makarinig ng boses na
nagmamando at ilang malalakas na pagpukpok ng martilyo sa mga
dingding at bubongan. Hindi na ito bago kay Andy, mag-iisang buwan na
siyang nagigising sa mga ingay na iyon. Kinapa niya ang kaniyang tabi
at lalong hindi na siya nagulat nang malaman niyang wala na doon ang
kaniyang nobyo sa kaniyang tabi.
Wala
na lang siyang nagawa kundi ang umiling.
“Malandi
ang boyfriend mo. Hindi ako.”
Ang
mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isip sa tuwing
iisipin niya kung nasan marahil ang kaniyang boyfriend at kung ano
ang ginagawa nito. Tinig ito ng isa sa pinakamalapit niyang kaibigan
sa states. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila umuwi ni Tom ng
Pinas maliban sa biglaang pagkamatay ng kaniyang ama, upang makaiwas
na sa panggugulo nito sa relasyon nila ni Tom at ang ideya na ito ay
galing mismo sa huli.
“Uwi
na lang tayo sa Pinas, dun tayo umuwi sa bahay na iniwan ng dad mo
sayo para makalayo na tayo kay Jun.”
Pero
alam niyang hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit iyon
iminungkahi ni Tom pero mas pinili niyang magbulag-bulagan dahil sa
mga pansariling dahilan. Ang pagbubulag-bulagan niyang iyon ay
nage-extend pati narin sa pagbubulagbulagan niya sa pakikipaglandian
ni Tom sa ibang lalaki.
Hindi
na niya hinanap pa si Tom sa kanilang walk-in closet at banyo,
lumabas na siya agad upang alamin kung sino naman sa manggagawa ang
kalandian nito pero isang tagpo sa kaniyang harapan ang
nakapagpaalala sa kaniya ng kaibahan ng umagang iyon sa mga nakalipas
na umaga simula nang simulan nila ang renovation ng bahay.
“Shit.”
bulong na saad ni Andy sa sarili.
000ooo000
“Timplahin
mong mabuti yung kulay manong Jim ah. Dapat kaparehong-kapareho nung
dating kulay ng pader.” mando ni Dale sa medyo may edad ng pintor
na kaniyang tauhan.
“Opo
sir.” saad ni mang Jim na agad ikinailing ni Dale.
“Mang
Jim, sabi ko naman sayo wag mo na akong tawaging sir eh. Dale na
lang.” nakangiting saad ni Dale kay Mang Jim na hindi napigilang
mapangiti sabay tango.
“Edi
ikaw na ang humble.” saad ng isang lalaki sa kanilang likuran na
agad na ikinailingon ni Dale.
Kita
niya ang seryosong mukha ng bunso sa mga magkakapatid na si Aeron.
Malaki na ang pinagbago nito. Naging mas mama na ito ngayon.
Nagalangan si Dale kung ngingitian niya ba ito at babatiin o kung
tatahimik na lang siya dahil sigurado siyang maski ito ay galit na
galit sa kaniya matapos ang ginawa niya sa kuya nito.
“Aeron---”
tawag ni Dale dito bilang sabi na natatandaan niya pa ito sabay tango
bilang sabi na nagpapakababa siya at ayaw niya ng gulo.
Napaatras
si Dale mula sa kaniyang kinatatayan nang makita niya ang mabilis na
paglapit sa kaniya ni Aeron na tila ba nanunugod pero nagulat siya
nang hindi malakas na suntok ang salubong nito sa kaniya kundi isang
mahigpit na yakap.
“You
still owe me a rematch, kuya.” saad naman ni Aeron sabay ngiti nang
pakawalan niya si Dale. Napabuntong hininga si Dale at hindi
mapigilang matawa sa sarili.
“Well---
if you really want---” saad ni Dale sabay tingin sa kaniyang relos,
iniisip kung pwede na ba siyang makipaglaro ng basketball kay Aeron
na masuyo lang na nakangiti sa kaniya.
Pero
hindi pa man niya napagdedesisyunan kung maaari na ba siyang
makipaglaro dito o hindi ay bumukas na ang pinto na alam na alam ni
Dale kung kaninong kwarto ang pinagbubuksan. Hindi niya mapigilang
mapangiti nang makita niya ang gulo-gulong buhok ni Andy at ang tila
ba nanunuyo pa nitong laway sa sulok ng mga mapupulang labi nito.
“Shit.”
bulong ni Andy nang makita niya kung sino ang nasa kaniya ngayong
harapan pero idinaan niya na lang ito sa irap, walang pakielam kung
nakikita ni Dale ang kaniyang nanuyong panis na laway at gulo gulong
buhok.
“Good
morning.” masuyong wala sa sariling saad ni Dale na ikinatigil ni
Andy sa paglalakad palayo papunta sa hagdan upang bumaba sana dito.
“Anong
good sa morning kung ikaw lang din ang una kong makikita?” mataray
na saad ni Andy sabay pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan, ni hindi
man lang nagbato ng tingin sa kaniyang binara na si Dale.
Natameme
si Dale at tumahimik ang buong paligid. Nakarinig siya ng paghagok sa
kaniyang tabi at nakita niya ang nagpipigil ng tawa na si Aeron.
Hindi na niya napigilan pa ang mapangiti at akbayan si Aeron upang
guluhin ang buhok nito tulad nang ginagawa niya dito noong bata pa
ito.
“BURN!!!”
sigaw ni Aeron na lalong nakatanggap ng headlock kay Dale.
“I
will not give you a rematch later.” banta ni Dale kay Aeron na
humahagikgik parin.
“Doesn't
matter. Makita ko lang na tinatarayan ka ni kuya Andy, buo na ang
araw ko.” pangaalaska ni Aeron kay Dale sabay takbo pababa ng
hagdan.
Hindi
mapigilan ni Dale ang mapailing at nang ibalik niya ang kaniyang
pansin sa matandang lalaki na kanina lang ay kaniyang minamando-han
ay hindi niya lalo mapigilang mapangiti. Malaki ang ngiti nito maski
kulang kulang na ang mga ngipin nito.
“Gusto
ka parin niya, Dale.” saad ni Mang Jim sa kaniya sabay tayo at
nagpunta sa isa pang pader na kailangan niyang pinturahan.
Natahimik
si Dale at ikinakunot ng noo niya ang sinabi ng matanda.
Sa
wakas alam na niya ang sagot sa tanong niya sa sarili tungkol sa mas
malalim niya pang dahilan sa pagpunta doon at pagpayag sa plano ng
mga kapatid ni Andy.
“I
hope so...”
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 10]
by: Migs
Pasensya na po sa late post. Pasensya na rin po sa hindi ko pagsagot ng isa isa sa mga nakakaraan niyong comments. Super busy. :-(
ReplyDeletePero sa kabila po ng kakulangan kong ito lubos parin po akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa patuloy niyo pong pagsuporta. I love you guys!
Okay lang author! Hahaha sino ba hindi busy. Thanks for updating pero sana di masyado matagal? Tapos pwede ba back to back to back nxt posting? Hahaha thank you! Muwah
DeleteIvan D.
Bitin! :) I love you Migs.
ReplyDelete-J
i hope next update ay dalawa naman!hahaha can't get enough of it talaga... even though the plots are somewhat similar to your old stories, still, i feel like reading a new story from you- the feels are different everytime i read your stories. it's like it has been rewritten to cater the tastes of your new and old readers. it's really quite amazing kung pano mo ginagawa yun. yung feels ng story, yung approach mo kuya migs ay kakaiba. sakto yung timpla at sapol sa puso minsan naman sobra sa drama to the extent na mapapiyak ka na din talaga. haha i'm not a fan of filipino fiction stories or novels pero when i read yours feeling ko nagiging totoo yung pagkatao ko(not that i don't accept and embrace my true self pero dito mas na-a-appreciate ko yung pagmamahal ng kapwa mo eh. hihi) though most of your stories are fictional and always revolves around the lgbt community and somewhat far fetched from reality- i'm hoping that most people are as open minded as those people from your characters. ang gulo ng explanation ko!haha
ReplyDeletei think i'm one of your oldest readers here na din and if i'm not mistaken... pangalawa or pangatlong comment ko palang ito dito. i think i have been reading your stories po sir migs since early 2011 pa. those days na wala pang masyadong nagc-comment and ikaw naman yung humihingi ng comments from us-you readers para malaman mo lang kung nagustuhan ba namen or not yung kwento pero hindi pa din ako nagc-comment haha. oh well, those were the days but still and hoping na sana di ka mawalan ng gana magsulat. I hope inspirations will keep on pouring in. and of course, I (we) will always be here for you kuya migs to read your every updates and to also have the pleasure of reading your new and old stories over and over again. and i just want to quote this line from a movie "If you could hear me, I would say that your finger prints don't fade from the lives you've touched." :) grabe, nobela na ito hahaha
till here... take care and God bless always. thank you!
-tristfire :)
sulit migz!!! i really really love your works...thanks
ReplyDelete-jero-
Next chapter Finale na!!!
ReplyDeleteAyyyy meron na! Hahaha. Basa muna :)
ReplyDeleteIvan D.
Omg mas nabitin ako :( huhuhu sanq mayroon na agad idol omygerd! Ahahahaah ditch tom and go dale to get andy back! Ahahahaha feeling ko mas nakakakilig yah for yhe second time around. Manllandi pa ata tong si dale kay tom! Nako sinasabi ko ah! Hahaha
Deletekaka mis na nga ung back to back hehehe..
ReplyDeletemarc
Oo nga, sana back to back to back sa susunod author?! #Demanding? Hahahah sana soon ung susunod! Mabubuang na ata ako kakasip whats next! HahHaah
DeleteWhew! Feeling ko mahaba haba pa to. Ang haba ng jumping moments hahaha. Mas exciting. Sino si jun? What happened? Ang landi ni tom. Nkakainit ng ba gs! Tsk
ReplyDeleteMickey mouse :)
Yung mga irap irap na ganyan, may meaning yan eh! hahahaha! Sana may kilig moments na sila ulit! Hahahahaha
ReplyDeleteGo dale go!!!! Hahahahahah lumalabas na ung emotions ni Andy! Good job brothers! Push yan! Thanks sa update author :)
ReplyDeleteBasa basa basa. Salamat boss! :)
ReplyDeleteDrei'
Wag kang susuko dale! Go get your man! Its obvious na inlove pa sayo si andy. Ikaw lang nagpapalabas ng emotions niya! Haha :) pakisapak na din si tom please? #Affected :)))
ReplyDeleteVin e
Salamat bossing! Sana di na masaydong matagl susunod ah? Hehehe
ReplyDeleteWee! Biiitiiiin :(
ReplyDeleteBy the way, tha ks sa update sir migz :)
Bitiiiin! Kaabang abang! Bossssss! Back to back naman jan! Hehehehe
ReplyDelete:))
BITIN! Back to back po author! pleaseeee. Thank you! :)
ReplyDeleteGaling tlga nito at ang ganda migs lalo n ung english2 nila hehe.
ReplyDeletewaiting. ahahaha exciting. lahat na. ahahaha :) Sana meron na po AGAD AGAD. Now na. ahahaha thanks po author :)
ReplyDeleteAdrian.
Whew! Wag na pakipot Andy, irap irap pa peg mo jan. If I KNOW! ahahaha go lang ng go. You ditch that dickhead TOM. Naku Naku. ahahaha xD
ReplyDeleteStan'
Basa mode. salamat author, galing galing. hehehe
ReplyDeleteThis chapter is... is.... I cant express it in words. ahaha xD I've been waiting since the last you last posted and thinking what might Andy do or feel. As per Dale, wag dapat syang sumuko to win Andy back. Obviously from Andy's reactions, mahal pa niya si Dale. Sana lang wag masyado magpakipot kasi parehas lang silang mahihirapan. EXPLANATION lang ang dapat maibigay ni dale at marinig ni Andy. Ahaha. I sooo love this story. Namomove kasi talaga ako sa flow ng story and sa mga characters. ahahah xD Sana may clarifications lang ung mga events na di malinaw like (How andy met tom); (who is the friend named Jun na nakaagaw niya kay TOM) and what happened to Dale during the 10 years after. ahahaha
ReplyDeleteGaling mo talaga author, mejo matagal lang ang update, nakaka stress kasi ung nagiisip ako ng susunod na mangyayari. GANUN ka ka affective as writer. ahahaha Keep it up :)
Waaaa! Cant wait. next na po please? :)
ReplyDeleteI cant wait sa muling paguusap nila Dale and Andy. hehehe GO ANDALE :)
ReplyDeleteAyyy meron na! Magbabasa muna ako. hihi
ReplyDeleteken...
ANO KAYA ANG SUSUNOD NA KABANATA? ABANGAN! SUSUNOD> hehehe
ReplyDeleteNyay! Mejo bitin po kuya. :( hehehe pero thanks po sa update...
ReplyDeleteAko'y magbabasa muna. wait lang. ahahah Salamat po kuya Migz :)
ReplyDeletebry/
so happy na meron nang update. hehe. na curious tuloy ako dun sa isa pang frend nila andy sa states. at si naku sobrang sarap talaga balatan ng buhay sobrang landi grabe todo sa pag ka kati. pero im happy na finally na parang bumabalik na ang emosyon kay andy alam naman nating lahat na mahal niya pa rin si dale hanggang ngayon. ayaw lang niya paniwalain ang sarili niya na mahal niya si dale kasi ayaw na niyang masaktan. at ikaw dale aba kilos na naku patatagalin mo pa ba ang sakit na nararamdaman ni dale. daanin mo na ulit sa paspasan parang fast break lang..haha..at sa tingin ko naging successful na architect si dale kasi the way kausapin siya ng ibang character parang ganun and i think it will give way para matauhan si andy na kung ano ba talaga ang pakay ni dale..hahaha..grabe naiiyak ako na kinikilig.
ReplyDeleteingat lagi migs. pahinga din pag may time migs mahirap magkasakit ngayon.. lovelots migs
More scenes for dale and andy please!!! Haha!
ReplyDeleteGreat job!
Natutuwa ako sa mga pagbabagong nangyayari sa kwento. Lalo na sa bagong Character na nabnggit. Panigurado kasing lalabas siya sa gitna ng kwento.. Keep it up Migoy!!!
ReplyDelete-Zeke
Ok lang migz kung madelay ung post, what is important is yoy still find time para makapag updated, naawa ako natutuwakay Andy but panu nga ba natin ipapapintindi ang isang bagay kung hindi pa nila nararanasan un.
ReplyDeleteHave a great day migs and keep it up.
Sana po meron na. ahahaha Pero maiintindihan po namin kung mejo madelay, pero wag masyado matagal? Please? hehhee. Thanks sir Migz :)
ReplyDeleteMark
Ako din po, mag rerequest kung pwede wag masyado matagal? hehehhe. Kung okay lang po. Nakaka excite po kasi ung story :) huehuehue
ReplyDeleteNino
Ayyy this chapter is just great. ahaha and the next one should be better. ahaha xD I expect more pakipot moments from Andy and more pakilig moments from Dale. waaaah!
ReplyDeleteSanti'
Oh my gulay. Irap Irap pa to si Andy. ahaha If I know lol. I am restraining my self to comment about tom. nakaka frustrate ang gago. ahaha xD
ReplyDelete:)
huhu wala pa din :(
ReplyDelete"Gusto ka padin niya, Dale!" wah kilig mode activated!
ReplyDelete~WaydeeJanYoKio
tnx for the update migs, sana mas mahaba sa susunod kung hindi maxadong bx. he he he
ReplyDeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteKeep it up!
your truly
-aR
medyo matagal nga ang update pero sulit nman. tnx migs
ReplyDeleterandzmesia