Breaking Boundaries 2[10]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nanikip ang dibdib ni Andy. Humabol na ang pakiramdam ng galit sa kanina lang ay simpleng pagkagulat at paunti-unting sakit. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang reaksyon ng pagkagulat sa mukha ng taong kaharap niya ngayon, taong akala niya ay kailanman ay hindi na niya makikita pa, ang hindi niya lang alam ay kung totoo ba ang nakita niyang reaksyon sa mukha nito pati narin ang emosyon ng tila ba pangungulila sa mga mata nito o pinapaniwala muli siya nito katulad ng pagpapapaniwala nito sa kaniya noon.


WHAT ARE YOU DOING HERE?!” buong diing tanong ni Andy sa lalaking kaharap niya.

Hindi mapigilan ni Allen na mapangiti sa bandang likuran ni Andy nang makita niya ang hindi maikakailang pagbalik ng emosyon sa pananalita ng kaniyang kapatid. Oo at galit ang kaniyang naririnig ngayon pero mas mabuti na iyon kesa naman yung wala kahit ano siyang maramdamang emosyon mula dito, na miya mo ito robot kahit gaano pa katindi dapat ng nararamdaman nito.


Uhmmm---” simulang sagot ng lalaki pero hindi na ito nakapagsalita pa nang pabalang nang sumara ang pinto sa mukha nito.


Sino yun?” tanong ni Tom na nakakuha ng matalim na tingin mula kay Andy.


Hindi mapigilan ni Allen na lalong mapahagikgik nang masaksihan niya ang tagpong iyon. Alam niyang nakita din ng kaniyang kapatid ang malanding tingin mula sa mukha ni Tom nang makita nito ang gwapong bisita na pinagsarhan ni Andy ng pinto.


Mukhang magiging OK ang plano natin ah.” bulong ni Allen kay Aldrin na nag-abot lang ng kamay upang makipag-apir dito saka tinungo ang pinto upang pagbuksan ang kararating lang na bisita.


Nang bumukas ang pinto ay naabutan ng dalawang nakatatandang kapatid ni Andy ang kanilang bisita na tila ba batang nakayuko na hindi alam ang gagawin at nang magtaas ito ng tingin ay hindi mapigilan ni Allen na maawa dito ng kaunti pero ang awang iyon ay agad napalitan ng inis ng maalala niya na dito sa taong ito nagsimula ang lahat.

000ooo000


Sobra ang kabang kaniyang nararamdaman habang nasa harapan ng pamilyar na pinto na iyon. Wala parin itong pinagbago kahit pa ang kabuuan ng bahay ay tila ba inaayos o binabago. Hindi niya alam kung anong magiging pakitungo sa kaniya ng mga taong nasa loob.


Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kanang kamay upang kumatok, hindi pa man lumalapat ang kaniyang kamao sa matigas na kahoy ay lalo pang bumilis ang kaniyang tibok ng puso at lalo pa nga nang marinig niya ang tila ba dagundong niyang pagkatok.


Tila isang eksena sa pelikula ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Tila tumigil ang puso ni Dale dahil kahit kakapiranggot na bahagi pa lang ng katawan ng nagbukas ng pinto ang kaniyang nakikita ay alam na niya kung kanino ito.


Andy.” bulong ni Dale sa sarili at tila kahit masyado itong mahina upang marinig ni Andy ay hindi parin nito binigo si Dale sa agad nitong pagharap.


Hindi magagawang pangalanan ni Dale ang lahat ng emosyon na kaniyang naramdaman dulot ng muli nilang pagkikita ni Andy pero may isang namumutawing emosyon na lumulunod sa iba pa.


Sakit.


Kitang kita niya ang mga emosyon ng pagkagulat, sakit at galit sa mukha ni Andy at alam niyang siya ang may dulot ng lahat ng iyon at ito ang nagdudulot ng ibayong sakit sa kaniya.



WHAT ARE YOU DOING HERE?!”


uhhhmmm--” simulang pagbati sana ni Dale at pagsagot kay Andy upang kahit papano naman ay maging maganda muli ang pagkikita nilang dalawa pero agad na siyang pinagbagsakan ng pinto ni Andy.


Wala siyang nagawa kundi lalong malungkot. Para siyang batang nawawala, hindi alam ang gagawin, hindi alam kung tatalikod na ba siya at maglalakad ulit papalayo o magste-stay doon at inatayin na muli siyang pagbuksan ng pinto. Saglit siyang yumuko upang isipin kung ano nga bang ginagawa niya doon. Oo at pumayag siya na gawin ang lahat ng kaniyang makakaya na kahit papano ay itama ang kung ano mang nangyari sa kanila noon ni Andy ayon narin sa hiling ng mga kapatid nito pero para kay Dale ay tila ba may malalim pa siyang dahilan sa pagpunta doon at ito ang iniisip mabuti ng huli.


Nasa malalim nang pagiisip si Dale nang bigla muling bumukas ang pinto at bumulaga sa kaniya si Aldrin at Allen. Dalawa sa apat na magkakapatid na bumisita sa kaniya noong nakaraang araw.


Anong itinatayo-tayo mo diyan? Pumasok ka---” imbita ni Aldrin na siyang nakangiti ng matamis kay Dale, hindi mapigilang matuwa sa pagpapakita ng nauna sa bahay na iyon kahit pa alam niyang mahirap din dito na makaharap ang kaniyang kapatid.

000ooo000

Where's Tom?” tanong ni Andy sa kaniyang sarili matapos niyang makatulog nang ilang oras dahil sa pagkukulong sa kwarto upang takasan ang isang tao na hindi niya malaman ngayon kung totoo bang muling nagpakita sa front door ng matandang bahay na iyon o panaginip lang.


Tayo-tayo man ang buhok at naka-sando at boxers short lang ay wala parin sa sariling bumaba si Andy mula sa ikalawang bahagi ng matandang bahay na iyon. Bago pa man tumambad sa kaniya ang tagpo sa first floor ng kanilang bahay ay naririnig na nya ang ilang boses doon na tumatawag sa ilang pangalan na kung hindi nagkakamali si Andy ay mga pangalan ng manggagawa ng pinapa-renovate nilang bahay.


Jericho Manuel---” tawag ni Aldrin sa isa pa sa mga manggagawa doon na nakayuko lang. Ito ang isa sa mga pinakabatang manggagawa na madalas mahuli ni Andy na kahuntahan ng kaniyang nobyo na si Tom.


Sir, kahit po iba na yung contractor gusto ko parin po magtrabaho dito.” may bahid ng pagmamakaawa ng trabahador na tila naman ikinaputok ng ugat ni Aldrin sa kaniyang noo.


Hijo, kulang pa ba ang pera na ito sa binibigay sayo ni Tom tuwing nagkukulong kayo sa isang kwarto?” pabulong ang tanong na iyon ni Aldrin pero hindi iyon nakaligtas sa lahat dahil sa kakaibang katahimikan ng lugar. Umiling lang si Jericho at nakayukong umalis sa harapan ni Aldrin.


Anong nangyayari?” tanong ni Andy nang makaapak na siya sa pinakahuling baitang ng hagdan.


Papalitan namin lahat ng taong gagawa dito sa bahay---” walang sabit na sagot ni Allen na ikinairap ni Andy.


Tapos tao ni Dale ang ipapalit niyo?” swabe ring tanong ni Andy sa kaniyang mga kapatid, nagtataka kung panong nasabi niya ang pangalan na iyon na matagal na niyang sinusuka.


Oo---” sagot ni Aldrin pero hindi na naituloy ang sasabihin nito nang magsalita ulit si Andy.


Hindi niya natupad yung pangarap niyang maging architect kaya pagiging contractor at foreman ang inaatupag niya ngayon? Malala pa aagawan niya ng trabaho yung dati naming cotractor at mga tauhan nito?” wala sa sariling saad ni Andy, hindi alam na nandun pala si Dale sa likod ng mga kapatid niya kung saan natatago mula sa kaniyang kinatatayuan.


For your---” simula na sana ni Allen na pambabara kay Andy nang pigilan siya ni Dale mismo.


Your brothers are not happy with the work they're doing so they looked for another contractor. If you are not going to be happy with our work, you can also chuck us out as well but at least give us a chance.” palaban pero mahinahon na saad ni Dale na ikinagulat ni Andy sa paga-akalang wala na ito doon at ang malala pa ay ramdam niya ang pagiging double meaning ng sinabi nito.


Matagal natahimik ang buong bahay at matagal ding nagsalubong ang mga tingin ni Dale at Andy tila naghahamunan pero para kay Aldrin ay alam niya ang titigan na iyon. Iyon din ang tinginan nilang dalawang mag-asawa sa tuwing umaalis siya papunta sa mga business conference niya sa ibang bansa at iyon din ang titigan nila sa muli nilang pagkikita matapos ang mga business trip na iyon.


Hindi niya napigilang mapangisi at sikuhin ang kaniyang kapatid na si Allen na tila naman hindi alam ang mga nangyayari.


What?” bulong ni Allen kay Aldrin na hindi mapigilang mapailing sa bagal ng pick-up ng kaniyang kapatid.


Our plan is working.” bulong pabalik ni Aldrin na ikinakunot ulit ng noo ni Allen.


How did you know?” parang batang tanong ni Allen sa kapatid na hindi na lang mapigilang mapahagikgik habang iniisip kung gano ka-slow ng kapatid.


Whatever.” saad ni Andy na siyang pumutol sa pagtititigan nila ni Dale. Walang ideya na lalo lamang niyang binibigyang daan ang plano ng mga kapatid sa kaniyang pagkikibit balikat na iyon patungkol sa pagtake over ni Dale at kaniyang mga tauhan sa pagre-renovate ng matandang bahay.


Hindi mapigilan ni Dale ang mapangiti.


Tom---” tawag ulit ni Andy sa kaniyang nobyo sa pagaakalang andun din ito sa loob ng bahay.


Wala. Nasa park, nakikipaglandian sa mga hardinero dun sa likod ng malaking accacia.” umiiling na sagot ni Allen.


Tatawa na sana si Dale sa sinabing ito ni Allen nang mapansin niya ang paghinga ng malalim ni Andy at pagbagsak ng balikat nito at ang pagiling ni Allen mga palatandaan na nagsasabing hindi ito biro at totoong nangyayari ito ngayon. Dikit kilay na nilapitan ni Dale si Aldrin na tila naman alam ang dahilan ng paglapit sa kaniya ng nauna.


Not here.” saad ni Aldrin kahit hindi pa man nagtatanong si Dale.

000ooo000

It will take us more than two months to complete this project.” sagot ni Dale kay Aldrin habang nasa loob sila ng cafe na iyon kung san nila pinaguusapan ang mga plano para sa matandang bahay.


Bakit ganong katagal?” tanong naman ni Aldrin kahit pa parang wala naman itong pakielam kahit pa abutin ng taon ang renovation ng bahay.


Well we have to re-paint every single wall in the house, we have to retrieve every iron work they took down from the windows and we have to reinstall them, we also have to dig every bush and plants they have planted in the backyard---” pagpapaliwanag ni Dale.


OK.” agad agad na sagot ni Aldrin sabay inom ulit sa kaniyang kape habang tinititigan ang litrato ng kanilang lumang bahay kung saan nasa paanan nito ang buo niyang pamilya noong nabubuhay pa ang kaniyang ama at nung bago pa sila maghiwa-hiwalay.


Ito na ang kinuwang pagkakataon ni Dale upang tanungin ang kanina pa niyang gustong tanungin kay Aldrin.


Totoo ba yung sinabi niyo kanina?” tanong ni Dale na siyang gumising kay Aldrin sa kaniyang pagbabalik tanaw.


Ha?” pagpapalinaw ni Aldrin sa tanong ni Dale.


Muling inisip ni Dale kung dapat ba niya itong tanungin pero nang maisip niya ang dahilan kung bakit siya andun ngayon at kung bakit nila pinaguusapan ang tungkol sa pagte-take over niya sa pagaayos ng bahay nila Andy ay nilaksan na niya ang kaniyang loob at nilinaw ang kaniyang tanong.


Totoo bang nasa park si Tom kada hapon at nakikipaglandian habang si Andy ay nasa bahay at nagpapahinga?” tanong ni Dale sabay tingin ng mariin sa mga mata ni Aldrin na siya namang naramdaman ang kagustuhan ni Dale na malaman ang sagot at ang galit sa tanong nito. Walang duda na ang galit na iyon ni Dale ay para kay Tom na pinagsasamantalahan ang kahinaan ni Andy.


Tumango lang si Aldrin bilang sagot. Kitang kita ni Dale ang biglaang paglungkot ng mukha ni Aldrin bilang sabi na totoo ang sagot na iyon at walang halong kasinungalingan.


Bakit niya hinahayaang ganunin siya ni Tom?” wala sa sariling tanong ni Dale.


Sayo pa talaga galing yang tanong na yan?” wala sa sarili ring sagot ni Aldrin na nakapagpatameme kay Dale. Kitang kita niya ang paglatay ng pagsisisi sa mukha ni Dale kaya naman tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan kahit hindi pa niya nauubos ang kanilang meryenda.

Hindi na hinabol pa ni Dale ang nakatatandang kapatid ni Andy at hinayaan na lang niya itong maglakad papalayo. Nang akala niya ay tapos na ang kanilang usapang iyon ay muling humarap si Aldrin.


You should ask him yourself.” saad ni Aldrin na lalong ikinatameme ni Dale.

000ooo000

Dahan-dahang idinilat ni Andy ang kaniyang mga mata matapos makarinig ng boses na nagmamando at ilang malalakas na pagpukpok ng martilyo sa mga dingding at bubongan. Hindi na ito bago kay Andy, mag-iisang buwan na siyang nagigising sa mga ingay na iyon. Kinapa niya ang kaniyang tabi at lalong hindi na siya nagulat nang malaman niyang wala na doon ang kaniyang nobyo sa kaniyang tabi.


Wala na lang siyang nagawa kundi ang umiling.


Malandi ang boyfriend mo. Hindi ako.”


Ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isip sa tuwing iisipin niya kung nasan marahil ang kaniyang boyfriend at kung ano ang ginagawa nito. Tinig ito ng isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa states. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila umuwi ni Tom ng Pinas maliban sa biglaang pagkamatay ng kaniyang ama, upang makaiwas na sa panggugulo nito sa relasyon nila ni Tom at ang ideya na ito ay galing mismo sa huli.


Uwi na lang tayo sa Pinas, dun tayo umuwi sa bahay na iniwan ng dad mo sayo para makalayo na tayo kay Jun.”


Pero alam niyang hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit iyon iminungkahi ni Tom pero mas pinili niyang magbulag-bulagan dahil sa mga pansariling dahilan. Ang pagbubulag-bulagan niyang iyon ay nage-extend pati narin sa pagbubulagbulagan niya sa pakikipaglandian ni Tom sa ibang lalaki.


Hindi na niya hinanap pa si Tom sa kanilang walk-in closet at banyo, lumabas na siya agad upang alamin kung sino naman sa manggagawa ang kalandian nito pero isang tagpo sa kaniyang harapan ang nakapagpaalala sa kaniya ng kaibahan ng umagang iyon sa mga nakalipas na umaga simula nang simulan nila ang renovation ng bahay.


Shit.” bulong na saad ni Andy sa sarili.

000ooo000

Timplahin mong mabuti yung kulay manong Jim ah. Dapat kaparehong-kapareho nung dating kulay ng pader.” mando ni Dale sa medyo may edad ng pintor na kaniyang tauhan.


Opo sir.” saad ni mang Jim na agad ikinailing ni Dale.


Mang Jim, sabi ko naman sayo wag mo na akong tawaging sir eh. Dale na lang.” nakangiting saad ni Dale kay Mang Jim na hindi napigilang mapangiti sabay tango.


Edi ikaw na ang humble.” saad ng isang lalaki sa kanilang likuran na agad na ikinailingon ni Dale.


Kita niya ang seryosong mukha ng bunso sa mga magkakapatid na si Aeron. Malaki na ang pinagbago nito. Naging mas mama na ito ngayon. Nagalangan si Dale kung ngingitian niya ba ito at babatiin o kung tatahimik na lang siya dahil sigurado siyang maski ito ay galit na galit sa kaniya matapos ang ginawa niya sa kuya nito.


Aeron---” tawag ni Dale dito bilang sabi na natatandaan niya pa ito sabay tango bilang sabi na nagpapakababa siya at ayaw niya ng gulo.


Napaatras si Dale mula sa kaniyang kinatatayan nang makita niya ang mabilis na paglapit sa kaniya ni Aeron na tila ba nanunugod pero nagulat siya nang hindi malakas na suntok ang salubong nito sa kaniya kundi isang mahigpit na yakap.


You still owe me a rematch, kuya.” saad naman ni Aeron sabay ngiti nang pakawalan niya si Dale. Napabuntong hininga si Dale at hindi mapigilang matawa sa sarili.


Well--- if you really want---” saad ni Dale sabay tingin sa kaniyang relos, iniisip kung pwede na ba siyang makipaglaro ng basketball kay Aeron na masuyo lang na nakangiti sa kaniya.


Pero hindi pa man niya napagdedesisyunan kung maaari na ba siyang makipaglaro dito o hindi ay bumukas na ang pinto na alam na alam ni Dale kung kaninong kwarto ang pinagbubuksan. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita niya ang gulo-gulong buhok ni Andy at ang tila ba nanunuyo pa nitong laway sa sulok ng mga mapupulang labi nito.


Shit.” bulong ni Andy nang makita niya kung sino ang nasa kaniya ngayong harapan pero idinaan niya na lang ito sa irap, walang pakielam kung nakikita ni Dale ang kaniyang nanuyong panis na laway at gulo gulong buhok.


Good morning.” masuyong wala sa sariling saad ni Dale na ikinatigil ni Andy sa paglalakad palayo papunta sa hagdan upang bumaba sana dito.


Anong good sa morning kung ikaw lang din ang una kong makikita?” mataray na saad ni Andy sabay pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan, ni hindi man lang nagbato ng tingin sa kaniyang binara na si Dale.


Natameme si Dale at tumahimik ang buong paligid. Nakarinig siya ng paghagok sa kaniyang tabi at nakita niya ang nagpipigil ng tawa na si Aeron. Hindi na niya napigilan pa ang mapangiti at akbayan si Aeron upang guluhin ang buhok nito tulad nang ginagawa niya dito noong bata pa ito.


BURN!!!” sigaw ni Aeron na lalong nakatanggap ng headlock kay Dale.


I will not give you a rematch later.” banta ni Dale kay Aeron na humahagikgik parin.


Doesn't matter. Makita ko lang na tinatarayan ka ni kuya Andy, buo na ang araw ko.” pangaalaska ni Aeron kay Dale sabay takbo pababa ng hagdan.


Hindi mapigilan ni Dale ang mapailing at nang ibalik niya ang kaniyang pansin sa matandang lalaki na kanina lang ay kaniyang minamando-han ay hindi niya lalo mapigilang mapangiti. Malaki ang ngiti nito maski kulang kulang na ang mga ngipin nito.


Gusto ka parin niya, Dale.” saad ni Mang Jim sa kaniya sabay tayo at nagpunta sa isa pang pader na kailangan niyang pinturahan.


Natahimik si Dale at ikinakunot ng noo niya ang sinabi ng matanda.


Sa wakas alam na niya ang sagot sa tanong niya sa sarili tungkol sa mas malalim niya pang dahilan sa pagpunta doon at pagpayag sa plano ng mga kapatid ni Andy.


I hope so...”



Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 10]

by: Migs

Comments

  1. Pasensya na po sa late post. Pasensya na rin po sa hindi ko pagsagot ng isa isa sa mga nakakaraan niyong comments. Super busy. :-(

    Pero sa kabila po ng kakulangan kong ito lubos parin po akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa patuloy niyo pong pagsuporta. I love you guys!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang author! Hahaha sino ba hindi busy. Thanks for updating pero sana di masyado matagal? Tapos pwede ba back to back to back nxt posting? Hahaha thank you! Muwah

      Ivan D.

      Delete
  2. Bitin! :) I love you Migs.
    -J

    ReplyDelete
  3. i hope next update ay dalawa naman!hahaha can't get enough of it talaga... even though the plots are somewhat similar to your old stories, still, i feel like reading a new story from you- the feels are different everytime i read your stories. it's like it has been rewritten to cater the tastes of your new and old readers. it's really quite amazing kung pano mo ginagawa yun. yung feels ng story, yung approach mo kuya migs ay kakaiba. sakto yung timpla at sapol sa puso minsan naman sobra sa drama to the extent na mapapiyak ka na din talaga. haha i'm not a fan of filipino fiction stories or novels pero when i read yours feeling ko nagiging totoo yung pagkatao ko(not that i don't accept and embrace my true self pero dito mas na-a-appreciate ko yung pagmamahal ng kapwa mo eh. hihi) though most of your stories are fictional and always revolves around the lgbt community and somewhat far fetched from reality- i'm hoping that most people are as open minded as those people from your characters. ang gulo ng explanation ko!haha

    i think i'm one of your oldest readers here na din and if i'm not mistaken... pangalawa or pangatlong comment ko palang ito dito. i think i have been reading your stories po sir migs since early 2011 pa. those days na wala pang masyadong nagc-comment and ikaw naman yung humihingi ng comments from us-you readers para malaman mo lang kung nagustuhan ba namen or not yung kwento pero hindi pa din ako nagc-comment haha. oh well, those were the days but still and hoping na sana di ka mawalan ng gana magsulat. I hope inspirations will keep on pouring in. and of course, I (we) will always be here for you kuya migs to read your every updates and to also have the pleasure of reading your new and old stories over and over again. and i just want to quote this line from a movie "If you could hear me, I would say that your finger prints don't fade from the lives you've touched." :) grabe, nobela na ito hahaha

    till here... take care and God bless always. thank you!
    -tristfire :)

    ReplyDelete
  4. sulit migz!!! i really really love your works...thanks

    -jero-

    ReplyDelete
  5. Ayyyy meron na! Hahaha. Basa muna :)

    Ivan D.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Omg mas nabitin ako :( huhuhu sanq mayroon na agad idol omygerd! Ahahahaah ditch tom and go dale to get andy back! Ahahahaha feeling ko mas nakakakilig yah for yhe second time around. Manllandi pa ata tong si dale kay tom! Nako sinasabi ko ah! Hahaha

      Delete
  6. kaka mis na nga ung back to back hehehe..


    marc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, sana back to back to back sa susunod author?! #Demanding? Hahahah sana soon ung susunod! Mabubuang na ata ako kakasip whats next! HahHaah

      Delete
  7. Whew! Feeling ko mahaba haba pa to. Ang haba ng jumping moments hahaha. Mas exciting. Sino si jun? What happened? Ang landi ni tom. Nkakainit ng ba gs! Tsk

    Mickey mouse :)

    ReplyDelete
  8. Yung mga irap irap na ganyan, may meaning yan eh! hahahaha! Sana may kilig moments na sila ulit! Hahahahaha

    ReplyDelete
  9. Go dale go!!!! Hahahahahah lumalabas na ung emotions ni Andy! Good job brothers! Push yan! Thanks sa update author :)

    ReplyDelete
  10. Basa basa basa. Salamat boss! :)

    Drei'

    ReplyDelete
  11. Wag kang susuko dale! Go get your man! Its obvious na inlove pa sayo si andy. Ikaw lang nagpapalabas ng emotions niya! Haha :) pakisapak na din si tom please? #Affected :)))

    Vin e

    ReplyDelete
  12. Salamat bossing! Sana di na masaydong matagl susunod ah? Hehehe

    ReplyDelete
  13. Wee! Biiitiiiin :(

    By the way, tha ks sa update sir migz :)

    ReplyDelete
  14. Bitiiiin! Kaabang abang! Bossssss! Back to back naman jan! Hehehehe

    :))

    ReplyDelete
  15. BITIN! Back to back po author! pleaseeee. Thank you! :)

    ReplyDelete
  16. Galing tlga nito at ang ganda migs lalo n ung english2 nila hehe.

    ReplyDelete
  17. waiting. ahahaha exciting. lahat na. ahahaha :) Sana meron na po AGAD AGAD. Now na. ahahaha thanks po author :)

    Adrian.

    ReplyDelete
  18. Whew! Wag na pakipot Andy, irap irap pa peg mo jan. If I KNOW! ahahaha go lang ng go. You ditch that dickhead TOM. Naku Naku. ahahaha xD

    Stan'

    ReplyDelete
  19. Basa mode. salamat author, galing galing. hehehe

    ReplyDelete
  20. This chapter is... is.... I cant express it in words. ahaha xD I've been waiting since the last you last posted and thinking what might Andy do or feel. As per Dale, wag dapat syang sumuko to win Andy back. Obviously from Andy's reactions, mahal pa niya si Dale. Sana lang wag masyado magpakipot kasi parehas lang silang mahihirapan. EXPLANATION lang ang dapat maibigay ni dale at marinig ni Andy. Ahaha. I sooo love this story. Namomove kasi talaga ako sa flow ng story and sa mga characters. ahahah xD Sana may clarifications lang ung mga events na di malinaw like (How andy met tom); (who is the friend named Jun na nakaagaw niya kay TOM) and what happened to Dale during the 10 years after. ahahaha

    Galing mo talaga author, mejo matagal lang ang update, nakaka stress kasi ung nagiisip ako ng susunod na mangyayari. GANUN ka ka affective as writer. ahahaha Keep it up :)

    ReplyDelete
  21. Waaaa! Cant wait. next na po please? :)

    ReplyDelete
  22. I cant wait sa muling paguusap nila Dale and Andy. hehehe GO ANDALE :)

    ReplyDelete
  23. Ayyy meron na! Magbabasa muna ako. hihi

    ken...

    ReplyDelete
  24. ANO KAYA ANG SUSUNOD NA KABANATA? ABANGAN! SUSUNOD> hehehe

    ReplyDelete
  25. Nyay! Mejo bitin po kuya. :( hehehe pero thanks po sa update...

    ReplyDelete
  26. Ako'y magbabasa muna. wait lang. ahahah Salamat po kuya Migz :)

    bry/

    ReplyDelete
  27. so happy na meron nang update. hehe. na curious tuloy ako dun sa isa pang frend nila andy sa states. at si naku sobrang sarap talaga balatan ng buhay sobrang landi grabe todo sa pag ka kati. pero im happy na finally na parang bumabalik na ang emosyon kay andy alam naman nating lahat na mahal niya pa rin si dale hanggang ngayon. ayaw lang niya paniwalain ang sarili niya na mahal niya si dale kasi ayaw na niyang masaktan. at ikaw dale aba kilos na naku patatagalin mo pa ba ang sakit na nararamdaman ni dale. daanin mo na ulit sa paspasan parang fast break lang..haha..at sa tingin ko naging successful na architect si dale kasi the way kausapin siya ng ibang character parang ganun and i think it will give way para matauhan si andy na kung ano ba talaga ang pakay ni dale..hahaha..grabe naiiyak ako na kinikilig.

    ingat lagi migs. pahinga din pag may time migs mahirap magkasakit ngayon.. lovelots migs

    ReplyDelete
  28. More scenes for dale and andy please!!! Haha!

    Great job!

    ReplyDelete
  29. Natutuwa ako sa mga pagbabagong nangyayari sa kwento. Lalo na sa bagong Character na nabnggit. Panigurado kasing lalabas siya sa gitna ng kwento.. Keep it up Migoy!!!


    -Zeke

    ReplyDelete
  30. Ok lang migz kung madelay ung post, what is important is yoy still find time para makapag updated, naawa ako natutuwakay Andy but panu nga ba natin ipapapintindi ang isang bagay kung hindi pa nila nararanasan un.

    Have a great day migs and keep it up.

    ReplyDelete
  31. Sana po meron na. ahahaha Pero maiintindihan po namin kung mejo madelay, pero wag masyado matagal? Please? hehhee. Thanks sir Migz :)

    Mark

    ReplyDelete
  32. Ako din po, mag rerequest kung pwede wag masyado matagal? hehehhe. Kung okay lang po. Nakaka excite po kasi ung story :) huehuehue

    Nino

    ReplyDelete
  33. Ayyy this chapter is just great. ahaha and the next one should be better. ahaha xD I expect more pakipot moments from Andy and more pakilig moments from Dale. waaaah!

    Santi'

    ReplyDelete
  34. Oh my gulay. Irap Irap pa to si Andy. ahaha If I know lol. I am restraining my self to comment about tom. nakaka frustrate ang gago. ahaha xD

    :)

    ReplyDelete
  35. huhu wala pa din :(

    ReplyDelete
  36. "Gusto ka padin niya, Dale!" wah kilig mode activated!

    ~WaydeeJanYoKio

    ReplyDelete
  37. tnx for the update migs, sana mas mahaba sa susunod kung hindi maxadong bx. he he he

    ReplyDelete
  38. Author Migs!

    Keep it up!

    your truly

    -aR

    ReplyDelete
  39. medyo matagal nga ang update pero sulit nman. tnx migs

    randzmesia

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]