Breaking Boundaries 2[7]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Bumilis
ang pagtibok ng kaniyang puso, bumabaw ang kaniyang paghinga, miya mo
may nakabarang malaking bato sa kaniyang lalamunan, nahilo siya at
unti-unting nag-i-itim ang kaniyang paningin matapos niyang makita
ang layo ng damuhan na kanina lang ay kaniyang inaapakan mula sa
kaniya ngayong kinatatayuan at nang makita niya ang lapit niya sa
bughaw na kulay ng langit.
Hindi
niya napansin na ang buo niyang katawan ay nagpapanic na, na umiikot
na siya sa loob ng maliit na basket na iyon na tila ba naghahanap
siya ng malalabasan o makakapag-patigil sa kaniyang kinatatakutan na
iyon. Hindi niya napansin na maski ang tagapangasiwa ng lobo na
kanilang sinasakyan ay natatakot nadin sa mga nangyayari at bayolente
ng umaalog ang kanilang sinasakyan.
“Andy.”
tawag pansin sa kaniya ng isang pamilyar na boses pero sarado ang
kaniyang isip at tanging takot lang ang bumabalot dito.
Maya-maya
pa ay nakaramdam siya ng isang mahigpit na pagyakap mula sa kaniyang
likuran. Isang bagay na nagtulak sa kaniyang ipikit ang kaniyang mga
mata at kalimutan ang takot na kaniyang nararamdaman dahil sa yakap
na iyon ay pakiramdam niyang nasa lupa ang kaniyang mga paa at mataas
ang bughaw na langit sa kaniyang ulonan.
000ooo000
Hindi
niyakap ni Dale si Andy upang mapigilan ito sa kakagalaw at ilagay
sila sa panganib, hindi niya ito niyakap dahil natatakot siya sa
sariling buhay o sa masisira nilang kagamitan, niyakap niya ito dahil
gusto niyang mabura sa mukha nito ang takot at pagaalala, niyakap
niya ito dahil mas nais niyang nakikita ang kalmado nitong maamong
mukha kesa ang takot at paghihinagpis. Isang bagay na hindi parin
naiintindihan ni Dale kung bakit.
Naramdaman
niya ang pagbagal ng paghinga nito matapos niya itong yakapin mula sa
likod, naramdaman niya ang pag-relax muli ng mga kalamnan nito sa
likod na siyang nakalapat sa kaniyang matipunong dibdib. Nang
maramdaman niyang tuluyan ng kumalma si Andy ay dahan-dahan niyang
sinilip ang mukha nito at doon napagalamanan niyang nakapikit itong
muli.
“Open
your eyes, Andy.” marahan niyang saad.
000ooo000
“Open
your eyes, Andy.” ang mga unang salita na kumuwa sa pansin ni Andy
nang muli siyang makapag-isip ng maayos.
Agad
siyang umiling. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kanina pero
naramdaman niyang lalong humigpit ang yakap sa kaniya ni Dale mula sa
likod na tila ba naniniguro, na tila ba nagsasabing ligtas siya at
ramdam na ramdam niya ang sinseridad nito sa simpleng yakap na iyon
at ito'y nakumpirma sa sunod na sinabi ng huli.
“Dito
lang ako. Hindi kita hahayaang mahulog.”
Matapos
non ay dahan-dahang ibinuka ni Andy ang kaniyang mga mata. Kung
kanina ay kinain siya ng lula at hilo, iba ngayon. Mas na-appreciate
niya ang tanawin sa kaniyang harapan, ang malawak na taniman na tila
isang malaking carpet sa kanilang paanan na may patuldok-tuldok at
minsan ay kumpulan na kulay pulang mga bubong ng bahay, ang mahabang
kalsada na miya mo ahas na itim na gumuguhit sa mga pagitan ng
taniman ng palay, ang nakahilerang bundok sa may kalayuan na
nababalutan ng maninipis na ulap at ang kulay bughaw na kalangitan.
“Wow.”
ang tanging nasabi ni Andy.
“It's
pretty amazing, right?” marahang tanong ni Dale sa likod ni Andy
habang nakayakap parin dito.
Tanging
pag-tango lang ang naramdaman ni Dale na ikinangiti niya.
“Look
to your left.” bulong ulit ni Dale na ginawa naman ni Andy.
“Wow!”
ang tanging nasabi ni Andy.
Nasa
kaniya ngayong harapan ang tila ba nasa isang daang hot air balloon
na may iba't-ibang laki, kulay at disenyo. Tila ito mga higanteng
saranggola na bumagay sa magandang tanawin na kanina lang ay
tinitignan nila.
Napansin
ni Dale na matagal siyang nakayakap kay Andy pero wala siyang
pakielam. Kumportable siya sa ganong pusisyon at alam niyang hindi
ito dahil sa pustahan nila ng kaniyang pinsan, ang pagyakap niyang
iyon kay Andy, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman
niyang tama, na normal ito.
Kung
may magsasabi sa kaniya, isang buwan na ang nakakaraan na may isang
lalaki siyang yayakapin ng mahigpit mula sa likod na tila ba asawa
niya ito ay tatawanan niya ito ng malakas, pero ngayon, ay ngingitian
niya lang ito at sasabihin na masaya at kumportable siyang yakapin si
Andy mula sa likod, masaya siya na napagaang niya ang loob nito sa
pamamagitan ng pagyakap dito ng mahigpit at hindi niya ito ikahihiya.
“Thank
you.” bulong ni Andy na gumising sa malalim na pag-iisip ni Dale at
naramadaman niya na lalo itong sumandal sa kaniyang matipunong dibdib
at hindi niya napigilan na higpitan ang pagkakayakap ng kaniyang
malalaking braso sa bewang nito.
“I
told you, I'm not going to let you fall.”
000ooo000
“You
were like a noodle earlier---” nangaalaskang saad ni Dale habang
naglalakad sila sa tabing dagat na kanila lamang nadaanan matapos ang
kanilang panonood at pagsakay sa hot air balloon event na kanilang
pinanggalingan.
Humagikgik
si Andy imbis na maasar sa sinabi ni Dale. Nakatingin siya sa mga
alon na paparating sa pampang na kanilang nilalakaran, sa kulay apoy
na kalangitan na dulot ng unti-unting nagtatagong haring araw.
“Noodles?
Sa dinami dami ng pwedeng mai-describe sakin, noodles pa talaga?”
natatawang saad ni Andy na ikinailing ni Dale.
Halos
walang tao sa dalampasigan na iyon.
“You
were all wobbly and shit. I thought manong hot air was going to jump
na from the basket.” depensa ni Dale na ikinamula ng pisngi ni
Andy.
“I
said I was afraid of heights before you pushed me inside the basket
didn't I?” taas kilay na saad ni Andy na ikinahagikgik ni Dale.
“It
wasn't even that high.” pangaalaska parin ni Dale na siyang
nakatanggap ng mahina at nangaalaskang suntok mula kay Andy.
“It
was high enough for me.” bulong ni Andy na ikinatameme ni Dale.
Alam niyang hindi niya dapat tinatawanan ang tungkol sa kahinaan ng
ibang tao kaya naman agad siyang nakonsensya.
“Hey.”
tawag pansin ni Dale kay Andy na agad namang lumingon.
Nakita
niyang umupo si Dale sa may buhanginan, malayo sa tinatamaan ng alon,
nakita niyang tinapik nito ang buhangin sa tabi nito bilang sabi na
umupo siya doon na naglagay ng ngiti sa kaniyang mukha, hindi alam
kung ano naman ang trip nito ngayon.
“I
thought you wanted to walk for a while?” tanong ni Andy base sa
sinabi ni Dale sa kaniyang rason kanina kung bakit nito itinigil ang
sasakyan sa tabi ng daan at dalampasigan.
“Yup.
Pero mukhang maganda ding panuorin yung sunset eh. Mas nakakarelax.”
sagot ni Dale sabay nguso sa nakamamanghang tagpo sa kanilang
harapan.
Halos
one fourth na lang ng araw ang nakikita nila at ilang minuto na lang
ay tuluyan na itong magtatago sa kanila at ang tagpong ito ay talaga
namang nakamamanghang panuorin. Kulay orange din ang ibabaw ng tubig
na miya mo isang salamin habang napapaligiran sila ng tunog ng alon.
Umiiling
na tumabi si Andy kay Dale. Iniisip na madaming trip si Dale sa buhay
at nang igawi niya ang tingin sa tagpo na tinitignan ni Dale ay hindi
niya mapigilang isipin na tama nga ang huli. Nakakarelax ang tanawin.
“I
just wish meron tayong sandalan.” saad ni Andy nang mangalay siya
nang gawin niyang tungkuran ang kaniyang magkabilang kamay.
Nagulat
na lang siya ng biglang tumayo si Dale. Tumingala siya at nakita niya
ang matamis nitong ngiti habang pumupwesto sa likuran niya at lalo
siyang nagulat ng bigla itong umupo at bumukaka at inipit siya sa
magkabila nitong mga paa.
“W-What
are you doing?” nauutal na saad ni Andy habang pinipigilan ang
sariling mga pisngi na mamula.
“Sabi
mo gusto mo ng sandalan?” tanong ni Dale habang pinipigilan ang
sarili na mapahagikgik sabay hila sa balikat ni Andy at pwersahan
itong sinandal ulit sa kaniyang dibdib at iniyapos dito ang kaniyang
magkabilang kamay.
Napansin
niyang mas gusto niyang tinitignan ang likod ni Andy kesa sa
magandang tanawin na hatid sa kanila ng kalikasan. Mas nare-relax
siya.
“Baliw.”
Hindi
napigilan ni Dale ang humagikgik nang marinig ang itinuran na ito ni
Andy saka isinandal ang kaniyang ulo sa balikat nito at pumikit.
Ang
amoy ni Andy, ang malambot na katawan nito na masarap yakapin at ang
marahan at steady nitong paghinga na miya mo musika sa kaniyang
tainga. Lahat ng iyon, lahat ng tungkol kay Andy ay talaga namang
nakakapagpakalma sa kaniya. Nagpakawala siya ng isang kuntentong
buntong hininga.
“Dale?”
“Hmmm?”
“Are
you serious earlier when you said you're not going to let me go?”
tila batang nahihiyang tanong ni Andy kay Dale. Puno ng insecurities
ang tanong na iyon ni Andy. Gustong burahin ni Dale ang pagaalangan
na iyon.
“Yes.”
walang pagaalinlangang sagot ni Dale kahit pa siya mismo ay
naguguluhan pa sa kaniyang ipinangako na iyon kay Andy.
Wala
siyang katanungan noon sa kaniyang sekswalidad. Wala siyang problema
sa mga miyembro ng third sex pero hindi niya lang nakita noon ang
kaniyang sarili na magkaroon ng kakaibang pakiramdam sa isa ring
lalaki. Akala niya noong una ay dahil lang iyon sa napre-pressure
siya sa pustahan nila ni Jay.
“Pustahan---”
saad ni Dale sa sarili nang maalala iyon. Sinumpa niya sa kaniyang
sarili na hindi na niya itutuloy pa ang pustahan nilang iyon ng
kaniyang pinsan, sinumpa niya na mas matimbang ang kung ano mang
namumuo sa kanila ngayon ni Andy kesa ang patutunayan niya kay Jay.
000ooo000
“Nag-enjoy
ako.” saad ni Andy kay Dale sabay ngiti dito nang tumigil na sila
sa tapat ng bahay nila Andy.
“Me
too.” namumulang pisngi na pag-amin ni Dale na ikinangiti lalo ni
Andy.
“So
uhmmm--- bukas ulit?” insecure ulit na tanong ni Andy.
“Definitely.”
sagot ni Dale habang pinapanood ang nakangiting si Andy palabas ng
kaniyang sasakyan.
Nang
makita niyang ligtas ng nasa loob si Andy ng kanilang bakuran ay
papaandarin na niya sana ulit ang kaniyang sasakyan nang makita niya
ang isang maliit na bagay sa may passenger seat. Muli niyang pinatay
ang makina ng sasakyan at bumaba dito at hinabol si Andy. Naabutan
niya ito sa tapat ng front door ng kanilang bahay at dahan dahan na
itong binubuksan.
“Wait!”
tawag pansin ni Dale kay Andy na nagtulak dito upang humarap. Dahil
sa bigat ng pinto ay muli itong sumara na siyang nag-ipit kay Andy sa
pagitan ng matigas na pinto at sa nagmamadaling si Dale na sakto lang
ang pagtigil sa pagmamadali.
Nagdikit
muli ang mga katawan nila.
“Uhmmm
sorry.” saad ni Dale pero hindi siya gumalaw mula sa pagkakadikit
nilang iyon ni Andy.
Nagtama
ang kanilang mga tingin at halos magdikit na ang kanilang mga mukha
pero wala parin ni isa sa kanila ang gumalaw palayo.
“---uhmmm---
you left this.” pabulong na saad ni Dale sabay lahad ng pitaka ni
Andy habang mariin na nakatingin sa mga labi nito.
“Oh.
Thanks.” sagot naman ni Andy sabay inilapit ang kaniyang mga labi
sa labi ni Dale na isinalubong naman ang kaniyang mga labi sa
papalapit na labi ni Andy.
Nagsalubong
ang mga labi nila Andy at Dale. Ramdam na ramdam ni Dale ang kaibahan
ng halik na iyon mula sa mga halik na pinagsaluhan nila ng mga
kaniyang naka-date noon. Totoo ito. Puno ng emosyon na lalong gumulo
sa isip ni Dale. Alam niyang may nararamdaman na siya para kay Andy
pero hindi parin madali na tanggapin at isipin ang biglaang pagbabago
ng kaniyang pananaw sa kaniyang sekswalidad.
Ang
naisip na ito ang siyang nagtulak sa kaniya na putulin ang halikan na
iyon.
“Una
na ako.” nagaalangan at nahihiyang paalam ni Dale na tangi lamang
pagtango ang nakuha kay Andy.
“S-See
you tomorrow?” nagaalangan ding tanong ni Dale kay Andy dahil alam
niyang dapat muna niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay.
“I'll
see you tomorrow.”
000ooo000
“Ganda
ng ngiti ah.” saad ni Aldrin na ikinahagikgik pa ng iba niyang
kapatid.
Agad
na ibinaling ni Andy ang kaniyang tingin sa kaniyang mga kapatid na
halatang nakasilip sa labas ng bintana at pinanood ang naganap sa
labas ng pinto.
“Were
you guys spying on us?”
““Of
course not!”” ““Hindi ah!”” sabay sabay na sagot ng mga
ito na ikinailing na lang ni Andy at tuloy tuloy ng pumunta sa
kaniyang kwarto pero hindi pa pala doon natatapos ang gabi ni Andy.
“Anthony?”
tawag pansin ni Andy sa kaniyang kapatid nang maabutan niya ito sa
kaniyang kwarto na tila ba may malalim na iniisip.
“Kuya---”
tawag ni Anthony nang sa wakas ay dumating na ang kaniyang kuya.
000ooo000
“I
don't know—-”
“Kuya,
hindi ako papayagan ni Dad kung wala akong kasama sa inyo.”
“I
still have school---”
“You
can attend the local university there too. Please kuya.”
“Have
you asked kuya Aldrin or Allen?” tanong ulit ni Andy.
“Ikaw
ang gusto ko kasama kuya--- I know the reason why you're having a
hard time to decide. I saw how you kiss Dale and I understand that
you've waited long enough for someone like him and I hate to see you
being torn by what I'm asking you--- but please kuya think about it.
I'm sure when Dad sees I'm OK there in a year or two he will let me
stay there ng walang nagbabantay sakin.” saad ni Anthony na
nagtulak din kay Andy na magisip ng malalim.
“I-I'll
think about it—-”
“T-Thank
you, kuya. Thank you. This means a lot to me.”
000ooo000
Naguguluhan
parin si Andy matapos ng usapan nila ni Anthony pagkagising niya
kinabukasan. Madilim pa pero tumayo na siya sa higaan at tila ba
zombie na pumunta sa CR. Nakita niyang lumabas ang kaniyang kuya
Allen walang dudang mag-ja-jogging. Biglang sumagi sa kaniyang isip
na mag-jogging din, naaalala niya noon nung sabay pa silang
nagja-jogging ng kaniyang kuya Allen kung pano nito pinapayagan ang
kaniyang isip na mag-isip ng tuwid.
“A
few minutes of running won't hurt.” saad
ni Andy sa kaniyang sarili atsaka nagbihis ng pangtakbo.
Tama
siya. Nakapag-isip siya ng maayos at napag-isipan niyang wag na
munang sagutin ang kaniyang nakababatang kapatid at hayaan ang
kaniyang ama na magdesisyon para sa kanila. Sinisiguro niyang hindi
papayag ang kaniyang ama na itigil niya ang kaniyang pag-aaral dito
sapagkat meron siyang scholarship sa unibersidad na pinapasukan niya
ngayon at hindi lang iyon, maganda ang standing niya sa skwelahan
niyang ito.
Malapit
na siyang maka-ikot muli sa kanilang village at malapit na muli siya
sa kanilang bahay nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.
000ooo000
“I
told you I'm not doing it anymore!” pabulong na singhal ni Dale sa
kaniyang pinsan.
“You're
giving up now? Naumpisahan mo na ah?” di makapaniwalang tanong ni
Jay. Alam niyang may nangyari kaya biglang nag-iba ang kaniyang isip.
“I---”
“Na-inlove
na siya sayo no? Na-inlove na si Andy sayo?” nangingiting tanong ni
Jay at ang pamumula ng pisngi ng kaniyang pinsan ang kumumpirma nito.
“Y-yes.”
saway ni Dale.
“Then
that's good! All you have to do now is ignore him. He doesn't have to
know about our bet--- Naks, I didn't think you'd actually make Andy
fall in love with you. Now, bilib na talaga ako sayo, dude.” saad
ni Jay sabay taas ng kamay upang mag-high five kay Dale pero hindi na
iyon pinansin ng huli dahil nakarinig sila ng pagkaluskos sa hindi
kalayuan.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 7] by: Migs
Sorry, matagal nanaman nasundan. BUSY. As usual. Akala ko nga hindi na ako makakapag-update dahil sa schedule ko eh. Haist. Tuwing off ko lang ako nakakapagpost, minsan kaya hindi na talaga dahil buong araw na akong natutulog pag off ko.
ReplyDeleteMJRE is my boyfriend po. Hihi! Wala eh, idinaan ako sa santong paspasan. :-P
Let's pray nga po pala para sa ating mga kapatid na bisaya na sinalanta ng bagyo.
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
Kwento ni Gwapong Gago is one.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
Ipagdasal din po natin siya at kaniyang family na nasalanta rin ni bagyong Yolanda.
ENJOY READING GUYS! AND MERRY CHRISTMAS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Ivan D: Eto na ang iniintay mong more kilig moments. Hihi.
Icy: show? Baka hindi. :-) nafo-fall na ang ating bidang si Dale. :-)
Jemyro: Merry Christmas din!
Lyron Batara: Super predictable ko na ba? :-(
theresellama: CP parin? Haha!
Marc: yan lang talaga masasabi mo? “Nice” haha! Salamat!
Russ: Salamat sa tiwala! Sana gumanda pa. Hihi!
WaydeeJanYokio: alam mo na talaga ang style ko ah. Hihi! Predictable na ba masyado? :-l
ANDY: baka hindi naman pustahan LANG baka meron ng laman. Hihi! SPOILER ALERT! :-D
Anonymous December 21, 2013 at 10:47 PM: pasensya na sa mabagal na pag-update. Busy po. Leave your name sa next comment mo para mapasalamatan kita ng maayos.
Anonymous December 21, 2013 at 10:48 PM: Merry Christmas din. Leave your name sa next comment mo para mapasalamatan kita ng maayos.
Neb: Thanks po!
Anonymous December 23, 2013 at 5:32 PM: Lavyutoo! Thanks! Leave your name sa next comment mo para mapasalamatan kita ng maayos.
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Wow boss! haha so kasama na pala ako sa template mo pag nagpopost ka ng reply sa kanila ano? hahaha di naman kaya sila maumay nyan? at talagang dinaan sa santong paspasan? I wonder? hahaha =p
DeleteAnyway, para lang naman po sa mga curious, since he mentioned na may mga nagtatanong daw kung sino ako, isa lamang po akong simpleng mamamayan ng Pilipinas na love na love nyang paborito nyong author...hehe =p and don't worry hindi ko yan sasaktan, love ko yan e... =)
Yaan nyo, ipupush ko siya na mgapost ng magpost ng mabilis for y'all! hehe Also if you have further questions about US, better ask him na lang, siya na po ang bahalang mag explain...haha
Salamat =)
Oh hayab readers maagang pamasko galing ky migs.. About sa kaluskos yun nah!
ReplyDeleteDale ur dead!
Lagot ka dale sa mga kapatid ni Andy lalo Kay allen.. Ramy from qatar
ReplyDeletexmas gift ni author migs.. Salamat sa update.. Wala pa ba sina jepoy and makki?.. Happy holidays..
ReplyDeleteLee
~Di naman kuya! Hihi! :D
ReplyDeleteEto na yung pagbaliktad ng mundo ni dale at andy. At si jay? Mukang masasapak ng di oras ito. Haha
~Ouch! Really ouch!
~WaydeeJanYokio
~Merry Christmas pala kuya migs! Alam ko merry at happy ang christmas mo. Kasi si boyfie! Hmm haha. :P
DeleteAw.. Mr.author hah! Paskong pasko!! Tsk.tsk. Kilig to the bones ako sa unang part ng story! Hahaha
ReplyDeleteUh-oh
ReplyDeleteMerry Christmas dear author.. I really like the flow of the story, but I am worried that Andy might be devastated bu what he heard, but I really am rooting for a good ending for Dale and Andy. They seem to be a perfect pair, destined to fall in love with each other and live happily ever after.. ;-)
ReplyDeleteHappy holidays, Migs!
ReplyDeleteWow sobrang gandang christmas gift mo para sa amin sobra sa kilig moments grabe ...si andy ba yung nakarinig kanila dale??sana si alleb lang nakarinig kasi parang mas masakit pagnahuli mo kesa sa aminin sayo..timing din yung kapatid niyang si anthony atleast may reason siyang lumayo pagnakataon
ReplyDeleteAnyways highways grabe salamat sa paglalaan ng time para sa amin kahit na dapat iniispend mo un sa family kasi nga pasko season na hahaha..merry christmas na lang sayo kay rick kay mjre at sa kapitbahay mo kung nandyan ka sa bahay ng parents mo
Oo naman migs CP parin. Yung paghihintay ko manh CP is parang paghihintay ko ng winds of winter ni george r.r. martin..basta kung ready kanang ishare nandito lang kme..hahaha
Merry christmas ulit migs ingat lagi mahal ka naming lahat
-theresellama
How could you do this to me Dale!!!? Pinagpustahan nyo lang pala ako!
ReplyDeleteLalayuan na kita! Aalis na ako, sasama na ako kay Anthony.
Haha! Nadala lang ako kuya migs!
Kailangan talaga sa part na yun putulin yung chapter? Waaah umuusok na yung pwet ko sa sobrang pagkaexcite sa kasunod!!
Kuya migs next na PLEASE!!! Back-to-back ulet?? Hahaha!
Thank you sa papaskong chapter kuya.
Wow boss! haha so kasama na pala ako sa template mo pag nagpopost ka ng reply sa kanila ano? hahaha di naman kaya sila maumay nyan? at talagang dinaan sa santong paspasan? I wonder? hahaha =p
ReplyDeleteAnyway, para lang naman po sa mga curious, since he mentioned na may mga nagtatanong daw kung sino ako, isa lamang po akong simpleng mamamayan ng Pilipinas na love na love nyang paborito nyong author...hehe =p and don't worry hindi ko yan sasaktan, love ko yan e... =)
Yaan nyo, ipupush ko siya na mgapost ng magpost ng mabilis for y'all! hehe Also if you have further questions about US, better ask him na lang, siya na po ang bahalang mag explain...haha
Salamat =)
I so love this story kuya Migs <3
ReplyDelete-Maharett
yes drama scene na, i wonder how dale would manage this, rough road for dale will now to begin hehe, suyuan na to :)
ReplyDeleteWow that soon?! grabe parang isang Linggong Pag-ibig lang ang drama ni Andy and I hope he will be fine after what he heard. Mukhang magiging magulo na ang sitwasyon sa pagitan nila and I think Andy will accept the favor na hinihingi nung kapatid niya tsk tsk. Hirap talagang magmahal....
ReplyDeleteWow nice yun oh, so our migs has a new inspiration hehehe. Well good luck for the both of you and keep safe. Merry Christmas and a Prosperous New Year!!
hindi naman pero may signature way ka ng pagsusulat like most author maybe sa mga next stories mo magtry ka ng new style... but, I truly enjoy your stories...
ReplyDeleteNarinig sila ni Andy, tutuloy na siya sa kabilang university... at mahabang ligawan at pakiusapan mga 2 to 3 yrs na fast forward!
Wow sobrang gandang christmas gift mo para sa amin sobra sa kilig moments grabe ...si andy ba yung nakarinig kanila dale??sana si alleb lang nakarinig kasi parang mas masakit pagnahuli mo kesa sa aminin sayo..timing din yung kapatid niyang si anthony atleast may reason siyang lumayo pagnakataon
ReplyDeleteAnyways highways grabe salamat sa paglalaan ng time para sa amin kahit na dapat iniispend mo un sa family kasi nga pasko season na hahaha..merry christmas na lang sayo kay rick kay mjre at sa kapitbahay mo kung nandyan ka sa bahay ng parents mo
Oo naman migs CP parin. Yung paghihintay ko manh CP is parang paghihintay ko ng winds of winter ni george r.r. martin..basta kung ready kanang ishare nandito lang kme..hahaha
Merry christmas ulit migs ingat lagi mahal ka naming lahat
-theresellama
PS. ang sweet naman ni mjre. .ano ka ba ni migs dati? Workmate? Kaptbahay? Dating schoolmate? O total stranger?
Super Nice! Thnx kuya Migs :D
ReplyDeleteGood Job!! Bakit ang tagal2x sa next chapter nakakabagot mnaghintay ng matagal kong ano na ang sunod na kwento...
ReplyDeleteKuya author :( next na po :( everyday po ako nadalaw dito sa page niyo for update :( i cant wait na po. Sorry for being demanding :(
ReplyDeleteIvan D.
Idol! Sana meron na ung ipdate. Kasi everytime i visit this page at wala ako makita na update... Binabasa ko ulit mga unang stories mo! Hehehe. Nasa breaking boundaries ung unang book nanaman nga ako eh. Di kasi nakakasawa ung story. I still feel the kilig nung una ko syang binasa. Sana meron na :)
ReplyDeletePhilip
Next na po :((( waaaa :((
ReplyDeleteKinilig nga ako sa chapter na to pero susme nakakakaba naman ung susunod na mangyayari! Ito na ba ung favorite confrontation scenes ko? Sana meron na po kasunod author :(
ReplyDeleteMickey mouse :)
Malapit na yung kilig ko! Hahahaha. Pero mukhang may away na agad! Ano kaya ang mangyayari! Author :( update naman oh! :)
ReplyDeleteAuthor :(((((( Update naman po please? :) Thanks :p
ReplyDeleteAyaaan na!!! Sana po may update ka na kuya migs? Pleaaase? :(
ReplyDelete> Borj
Idol!!! Update na!!! Nakakakaba kung si Andy nga ang ung nakarinig. I cant sleep. OA? pero update na please? hehhee
ReplyDeleteMickey Mouse
Yung binasa ko ulit to since Chapter 1! hahaha. Kuya Migs :(( Update ka na. huhuhuhu
ReplyDelete* Stan
Pambitiiin! Pero sana po may update na :) THANKS :D
ReplyDeleteAw! There goes the heartbreak for Andy :( tsk Dale, do something before he leaves!!! #AdvanceThinking. hahaha Nxt na po author :)
ReplyDeleteAndun na ung kinikilig ka eh. ahaha tapos tapos tapos.... waaa uptade na please kuya migs :)
ReplyDeleteKuya Migz, 8 chapter lang po ba to? Halla ibig sabihin last na ung susunod? noooo! Nakakakilig pa author. exteeend. hehhehe Next please? :)
ReplyDelete> Ram
Exciting, next na po author Pretty please> :(
ReplyDeleteUpdate naman jan author :)
ReplyDeleteWala ng update...busy ang author.
ReplyDeleteOh Ohw... Patay ka DALE. Naiisip ko na ung linya ni Andy na "How can you do this to me?" Hihi. Next na po kuya migz. nakakaexcite what will happen next :)
ReplyDeleteAndrew.
Im new on your page. 4 days ko ng binabasa lahat ng stories mo and I am indeed very thankful sa lahat ng naisulat mo. Nakakainspire. ahaha. umabot na ako sa latest post mo and I can;t get enuf. sana may kasunod na po author. ang galing ng stories mo. Mejo bitin nga lang in ung last na chasing pavements na isinulat mo. hoping na madugtungan din po un. hehehe. Andami ko pa gusto sabihin pero sa next post mo na. Ikaw na new IDOL ko sa Pink Love Stories. hehe...
ReplyDeleteNga pala author, Im Andrew Miguel, :)) Update na to oh!! hehehe
Hmmm.... Si dale, naguguluhan na. ahahha xD Akin ka na lang Andy, :)) Straight yang si Dale bago sya naatract sayo. Mahrap yan! Huehuehue.
ReplyDelete> Nik. :)
Cant get enuf of this story. Naawawa na ako kay Andy ngayon palang. Tsk. Its his first heartbreak ahahha. xD Itoo na ung conflict kaya lang, matatapos na ba to author? Pde extend to 10 chapter? Hehehe.
ReplyDeleteXian'....
Ayyaaaaaannnnn naaaa!! Magaaway na sila!!!! ahahaha. xD Ngayon ko lang nabasa to, galing vacation eh. ahaii. antagal na pala tong last update, sana author meron na :( #Demanding? Pagpasensyahan mo na ako kuya. hehehe
ReplyDelete.... Carl
Update naman jan Kuya Migs, Pambitin ung ending nitong last chapter mo eh :) hehehhe
ReplyDeleteLagot ka Dale!! :)) Next na po kuya Migs :(( Waaaa!
ReplyDeletenext na po please kuya Migz :( I cant wait sa confrontation scene nila :(
ReplyDeleteKim
Waaaa waiting pa din ako kuya Migz. Promise, everday and every now and then ako nag vivisit sa page mo para mag check ng update. hehehe. Di naman po sa pagiging demanding pero pde post na po? At sana back to BACK? hehehe. Pleeeaaaassse? :(( Ano na mangyayari sa love story nila kuya migzzz? Pleeeaaaassseee?
ReplyDeleteSasamplain kaya ni Andy si Dale? Sana ung silent treatment lang. pero okay din ung wild pag nagalit. ahahaha xD Naaawa na ako kay Dale ngayon palang kasi panigurado, di makikinig ng explanation yang si Andy at aalis nalang kasama ng kapatid niya!!! :))
ReplyDeleteBry
Kuya Migz, Honeslty, nababaliw na ako kaka imagine ng mga susunod na eksena? Waaaa! Update ka na kuya oh. :(
ReplyDeleteParehas kami nung nagcomment sa taas, lagi din ako nag iimagine sa mga susunod na mangyayari. Im imagining both scenes to be romantic and tragic ending. TRAGIC? hahaha, sabi kasi gn frend ko pag tragic mas exciting, pero im more of the they-lived-happily-ever-after sort of ending. ahahaha. KUYAAAA!!! Update naman na oh :(
ReplyDeleteSanti :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteDear Author,
ReplyDeleteIm a silent reader, I seldom post comment kasi mahirap magcomment sa mobile hehehe. Pero natutuwa kasi talaga ako sa story mo na to. I believe na if I post any comments here like others, you might be motivated. Hindi man kami laging nag cocomment but believe us, we always visit your page for updates often. Sasanayin ko na po siguro na mag post ng comment every now and then for the authors motivation. I also have friends (closeted/discreet Bi) na nagbabasa nito. I shared this blog and tuwang tuwa sila. I've been reading your blog for almost 2 years now. I remembered ginagamit ko pa tong blog mo pang tanggal ng stress. Kasi pag nababasa ko stories mo, naniniwala ako na magkakaroon din ako ng Ed/Ram/Mike/Eric/Jake/Joshy/Chris/Panfi/John/Dale... Mukha man akong tanga kakaimagine, naniniwala ako dahil sa stories mo. hehehehe. Keep up creating great pink stories dahil believe me madami ka naiinspire. :))
> Drei
Im new on this blog :) and I love your stories! Keep posting :) I just finished your other stories and I was amazed by the way you write. This Blog was actually recommended by a friend and he said he's enjoying reading this. Thank you for your inspirational stories. Na habang may buhay may pag asa na makakahanap ng true love. ahaha! It was actually Drei who recommended this. The one posted a comment above. ahaha sabi niya post daw kami ng comment para makita mo daw kuya na fan mo kami. AND yes, I am a fan simula palang nang nabasa ko ung love at its best mo po. Di man kami nakakapag comment lagi, nagbabasa kami po :) hehehe
ReplyDeleteJust checked if may update na. Hahaha. Nasurprise ako sa dami gn nagcomment ngayon ah. Kuya Migs, mukhang nabitin sila sa story mo. hehehe. I think you should post anu update na po. ahaha :) ako din eh sobrang bitin. Walang mintis akong nag checheck ng page mo kuya since December 25 until now. ahahaha :) Ganon ako ka hool sa story mo. Kaya update na please? hehehehe #ParaparaanAko :)
ReplyDelete> Ivan D.
Wala ng update...
ReplyDeletewaaaa :(
ReplyDelete