Breaking Boundaries 2[5]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kung isang commercial model si Andy na siyang nage-endorso ng mga pagkain ay sigurado ni Dale na papatok ang pagkain na iyon. Nasa harapan niya ngayon si Andy na masuyong kumakain ng burger at fries na ibinebenta din sa Bowling alley na iyon, hindi natatakam si Dale pero napapamaang siya sa panonood kay Andy, Oo at may lumalagpas pang ketchup sa mga labi nito o kaya may sumasabit na piraso ng gulay sa mga ngipin nito pero hindi non napigilan si Dale na wala sa sariling panoorin ang huli.


Nabasag na lang ang kaniyang masuyong panonood kay Andy nang bigla itong tumayo habang ngumunguya pa, ipinahid ang mga kamay sa gilid ng pantalon, pumulot ng isang bola at pinagulong ito papunta sa mga pins na swabe namang nagtumbahan. Hindi mapigilan ni Dale ang mapailing habang pumapalakpak na ikinakuwa ng pansin ni Andy na masuyong nag-bow na miya mo isang performer sa isang teatro.

Anong sport ang hindi mo alam gawin?” wala sa sariling tanong ni Dale matapos humanga ulit kay Andy sa swabe nitong paglalaro ng bowling.


Nothing. Lahat alam ko---” mayabang na sagot ni Andy na nakapagpahagikgik kay Dale. “---and kahit naman may sport akong hindi alam laruin hindi ko sasabihin sayo no, mamya hamunin mo pa akong maglaro nun tapos makipagpustahan ka nanaman.” nakangising saad ni Andy na ikinailing at ikinahagikgik nanaman ni Dale.


Hindi, para lang kasi maturuan kita. Malay mo alam ko kung pano maglaro nun. Gusto ko kasi yung tulad kanina, nung akala ko hindi ka marunong mag-bowl. Yung tumayo ng ganung kalapit sayo---” mariing saad ni Dale na ikinatigil ni Andy at ikinamula ng pisngi nito.


Wala sa sariling tinitigan ni Andy si Dale habang kumakain ito. Namumula din ang pisngi nito pero hindi niya malaman kung ito ba ay dahil lang sa ilaw ng alley at nang mapansin ni Dale na tinititigan siya ni Andy ay nagpakawala siya ng isang kindat dito na lalong nagpako kay Andy sa kaniyang kinatayuan.


You're cute when you blush.” wala sa sariling saad ni Dale na maski siya ay nagtataka kung san galing at itinago na lang niya ito sa pamamagitan ng pagpisil sa pisngi ni Andy na lalong ikinatahimik ng huli.


Pinanood ni Andy kung pano pulutin ni Dale ang malaki at mabigat na bola, kitang-kita niya kung pano ma-stretch ang fit na t-shirt nito lalo na sa bandang manggas dahil sa pag-flex ng muscles nito, kitang kita niya ang kuordinasyon ng buong katawan nito habang lumalapit ito sa may bungad ng strip at kitang-kita niya kung paanong swabeng-swabe nitong pinakawalan ang mabigat na bola.


Hindi na niya pinanood pa ang pagsalubong ng bola at ng mga pins, ayon sa kaniyang narinig ay nabuwal itong lahat pero hindi na duon nakatuon ang kaniyang pansin kundi sa kaniya ngayong ka-date na miya mo hinubog ng isang magaling na artist ang ganda ng katawan.


Wow.” humahangang bulong ni Andy nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng katawan ni Dale.


000ooo000


Ang lakas ng tawa ng dalawa habang nasa sasakyan pauwi ng kanilang bahay na miya mo nuon lang ulit sila naka-tawa ng ganon. Pinagtatawanan nila ang mga manlalaro sa magkabila ng kanilang lane. Andyan ang may madulas kasama ang bola, andyan ang bawat tira ay nakakanal at ang pinakamasaklap sa lahat ay ang mabagsakan ng mabigat na bola na iyon ang paa ng isa sa mga manlalaro.


I still can't forget the epic face of that guy who slipped with the ball.” saad ulit ni Dale habang pinupunasan ang kaniyang nangingilid na luha dahil sa kakatawa habang iginigilid ang kaniyang kotse sa tapat ng bahay nila Andy.


Nang tumigil na sa mismong tapat ng bahay nila Andy ang sasakyan ay biglang tumahimik ang loob ng kotse. Unang beses ito para kay Dale na may angking kadaldalan talaga, unang beses na wala siyang masabi, na wala siyang mai-kumento habang si Andy naman ay nag-iintay kay Dale kung may sasabihin pa ba ito at nang masigurong wala na ay nagpasiya na siyang basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, hindi alam na sa sandali ding iyon naisipan ni Dale na magsalita.


I--” “Did---” sabay na saad ng dalawa na agad din namang natigilan para paunahin ang isa.


Ikaw muna.” pagpapauna ni Dale kay Andy.


Nope, ikaw na muna.” nahihiya namang balik ni Andy dahil iniisip niya na baka mas importante ang sasabihin ni Dale kesa sa kaniyang pagpapaalam dito.


I-I just want to ask kung nag-enjoy ka.” halos pabulong na dahil sa hiya na saad ni Dale sabay iwas ng tingin, hindi alam kung bakit siya natatakot marinig ang isasagot ni Andy.


Oo, siguro dahil sa pustahan nila ni Jay kaya rin siya natatakot na baka palpak ang kaniyang unang hakbang upang makuha ang loob ni Andy pero sa hindi rin maipaliwanag na dahilan ay natatakot siya na sabihin ni Andy na hindi siya nag-enjoy gayong siya ay sobrang nag-enjoy. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang pangambang ito dahil matagal na siyang nakikipag-date at hindi pa niya ito kailanman naramdaman, katunayan niyan walang siyang pakielam kung nag-enjoy ba ang mga naka-date noon o hindi dahil madalas nauuwi ang kaniyang mga date noon sa lasingan kaya naman una kay Dale ang lahat ng ito ngayon.


Hindi mapigilan ni Andy ang mapangiti.


Mas maganda sana kung mas madami pang food.” saad ni Andy sabay tingin ng nakakaloko kay Dale na agad isinalubong ang tingin kay Andy, nagaalala na baka nga masyadong konti ang pagkain na binili niya para sa date nilang iyon ni Andy pero nang makita niya ang nangiinis na ngiti sa mukha ni Andy ay napagtanto niyang niloloko lang siya nito.


Sabagay konti nga lang naman yung dalawang order ng large burger and fries plus super sized soda tapos tatlong slices pa ng pizza.” sarkastikong saad ni Dale na sobrang ikinamula ng pisngi ni Andy, nagsisisi na iyon pa ang kaniyang naisipang ibalik kay Dale kahit pa ang totoo ay muli nanaman siyang nagugutom.


I was only jo---” simula ni Andy pero naunahan na siya ng kaniyang tiyan sa kaniyang pagsisinungaling sa pagtunog nito ng malakas at hindi ito nakaligtas sa matalas na pandinig ni Dale.


JOKING---?” sarkastikong pagpapatuloy ni Dale sa pagsisinungaling ni Andy habang nakatitig sa tyan nito.


Amazing pala talaga yang tyan mo!” aliw na aliw na saad ni Dale, hindi makapaniwala sa katakawan ni Andy na lalong ikinamula ng pisngi ng huli.


Seriously, Dale. OK na yung kinain natin kanina” nahihiya nanamang saad ni Andy. “And I really had a great time.” pahabol na saad ni Andy sabay pakawala ng kaniyang seat belt na tila ba naghahanda na sa kaniyang pagbaba sa sasakyan ni Dale.


Ooppss! Not so fast.” nakakalokong ngiting saad ni Dale, pindot sng automatic lock ng mga pinto at sabay abot sa pinagdudugtungan ng seat belt ni Andy.


Halos hindi makahinga si Andy hindi dahil hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Dale at ikinakabit nanaman nito ang kaniyang kakakalas lang na seat belt kung hindi dahil halos pumatong na sa kaniya si Dale dahil sa hindi nito magawang ilagay ng maayos muli ang seat belt niya.


Since nadulas ka na at sinabi mo ng nabitin ka sa kinain natin ngayong gabi, hindi muna kita pabababain at aayusin natin yang problema ng tiyan mo.” nakangising saad ni Dale habang inaayos parin ang seat belt ni Andy para hindi ito makababa hindi alintana ang halos hindi pag-galaw at paghinga ni Andy sa kaniyang ilalim.


Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ni Andy sa kanang pisngi ni Dale. Amoy na amoy niya ang tila ba gayumang amoy nito. Katulad ito nung naglalaro sila ng basketball ang pinagkaiba lang ay tila ba medyo matamis ito ngayon. Kitang kita ni Andy ang 5 0'clock shadow ni Dale na lalong nagpatingkad ng pagkalalaki nito at ang pagtense ng panga nito dahil sa pakikipagbuno sa seat belt niya at ang isang maliit na dimple na hindi niya mapapansin kung hindi niya talaga ilalapit ang mukha niya sa mukha nito.



There!” saad ni Dale nang maikabit ulit si Andy sa seat belt at nang aktong babalik na siya sa kaniyang upuan ay tila ba tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa.


Nagtama ang tingin ni Dale at Andy. Kitang-kita sa mukha ni Andy ang tila ba kagustuhan niyang ilapat ang kaniyang mga labi sa labi ni Dale. Ilang pulgada lang ang layo ng mga labi nila at kayang-kaya ng idikit ni Andy ang kaniyang labi sa labi ni Dale pero hindi na kailangan dahil si Dale na mismo ang tila ba papalapit ng papalapit kay Andy.


Wala na lang nagawa si Andy kung hindi dahan-dahan na lang ding ipikit ang kaniyang mga mata at i-nguso ang kaniyang mga labi bilang paghahanda sa pagsasalubong ng kanilang nga labi.


000ooo000


Hindi alam ni Dale kung bakit hindi niya magawang ibawi ang kaniyang tingin mula sa mga mapangakit na mata ni Andy, mula sa napaka-amo nitong mukha, hindi niya alam kung bakit matapos niyang titigan ang mga mata nito ay sa mga labi naman siya nito tumingin. Para sa kaniya ay tila ba nangaanyaya ang mga labi ni Andy, tila ba tinatawag nito ang kaniyang mga sariling labi na paglapatin ang mga ito at hindi nga nagtagal ay wala sa sarili niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Andy at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga mata nito.


Nang dahan-dahang pinutol ni Andy ang kanilang pagtititigan sa pamamagitan ng dahan-dahang pag-pikit at tila doon nagising si Dale sa mga nangyayari. Naguguluhan ay dahan-dahang umayos ng umupo si Dale sa sariling upuan, saglit na tumingin sa kaniyang rear view mirror. Nakita niya ang kaniyang repleksyon na gulong gulo pero agad niya iyon binura.


Sinulyapan pa saglit si Andy at hindi mapigilang mapangiti lalo pa't nakita niya ito na medyo nakanguso walang duda na nagiintay parin ng halik mula sa kaniya.


Hindi ka pa makakababa---” saad ni Dale sabay hagikgik, pilit na itinatago ang pagtataka sa sarili habang ang sinabi niyang ito ay gumising kay Andy.


000ooo000


Hindi pa man pumipikit si Andy ay tila ba nararamdaman na niya ang mga malalambot at matamis na labi ni Dale at lalo niya itong naramdaman nang isara na niya ang kaniyang mga mata. Hinayaang paglaruan muna siya ng kaniyang sariling imahinasyon.


Hindi ka pa makakababa---” ang mga salitang umalingawngaw sa loob sasakyan ni Dale na gumising sa ulirat ni Andy. Agad niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Hindi man niya nakikita ang sarili ay alam niyang namula ang kaniyang mga pisngi.

Tinatanong ang sarili kung nanaginip lang ba siya kanina nung nakita niyang papalapit ng papalapit ang mukha ni Dale sa kaniya na parang hahalikan siya nito pati narin ang pagtititigan nila na miya mo nasasabik sila sa isa't isa.


Oh---uhmmm---” simula ni Andy na lalong nakapagpahagikgik kay Dale. Oo at naguguluhan siya sa kaniyang sarili ngayon pero hindi niya mapigilang ma-cute-an kay Andy na miya mo batang nawawala o isang bata na naalimpungatan sa kaniyang pagkakatulog.


Cute?! Since when the fuck did I think of guys being cute?!” lalong naguguluhan na tanong ni Dale sa kaniyang sarili pero agad niya iyong inisang tabi nang magsalita ulit si Andy.


Bakit? Andito na tayo sa bahay ko---” naguguluhan pero sa ibang rason namang tanong ni Andy kay Dale, hindi magawang tumingin sa huli dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin siya sa nangyari kanina.


Punta muna tayo dun sa kainan na lagi kong binabalikan kapag uuwi ako dito sa Pinas.” parang bata na saad ni Dale dahil sa excitement na nakapagpangiti kay Andy.


Dale---” simulang pagtanggi ni Andy habang pinipigilan ang sarili na mapahagikgik dahil literal na nakikita niyang kumikinang ang mga mata ni Dale dahil sa excitement, halatang excited na dalhin siya sa lugar na sinasabi nito na talaga namang nakapagpakilig din sa kaniya.


Wala ng tanggihan saka baka mamya ako na ang kainin mo.” pagbibiro ni Dale.


Hindi alam na may iba pang ibig sabihin yun kay Andy na agad natahimik at kung may ipupula pa ang mga pisngi nito ay baka namula na ito. Ilang segundo pa ay naisip din ni Dale ang kaniyang sinabi na talaga namang nagbalot ng pagaalangan sa buong sasakyan. Upang mabura ang nakakasakal na pagaalangan sa buong sasakyan ay pinaandar na lang ito ni Dale upang makapunta na agad sila sa kainan na ipinagmamalaki niya kay Andy.


000ooo000


Wow.” ang salitang namutawi sa bibig ni Andy nang sa wakas ay bumaba na sila ni Dale sa sasakyan nito.


Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito eh.” saad naman ni Dale habang tinitignan ang may singkwentang booth ng iba't-ibang pagkain.


Wow.” ang tangi ulit nasabi ni Andy habang inililingon ang kaniyang ulo at tinitignan ang mga punung-puno na mga tray na lumalagpas sa kanila ni Dale upang tignan kung ano ang mga pinili ng mga ito at kung ano ang mukhang masarap habang si Dale ay hindi muli napigilan ang sarili na humagikgik dahil sa itsurang parang bata na si Andy, nanlalaking mga mata na miya mo manghang-mangha sa bawat pagkain na dumadaan sa kaniyang harapan na may kasama pang bahagyang pagnganga ng bibig.


You might wanna try the barbeque at that stand.” humahagikgik na saad ni Dale kay Andy na agad humarap sa nauna at tila ba wala sa sariling tumango-tango.

000ooo000

Tapos alam mo yung pasta dun---” ngumunguyang patuloy lang sa pagkwe-kwento ni Andy matapos nilang bilhin lahat ng gustong kainin nito.


Matapos nilang bumili ng mga pagkain at makakita ng libreng upuan ay tuloy-tuloy na sa pagsasalita si Andy. Ngayon, unti-unti na siyang nakikilala ni Dale. Madaldal si Andy, yung madaldal na hindi nakakairita at gusto mong sabihan ng “magahanap ka ng makakausap mo”, masayahin din ito, hindi pwedeng walang joke o hindi ito tatawa sa bawat kwento at higit sa lahat ay wala itong masamang sasabihin sa kahit na sino. Masaya ito kasama, ni isang segundo ay hindi naboryo si Dale habang kasama ito, ibang-iba sa tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya sa states o kaya naman kay Jay na walang ginawa kung hindi ang makipag pataasan ng ihi sa kaniya.

Nung una ay kilala lang ito ni Dale bilang isang mayabang na kapitbahay pero ngayon ay kilala niya na ito bilang isang tao na puno ng buhay, isang mabait na tao na alam niyang hindi mananakit ng kahit na sino sa kahit na anong paraan.


Isang tao na malayong maging katulad niya na handang manakit at bumalewala ng maaaring maramdaman ng isang tao mapatunayan lang sa kaniyang pinsan na hindi siya mahina at duwag.


I should stop doing this.” malungkot na saad ni Dale sa kaniyang sarili ng mapagtantong hindi tama ang kaniyang ginagawa.


Am I talking too much?” tanong ni Andy kay Dale na agad nagising sa kaniyang malalim na pag-iisip.


Yes---” nakangising sagot ni Dale na agad ikinayuko at ikinamula ng pisngi ni Andy.


Shit! Andy, stop blushing!” singhal ni Dale sa kaniyang sarili gayong hindi niya pa alam kung bakit siya apektadong apektado sa pagbla-blush ni Andy.


---and you eat too much also.” humahagikgik nang pahabol ni Dale kay Andy nang makabawi siya sa pagba-blush na iyon ng huli.


No I don't!” protesta ni Andy.


You just finished eating two serving of siomai and a bowl full of carbonara and---” taas kilay na simula ni Dale pero natigilan siya nang maramdaman niya ang pagtama ng isang basang tissue sa kaniyang mukha at nakita niya ang paghahamon ni Andy na ituloy ang kaniyang sinasabi.

Fine! I will not comment on your katakawan anymore.” pagpapakumbabang saad ni Dale kay Andy na agad namang ngumisi.


Are you going to eat those fries?” tanong ni Andy kay Dale na una ay napanganga pa sa gulat at napailing na lang dahil sa sobrang katakawan ng huli habang inaabot ang isang karton ng french fries sa ka-date.

000ooo000

Aliw na aliw ulit sila Andy at Dale sa kanilang pagkukwentuhan nang biglang may nagbagsak ng isang malaking bucket sa pagitan nilang dalawa. Isang mama na may mapupulang pisngi ang nagbaba nito sa kanilang lamesa, walang duda na marami nadin itong nainom.


We didn't order for those, Manong.” magalang na saad ni Dale sa mama na tumawa lang.


You didn't have to, son. Those are for free.” nakangiting saad ng mama atsaka naglakad palayo.


Nice!” saad ni Andy na ikinailing naman ni Dale.


I don't think---” simulang pagtanggi ni Dale sa iniisip ni Andy.


O'cmon, Dale. Beer lang naman 'to.”


Fine. But I'm not carrying you home!” walang nagawang pagpayag ni Dale na umani ng ngiti mula kay Andy.

000ooo000

Akala ko ba beer lang, Andy? You're already drunk and you only had two bottles!” natatawang saad ni Dale habang pinapanood niya ang pagewang-gewang sa kinauupuan na si Andy habang kinakausap niya ito.


Well I guess---hihi---my tolerance for alcohol is lowwww.” lasing na sagot ni Andy kay Dale na umiiling lang.


Unbelievable.” saad ni Dale habang pinipigilan ang sarili na mapahagikgik.


C'mon I'll take you home.”


Aww! Already?!”

000ooo000

You're dang heavy!” saad ni Dale habang inaalalayan niya si Andy pababa ng kaniyang sasakyan.


Hihi. I thought you're not going to carry me---?” saad ni Andy sa pagitan ng kaniyang mga hilo.


Do I have any other choice?” tanong ni Dale kay Andy na hagikgik lang ang isinagot sa kaniya.


Wala---ulkkk!”


Andy! Shit!” saad ni Dale nang biglang sumuka si Andy habang nasa bangketa na sila sa labas ng bahay nila Andy. Sa sobrang dami ng kinain nito ay muntikan ng mapuno ang bangketa ng suka at ang iba pa nga dito ay napunta sa damit ni Dale.


Awww! Andy!” naiinis nang saad ni Dale pero inalalayan niya parin ito papasok ng bahay.


Anong nangyari?” naiinis pero nagaalala ring tanong ni Allen kay Dale matapos niyang pagbuksan ang dalawa ng front door.


Nakainom la---” di pa man niya natatapos ang sinasabi ay agad na siyang binara ni Allen.


Di umiinom ang kapatid ko.” malamig na saad ni Allen na bahagyang ikinairita ni Dale.


Yeah--- well, tell that to him. Can you at least show me his room.” saad naman ni Dale.


Find it yourself.” nakangisi at tila ba nanghahamon na saad ni Allen kay Dale na agad lang nangunot ang noo.

Itutuloy...


Breaking Boundaries 2
[chapter 5]
by: Migs

Comments

  1. Sorry, matagal nanaman nasundan. BUSY. As usual. Akala ko nga hindi na ako makakapag-update dahil sa schedule ko eh. Haist. Tuwing off ko lang ako nakakapagpost, minsan kaya hindi na talaga dahil buong araw na akong natutulog pag off ko.

    MJRE is my boyfriend po. Hihi! Wala eh, idinaan ako sa santong paspasan. :-P

    Let's pray nga po pala para sa ating mga kapatid na bisaya na sinalanta ng bagyo.

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)
    Ipagdasal din po natin siya at kaniyang family na nasalanta rin ni bagyong Yolanda.

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Jemyro: tignan natin kung siya nga. :-) Thanks you!

    Lyron Batara: Tignan natin kung tama ang iyong hinala. :-) Thanks!

    GLITTERATI: Of course I remember you! Go ahead, all of you are welcome to send me mails naman. It's miguisalvador@yahoo.com

    marc abellera: Thanks din at bakit naman bago mamatay?

    Russ: Thanks din russ! ;-)

    Mhi mhiko: try ko isingit sa next story si maki at jepoy. ;-)

    rascal: haha! I love yur imagination!

    Marc: thanks! ;-)

    theres llama: salamat at tignan natin sa chapter na ito kung tama ka. :-)

    Migz: Thanks! It's been a while since someone commented on my writing. :-)

    aR: Salamat. Nakakasingit-singit naman ng free day at time kahit papano. :-)

    MigiL: salamat sa pagintindi! :-)

    ANDY: Nice o, ikinakabit niya talaga ang sarili sa character na kapangalan niya. Haha! Thanks!

    Vince Reyes: Thank You!

    Ryge Stan: naihambing mo pa talaga kay Robin at Rustom ha? Haha!

    Christian Jayson Agero: Tara! ;-) pero magdala ka ng ka-date mo ako magdadala ng ka-date ko. ;-)

    JP: Ang sexuality sa age niyo (I assume teenager pa lang kayo) either early teenage years or late teenage years na is very flexible pa. Andyan yung mag confused, sus, maski nga mga middle aged na na individuals minsan confused pa about their sexuality. Kaya ang sabihin mo sa friend mo ganito... “give that person time.” mas maganda kung ready na siya na sabihin sa inyo kung anong iniisip niya at nararamdaman kesa yung pipilitin niyo siyang umamin, baka lalong magkagulo. Ngayon, kung talagang naaapektuhan yung friend mo sa mga kinikilos ng taong ito edi siya na ang mag-adjust tutal siya naman ang mas nakakaintindi.

    Bata pa kayo. Madami pang mangyayari. Wag kayong magmadali. When everyone is ready and when everything is at it's proper time everything will just fall into place. OK? I hope nakatulong ako. Hihi!


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. nice chapter migs ireally enjoyed it, ok lang kung medyo nadedelay ang post mo ng update I understand you naman, you still have a life to support and enjoy di ba. Kalabisan na sa aming mga fans mo ang humingi pa ng sobra kasi your doing this for free. thanks and have a great day joem and keep it up

    ReplyDelete
  3. they're falling in love with each other so fast that they don't realize/believe it...

    halfway na, I think nai-imagine ko na yung mga susunod na tagpo...

    ReplyDelete
  4. teresa of the faint smileDecember 3, 2013 at 6:45 PM

    i'll wait for the part where they already inlove to each other then andy will find out about the challenge, i love drama in every love story hehe and also thank you for the update because i always open your blog to see if there is an update :)

    ReplyDelete
  5. sa wakas another episode..galing galing migs..kilig lang sa katakawan..

    ReplyDelete
  6. Thanks kuya Migs for that wonderful advice! Yep, you're right. Siguro confused lang sila sa feelings nila. But who knows? Someday magkaaminan sila (sus!). Thank you so much kuya. I'll endorse this blog to all my friends who want to read these kind of stories. Very inspiring, deep and thrilling, leaving all of your readers like "nganga". So, that's all, thank you so much, I'll say it to my friend right away. Kudos to you master Migs! :)

    -JP

    ReplyDelete
  7. Hehe... Cute cute.. I imagine myself that drunk and my crush is like dale.. Kilig lang... Haha... Si allen nga yun... Bwehehe..

    ReplyDelete
  8. Author Migs!

    OHNO!! talaga, wag mona mag ka bed scene sila andy at dale tsk tsk, not in andy's house patay tayo jan! sndun panamn kuya allen niya, power trip yan / bullyinh to death

    kay Allen di ko gets kung worried ba sya o walang yung sinas\bi niya na di siya umiiniom..


    GOlang MIgs.. next chapter na tayo :D

    ReplyDelete
  9. naiinlove na yata c dale kay andy? paano ang pustahan kpag nlaman.ni andy? nice chapter migs.

    randzmesis

    ReplyDelete
  10. Hi Migs, as usual I again enjoyed this chapter.. How I really love it when the story is light yet full of relevance.. I will again sleep with a smile in my face having read this story.. Extremely well thought off.. It does not matter whether you are late in updating or not, I think the more important thing is you do not leave your readers hanging.. Thanks Migs..

    ReplyDelete
  11. Hi Migs, as usual I again enjoyed this chapter.. How I really love it when the story is light yet full of relevance.. I will again sleep with a smile in my face having read this story.. Extremely well thought off.. It does not matter whether you are late in updating or not, I think the more important thing is you do not leave your readers hanging.. Thanks Migs..

    ReplyDelete
  12. kakakilig haha! okay lang saken na pagpustahan din ako katulad ni andy basta ba maiinlove saken yung guy hahahahahaha!

    thanks sa update kuya.

    ReplyDelete
  13. thank you sa update kuya migs basa mode :D

    ReplyDelete
  14. Hello Migz. I have been a fan and is looking forward to your weekly update.

    I came looking to your previous works and I came across "Against All Odds" which is about Aaron and Nate. I read it on the Zialjian blog but it seemed incomplete. Where do I get a copy? Please, please...

    ReplyDelete
  15. kilig-much!!! feeling q mei kissing scene na sa next chapter.. :p andy is so adorable.. :p

    ReplyDelete
  16. haha, grabe migs sobrang kilig nito, kaloka naman kasi si andy di naman pala na inom nagpapaimpress pa kay dale. well sa tingin ko kaya ganyan yang si allen kasi gusto niyang umamin na si dale or even better tigilan na yung kapatid niya. haha sana nga tama ako

    anyways highways ingat lagi migs

    -therese llama

    ReplyDelete
  17. kuya migs...im dying to read the next chapter.....plss.............sundan mo na po....hugs to you

    -jero-

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]