Breaking Boundaries 2[6]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kunot
noo na pinanood ni Dale si Allen na ligpitin ang gamit nito sa sala.
Tila hindi makapaniwala sa pagiging bastos nito hanggang sa maalala
nya ang kwentuhan nila kanina ni Andy habang naglalaro sila ng
bowling. Hindi niya maintindihan kung bakit pero bigla siyang
nakaramdam ng inis gayong hindi naman siya dapat apektado kung ano
ang nangyayari sa buhay ni Andy dahil kung tutuusin ay ni hindi nga
sila nito magkaibigan at ginagamit lang niya ito upang may patunayan
sa sarili at sa kaniyang pinsan na si Jay.
“You
know your way out.” saad ni Allen kay Dale na gumising sa malalim
nitong pag-iisip.
“Fine.”
malamig na balik ni Dale kay Allen na ikinarita narin ng huli at
isinara na ang pinto ng kwarto niya, walang pakielam kung umalis na
nga si Dale matapos ihiga ang kaniyang kapatid, nakawan sila o kaya
naman ay doon na ito matulog.
“I
have a brother who can't accept me pero OK na ako dun.” ang
naalalang saad ni Dale habang inaakay si Andy at hinahanap ang kwarto
nito.
Akala
ni Dale ay magigising niya pa ang buong bahay sa paghahanap ng kwarto
ni Andy pero hindi pala. Isang tingin niya lang sa pinto ng kwarto
nito ay alam niyang iyon na ang kwarto ng kaniyang karay karay na si
Andy. Sa pinto ay nakalagay ang isang picture ng pinakamamahal na
sasakyan nito kaya hindi maikakaila na kay Andy ito.
Hindi
niya mapigilang mapangiti habang iniisip na mahal na mahal ni Andy
ang sasakyan na iyon. Binuksan niya ang pinto at hindi niya mapigilan
ang sarili na mamangha sa kwarto ni Andy. Malinis ito at lahat ay
nasa ayos pero hindi lang iyon ang kumuwa sa kaniyang pansin.
Nagkalat ang ilang mga pigura na gawa sa clay at sa isang sulok ng
kwarto ni Andy ay isang lamesa kung saan may isang maliit na estatwa
ng dalawang lalaking magkayakap, hindi pa ito tapos pero maganda na
ito para kay Dale.
“Naks.
Artist pala ang isang ito. Humanda ka sakin bukas.” nangingiting
saad ni Dale sa tulog paring si Andy habang namamangha.
Iniupo
muna niya si Andy sa isang beanbag malapit sa kama nito saka ito
hinubaran upang malinisan bago niya ito ihiga sa kama. Hindi na ito
bago kay Dale dahil madalas siya ang taga-drive at taga alaga sa
kaniyang mga kaibigang lasing sa US pero para kay Dale ay para bang
iba ngayon dahil naiilang siya sa hindi malamang dahilan, kaya naman
minabilis ni Dale ang pagpupunas sa makinis na balat ni Andy at
minadali din ang muling pagbibihis dito at nang mabihisan ito ay agad
niya itong binuhat at ihiniga ng maayos sa kama at siya naman ang
naglinis ng sarili sa banyong kalakip ng kwarto ni Andy.
Hinubad
niya at nilabhan ang kaniyang t-shirt na halos mapuno na ng suka ni
Andy saka pinunasan ang sarili. Kahit tanging pantalon at sapatos
lang ang suot ay lumabas parin siya ng banyo at nagpasyang umuwi
narin pero bago pa man siya lumabas ng kwarto ni Andy, sa hindi
maintindihan na dahilan ay minabuti niya paring silipin ito. Umupo
siya sa kama nito at inayos pa muna saglit ang kumot na tumatalukbong
dito. Hindi mapigilang mapangiti nang sumagi sa kanyang isip na
napakalikot din nito matulog hanggang sa hindi na niya namalayan na
medyo matagal na pala siyang napatitig sa maamong mukha ni Andy.
000ooo000
Nagising
si Andy nang makarinig siya ng mahinang paghilik sa kaniyang tabi.
Nang iminulat niya ang kaniyang mga mata ay mas lalo siyang nagulat
nang makita niya sa kaniyang harapan ang matipunong dibdib ni Dale at
magdamag na pala niyang ginawang unan ang malaki nitong braso, ilang
pulgada lang ang layo nito sa kaniya dahil nakayakap siya dito at si
Dale naman ay simpleng nakaharap lang sa kaniya. Ipinikit niya muli
ang kaniyang mga mata nang may ngiti sa kaniyang mukha.
000ooo000
Naramdaman
niya na tila ba may gumigitgit sa kaniyang tabi habang natutulog siya
kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at
nakita niya ang tila ba lalong pagsiksik sa kaniya ni Andy. Siguro
kung nangyari ito may ilang araw na ang nakakaraan ay malamang
nagpa-panic na siya at nagtatakbo palayo. Hindi niya alam kung ano
ang nangyari.
At
hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniya upang i-akbay ang
kaniyang kamay sa katawan ni Andy upang lalo itong mapadikit sa
kaniya dahil ayaw man niyang aminin sa sarili ay tila ba ay
nagugustuhan niya itong malapit sa kaniya at kadikit niya. Una ito
para sa kaniya sapagkat halos lahat ng makakasiping niyang babae noon
ay agad niyang iniiwan sa higaan ng walang paalam.
Kung
alam niya lang noon pa na mas masarap pala sa pakiramdam ang may
simpleng kayakap lang kesa sa makipagsiping ay baka noon pa niya ito
ginawa kasama ang mga babae na nakilala niya noon. Dahil sa kakaibang
pakiramdam na iyon ay hindi napigilan ni Dale ang kaniyang mga
sariling mata na pumikit at matulog muli.
000ooo000
“Hihihi!”
CLICK!
Dahan-dahang
iginawi ni Andy ang kaniyang tingin sa paanan ng kama at nanlaki ang
kaniyang butas ng ilong nang makita niya ang dalawa niyang
nakababatang kapatid na naghahagikgikan. Agad niyang pinandilatan ang
mga ito ng mata.
“Burahin
niyo yan.” nagbabantang pabulong na saad ni Andy upang hindi niya
magising ang katabi.
Lalo
lamang naghagikgikan ang dalawa lalo pa ng ipinakita ni Anthony ang
picture sa kapatid.
“Awww.
So sweet.” saad naman ni Aeron.
“SABI
NG BURAHIN NIYO YAN EH!” sigaw ni Andy na narinig sa buong village.
“Wha-?!”
gulat na saad ni Dale sabay napabalikwas na lalong nakapagpahagalpak
sa tawa kay Anthony at Aeron habang si Andy ay namula lang ang
pisngi. Nuon niya lang kasi napansin na tanging boxers lang pala ang
suot ni Dale na noong nakaraang gabi ay wala sa sariling hinubad ang
pantalon dahil hindi siya sanay na matulog ng hindi lang boxers ang
suot.
“Nice
boxers.” saad ni Aeron na lalong nakapagpahagalpak ng tawa kay
Anthony na gumising naman kay Dale sa mga nangyayari sa paligid.
“What---?!”
simula ni Dale.
Biglang
kinabahan si Andy nang marinig niyang magsalita si Dale. Iniisip na
baka dahil sa ginawa ng kaniyang mga kapatid ay masira ang kung ano
mang meron sa kanila ngayon.
“---I
don't sleep with my pants on.” pagtatapos ni Dale sa kaniyang
sinasabi sabay ngiti at kindat sa dalawang nakababatang kapatid ni
Andy.
Noong
una ay hindi pa nakuwa agad ni Andy ang sinabing iyon ni Dale at
hindi niya pa mage-gets na nakikipaglokohan lang pala si Dale sa
kaniang mga kapatid kung hindi pa ito nagpopo-pose habang
humahagikgik na kinukuwanan ni Aeron si Dale gamit ang kaniyang smart
phone.
“Damn!
I'll post this on the net!” saad ni Aeron habang tinitignan ang
kaniyang kinuwanang picture na nakapagpahagikgik na kay Andy.
“Get
out!” nangingiting saad ni Andy sabay bato sa kaniyang mga kapatid
ng unan.
“I'm
sorry---” saad ni Andy pero agad din siyang natigilan nang humarap
sa kaniya si Dale. Alam niyang maganda ang katawan ng huli dahil
nakita na niya itong nakahubad baro noon pero ang nakapagpatigil sa
kaniya ay ang galit na umbok nito sa harapan.
“Hey,
are you OK?” tanong ni Dale kay Andy na agad namula ang pisngi at
iniwas ang tingin mula sa harapan ni Dale.
“ANDYYYYYYYY!”
“Shit!”
ang tanging nasabi ni Andy nang marinig ang sigaw na iyon ng kaniyang
ama mula sa kusina nila.
000ooo000
“You
know my stand about random hookups---” simula muli ni Arthur sa
kaniyang mga sermon na madalas ng naririnig ni Andy noon sa tuwing
ang mga kuya niya naman ang nag-uuwi ng mga babae sa bahay nila
“Dad,
for the nth time. Nothing happened. Hinatid niya lang ako because I
was stupid not to listen to him and got myself drunk. I puked all
over the place including him so he took his clothes off and got so
tired he fell asleep beside me.” napapagod ng pagde-depensa ni Andy
sa kaniyang sarili at kay Dale na ikinatahimik ng buong hapagkainan.
“I-I
just don't want you to get hurt.” makahulugan at puno ng
pagaalalang saad ni Arthur sabay tayo at tumingin sa labas ng bintana
ng kanilang dining table, pinanood ang kaniyang dalawang anak na
naglalaro ng basketball sa kanilang driveway kasama si Dale.
“Dad---”
simula ni Andy pero hindi siya hinayaan makatapos ni Arthur.
“Yung
mga kapatid mo, OK lang. Mga lalaki yan, ang ikinatatakot ko dyan sa
mga yan yung makabuntis sila though ikaw di ka naman mabubuntis---”
saad ni Arthur sabay hagikgik na ikinairap lang ni Andy. “---you
were always the sensitive son, Andy. I'm afraid of what he might do.”
mas seryosong pagtatapos ni Arthur na ikinatameme lang ni Andy.
000ooo000
“So
kailan ang balik mo sa states?” tanong ni Arthur kay Dale habang
kumakain sila ng agahan.
“Actually
I have the choice to stay here. Tapos na po ako ng high school and
they say that college is cheap here so...” tapat na sagot ni Dale
sabay tumingin ng kinakabahan kay Andy na nagpakawala lang ng isang
tipid na ngiti na hindi nakaligtas kay Aeron at Anthony na ngumuso at
nagpakawala ng tunog na tila ba nakikipaghalikan. Nakatanggap ng
batok ang dalawa mula kay Aldrin at Allen na nasa hapagkainan ding
iyon at wala na lang nagawa kundi ang ipitin ang kanilang pagngiti.
“Anong
kukuwanin mong course para sa college?” tanong ni Aldrin na
ikinatingin ng lahat sa gawi ni Dale. Iniintay ang sagot nito.
“Architecture.”
saad naman ni Dale na ikinatango-tango ng lahat sa hapag kainan na
iyon.
“Ano
naman ang intensyon mo sa kapatid ko?---” simulang tanong ni Allen
na ikinakuwa ng pansin ng lahat.
“Allen---”
simulang saway ni Arthur sa kaniyang anak, ayaw niyang magkaroon
nanaman ng malalim pang hindi pagkakaunawaan ang kaniyang dalawang
anak.
“---I
mean. Yung iba pera lang ang habol sa katulad ni Andy but mayaman ka
naman, hindi mo kailangan ng pera--- what do you want sa kapatid ko?”
seryosong tanong ni Allen saka tinitigan ng mariin si Dale na nakuwa
pang makipagtitigan.
“Kuya,
enough. Please.” nahihiya at may halong galit na saway ni Andy sa
kaniyang kuya.
“Fine.”
saad ni Allen saka biglang tumayo at nagpaalam sa lahat na siya ay
papasok na sa trabaho.
Sa
unang pagkakataon matapos magising ni Dale sa kama ni Andy hanggang
sa kumain na sila ng agahan ay ngayon lang siya nahiya, pakiramdam
niya na siya ang naging dahilan ng pagkasira ng magandang umagang
iyon para sa lahat. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng kamay ni
Andy sa kaniyang kamay.
At
tila ba isang sumpa na nawala ang kaniyang pagaalala.
“Ano
kuya Dale? Rematch?” masayang saad ni Aeron kay Dale na nagbura ng
hangin ng pagaalinlangan at hiya sa nangyari sa buong hapagkainan.
000ooo000
“What's
up, dude?! Thought you're dead or something.” taliwas sa
pagaalalang sabi ni Jay habang naglalaro ito ng PSP nang hindi
tinitignan ng maayos ang kararating lang na pinsan.
Nang
marinig niya ang pangangamusta na iyon ni Jay ay wala sa sariling
nabura ang ngiti sa mukha ni Dale dulot ng huli nilang paguusap sa
labas ng bahay ni Andy.
“Here.”
saad ni Jay sabay pindot muna ng pause button sa kaniyang nilalaro at
binato sa kaniyang pinsan ang dalawang piraso ng pahabang papel.
“What's
this?” nagtatakang tanong ni Dale sa pinsan.
“You
can read, right?” sarkastikong tanong ni Jay kay Dale na ikinailing
na lang ng huli at binasa ang nakalagay sa dalawang papel.
“Hot
air balloon---?”
“Yep.
I bet gay dude's dig 'em like chicks does. You know, all those lovey
dovey romantic stuff.” nakangising saad ni Jay na lalong ikinataka
ni Dale. Nang walang makuwang sagot si Jay ay muli nitong pinindot
ang pause button at humarap sa kaniyang pinsan at nang makita niya
ang nagtataka nitong reaksyon at wala sa sarili siyang tumayo at
umiling iling.
“Seriously.
What did you do last night at ganyan ka ka-slow?” tanong ni Jay sa
pinsan habang hinawakan ito sa magkabilang balikat, tila ba sa
ginagawang iyon ay makikita niya sa mukha nito ang sagot sa kaniyang
tanong at inalog alog si Dale sa pag-asang magigising ito sa tila ba
pananaginip ng gising.
“Tulong
ko yan sayo para naman magka-resulta yang pinaghihirapan mong parusa
ko sa pagkatalo mo.” nangaalaskang saad ni Jay kay Dale na
ikinainis ng huli.
“You
just can't drop it do you?” mainit na balik ni Dale na ikinangisi
lalo ni Jay.
“What?!
My super tough and heartless asshole of a cousin now growing a heart
and starting to soften up? Giving up already?” nangaalaska paring
tanong ni Jay sa kaniyang pinsan, ibinabalik dito ang lahat ng mga
parusa na pinagawa nito sa kaniya noong siya ang natatalo nito sa
pustahan nila kada taon.
“Whatever.”
saad ni Dale kay Jay sabay pasok sa banyo nito.
Humarap
siya sa salamin at duon niya ginisa ang sarili gamit ang sariling
repleksyon. Iniisip kung tama pa bang ituloy niya ang pustahan nila
ng kaniyang pinsan, iniisip kung sapat bang saktan niya ang isang
taong wala naman ginagawa sa kaniya na masama dahil lang may gusto
siyang patunayan sa kaniyang pinsan.
000ooo000
“Tickets
to the hot air ballon festival!” sigaw ni Andy na ikinagulat ni
Dale.
Intensyon
na niyang itago ang tickets na iyon at intensyon narin niyang
mag-back out sa kanilang pustahan ng kaniyang pinsan pero tila ba
nakatunog ito sa kaniyang gustong gawin dahil pagkalabas niya sa
banyo ay wala na ito.
“Shit
di ko pala naitapon yan!” saad
ni Dale sa kaniyang sarili habang mainit na minamata ang dalawang
kwadradong papel.
“Dun
ba tayo pupunta ngayon?” masayang saad ni Andy na talaga namang
kumurot sa puso ni Dale. Gusto man niyang i-cancel ang lakad na iyon
at sabihin na ang totoo kay Andy tungkol sa pustahan ay hindi niya
ito magawa dahil sa pinapakawalang ngiti ni Andy.
“Sino
ba namang makakahindi sa mukhang iyan?” nangingiting
saad ni Dale sa sarili habang tinitignan ang tila ba batang excited
na excited na si Andy.
“Yes.”
ang tanging nasabi ni Dale na lalong ikinalaki ng ngiti ng huli.
000ooo000
Marami
ng tao sa paligid ng makarating sila sa pinagdadausan ng festival na
iyon pero hindi parin non napigilan sila Dale at Andy na mamangha sa
tagpo na naka-ahin sa kanilang harapan. Lagpas sa ulo ng maraming tao
sa kanilang harapan ay ang mga naglalakihang lobo na may iba't ibang
kilay at hugis.
May
mga hugis alapaap, malaking candy at iba pa na lalong nagtatak ng
malaking ngiti sa mukha ni Andy. Hindi mapigilan ni Dale ang
sumulyap-sulyap sa mukha ni Andy kaya laking gulat niya nang biglang
hablutin nito ang kaniyang kamay at hinila papalapit sa isang lobo na
pinakamalapit sa kanila.
Habang
hatak hatak siya ni Andy ay hindi mapigilan ni Dale na damahin ang
makinis na palad ng nauna. Hindi niya napigilang titigan ang kamay na
iyon na bumabalot sa kaniyang kamay. Tila bumagal ang oras. Wala
siyang pakielam sa mga nagtitinginan sa kanilang magkahawk na kamay
dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay masaya siyang hawak ang mga
kamay na iyon ni Andy at wala siyang balak pakawalan iyon.
“Ganda!”
parang batang saad ni Andy kay Dale na nagising sa kaniyang pag iisip
ng malalim na nakapagpangiti ng matamis kay Dale saka iginawi ang
tingin sa malaking lobo na nasa kanilang harapan na tinutukoy ni
Andy.
“Sakay
tayo, gusto mo?” wala sa sariling tanong ni Dale na nagbura ng
ngiti sa mukha ni Andy na ikinabahala ng nauna. Iniisip na baka may
nasabi siyang masama.
“S-Saan?”
nagaalalang tanong ni Andy.
“Dito
oh.” sagot ni Dale sabay turo sa malaking lobo sa harapan nila.
“No.”
umiiling na saad ni Andy.
“What---”
nagtatakang tanong ni Dale kay Andy habang tinitignan nito ang
pamumutla ng huli.
“I-I'm
afraid of heights.” pag amin ni Andy na agad naintindihan ni Dale.
“Kasama
mo naman ako eh.” wala sa sariling saad ni Dale na sa hindi
maipaliwanag na dahilan ay tila ba nakapagpagaang ng loob ni Andy na
hindi nagtagal ay nagtulak dito upang pumayag.
“O-OK.”
“Pikit
mo na lang muna yung mga mata mo para hindi ka matakot as the balloon
ascends.” saad ni Dale na sinunod naman ni Andy.
000ooo000
“You
can open your eyes now.” marahang saad ni Dale na agad ginawa ni
Andy na isang napakalaking pagkakamali dahil agad siyang nahilo at
natakot sa taas ng kanilang kinalalagyan.
“Shit!”
mura ni Andy sabay pikit muli ng mga mata at nagsimula ng magagagalaw
na nagtulak kay Dale at sa nangangasiwa sa hot air balloon na iyon na
mangamba sapagkat umaalog nadin ang basket ng kanilang kinalalagyan
dahil sa pagpapanic ni Andy.
Wala
sa sariling niyakap ni Dale si Andy mula sa likod upang mapigilan ito
sa kakagalaw.
“Shhh.
Calm down. I'm not going to let you fall. I promise.” saad ni Dale
na nakapagpakalma kay Andy.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 6] by: Migs
Pasensya na sa muling matagal na pag-update. Di ko narin po muna masasagot ang inyong mga comment. SOBRANG HECTIC NG SCHEDULE. :-( I love you all! Salamat sa patuloy na pagtangkilik! :-)
ReplyDeleteYun! Una ba ako?
ReplyDeleteIvan D.
>basa muna :)
Awts! Kinikilig ako. Ahahaha obviously dale is falling. Gusto ko na ung nalalaman ni andy na pinagpustahan lang sya! Mga ganyang conflict ang gusto ko ehh! Love you migz! Nice chapter! Sana wag masyado matagal :(
DeletePinaka nakakakilig so far.. Though it's all for the show..
ReplyDelete-icy-
Owww eeemmm geeee! Kinikilig ako! Advance Merry Christmas mr.Author!
ReplyDeletemay preview na ako ng mgasusunod na mangyayari, base na din sa style ng pagsusulat mo sa mga nakaraang kwento....
ReplyDeletebaka may fast-forward ito sa chapter 8 or 9??? hehehehe
Ay grabe talaga migs..hahaha..sobrang nakakakilig..nung unang beses ko binasa kaninang umaga sabi ko sa sarili ko bat ang ikli ng chapter ngayon tapos binasa ko ulit ngayon ang haba pala..grabe di ko naramdaman ung haba ng binabasa ko dahil sa kilig..haha
ReplyDeleteGrabe ang kulit ng mga little brothers ni andy. Personally talaga feeling ko love din naman ni allen si andy eh iba nga lang ang way nya ng pagpapakita dito
And for dale bat di mo na kasi aminin kay andy ang lahat habang maaga.naku naman kawawa naman si andy pagnagkabukingan na
Parehas kme ni andy migs madaling magmahal haizt. Kung meron lang nga sanang early detection system ang puso para sa mga manloloko eh. Eh di sana ang saya na ng life
Anyways highways ingat ka lagi migs wag masyado magkapagod sa work.. hehe remind lang kita ha isa parin ako sa napakaraming ng hihintay ng karugtong ng CP just incase maisipan mo nang ishare o over ka na talaga sa mga pains nung mga panahon nayun..love you migs ingat ka tlaga palagi ha dahil ikaw ang georgr martin ng pilipinas para sa akin..haha
-theresellama
nice
ReplyDeletemarc
naks ang sweet pero ang gusto ko ung may sampalan scene dahil malalamn na ni andy na pustahan lang siya..hehe pero alam ko din na mahaba pa ito at gaganda ng gaganda..di ba migs?
ReplyDelete"Shhh. Calm down. I'm not going to let you fall. I promise." ~Dale.
ReplyDelete~~~
~double meaning. Na fall na po si andy. Haha
~WaydeeJanYokio
dont let him fall Dale!!
ReplyDeleteexcited na talaga ako sa part na malalaman ni andy na pustahan lang, pero sa ngayon, eenjoyin ko muna mga kilig moments.
thanks kuya migs sa update.
Merry Christmas and Happy New Year. we love you. muah muah!!
Waaaa! Next na po :(((
ReplyDeleteNakakakilig! Thanks author! Merry christmas :)
ReplyDeleteNext please?
Di ko maisip ang mangyayari kapag nalaman ni Andy ang pustahan. Good Work po sir Migs!
ReplyDeleteNeb
Next please author :) lavyu!
ReplyDeleteWell well anu ba naman ang iexpect mo kay migs. syempre the best pa rin ang mga stories mo grabe ang ganda kakakilig sobra hehehe.
ReplyDeleteMerry Christmas Migs and Happy New Year....
next na po author :(
ReplyDeletevince
Asan na po next kuya Migs? I can't wait for the next chapter :( Sana po mahaba ung next please?
ReplyDelete> Darwin