Breaking Boundaries 2[6]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kunot noo na pinanood ni Dale si Allen na ligpitin ang gamit nito sa sala. Tila hindi makapaniwala sa pagiging bastos nito hanggang sa maalala nya ang kwentuhan nila kanina ni Andy habang naglalaro sila ng bowling. Hindi niya maintindihan kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng inis gayong hindi naman siya dapat apektado kung ano ang nangyayari sa buhay ni Andy dahil kung tutuusin ay ni hindi nga sila nito magkaibigan at ginagamit lang niya ito upang may patunayan sa sarili at sa kaniyang pinsan na si Jay.


You know your way out.” saad ni Allen kay Dale na gumising sa malalim nitong pag-iisip.

Fine.” malamig na balik ni Dale kay Allen na ikinarita narin ng huli at isinara na ang pinto ng kwarto niya, walang pakielam kung umalis na nga si Dale matapos ihiga ang kaniyang kapatid, nakawan sila o kaya naman ay doon na ito matulog.


I have a brother who can't accept me pero OK na ako dun.” ang naalalang saad ni Dale habang inaakay si Andy at hinahanap ang kwarto nito.


Akala ni Dale ay magigising niya pa ang buong bahay sa paghahanap ng kwarto ni Andy pero hindi pala. Isang tingin niya lang sa pinto ng kwarto nito ay alam niyang iyon na ang kwarto ng kaniyang karay karay na si Andy. Sa pinto ay nakalagay ang isang picture ng pinakamamahal na sasakyan nito kaya hindi maikakaila na kay Andy ito.


Hindi niya mapigilang mapangiti habang iniisip na mahal na mahal ni Andy ang sasakyan na iyon. Binuksan niya ang pinto at hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa kwarto ni Andy. Malinis ito at lahat ay nasa ayos pero hindi lang iyon ang kumuwa sa kaniyang pansin. Nagkalat ang ilang mga pigura na gawa sa clay at sa isang sulok ng kwarto ni Andy ay isang lamesa kung saan may isang maliit na estatwa ng dalawang lalaking magkayakap, hindi pa ito tapos pero maganda na ito para kay Dale.


Naks. Artist pala ang isang ito. Humanda ka sakin bukas.” nangingiting saad ni Dale sa tulog paring si Andy habang namamangha.


Iniupo muna niya si Andy sa isang beanbag malapit sa kama nito saka ito hinubaran upang malinisan bago niya ito ihiga sa kama. Hindi na ito bago kay Dale dahil madalas siya ang taga-drive at taga alaga sa kaniyang mga kaibigang lasing sa US pero para kay Dale ay para bang iba ngayon dahil naiilang siya sa hindi malamang dahilan, kaya naman minabilis ni Dale ang pagpupunas sa makinis na balat ni Andy at minadali din ang muling pagbibihis dito at nang mabihisan ito ay agad niya itong binuhat at ihiniga ng maayos sa kama at siya naman ang naglinis ng sarili sa banyong kalakip ng kwarto ni Andy.


Hinubad niya at nilabhan ang kaniyang t-shirt na halos mapuno na ng suka ni Andy saka pinunasan ang sarili. Kahit tanging pantalon at sapatos lang ang suot ay lumabas parin siya ng banyo at nagpasyang umuwi narin pero bago pa man siya lumabas ng kwarto ni Andy, sa hindi maintindihan na dahilan ay minabuti niya paring silipin ito. Umupo siya sa kama nito at inayos pa muna saglit ang kumot na tumatalukbong dito. Hindi mapigilang mapangiti nang sumagi sa kanyang isip na napakalikot din nito matulog hanggang sa hindi na niya namalayan na medyo matagal na pala siyang napatitig sa maamong mukha ni Andy.


000ooo000


Nagising si Andy nang makarinig siya ng mahinang paghilik sa kaniyang tabi. Nang iminulat niya ang kaniyang mga mata ay mas lalo siyang nagulat nang makita niya sa kaniyang harapan ang matipunong dibdib ni Dale at magdamag na pala niyang ginawang unan ang malaki nitong braso, ilang pulgada lang ang layo nito sa kaniya dahil nakayakap siya dito at si Dale naman ay simpleng nakaharap lang sa kaniya. Ipinikit niya muli ang kaniyang mga mata nang may ngiti sa kaniyang mukha.


000ooo000


Naramdaman niya na tila ba may gumigitgit sa kaniyang tabi habang natutulog siya kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita niya ang tila ba lalong pagsiksik sa kaniya ni Andy. Siguro kung nangyari ito may ilang araw na ang nakakaraan ay malamang nagpa-panic na siya at nagtatakbo palayo. Hindi niya alam kung ano ang nangyari.


At hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniya upang i-akbay ang kaniyang kamay sa katawan ni Andy upang lalo itong mapadikit sa kaniya dahil ayaw man niyang aminin sa sarili ay tila ba ay nagugustuhan niya itong malapit sa kaniya at kadikit niya. Una ito para sa kaniya sapagkat halos lahat ng makakasiping niyang babae noon ay agad niyang iniiwan sa higaan ng walang paalam.


Kung alam niya lang noon pa na mas masarap pala sa pakiramdam ang may simpleng kayakap lang kesa sa makipagsiping ay baka noon pa niya ito ginawa kasama ang mga babae na nakilala niya noon. Dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon ay hindi napigilan ni Dale ang kaniyang mga sariling mata na pumikit at matulog muli.


000ooo000


Hihihi!”


CLICK!


Dahan-dahang iginawi ni Andy ang kaniyang tingin sa paanan ng kama at nanlaki ang kaniyang butas ng ilong nang makita niya ang dalawa niyang nakababatang kapatid na naghahagikgikan. Agad niyang pinandilatan ang mga ito ng mata.


Burahin niyo yan.” nagbabantang pabulong na saad ni Andy upang hindi niya magising ang katabi.


Lalo lamang naghagikgikan ang dalawa lalo pa ng ipinakita ni Anthony ang picture sa kapatid.


Awww. So sweet.” saad naman ni Aeron.


SABI NG BURAHIN NIYO YAN EH!” sigaw ni Andy na narinig sa buong village.


Wha-?!” gulat na saad ni Dale sabay napabalikwas na lalong nakapagpahagalpak sa tawa kay Anthony at Aeron habang si Andy ay namula lang ang pisngi. Nuon niya lang kasi napansin na tanging boxers lang pala ang suot ni Dale na noong nakaraang gabi ay wala sa sariling hinubad ang pantalon dahil hindi siya sanay na matulog ng hindi lang boxers ang suot.


Nice boxers.” saad ni Aeron na lalong nakapagpahagalpak ng tawa kay Anthony na gumising naman kay Dale sa mga nangyayari sa paligid.


What---?!” simula ni Dale.


Biglang kinabahan si Andy nang marinig niyang magsalita si Dale. Iniisip na baka dahil sa ginawa ng kaniyang mga kapatid ay masira ang kung ano mang meron sa kanila ngayon.


---I don't sleep with my pants on.” pagtatapos ni Dale sa kaniyang sinasabi sabay ngiti at kindat sa dalawang nakababatang kapatid ni Andy.


Noong una ay hindi pa nakuwa agad ni Andy ang sinabing iyon ni Dale at hindi niya pa mage-gets na nakikipaglokohan lang pala si Dale sa kaniang mga kapatid kung hindi pa ito nagpopo-pose habang humahagikgik na kinukuwanan ni Aeron si Dale gamit ang kaniyang smart phone.


Damn! I'll post this on the net!” saad ni Aeron habang tinitignan ang kaniyang kinuwanang picture na nakapagpahagikgik na kay Andy.


Get out!” nangingiting saad ni Andy sabay bato sa kaniyang mga kapatid ng unan.


I'm sorry---” saad ni Andy pero agad din siyang natigilan nang humarap sa kaniya si Dale. Alam niyang maganda ang katawan ng huli dahil nakita na niya itong nakahubad baro noon pero ang nakapagpatigil sa kaniya ay ang galit na umbok nito sa harapan.


Hey, are you OK?” tanong ni Dale kay Andy na agad namula ang pisngi at iniwas ang tingin mula sa harapan ni Dale.


ANDYYYYYYYY!”


Shit!” ang tanging nasabi ni Andy nang marinig ang sigaw na iyon ng kaniyang ama mula sa kusina nila.


000ooo000


You know my stand about random hookups---” simula muli ni Arthur sa kaniyang mga sermon na madalas ng naririnig ni Andy noon sa tuwing ang mga kuya niya naman ang nag-uuwi ng mga babae sa bahay nila


Dad, for the nth time. Nothing happened. Hinatid niya lang ako because I was stupid not to listen to him and got myself drunk. I puked all over the place including him so he took his clothes off and got so tired he fell asleep beside me.” napapagod ng pagde-depensa ni Andy sa kaniyang sarili at kay Dale na ikinatahimik ng buong hapagkainan.


I-I just don't want you to get hurt.” makahulugan at puno ng pagaalalang saad ni Arthur sabay tayo at tumingin sa labas ng bintana ng kanilang dining table, pinanood ang kaniyang dalawang anak na naglalaro ng basketball sa kanilang driveway kasama si Dale.


Dad---” simula ni Andy pero hindi siya hinayaan makatapos ni Arthur.


Yung mga kapatid mo, OK lang. Mga lalaki yan, ang ikinatatakot ko dyan sa mga yan yung makabuntis sila though ikaw di ka naman mabubuntis---” saad ni Arthur sabay hagikgik na ikinairap lang ni Andy. “---you were always the sensitive son, Andy. I'm afraid of what he might do.” mas seryosong pagtatapos ni Arthur na ikinatameme lang ni Andy.


000ooo000


So kailan ang balik mo sa states?” tanong ni Arthur kay Dale habang kumakain sila ng agahan.


Actually I have the choice to stay here. Tapos na po ako ng high school and they say that college is cheap here so...” tapat na sagot ni Dale sabay tumingin ng kinakabahan kay Andy na nagpakawala lang ng isang tipid na ngiti na hindi nakaligtas kay Aeron at Anthony na ngumuso at nagpakawala ng tunog na tila ba nakikipaghalikan. Nakatanggap ng batok ang dalawa mula kay Aldrin at Allen na nasa hapagkainan ding iyon at wala na lang nagawa kundi ang ipitin ang kanilang pagngiti.


Anong kukuwanin mong course para sa college?” tanong ni Aldrin na ikinatingin ng lahat sa gawi ni Dale. Iniintay ang sagot nito.


Architecture.” saad naman ni Dale na ikinatango-tango ng lahat sa hapag kainan na iyon.


Ano naman ang intensyon mo sa kapatid ko?---” simulang tanong ni Allen na ikinakuwa ng pansin ng lahat.


Allen---” simulang saway ni Arthur sa kaniyang anak, ayaw niyang magkaroon nanaman ng malalim pang hindi pagkakaunawaan ang kaniyang dalawang anak.


---I mean. Yung iba pera lang ang habol sa katulad ni Andy but mayaman ka naman, hindi mo kailangan ng pera--- what do you want sa kapatid ko?” seryosong tanong ni Allen saka tinitigan ng mariin si Dale na nakuwa pang makipagtitigan.


Kuya, enough. Please.” nahihiya at may halong galit na saway ni Andy sa kaniyang kuya.


Fine.” saad ni Allen saka biglang tumayo at nagpaalam sa lahat na siya ay papasok na sa trabaho.


Sa unang pagkakataon matapos magising ni Dale sa kama ni Andy hanggang sa kumain na sila ng agahan ay ngayon lang siya nahiya, pakiramdam niya na siya ang naging dahilan ng pagkasira ng magandang umagang iyon para sa lahat. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng kamay ni Andy sa kaniyang kamay.


At tila ba isang sumpa na nawala ang kaniyang pagaalala.


Ano kuya Dale? Rematch?” masayang saad ni Aeron kay Dale na nagbura ng hangin ng pagaalinlangan at hiya sa nangyari sa buong hapagkainan.


000ooo000

What's up, dude?! Thought you're dead or something.” taliwas sa pagaalalang sabi ni Jay habang naglalaro ito ng PSP nang hindi tinitignan ng maayos ang kararating lang na pinsan.


Nang marinig niya ang pangangamusta na iyon ni Jay ay wala sa sariling nabura ang ngiti sa mukha ni Dale dulot ng huli nilang paguusap sa labas ng bahay ni Andy.


Here.” saad ni Jay sabay pindot muna ng pause button sa kaniyang nilalaro at binato sa kaniyang pinsan ang dalawang piraso ng pahabang papel.


What's this?” nagtatakang tanong ni Dale sa pinsan.


You can read, right?” sarkastikong tanong ni Jay kay Dale na ikinailing na lang ng huli at binasa ang nakalagay sa dalawang papel.


Hot air balloon---?”


Yep. I bet gay dude's dig 'em like chicks does. You know, all those lovey dovey romantic stuff.” nakangising saad ni Jay na lalong ikinataka ni Dale. Nang walang makuwang sagot si Jay ay muli nitong pinindot ang pause button at humarap sa kaniyang pinsan at nang makita niya ang nagtataka nitong reaksyon at wala sa sarili siyang tumayo at umiling iling.


Seriously. What did you do last night at ganyan ka ka-slow?” tanong ni Jay sa pinsan habang hinawakan ito sa magkabilang balikat, tila ba sa ginagawang iyon ay makikita niya sa mukha nito ang sagot sa kaniyang tanong at inalog alog si Dale sa pag-asang magigising ito sa tila ba pananaginip ng gising.


Tulong ko yan sayo para naman magka-resulta yang pinaghihirapan mong parusa ko sa pagkatalo mo.” nangaalaskang saad ni Jay kay Dale na ikinainis ng huli.


You just can't drop it do you?” mainit na balik ni Dale na ikinangisi lalo ni Jay.


What?! My super tough and heartless asshole of a cousin now growing a heart and starting to soften up? Giving up already?” nangaalaska paring tanong ni Jay sa kaniyang pinsan, ibinabalik dito ang lahat ng mga parusa na pinagawa nito sa kaniya noong siya ang natatalo nito sa pustahan nila kada taon.

Whatever.” saad ni Dale kay Jay sabay pasok sa banyo nito.


Humarap siya sa salamin at duon niya ginisa ang sarili gamit ang sariling repleksyon. Iniisip kung tama pa bang ituloy niya ang pustahan nila ng kaniyang pinsan, iniisip kung sapat bang saktan niya ang isang taong wala naman ginagawa sa kaniya na masama dahil lang may gusto siyang patunayan sa kaniyang pinsan.

000ooo000

Tickets to the hot air ballon festival!” sigaw ni Andy na ikinagulat ni Dale.


Intensyon na niyang itago ang tickets na iyon at intensyon narin niyang mag-back out sa kanilang pustahan ng kaniyang pinsan pero tila ba nakatunog ito sa kaniyang gustong gawin dahil pagkalabas niya sa banyo ay wala na ito.


Shit di ko pala naitapon yan!” saad ni Dale sa kaniyang sarili habang mainit na minamata ang dalawang kwadradong papel.


Dun ba tayo pupunta ngayon?” masayang saad ni Andy na talaga namang kumurot sa puso ni Dale. Gusto man niyang i-cancel ang lakad na iyon at sabihin na ang totoo kay Andy tungkol sa pustahan ay hindi niya ito magawa dahil sa pinapakawalang ngiti ni Andy.


Sino ba namang makakahindi sa mukhang iyan?” nangingiting saad ni Dale sa sarili habang tinitignan ang tila ba batang excited na excited na si Andy.


Yes.” ang tanging nasabi ni Dale na lalong ikinalaki ng ngiti ng huli.

000ooo000

Marami ng tao sa paligid ng makarating sila sa pinagdadausan ng festival na iyon pero hindi parin non napigilan sila Dale at Andy na mamangha sa tagpo na naka-ahin sa kanilang harapan. Lagpas sa ulo ng maraming tao sa kanilang harapan ay ang mga naglalakihang lobo na may iba't ibang kilay at hugis.


May mga hugis alapaap, malaking candy at iba pa na lalong nagtatak ng malaking ngiti sa mukha ni Andy. Hindi mapigilan ni Dale ang sumulyap-sulyap sa mukha ni Andy kaya laking gulat niya nang biglang hablutin nito ang kaniyang kamay at hinila papalapit sa isang lobo na pinakamalapit sa kanila.


Habang hatak hatak siya ni Andy ay hindi mapigilan ni Dale na damahin ang makinis na palad ng nauna. Hindi niya napigilang titigan ang kamay na iyon na bumabalot sa kaniyang kamay. Tila bumagal ang oras. Wala siyang pakielam sa mga nagtitinginan sa kanilang magkahawk na kamay dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay masaya siyang hawak ang mga kamay na iyon ni Andy at wala siyang balak pakawalan iyon.


Ganda!” parang batang saad ni Andy kay Dale na nagising sa kaniyang pag iisip ng malalim na nakapagpangiti ng matamis kay Dale saka iginawi ang tingin sa malaking lobo na nasa kanilang harapan na tinutukoy ni Andy.

Sakay tayo, gusto mo?” wala sa sariling tanong ni Dale na nagbura ng ngiti sa mukha ni Andy na ikinabahala ng nauna. Iniisip na baka may nasabi siyang masama.


S-Saan?” nagaalalang tanong ni Andy.


Dito oh.” sagot ni Dale sabay turo sa malaking lobo sa harapan nila.


No.” umiiling na saad ni Andy.


What---” nagtatakang tanong ni Dale kay Andy habang tinitignan nito ang pamumutla ng huli.


I-I'm afraid of heights.” pag amin ni Andy na agad naintindihan ni Dale.


Kasama mo naman ako eh.” wala sa sariling saad ni Dale na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ba nakapagpagaang ng loob ni Andy na hindi nagtagal ay nagtulak dito upang pumayag.


O-OK.”


Pikit mo na lang muna yung mga mata mo para hindi ka matakot as the balloon ascends.” saad ni Dale na sinunod naman ni Andy.

000ooo000


You can open your eyes now.” marahang saad ni Dale na agad ginawa ni Andy na isang napakalaking pagkakamali dahil agad siyang nahilo at natakot sa taas ng kanilang kinalalagyan.


Shit!” mura ni Andy sabay pikit muli ng mga mata at nagsimula ng magagagalaw na nagtulak kay Dale at sa nangangasiwa sa hot air balloon na iyon na mangamba sapagkat umaalog nadin ang basket ng kanilang kinalalagyan dahil sa pagpapanic ni Andy.


Wala sa sariling niyakap ni Dale si Andy mula sa likod upang mapigilan ito sa kakagalaw.


Shhh. Calm down. I'm not going to let you fall. I promise.” saad ni Dale na nakapagpakalma kay Andy.


Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 6]
by: Migs

Comments

  1. Pasensya na sa muling matagal na pag-update. Di ko narin po muna masasagot ang inyong mga comment. SOBRANG HECTIC NG SCHEDULE. :-( I love you all! Salamat sa patuloy na pagtangkilik! :-)

    ReplyDelete
  2. Yun! Una ba ako?

    Ivan D.

    >basa muna :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awts! Kinikilig ako. Ahahaha obviously dale is falling. Gusto ko na ung nalalaman ni andy na pinagpustahan lang sya! Mga ganyang conflict ang gusto ko ehh! Love you migz! Nice chapter! Sana wag masyado matagal :(

      Delete
  3. Pinaka nakakakilig so far.. Though it's all for the show..
    -icy-

    ReplyDelete
  4. Owww eeemmm geeee! Kinikilig ako! Advance Merry Christmas mr.Author!

    ReplyDelete
  5. may preview na ako ng mgasusunod na mangyayari, base na din sa style ng pagsusulat mo sa mga nakaraang kwento....

    baka may fast-forward ito sa chapter 8 or 9??? hehehehe

    ReplyDelete
  6. Ay grabe talaga migs..hahaha..sobrang nakakakilig..nung unang beses ko binasa kaninang umaga sabi ko sa sarili ko bat ang ikli ng chapter ngayon tapos binasa ko ulit ngayon ang haba pala..grabe di ko naramdaman ung haba ng binabasa ko dahil sa kilig..haha

    Grabe ang kulit ng mga little brothers ni andy. Personally talaga feeling ko love din naman ni allen si andy eh iba nga lang ang way nya ng pagpapakita dito

    And for dale bat di mo na kasi aminin kay andy ang lahat habang maaga.naku naman kawawa naman si andy pagnagkabukingan na

    Parehas kme ni andy migs madaling magmahal haizt. Kung meron lang nga sanang early detection system ang puso para sa mga manloloko eh. Eh di sana ang saya na ng life

    Anyways highways ingat ka lagi migs wag masyado magkapagod sa work.. hehe remind lang kita ha isa parin ako sa napakaraming ng hihintay ng karugtong ng CP just incase maisipan mo nang ishare o over ka na talaga sa mga pains nung mga panahon nayun..love you migs ingat ka tlaga palagi ha dahil ikaw ang georgr martin ng pilipinas para sa akin..haha

    -theresellama

    ReplyDelete
  7. naks ang sweet pero ang gusto ko ung may sampalan scene dahil malalamn na ni andy na pustahan lang siya..hehe pero alam ko din na mahaba pa ito at gaganda ng gaganda..di ba migs?

    ReplyDelete
  8. "Shhh. Calm down. I'm not going to let you fall. I promise." ~Dale.

    ~~~
    ~double meaning. Na fall na po si andy. Haha

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  9. dont let him fall Dale!!

    excited na talaga ako sa part na malalaman ni andy na pustahan lang, pero sa ngayon, eenjoyin ko muna mga kilig moments.

    thanks kuya migs sa update.

    Merry Christmas and Happy New Year. we love you. muah muah!!

    ReplyDelete
  10. Waaaa! Next na po :(((

    ReplyDelete
  11. Nakakakilig! Thanks author! Merry christmas :)

    Next please?

    ReplyDelete
  12. Di ko maisip ang mangyayari kapag nalaman ni Andy ang pustahan. Good Work po sir Migs!

    Neb

    ReplyDelete
  13. Next please author :) lavyu!

    ReplyDelete
  14. Well well anu ba naman ang iexpect mo kay migs. syempre the best pa rin ang mga stories mo grabe ang ganda kakakilig sobra hehehe.

    Merry Christmas Migs and Happy New Year....

    ReplyDelete
  15. next na po author :(

    vince

    ReplyDelete
  16. Asan na po next kuya Migs? I can't wait for the next chapter :( Sana po mahaba ung next please?

    > Darwin

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]