Breaking Boundaries 2[11]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nakarinig
si Andy ng mga malalakas na pamilyar na boses na miya mo nagtatalo.
Ito ay sa kabila pa ng kaniyang sinuot na earphones na kaniyang
binili para hindi siya naiistorbo sa kaniyang paggawa ng mga artikulo
para sa isang kilalang dyaryo dahil nga sa ingay na dulot ng mga
paguuntugan martilyo at kung ano pa mang bagay. Nagkamot siya sa
kaniyang ulo at naiiritang inalis ang earphones, nagbuntong hininga
muna siya bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Hindi
pa man siya nakakababa ng tuluyan ng hagdan at nabubungaran kung sino
ang nagtatalo ay alam na niya kung sino ang mga ito. Si Tom at si
Dale. Muli siyang nagbuntong hininga. Alam niyang walang magandang
maidudulot ang pagpunta doon ni Dale at pag-take over nito ng
pagre-renovate ng kanilang bahay pero wala siyang magawa tungkol dito
dahil ito ang gusto ng kaniyang mga kapatid.
Gusto
na niyang matahimik ang mga ito at alam niyang kung hindi siya
papayag sa mga gusto ng mga ito ay alam niyang hindi titigil ang mga
ito sa kakapilit at kakakulit sa kaniya. Hindi siya nakukuwa ng mga
kakakunsensya ng mga ito tungkol sa pambababoy di umano ni Tom sa
bahay ng kanilang ama dahil nga wala na siyang maramdaman pero
sinunod niya parin ang mga ito dahil gusto na niyang matapos ang
usapan tungkol sa pagwa-walang bahala niya sa mga dating ari-arian ng
kaniyang ama.
Maski
kasi ang galit, lungkot o kaya naman ang pagpapatawa sa kaniya ng
kaniyang mga kapatid ay hindi niya magawang maramdaman. Gumawa siya
ng isang napakatayog na pader na alam niyang walang basta basta
makakapagpatumba dahil ayaw na niyang maramdaman yung sakit na
naramdaman niya noon dahil lang masyado siyang nagpaubaya, masyado
siyang naging mabait---
---masyado
siyang nagpadala sa kaniyang damdamin.
Naabutan
niyang pinandidilatan ni Dale ng mata si Tom na may kasama pang
pagpintig ng ugat nito sa may sintido habang si Tom naman ay
nakapamaewang at mukhang hindi papatalo sa pakikipagtalo kay Dale.
Hindi niya muling napigilang magbuntong hininga nang maabot ng
kaniyang mga paa ang pinakahuling baitang ng hagdanan na iyon.
Tanging
ang mga kapatid lang ni Andy ang nakapansin sa kaniyang pagdating
dahil nakaharap man si Tom sa hagdanan na binabaan ni Dale ay naka
focus naman siya sa inis na inis na ring si Dale at si Dale naman ay
walang kaalam alam sa pagdating ni Andy.
“The
damn staircase is more than fifty years old, if you put the damn
statue of David that weighs more than four adult bodybuilders on the
top most step, the damn staircase will surely collapse!”
pagpupumulit parin ni Dale na ikinailing na lang ni Tom.
“The
statue is just half my size---” balik ni Tom.
“FOR
THE Nth TIME! WE ARE NOT TALKING ABOUT THE DAMN SIZE. WE ARE TALKING
ABOUT IT'S WEIGHT!”
“I
still don't get it. Andy, honey. Di ba mas maganda yung binili nating
si David sa taas ng hagdan? Imagine, parang may sumasalubong sayo
while going up the stairs---”
“I
was writing an article---” napayukong saad ni Andy sabay iling na
ikinataka ng lahat sapagkat taliwas ito sa tinanong ni Tom lalong
lalo na sa nangyayaring kaguluhan.
“Wha--?”
simula sanang paglilinaw ni Tom pero pumutok na ang galit ni Andy.
“I
was writing a fucking article! I was working! Inistorbo niyo
ako sa ginagawa kong trabaho dahil lang sa isang estatwa?!” galit
na saad ni Andy na ikinatameme ng lahat.
Habang
may nakatatak paring confusion sa mukha ni Tom sa ikinikilos ng
kaniyang nobyo, si Dale naman ay hindi mapigilang malungkot at
makonsensya. Para kay Dale, base sa ikinikilos ni Andy ay mahalaga
dito ang sinasabing pinagtratrabahuhan niyang article. Sa kabila ng
mga nanlilisik nitong mga mata, tensionadong kalamnan at nakasarang
mga palad na para bang manununtok ay hindi parin mapigilan ni Dale na
hilingin na sana ay mayakap niya si Andy at aluhin ito, gusto niyang
pawiin ang galit at lungkot sa pagkatao nito.
“When
will this fucking stop?!” nanggagalaiti paring tanong ni Andy sa
kaniyang mga kapatid na muntik nang makonsensya sa kanilang
pagtutulak kay Dale sa buhay ng kanilang kapatid.
Natigilan
si Dale. Alam niya ang ibig sabihin ng tinuran na iyon ni Andy at
hindi niya mapigilang malungkot. Alam niyang siya ang dahilan ng
madalas nitong pagkabalisa ngayon. Saglit siyang napayuko pilit na
nilalabanan ang paninikip ng kaniyang dibdib.
“Gawd!”
tila ba pagod na pagod at sumusukong saad ni Andy. Agad na nagtaas ng
tingin si Dale at nakita niya ang tila ba pagsuko ni Andy bago ito
naglakad palabas ng matandang bahay.
Kitang
kita parin ang pagkalito sa mukha ni Tom na nagsabi lang ng “I
still don't get it.” habang ang magkakapatid ay nagpapalitan nang
opinyon patungkol sa pinagaawayan kanina ni Tom at Dale habang si
Dale naman ay wala sa sariling naglakad palabas din ng bahay, kasunod
ni Andy.
000ooo000
Ayaw
sana ni Andy na gumawa ng eksena pero mahalaga sa kaniya ang article
na iyon at hindi niya napigilan ang sarili na mainis. Agad niyang
inabot ang isang kaha ng sigarilyo sa kaniyang bulsa pati narin ang
kaniyang lighter. Dali-dali niyang binuksan ang kaha ng sigarilyo at
muling nanlata at napabuntong hininga nang makitang isang stick na
lang ang andun.
Ang
isang stick na iyon ang nagpapaalala sa kaniya na iyon na ang huling
sigarilyo na matitikman niya sa buong buhay niya at hihithitin na
lang niya iyon kapag talagang stressed na stressed na siya. Isa ito
sa mga naisip niyang paraan para matigilan ang pagyo-yosi.
Muli
na lang isinara ni Andy ang kaha ng sigarilyo at muli itong pinasok
sa kaniyang pantalon. Iniisip na hindi iyon ang tamang panahon upang
aksayahin ang yosi na iyon.
Kitang-kita
ni Dale ang mga ikinilos na iyon ni Andy. Hindi niya mapigilang
malungkot. Walang bisyo si Andy noon, hindi niya lubos maisip na
andaming nagbago dito at maaaring siya lahat ang dahilan ng mga
pagbabagong iyon.
“I'm
sorry.” taus pusong saad ni Dale na gumulat kay Andy.
Rinig
na rinig ni Andy ang sinseridad sa sinabing iyon ni Dale na miya mo
ito sinabi gamit ang isang mega phone. Dahan-dahan siyang humarap
dito at wala sa sariling nagpakawala ng isang tawa, tawa na imbis
makabuhay ng loob ni Dale ay pinaingilabutan pa nito lalo na ng
biglang sumeryoso muli ang mukha ni Andy.
“Sorry?
Ngayon ka pa hihingi ng sorry?” napapikit si Dale sa mga itinuran
na ito ni Andy at kitang kita ito ng huli. Muli sa ikalawang
pagkakataon muling nakaramdam si Andy. Naramdaman niyang nasaktan
niya si Dale sa sinabi niyang ito, nakonsensya pa siya at nais niya
pang bawiin ito pero nang maalala niya ang nagawa nito sa kaniya ay
walang preno nanamang lumabas ang ilang mga salita sa bibig niya.
Ilang
masasakit na salita.
“I'm
actually glad you did what you did. If you didn't I could still be
the loser that I am before. Baka nandito lang ako sa Pilipinas at
walang nagawang tama sa buhay ko. Baka pinagpupustahan parin ako ng
ibang tao na aabuso ng kahinaan ko. Baka mahina parin ako ngayon at
inaapakan ng tao kaya wag ka ng mag sorry. Matagal ko ng tanggap yung
ginawa mo.” singhal ni Andy na may kasamang pekeng ngisi sa mukha
upang maitago ang sakit na nararamdaman habang inilalabas niya ang
sama ng loob na iyon.
Natameme
si Dale. Hindi niya alam kung anong isasagot kay Andy. Napayuko na
lamang siya dahil alam niyang tama lahat ng sinabi nito na lalong
nagtulak sa kaniya na ikahiya ang ginawa niya noon. Naramdaman niya
ang pag-galaw ni Andy sa kaniyang harapan agad siyang nagtaas ng
tingin at saktong nakita niya ang lungkot sa mukha ni Andy bago pa
iyon maging blangko muli. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang
sabihin dito na may naramdaman siya noon at hindi lang basta pustahan
iyon ng mga tangang bata pero ayaw bumuka ng kaniyang bibig, tila
dumikit sa kaniyang ngalangala ang kaniyang dila kaya't hindi niya
masabi ang nais sabihin.
“Excuse
me.” malamig na saad ni Andy saka muling pumasok ng loob ng bahay.
“Dale?”
tawag pansin ni Aeron na nakita at narinig lahat ng sinabi ng
kaniyang kuya. Agad naman siyang binigyang pansin nito at nakita ang
pagpapakawala nito ng isang malungkot na ngiti, walang duda upang
itago ang tunay na nararamdaman. Nais niya sanang sumigaw ng “Buti
nga sayo!” dahil kasalanan din naman ni Dale kung bakit siya
trinatrato ng ganun ng kaniyang kuya Andy pero habang tinitignan niya
ang ibayong sakit sa mukha ni Dale sa kabila ng malungkot na ngiti
nito ay alam niyang nagsisisi ito sa mga nagawa nito noon.
000ooo000
“Dale,
dito ka na kumain.” aya ni Allen kay Dale habang nagaayos ito ng
mga gamit bago umuwi. Ngumiti muna si Dale bago umiling.
“Hindi
na, Allen. Salamat na lang.” pagtanggi ni Dale sabay buhat sa
kaniyang bag at napasulyap sa papadaan sana na si Andy. Hindi ito
nakaligtas kay Allen na napailing na lang.
“Andy!
Ayain mo nga itong si Dale kumain. Hindi ko nakitang kumain yan ng
miryenda kanina, dahil inasikaso niya yung pagpapaayos ng hagdan.”
saad ni Allen bago pa man makalayo si Andy na napairap muna bago
muling humarap.
Sumulyap
muna saglit si Andy at pinigilan na lang ang sarili na umiling nang
makita niya ang umaasang mukha ni Dale. Gusto man niyang ipagtabuyan
si Dale at sabihing hindi ito imbitado ay hindi naman siya pinalaki
ng ganun ng kaniyang ama at mga kapatid kaya mabigat man sa kalooban
ay inaya narin niya si Dale.
“D-dito
ka na kumain.” saad ni Andy kay Dale na hindi mapigilang mapangiti
habang si Allen naman ay pinipigilan ang sarili na mapatawa sa
ikinikilos ng dalawa. Nang makita ni Allen at Andy ang pagtango ni
Dale bilang pagpayag sa pagaaya ng dalawa ay sabay sabay na silang
naglakad papunta hapagkainan.
Saglit
na natigilan si Dale at Andy nang mapansin nila na ang tanging mga
bakanteng silya ay dalawang magkatabing silya. Napairap muli si Andy
bago umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Tom habang si Dale naman ay
nangingiting tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ni Andy. Nang i-ahin
na ni Adrian ang kaniyang mga nilutong pagkain ay hindi mapigilan ni
Dale ang mapalunok ng sariling laway at si Andy naman ay hindi
napigilan ang sarili na sumulyap kay Dale at ngumisi.
000ooo000
Bahing.
Ang pagbahing ang tanda ng nagsisimula niyang allergy. Allergic si
Dale sa hipon at lahat ng inahin ni Adrian sa hapagkainan na iyon ay
may halong hipon, maski ang kanin na isinangag ay may pirapirasong
hipon, pero wala siyang magawa, hindi niya magawang tumanggi.
“Dale?
OK ka lang? Mukhang sisipunin ka ah.” nagaalalang tanong ni Adrian
kay Dale na ikinahagok naman ni Andy na hindi nakaligtas sa halos
lahat ng nasa hapagkainan na iyon.
“I'm
fine.” pagsisinungalin ni Dale.
“No
he's not fine ---” hindi mapigilang simula ni Andy, nais niya
sanang hindi na ituloy ang sasabihin pero para sa kaniya ay mas
nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin ng kaniyang mga kapatid
kung hindi niya ito itutuloy.
“---he's
allergic to shrimp.” umiiling na pagtatapos ni Andy na ikinangisi
naman ni Allen at Adrian.
Namula
ang pisngi ni Dale. Hindi dahil nahihiya siya na malaman ng mga
kapatid ni Andy na nahihiya siyang tumanggi sa mga alok ng mga ito
kundi dahil na-touch siya na naaalala pa ni Andy ang mga ganung bagay
tungkol sa kaniya. Hindi ito nakaligtas kay Andy at maging sa mga
kapatid nito.
“Naks!
Concerned si kuya.” bungad ni Aeron na ikinairap muna ni Andy.
“Allergy
lang yan---” malamig na saad ni Andy na hindi pinansin ng kaniyang
mga kapatid at nagpatuloy lang ang mga ito sa pangangantyaw.
“Saka
andami mo parin alam kay Dale ah.” pangaalaska ni Anthony na
ikinasamid ni Andy. Nakita niya sa gilid ng kaniyang mga mata na
nangingiti-ngiti si Dale sa sinabing iyon ni Anthony at ang patuloy
na pamumula ng pisngi nito.
Ang
nakita niyang iyon sa mukha ni Dale ay tila ba isang pangiinis sa
kaniya kaya naman hindi naman niya napigilang magtaray makabawi man
lang sa sinabing iyon ng kaniyang kapatid upang hindi isipin ni Dale
na nagaalala siya dito.
“Nagaalala?”
tanong ni Andy sa sarili sabay iling upang mabura ang ideya na iyon
sa kaniyang isip.
“Don't
flatter yourself.” pabulong na singhal ni Andy kay Dale na agad
nawala ang pamumula ng pisngi at nabura ang namumuong ngiti sa
kaniyang mukha sabay bahing.
Natigilan
ang lahat sa lakas ng bahing na iyon ni Dale at miya't miya pa ay
napawi ang tahimik na paligid ng malalakas na tawanan. Sa lakas ng
hindi inaasahang bahing na iyon ni Dale ay may lumabas na isang
mahabang pansit sa ilong nito dahilan upang tumawa ng malakas ang
lahat kasama si Tom pati narin si Andy.
Tawa
na matagal na niyang inaasam na marinig muli. Tila nabingi si Dale sa
tawanan ng iba pang tao na nandun at tanging tawa ni Andy ang
kaniyang naririnig.
Unang
pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay muling tumawa si Andy.
Tumawa ng totoo at hindi gwardyado. Kaya nahihiya man si Dale sa
nangyari ay hindi niya parin mapigilang matuwa dahil alam niya na
kahit papano ay unti-unti na niyang nasisira ang pader na ginawa
nito.
000ooo000
“Look
Dale, I think you should really go to the hospital--- you're uhmmm
lips are really swollen, dude.” nagaalalang saad ni Anthony kay
Dale.
“I
got it, dude.” nangingiting saad ni Dale kahit pa ramdam niyang may
mali sa kaniyang nararamdaman. Umiling lang si Anthony habang
nagaalalang pinapanood ang nagaayos na bago umalis na si Dale.
“Kuya
Adrian! Namamaga na lalo yung mga lips ni kuya Dale!” tila
nagsusumbong na batang sigaw ni Anthony sa kaniyang kuya.
Hindi
nagtagal ay biglang lumitw ang ulo ni Adrian sa may pinto ng kusina
at sinilip ang sinasabi ni Anthony kung may katotohanan ba ito.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang hindi na nga
nagbababahing si Dale pero namamaga naman na ang mga labi nito at
nagsisimula ng mamaga ang kaliwang mata nito. Hindi man siya duktor
ay alam niyang hindi na maganda at normal ang nangyayaring ito.
At
isang ideya ang pumasok sa kaniyang isip.
“Andy!”
nangingiting tawag pansin ni Adrian sa kaniyang kapatid.
000ooo000
“Why
me?” tanong ni Andy sa kaniyang kapatid na si Adrian.
“Anthony
doesn't have his Phil license with him yet, Aaron already left, Allen
doesn't know how to drive---” simula ni Adrian na agad pinutol ni
Andy dahil alam niyang nagdadahilan lamang ang kaniyang kuya.
“Eh
ikaw?” taas kilay na tanong ni Andy sa kaniyang kuya na agad
natameme pero mabilis ding nakaisip ng palusot.
“I-I---
still have to wash all the dishes.” saad ni Adrian.
“Whatever---”
simula ulit ni Andy.
“Adrian,
seriously. I'm OK. Bibili na lang ako ng gamot.” malungkot at
nahihiyang saad ni Dale na gustong gusto ng umalis dahil alam niyang
nakaksagabal na siya.
Tinapunan
ng tingin ni Andy si Dale. Hindi niya akalain na nakatayo lamang ito
malapit sa kanila at narinig nito lahat ng pinaguusapan nila ng
kaniyang kuya at alam niyang hindi rin nakaligtas dito ang kaniyang
pagmamatigas at pagtanggi sa ipinapakiusap sa kaniya ni Adrian, hindi
tuloy niya napigilang makaramdam ng hiya at pamimigat ng dibdib.
“Bakit
kailangan kong mahiya? Eh ano ngayon kung narinig niya na ayaw ko
siyang ihatid sa ospital. Wala pa yun sa mga panggagagong ginawa niya
noon sakin.” pagpapaalala ni
Andy sa sarili kaya naman sa kabila ng palalang palala na kundisyon
ni Dale ay hindi manlang kakitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha
nito.
Pero
kahit ano pa mang pagmamatigas ni Andy ay lahat nang iyon ay nalusaw
nang marinig niya ang mahinang pag-ubo ni Dale. Isang indikasyon na
delikado na ang lagay nito kung patatagalin pa nila.
“Shit!”
bulong ni Andy sa sarili dahil
alam niyang kaiinisan niya ang kaniyang sarili sa mga susunod na
gagawin.
“Fine.”
000ooo000
Hindi
alam ni Andy ang kaniyang nararamdaman. Pinaghalo-halo ito pero kung
tatanungin siya kung ano ang pinaka mas matimbang ay “takot”
ang kaniyang isasagot. Habang nasa sasakyan ay walang tigil sa
kakaubo si Dale, indikasyon na nahihirapan na itong huminga. Itinodo
niya ang pag-apak sa gas at walang humapay ang pindot niya sa busina
na siyang nagbibigay impormasyon sa ibang sasakyan sa high way na
emergency ang kanilang pagtakbong iyon.
Pagkadating
na pagkadating nila sa ospital ay lalong hindi mapakali si Andy dahil
nakikita niyang natataranta lahat, maski ang mga nurse sa pagaasikaso
kay Dale. Nagpapaliwanag sa kaniya ang isang nurse patungkol sa
pagkakaroon ng malalang allergic reaction si Dale at mabuti na lang
at nadala na agad ito sa ospital kung hindi ay malamang namatay ito
pero hanggang sa salitang “patay” lang ang naintindihan ni
Andy at hindi na niya naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi nito.
Umupo
na lamang siyang tulala sa isang tabi. Hindi parin alam kung ano ang
kaniyang dapat na maramdaman.
“Pwede
niyo na pong tignan yung pasyente niyo.” saad ng isang nakangiting
nurse kay Andy na gumising sa malalim nitong pag-iisip.
“O-OK
n-na ba siya?” nagaalala at naaalangang tanong ni Andy sa nurse.
“Yes,
he's OK---” patuloy lang sa pagpapaliwanag ang nurse sa mga gamot
na ibinigay at sa iba pa nilang ginawa kay Dale pero hindi na ito
pinakinggan ni Andy dahil ang marinig lang na OK si Dale ay tila ba
nagpalakas na sakaniyang loob at napawi na ang kaniyang pagaalala at
pagaalangan.
Wala
sa sariling nagpasalamat si Andy sa nurse at dahan-dahang pumunta sa
cubicle na kinaro-roonan ni Dale. Unti-unting nangunot ang kaniyang
noo at nagsimula na siyang magtaka. Sa loob ng cubicle ay nakakarinig
siya ng hagikgikan. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina at doon
nakita niya si Dale na nilalandi ng isang bading na nurse.
“Ayan
wala na yung pamamaga ng mukha mo. Pogi ka na ulit.” malanding saad
ng nurse na muling nakapagpahagikgik kay Dale na ikinataas naman ng
kilay ni Andy.
“Nagugutom
ako, nurse pwede ba akong kumain?” tanong ni Dale sa nurse na agad
namang ngumiti at inabot ang isang cup noodle na kaniya dapat
kakainin pero dahil nga nakyu-cute-an ito kay Dale ay handa niya
itong ibigay sa huli.
“Oo
naman. Eto oh---” saad ng nurse at aktong susubuan na sana ng nurse
si Dale nang wala sa sariling nagsalita si Andy.
“Nurse
nakakahiya naman. Ako na lang magpapakain sa pasyente ko.” saad ni
Andy. Hindi niya pansin ang tila ba nakakalasong tono niya sa
pananalita pero hindi ito nakaligtas sa dalawa sa loob ng cubucle.
Tumalikod si Andy upang isara an kurtina ng cubicle sa likod ng
kalalabas lang na nurse umiirap at nakasimangot dahil hindi man lang
siya matagal na nakipagmabutihan kay Dale.
Hindi
mapigilan ni Dale ang mapangiti.
“Oh
eto kumain ka. Hindi ka manlang nahiya dun sa nurse eh mukha ka
namang OK kailangan mo pang magpasubo ng pagkain. Daig mo pa ang
bata.” matigas na saad ni Andy. Kunwari'y pinapangaralan si Dale
pero alam ni Dale kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ito
nagkakaganito habang miya't miya ang pagsubo sa kaniya nito ng sabaw
na tila ba may intensyon itong lunurin siya.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 11]
by: Migs
Pasensya na po ulit sa sobrang late na post. Enjoy po. I love you all!
ReplyDeleteMaraming salamat po sa patuloy na pagsuporta!
SALAMAT! SALAMAT!
nakakakilig namn...umamin na kasi andy...si dale pa rin ang mahal mo......ako ba ang nakagold ngayon...mejo abangers ako dito sa kwentong ito nehhh...
ReplyDeleteNAks selos si Andy.....Ramy from qatar
ReplyDeleteHahaha selos agad namn c andy woooooohhgaling
ReplyDeleteYey!!!! Meron na! Basa muna. Comment later :)
ReplyDeleteIvan D.
malapit na! konti na lang matitibag na ang pader!
ReplyDeleteano kaya mangyayari kay tom?
haha..grabe migs ang weird parang puro kilig scenes naman pero naiiyak ako habang nagbabasa simula nung first line hanggang matapos..grabe so nakakahook talaga..dale is now starting breaking boundaries..haha..excited na ako..since nasa ospital sila sana mag make appear si charity..wis na ako care kay tom sana mamatay na lang siya..haha.
ReplyDeletebtw migs allergic ka ba sa hipon??kasi si eric parang allergic din sa hipon eh..correct me if im wrong ha..haha..wala lang..ingat lagi migs..love you..excited for next chapter
-therese llama
hahahaha.. saya..
ReplyDeletemarc
waaaahhhh, ayan naaa. he he he
ReplyDeleteAng seloso ni andy! Haha
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Thanks pala kuya sa pag extend ng story na to. Binigay mo talaga yung wish ko na sana upto chap. 15 thanks uli! :)
Delete~WaydeeJanYokio
Starting over again lang ang peg..well, slight dhil sa renovation etc. tpos si Piolo si Andy, Si Iza si Tom tpos Si Toni si Dale. Kaso M2M version. Lol. :)) Keep it up author! - Leo
ReplyDeleteweeeeeeeeee! thnx kuya migs! saya2x ng story :D
ReplyDeleteWaah bitin bu i love it! selos si andy at ang cute ni dale!!!
ReplyDeletethanks kuya migs.
--ANDY
I could not ask for more.. Really like the flow and development of this story.. Wishing for a Dale-Andy reconciliation and a Tom demolition.. Hahaha.. Melodramatic but not on the heavy side, actually it is more on the fun side.. Thanks for the update Migs.. :-)
ReplyDeleteGaling manghatak neto.
ReplyDelete- Poging Cord
Hi there I want to know if u will gonna update the "CHASING PAVEMENTS Book 5"?
ReplyDeletemay love pa din c Andy kay Dale...cute at kilig chapter. tnx migs.
ReplyDeleterandzmesia
Aru aru ang lande lang ni Andy hehehe ayaw pa kasing umamin mayroon pa rin siya nararamdaman kay Dale. He just need to open up and let go of the past.
ReplyDeleteThanks migs sa update have a great day
Hi Kuya Migs! Silent reader and avid fan niyo po ako wayback 2010 pa. Keep it up! Godbless! Back to back naman diyan! thanks hehe
ReplyDelete