Against All Odds 2[31]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Isang linggo. Isang linggo ang lumipas at binabagabag parin ang damdamin ni Mike ng emosyon na iniwan sa kaniya ni Dan nang makita niya itong nakikipaghalikan kay Ryan. Naguguluhan siya dahil bago sa kaniya ang kaniyang nararamdaman na iyon. Alam niyang hindi dahil ayaw niyang makakakita ng dalawang lalaki na naghahalikan dahil wala ni katiting na pandidiri naman siyang naramdaman noong nasaksihan niya ang halikan na iyon sa halip ay nakakaramdam siya ng galit. Galit para sa lalaking nakita ni Mike na kahalikan ng kaniyang kaibigan.


Galit na sa hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung saan nanggagaling.

Magkuwento ka pa tungkol sa friendship niyo noon ni Dan.” utos ni Cha kay Mike habang kinukulayan ng nail polish ang kaniyang mga kuko.


Ano ba kasing gusto mong malaman?” naiiritang tanong ni Mike dahil kanina pa niya sinabi kay Cha ang gumugulo sa kaniya pero hindi naman siya nito sagutin ng daretso at pilit na pinababalikan sa kaniya ang mga alaala nila ni Dan noon sa high school bago pa gumulo ang lahat.


Sino bang may sabing may gusto akong malaman? Diba ikaw 'tong may kailangan malaman?” pilosopong balik ni Cha na ikinaurat ng tuluyan ni Mike. Dahil sa inis ay wala sa sariling pumikit si Mike upang makapagpalamig sana pero muli lang bumalik ang kaniyang isip sa pagalala sa ilang nakaraan.


Ang hot talaga ni Trina.”


Ah Oo nga. Hot siya---” tila walang ganang segunda naman ni Dan habang pinapanood ang crush ni Mike na isang taon ang tanda sa kanila sa high school. “---Oo nga pala, pinagbaon ka ni Mommy ng sandwhich. Eto oh.” biglang sumiglang saad ni Dan saka inabot ang sandwich kay Mike na agad naman itong inabot at sinimulang kainin habang tinitignan parin ang kaniyang crush.


Nang mapansin na hindi na abot ng kaniyang tingin ang babae na kaniyang iniidolo ay sa iba na lang ibinaling ni Mike ang kaniyang tingin at nagkataon naman na kay Dan ito napunta. Nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Isang tingin na hindi katulad ng tingin na ibinabato nila sa isa't isa sa tuwing nagkakatulad sila ng iniisip na kalokohan, kundi isang tingin na puno ng pagpapahalaga.


At dahil sa naalalang ito ni Mike ay bigla siyang napabalikwas at saka siya nagka-ideya sa kung anong nangyayari sa kaniya.


Selos. Selos, katulad ng naramdaman niya noong mas iniintindi ng kaniyang mga magulang ang nakatatandang kapatid, nung mas binibigay ng mga ito ang hilig ng kuya niya. Selos dahil nasanay siya noon na nasa kaniya ang atensyon ni Dan at wala sa iba.


Pero may isang uri ng selos ang pilit ding sumisiksik sa kaniyang isip.


I-I love you.”


Napa-iling si Mike sa naalalang ito. Kahit gaano man kaganda sa pandinig ang mga salitang iyon ay hindi naman nito magawang mapangiti si Mike dahil ang mga sumunod sa mga salitang iyon ay ang kawalanghiyaan na habang buhay niyang pagsisisihan. Pero ang selos na kalakip ng mga salitang iyon ang sumisiksik sa kaniyang isip ngayon.


Nagulat at lumagpas ang kulay dilaw na brush ng nail polish sa kuko ni Cha nang biglang tumayo si Mike mula sa sofa at mabilis na lumabas ng pinto. Wala sa sariling napakamot si Cha sa kaniyang ulo at tinignan ang oras sa pader.


Tapos na ba ang session?” tanong ni Cha sa hangin pero agad ding tumahimik nang mapansing lagpas na nga pala sila sa oras.


Di manlang mag thank you o kaya goodbye manlang?” sarkastikong saad ni Cha.


0000oo0000


Napatigil sa paglalakad si Dan papasok ng mall kasama si Ryan nang may nakita siya sa hindi kalayuan. Si Mike, may kasamang babae at tila ba kumportableng kumportable na ang mga ito sa isa't isa. Ang mga galaw ng mga ito ay galaw na nagpapahiwatig o nagpapakita na intersado sila sa isa't isa. Kasabay ng pagtigil niya sa paglalakad ay hindi rin mapigilan ni Dan ang mapakunot ang noo.


Eh ano naman ngayon, Dan?” inis na tanong ni Dan sa sarili gayong hindi niya malaman kung ano ba ang dahilan ng bigla niyang pagkainis.


Kasabay ng nasabi na ito ni Dan sa kaniyang sarili ang muli niyang paglalakad at pagbato ng isang tingin kay Ryan na abala sa paglingon-lingon. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay hindi napigilan ni Ryan ang mapangiti ng matamis. Isang matamis na ngiti na sa hindi ulit maipaliwanag na dahilan ay hindi maibalik ni Dan.


0000oo0000


Naniniwala siyang nagseselos siya sa ipinapakitang atensyon ni Dan kay Ryan dahil noon ay siya ang nakakatanggap non mula sa kaibigan at yun lang iyon pero kailangan niya paring makasiguro kaya naman naisipan niyang makipag-date. Hindi nahirapan si Mike dahil ginagawa narin niya ito noong siya ay asa high school palang.


Madali man ito kay Mike ay tila ba naninibago siya ulit sa larangan na ito, nangangapa at nagaalangan. Maganda ang kaniyang kasama ngayon, maganda pa sa ilang mga babae na kaniyang naka-date ngayon pero balewala ito.


Dahil isang tao lang ang kaniyang nasa isip ngayon.


Tao na siyang nagpapatunay ng kaniyang kanina lamang ay hakahaka.


Haka-haka na kaniya lang ding naisip nang makaramdam siya ng kakaiba nang makita niya ang pagdadampi ng mga labi nila Ryan at Dan.


Inisip ni Mike na dahil hindi parin naman siya sigurado sa kaniyang naiisip na dahilan ngayon sa likod ng galit na nararamdaman nung nakita niya si Ryan at Dan na naghalikan ay itinulak na lang niya ang kaniyang sarili na mag-enjoy kasama si Lisa. Kaklase niya sa isa sa kaniyang mga subject, tutal hindi naman ito boring kasama.


You're really serious aren't you?” kunot noong tanong ni Lisa kay Mike habang pinagmamasdan ito habang naglalakad sila sa loob ng mall.


Wha---? Oh no---no. I was just thinking---” simula ni Mike pero agad din siyang pinutol ni Lisa.


So who is it? Who's the lucky girl?” sunod sunod na tanong ni Lisa kay Mike na agad natahimik at nangunot ang noo.


Wha--?” tanong ni Mike sabay bato ng tingin kay Lisa na umirap lang dahil sa hindi nasakyan ni Mike ang kaniyang nais sabihin.


You said you were thinking--- right?” umiiling na pagkukumpirma ni Lisa kay Mike na tumango lang.


Now I'm asking you who are you thinking about.” nangingiting tanong na ni Lisa habang umiiling.


Oh---uhmmm j-just thinking about this f-friend.” nauutal na sagot ni Mike, hindi alam kung bakit sinasabi niya ito kay Lisa gayong kalalabas pa lang nila at kakikilala para pakielaman siya nito.


If you're going to think about this friend all night long then you can bring me home now.”


Napatigil si Mike na ikinahagalpak naman sa tawa ni Lisa.


I'm just joking. You seem so stiff. Relax. Chill.” nakangiti nang saad ni Lisa na nakapagpangiti at relax narin kay Mike.


Nasa ganito silang tagpo nang dumating sila Ryan at Dan sa mall.


0000oo0000


Kamusta yung extra class mo?” nagaalangang tanong ni Ryan kay Dan. Nagaalangan dahil napansin niyang tila ba nawala sa mood si Dan nang pumasok sila sa mall na kanila ngayong kinakainan.


Drop it, Ryan. I told you he's not going to hurt me.” may pagka-iritang sagot ni Dan kay Ryan. Madalas na kasi nila itong pag-usapan at madalas na nauuwi sa away.


Sa ngayon, hindi ka pa niya sinasaktan kasi nakaka-isang klase pa lang kayo pero pano sa mga susunod?” nagaalalang balik naman ni Ryan. Hindi nakaligtas ito kay Dan na napabuntong hininga na lang. Inabot niya ang kamay ni Ryan.


I'm not going to let him hurt me again, Ry.” mariing paniniguro ni Dan kay Ryan na hindi alam kung bakit siya tumango-tango gayong alam naman niya na kahit anong sabihin ni Dan ay hindi niya parin pababayaan si Mike na makalapit dito at saktan ito.


0000oo0000


Oras nanaman para sa klase nila Mike at Dan. Si Mike di mapakali dahil hindi niya alam kung pano niya haharapin si Dan matapos ang kaniyang napagtanto kahit hindi pa siya sigurado dito, si Dan naman ay nagdadalawang isip din dahil hindi siya sigurado kung may punto nga ba si Ryan at dapat na ba siyang umiwas kay Mike bago pa man siya saktan ulit nito.


Pero lahat ng pag-aalangan ni Dan ay parang magic na naglaho nang magkasalubong sila ni Mike bago pa man ang oras ng klase nila na kinukumpleto ni Dan sa araw na iyon.


Hi!” nahihiyang bati ni Mike sabay kaway, ngiti at lapit kay Dan.


Nang makita ni Dan ang ngiting iyon ni mike ay tila ba hinila siya ng pagkakataon na iyon sa nakaraan. Tila ba nasa kaniyang harapan ngayon ang batang si Mike na masaya siyang binabati matapos nilang magkahiwalay ng ilang oras dahil sa pagiging hindi nila pagiging magkaklase at hindi ito ang Mike na nanakit sa kaniya at gumahasa.


Na tila ba ang Mike na nasa kaniya ngayong harapan ay ang Mike na natutunan niyang mahalin. Na ang Mike na nasa kaniya ngayong harapan ay iba sa Mike na sumira sa kaniyang buhay.


Ang ngiting nasaksihan na ito ni Dan ay nagtulak sa kaniya na wala sa sariling mapangiti din. Ang ngiting ito naman ni Dan ang nagtulak kay Mike na mapatigil sa gitna ng kaniyang paglalakad pasalubong kay Dan at pagmasdan saglit ang ngiti na iyon ni Dan na matagal na niyang hindi nakikita.


Ang ngiting iyon ni Dan ay nagtulak sa kaniya na muling maramdaman ang pakiramdam na mag-iisang linggo nang bumabagabag sa kaniya ang kaibahan lang ay may linaw na kung ano ang maaaring nagdudulot nito. Ang ngiting iyon ang nakapagpaintindi sa kaniya kung bakit hindi naging epektibo ang kaniyang plano ang pakikipagdate at mabura ang pakiramdam na dulot ng paglalapit nilang muli ni Dan.


Hindi mapigilan ni Mike na maisip kung gaanong kalaking bagay ang ngiti na pinakawalan na iyon ni Dan sa kaniya. Ang ngiting iyon ang nagtulak sa kaniya na muling maramdaman ang masarap na pakiramdam ng pagpapahalaga ni Dan sa kaniya noon. Ang pakiramdam na importante siya dito.


Hindi man niya maamin pa sa sarili ay hindi naman maikakaila ni Mike na matagal narin niya itong nararamdaman. Matagal narin niyang gusto si Dan, hindi bilang isang kaibigan, hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang tao na alam niya ay makakasama niya habang buhay.


Y-yes?” tawag pansin ni Dan kay Mike matapos nitong makalapit sa kaniyang pwesto


Ito ang gumising kay Mike sa kaniyang maraming iniisip. Ibinaling niyang muli ang kaniyang tingin sa mukha ni Dan at wala na ang gustong-gusto niyang ngiti sa mukha nito. Tila tuloy inalis lahat ng kaniyang lakas at kasiyahan sa blangkong mukha nito at tila ba nagsusupladong tono ng boses nito.


0000oo0000


Nang mapansin ni Dan na nagpapakawala siya ng ngiti papunta kay Mike ay agad niya itong binura at sumimangot. Pilit niya ring nilamigan ang kaniyang boses nang tawagin niya ang pansin nito. Ayaw niya kasing mapalapit ulit dito dahil ayaw niyang muling masaktan. Pumayag lang naman din kasi siya na ito ang magturo sa kaniya upang pareho na silang makausong mula sa nakaraan. Ribig na rinig nya ang sakit nang magmakaawa ito na patawarin siya. Sakit na alam niyang hindi man kapantay ng sakit na kaniyang nararamdaman ay sakit parin na maaaring sumira sa dating kaibigan.


At ayaw niya itong mangyari. Gusto na niyang kalimutan ang lahat at para kay Dan ay dapat siyang magsimula sa pagpapatawad. Pero hindi ibig sabihin na dahil sa napatawad na niya ito ay muli na silang magiging magkaibigan.


Para ano? Saktan niya ako ulit?” tanong ni Dan sa sarili.


Oh ---uhmmm--- I was just going to remind you about our class later---” simula ni Mike pero agad din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dan.


I'll come. I don't need reminding. Di na ako bata.” blangko muling sagot ni Dan na ikinatameme ni Mike at ikinayuko nito dahil sa hiya.


Y-you're right. I-I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Mike saka nagmamadaling lumayo kay Dan.


Hindi maiwasan ni Dan ang mapailing pero hindi rin niya napigilan ang sarili na malungkot at mamigat ang sariling loob dahil sa ginawa. Wala sa sarili niyang nilingon si Mike at lalong namigat ang kaniyang loob nang makita niya ang bagsak nitong balikat at nakayukong ulo habang naglalakad palayo sa kaniya.


0000oo0000


Nang tumuloy na si Dan sa may gymnasium para sa kaniyang isa nanamang klase kasama si Mike ay naabutan niya na tahimik na nakaupo at tila ba abalang-abala sa pagsusulat. Hindi ito nagtataas ng tingin kaya't hindi nito alam na papalapit na si Dan. Habang papalapit naman si Dan ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti.


Muli nanaman siyang hinatak ng pagkakataon sa nakaraan.


Kailangan naka-kagat dila kapag nagsusulat, Mikee?” tanong ni Dan kay mike nang maabutan niya itong nagsusulat sa isang maliit na papel sa kanilang terrace.


Hindi mapigilan ni Dan ang lalong mapangiti nang maalala niya ang mga sumunod na nangyari pagkatapos non.


Nagmamadaling itinago ni Mike ang papel na sinusulatan nito. Sinubukan ni Dan na kulitin ang kaibigan na ipakita ang tinatago nito sa kaniya ngunit nagmatigas ito hanggang sa sumama ang loob niya dito at maghapon itong hindi pinansin. Umuwi siya na masama ang loob sa kaibigan pero agad na napawi yun nung puntahan siya nito kinabukasan.


Nakangiti si Mike ng matamis at may inaabot sa kaniyang isang papel pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kaniyang kwarto.


Happy Birthday.”


Isa iyon sa pinakamasayang birthday ni Dan. Malayong malayo sa huling birthday niya. Inalis na ni Dan ang kaniyang pagtitig sa mukha ni Mike at inanunsyo na ang kaniyang pagdating.


Ehem.” paglilinaw ni Dan sa kaniyang lalamunan. Agad na nagtaas ng tingin si Mike habang kagat kagat parin ang dila sa pagsusulat, nagmadali itong ayusin ang pinaghalo-halong libro, papel at mga panulat sa lamesa.


I-I'm sorry. I was so loaded with homework that I forgot to make your written exam for today---” simula at tuloy tuloy na pagpapaliwanag ni Mike habang taranta paring inaayos ang kaniyang mga gamit sa lamesa. “I will just type this---” aligagang pagpapatuloy ni Mike nang pigilan siya ni Dan.


Anlakas ng loob na paalalahanan ako kanina, siya naman pala 'tong hindi pa ready.” saad ni Dan sa sarili at kating kati ng ibato kay Mike pero pinigilan niya ang sarili at iba na lang ang sinabi.


The computer laboratory is already closed.” matipid na saad ni Dan nang maisip niya kung ano ang plano ni Mike.


Huh?” napatigil na saad ni Mike dahil sa sinabi ni Dan.


I said it's already five o'clock and the computer laboratory is already closed. Wala ka ng pwedeng pag-type-an at pag-print-an, unless gusto mong maglakad ng malayo papuntang internet cafe two blocks away---” simula ulit ni Dan habang pinapanood ang unti-unting paglatay ng pagkadismaya at inis sa mukha ni Mike.


Shoot!” pabulong na singhal ni Mike saka tuluyang nilamon ng pagkadismaya. Iniisip na wala na siyang ginawang tama at lagi na lang nadadamay si Dan sa mga kapalpakan niyang ito. Hindi nakaligtas ito kay Dan kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na magsalita.


You don't have to type the exam. You know I can read your handwriting no matter how awful it is.” biro ni Dan saka hindi napigilan na magpakawala ng isang hagikgik.


Agad na nagtaas ng tingin si Mike at hindi mapigilan ang magulat at mapanganga sa pagbibiro na ito ni Dan. Naisip niya na imposible na ito ang nagbibiro sa kaniya dahil sa sandaling iyon ay tila ba pareho silang bumalik sa mga panahon kung saan hindi pa niya ito nasasaktan, kung saan hindi pa niya nasisira ang pagkatao nito.


Hindi mapigilan ni Mike ang mapangiti at mapakamot sa kaniyang ulo. Sa kabila ng hiya at kasiyahan na nararamdaman ay hindi parin nakalimutan ni Mike ang humiling sa may taas na sana ay tumagal ng habang buhay ang sandali na iyon.


Hinihiling niya na sana ay tumigil ang oras sa punto na iyon.


How about that exam?” kumportable at nakangiti ng tanong ni Dan kay Mike na hindi rin mapigilan ang mapangiti ng malaki saka inabot ang kagagawa niya lang na exam kay Dan.


Improving---” bulong ni Dan saka umupo at sinimulan ng sagutan ang mga tanong na isinulat ni Mike. Hindi naman nakaligtas ang pabulong na pasaring na ito ni Dan sa penmanship ng huli kaya't hindi nito napigilan ang lalong mapangiti at mapa-iling na lang.


Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi rin mapigilan ni Dan ang mapangiti habang nagsasagot. Hindi malaman kung dahil ba ito sa pang batang hand writing ni Mike o dahil sa pakiramdam ng pagiging kumportable ulit kay Mike.



Itutuloy...


Against All Odds 2[31]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Musta kayo? :-) Sensya na sa muling matagal na pag-update. :-(

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Dee: thanks! Please do follow my blog page and welcome to Miguel's Short Bisexual story. Looking forward to see your comments every after post! :-) What stories are you referring to nga pala?

    ANDY: Haha! Magpari talaga! Thanks sa patuloy na pag-comment! :-P

    akosichristian: Yup. They're offering me a new position sa hospital kaya lalong dumami ang trabaho. :-(

    WaydeeJAnYokio: haha! Manghuhula ka na din parang si aR? Haha!

    Jay!: thanks for supporting me always! :-)

    gavi: here's a back to back chapter for you! :-)

    Lawfer: salamat ginoong lawfer.

    Makki: sige ngiti ka lang di magtatagal iiyak ka ulit. :-)

    russ: tignan natin kung magkakatotoo ang hula mo.

    Frostking: sometimes the simplest words are the ones with greater impact. :-)

    marven cursat: haha! May fan base na pala sila Dan at Mike. Lol! :-) Thanks!

    Love Doctor: haha! May plot ka na talagang naiisip ah! We'll see! :-)

    Ryge Stan: thanks for hoping a meaningful life for me. Thanks! :-)

    cef de mesa: ganun ba. Haha! Thnaks! :-)

    riley de lima: masyado na bang dragging yung story? :-(

    Edmond: so you think dragging na ang story? :-(

    Johnny Quest: Let's see kung anong mangyayari kapag nalaman ni Ryan. :-)

    Seph: what are the things that I made you imagine? :-P

    Jumpin rooftops: thanks! :-)

    robert mendoza: salamat! :-)

    foxriver: haha! Inatyin na lang natin ang mangyayari kung totoong talo na ba si Ryan. :-)

    aR: hindi ka pa nasanay sa mga time skips ko. :-) at ginagawan mo nanaman ng story ng sarili mo ang story ko ah! Ahaha! Thanks!


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. you welcome migs! haha. yung against all odds. :)


      >> dee.

      PS. sana si ryan na dan talaga. :)

      Delete
  2. wow! galeng mo migz ah! bawing bawi ka na sa mga pagka bz sa mga nagdaang araw at mejo nagkakarun na ng improvemment ang samahan ni DAN AT MIKE. i observe sa knilang dalawa, but panu na kaya c RYAN? hmmm, sounds intriguing ba? he he he. tnx MIGZ

    ReplyDelete
  3. aw out of the picture c papa ryan :/
    peo kilig much naman sa mga eksenang dan-mike haha
    c cha sarap batukan haha wla lang ^w^

    muli, sulit na sulit ang paghhntay! salamat ng madami sa B2B chapter ginoong migoy na kahil di lingid sa kaalaman namin ang pagging sobrang abala mo’y d m pa dn kmi knakalimutan haha
    mamats tlaga ^w^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag lang sana maging contrabida si ryan sa huli. :(

      Delete
  4. Migs, salamat sa back to back na update.
    Natatakot ako na baka sa oras na ok na c dan at mike, saka naman papasok ang mga contrabida... ewan ko ba pero i really hate sad endings.

    ReplyDelete
  5. Thanks much migz sa back to back chapters. I glad everything is going smoothly between Dan and Mike kaso baka may panirang umiksena. I wonder what will happen after na magkaharapharap ang nanay ni dan at si dan mismo?

    Next chapter na po migz hehehe. enjoy your week.

    ReplyDelete
  6. waaaah!!! Hindi ko gusto ang ngyayari!!! Wag sana mainlove ulit si Dan kay Mike!!! Ryan-Dan lang!!!!!!! Si mike naman kasi!!! Friends na lang kayo ni dan please!!!!! Mukhang may kutob ang sa mangyayari!!!

    ReplyDelete
  7. Thankz sa back to back kuya Migz :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo Kuya, meron nang fan base ang dalawa magtandem.. at ako ang president.. hehehe :D

      At in favor talga ang episode nato sa dalawa.. kilig much :)
      masyadong highlighted ang "Sa Iyong Ngiti, akoy nahuhumaling" moment...

      at eto pa, mikee had already a feeling of someone's special to Dan even if before palang.. how sweet,, well paghirapan mung I back ang trust ni danny, mikee boy.. :)

      may 3 querries nalng ako:
      *1st why mikee didn't tell to dan's mother that they casually meet for a couple of weeks, even if he knows that, it is almost ruin the life of the mother when the time dan left their house.

      *2nd you told before na iiwan ni ryan si Dan for a certain circumstances, I wonder what kind of situation is it? Hmmpff..

      *3rd how mikee could win totally the trust of Dan, is there is a way or situation that Dan, might fall "In Love" again to him? and what is it?? hehehe

      Cge na Kuya Migz.. pasagot.. Kahit Hint or Clue lang.. Thankz.. Ingatz :)

      Delete
  8. Sabi na e...matagal nang may gusto si Mike kay Dan...pilit niya lang tinatanggi...ibig sabihin ba nun Kuya Migs... na noong hinalay niya si Dan...
    di lang dahil sa banggang siya sa droga, ginusto niya rin bang iparamdam kay Dan na mahal niya rin ito?

    Kung hindi man...kailan niya narealize na mahal niya si Dan? hahaha

    Paano na si Ryan...mukhang nadedevelop na muli si Dan kay Mike e :(

    Epic talaga...bagay ang theme na "First Love Never Dies" dito. Kudos! :D

    ReplyDelete
  9. Love it Migs!atleast ok na yung dalawa..hmm..si Ryan paano kaya pag nalaman nyang ok na yung dalawa?magwawala malamang haha!

    Take care Migs :)

    ReplyDelete
  10. Ah ewan! Kinilig din ako Kay MIKEE-DANNY haha. Ah bsta kung cnu nalang ung magpapasaya kay dan dun din ako! Haha

    Kuya may tanong pla ako ii-email ko nalang. Hehe

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  11. thanks for this back to back chapters.. hehe

    a little bit of kiligness though may tension pa rin but i still love it..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  12. nangangati na ako para sa next chapter! hehehehe
    sa tingin ko matagal pa ito, wala pa kasi closure kay melvin pati dun kay dave at mark. hindi pa din pumapasok uli sa scene yung mother ni Dan.
    kaka-excite na talaga...

    ReplyDelete
  13. winner grabe tong back to back na to panalo talaga...go team mikee-danny sana tuloy tuloy na to..hindi sa pang aaway sa iba jan ha pero feeling ko nagkakalamat na ang relationship ni dan at ryan..feeling ko magiging sobrang possesive ni ryan at masasaktan nya si dan di ko sure kubg physical or verbal...anyways highway panalo talga kinikilig ako na naluluha

    miggy thanks sa greetings soree di ako naka comment last wik busy eh..ingat lage miggy..salamat tuloy tuloy ba danny mikee moments..hehe

    -therese llama

    ReplyDelete
  14. Di ko na alam kung sino ang pipiliin ko...iba talaga ang dating ng Mike-Dan tandem.. Pero gusto ko talaga si Ryan.. :( waaaaaaaaaaaaaaaah.

    Thanks sa B2B chaps, sir! Lovet. :))

    Cheers!
    gavi :))

    ReplyDelete
  15. ganun? cguraduhing mapapaiyak mo ako migoy ha! LOL susulitin ko na lng muna ang pangisi-ngisi habang nagbabasa.. wala kang kupas! IDOL

    ReplyDelete
  16. Mike and dan pa rin ako

    #teresa of the faint smile

    ReplyDelete
  17. Author Mig!

    antaagl ng back2back mo! :D

    haha! somehow the feeling is mutual with Dan...anyways.hehe

    puro pamoment silang dalawa haha,and i feel bad kay Ryan, somehow..sana siya nalng, coz I got this feeling na magiging close sila..na ok lang naman basta sila ni ryan, ayooko mapunta siya kay melvin tss...

    sna filler lang si Lisa, haha baka maging best supporting character pa siyaXD just kidding, kaw bahala Author! kahit ano naman bet ko..

    so where are the 2 other guys? hmmm soon naba?

    -aR

    ReplyDelete
  18. ayun o! buma back to back si babe... hehe

    yan ang busy! pasalamat kaming lahat at despite your being always busy e nakapagpost ka pa nito...hehe pero bitiiiiinnnn pa din e!!! hahaha demanding? =) anyway, ano nga ba yung mga naiisip ko? hehe saka ko na sasabihin... =p

    --- ANONYMOUS (kunware di mo ako kilala kasi tinawag kitang babe e) baka maraming umaway sakin d2...hehe =)

    ReplyDelete
  19. Wala akong sinabing ganyan ha. =p

    I mean, mas nai-immerse ko sarili ko as if I were in the scene dahil hindi ako nagagambala ng time frame or anything.

    I don't care how long it'll take for this to end. Babasahin at babasahin ko pa rin 'to. =)

    - Edmond

    ReplyDelete
  20. haiist ngayon lang nakapagcomment...nganga namn kasi sched ko hospital gwin bang graveyard shift..ano ako bampira,,,

    pero kuya migs i love the story..kinikilig si ako.. rape scene ulit,,,haha joke...

    ReplyDelete
  21. ayan na ayan na!!! Nagiging close na ulet si Mikee at Dan...waaah panu si Ry.

    ReplyDelete
  22. OMG Like I'm so kilig for the progress between Mikee and Danny. And why do I speak like this? So conyotic. Hahaha..

    Seriously, napangiti ako dito. I used to do that before sa mga friends ko pag nagkakagalit kami.. Those awkward moments.. Ang sweet lang.. But I conclude, conclude ha.. Friendship lang talaga ang kay Mike at Dan. The special feeling will always be there but alam mong hindi na puwede. Hindi na maipipilit. Aw! Migs and Ed lang ching! Peace tayo migs! Hehe

    Thanks for backtoback chapters Migs. Don't forget to rest. ;))

    ReplyDelete
  23. hello kuya, joshua toh!!! sorry kung ngayon lng ako nakapag comment, btw bakit parang feeling ko may malaking gagampanan yung babaeng lisa na yun. hindi ko sure ha, pero muhkang may another kontrabida in the making na naman sa storyang to. kase napapansin ko sa mga stories kapag may character na hindi pinangalan or napadaan lang sa isang chapter ay wala na yun. pero iba ang naamoy ko kay lisa. parang may pagkadevilish ang aura.

    pero sana naman kuya wag mo nang dagdagan o patulan o gawing makakatotohan tong mga cunclusions ko. kawawa na masyado si dan eh, balik mo na lang sila dave at yung isa pa. hindi ko tuloy maalala :P

    galingan mo palagi kuya, idol kita eh!

    - joshua

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya pwede request, kakapalan ko na tlga muhka ko. bale magpapaalam sana ako kung pwede lng naman na i-post o ilagay ko tong AAO II sa page ko? pwede?

      kung hindi pwede okay lang kuya, I understand.

      basta abangan ko na lang sagot mo sa next chapter.

      salamat kuya :D

      - joshua

      Delete
  24. ancute ng habit ng 2 sa pagsusulat.. :p

    go push for the new position sir!!! break a leg!

    ReplyDelete
  25. im back migs heheeh but not for long..hiram lang ako ng netbook ehh..para mabasa ko ito..hahays sira n nmn kasi ang cpu ko huhuhu..

    anong ibig sabihin nito..mike and dan loveteam..pls dont.. G R R R...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]