Thursday, March 8, 2012

Different Similarities 1[9]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



This is not happening!” singhal ni Eric sa sarili niya sabay bato ng isang nakamamatay na tingin kay Alvin, nginitian lang siya nito na tila ba nangaasar pa.


Alvin! What are you doing here? Are you here with someone?” tanong ni Ardi habang nakaakbay parin kay Eric at naglampas ng tingin kay Alvin para makita nito kung sino ang isinama ng kaibigan sa sinehan.


Oh, hi! no--- uhmmm-- I'm actually by myself.” sabi ni Alvin sabay ngiti.



Nagkatinginan si Eric at Ardi, sa palagay ni Eric ay may nakapagsabi kay Alvin kung saan ang lakad nila ngayon kaya naman nagplano nanaman ito para sirain ang kanilang movie date ni Ardi, si Ardi naman ay nakatingin kay Eric, tila ba nagtatanong na 'OK ka lang?' tumango lang si Eric.



So what are you going to watch? We're here to watch---”


The Avengers!” pagtatapos ni Alvin sa sasabihin sana ni Ardi, napangiti si Ardi na ikinairap naman ni Eric.


Do something or you're going to lose Ardi to that prick!” dikta ng isip ni Eric. Magsasalita na sana siya nang manguna nanaman si Alvin papasok ng sinehan. Nagsisimula nanamang mainis si Eric.



Bago pa sila maghanap ng mauupuan ay napatigil saglit si Eric, tinignan niya ang dalawang kasama, nakita niya ang ngiti sa mukha ni Alvin, sa pakiwari niya ay nangyari na ang tagpong iyon. Sa kaloob-looban ni Eric ay alam niya ang nais sabihin ng kaniyang utak. Katulad na katulad iyon ng huling araw na nagkita sila ni Pat at Jake, katulad ngayon, nasa gitna muli siya, nasa gitna ni Ardi at Alvin. Kung noon ay siya ang ex na habol ng habol kay Pat at si Jake ang paulit ulit na naiitsipwera, ngayon siya naman ang bagong salta at si Alvin naman ang habol ng habol sa kaniyang ex.



Alam ito ni Eric pero katulad kagabi, nagbulag-bulagan ulit siya, nabulag nanaman siya ng kaniyang nararamdaman.


Nang makatapat na sila sa kanilang napiling upuan ay agad na nanguna si Eric para narin makatakas siya kay Alvin dahil di niya na alam kung ano ang maaari niyang gawin kapag umabot na sa sukdulan ang inis niya dito.



Hey, I forgot to buy drinks for Eric and I, I'll be right back.”


Ardi, wait!” sigaw ni Eric pero hindi na siya narinig nito dahil nagmamadali na itong bumalik sa tindahan ng popcorn.


Shhhh!” saway ni Alvin sabay tabi kay Eric.


Shhh shhh-hin mo mukha mo! The movie hasn't started yet you dumbass!” naiiirita nang singhal ni Eric, nakalimutan na niya na nakakataas niya sa trabaho ang kaniyang sinisinghalan. Napahagikgik naman si Alvin.


That is not the right way to speak to your supervisor, you know.”


Well, supervisors are not supposed to be in a movie theater ruining his subordinates budding relationship!” singhal ni Eric saglit na npatigil si Alvin na tila nagiisip ng malalim, pero ilang segundo lang at narinig ni Eric ang paghagok nito na tila ba nagsasabing 'oh c'mon', magsasalita na sana ulit si Eric nang magsimula na ang pelikula.


Yey!” parang batang sabi ni Alvin nang lumabas na ang paramount pictures bilang hudyat ng pagsisimula ng pelikula.


Want some popcorn?” alok ni Alvin kay Eric pero hindi siya pinansin ni Eric.


You're a class A asshole you know that?!” singhal ni Eric.


Shhhh! It's starting already!” bulong naman ni Alvin sabay ngiti.


Hey dude, that's my seat.” sabi ni Ardi, biglang napabuntong hininga si Eric, dahil sa wakas ay hindi na siya magtitiis magisa na kasama si Alvin.


About time, Ardi.” bulong ni Eric sa sarili.


You can sit there dude, I'm to lazy to get up and besides the movie is already starting.” pagtanggi ni Alvin na paupuin si Ardi sa tabi ni Eric, alam ni Eric ang gustong mangyari ni Alvin, inilalayo nito si Ardi dahil ayaw niya na lalo pa sila nitong magkalapit.


What?!” pabulong na singhal ni Eric.


Shhhh!” sabi ng lalaking nanunuod din sa bandang likuran nila.


Alvin, that's my seat!” singhal naman ni Ardi.


Tol, di namin makita yung pinapanood namin, pwede bang umupo ka na?!” singhal naman ng isa pang nakaupo sa likuran ni Ardi. Wala ng nagawa si Ardi at umupo na sa kaliwa ni Alvin habang si Eric naman ay walang magawa kundi ang manatili na lang sa kanan ni Alvin.


What the hell are you trying to do, Alvin?!” singhal ni Ardi, napabuntong hininga ulit si Eric, sa wakas kasi ay nakuwa narin ni Ardi ang mga ginagawa ni Alvin at ang pagplaplano nito na paghiwalayin sila.


Just trying to watch the movie, dude, what the hell do you think I'm doing?” sarkastikong balik ni Alvin, nakita ni Eric kung pano nagtense ang panga ni Ardi at mamula kahit pa na may kadiliman sa loob ng sinehan.


We're going to talk about this later!” singhal ni Ardi.



Hindi parin mapanatag si Eric kahit pa na alam na ni Ardi ang binabalak ni Alvin. Sa palagay niya ay parang may kulang. Parang may mali.



0000ooo0000



Habang nasa loob ng sasakyan ni Ardi si Eric ay mataman niyang pinapanood si Ardi at Alvin na nagtatalo sa di kalayuan, pilit niya paring iniisip kung ano ang mali na kanina pa niya nararamdaman pero hindi parin niya ito maisip. Hindi nagtagal ay nakita ni Eric ang mukhang galit na galit na si Alvin, iginawi niya ang tingin niya kay Ardi na namumula at umiiling na naglalakad papunta sa sasakyan.



Are you OK?” tanong ni Eric kay Ardi pagkasakay na pagkasakay nito ng sasakyan.


I-I'm fine---” may pagkamatigas na sabi ni Ardi, pilit na itinatago ang kaniyang nararamdaman. Hindi na lang ito pinansin pa ni Eric, natatakot siya na lalo pang masira ang araw ni Ardi.


I-I just can't believe that Alvin would pull a stunt like that.” umiiling na sabi ni Ardi, wala na lang masabi si Eric kaya't ibinalot na lang niya ang kaniyang kamay sa kamay ni Ardi. Sa ginawa niyang iyon ay muling lumatay sa mukha ni Ardi ang ngiti.


Want to go to my rooftop?” tanong ni Ardi sabay ngiti, may napansing kakaiba sa mga ngiting iyon si Eric.


Sure.” sagot ni Eric sabay ngiti, nagulat siya ng biglang tumuon si Ardi palapit sa mukha niya at hinalikan siya daretso sa labi.



Habang nilalasap ni Eric ang lasa at lambot ng mga labi ni Ardi ay siya namang laro ng dila ng huli sa pagitan ng labi ni Eric, nangungusap na papasukin siya, hindi siya binigo ni Eric at nagsalubong ang kanilang mga dila, hindi maipaliwanag ni Eric ang kaniyang nararamdaman, matagal tagal narin simula nung ma makahalikan siya katulad noon.



Wow.” sabi ni Eric sabay hagikgik naman ni Ardi, hindi masasabi ni Eric na puno ng emosyon ang halik na iyon dahil ang tangi niya lang nagawa ay magpadala sa ginagawang paghalik sa kaniya ni Ardi.


Don't worry, babe, I'll kiss you again later.” sabi ni Ardi, napangiti na lang si Eric habang iniisip kung ano ang maaaring nangyari o kung ano ang napagusapan ni Ardi at Alvin at tila ba nagmamadali ngayon si Ardi sa kanilang namumuong relasyon.



0000ooo0000



Tila may gumugulo kay Ardi habang nakatingin siya sa nagkikislapang ilaw ng ibang matatayog na building sa paligid sa kanila ni Eric, muli nasa roof top sila ng building kung saan may nire-rentahang unit si Ardi. May ideya si Eric kung ano ang maaaring gumugulo kay Ardi, sa nakita niyang pagtatalo kanina nila Ardi at Alvin ay hindi malayong nagkasira ito at alam ni Eric na iyon ang iniiwasang mangyari ni Ardi dahil si Alvin na lang ang natitira niyang tunay na kaibigan.



Nang hindi na makayanan ni Eric ang pagtahimik ni Ardi ay pinili niyang tanungin na ito.



Ardi, are you OK?” pabulong na tanong ni Eric, tila naman nagising o naalimpungatan sa pagkakatulog si Ardi dahil patalon itong humarap kay Eric.


I'm sorry.” balik naman ni Ardi.


Is it because of Alvin?”


I-I don't want to talk about it now.” sabi ni Ardi sabay yuko.


OK.” sagot na lang ni Eric, ibinalik na ni Eric ang kaniyang tingin sa mga nagkikislapang ilaw kaya't hindi niya napansin ang biglang pagbalot ng mga bisig ni Ardi sa kaniya at ikinulong siya sa isang mainit na yakap.


Sorry for ruining our movie date, babe.”


There it goes again.” sabi ni Eric sa sarili, naninibago parin siya sa bagong takbo ng kanilang relasyon ni Ardi, bago ang movie date nila nung hapon na iyon ay hindi naman siya tinatawag na 'babe' ni Ardi at hindi ito masyadong touchy.


Ibig sabihin ba nito official na na kami?” tanong ni Eric sa sarili bago sumagot kay Ardi ng...


Any day, any date will not be ruined as long as you're with me, babe.” balik ni Eric, binigyang diin ang salitang babe, maiparating lang kay Ardi na OK na sa kaniya ang tintakbo ng kanilang relasyon.


I deserve this. I deserve to be happy.” sabi ni Eric sa kaniyang sarili sabay harap kay Ardi at isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi ng kaniyang kapareha.



0000ooo0000



Nang magising si Eric ay hindi niya maiwasang mapangiti, nakayakap parin sa kaniya si Ardi, walang damit na naghihiwalay sa makikinis nilang mga balat. Hindi makapaniwala si Eric, hindi niya matandaan ang huling pagkakataon na naging ganun siya kasaya, hindi na siya inosente bago pa man sila magkakilala ni Ardi, marami narin siyang nakasiping pero iba ang kasiyahan na nadarama niya ngayon.



Ang hindi lang masabi ni Eric ay kung ang kaligayahang kaniyang nararamdaman ay dahil sa nahanap na niya ang kaniyang mamahalin o dahil sa may katagalan narin ng huli siyang may makasiping. Hindi na niya nalaman ang sagot sa sarili niyang tanong dahil naramdaman na niya ang paggalaw ni Ardi sa kaniyang tabi.



Goodmorning.”


Goodmorning.”



At katulad ng nakalipas na gabi ay muli nilang nilasap ang init ng kani-kaniya nilang katawan.



0000ooo0000



Napansin agad ni Eric ang kakaibang kinikilos ni Alvin sa opisina, inisip niya na lang na dahil iyon sa pagtatalo nila ni Ardi, kung hindi lang siya masyadong naaasar kay Alvin ay baka naawa na si Eric dito. Napansin niya ang hindi sinasadyang pagsasalubong ni Ardi at Alvin, nagtama ang mga tingin nito pero agad na nagiwas ng tingin si Alvin at umiling sabay pasok ng kaniyang opisina, ibinaling ni Eric ang tingin niya kay Ardi, namumula ito, dahil sa pagkapahiya o dahil sa galit hindi niya alam.



0000ooo0000



What the hell, Ardi?!” singhal ni Eric, nasa kama sila ngayon ni Ardi, inaya ni Ardi si Eric na mag dinner sa unit niya, naisip na lang ni Eric na kailangan ni Ardi ng distraction matapos nilang magkasira ni Alvin. Bago pa man maihanda ang hapunan ay napangunahan nanaman sila ng init ng katawan, pero habang nagtatalik ang dalawa ay hindi mapigilan ni Eric ang mapansin masyadong marahas na pagulos ni Ardi sa kaniya.


I-I'm sorry, I just carried away..” bulong ni Ardi sabay tayo. Sa ilang beses nilang pagsisiping ni Ardi ay ngayon lang ito hindi pumirmi sa kama matapos ang kanilang pagtatalik, kaya kasama ng marahas na pagulos kanina ni Ardi at ngayon ay pagiging malamig nito ay agad na nabahala si Eric.


Carried away? It felt more like a grudge fuck to me!” singhal ni Eric, pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.


I'm sorry.” sabi ulit ni Ardi sabay punta sa C.R.



Hindi na inintay pa ni Eric si Ardi at agad na siyang nagbihis, habang nagbibihis ay hindi niya parin maintindihan kung bakit bigla bigla na lang nagbago ang pakikitungo ni Ardi sa kaniya, ilang araw lang ang nakalipas ay ang sweet sweet sa kaniya ni Ardi pero ngayon ay malamig na ito sa kaniya. Nang lumabas si Ardi ng CR ay agad na nagpaalam si Eric na uuwi na siya.



OK.” ang tanging sagot ng huli, hindi manlang pinigilan o kaya ay i-hatid manlang si Eric pauwi.



Hindi na nagsalita pa si Eric, mabilis siyang lumabas ng unit ni Ardi at umuwi. Pakiramdam niya ay ang cheap-cheap niya, pakiramdam niya ay tila ba ginamit at nagpagamit siya, muli niyang naramdaman ang kaniyang naramdaman noon sa pagitan nila ni Pat sa tuwing magkikita sila sa likod ni Jake.



0000ooo0000



Mabilis na pumasok si Eric sa kaniyang kwarto, mabuti na lang at wala sa apartment si Ted dahil hindi alam ni Eric kung ano ang sasabihin niya dito kung sakaling nagtanong ito kung bakit siya umiiyak. Isinalampak ni Eric ang sarili sa kaniyang kama at marahang umiyak, nagagalit siya sa sarili niya, nakaramdam siya ng konting pandidiri at pagsisisi. Muling tumakbo sa isip ni Eric ang reaksyon ng mukha ni Ardi bago sila maghiwalay nung gabing yun, malamig ang pananalita nito, tila isang puta si Eric na matapos niyang pagsawaan ay babalewalain na lang niya.



Umiling si Eric at isina-isang tabi na lang ang kaniyang iniisip. Inisip niyang hindi ganun si Ardi, inisip niya na may problema lang ito, masama ang loob kay Alvin dahil sa mga inaasal nito. Naisip niya rin na hindi naman ganun karahas si Ardi sa tuwing nagse-sex sila, itong pagkakataon lang na ito dahil masama ang loob niya kay Alvin.



Tama, hindi lang maganda ang araw ni Ardi kaya ganon, hindi dapat ako nagpaka sensitive at iniwan na lang ng ganun si Ardi, kailangan niya ako ngayon, dapat kinausap ko na lang siya imbis na nag walk out na parang bata.”



At sa naisip na iyon ay tumayo na si Eric mula sa pagkakasalampak sa kama niya, nagayos ng konti at tumungo na pabalik sa condo ni Ardi.



0000ooo0000



Walang Ardi na sumagot sa pinto, napasandal na lang si Eric sa pinto at pumadausdos pababa sa sahig, naisip niya na iniwan niya sa ere si Ardi lalo na ngayong kailangan siya nito dahil sa problema nila ni Alvin. Nanlulumong tumayo si Eric, naisip niya na walang mangyayari kung magmumukmok siya, sinimulan niyang i-dial ang number ni Ardi sa kaniyang telepono. Walang sumasagot. Naisipan niyang intayin na lang na ibalik ni Ardi ang kaniyang tawag o kaya naman hayaan na lang muna na lumamig ang ulo nito bago sila magusap, na ipagpabukas na lang para maayos silang magkausap.



Napagpasyahan din ni Eric na kailangan niya ring magpalamig kaya't dumaan siya sa isang mall at naglibot. Abala siya sa pagtingin sa mga nakadisplay sa bintana ng isang boutique nang may makabanggaan siya. Agad na muling uminit ang ulo ni Eric nang makita kung sino ang nakabangga niya. Si Alvin. Ang puno't dulo ng kaguluhan nung gabing iyon.



Gawd! You're everywhere are you?! Why can't you just leave us alone!” singhal ni Eric, napataas na lang ng kilay si Alvin, umiling naman si Eric, hindi makapaniwala na nailabas niya ang kaniyang nais sanang isa-isip na lamang na kumento. Nung una ay may galit at pagka-irita ring makikita sa mga mata ni Alvin pero nung mapagmasdan nitong maigi si Eric na tila nilalamon ng depresyon ay agad na lumambot ang reaksyon ng mukha nito, ang galit ay napalitan ng pagaalala.


Are you OK, Eric?” sabi ni Alvin habang sinusundan si Eric na papunta sa mga upuan sa di kalayuan. Umiling lang si Eric, may pagkairita parin sa mga mata nito.


I'm sorry, I didn't mean to lash out at you like that.”



Saglit silang binalot ng katahimikan.



Why did you do it?” wala sa sariling tanong ni Eric. Napatitig saglit sa kaniya si Alvin, naguguluhan.


Why did I do what?” tanong ni Alvin, kahit papano ay alam niya na kung san tutungo ang usapan na iyon, naikunekta na niya kung bakit tila binabalot ng depresyon ngayon si Eric at kung ano ang mga tinatanong nito. Nagsimulang balutin ng galit ang buong katawan ni Alvin.


Why did you risk hurting Ardi just to hurt me? I thought you were friends---”


Eric, that is not what you think is happening. Eric, I need you to listen to me carefully---”



Hindi na naituloy ni Alvin ang kaniyang sasabihin dahil naramdaman niya ang kaniyang cellphone na nagvibrate, agad niya itong tinignan, binalot siya ng galak at tila ba naitsepwera na si Alvin na nagaalalang nakatingin sa kaniya.



Hello, Ardi?” sagot ni Eric.


Hellowww? E-Eric? Where are you? I need you here baby.”



Agad na binalot ng pagaaalala si Eric, hindi naglalambing ang Ardi na nasa kabilang linya, ang Ardi na nasa kabilang linya ay tila isang batang nawawala at takot na takot.



Ardi? Ardi, baby, Where are you?” kinakabahang tanong ni Eric lalo pa siyang natakot nang dial tone na lang ang sumagot sa kaniyang tanong.



Itutuloy...





___________________________________
Different Similarities 1[9]
by: Migs

10 comments:

  1. Wow! Kakabitin! Eric-Alvin kaya?! Ardi-Ted, back on each other? Eric-Ardi, walang magic and fireworks. LOL Ang kulit ng kwento mo Migs. Nakakatuwa! Ang sarap basahin. Kinikilig ako pag Eric-Alvin ewan ko basta. Ano kaya problema ni Ardi? Maybe Ted is doing something behind Eric. Galing talaga. Sana mern ulet update mamaya. Hahaha excited much?!!! Luv u Migs.

    ReplyDelete
  2. waaaah!!! Its Alvin-Eric story!!!!!!

    Basa muna ulit!!!

    Gusto ko part na to..

    “Shhhh!” saway ni Alvin sabay tabi kay Eric.

    “Shhh shhh-hin mo mukha mo! The movie hasn't started yet you dumbass!”

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. Naku halata na! Alvin-Eric nga siguro ito!

    Alvin-Eric loveteam na ako ngayon. Haha!

    Ted-Ant-Ardi. Lol.

    Sana may update na ulit mamaya. Haha! Ang bilis ng update. Bumawi talaga si kuya migs. Thanks ha.

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. Ang kuleeeeet ni Alvin. Luv ko na sia para kay Eric.

    ReplyDelete
  5. Ano ba Migs, nagugulo na talaga utak ko. Eric-Ardi, Eric-Alvin, Ardi-Alvin, Ardi-Ted or Ted-Alvin? Nawawala tuloy yong focus ko sa story. Kase ginugulo nila ung essence ng story. Lol ginulo talaga. Hihihi


    -=Myco=-

    ReplyDelete
  6. self proclaim parin ako! ted-eric hahaha..nagulat naman ako kanina lang lumabas then again after 12 hours meron ulit hehe..

    ReplyDelete
  7. ang bilis naman mr. author may update kaagad hehehehehe. mas ok siguro kung ERIC-TED. mas masaya siguro pag naging TED-ANT hahahahaha. pero seryoso mas ok sa akin ang TED-ERIC. ERIC-ARDI sex agad?

    -Mike

    ReplyDelete
  8. Alvin doesnt want Ardi anymore Eric... ikaw ang gusto niya, kaya't pilit ka niyang pinananalayo kay Ardi..

    ReplyDelete
  9. sa chapter na to, parang may sparks between alvin and eric, parang yung feeling lang nung binabasa ko yung story ni chino at chris nung lagi sila ngaaway. Hehe.

    --ANDY

    ReplyDelete