Friday, March 16, 2012

Different Similarities 1[13]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Naluluhang muling tumingin si Shelly kay Eric, kitang kita ni Alvin ang takot sa mga mata nito pero naguguluhan parin siya at gusto man niyang pigilan si Eric sa ginagawa nito ay alam naman niyang hindi ito papapigil sa kaniya dahil kitang kita niya na galit na galit din ito. Pabaling baling ang tingin ng lalaking kasama ni Shelly mula sa lalaking hindi niya kilala na nanlilisik ang mga mata papunta kay Shelly na hindi mapakali at mukhang takot na takot.



You listen to me, bitch and listen to me good. After I'm done talking to you, you will stand up and go home to my father and tell him you're cheating on him.” singhal ni Eric.


Have some respect---!” simula ng lalaking kasama ni Shelly, na agad ding tumiklop nang tignan siya ni Eric.


Shut up!”


A-and if I don't?!” sabi ni Shelly, sinusubukang tapatan ang pananakot ni Eric. Tinawanan lang siya ni Eric, pero imbis na gumaan ang loob ni Shelly dahil sa tawang iyon ay lalo siyang natakot.


If you don't then I will tell him myself and with this picture, I'm sure he will be convinced.” sabi ni Eric sabay ipinakita kay Shelly ang litrato sa kaniyang cellphone.


Do I make myself clear, bitch?!” singhal ulit ni Eric, wala ng nagawa si Shelly kundi ang tumango.


Now you, dick head, stay clear from this bitch or you will see yourself being tried for adultery.” singhal ni Eric sabay talikod at nanggagalaiting naglakad palayo.



Hinabol ito ni Alvin, hindi alam kung pano kukunin ang pansin ni Eric, alam niyang galit 'to, at alam niya ring nasasaktan ito para sa kaniyang ama, Oo, normal ang magalit sa kaniyang madrasta lalo na sa nalaman nito pero pakiramdam niya ay may malalim pang pinanggagalingan ang galit na iyon at iyon ang gustong malaman ni Alvin.



0000ooo0000



Muling binayuot ni Eric ang kaniyang panganimnapung papel kung saan siya gumuguhit ng design ng isang bahay para sa isang kliyente, simula ng masira ang kaniyang umaga ay nagtuloy-tuloy na iyon, ni hindi siya umusad sa unang proyektong ginagawa niya. Nakakuwa siya ng ilang nagaalalang tingin mula sa kaniyang mga katrabaho pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Sa tuwing kakausapin siya ng mga ito ay magalang niya itong sinasagot at kinakausap din pero hindi niya kadalasan iyong na-aabsorb.



That's it! Stop drawing!” nafru-frustrate ng sabi ni Alvin na ikinagulat ni Eric.


Wha---?”


You haven't finished anything and you're moving like a robot who is running out of battery. You haven't even noticed that it's past 6pm already!” sabi ni Alvin sabay lapit kay Eric, hindi niya alam kung ayos lang ba dito na umarte siya bilang kaibigan nito dahil sa totoo lang ay hindi pa alam ni Alvin kung saan siya lulugar dito, gusto niya itong suportahan sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito pero nagaalangan siya. Ramdam niya parin ang galit na nagmumula kay dito.


Eric, You're scaring me.” bulong ni Alvin. Agad na tumingin si Eric kay Alvin at nakita niya din ang matinding pagaalala.


I'm sorry.” balik ni Eric, tumango lang si Alvin.



Muli silang binalot ng katahimikan. Hindi parin alam ni Alvin kung pano pa kakausapin si Eric kaya't minabuti na lang niyang bumalik sa kaniyang opisina para ayusin ang kaniyang gamit at umuwi na lang. Nang makalabas siya ng kaniyang opisina ay hindi na niya naabutan si Eric sa lamesa nito, kaya't bagsak balikat at nakuyko siyang naglakad papunta sa mga elevator, iniisip na wala siyang naitulong sa namomroblema at nasasaktan na si Eric.



You know, you never did buy me a whole cow.” saad ni Eric na ikinagulat naman ni Alvin. Nang makabawi sa pagkakagulat si Alvin ay matipid siyang ngumiti at sabay na silang naglakad papunta sa isang restaurant.



0000ooo0000



Tahimik lang si Eric at alam ni Alvin na malalim parin ang iniisip nito at hindi parin alam ni Alvin kung pano ito kakausapin kaya't laking pasasalamat niya ng ito ang unang nagsalita.



I'm sorry if I behaved like a jerk the whole day.” umpisa ni Eric.


It's cool, you scared me though.” sagot naman ni Alvin na ikinahagikgik ni Eric.


What?!” nangingiti-ngiting tanong ni Alvin, hindi alam kung bakit tumatawa si Eric.


Nothing. It's just, you're Alvin Montreal, The Alvin Montreal, you don't get scared that easily.” sabi ni Eric sa pagitan ng mga paghagigkgik.



Binigyan ni Alvin si Eric ng isang masuyong tingin, hindi niya kasi inaasahan na sa saglit na panahon na magkakilala sila ay nakilala na siya ng husto ni Eric ng ganun para masabi ang huli nitong kumento.



Well, you scared the shit out of me, lalo na kaninag umaga.” balik ni Alvin, agad namang nagtense si Eric nang maalala ang nangyari kanina, hindi ito nakaligtas kay Alvin at agad niyang pinagsisihan ang pagpapaaalala kay Eric ng nangyari kanina.


It's just that my dad is all I have, even if he only loves me out of obligation I just--- I just want him to be happy, you know? And finding out that, that bitch is cheating on him just takes the devil out of me.” nakayukong sabi Eric. Muling tinitigan ni Alvin si Eric, alam niyang may hindi sinasabi sa kaniya si Eric at aalamin niya kung ano ito.


Yun lang ba ang dahilan?” bulong ni Alvin.



Agad na nagtaas ng tingin si Eric, nagulat siya sa sinabing ito ni Alvin. Sa mga sinasabi kasi ng mga nakakakilala sa kaniya ay siya na ang pinaka mahirap na basahin pag dating sa tunay na nararamdaman at ang pinaka gumulat kay Eric ay ng maalala niya kung sino ang taong tanging nakakabasa ng tunay niyang nararamdaman. Si Pat.


Umiling na lang si Eric, umamin sa obserbasyon ni Alvin.



Do you want to talk about it?” tanong ulit ni Alvin, naluluhang tumingin dito si Eric at tumango, hindi pinagkkatiwalaan ang sarili na magsalita dahil alam niyang sa oras na magsalita siya ay alam niyang bubuhos lahat ng kaniyang nararamdman.



0000ooo0000



Here.” sinabi ni Alvin sabay abot ng balot kay Eric.



Nasa loob sila ng sasakyan ni Alvin na noon ay nakaparada na sa harapan ng apartment ni Ted, doon nila naisipang ipagpatuloy ang kanilang pinaguusapan. Ngumiti lang si Eric at sinimulan ng kainin ang balot.



Hindi ko alam kung san magsisimula.”


Start from the beginning.”


Masyadong mahaba.”


I have all the time in the world.” balik naman ni Alvin na ikinangiti ni Eric.


I guess, I just hate seeing people cheat on their partners, I hate reading the emotion of betrayal in someone's eyes, I hate seeing people hurt---”


Kasi naramdaman mo lahat yan, diba?” putol ni Alvin, umiling naman si Eric.


I was never betrayed and I was never cheated on by a partner before I met Ardi pero nasaktan na rin ako at hindi sapat na dahilan yun para halos patayin sa takot si Shelly kanina.” sagot ni Eric, naguluhan naman si Alvin at naisipan na lang ni Eric na sabihin lahat kay Alvin, simula sa nangyari noon sa kaniya at sa mga nagawa niya.


I made some mistakes, mistakes that I will have to live for the rest of my life.” umiiling na putol ni Eric sa kaniyang kinukuwento, iniisip kung sasabihin ba ang pangalan ni Pat at Jake at ikukuwento lahat ng nangyari pero sa huli ay naisip ni Eric na huwag nalang banggitin ang pangalan ng dalawa para narin sa respeto sa mga ito.


Go on, no ones judging you.” paniniguro ni Alvin sabay ngiti kay Eric, tumango lang ang huli at ipinagpatuloy ang pgkukuwento.


---I lost the only person I loved and I hurt so many people around us. I pushed him to cheat on his lover, that's why I don't like to see the look on people's faces when being betrayed, I don't like to see the look of hurt when they find out that their partners are cheating on them, I don't want to hear their hearts break, it reminds me of my mistakes, it reminds me of all I lost, it reminds me of how cruel I was before. And thinking that my father is going through that now makes me think that karma is starting to get back at me, starting with my father. Alvin, I don't want to see the look of a betrayed partner on my father's face, I don't want to hear his hear break---” hindi na naituloy ni Eric ang sasabihin dahil tila ba may malaking buto na bumara sa kaniyang lalamunan, hindi ito nakaligtas kay Alvin, alam niyang mahirap ang ginagawang iyon ni Eric.



Matagal na natahimik ang dalawa at si Alvin ang bumasag ng katahimikan na iyon.



Everyone do stupid things when they're in-love, Eric, don't beat up yourself over this. Every situation is different from what you had before, everybody has their reason for hurting someone just like you did, you only did it because you felt like it's the right thing to save your love with that person, that's what makes us human, Eric. That's human nature.” alo ni Alvin, saglit na napaisip si Eric sa mga sinabing yon ni Alvin.


You know what I think, though?” basag pa ulit ni Alvin sa pagiisip ni Eric, umiling si Eric bilang sagot sa tanong na ito ni Alvin atsaka nagpatuloy ang huli.


I think you're angry with what that guy did to you, Face it, Eric, it was not you who cheated, you were only one of his instruments to cheat on his lover, if it was not you it could've been anybody else, he could've said 'No' when you are trying to have sex with him. Ginusto niya rin ang nangyari, Eric, you shouldn't take all the blame---” pabitin ni Alvin sabay tinimbang ang reaksyon ng mukha ni Eric bago magtuloy ng sasabihin.


---Isa pa, you're angry with him but you keep on telling yourself not to be angry because you're still holding onto him, the end result is, you, channeling all those anger to yourself and every cheating bastards and bitches that comes your way, for example, your step mom. That's not just anger you showed there, Eric, it's like being at war with yourself and it's fucking scary, Eric.” sa pagtatapos na iyon ni Alvin ay saka humagulgol si Eric.


I don't know why I can't blame him! I know that what happened between the three of us before is not all my fault, but I can't still fucking blame him!” nagagalit sa sariling sabi ni Eric habang umiiyak, hindi na niya inisip na mahiya kay Alvin, gusto niyang ilabas ang kaniyang matagal nang nararamdaman at mukhang si Alvin ang taong makapagpapalabas nun sa kaniya.


Maybe it was something he said?” marahang tanong ni Alvin, saglit na napatigil si Eric.


Hindi lang iyon, matagal na tayong tapos, sana pinakawalan mo na ako noon pero hindi, itinali mo parin ako sayo.”



Paulit-ulit tumakbo ang mga sinabing iyon ni Pat bago siya iwan nito sa mall nung huli sila nitong nagkita. Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ni Eric, naisip niyang tumatak ang mga sinabing iyon ni Pat sa kaniya dahil tila isa itong paninisi, na tila ang mga sinabing iyon ni Pat ay ang pagbubuhos sisi sa lahat ng nangyari sa kanilang tatlo nila Jake.


Did he blame you? Did he blame you for all that has happened between the three of you, Eric?” tanong ulit ni Alvin. Lalong lumakas ang paghikbi ni Eric at tila ba dumoble ang dami ng luha na inilalabas ng mga mata nito na lalong ikinatibay ng hinala ni Alvin.


Listen to me, Eric. Hindi lang ikaw ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, may kasalanan din si siya dito, huwag mong hayaan ang kung ano mang sinabi niya sayo noon na sirain ka ngayon! What he said? I bet he only said that just to make himself good, just to make himself look like the good guy.” habang sinasabi ito ni Alvin ay hindi naman tumitigil si Eric sa pagiyak at pag-iling, tila ba hindi naniniwala sa mga sinasabi ni Alvin na alam naman niyang pawang katotohanan lang.


I-It's all my fault.” in-denial paring bulong ni Eric na ikinainis ni Alvin, hindi niya maiwasang kasuklaman ang Pat na sinasabi ni Eric kahit hindi pa niya ito nakikilala.


Your only mistake is loving him, Eric and the rest of what happened is his fault.”



Tila naman natauhan na si Eric sa huling sinabing iyon ni Alvin. Pinahiran niya ang kaniyang mga luha at tumango. Totoo ang sinabi ni Alvin sa kaniya, sa sinabing iyon ni Pat ay lumabas na paninisi sa kaniya dahil sa galit sa mga nangyari at pati narin pampalubag sa loob, para maialis sa kaniya ang sisi, naisipan niyang bitawan na iyon at magpatuloy na lang sa buhay at kalimutan lahat ng nangyari.



He's not my world anymore. I made a mistake and that was loving him too much.” sabi ni Eric sa sarili at sa sinabi niyang iyon sa kaniyang sarili ay tila ba nawala ang bigat na may katagalan narin niyang pinapasan.



Sa pagtangong iyon ni Eric ay alam na ni Alvin na nakuwa na nito ang gusto niyang iparating, na magiging maayos na lahat at umaasa siyang makakapag-move on na si Eric mula sa anino ng lalaking tinutukoy nito. Na hindi na niya ulit makikita sa mukha ni Eric ang nakakatakot na tagpong nakita niya nung umagang iyon. Nabalot ng katahimikan ang buong kotse, wala ni isang nagsalita, tanging ang kanila na lang mga hininga ang tanging maririnig, nang sa wakas ay hindi na mapigilan ni Eric ang sarili ay agad siyang humarap kay Alvin.



Nagulat si Alvin dahil sa pagharap na iyon ni Eric, humarap din siya dito at lalo pang nagulat nang makitang ilang pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha sa mga mukha ng huli.



Alvin, I think I should get going na.” paalam ni Eric, saglit na natigilan si Alvin pero agad ding tumango. Tumalikod na si Eric, binuksan ang pinto ng sasakyan at palabas na sana ng bigla ulit siyang humarap kay Alvin, nakadaretso na ng tingin si Alvin, iniintay ang pagsara ng pinto sa gawi ni Eric para magsimula ng magmaneho pauwi. Nagulat siya ng muli siyang tawagin ni Eric.


Alvin?” agad na humarap si Alvin kay Eric.


hmmm?”


Thank you.” bulong ni Eric sabay yakap kay Alvin, hindi ito inaasahan ni Alvin, naramdaman ni Eric na saglit na nag-tense ang katawan ni Alvin, naramdaman niya rin kung pano ito nagalangan pero napangiti na lang siya ng ibalik na ni Alvin ang yakap na iyon.


You're welcome, buddy.”



0000ooo0000



Nakangiti pero pagod na pagod ng pumasok ng front door ng apartment ni Ted si Eric, magaang na ang kaniyang pakiramdam, pakiramdam niya ay tila ba nilinis ni Alvin ang espasyo sa harapan niya, tila ba pwede na siyang magsimula ulit. Binuksan niya ang front door at bumulaga sa kaniya si Ted na may nagaalalang tingin.


What's the matter, Ted? You look like someone kicked your puppy.” nagbibirong bati dito ni Eric. Lumingon si Eric at hinanap ang isa pa niyang kaibigan, agad din siyang nakaramdam ng pagaalala.


Ted, where's Ardi?” tanong ni Eric, narinig ni Ted ang pagaalala ni Eric sa boses nito kaya agad niya itong sinigurado.


He's fine, Eric, he's just a little feverish but he's OK.”


Then why are you looking like somebody killed your cat?”


Eric?”



Agad nanigas ang mga tuhod ni Eric nang marinig niya ang boses na simula pagkabata ay kilala na niya, tumingin siya kay Ted, gusto niyang alamin kung pano siya nagawang traydorin ni Ted, napagusapan na nila noon na huwag ipapaalam kay Henry na doon siya tumutuloy, naramdaman niya ang malalaking bisig nito na yumakap sa kaniya mula sa likod. Agad na humaraps si Eric at nakita niya ang nagaalalang tingin nito.



Dad?” alam ni Eric kung bakit nandun sa harapan niya ngayon ang kaniyang ama. Iniintay na lang niya ngayon ang reaksyon nito at kung sino ang paniniwalaan nito, kung siya ba na anak nito o ang madrasta niya.


Why didn't you tell me that you're going to stay here with Ted? Why did you just took off like that? I was so worried.” nagulat si Eric dahil hindi ito ang inaasahan niyang unang tanong na lalabas sa bibig ng kaniyang ama, pero agad niya ding pinakalma ang sarili at kaswal na sumagot sa kaniyang ama.


Drop the act, dad, tita Shelly told me everything--- na napilitan ka lang na patirahin ako sa bahay mo because you feel it's your obligation.” naluluha nanamang saad ni Eric.


Mom's lying, Eric. Tito Henry wants you to stay with him, mom told you that because she wants to get rid of you.” salo ni Ted sabay yuko, tila nahihiya sa kagaspangang ginawa ng kaniyang ina, nangunot naman ang noo ni Eric at Henry.


What exactly did she tell you, Eric?” tanong ni Henry sa anak.


That you don't want me to stay with you, that you were just obligated to help me---”


Excuse me.”


Agad na binaling ni Ted, Eric at Henry ang kanilang pansin sa bumulong na si Ardi, hindi pa man naitatanong ni Ted na siyang pinakamalapit dito kung anong problema nito ay dahan-dahan na itong bumagsak sa sahig.



“I don't feel well—-”



Itutuloy...





___________________________________
Different Similarities 1[13]
by: Migs

16 comments:

  1. AMBILIS NG UPDATE!!! HEHE

    THANKS AGAIN KUYA MIGS!!!

    GRABE ANG BUHOS NG PANGYAYARI! WHEEW!!!

    -->nIx

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basta ikaw Nixon, basta ikaw.


      Haha! :-P

      Delete
    2. Hahah! adik lang! xenxa di ko agad nabasa nagreply ka pala kuya. hehe! pero serious, every half day ata ako nag-oopen nitong site moe eh. haha! pero simula bukas baka night time nlang. andito na si utol eh. at bubuntot un parati sakin magkukuwento kahit di nman ako nakikinig. hahahah!

      Banat ka lang dyan sa mga gagawin mo kuya, yakang-yaka mo naman yan eh! KAW PA! :D God Bless in all your endeavors. :) :) :)

      Delete
    3. And another thing, maganda talaga pag naging double love story to. :D

      THANKS , THANKS , THANKS AGAIN KUYA MIGS! :D

      Delete
  2. Panira ng moment si Ardi. Sarap kutusan. Lol Ang galing naman ni Alvin kakainlove magpayo. Hihihi. Seriously, this is what I really love in reading your works. Mature and intelligent. It gives me goosebumps while reading this chapter. The wisdom you're sharing thru your charaters. ane those quotable "quotes".

    Thank for this immediate update.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks, Gerald. I really need a boost in self confidence nowadays. Can't effin write a story for two weeks now! argghh!

      Delete
  3. Thanks for those intelligent advices of alvin.. It's like they were for me!

    I like this statement the most. Let me quote " I bet he only said that just to make himself good, just to make himself look like the good guy..."

    -hansen

    ReplyDelete
  4. WEW...galing..intense...and dissapointed..kaninang morning lang masayako kasi i feel na may pag -asa ang TED-ERIC..pero from here parang na foresee ko na alvin-eric yung mangayayari..

    ...and buti naman umamamin si btich haha..

    AT alam mo ba Author Migs may napagtanto ako sa kwento mo ngayon dito sa DIFFERENT SIMILARITIES..as in oo... grabe..konting details pa sa next updates mo..masasabi ko rin yung conclusion ko:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabihin mo na kung ano yang haka-haka mo! :-)

      Delete
  5. Ako na talaga slow! pramis!
    now ko lang narealize kung sino si eric, pat at jake! ako na talaga! arg! hahaha.

    nice update. swak ang mga lines. cool.

    oh and another thing..

    BITCH BUSTED! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's been ages since i last saw your name in the comment box, Mr. Brickwall! What gives? I DEMAND an explanation! hehe! Joke lang! welcome back! :-)

      Delete
    2. Aw! pasensya na kuya migs (claim ko nang kuya kita ah. hehehe)

      madalas kasi speechless ako sa story mo. (lulusot pa e. haha)

      yaan mo po, asahan mo na comment ko lage kuya. :)

      Delete
  6. Wow! As in WOW! Sarap basahin lalo na yung mga lines ng mga characters, gusto talaga yung mga part na confrontation, astig ng mga lines.

    Thanks sa mabilis na update kuya migs.

    Napapaisip ulit ako kung si Alvin nga talaga ang para kay eric.

    At Ardi!! Bakit ngayon pa sumama yang pakiramdam mo??!! Panira ka naman! Ang ganda na eh!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. I like Alvin's disposition.. a shoulder to lean on.. not a critic..

    oh goodness Ardi! wrong timing ka naman eh! maguusap na sana ang mag-ama eh!

    alam na kaya ni Henry yung pinaggagawa ni Shelly? hmmm...

    parang me mainit na pagtatagpo between Henry and Ardi.. feeling ko lang..

    awe-inspiring story Mr. Migs! Idol.. :)

    ReplyDelete
  8. The BEST ka Migz. I super love you po. :)) Ted❤Eric po sana. Your stories arent just stories. They inspire people. They teach lessons. They give advices. Sapul sa puso.

    ReplyDelete
  9. I'm so stupid. Kala ko si Shelly yung tita ni Pat, yung bumisita sa dorm nila nuon. Stepmom niya pala. Loving the subplots. I gave up trying to figure out who ended up with who :))))

    ReplyDelete