Friday, March 23, 2012

Different Similarities 1[15]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


BEWARE OF THE MUSHY CONTENT.



Nakakunot noong nakatingin si Alvin kay Eric, wala na halos kasing paglagyan ng pagkain sa lamesa nila, ngayon niya lang nakitang ganito si Eric, agad na pumasok sa isip niya na may katakawan talaga si Eric pero agad niya ding naalala ang mga nakaraan nilang pagkain ng magkasama at hindi naman ganun karami ang kinain nito. Nawala lang ang kaniyang pagtataka ng maalala na kasama nga pala nitong nakatira si Ardi at Ted.



Ted didn't cook breakfast this morning?” tanong ni Alvin sa ngumunguyang si Eric, umiling ang huli at nilunok ang pgkaing nginunguya.


He cooked this morning, actually Ardi was cooking then Ted saw him and they started arguing. I guess I enjoyed watching so much that I forgot about breakfast, I think I only had a toast and a piece of bacon.” humahagikgik na sabi ni Eric habang minamata ang malaking manok sa plato ni Alvin, hindi naman ito nakaligtas kay Alvin at naghiwa siya ng malaking piraso mula sa kaniyang manok at inilagay ito sa plato ni Eric.



Muling naramdaman ni Eric ang kakaibang pakiramdam sa kaniyang tiyan, tila ba kinakabahan siya sa interview o ang mag bigay ng speech sa harapan ng maraming tao.



Why did you do that?” tanong ni Eric kay Alvin.


Do what? Oh, you mean the chicken? Well, I saw you eyeing it so I sliced some and put it in your plate, I didn't mean to be rude---” paliwanag ni Alvin, pero agad din iyon napautol nang makita niyang humagikgik ulit si Eric.


I would've like it better if you put straight it in my mouth and not on my plate. You know, it saves the time or something...” biro ni Eric na ikinamula naman ni Alvin, lalong humagikgik si Eric.


Sana sinabi mo agad para sinubuan na nga lang kita.” balik ni Alvin, ngayon si Eric naman ang namula.


Ha! Two can play this game!” nangingiti-ngiting sabi ni Alvin sa kaniyang sarili.


Do you want some more chicken?” humahagikgik na sabi ni Alvin pero mabilis na nakaisip ng pambawi si Eric.


Only if you feed it to me straight from your fork.”



Sabay na tumawa ang dalawa, parehong hindi makapaniwala na makalipas lang ang ilang araw ay nagkapalagayan na sila ng loob. Umiiling na tinapos ni Eric ang kaniyang kinakain habang si Alvin naman ay masuyong pinapanood si Eric na kumain. Hindi rin makapaniwala na ilang araw lang ang nakalipas ay tila pangarap lang ang maging kaibigan niya si Eric pero ngayon ay malapit na silang magkaibigan.



0000ooo0000



Habang kumakain ng ice cream ang dalawa at habang nagpapababa ng pagkain sa pamamagitan ng pagikot ikot sa loob ng mall ay hindi mapigilang mapansin ni Alvin na miya't miya ang hikab ni Eric.



Inaantok?” sarkastikong tanong ni Alvin. Tumango na lang si eric at humikab ulit sabay dila sa ice cream na nilalantakan napahagikgik naman si Alvin sa ginawang iyon ni Eric.


Let me guess? Kasama mo si Ardi sa room at gabi gabi siyang humihilik?” tanong ulit ni Alvin at muling tumango bilang sagot si Eric.



Gustong bigyan ni Alvin ng panahon para magrelax si Eric, di bale na ang napending na trabaho nito sa opisina dahil alam ni Alvin na hindi rin iyon magagawa ni Eric sa lagay nito ngayon, kung pauuwiin naman niya ito ay hindi rin nakakapag-relax ng maayos sa bahay si Eric dahil ayon nga sa kwento nitong madalas na singhalang magasawa ng kasama nito sa bahay.


Patuloy lang si Eric sa paglantak sa kaniyang ice cream nang mapansin niyang wala na si Alvin sa kaniyang tabi, nang lumingon siya ay saka niya napansin na tumigil ito at nakatingin sa listahan ng ipinapalabas na pelikula nung araw na iyon. Nang makalapit siya dito ay napansin niyang ang pelikulang 'the avengers' ang tinitignan nito, napasinghap siya.



Iyon din kasi ang pelikulang pinanood nilang tatlo nila Ardi, inaamin niyang wala siyang naintindihan noon dahil abala siya sa pagkainis kay Alvin dahil akala niya ay sinasabotahe nito ang date nila.



Reminds you of something?” pangaalaska ni Eric sabay bangga ng kaniyang braso sa matipunong braso ng kaniyang boss. Napangiti lang si Alvin at namula sa hiya dahil alam nito ang ibig sabihin sa likod ng kumentong iyon ni Eric.


Actually, it does.” nangingiti-ngiting sagot ni Alvin, nakangiting umiling si Eric at muling naglakad pero muli siyang natigilan nang mapansin niyang nakatayo parin si Alvin sa harapan ng mga listahan ng pelikula.


C'mon, Alvin! I sill got tons of projects to do! Kung gusto mong manood iwan na kita dyan.” pabirong pagbabanta ni Eric.


Actually I was thinking of asking you to watch the movie with me. Di ko kasi naintindihan yung story nung last time na pinanood natin 'to eh and since it looks like you need a break---and uhhmmm I-I'm sure, di mo rin naintindihan 'to nung nanood tayo dati and uhmmm---”


Yeah.” nahihiyang singit ni Eric na tila ba nakikipagpaligasahan kay Alvin sa pamumula ng pisngi.


Wha---?” kunot noong tanong ni Alvin.


I said, yeah, I need a break and yeah I want to watch it again... with you.” halos pabulong ng sabi ni Eric, nakayuko narin ito, pilit na itinatago kay Alvin ang namumula niyang mukha. Sa sinabi namang ito ni Eric ay bumakas sa mukha ni Alvin ang isang napakalaking ngiti.


Let's buy tickets!” sabi ni Alvin, nagtaas na ng tingin si Eric at ngumiti narin noon napansin ni Alvin ang unti-unti nang nawawalang pamumula ng pisngi ni Eric.


Hindi mo ako ililibre?” pabirong tanong ni Eric sabay bigay ng puppy dog eyes kay Alvin na ikinahagikgik naman ng huli.


Ha! If I buy you your ticket then this will have to be a date.” nagbibirong balik ni Alvin sabay hagikgik.


Then it's a date!” humahagikgik naring sabi ni Eric, wala siyang pakielam kung ano pa ang itawag ni Alvin sa gagawin nila basta ba't libre ito.


Opportunity hag!” umiiling na sabi ni Alvin sabay labas ng kaniyang wallet at lakad papunta sa bilihan ng ticket.



0000ooo0000



This is exciting, it's like skipping school.” parang five year old na batang hindi mapakaling sabi ni Eric. Umiling na lang si Alvin at humagikgik.


The only difference is I'm with the dean of the school!” biro ulit ni Eric.


dean?” tanong naman ni Alvin.


Yeah, in school the highest authority is the dean, now, the highest authority in work is you, the boss.” nakangiting sagot ni Eric.


I'm not that old to be a dean.” balik ni Alvin.


Ha! But you're older than me that's for sure!” nangaalaskang balik ni Eric.


Am not!” balik naman ni Alvin.


SHHHHHHHH!!!!” sabay sabay na sabi ng mga taong nanonood sa kanilang likuran.


““Shhh shhh-hin niyo sarili niyo! The movie hasn't even started yet!”” sabay na singhal ng dalawa, nang hindi na pumalag ang mga tao sa kanilang likuran ay sabay na humagikgik si Eric at Alvin.



0000ooo0000



Wow! Chris Hemsworth is soooooo hot! And look at those biceps on Chris Evans' arm! Yummmmy!” bulong ni Eric habang ipinapakita sa eksena ang dalawang bida napangiti naman si Alvin.


Want to see real biceps and triceps?” sabi ni Alvin sabay ifinilex ang kaniyang malalaking braso.



You're also hot, boss, but them---” sabi ni Eric sabay harap sa screen at sipol “---they are really really really hot!” pagtatapos ni Eric sa kaniyang sinasabi sabay tingin ulit sa naggagandahang katawan ng bida, sa palagay ni Alvin ay konti na lang at tutulo na ang laway ni Eric.


I still think I'm hot.” hindi papatalong sabi ni Alvin.


Pshhh! Conceited much?”


I'm not conceited!”


You're too!”


Am not!”


You're too!”


Am not!”


You're too!”


SHHHHHHHHH!”



Saglit na nagkatinginan ang dalawa atsaka sabay na humagikgik na miya mo mga batang babae na kinikilig, sinubukan ni Eric na pabirong suntukin ang braso ni Alvin pero nasangga yun ng huli, ang naging resulta ay napahawak si Alvin sa kamay ni Eric at nagtama ang kanilang mga tingin. Muling nawala sa ganda ng mga mata ni Eric si Alvin, kahit sa kadiliman ng sinehan ay gustong gusto niya parin itong nakikita habang si Eric naman ay miya mo sinasaulo ang mukha ni Alvin, alam niyang gwapo ito pero ngayon niya ito na-appreciate ng malapitan.



Nang ma-realize ng dalawa na miya mo sila maghahalikan sa kanilang puwesto ay agad na nahiwalay ang mga ito at hinayaan nilang muli silang balutin ng katahimikan. Muling itinuon ni Eric ang kaniyang pansin sa pinapanood pero paminsan minsan din siyang sumusulyap sa gawi ni Alvin, ganun din si Alvin, sa screen niya ipinako ang kaniyang tingin pero paminsan minsan din siyang sumusulyap kay Eric.



0000ooo0000



Inilalapit ni Alvin ang balde ng popcorn sa gawi ni Eric pero katulad ng mga huling ilang beses niyang ginawa iyon ay hindi na umaabot si Eric ng popcorn, nilakasan niya ang loob niya at nilingon na niya si Eric, nakita niya itong mahimbing na natutulog, napangiti siya, ngayon kasi ay malaya na niyang mapagmamasdan si Eric, ang makakapal nitong kilay, ang matangos na ilong, ang magagandang labi na miya mo laging humihingi na mahalikan, ang makinis nitong mukha at ang mahahaba nitong pilikmata.


Hindi alam ni Alvin kung gano na siya katagal na nakatitig sa maamong mukha ni Eric nang bigla itong nagbuntong hininga, agad na nagbawi ng tingin si Alvin at ibinalik ang tingin sa pinapanood dahil akala niya ay nagising ang huli kaya't laking gulat niya ng maramdaman niya ang ulo nito na sumandal sa kaniyang balikat. Muli niyang tinignan ang mukha nito, natutulog parin ito, hindi alam ni Alvin kung bakit pero hindi niya mapigilang abutin ang mukha ni Eric at padaaanan ng kaniyang mahahabang daliri ang makinis na pisngi nito.



Muling nagbuntong hininga si Eric, tila ba ang hawak na iyon ni Alvin ay tumutulong sa kaniya na lalong magrelax. Nang ibalik ni Alvin ang kaniyang pansin sa screen ay nakita niyang closing credits na pero hindi niya parin ginising si Eric, hinayaan niya lang itong matulog, wala sa sarili narin niyang inihilig ang kaniyang ulo at ipinikit panandalian ang kaniyang mga mata.



0000ooo0000



Sir, ibang movie na po ang i-pe-play namin, kailangan niyo na pong lumabas.” gising ng isa sa mga tagalinis ng sinehan kay Eric. Napansin niyang maliwanag na ang paligid nang imulat na niya ang kaniyang mga mata, nun niya lang din na-realize na nakasandal na pala siya kay Alvin at katulad niya ay mukhang nakatulog din ito. Tinignan niya ang oras at mag lilimang oras na pala silang andun. Muling itinuon ni Eric ang kaniyang pansin kay Alvin, napangiti siya at saglit na sinaulo ang itsura ni Alvin habang natutulog.


Alvin, buddy, time to wake up.” pabulong na sabi ni Eric.


Wha--?” parang batang ginising sa pagtulog ang itsura nito na talaga namang nakatawag sa pansin ni Eric.


Cute.” bulong ni Eric sa sarili habang abala si Alvin sa pagkusot ng kaniyang magkabilang mata.


What time is it?” groggy pang tanong ni Alvin.


Uhmmm quarter to six.” sagot ni Eric. Napangiti naman si Alvin.


What are you smiling at?” nangingiti naring tanong ni Eric, di mapigilag mahawa sa pagngiti ni Alvin.


We were supposed to watch the movie because we haven't watch it the last time and now we slept most of the time while the film was running.” umiiling na sabi ni Alvin.


We can watch it again.” nangingiting sabi ni Eric at sa sinabing iyon ni Eric ay napahagalpak naman sa tawa si Alvin sabay tayo.


C'mon, buddy, I have a lot of explaining to do in the office.” aya ni Alvin kay Eric.



Inabot ni Alvin ang kamay niya bilang pagalok ng tulong para makatayo ang huli, saglit itong tinignan ni Eric, pakiramdam niya ay isa siyang babae na inaalalayang tumayo ng isang prinsipe. Agad namula ang kaniyang pisngi sa naisip, hindi siya makapaniwala na sa gitna ng malaki at maliwanag na sinehan at sa paligid ng madaming tagalinis na iyon ay iniisip niya na isa iyon sa pinaka sweet na tagpo sa pagitan nilang dalawa ni Alvin.



0000ooo0000



Here we are!” masuyong sabi ni Alvin nang huminto na sila sa tapat ng apartment ni Ted.



Saglit silang binalot ng katahimikan, may gusto sanang sabihin si Eric pero naunahan siya ng hiya, si Alvin naman ay nagpapasalamat sa biglaang pagkahiya ni Eric dahil nagbibigay ito ng oras na magkasama pa sila ng matagal kahit pa hindi niya parin maintindihan kung bkit gusto pa niya itong makasama gayong buong araw na silang magkasama , hindi niya maipaliwanag kung bakit gustong gusto niyang nasa malapit lang si Eric, kahit pa nababalot sila ng katahimikan o kaya naman ng tawanan at daldalan ay hindi importante sa kaniya, para kay Alvin ang mas importante ay magkasama sila.



Thank you. I had fun today, I've never been this relaxed for days.” nahihiyang sabi ni Eric.


Anytime, Eric.” nakangiting sagot ni Alvin.



Muli silang binalot ng katahimikan.



You know, you are welcome to stay at my house if being with Ardi and Ted stresses you out.” alok ulit ni Alvin matapos ang


Ughhh! Stop being so nice, Alvin!” sabi ni Eric sa sarili niya.


I don't want to impose, Alvin.”


Hey! You're not imposing! You're my best friend.” pabulong na sinabi ni Alvin ang huling apat na salita pero rinig na rinig iyon ni Eric na tila ba gumamit ng mega phone si Alvin. Tumingin si Eric sa mukha ni Alvin at wala itong nakita kundi sinseridad sa mga sinabi.


Thanks, Alvin, but really, I can still handle the bickering and snores. If it started to really bother me then I might see you for that offer.” nakangiting sabi ni Eric, nakangiti naring tumango si Alvin.



Muling tumahimik ang paligid.



Well, I guess uhmmm I should get going, then?” tanong ni Alvin, tumango naman si Eric at muling ngumiti.


Good night, Alvin. Ingat!” sabi ni Eric saka bumaba ng sasakyan.



0000ooo0000



Nakangiti paring pinanood ni Eric ang sasakyan ni Alvin na lumiko sa kanto at maglaho at nakangiti parin siyang pumasok sa loob ng apartment ni Ted. Nang isara niya ang pinto ay nakarinig siya ng bulungan sa hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Ibinaling niya ang tingin sa sala at nakita niya doon si Ted at Ardi na nakaluhod sa mahabang sofa at nakatanaw sa bintana. Alam ni Eric na pinapanood ng mga ito ang ginagawa nila ni Alvin kanina sa kotse.



Sonovabitches! Are you guys spying on us?!” singhal ni Eric, umayos naman ng upo ang dalawa at kaswal na nanood ng palabas sa TV na para bang walang sinabi si Eric. Umiling na lang si Eric at tuloy tuloy ng lumakad patungo ng kaniyang kwarto pero bago pa man siya makalapit sa kwarto niya ay narinig niyang bumulong si Ted.


What do you think are they doing inside the car?” alam ni Eric na gusto talaga ni Ted na marinig niya iyon kaya't medyo malakas ang pagkakabulong na iyon.


Makapanginis lang.” umiiling na sabi ni Eric sa sarili niya pero hindi rin mapigilang mapangiti.


They could've been kissing or fuc----”


I can hear you, assholes!” pasinghal na putol ni Eric sa sasabihin ni Ardi at bago niya sarhan ang pinto ng kwarto ay narinig niyang humagikgik ang dalawa.


If this assholes don't stop I'm going to stay at dads instead!” nangingiti-ngiting sabi ni Eric sa sarili habang nagpapalit ng damit.


---or at Alvin's” sa habol na naisip na iyon ni Eric ay hindi niya mapigilang mapangiti ng malaki at kiligin.



Itutuloy...





_______________________________
Different Similarities 1[15]
by: Migs

10 comments:

  1. omg. sweetness level is sky high.

    rei

    ReplyDelete
  2. WHAT THE FVCK! This chapter is not mushy, its very super mushy. When will be Pat come in the picture? Para masettle na. Thanks 4 the update.
    GODSPEED

    ReplyDelete
  3. kilig to the max.. hehehhe

    bilis tlg mag update..

    GOD BLESS MIGS...


    fresno

    ReplyDelete
  4. parang mag su-sugar rush naman ako sa sweetness... hehehe

    ReplyDelete
  5. Ang harot-harot naman nina Alvin-Eric! Makukurot ko kayo sa singit. Hihihi


    -=myco=-

    ReplyDelete
  6. Anu ba kuya migs! KUYA MIGS! grabe ka talaga! bakit kailangan mo ko paasahin na everything's okay now tapos next chaps may twist! ANG KYUT2 NA KYA NILA! hehe :)

    tama si kuya na nagcomment. dapat ma-settle na yung kay k jake at pat issue. para happy na.

    ang galing mu talaga gumawa ng mga uber sa cute na scenario. waah! yung ngiti ko ayaw mabura. mangangalay na panga ko neto! :) hihihi.

    ReplyDelete
  7. Kuya Migs, my sincerest thanks. I really need a good laugh now since I'm definitely not in the mood. This uber mushy story of yours made me laugh too much I had to cover my face with a pillow just so as not to let my laugh out as the people outside my room should think I'm still angry. (I'm supposedly angry but I'm having this ear-tearing smile...haha!) Really, a BIG BIG BIG THANK YOU. Also a thank you for your support on the "status". You know what I mean. haha!

    Nawawala pagkalalaki ko kung kiligin sa story na to! GRABEEEE! HAHAHAHA!

    -->nIx

    ReplyDelete
  8. please lang kuya migs wag mo na patagalin ang next chapter, grabe gusto ko na mabasa lahat!!!

    Alvin-Eric!!!!!!!

    Ok sana kung ngyayari din to sa totoong life.

    --ANDY

    ReplyDelete
  9. Mushy nga! haha..and harot harot ng dalawa..

    may konting hope pa rin sa mga nasabi ni alvin "you're my best friend" ha! ted-eric ftw! haha

    pero base from what depicts here..alvin-eric talaga e..plus, yung cool bonding ni ted with ardi..anyway..

    sana naman yung prologue nito ay hindi yung ending rin :) kasi i can feel na yun rin yung ending..wala liwanagan between the two..basta sinabi na lang.. i guess I'm too late..pero symempre nangunguna nanaman ako baka sa next part nito masasagot yung gusto namin :D haha ciao ;)

    ReplyDelete
  10. Id love to eat magnum right now! But I've changed my mind, this story is sweeter than magnum. I'd like to have this one than that! Haha..

    Cool!!

    ReplyDelete