Tuesday, March 13, 2012

Different Similarities 1[11]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Nagmamadaling pumunta sa E.R. ng isang ospital sila Alvin at Eric, parehong di alam kung ano ang mararamdaman kung sakali mang may masamang mangyari kay Ardi. Hindi maiwasang sisihin ni Alvin ang sarili dahil alam niya kung pano malasing si Ardi at iniwan niya ito dahil lamang sa isang hindi pagkakaintindihan, si Eric naman ay may galit paring nararamdaman kay Ardi pero para sa kaniya ay hindi sapat iyon para ihiling na masaktan si Ardi.



Slowdown Eric. Shouldn't you be hating him right now?” biro ni Alvin para kahit papano ay mapagaang ang sitwasyon.


I don't hate him that much to wish he was dead, Alvin.” sagot ni Eric.


He really got through your skin, huh?” nakayukong sabi ni Alvin, nahiya sa kaniyang inasal.


Actually, thinking about it now, I would've wished that we just remained friends. Yes I was attracted to him, because he remind me of someone---” saglit na natigilan si Eric atsaka umiling saka itinuloy ang pagsasalita “---Ardi was just a better friend than a lover.” pagtatapos ni Eric.



Saglit silang natahimik ni Alvin lalo na ng dumating na sila sa tapat ng pinto ng E.R.



Are you here for James Ardinato? Kaano-ano niya po kayo?” tanong ng nurse.


We're his friends.” sagot ni Eric na ikinagulat ni Alvin dahil iniisip niya ay


Oh, I'm sorry but only relatives are allowed inside the E.R.”


He doesn't have anybody else, his parents are both dead and he has no siblings. Eric and I are the next best thing to a brother Ardi will ever have.” pagpupumilit ni Alvin, napansin naman ng nurse na maaari ngang wala ng ibang matatawagan na kapamilya ng pasyente kaya't pinapasok na niya ang dalawa.



Nanlaki ang mga mata ni Ardi at may ilang luha ang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata nang makita niya si Alvin at Eric sa paanan ng kaniyang hinihigaang stretcher, halos hindi na niya pinansin ang doktor na nagpapaliwanag sa mga ito, hindi narin niya pinansin ang pagkirot ng kaniyang mga sugat, mas pinansin niya pa ang pamimigat ng kaniyang dibdib, hindi kasi siya makapaniwala na matapos ang kaniyang ginawa sa dalawang ito ay nakuwa parin ng mga ito na magalala sa kaniya.



X-ray's and CT scan are good but I would suggest that you bring him in a hospital once he complained of nausea, severe headache and when he starts vomiting.” sabi ng duktor kay Alvin.


How about the wound on his head?” tanong ni Eric.


Yeah, it's a pretty big. Eight stitches.” tumatango-tangong sabi ng duktor. “---just clean it with betadine and regularly change the dressing and it will be fine, this is the prescription, the meds are available in our pharmacy.”


So he's clear to go home?” tanong ni Alvin.


Yup, I just signed his discharge papers.” sagot naman ng duktor sabay magalang na nagpaalam.


I'm sorry to bother you guys but your number was in my speed dial, Eric, they need someone to call, I said that I can manage on my own bet they said that the will not hand me my discharge papers and---”


Ardi.” tawag ni Alvin sa pansin nito pero hindi parin tumitigil si Ardi sa kakasalita.


--- I don't have any other choice so I just let them call you, I'm sorry.”


Ardi!” sigaw ni Eric at sa wakas ay nakuwa na nito ang pansin ng huli at tumigil na ito sa kakasalita. Naluluhang tumingin si Ardi kay Eric, tila nagmamakaawa na paniwalaan siya.


Ardi, it's OK.” marahang sabi ni Eric sabay pakawala ng isang ngiti, lalong napaluha si Ardi at umiling iling, tila hindi parin makapaniwala sa ginagawa para sa kaniya ng dalawa.



Ayun si Eric, isa lamang sa mahabang listahan ng tao na kaniyang sinaktan para lang sa pansariling dahilan, hindi parin siya makapaniwala na basta na lang nito kinalimutan ang kaniyang ginawa matulungan lang siya.



I'm sorry.” bulong ni Ardi.


Shhh.” sabi ni Eric sabay yakap kay Ardi. Ibinaling ni Ardi ang kaniyang tingin sa isa pang tao na paulit ulit niyang sinaktan, ang taong walang ginawa kundi maging mabuting kaibigan sa kaniya. Si Alvin. Iniabot ni Ardi ang kamay niya dito, hindi nag dalawang isip si Alvin na abutin iyon at marahang pisilin.


I'm sorry.” bulong din ni Ardi sa kaniyang kaibigan.



Ngayon, alam ni Ardi na kailangan na niyang magbago, na kalimutan na niya dapat ang kaniyang galit sa nabigo nilang relasyon ni Alvin, na dapat na niyang kalimutan ang paghihiganti at pagpaparamdam sa ibang tao ng kaniyang naramdaman noon nang mawala sa kaniya si Alvin noon. Dahil ngayon, swerte na siya na sa kabila ng kaniyang pananakit sa dalawang taong kasama niya ngayon sa E.R. na iyon ay pinili parin ng mga ito na maging kaibigan siya.



I'm sorry. I'm sorry.” paulit ulit na bulong ni Ardi habang walang tigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha.



0000ooo0000



You want me to what?!” singhal ni Ted.



Kauuwi lang ni Eric sa apartment nila ni Ted. Kasama si Alvin ay pareho nilang ipinaliwanag kay Ted ang mga nangyari nung gabing iyon.



Let me get this straight. That bastard lied to you and made you fall in love then dumped you and then nearly raped you at this party and still you want him in my apartment and baby sit his sorry ass while the both of you work?! He's lucky I didn't try to kill him after you told me everything!” singhal ni Ted.


Ted, it will only be for three days. He alone in his condo, no one will remind him of his meds and clean his bandages there.” mahinahong sabi ni Alvin.


Isn't it time for you to let go of all the anger you have for him? I mean, it's not healthy anymore, Ted.” pakiusap ni Eric, katatapos niya palang sabihin yon ay alam niyang may nasabi siyang hindi nagustuhan ni Ted dahil nakita niyang nagtense ang panga nito at sumara ang mga kamao nito na tila manununtok.


You don't know what hell I've ben through, Eric.” mahinahon at pabulong na balik ni Ted, hindi maitatago ang galit sa boses nito.


It's OK Eric, I don't want to impose or something, I'll be OK in my unit.” nakangiting sabi ni Ardi pero sa likod ng ngiting iyon ay sakit sa mga sinabi ni Ted, tama lahat ng sinabi ni Ted kaya't wala siyang magagawa kundi lunukin ang pasaring na iyon at tanggapin na lang. Pare-parehong nagulat ang tatlo sa biglaang pagsulpot ni Ardi, hindi kaila na nanghihina parin ito at ang lungkot na dala marahil ng mga sinabi ni Ted. Napabuntong hininga si Eric, alam niyang narinig ni Ardi ang mga sinabi ni Ted at alam niya kung gano kasakit ang hindi bigyan ng pangalawang pagkakataon.


I'll stay with you, it will only be for three days, I mean, Alvin can give me three days off, right?” tanong ni Eric, natigilan saglit si Alvin, iniisip ang maraming trabahong nagiintay sa opisina at ngayong kailangan ni Ardi ang magpahinga malaki ang posibilidad na hindi nila matapos iyon at baka bitawan nila ang ilang kliyente tapos nagpapaalam pa sa kaniya si Eric, alam ni Alvin na malaki ang malulugi sa kumpanya kapag nagkataon.



Wala sa sariling napatingin si Ted kay Ardi, masama parin ang loob niya dito lalo pa't naisama na si Eric sa listahan ng mga taong nasaktan nito pero lahat ng galit, inis at sama ng loob ay ganun-ganun na lang nalusaw nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito. May halong pangungusap at pagkabahala kasama ng lungkot.



He looks so lost and alone.” bulong ni Ted sa sarili niya. Alam ni Ted kung ano ang marahil na nararmdaman ni Ardi ngayon dahil isang taon lang ang nakalipas at naramdaman niya rin iyon. Oo, naiinis at may galit parin siya kay Ardi pero hindi niya kailanman hiniling na iparamdam dito ang kaniyang naramdaman noon na halos sumira na sa pagkatao niya.



Magsasalita na sana si Alvin, tatanggi sa proposisyon ni Eric nang biglang magsalita si Ted.



I'll do it. I'll baby sit the asshole.” singhal ni Ted. Pero alam ni Eric, Alvin at Ardi na nagtatago lamang sa pagmamatigas na iyon ni Ted ang pagaalala sa dating kaibigan na si Ardi.


Thank you, Ted.” bulong ni Ardi.


Don't thank me yet, I don't beat down people who are already down, but you still owe me, I still want to punch your pretty boy face for what you did to Eric!” singhal ni Ted sabay talikod at balik sa panonood ng TV.


Well that went well.” biro ni Alvin na ikinahagikgik naman ni Eric.



Saglit na nagtama ang tingin ni Alvin at Eric, hindi iyon nakaligtas kay Ardi, napangiti siya sa kaniyang sarili dahil sa nakitang koneksyon sa pagitan ng dalawa.



Well, I should get going, busy day tomorrow. Ardi, get well soon, buddy, Eric---uhmmm--” agad na nautal si Alvin dahil nakaramdam siya ng hiya.


---uhmmm--- see you tomorrow ---uhmmm--- at the office, I mean.” pagtatapos ni Alvin, hindi na mapigilan ni Ardi ang mapangiti habang si Eric naman ay naguguluhan ulit, sa buong magdamag kasi nilang magkasama nito ay ngayon lang ulit ito tinamaan ng hiya katulad ng ipinapakita nitong pagkahiya sa tuwing naguusap silang dalawa sa opisina. Lalong nagtaka si Eric nang biglang humarap si Alvin kay Ardi at inabot ang kamay nito sa huli.


See you soon, buddy.” sabi ni Alvin sabay ngiti. Pero hindi inabot ni Ardi ang kamay niya kay Alvin sa halip ay niyakap nito si Alvin ng mahigpit.


I will make it up to you, Alvin, I promise.” bulong ni Ardi, tumango na lang si Alvin at nagbigay ulit ng isang masuyong ngiti.



Inihatid na ni Eric si Alvin sa may pintuan at nagpasalamat ulit dito, binigyan lang siya ng ngiti ni Alvin at hindi na nagabalang sumagot pa na ikinataka muli ni Eric, hindi kasi pagkatiwalaan ni Alvin ang sarili niya na magsalita ulit sa harap ni Eric dahil baka mautal nanaman siya. Nakakunot noong bumalik si Eric sa kinatatayuan ni Ardi.


Saglit siyang nagalala dito dahil muli niyang nababasa ang lungkot at sakit sa mga mata nito habang masuyong nakatingin kay Ted. Hindi niya mapigilang maawa dito, alam niyang makakaramdam ito ng pagiisa matapos nila itong talikuran ni Alvin sa party pero nung malaman niya na naaksidente ito ay hindi na niya ito magawang talikuran dahil alam niyang kailangan ni Ardi ng kasama kahit pa sinaktan siya nito ng sobra.



Inabot ni Eric ang balikat nito at pinisil iyon at marahang nagsalita.



Don't worry about Ted. He's just playing rough but deep inside he cares.” sabi ni Eric, masuyong ngumiti si Ardi, tumalikod na si Eric at inaya na siyang magpahinga sa kwarto. Sumulyap muli siya kay Ted.


He still cares for me?” nagaalangang tanong ni Ardi sa sarili niya matapos ang mga sinabi ni Eric.


After all I've done to him, he still cares?” naluluhang sabi ni Ardi saka sinundan si Eric papasok ng kwarto.



0000ooo0000



Nang gumising si Eric ay nakita niya si Ardi at Ted sa dining table na kumakain ng agahan, hindi niya mapigilang mapangiti lalo pa't salat na salat niya ang awkwardness sa pagitan ng dalawa pero laking tuwa parin niya at hindi niya naabutan ang dalawa na nagpapatayan. Pinagmasdan niya muna ang kilos ng dalawa dahil inaamin niya na nacu-cute-an siya sa kilos ng mga ito.



Sa tuwing iinom ng kape si Ted at saglit na ibaba ang kaniyang binabasang dyaryo ay susulyap ito kay Ardi na abala naman sa paghalo ng kaniyang kape at paglalaro sa ng crossword puzzle sa isang tabloid. Sa tuwing si Ardi naman ang titigil saglit sa kakasagot sa dyaryo at iinom ng kape ay ito naman ang masuyong titingin kay Ted.



Good morning! How was your sleep, Ardi?” panggugulat ni Eric, halos maibugha ni Ardi ang kaniyang iniinom sa halip na ibugha iyon kay Ted ay pilit niya itong nilulon kaya't agad siyang nasamid, alam niya kasing nahuli siya ni Eric na nakatitig kay Ted kaya agad siyang nagpanic. Napahagikgik na lang si Eric habang si Ted naman ay nagmamadaling inabutan ng tubig si Ardi na ikinagulat ng huli.


He really do still care.” bulong ni Ardi sa sarili habang inaabot ang baso ng tubig na inaalok sa kaniya ng namumulang si Ted. Imbis naman na masaktan si Eric sa ipinapakitang koneksyon ng dalawa at magselos dahil hindi niya natanggap ang ganung koneksyon mula kay Ardi nitong mga huling linggo habang lumalabas sila ay lihim niya pa nga itong ikinatuwa.


We should've just remained friends. We were better in being friends than being lovers.” napangiti si Eric sa naisip niyang ito dahil narealize niya din na hindi siya bitter dahil ang pinagsaluhan nila ni Ardi nung mga nakaraang linggo ay purong pagkakaibigan lang sa pagitan nilang dalawa.



0000ooo0000



Pagod na pagod at lu-lugo-lugo paring pumasok si Eric sa opisina nung araw ding iyon. Agad siyang nagulat sa pinagbago ng paligid, hindi dahil bago ang mga gamit o bago ang ayos ng mga ito, nagbago ang paligid dahil da tingin na ibinabato sa kaniya ng mga kaopisina niya, mababait ang mga ito pero ito rin ang unang pagkakataon na halos lahat sa mga ito ay nakangiti sa kaniya.



I wonder what happened?” tanong ni Eric sa sarili niya habang inilalapag ang kaniyang mga gamit sa kaniyang upuan, kinuwa niya ang mug niya at tumuloy na sa pantry para kumuwa ng kape.



Patuloy parin ang mga kakaibang pagbati kay Eric ng kaniyang mga ka-opisina habang papunta sa pantry, masyado na siyang nawiwirduhan kaya't hindi niya napansin si Alvin sa loob ng pantry habang nagmamadali siyang isara ang pinto.



There's an open door policy in this pantry, Eric.” sabi ni Alvin na ikinagulat naman ni Eric, nang makita niyang si Alvin lang pala ang nagsalita ay agad siyang nagbuntong hininga at nagbitiw ng isang matipid na ngiti.


What's going on out there? It's like freakin' twilight zone with all those people smiling and slapping my back.” umiiling na sabi ni Eric habang nilalagyan ng mainit ng tubig ang kaniyang mug.


Philip, one of the senior architects saw what happened last night at the party and said something about sticking up with Ardi even after hurting you.” sagot ni Alvin, natigilan si Eric at humarap dito, nun lang nakita ni Eric ang malaking ngiti na nakaplaster sa mukha ni Alvin.


Almost everyone here was once close to Ardi and all of them helped him when he was spinning out of control but none of them was successful and when they heard about Ardi dropping his act because of what you did they just felt they owe you for bringing their friend back, the sweet, caring and kind Ardi. So that's why everyone seems like happy to see you.” seryosong sabi ni Alvin, tumango na lang si Eric nang makuwa na niya kung bakit ganun na lang ang kinikilos ng mga kaopisina niya.



0000ooo0000



Nang pumatak ang tanghalian ay hindi alam ni Eric kung saan su-suot, alam naman niyang hindi siya sinasadyang iwanan ng kaniyang mga kaopisina mag-isa pero simula't sapul naman talaga may kaniya kaniya silang grupo at hindi kasama doon si Eric, madalas niyang kasama si Ardi pero ngayong wala ito ay parang unang araw niya ulit sa trabaho.


Nang makalabas na para magtanghalian ang karamihan sa kaniyang mga katrabaho ay lumabas nadin siya ng building at naglakad papunta sa mall. Mag-isa siyang naglakad at naghanap ng makakainan, nang maisip niyang hindi naman kailangang espesyal ang kaniyang kakainan ay napagpasyahan na lang niya na kumain sa isang fast food chain.



Habang kumakain si Eric ay hindi niya mapigilang mapaisip.



This is the exact same reason why I fell for Ardi's trap. Dammit! I'm fucking alone again!” sabi ni Eric sa sarili sabay iling.



Dahil abala si Eric sa pag se-self pity ay hindi niya napansin ang nakatayong lalaki sa kaniyang unahan kaya't nagulat siya nang may ilapag ito ng Sundae sa lamesang kinakainan niya. Nagangat siya ng tingin.



I figured you'll be here.”



Itutuloy...




________________________________
Different Similarities 1[11]
by: Migs

12 comments:

  1. omg. so it is eric-alvin and ted-ardi!

    rei

    ReplyDelete
  2. ok eric-alvin and ted-ardi ito

    pero author please gusto ko sana eric-ted and ardi-alvin again.

    -Mike

    ReplyDelete
  3. argh...haha..frustration sa love team ko..mali nanaman..paranga ram-drei lang dati..hahaXD

    si alvin pala talaga ang the one! baka si patrick yun nakakita sa kanyaXD

    kailangan abangan :D

    ReplyDelete
  4. Ewan ko, basta ako kinilig ako sa chapter na to. Nice chapter, Migs.


    -=Myco=-

    ReplyDelete
  5. Hihi.. Cute chapter... Kaloka naman sila.. Exchange partners... Hahaha.. Pero kilih sa part ng eric alvin... Hihi

    ReplyDelete
  6. i second the motion... it's gonna be... Eric and Alvin... Ted and Ardi.... sweet! so soooo sweet! ayiiieee!

    ReplyDelete
  7. Eric-Ted ako. Imagine. Half-brother. True Lovers. Ganda nun. :))

    ReplyDelete
  8. Weeeh mga Eric-Ted Team dyan mga pangbasag kayo ng... lol e malabo nga kse iyon. Guguluhin niyo pa eh... Eto na nga pati si Eric kinikilig sa Ted-Ardi Team.

    And now, what we have to await is on how would the two couples dealt with their DIFFERENT SIMILARITIES. Aabangan ko talaga 'to sana bukas? Hehehe

    BTW, THANKS SA UPDATE. Naiinlove na yata ako pati kay Migs. lol

    ReplyDelete
  9. ARDI-TED, PAT-ERIC-ALVIN..

    BILIB AKO KAY ERIC.. KAW NA TLGA ANG MATATAGG AT FRIENDLY!

    CNO KAYA UNG LALAKI NA UN... C PAT CGURO UN.. JEJEJEJEE


    NEXT NA PO AGAD.. JEJEJEJE

    ReplyDelete
  10. Finally, the picture of Eric-Alvin is vividly clear. And the guy in the fastfood is Pat to mingle again to Eric-Alvin development. Naku mukhang malapit na matapos ang book1: Eric-Alvin. Next na ang Book2:Ted-Ardi (together again/reconcillation) bwahahaha wala lang po. Natuwa lang sa chapter na to.

    ReplyDelete
  11. yes! Alvin-Erci na talaga to!!! At Ted-Ardi.

    Haha wag na kayo magrequest na Ted-Eric, Alvin-Ardi, ok na ang lahat, kasado na. Haha! :p


    ang ganda!!! Todo smile ako ^________^

    --ANDY

    ReplyDelete
  12. nice episode sir migs.. si Alvin umi.score na talaga kay eric..

    ReplyDelete