Tuesday, March 20, 2012

Different Similarities 1[14]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Tila napako si Eric sa kaniyang kinatatayuan, hindi na niya alam kung ano ang nangyayari, masyadong ng maraming nangyari nung araw na iyon at hinding hindi niya inaasahan na ang pagkawala ng malay ni Ardi. Tinignan siya ni Ted na parang nagmamakaawang tulungan siya sa pagbuhat kay Ardi, hindi alam ni Eric kung pano nawala ang pagkapako niya sa sahig basta't nakita na lang niya ang sarili sa tabi ni Ardi at kagaya ni Ted ay inalalayan ito papunta sa sofa.



O shit! He's burning with fever, Ted!” sabi naman ni Eric, hindi na ito pinansin ni Ted dahil nagaalala na siya. Naging maayos naman ang araw nilang dalawa ni Ardi, sa katunayan nga ay masaya silang nanood ng TV at naglaro ng play station, wala naman itong nasabi na masama ang pakiramdam o may iniinda itong sakit.



Nang mailapat na ng dalawa si Ardi sa sofa ay agad itong nanginig.



He's having a seizure. We have to bring him to the hospital!” sigaw ni Henry at nagmamadaling binuksan ang pinto at tinawag ang dalawa na buhatin na si Ardi papuntang sasakyan at tutuloy na sila sa ospital.



0000ooo0000



No, hindi siya nag seizure, chills yung nakita niyo dahil sa taas ng lagnat, madalas talagang mapagkamalang seizure ang pagchi-chills and it's good that you guys brought him here, the lacerations in his head is infected thus the fever. Pinalitan ko na ang antibiotics niya and I cleaned the wound. I would suggest that you guys take care of the wound properly this time and don't let it get wet.” sabi ng doktor, nagpasalamat naman ang tatlo dito at nakahinga na ng maluwag si Eric.


I thought you were looking after him, Ted?” naniningkit na tanong ni Eric, agad na namutla si Ted.


I-I'm sorry, I should've done better---”


Hey, don't sweat it, I was just joking!” nakangiting sabi ni Eric. Napangiti narin si Ted at wala sa sariling niyakap si Eric na ikinagulat ng huli.


I see that you guys are getting close already?” nakangiti at tumatango-tangong obserbasyon ni Henry, lalong napangiti ang dalawa at tumango din.


He's like a twin brother that I've always wanted.” sabi ni Ted at lalong pinisil si Eric sa kaniyang matipunong dibdib.


Well, it will not be long and you guys will both have a new little brother. But before that---” putol ni Henry sabay yuko. “---Eric, I think we still need to talk.” pagtatapos ni Henry, halos maalis na sa utak ni Eric ang napipinto nilang paguusap mag-ama dahil sa mga nangyari kay Ardi.


OK.” sagot ni Eric sa ama saka tumingin kay Ted. “Ted, call Alvin, let him know what happened to Ardi, OK?” tumango na lang bilang sagot si Ted.



0000ooo0000



Why didn't you tell me?” simula ni Henry, nang makalabas sila ng ospital.


Because I don't know what to believe anymore, she told me that you only want me there because you feel obligated to look after me, as much as I don't want to believe it, dad but you were barely there when I was growing up--- ” nahihiyang sabi ni Eric, hindi niya napansin ang nangingilid na mga luha sa mata ng kaniyang ama.



Matagal silang natahimik, hindi makaharap si Henry sa anak dahil nahihiya itong ipakita na umiiyak siya. Naiintindihan niya ang anak, madami itong pinagdaanan noon na wala siya sa tabi nito, hindi niya ito masisisi kung paniwalaan nito ang panlalason ng kaniyang madrasta.



I knew that she was cheating on me. About a month ago I got really suspicious because she's always out of the house, as much as I want to trust her there's this unsettling feeling every time she say that she will go to a salon or something, so I hired a private investigator.” amin ni Henry matapos pahiran ang kaniyang mga luha.


Oh dad! I'm so sorry.” sabi ni Eric sabay yakap sa ama, hindi matiis ni Eric na makitang nasasaktan ang ama, gusto man niya itona aluhin at sabihing magiging OK lahat habang tinitignan sa mata ang ama ay hindi niya ito magawa dahil natatakot siyang makita doon ang itsura ni Jake nang malaman nito ang pagtataksil nila noon ni Pat. Natatakot siyang ipaalala ng mukha mismo ng kaniyang ama ang pananakit na idinulot niya kay Jake.


That's why I want you to stay with me, Eric, I want the pain to be somehow bearable.” umiiling na sabi ni Henry, lalong hinigpitan ni Eric ang yakap dito.



Muli silang binalot ng katahimikan matapos maghiwalay sa pagyayakapan.



Dad, is the b-baby---?”


Is the baby mine? Yes, she told me that I was the only guy she was seeing when she conceived the baby, I asked the private investigator earlier and nalaman niyang nagsasabi ng totoo si Shelly..” sabi ni Henry.


I'm really sorry, dad.”


I just wish you said something, Eric. I'm sorry if I was not always there while you were growing up but that doesn't mean I don't love you any less. I love you, Eric, please never ever doubt that again.” bulong ni Henry, ngayon ang mga luha naman ni Eric ang nangilid.


Enough of this.” may kalakasang sabi ni Henry sabay tapik ng balikat ng anak. “Did you know that you scared the living shit out of Shelly? She came to me crying and shaking, she told me that you saw her with a guy and that they were kissing and that you threaten her to tell me the truth or you're going to make her life hell.” humahagikgik na sabi ni Henry, hindi narin mapigilan ni Eric ang mapangiti.


That's when I realized that you still care for me and still want me in your life, that you still need me and that maybe Shelly said something that made you stay away from me and that I made a very serious mistake introducing you to her.” bulong ni Henry, tumango na lang si Eric.


I wish things could've been different, Dad. I really want you to be happy, I'm so sorry that tita Shelly cheated on you.” muling nagyakap ang mag-ama pero agad naputol 'yon nang biglang sumulpot si Ted.


Eric, Alvin is here, he said that he wants to talk to you.” Tumango lang si Henry bilang pagpayag na saglit na umalis si Eric. Pumalit naman sa puwesto ni Eric si Ted at ito naman ang nakipagusap kay Henry.



Nang dumating si Eric sa tapat ng cubicle kung saan nandun ang higaan ni Ardi ay hindi nito napigilan na marinig ang pinaguuspan ng dalawa. Hindi naman nagtatalo ang mga ito pero si Ardi bilang si Ardi ay nagmamatigas nanaman.



I've been there for three days already, Alvin, nakakahiya na.”


They love you there, Ardi.” paniniguro naman ni Alvin.


I know and they're doing a fantastic job in taking care of me pero nakakahiya na.” sa sinabing ito ni Ardi ay hindi na napigilan ni Eric na magpakita sa dalawa.


You can't honestly think that we're going to let you live by yourself, do you? Lalo pa ngayon na alam natin pare-pareho na hindi mo maaalagaan ang sarili mo.” sabi ni Eric na ikinagulat ng dalawa.


Hindi lang yun, I gave him two weeks more worth of rest day and ngayon na nangyari 'to lalo akong hindi papayag na walang magbabantay sayo, yun ngang may nagbabantay nagkaganyan ka parin yun pa kayang ikaw na lang magisa sa condo mo?” pagpupumilit ni Alvin, tumango-tango si Eric, wala ng nagawa pa si Ardi kundi umiling.


I don't think Ted would be happy, though.” nakayuko at pabulong na sabi ni Ardi.


Well, I wouldn't mind you staying if you let me beat your ass in play station!” tawag ni Ted sa likod kasama si Henry.



Hindi mapigilan ni Eric na mapangiti sa sinabing iyon ni Ted, alam niyang mahirap para dito na kalimutan ang ginawa ni Ardi sa kaniya dati pero desedido na ito ngayon na kalimutan ang lahat ng iyon lalo pa ngayon at kailangan ni Ardi ng mga kaibigan at si Ted bilang si Ted, malaki mang tao, brusko tignan at tigasin ay pusong mamon din kaya't hindi nito hahayaang iwan mag-isa si Ardi.



Thank you, guys.” pabulong na sabi ni Ardi, hindi naman ito pinaligtas ni Ted at binato na agad ito ng pangiinis.


Don't get mushy on us now, Dude!” at sa sinabing ito ni Ted ay nabalot ng hagikgikan ang buong cubicle, pilit na itinatago ang mga tawanan sa takot na palabasin sila ng E.R.


Everything is getting better, Dad and I are OK now, Ardi and Ted seems to be getting closer again as if the scandal last year didn't happen and I found a new best friend in Alvin.” bulong ni Eric sa sarili niya habang inililibot ang mga tingin sa bawat taong kasama niya sa cubicle na iyon.



0000ooo0000



Eric?” tawag ni Ardi sa kasama sa kwarto matapos nilang makauwi galing ospital.


Hmmm?” tanong ng inaantok ng si Eric.


I would just like to thank you--- I mean, I don't know what I did to deserve you guys.” naluluhang sabi ni Ardi.


Because Alvin, Ted and I know the real you, Ardi, and the real you is not that bad to be a friend and to be loved.” pagalo ni Eric sabay yakap kay Ardi.


Thank you.” bulong ulit ni Ardi at ibinalik na lang ang yakap kay Eric.



0000ooo0000



Kinabukasan, lulugo-lugo parin si Eric na bumangon mula sa kama, sinulyapan ni Eric ang hinihigaan ni Ardi, nagtaka siya ng makitang wala na itong laman at maayos na ito, agad siyang naghilamos at nagmumog atsaka lumabas na papunta sa kusina, doon, naabutan niya si Ardi at Ted na tila ba nagaaway.



You should be chilling out, dude!” singhal ni Ted at inagaw ang sandok na hawak hawak ni Ardi.


Di ako sanay na walang ginagawa!” balik naman ni Ardi.


Gusto mong bumuka nanaman yang tahi mo?”


Really? Ted? Sa tingin mo bubuka ang tahi sa ulo ko habang nagluluto ng bacon?!” sabi ni Ardi, hindi na maitatanggi ang sarcasm sa boses nito na ikinainis ni Ted.


The last time I let you do what you want, those stitches on your head caught some bacteria and got infected!” balik ni Ted na ikinatameme saglit ni Ardi.


So what?! I'm just going to let you guys do all the work for me?!”


Technically, I and no one else but me who's going to do all the work for you, not Alvin, not Eric! Since I seem to be the one in charge in taking care of you and since I own this apartment you have no other choice but to go with my rules!” singhal ni Ted na ikinalaki ng mata ni Ardi sa gulat.


Fine! There! You want to cook breakfast?! There---!” balik ni Ardi sabay bato ng sandok kay Ted, halatang galit na galit na dahil sa sinabi nito. “---you manipulative bastard!” habol ni Ardi sabay talikod.



Sa pagtalikod na iyon ni Ardi ay saka niya napansin si Eric na nakatayo sa hindi kalayuan, pinipigilan ang sarili na tumawa, hindi kasi nito mapigilan na isipin na parang matandang mag-asawa ang dalawa, pinagaawayan ang kanilang mga role sa bahay at kung sino ang mas importante sa kanilang dalawa.



What are you laughing at?!” singhal ni Ardi kay Eric. Sa puntong iyon ay napansin narin ni Ted ang step brother niya sa di kalayuan. Naningkit ang mga mata niya dahil napansin niya rin ang nagsisimulang pagtawa sa mukha nito gaya ng napansin ni Ardi. Saglit niyang ikinibit balikat ito at uminom ng kape para kumalma mula sa katatapos lang nilang pagtatalo ni Ardi.


Nothing, it's just that you guy's look good together, almost like an old couple who wants to keep on arguing to spice up their marriage a little bit!” biro ni Eric, tila naman nahilo sa birong iyon si Ardi at wala sa sarili itong napaupo sa isang upuan sa may dining room. Wala pang ilang segundo ay nasa tabi na nito si Ted at may pagaalalang tinignan kung OK lang ba si Ardi. Hindi mapigilan ni Ardi ang mamula sa ipinapakitang pagpapahalaga ni Ted si Eric naman ay hindi mapigilang mapangiti at kiligin.



Nang masiguro na ni Ted na OK lang si Ardi ay kaswal itong uminom mula sa tasa ng kaniyang kape na kala mo walang nangyari pero naguumpisa naring mamula ang pisngi nito, sa puntong iyon naisipan ni Eric na ituloy ang kaniyang biro.



--- and after arguing like old couples do, you guys will also have great make up sex like they do.” pagtatapos ni Eric, tila naman hinigop lahat ng isang vacuum ang dugo ni Ardi sa mukha dahil agad na itong namutla habang si Ted ay naibugha naman ang kaiinom lang na kape.


What?! I was just stating an observation, it's not like you're going to have make-up sex later, right?!” nangingiting tanong ni Eric sa sabay na umiiling na si Ardi at Ted. Muli siyang napangisi.


I-I'll j-just finish up with breakfast so we can all eat together.” sabi ni Ted sabay marahas na humarap sa niluluto, si Ardi naman ay tila aso na ngayong bahag ang buntot at pumayag na lang kay Ted.


Asshole.” bulong ni Ardi kay Eric habang umuupo ito paharap sa kaniya sa lamesa, humagikgik na lang si Eric, hindi narin napigilan ni Ardi ang sarili at napangiti narin ito. Inamin niya na kasi sa sarili niya na tama ang obserbasyon ni Eric, para nga silang matandang magasawa ni Ted kung magsinghalan.



0000ooo0000



Cut the crap, you two! Don't go quiet on me now!” nangingiti-ngiting sabi ni Eric sa nagkakahiyaang si Ardi at Ted habang kumakain ng agahan.


I just don't have anything to say, that's all.” pagmamatigas ni Ted.


Bullshit! I know that you're itching to ask Ardi about the playoffs later!” laban ni Eric, si Ardi naman ay naniningkit ang matang tumingin kay Eric habang si Ted naman ay hindi mapakali sa upuan.


This is fucking awkward!” sabi ni Ardi sa sarili niya, alam niyang di mapakali ngayon si Ted sa kaniyang upuan at nahihiya ito ngayon sa kaniya dahil sa kumento kanina ni Eric, tinignan ni Ardi ng masama si Eric bilang sabi na alam na nito ang ginagawa ni Eric.


Are you trying to set us up?!” pasinghal na tanong ni Ardi kay Eric, nagtaas ng tingin si Ted at pinabalik-balik ang tingin sa dalawa, si Eric naman ay kaswal lang na ngumiti.


I don't need to set you guys up, you already have a thing running between you two, I just have to point it out to you guys to realize it. All you need is a little push” pakantang sinabi ni Eric ang pitong huling salita sabay tayo at tinungga ang kaniyang kape at nagpaalam na maliligo na para pagpasok niya sa umagang iyon.



Naiwan sa kwarto ang dalawa at binalot ang mga ito ng katahimikan, parehong tumatakbo sa kanilang mga isip ang sinabi ni Eric.



0000ooo0000



Lulugo-lugo pero nakangiting lumabas si Eric ng elevator, nagulat siya ng makita ang kaniyang nagiintay na boss. Nakatayo si Alvin sa harapan ng elevator kung saan alam niyang ilang segundo na lang ay lalabasan ni Eric, nakangiti niya itong sinalubong at binigyan ng panibagong batch ng mga kliyente na naghahanap ng magaling na arkitekto. Agad na nabura sa mukha ni Eric ang ngiti.



Good morning to you too.” sarkastikong bati ni Alvin nang makita ang agarang pagiiba ng reaksyon ng mukha ni Eric.


I'm sorry, it's just that I haven't finished the last batch of folders you gave me the other day and now you're giving me new ones, I mean, all these shit with Ardi in the house and Ted always mock arguing with him does add up to a ton of stress I'm receiving here at work.” umiiling na sabi ni Eric, napakunot naman ang noo ni alvin.


What do you mean, 'mock arguing'?” tanong ni Alvin habang naglalakad kasabay papunta sa lamesa ni Eric.


You know, the kind of shit old couples do, arguing like shit heads but deep inside you know they love each other and have great make up sex later.” kaswal na sabi ni Eric sabay upo sa lamesa at itinuloy ang naiwang trabaho nung kinagabihan. Saglit na natigilan si Alvin at inabsorb ang sinabi ni Eric, nagulat naman si Eric ng tumawa ng malakas si Alvin, kasama ni Eric na nagulat ang buong floor dahil noon lang nila nakitang tumawa ulit ng ganon si Alvin.


What?” tanong ni Eric.


Nothing. It's just freaking funny. Imagine? Ted and Ardi as a married couple.” humahagikgik paring balik ni Alvin.


You should've seen how they argue. It was so cute, almost cheesy and mushy!” umiiling na sabi ni Eric habang patuloy parin sa paghagalpak si Alvin ng tawa, hindi mapigilan ni Eric na matuwa habang nakikinig sa pagtawa ni Alvin, hindi niya alam kung bakit pero meron siyang nararamdaman sa banda ng kaniyang tiyan.



Nang mapansin ni Alvin na nakatitig sa kaniya si Eric ay hindi rin nito mapigilang may kung anong kumiliti sa kaniyang kalooban, gustong gusto kasi ni Alvin ang mga mata ni Eric at ang matitigan ng mga magagandang matang iyon ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.



So uhmmm are we still on for lunch?” tanong ni Alvin saka biglang namula, nung magsalita naman si Alvin ay agad na naglihis ng tingin si Eric at namula rin dahil nahuli siya sa pagtitig niya kay Alvin kaya't hindi nila nakita ang pamumula ng isa't isa.



Matagal bago sumagot si Eric kaya't kinabahan si Alvin, hindi niya alam kung bakit pero tila ba naging permanente ng naging kasama ng kaniyang paboritong pagkain si Eric na masuyong nagkukuwento sa kaniya at ang mga magaganda nitong mata na masuyo ding nakatingin sa kaniya.



Habang hindi naman sumasagot si Eric ay iniisip nito kung bakit siya biglang natuwa nung ayain siya ni Alvin para sumama ulit dito magtanghalian gayung ilang araw na silang kumakain na magkasama.



S-sure.” sagot naman ni Eric sabay pakawala ng isang matipid na ngiti habang si Alvin naman ay napabuntong hininga, tila ba nabunutan ng tinik ng malaman na gusto parin siyang makasama ni Eric at hindi pa ito nagsasawa sa kaniya.



What's with the long breath, boss?” tanong ni Eric sabay hagikgik. Namula naman si Alvin.


Wwwelll--- I thought you're going to turn down my offer---” nahihiyang simula ni Alvin, napansin naman ni Eric ang pagkabalisa ni Alvin kaya't tinulungan na niya itong mawala ang pagiging awkward ng sitwasyon.


What? Me? Turning down an invite for a FREE lunch?! You have got to be loosing your screws in the head, boss.” biro ni Eric, muling tumawa si Alvin, muling narinig ni Eric ang magandang tawa na kaniya na ngayong gustong gustong marinig.


Free?! Who told you I'm going to buy you lunch?!”


Oh comon, Alvin!” pakantang tanggi ni Eric na lalong ikinahagalpak sa tawa ni Alvin.


Stop whining and start drawing!” nangingiti ngiting sita ni Alvin kay Eric sabay talikod at tuloy na sa kaniyang opisina.



Itutuloy...




___________________________________
Different Similarities 1[14]
by: Migs

13 comments:

  1. Ayieee... sobrang kilig naman ito. Pwde ng the end ito all is well na.

    ReplyDelete
  2. d best ka tlg migs...


    fresno

    ReplyDelete
  3. Aaaaah!!! Aaang gaaanda!!! Nung isang araw ko pa hinihintay ang update na to! Haha! Kilig!!

    Thanks kuya migs.

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. “Everything is getting better, Dad and I are OK now, Ardi and Ted seems to be getting closer again... I found a new best friend in Alvin.” hayyy...

    -=myco=-

    ReplyDelete
  5. Coooolllll... Haha... Galing.. Babasahin ko nga tong chapter na to parati.. Para parating may nakapaskil na ngiti sa pagmumukha ko.. Haha.. Nice chapter mr. Author...

    ReplyDelete
  6. Anu ba?! parang ending na to. wala nang conflict e! pero dahil hindi pa narereveal si someone na pinaghandaan ng food ni eric e hindi pa to tapos.

    pabitin much! reveal na!

    demanding si ako..

    kuya migs! KUYA MIGS! KUUYAA MIIIGS!!
    yan ah! may comment si ako! :)

    ReplyDelete
  7. I GAVE UP! obvious naman kung sino ang para kanino...haha

    sige enough with ted-eric..protective lang talaga si ted since gusto niya talaga na little brother :D

    ........... pero malay natin bigla nanamang mag twist may less than 7 chaps pa..malay natin tumaob bigla..hehe

    ReplyDelete
  8. Sure kayo na wala ng conflict? :-D

    Hahaha!


    Tingin niyo si Alvin na talaga? :-) hahaha!

    ReplyDelete
  9. Huh?! Ano kamo...?! Ganun ba? O cge hanggang dito na lang ako. LOL

    ReplyDelete
  10. Patay..sabi na nga bah eh..may isa pang conflict. And a nurse-writer like yourself, I think I can foresee the next chapters. sabi mo 6-7 chaps pa last time di ba kuya? Di pala magkakatotoo gusto kong double love story. :( Pero It will open up to a new story kaya ok parin. :D THANKS ONCE MORE KUYA MIGS!!! This chapter reminds me of the mid part of Taking Chances where all seemed too well when suddenly Chris made a wrong turn. Ahw... :( I don't want to lose any of them now in the story. Tsk!

    But still, nice play of lines and sequence of events, you just keep getting better KUYA MIGS! :D CONGRATS!


    -->nIx

    ReplyDelete
  11. TeD-eRiC Forever. Thank you mahal kong Migz. :)

    ReplyDelete
  12. Fantastic article. keep it up!
    My web site - canapé d'angle

    ReplyDelete