Thursday, March 15, 2012

Different Similarities 1[12]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Nakanganga parin si Eric may ilang segundo pagkatapos maglapag ng sundae ng lalaking nakatayo sa harapan niya at nang magsalita ito. Ginising niya ang sarili at pilit binura ang gulat sa kaniyang mukha at pinalitan iyon ng ngiti. Nakita niya ang pagaalangan ng kaniyang kaharap kaya naman agad siyang nagsalita.



Thanks for the sundae, Alvin.” sabi ni Eric sabay aya kay Alvin na umupo.


Figured you can use one.” nangingiting sabi ni Alvin sabay namula.



Saglit silang natahimik.



You know, we were never given the chance to know each other.” basag ni Alvin sa katahimikan.


Yeah.” simpleng sagot ni Eric.



Totoo, hindi nabigyan ng pagkakataon si Eric at Alvin na kilalanin ang isa't isa. Binalot ulit ng kakaibang katahimikan ang espasyo sa pagitan ng dalawa.



Sooo...”


So what?” tanong ni Eric.


Uhmmm--- how was the sundae?” tanong ni Alvin na ikinasamid naman ni Eric.


Really?! That was lame Alvin and you know it.” natatawang sabi ni Eric, namula si Alvin at hindi narin napigilang mapatawa.



Matapos humupa ang kanilang mga tawanan ay saglit na nagtinginan ang dalawa.



Yeah, well lame or not get your butt back in the office and get workin!” natatawang sabi ni Alvin, umiiling na tumayo si Eric at naglakad na pabalik sa opisina kasunod ang nakangiti paring si Alvin. Aminado siyang may awkwardness parin sa pagitan nilang dalawa pero pakiramdam ni Alvin ay magsisimula na ang isang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa ni Eric.



0000ooo0000



Hinatid ni Alvin si Eric sa apartment nito dahil narin gusto nitong kamustahin si Ardi at para narin mas makilala niya si Eric. Halos lahat na ay napagusapan nilang dalawa habang nasa daan, tungkol sa pagkabata, kung saang skwelahan sila pumasok at iba pa. Nang buksan ni Eric ang pinto ay halos sabay na bumagsak ang mga panga nila ni Alvin.



Sa sala magkatabing nakaupo si Ardi at Ted, hindi mapakali ang kanilang mga puwit, tila mga bata na excited na excited mamasyal, si Ted, hindi na nakuwa sa pagkagaslaw ang nararamdaman ay iwinagayway na ang kaniyang mga malalaking braso at nagsisisigaw na!



If you're not going to shoot the ball might as well pass it to others who can shoot it you dumbass!”


Ganyan ka-bano yang team mo?!” panunukso dito ni Ardi.



Sabay ding nanigas ang mga katawan ni Eric at Alvin nang marinig ang patutsadang iyon ni Ardi kay Ted, iniintay nila na pagsasakalin na ni Ted si Ardi pero hindi nangyari iyon, sa halip ay pabalang din nitong sinagot ang patutsada ni Ardi.



At least hindi namumulaklak sa penalty yung team ko kagaya ng team mo!”


Shaddap! Lamang kaya ang team ko!”



Dun na nakahinga ng maluwag si Eric at Alvin, alam na nilang medyo OK na ang lahat sa pagitan ni Ardi at Ted, na nagbibiruan lang ang mga ito at hindi na nila kailangang awatin at intayin ang mga ito magpatayan.



For a minute there I thought I'm going to wet my pants.” bulong ni Alvin, tinutukoy ang kakaibang paraan ni Ted at Ardi sa pagba-bond.


You're lucky, I thought I was going to have a heart attack!”



At sabay na napatawa si Eric at Alvin at kinamusta na ang dalawang masuyo parin na nanonood ng laro ng basketball sa TV.



0000ooo0000



Nang pumasok kinabukasan si Eric ng opisina ay dala-dala na niya ang ga-tambak na pinatrabaho sa kaniya ni Alvin, hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa lakas ng paghilik ni Ardi, lumabas man siya ng kwarto para matulog sa sala ay ingay naman ng mga tambay sa labas ang bumulaga sa kaniya kaya't imbis na puyatin ang sarili dahil sa inis ay naisipan na lang niya na puyatin ang sarili sa trabaho at balewalain ang ingay at inis.


Humihikab na nagtimpla si Eric ng kaniyang kape, kumakalam ang sikmura niya dahil isang piraso lang ng tinapay ang kaniyang kinain dahil naubusan na siya ng agahan ng matatakaw na si Ardi at Ted.


Sooo...” pabitin ni Alvin na ikinatalon naman ni Eric na halos ikatapon ng kaniyang tinitimplang kape.


So what?” naiiritang sabi ni Eric.


Woke up on the wrong side of the bed?” tanong ni Alvin sabay dampot ng pantimpla ng kape.


Actually, I didn't go to sleep so the waking-up-on-the-wrong-side-of-the-bed saying doesn't apply to me this morning.” inaantok paring sabi ni Eric.


Wha---? Why?”


Ardi snores like a cow in distress.” wala paring ganang sabi ni Eric.


I'm guessing you didn't have breakfast also---?” simula ni Alvin nang marinig ang pagkalam ng sikmura ni Eric na ikinamula ng pisngi ni Eric.


---Uhmmm you want to go downstairs for a while and grab something to eat?” tanong ni Alvin na pumiyok pa nga nang sabihin nito ang salitang 'eat' tila sa aya at sa sinabing iyon ni Alvin ay biglang nagising si Eric pero inisip na lang ni Eric na ang pagkagising na iyon ay dahil iyon sa kasalukuyan niyang iniinom na kape.


Uy! Nagbibinata! And what made you think I haven't had breakfast yet?” biro at tanong ni Eric, namula naman si Alvin sa biro at napangiti sa tanong na iyon ni Eric.


Well, hearing your stomach growl is one and then I'm thinking that before Ted leave for his morning jog he already cooked breakfast but you now live with Ardi and that kid can eat a whole cow and sometimes forget to leave some for others, now, assuming that Ted didn't cook breakfast it leaves Ardi for that task but then Ardi doesn't now how to cook even if his life depends on it so I don't think he would prepare breakfast for you and if you didn't have the energy now, I'm assuming that you didn't have the energy to cook breakfast either” mahabang paliwanag ni Alvin sabay kibit balikat.


Wow. Daming sinabi. You're that observant huh?” sarkastikong tanong ni Eric sabay ngiti.


I have to be observant, you know, being a boss and all.” sabi ni Alvin sabay piyok ulit.


Haha! Hitting puberty this late, what are you 35 and it's only now you're hitting puberty?” loko ulit ni Eric kay Alvin na ikinamula naman ng huli.


My voice tends to give way lalo na kapag puyat at gutom errr uhmmm yeah--- so what say you? Breakfast?” aya ulit ni Alvin di parin maitago na kinakabahan siya.


Sure! I think I can eat a whole cow right now after what happened last night.” humahagikgik na sabi ni Eric.


Well I don't know if I can afford a whole cow right now.” balik ni Alvin, napatawa si Eric.


You're paying for my breakfast? OK then, half a cow, would you be able to afford that?” biro ulit ni Eric.


Half of a half.” humahagikgik na tawad ni Alvin.


Awww! No! I want half a cow!” sabi ni Eric sabay pout na parang batang magsisimula ng magtantrum.


0000ooo0000



No shit!” singhal ni Eric sabay iling, halos ibugha na niya sa mukha ni Alvin ang kinakain niyang tapa at sinangag.


What?! Tolkien is better than Rowling! The Lord of the Rings trilogy is intelligently done, Rowling has too many inconsistencies in the Potter series!” balik naman ni Alvin.



Nagpapalitan lang ng mga impormasyon ang dalawa na siyang madalas gawin ng mga kakikilala pa lang, may ilang linggo na silang magkakilala pero ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon na kilalanin ang isa't isa, sa palagay ni Eric ay magkakasundo sila ni Alvin lalo pa't pareho sila ng interes, gusto at hindi gusto.



That is because the Harry Potter series was not written backwards! I mean, who in their right mind would write something in backwards?” balik ni Eric sabay ngiti ng nakakaloko.


Only great minds do that! And besides he wrote it backwards precisely to prevent inconsistencies!” balik ni Alvin sabay siya naman ang nagpakawala ng nakakalokong ngiti.


Whatever! What's with Frodo and Sam anyway?! Every scene where they are alone just shouts 'gay!' Tolkien should've had 'Lord of Charings the Fellowship of the fags' as title.”


That was a low blow! Considering you're gay!” balik naman ni Alvin at sabay silang napatawa, aminado naman si Eric na low blow nga ang kaniyang ibinalik na patutsada pero sinubukan niya parin dahil wala na siyang maibalik pang iba kay Alvin.


Oh shit! Look at the time!” halos tumalon na sabi ni Eric dahil sa pagmamadali.


Oh no, I still need to distribute the new projects.” umiiling naring sabi ni Alvin sabay tayo.


Hey! I still have to tell you the never ending list of proof why Rowling is better than Tolkien!” sabi ni Eric habang sinusundan si Alvin pabalik ng opisina.


Save it for lunch!” nakangiting sabi ni Alvin, napangiti narin si Eric, di niya kasi inaasahan na gugustuhin pa ulit siyang makasama ni Alvin.



0000ooo0000



Hindi maiwasan ni Eric na mapalapit kay Alvin, inaamin niya na nainis siya dito noon at hindi niya binigyan ang sarili pati si Alvin ng pagkakataon na makilala ang isa't isa dahil sa pagaakalang nagseselos ito sa kaniya at gusto nitong agawin si Ardi sa kaniya, hindi niya alam na wala na itong interes kay Ardi kundi purong pagkakaibigan at nagaalala lamang siya sa mga ginagawa nito.



Ngayon nakuwa na niya kung bakit tila ayaw pakawalan ni Ardi ang pakikipagkaibigan niya kay Alvin, maaaring hindi na niya ito mahal bilang isang kasintahan pero mahal na mahal naman niya ito bilang kaibigan dahil si Alvin yung tipo ng tao na hindi ka pababayaan at matatawag mong swerte ka kapag ikinunsidera ka niya bilang kaibigan.



At gagawin lahat ni Eric para hindi mawala si Ardi, Ted at ngayon si Alvin bilang kaniyang mga kaibigan, dahil matapos ang nangyari noon kay Pat at ngayon kay Ardi ay masasabi niyang kailangan niya muna ng mga kaibigan bago maghanap ng mamahalin.



Hey, the clients loved your designs, di magtatagal uulanin ka ng papuri and before you know it, clients will be lining up for your designs. Good job, Eric!” bati ni Alvin sa kaniya, ito na ang pangatlong araw ng pag-absent ni Ardi at sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay sila lamang ni Alvin ang magkasama tuwing break. Gustuhin niya mang makisama sa iba ay agad naman siyang tinamaan ng hiya, sa loob kasi ng magdadalawang buwan na niyang pagtratrabaho sa kumpaniyang iyon ay ngayon niya pa lang nakikilala ng maayos ang mga andun, pwera na lang kay Alvin na kilala niya na simula nung magumpisa siya.


Why, thank you, boss!” nakangiting sabi ni Eric.


You're welcome!” sabi ni Alvin na masuyo rin namang sinuklian ang ngiti ni Eric sa kaniya sabay abot ng mga folder para sa panibagong kliyente na tratrabahuhin ni Eric.


Ha! Ha! Sinabi mo lang yun para tambakan ako ng trabaho noh? At para di ako tumanggi?! You don't have to say sweet things before giving me gazillion folders for work, kahit gano pa kadami niyan tatanggapin ko yan.” natatawa at umiiling na sabi ni Eric. Bumulong si Alvin pero masyadong mahina iyon para marinig ni Eric.


What?” tanong ni Eric.


I said do you want to grab something to eat? I'm starved!” balik ni Alvin sabay akbay kay Eric. Lalong napangiti si Eric.


You also don't have to bribe me with lunch for me to accept work.” biro ni Eric, pabiro lang siyang sinuntok ni Alvin.


Who said I'm paying?” natatawang sabi ni Alvin.


Aha! Ngayon naman binabraso mo ako para ilibre ka ng lunch!” biro ulit ni Eric, saglit na sumersyoso si Alvin pero nang makita niyang nagbibiro lang si Eric ay napatawa narin siya.


You always have something to say do you?”


Well, my mom said that dad left her because I'm talkative.” tumatawang sabi ni Eric habang naglalakad sila papuntang elevator, sa lahat ng nakarinig at nakakita ng kanilang palitan na iyon ay sasabihin na nagiging malapit ng magkaibigan ang dalawa.


Un-fucking-believable!” umiiling na sabi ni Alvin dahil hindi makapaniwala sa kakaibang kadaldalan na ipinapakita ni Eric habang si Eric naman ay patuloy sa pagtawa.



0000ooo0000



No. star trek's better than star wars.” pagpupumilit ni Alvin.


WHAT?! Are you for real?!” singhal naman ni Eric.


Well, the story line sucks.” sagot naman ni Alvin sabay kibit balikat.


You'll pay for that, you know that? There are billions of Star wars fan and they are not fond of people who says bad about the series. Besides, star trek doesn't have a great plot also, with all those time travel and shit.” sabi ni Eric sabay hagikgik.


Captain Kirk is cute I think that's enough for me to like Star trek than star wars.”


Another lame shot by Mr. Alvin Montreal!” tumatawang sabi Eric.


Well, it's true, there are no cute guys in star wars.” depensa ni Alvin.


Try Anakin skywalker.”


What?! The one with the mask and breather thingy?!” tumatawang balik ni Alvin.


Before the mask thing!”


Nah. Too lanky for me.” humahagikgik na sabi ni Alvin.


Well aren't you a choosy little bastard! So what's your type then?” si Eric.


Pero hindi na narinig pa ni Eric ang sagot ni Alvin dahil agad na siyang binalot ng galit nang may mapansing kakaiba sa hindi kalayuan. Napansin iyon ni Alvin at akala niya nagalit si Eric sa kaniyang sinabi, nagsimula ng mag-panic si Alvin nang tumayo si Eric, sinundan niya ito para sana magpaliwanag, nagtaka siya nang tumigil si Eric sa paglalabas at inilabas nito ang kaniyang telepono at itinapat iyon sa isang pares ng lalaki at babae na naghahalikan at kumakain din sa restaurant na iyon at kinuwanan ang mga ito ng litrato habang naghahalikan.



Nagulat magsing irog sa flash ng camrea phone ni Eric. Agad na rumehistro sa mukha ng babae ang gulat at takot nang makita kung sino ang umistorbo sa paghahalikan nila ng kaniyang nobyo.



Hi tita Shelly. Long time no see.”



Itutuloy...




_____________________________
Different Similarities 1[12]
by: Migs

16 comments:

  1. ang bilis may update kaagad. mukhang Eric-Alvin na nga at Ted-Ardi. pero gusto ko sana Ted-Eric (sana hindi magalit yung iba dyan lalo na yung mga maka Eric-Alvin at Ted-Ardi hehehehehe peace tayo) mukhang konti na lang at magkakamabutihan na si Eric at Alvin. Tita Shelly may nobyong iba? baka hindi kay Henry yung dinadala ni Shelly.

    -Mike

    ReplyDelete
  2. ayan na ang battle ng anak at madrasta! Haha!

    Galing! Exciting. Cant wait for the next chapter to read.

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. "If you’ve read both Harry Potter and The Lord of the Rings, you can’t fail to notice how much Rowling draws upon Tolkien," hahaha

    ReplyDelete
  4. Hahaha! definitely great! thanks again kuya migs! :))

    -->nIx

    ReplyDelete
  5. Ang kuleeettt! Lol LOTR at STAR WARS ako.

    ReplyDelete
  6. Kilig chapter...

    Bangayan na next...

    Lagot ka Tita Shelly! Hmmm I smell more drama here bet Eric and his Dad. Lies and scandals.

    -=myco=-

    ReplyDelete
  7. Ay, akala ko out na sa story si Tita Shelly. And here now is the twist and conflicts. Sana di maging boring ang mga susunod na chapters. You know the half-blood disputes, family relationships where its very common among fictional stories. Hope you give justice for the coming chapters. Btw, Lotr is better than HP and Starwars than Startrek. Lol

    thanks 4 this update.

    ReplyDelete
  8. yeahh! its time for a sweet revenge! galeng mo tlaga mag shift ng story. he he he. updatessssssssss.

    ReplyDelete
  9. Whooaa...i guess mag pag asa ang TED-ERIC ko :D

    though nagiging close na sila ni alvin i still believe na naganun ang mangayayari :D

    and tama nga ko palagi sa mga comment ko na baka magkaroonng twist at eto na yun..

    ReplyDelete
  10. "Lord of Charings the Fellowship of the fags" HA! HA! HA!
    crazy you Mr. Migz! you made my first LOL of the day! sandamak-mak na halakhak!

    That grandstander bitch has a Boyfriend?! BOOOOM!it's time for Eric's counter blow! explosive!

    nagkakagaanan na ng loob ang mga LOVE birds... ayayay!

    :)

    ReplyDelete
  11. Grabe naman, di lang antipatika, malantod pa pala itong mama ni Ted. Di kaya magkaroon ng conflicts si Eric at Ted? Talagang Eric-Alvin na to.

    ReplyDelete
  12. Lagot ka Shelly. Hahaha. TED at ERIC pa din ako. Please Migs. Sila na lang. Sila na lang please!!!

    ReplyDelete
  13. Huli ang eklaterang kontrabidang palakang madrasta.

    ReplyDelete
  14. good Lord!!! papasok nnman si eric sa away!!!
    Langyang Shelly un kapal ng mukha.

    ReplyDelete
  15. Lol. Rowling's HP is better, did I say best? THAN LOTR. Case closed :3

    ReplyDelete