Sunday, March 4, 2012

Different Similarities 1[7]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Napansin ni Eric habang mataman silang kumakain na panay ang sulyap sa kaniya ni Alvin, wala sa isip siyang tumingin dito at hindi niya alam na nakamamatay pala ang tingin na ibinato niya dito. Oo, hindi siya natutuwa sa ginagawa nito at ayaw niyang malagay sa posisyon kung saan, katulad noon kila Pat at Jake ay maiipit siya, pero gusto talaga niya si Ardi at hindi naman ibig sabihin na porke may nararamdaman pa si Alvin para dito ay magbibigay daan na lang si Eric.



This is different from what Pat, Jake and I had before, Ardi and Alvin are no longer together and if Alvin doesn't want to commit with Ardi then I don't see why Ardi and I can't be together.” sabi ni Eric sa sarili.



Nagulat si Alvin sa ibinigay na tingin na iyon ni Eric. Alam na niya kung ano marahil ang iniisip nito, at alam na ni Alvin na may ideya na ito kung ano ang namagitan sa kanila ni Ardi, hindi na niya gustong malaman pa kung bakit at pano ito nalaman ni Eric, ang gusto lang mangyari ni Alvin ay makapagpaliwanag kay Eric, pero alam niyang pagkatapos ng mga nangyari nung gabing iyon ay alam niyang hindi pa magandang ideya na kausapin ito.



Natapos ang tatlo sa pagkain na wala ng nasabi sa pagitan nila. Masyado ng nasira ang gabi.



0000ooo0000



You don't need to call Ted, Eric. I'm bringing you home.” alok ni Ardi habang naglalakad sila pabalik ng kotse ng huli, si Alvin ay tahimik na nakikinig sa likuran ng dalawa, may dalawang hakbang ang layo, tila naman may pumalo ng kaldero sa ulo nito nang marinig ang pangalan ni Ted.



Ted?” tahimik na tanong ni Alvin pero hindi nakaligtas kay Eric at Ardi ang tigas ng pagkakasabi non. Napailing si Ardi, iniisip na wala ng lalala pa sa gabing iyon.



Yes, he's my step brother, got a problem with it?” mahina pero matalim na tanong ni Eric. Nagtense ang katawan ni Alvin nagpakawala ng isang malalim na hininga at ngumiti.



No, I have no problem with Ted. Paki kamusta niyo na lang ako. Uhmmm sige, una na ako, sorry ulit about the drink.” paalam ni Alvin, inintay niyang magsalita ang dalawa pero tinignan lang siya ng mga ito kaya't tumalikod na siya at naglakad palayo.



Muling umiling si Ardi.



0000ooo0000



Pasensya ka na sa mga nangyari ah?” bulong ni Ardi nang tumigil na sila sa tapat ng apartment ni Ted.


Wala yun.” nakangiting sabi ni Eric, sa unang pagkakataon matapos mangyari ang pagkakatapon ng iced tea sa magkahawak nilang kamay ay muling ngumiti si Ardi.


Yeah, I'm not going to let you go without a fight.” sabi ni Eric sa sarili niya matapos mahulog sa mgagandang ngiti ni Eric.


Uhmmm I don't want to go home yet. Want to go somewhere quiet--- Uhmmm just the two of us?”



Ngumiti na lang si Eric.



0000ooo0000



Nakita na lang ni Eric ang sarili niya na kinakaladkad ni Ardi paakyat ng roof top ng condo nito, kahit na medyo nanlalambot na ang kaniyang mga paa ay nakangiti parin siya dahil sa kilig na nararamdaman habang mahigpit na nakahawak ang kamay ni Ardi sa kaniyang kamay. Nang buksan ni Ardi ang pinto ay agad siyang napanganga sa ganda ng view.



Kita doon ang sa palagay niya ay buong metro Manila, ang mga nagtatayugang building, ang mga ilaw na miya mo malalayong bituin mula sa mga bahay sa isang exclusive village at ang mga tail lights at headlights ng mga sasakyan sa hindi kalayuang highway na miya mo ahas na de-ilaw o kaya naman Christmas lights na gumagapang.



Naglakad saglit si Ardi palyo at hinila ang isang mahabang upuan na gawa sa monoblock kung saan may sandalan at arm rest sa magkabilang gilid, umiling at napatawa si Eric.



Is this planned?” tanong ni Eric.


Noooo!” humahagikgik na sabi ni Ardi.


I asked the condo's management if I could put a sofa here when I moved in, the sofa got soaked and got ruined the first week because of a storm so I settled for a monoblock sofa instead.” sabay na napatawa ang dalawa, inaya na ni Ardi si Eric na umupo.

Wow.” ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Eric nang makaupo na sila, akala ni Eric ay mababawasan ang view kapag umupo na sila pero nagkamali siya dahil nakita niya ang magandang view sa kaniyang harapan sa kakaibang anggulo, tumango lang si Ardi na nagsasabing tama ang sinabi ni Eric sa magandang view na nakaahin sa kanilang harapan.


Madalas ka dito?” tanong ni Eric.


Yup, madalas kapag masyado akong nastre-stress sa buhay.” humahagikgik na sabi ni Ardi pero alam ni Eric na sa likod ng birong iyon ay ilang katotohanan. Kagaya niya, alam niyang stressed si Ardi sa trabaho at sa ilang tao sa pinagtratrabahuhan nila.


So I'm a stressor to you?” nakangiting tanong ni Eric habang nakaharap sa napakaamong mukha ni Ardi, iginawi ni Ardi ang tingin niya sa mukha ni Eric, saglit na tumahimik at tumitig sa maamo din nitong mukha.


Yes. A beautiful stressor.” sabi ni Ardi sabay bitiw ng matamis na ngiti. Tila may kumiliti kay Eric pero hindi niya iyon ipinaalam kay Ardi, sa halip ay pabiro niya itong sinuntok.


Beautiful is used to describe girls not guys like me.”


OK then, a handsome stressor, there, happy?” humahagikgik na sabi ni Ardi, umiling na lang si Eric at ibinalik muli ang kaniyang tingin sa nakaahing view sa kanilang harapan, hindi para pagmasdan ito kundi para itago ang kaniyang namumulang mukha kay Ardi.


You're blushing, aren't you?” humahagikgik na sabi ni Ardi. Lalo namang uminit ang mukha ni Eric tanda na lalo nga siyang namula.


'am not!” sigaw ni Eric sabay lihis pa ng kaniyang mukha palayo kay Ardi, inabot naman ni Ardi ang kaniyang baba at marahang pinaharap sa kaniya. Nun niya lang napansin na magkalapit lang pala ang mga katawan nilang dalawa.


Please don't look away. I like it when you blush.” seryosong sabi ni Ardi habang nakatitig sa mga mata ni Eric. Napansin ni Eric na papalapit ng papalapit ang mukha ni Ardi, hindi na napigilan ni Eric ang sarili at marahan na niyang isinara ang kaniyang mga mata.



0000ooo0000



Parang tangang nakangiti si Eric may ilang minuto na ang nakalipas matapos ang mahaba at mainit nilang paghahalikan ni Ardi. Tahimik ulit silang nakatanaw sa nagkikislapang mga ilaw na nasa harapan nila nang biglang umihip ang malamig na hangin, naramdaman ni Eric ang pag-akbay sa kaniya ni Ardi.



Makalipas ang isang buwan matapos tumalikod ni Pat ay masaya na ulit si Eric at para sa kaniya ay kontento na siya sa kung ano mang meron siya ngayon.



0000ooo0000



Halos lahat ng lumalabas sa bibig nito ay puro ka-sweet-an at ang iba naman ay kwento tungkol sa kaniya at sa kaniyang buhay, nun lang napagtanto ni Eric na hindi lang gwapo si Ardi, sa kabila ng nabalitaan niya tungkol dito at sa ginawa niya noon kay Ted ay unti unti na niyang nakikilala ang tunay na Ardi sa labas ng kanilang trabaho, mabait, pala kwento, masiyahin, optimistic at sensitive. Hindi siya nagsisisi nang paunlakan niya ang paanyaya nito.



Ikaw naman.” biglang sabi ni Ardi na siyang gumising sa pagtitig niya dito.



Ha?” tanong ng naguguluhang si Eric, biglang napahagikgik si Ardi.



Gwapo niya talaga kapag tumatawa.” sabi ni Eric sa sarili niya



Sabi ko, ikaw naman ang magkwento ng tungkol sayo, sa buhay mo.” sabi Ardi sabay ngiti.


Uhmm, wala naman ako masyadong ikukuwento---”



Excuses! Haha! Sige ito na lang, ikuwento mo sakin yung Pat ba yun? Yung itinawag mo sakin nung nagkakilala tayo.” sabi nito, tila naman nakalunok ng bato si Eric at biglang bumabaw at bumilis ang kaniyang paghinga.


Whoah! Easy!” sabi ni Ardi sabay himas sa likod ni Eric na tila ba nabubulunan ang huli.


Pat's my ex, di naging maganda ang paghihiwalay namin, actually matagal na kaming hiwalay, nito lang namin naisipan na kalimutan ang isa't isa dahil pareho na kaming nasasaktan at nakakasakit pa kami ng ibang tao.” sagot ni Eric sa loob ng isang hingahan lang, sumeryoso ang mukha ni Ardi at tumitig sa mga mata ni Eric. Kitang kita ni Ardi ang sakit sa mga mata nito, nun lang narealize ni Ardi na tila isang aquarium si Eric, kahit anong nararamdaman nito ay pihadong malinaw na makikita sa mukha nito.



Kung ayaw mo ng topic, OK lang, pwede nating ibahin” sabi ni Ardi sabay abot ng kamay ni Eric at pinisil iyon, umiling naman si Eric, para kasi sa kaniya ay dapat niyang ipaalam kay Ardi ang nangyari noon sa kanila ni Pat para kapag naisipan nilang mas higit pa sa magkaibigan ang gusto nilang maging ay malinaw na sa kanila lahat, wala ng sekreto at wala ng maaaring ikasakit nilang dalawa.



Ikinuwento ni Eric kay Ardi ang nangyari noon sa kanila ni Pat, nung college sila, kung pano sila naging magkaibigan, naging mag-dorm mate at nung naging mas higit pa sila sa magkaibigan, nung umalis siya para mag abroad at nung paguwi niya at ang papel niya sa relasyon ni Pat at Jake nung maglaon. halos maiyak iyak si Eric habang ikinukuwento iyon kay Ardi, hindi umalis ang kamay nito sa kamay ng huli at sa tuwing nagiging mabigat na ang mga ikinukuwento ni Eric ay pinipisil ni Ardi ang mga iyon, tila ba nagsasabi na naiintindihan niya kung bakit iyon nagawa ni Eric at tila rin nagsasabi na hindi siya nito huhusgahan.



Nang matapos si Eric sa pagkukuwento ay nagpakawala ito ng isang matipid na ngiti, nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa luha pero tila gumaan din ang kaniyang pakiramdam, naisip niya na tama ang sinasabi nila na kapag ikinuwento mo at inilabas mo lahat, hindi magtatagal ay gagaang din lahat ng dinadala mo, ilang saglit silang binalot ng katahimikan, nakangiting ibinalik ni Eric ang tingin niya sa mga ilaw habang si Ardi naman ay nakatitig kay Eric, may bahid ng pagaalala ang mukha nito.



Gawd! I'm so pathetic.” biro ni Eric para kahit papano ay gumaan ang paligid, agad namang tumayo si Ardi, pilit nitong nitong pinatayo si Eric at niyakap ng mahigpit.



I have no idea. I'm sorry, I'm sure it hurts---”



Nah, sanay na ako.” putol ni Eric, yun ang huli niyang gustong mangyari ang kaawaan siya ni Ardi. Habang magkayakap ay nun lang napansin ni Eric kung gaano kakumportable makulong sa yakap na iyon ni Ardi, tila ba tamang tama ang kanilang mga katawan para sa isa't isa. Nang humiwalay ang huli sa pagkakayakap kay Eric ay tila ba tinanggalan ang huli ng pagkakataong huminga, parang may kulang na sa kaniyang pagkatao.



Bakit mo naman ako napagkamalang si Pat?” tanong ni Ardi, tila may bumabagabag dito pero ikinibit balikat lang iyon ni Eric at sumagot.



Magkamukha kayo. Naiba lang ng konti sa lips at sa kulay ng mga mata at buhok at pati narin sa accent.” natatawang sagot ni Eric nang maalala ang huli niyang sinabi. Totoo, iyon ang pinakagusto niya kay Pat ang British accent nito.



Accent? Taga Visayas siya?” tanong ni Ardi habang itinataas ang isang kilay out of curiosity. Umiling si Eric.



Nope, he's half Brit.” simpleng sagot ni Eric. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng ginawang pagtalikod sa kaniya ni Pat ay nagagawa niya paring maging proud na meron siyang kakilala na may magandang accent kagaya nito.



Ahh, the sexy Brit accent. No wonder you're deeply, madly and crazy in love with the dude.” natatawang sabi ni Ardi, umiling ulit si Eric sabay seryoso ng mukha, napansin ito ni Ardi at muli nitong inabot ang kamay ng kasama.



I WAS deeply, madly and crazy in love with him. The keyword is the word 'WAS'.” sagot ni Eric dito habang umiiling ulit, nang i-angat ni Eric ang aking tingin ay masuyo ng nakatingin sakaniya ang huli at masuyong nakangiti.



What?”



Nothing, it's just that, moving on is a bitch, kung hindi lang dapat mag move on wala ni isa sa mga nai-in love at naha-heartbroken ang mag mu-move on dahil masakit ito, pero ikaw, tingin ko nakapag move on ka na and that's why I like you. You're strong, it's as if no one can hurt you.” serysosng sabi ni Ardi na ikinangiti naman ni Eric. Muling sumerysos so Eric nang may isang tanong na sumagi sa isip nito.



Ardi, what really happened between you and Ted?” wala sa sariling naitanong ni Eric, agad nabura sa mukha ni Ardi ang kanina lang ay nakaplaster na ngiti doon.



I'm sorry, I just want to hear your side of the story.” natahimik saglit si Ardi sa pahabol na iyon ni Eric.



Alvin and I were dating, as in were partners, una pa lang hindi na ito tanggap sa office dahil sa position niya, nun pa lang madami ng nainis sakin, kada lingon ko nakikita ko ang mga kaopisina ko na tila ba nagiinatay na may magawa akong mali. Di ako kumportable noon, sinabi ko kay Alvin ang problema ko pero si Alvin, bilang si Alvin, ang sabi nalang niya sakin ay wag ko na lang sila pansinin at magtrabaho na lang at ipakita na may ibubuga ako.” ngumiti saglit si Ardi at umiling, tila ba pinapaandar sa ulo niya ang mga masasakit na nangyari noon.



Ted, me and the gang---”



The gang? You mean Ant, Mervin, Cam, Rica, Sheena and Tina?” tanong ni Eric dito, ngumiti si Ardi at tumango tango bilang sagot.


Yes, them, anyway, Ted, me and the gang, magkakakilala na kami since college days, sila ang circle of friends ko everybody has this distinct personality, naisipan namin, since sa iisang condo kami noon malapit sa university nakatira na tinatawag na 'The Residences' nilagyan namin ng salitang 'resident' kasunod ng personality namin ang ginawa naming tawagan sa isa't isa. I'm the resident player---” natatawa ulit na sabi ni Ardi. “Ted is the resident 'Mr. Congeniality'.” nakangiting tuloy ni Ardi.



Sa buong grupo, kami ni Ted ang pinaka close. Nang makagraduate kami, bihira na kami magkita nila Ted at nung nagkita kami ang laki na ng pinagbago ni Ted, mukha na itong model sa cover ng GQ magazine, I guess, I let temptation swallow me whole---” sabi ni Ardi sabay iling. “--- di ko sinabi kay Ted na may karelasyon ako noong gabing nagkita ulit kami, di ko binanggit ang tungkol kay Alvin. I was such an asshole!” sabi ulit nito sabay iling, inabot ni Eric ang kamay nito at pinisil.



Nagkainuman, konting pakikipagflirt and BAM! Next thing I know, asa pad ko na kami ni Ted and having sex. I took Ted for granted, alam kong matagal na akong gusto ni Ted at ginamit ko iyon just for my selfish reasons.” umiiling na sabi ni Ardi. Pinisil ulit ni Eric ang kamay nito.



Di ko alam na uuwi ng maaga si Alvin at nahuli niya kami ni Ted sa akto.” malungkot na sabi ni Ardi. Naalala bigla ni Eric si Jake, nung nahuli nito si Eric at Pat.



He broke up with me on the spot. Mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala. Naisip ko na kung kay Ted ko ibabaling ang sisi, mapapatawad ako ni Alvin.” umiling ulit si Ardi, kitang kita ang pagsisisi sa mukha nito.



Napatawad nga ako ni Alvin, we're starting as friends again, I guess di naman nawawala agad agad ang pagmamahal mo sa isang tao kahit gaano mo pa siya ginago, nung point na yun di ko alam na may isang buhay akong sinisira, habang nagpapakasarap ako sa piling ulit ni Alvin ay miserable naman si Ted. Eric, please believe me when I say I never intended for Ted to be miserable, it's just that I became very desperate to get Alvin back.” nagmamakaawang saad ni Ardi, pinisil na lamang ni Eric ang kamay nito at tumango bilang sabi na naniniwala siya sa sinasabi ni Ardi kahit pa pakiramdam niya ay may kulang sa mga sinasabi nito.



Isang araw nakipagkita sakin si Ted and that's when karma got my ass. Ted recorded our convo and sent the tape to 20 people in the office including Alvin. Things were never the same after that. That prompted me to change, be humble and I decided to be the Ardi everyone used to like before that incident, but nobody gave me a second chance, well except for Alvin, we became friends again but that's as far as it goes.”



Bigla ulit na sumagi sa isip ni Eric si Alvin sa sinabing iyon ni Ardi, tila ba di siya makapaniwala na tanging kaibigan na lang ang tingin ni Alvin kay Ardi, muli ring sumagi sa isip ni Eric ang sinabi niyang hindi siya isusuko ang ngayo'y may pagka malalim na niyang nararamdaman kay Ardi kahit pa humarang si Alvin.



Hey, are you okay?” nagaalalang tanong ni Ardi, tumango lang si Eric pero kitang kita ni Ardi na may gumugulo dito at napatunayan niya iyon sa susunod na tanong nito.


So--- You still love Alvin?” wala sa sariling tanong ni Eric, natigilan si Ardi, alam niya ang sagot sa tanong na iyon, ilang saglit pa ay ngumiti ito.


Let's just say that I met the guy who can help me forget about him.” sagot ni Ardi sabay pisil ng kamay ni Eric.



Itutuloy...





_______________________________
Different Similarities 1[7]
by: Migs

15 comments:

  1. Sorry sa late post. super busy lang talaga.


    Thanks sa mga patuloy na nagco-comment! ^_^

    ReplyDelete
  2. Tama kaya ang nasa isip ko?????

    HINDI si Ardi ang makakatuluyan ni Eric. Its either Alvin or Ted. Pero malakas ang kutob ko na si Ted yun!!!

    Binase ko lang yung hula ko sa intindi ko sa Prologue.

    Sa prologue kung maaalala nyo, dumating si Pat sa bahay ni Eric, right. Then after Pat left the house, dumating si "unknown guy"...then diba nagpakwento si unknown guy kay Eric about sa kung anong meron kay eric at pat, kung ano mga ngyari sa kanilang dalawa dati, at kinuwento naman ni eric kasi hindi pa alam ni unknown guy yung tungkol sa knila ni Pat.

    Pero sa chapter na ito, kinuwento na ni Eric kay Ardi ang tungkol sa knila ni Pat. So bakit sa prologue eh hindi pa alam ni unknown guy ang tungkol kay Eric at Pat kung si Ardi si Unknown Guy. Di ba????

    Ang intindi ko kasi yung prologue eh yun ang present time, at ang buong story ang past. Ngkkwentuhan lang si unknown guy at eric about sa mga ngyari sa knila sa past, how they end up together.

    So ang conclusion ko... Hindi si Ardi ang makakatuluyan ni Eric!! Hehe! Siguro para kay Alvin talaga si Ardi.

    At mas gusto ko talaga si Ted for Eric..malakas ang kutob ko sa dalawa eh. Haha!


    --ANDY

    ReplyDelete
  3. Excited na sa next chapter! Galing mo talaga kuya migs!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. I think Anonymous is right! Here's a part of the first chapter:

    “Sooo... are you going to tell who's the guy I just saw leaving?”



    Napangiti si Eric.



    “He's the reason why I ended up moving back here in Manila.” matipid na sagot ni Eric, agad na kumunot ang noo sa pagtataka ng lalaking kaniyang kaharap.


    “Ohhh, I think I haven't heard this one before.”


    “I don't talk about it that much.”


    “I want to hear it, if it's OK with you.”

    ---------------------------------------

    Wow, just when I think things are starting flourish. But where's Pat? Ako lang ata ang gusto ng PatEric. Hihihi.

    ReplyDelete
  5. Hahaha Mr. Anonymous (andy) is right. Very good analysis from andy. Huli si Migs. Hihihi.

    ReplyDelete
  6. This Chapz explains it all.. ( part of it, i must say.. hehehe )

    Great Twist! kakaiba! Napakagaling! :)

    ReplyDelete
  7. Pero sana hindi ko na lang pinost yung hula ko. Baka kasi ibahin ni kuya migs yung takbo ng story at hindi mapunta si Eric kay Ted. LOL. Maka-Ted kasi ako.

    Ted-Eric! Go!
    Please, sila na lang. Haha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  8. Keri lang AUthor migs, mahirap talaga pag m.a

    and My gashXD..tama si andy!! hooraay!!! mas gusto ko si ted,though step brothers sila..malay mo..maisipan ng dad ni eric na she's just using her :D and boom! magiging sila ni ted tapos si ardi and alvin back together!!! kaya dapat sila na witwiw

    and nabitin naman ako..ito yung point na dahil tapos na sa toxic-toxican ay wala na magawa kundi abangan ang susonod na kabanata :D

    ReplyDelete
  9. kawawa naman si TED, give him a chance to be happy naman lahat ng character sumaya except TED.

    so TED and ERIC dapat...

    TY MIGS

    hmmmmm

    ReplyDelete
  10. Salamat sa update Migz. Luv u po. :))

    ReplyDelete
  11. Ang ganda nga ng twist! And I think this is all just a phase alam kong mahal ni Eric si Pat. Si alvin at si ardi naman. Si Ted and si Ant?(who knows?)

    All in all realization lang...

    ReplyDelete
  12. ALAM KO NA!!! ITO YUNG KARUGTONG NG BREAKEVEN NA SERIES!!! ANDUN SI PAT, JAKE AND ERIC! :)))---JED

    ReplyDelete
  13. I read again the breakeven book4...now I realized, this is the missing chapter..kawawa si eric dun...super..thanks migs!! I'm a nurse din. haha :)) ---JED

    ReplyDelete
  14. hmmm, mukhang na tratrace na nila ung sequence ng kwento. he he he. but i know magaleng ka migz. he he he. tnx sa sunod sunod na update. goodluck !

    ReplyDelete
  15. Ay parang magiging panakip butas si Eric. Lol

    ReplyDelete