Tuesday, March 27, 2012

Different Similarities 1[17]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Nakasimangot si Alvin habang pabalang na inililigpit ang tela na kanilang inupuan ni Eric habang kinakain ang sandwich na inihanda ng huli para sa kanilang agahan. Hindi niya kasi nakain ang huling piraso ng tuna sandwich na kaniya sanang lalantakan dahil may isang malaking aso na lumapit sa kanilang puwesto at sa isang kagatan ay kinain ang buong sandwich na kasama pa ang tissue.



I'm really sorry.” paghingi ulit ng paumanhin ng lalaking may ari ng kinaiinisang aso ni Alvin.


Hey it's OK---” sabi ni Eric sabay luhod para mapatapat sa mukha ng malaking aso. “Wow! He's one heck of a big but cute dog.” nangingiti-ngiti ulit na sabi ni Eric.


He's a big ugly dog.” bulong ni Alvin, hindi naman iyon nakaligtas kay Eric at tinignan siya nito ng masamang tingin, hindi parin niya malimutan ang sandwich na isang subuang nilunok ng malaking aso.



What's his name?” tanong ni Eric sabay kamot sa may bandang tenga ng aso.


He's Joey.” sagot naman ng may-ari na aliw na aliw na nakatingin kay Eric habang pa-baby-talk na kinakausap ang malaking aso. Napansin ito ni Alvin kaya tinignan niya ng masama ang may-ari ng aso, hindi naman ito nakaligtas sa may ari ng aso kaya't agad nitong binawi ang may pagkaaliw niyang tingin kay Eric.


You're one cutie wuggiie doggie, aren't yah?!” pa-baby talk na sabi ni Eric habang nilalamas na ang malaking mukha ng aso.


Don't forget that he's a hungry and a rude dog also.” bulong ulit ni Alvin na muling narinig ni Eric, naningkit ang tingin ni Eric at tumayo na ng ayos.


Kevin!” sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.


Wait up, Drei.” sabi naman ng lalaking may ari ng malaking aso na nagngangalang Kevin.


Again, I'm sorry for the sandwich. I'm Kevin by the way and this is my boyfriend, Drei.” pakilala ni Kevin, napataas naman ang kilay ni Eric pero agad ding ngumiti.


Hey, I said it's no biggie, it's just a sandwich---” simula ni Eric pero agad siyang natigilan nang muling bumulong si Alvin.


'just a sandwich' that I happen to be enjoying.” singhal ni Alvin na agad namang siningitan ni Eric para hindi marinig ni Kevin ang sinasabi nito.


---just a sandwich and we we're done eating it by the way. My name's Eric and this is my boss, Alvin.” pakilala ni Eric agad na nagpalitan ng kamayan ang apat.


Well it was nice meeting you guys but we have to get back to the office.” may pagka-kaswal na sabi ni Alvin. Tumingin si Eric sa dalawa, nagmamakaawang bigyan ng dispensa ang pagka-rude ng kaniyng kasama.


Bye, guys. See you later! Bye Joey!” sigaw ni Eric sabay kamot ulit sa likod ng tenga ng aso na dumamba sa kaniya at dinilaan siya sa mukha.


Psss! 'see you later' my ass! I'm not going to get near that damn dog again.” singhal ulit ni Alvin, hindi na napigilan ni Eric ang sarili at sinuntok na si Alvin sa braso na hindi naman nakaligtas kila Kevin at Drei.



0000ooo0000



I was enjoying that sandwich.”


I know but you didn't have to be that rude.” balik naman ni Eric habang naglalakad sila pabalik ng opisina.


I was not being rude, it's just that I was really, really enjoying that sandwich and thinking that you made it makes it even special and---” agad napatigil si Alvin nang maisip niya ang kaniyang sinabi, agad siyang tumingin kay Eric, nakita niya ang napakagandang ngiti nito at ang pag-blush nito.


I'll make you more tomorrow, just chill, OK?” alo ni Eric, kinilig sa mga sinabi ni Alvin.


And not only that, that Kevin dude? He's stripping you with that eyes---!”


No, he's not!”


Believe me, I know! I've been in a relationship with Ardi and became his best friend after, I know someone like Ardi if I see one!”


You're stereotyping now?” nangi-ngitingiting tanong ni Eric.


Kung hindi pa dumating yung boyfriend hindi ka pa titigilan--- and what's up with you flirting back? Is he your type? Kung ako sayo palitan mo na yang type mo sa lalaki, di ka pa nadala kay Ardi.”


I was not flirting with him!” balik ni Eric.


You're too!”


Am not!”


You're too!”


Am not!”


You're too!”


Am too!” hamon ni Eric.


You're not!” balik ni Alvin, huli na ng ma-realize niya ang panloloko sa kaniya ni Eric.


Aha! Sa bibig mo mismo nanggaling na hindi ako nakikipag-flirt kay Kevin!” humahagikgik na sabi ni Eric, umiling na lang si Alvin at pinipigilan ang sarili na mapangiti, hindi inaasahan na maiisahan siya ni Eric.


And besides, Kevin is not my type.” pahabol ni Eric sabay kindat kay Alvin, tatanungin na sana ni Alvin kung ano ang tipo nito nang saktong bumukas ang mga pinto ng elevator at dali daling lumabas si Eric.



0000ooo0000



Masaya si Eric dahil malapit na niyang matapos ang tambak ng trabaho na ibinigay sa kaniya noon ni Alvin, ilang araw na lang at tapos na niyang lahat ng ito, abala siya sa pagdra-drawing nang maramdaman niyang mag-vibrate ang kaniyang telepono.



Hello.”


Hey, how is my beautiful prince?”


Dad?!”


Who else calls you beautiful prince?”


Haha! Tagal ko ng hindi narinig yan ah, anong meron?” tanong naman ni Eric habang inipit ang telepono sa pagitan ng kaniyang balikat at kaliwang tenga at nagpatuloy sa pag-gu-guhit.


Wala naman, naalala ko lang kaninang umaga, so have you asked this mystery guy of yours for dinner? Your tita Shelly is already preparing for it.”


What?! It's not even time for lunch yet, and no, I haven't asked my mystery guy for dinner, and I don't think it's a good idea.” sabi ni Eric habang tinutuktok ang kaniyang relos, nagbabaka sakaling oras na talaga para magtanghalian at tumigil lang ang kaniyang relo.


Well ask him now---” pero hindi na narinig pa ni Eric ang sinasabi ng ama dahil biglang sumulpot si Alvin sa kaniyang likod na halos ikatalon niya.


Ask who for dinner and what's not a good idea?” dikit kilay na tanong ni Alvin habang nakapamaewang, nagyon lang nakita ni Eric na kumilos na miya mo talaga boss si Alvin.


Eric, are you still there?”


Dad, I have to go. I'll call you later, bye!” sabi ni Eric sa kabilang linya habang nakatingin kay Alvin na nakataas parin ang kilay.


Eric wai---!” sigaw ni Henry sa kabilang linya habang itinago ulit ni Eric ang kaniyang telepono sa kaniyang bulsa.


Oh, uhmmm, Dad wants me to have dinner with them, tonight.” sagot ni Eric sabay tungo, pilit iniiwas ang tingin sa mapanuring mga mata ni Alvin.


And who are you suppose to invite and why is it not a good idea?” tanong ulit ni Alvin.


What's with the twenty questions?” kinakabahang balik ni Eric, natigilan naman si Alvin at lalo siyang nanigas sa kinatatayuan nang maramdaman niya ang paghawak ni Eric sa kaniyang braso pero agad din iyong nawala nang hilahin siya nito papunta sa mga elevator.


Where are we going?” tanong ni Alvin.


To have lunch.” kaswal na sagot ni Eric na tila ba normal lang ang paghila ng isang simpleng empleyado sa kanyang boss sa harapan ng kaniyang mga katrabaho.


It's not even lunch time yet!” natatawang tanggi ni Alvin.


I'm already hungry, so deal with it.” simpleng sagot ni Eric, wala na lang nagawa si Alvin kundi mapahagikgik. Ang totoo ay nagtagumpay si Eric dahil agad ng nakalimutan ni Alvin ang tungkol sa tinaranong nito.



0000ooo0000



Here you go.” sabi ni Alvin nang itigil na nito ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ng ama ni Eric matapos nilang lumabas ng opisina nung hapon na iyon. Ayaw sanang magpahatid ni Eric pero nagpumilit si Alvin.


Thanks for the ride.” kinakabahang sagot ni Eric, hinihiling sa sarili na huwag sanang magpumilit na pumasok si Alvin sa loob ng bahay ng ama. Alam niyang magagalit sa kaniya ang kaniyang ama dahil hindi siya nagdala ng kung sino mang pwede nitong idikit bilang 'mystery guy' niya pero handa siyang harapin ang galit na iyon kesa naman mabuko ng boss niya na may gusto siya dito.


Aren't you gonna invite me in?” taas kilay na tanong ni Alvin.


Oh please don't do this to me, Alvin.” bulong ni Eric sa sarili.


I kinda need to take a leak, you don't mind do you?” tanong ni Alvin sabay labas ng sasakyan at lakad papunta sa front door.


Oh Shit!” singhal ni Eric sa sarili, bago pa man niya hilahin si Alvin pabalik ng sasakyan ay naka-katok na ito sa pinto at agad namang nagbukas ito at bumulaga sa kanila si Henry.


Good evening, Sir.” magalang na bati ni Alvin, nangangatog na ngayon si Eric at hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Alam ni Eric na dalawa lang ang pwedeng kalabasan ng gabing iyon kung hindi siya agad magiisip ng palusot, una, malalaman ni Alvin na may gusto siya dito at sasabihin din nitong pareho sila ng nararamdaman at magiging masaya sila habang buhay at ang panagalawa naman ay maaasiwa sa kaniya si Alvin at tuluyan ng masisira ang kanilang pagkakaibigan.


Good evening, you're Ardi's friend, right? Uhmmm Alvin?”


Shit! I have to think fast!” sabi ni Eric sa kaniyang sarili.


Yes, sir.”


That's odd I didn't know you were the mystery guy—-umf!” di na naituloy ni Henry ang kaniyang sasabihin dahil agad na siyang niyakap ni Eric at hindi iyon marahang yakap, pakiramdam niya ay tila nakikipaglaro siya ng basketball sa gitna ng balyahan.


Errr---” nagtatakang simula ni Alvin pero pinutol ulit iyon ni Eric.


I thought you're going to the restroom and then go home?” nanlalaking matang baling ni Eric kay Alvin.


Eric! Alvin can stay for dinner, that's not the way you treat your boyfr---umpfh!” simula ulit ni Henry pero muli siyang pinutol ni Eric sa pamamagitan ng isa pang mahigpit na yakap na lalo namang ikinataka ni Alvin.



Nang pumunta na sa CR si Alvin ay agad na kinumpronta ni Henry si Eric.



What's wrong with you, you have been nothing but rude to that boy—-” simula ni Henry pero pinutol nanaman siya ni Eric.


He doesn't know that he's the reason I'm happy again, Dad. He doesn't know that he's the mystery guy and I'm afraid that if he finds out we will not be friends anymore.” paliwanag ni Eric, agad namang naintindihan ni Henry ang sinasabi ng kaniyang anak.


OK, I will not talk about the mystery guy topic again, but son, please invite him for dinner. It's rude if we let him go home without food in his tummy.”



Napabuntong hininga na lang si Eric habang pinapanood ang ama na naglalakad papalayo. Tapos na ang problema niya kay Henry, ngayon naman habang pinapanood niya si Alvin pabalik sa kaniyang puwesto ay inisip naman niya kung ano ang magandang palusot para sa kaniyang ini-asal.



What the hell's wrong with you? You're acting weird.” natatawang sabi ni Alvin. Sasagot na sana si Eric nang tawagin siya ni Henry.


ERIC! Help your tita Shelly in the kitchen!”


Yes, Dad!” sagot ni Eric saka humarap kay Alvin.


I should get going then.” paalam ni Alvin.


Uhmm, no, stay, have dinner with us.” aya dito ni Eric kahit na sa tingin niya ay hindi parin magandang ideya iyon.


Uhmm are you sure? I mean, kanina kasi parang gusto mo na akong paalasin eh kulang na nga lang sipain mo ako palabas ng bahay.”


Yeah, sorry about that, medyo uhmmm medyo---”


I get it, medyo weird ka lang ngayon?” natatawang tanong ni Alvin, di naman mapigilan ni Eric ang mapangiti nadin atsaka sinuntok si Alvin sa braso nito.



0000ooo0000



Bago magsimula ang hapunan ay tila naman nabunutan ng tinik si Eric, hindi na nga nag-open pa ng topic ang kaniyang ama tungkol sa sinasabi nitong mystery guy. Nung pilitin ni Henry si Eric na tulungan ang kaniyang madrasta sa kusina ay agad siyang kinabahan pero naghanda narin sa isnag giyera kapag nagkataon nun lang ulit sila nagkita ni Shelly ay hindi niya alam kung ano ang dapat asahan nung gabing iyonm napuno ng pagaalinlangan ang buong paligid pero para sa ikasisiya ni Henry ay pinilit ni Eric na tanggapin muli at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Shelly, nagulat siya sa mga nalaman tungkol dito.



Eric, I want you to know that I would never hurt your father, ever again.” simula ni Shelly habang naghahanda sila ng makakain habang si Alvin at si Henry ay nanonood ng basketball sa may sala.


That's all I'm asking from you, tita. He's all I got left. I don't want to lose him. If you're thinking that I will take all dad's money and leave you and the baby alone then you're wrong, I don't care about the money, tita, I just want to have my dad back and I want Dad to be happy, he deserves to be happy.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Eric, ayaw sana niyang maging emosyonal sa harapan ni Shelly pero tila ba may nagsabi sa kaniya na hayaan niya lang na ipaalam kay Shelly ang tunay niyang nararamdaman.


I'm sorry for pushing you away from your father. I lied, Eric, he wants you here, he's so excited when he learned that you want to stay with him again, that is when I got worried, akala ko maiichipwera na kami pero nung sinabi ko sa dad mo na ayaw mo dito it's as if I saw his heart break, akala ko nung una ayaw na niya sakin kaya siya naging cold, yun pala kasi namimiss ka niya at nalulungkot siya sa sinabi kong ayaw mo sa kaniya kaya ako naman tong si tanga naghanap ng makakalandian. Believe me Eric, I learned my lesson my evil plans backfired on me and I promise that I will never do it again.” paliwanag ni Shelly atsaka hinila si Eric para sa isang mahigpit na yakap.



0000ooo0000


Natapos ang hapunan na may ngiti na sa mukha ang magasawa si Eric pati narin si Alvin. Habang naglalakad ang dalawa patungo sa sasakyan ay hindi mapigilan ni Eric na mapansin ang walang katapusang pag-ngiti ni Alvin.



What's wrong with you? It's like your face is stuck in smiling mode. It's kinda creepy so please stop it.” biro ni Eric.


Shut up! I'm smiling because your dad told me something about me being this mystery guy who suddenly made you mad happy and permanently stamped a smile on your face.” humahagikgik na sabi ni Alvin saglit na natigilan si Eric at namula agad na umisip ng palusot at pambawi si Eric. Ayaw niyang mauwi ang kanilang pagkakaibigan sa pagaalangan.


I m-made the mystery guy issue up.” halos pabulong na sabi ni Eric, natigilan naman si Alvin.


What?” tanong ni Alvin may tinig pagkadismaya sa boses nito.


Youre not the mystery guy. T-there's no mystery guy. Dad noticed na naging masayahin ako nitong mga nakaraang linggo, he said that maybe I found a guy and that finally I'm happy, hindi ko na siya kinontra because the last thing I want to happen is for him to worry about me when he has his own life to worry about.” tuloy tuloy na pagsisinungaling ni Eric pero tila ba nababasa siya ni Alvin, tila ba alam nito na nagsisinungaling siya pero kahit na hindi ito nagsalita ay kitang kita ni Eric ang pagkadismaya sa mukha nito pero ikinibit balikat na lang ni Eric iyon at sumakay na ng sasakyan ng buksan ito ni Alvin.


I was happy these past few weeks because I finally had dad back, I gained new friends and life is starting to look up for me not because there's a mystery guy who makes me happy. That's why I don't want you to go up the house earlier kasi baka mapagkamalan na ikaw ang mystery guy na sinasabi ni dad at ilagay ka niya sa spot light just like what he did tonight.” pagtatapos ni Eric saka pisil sa braso ni Alvin. Sa kabila banda ng pagsisinungaling na iyon ni Eric ay gusto niyang ipaalam na walang mystery guy pero gusto niya paring ipaalam kay Alvin na siya ang nagpapasiya kay Eric.


I see.” bulong ni Alvin sabay start sa kotse.


I'm sorry.”


For what?” tanong ni Alvin medyo may edge sa boses nito na hindi malaman ni Eric.


For all the things that my father may have said to you tonight.” paglilinaw ni Eric sabay pisil ulit sa braso ni Alvin, tila sa paghawak na iyon ni Eric sa braso niya ay tila ba nabalewala lahat ng kaniyang pagkalito sa mga nangyari nung gabing iyon. Nagtama ang kanilang tingin, may pagkabahalang nakikita sa mga mata ni Eric si Alvin at si Eric naman ay may nakikitang pagkadismya sa mga mata ni Alvin.



Matapos ang may kahabaang katahimikan ay si Alvin ang bumasag nito.



Apology accepted as long as you bring more tuna sandwich tomorrow---.” nakangiti nang sabi ni Alvin.


Sure, as many as you want.” pagpayag ni Eric.


---and as long as you wouldn't flirt back with the big-ugly-sandwich-eating-dog-owner.” seryosong sabi ni Alvin sabay tingin sa nakahawak paring kamay ni Eric sa kaniyang braso, napatingin din doon si Eric at saglit na nagtama ang kanilang tingin.


Promise me.” bulong ni Alvin habang mataman paring nakatingin kay Eric.


I promise.” bulong din ni Eric at nakipagtitigan narin siya kay Alvin, pilit na ipinaparating sa tingin na iyon ang tunay niyang nararamdaman, sinasabi sa tingin niyang iyon na hindi totoong may mystery guy at si Alvin lang ang nagpapasaya sa kaniya, na si Alvin ang dahilan ng pagbuti ng kaniyang lagay kumpara sa ilang buwan niyang pagiging miserable.


Let's go home then! I'm beat!” putol ni Alvin sa kanilang pagtititigan sabay bigay ng isang matipid na ngiti sa puntong iyon ay binitawan na ni Eric ang braso nito at ngumiti na lang din bilang pagsagot sa mungkahi ni Alvin.



Itutuloy...



__________________________________
Different Similarities 1[17]
by: Migs

14 comments:

  1. Nagkakahalataan na pero nagkakailangan parin sila.

    perfect timing 'to para may sumingit sa eksena diba?

    Sino kaya yung makakatuluyan ni Eric?

    Si alvin nga kaya? si Ted? pwede ring si Ardi o baka naman yung bagong dating sa susunod na chapter? sino nga kaya?


    haha! enjoy reading guys!

    ReplyDelete
  2. yes! May update na ulet.
    Basa mode muna. :)

    ReplyDelete
  3. walang kupas! at akoy kinilig dun! ayiiieee!

    ReplyDelete
  4. nakakakilig naman to. aminin mo na kasi eric kay alvin =)
    eric si drei, yung ex-boyfriend nya kapatid yung boyfriend ngayon ni jake. tama ba sir migs? =)

    sorry mr. author kung hindi ako nakapagcomment sa dun sa last 3 chapters.

    -Mike

    ReplyDelete
  5. KUYA MIGS! ehe! ehe naman! ehe talaga! si alvin na lang! please? please! pls.

    pero lam ko naman di mo kami bibiguin e. sa lahat ng ending ng mga nagawa mo na, nagustuhan ko. :)

    keep us posted. tc. :)

    ReplyDelete
  6. Hahaha! Ang cute ng dog-sandwich scene!! Kilig talaga! Galing!

    Eric! Kaiinis ka! Baka mawala pa si alvin sayo!!!

    Please kuya migs! Si alvin na lang para kay eric! They look good together. Mas bagay talaga sila!

    No more Eric-Ted!! Haha! Peace!

    No Kevin-Eric!

    Haha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. SUPER NAKAKABITIIIIIN!!! Hahaha!! Lagi kong inaabangan ang mangyayari. Si Eric pakipot... nyahaha!! Anyhoo, sobrang nakakakilig and I'm so excited for the next part sana later may update na (demanding?!). For sure it would be marvelous! Kudos to you Mr. Author. :)

    ReplyDelete
  8. Alvin go, go, go konti na lang. Eric pakipot. Meron bang twist? Sana eksena lang panggulo. Hihihi

    ReplyDelete
  9. shit I think I've read this part before and the ending..waaaah! wag naman sana! puhleasse!!!! will reread the entire set of stories again because of this one. T.T pero sa weekends nah. kailangan pa review eh. hehe

    anonyMOUSE

    ReplyDelete
  10. may bagong dadating??? sino kaya ang magugustuhan nung bagong dating?? si Alvin kaya o si Eric??? feeling ko tuloy si Alvin ung magugustuhan nung bagong dating...

    ewan ko! hahaha!! salamat sa update po! nxt na pls! hahaha!!

    ReplyDelete
  11. Eric and Ted pa din. Ehehe.

    ReplyDelete
  12. Haissst... Ang sweet naman ni Alvin. Sana sila na ni Eric. Kung sino man papasok at eeksena panggulo lang kau. Hihihi


    -=myco=-

    ReplyDelete
  13. Hoho..at nakahanap ako ng kakampi..Eric-TedXD ftw!

    ,nakakatuwa dahil may nag segway na character :) drei-kevin..hahaha...may ram pa pala na nkahang yung story pati yung kay robXD maguloXD

    wala lang...malapit na matapos ito:)

    ReplyDelete
  14. Wahhhh First time ko mag comment .. LOL
    nakaka Bitin.. More More :)

    ReplyDelete