Against All Odds 2[55]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Napamaang
si Dan sa bumulaga sa pinto ng apartment ni Mike. Anduon ang
iba't-ibng laki at itsura ng regalo. Hindi alam ni Dan kung nakatulog
ba siya sa sasakyan ni Dave at nanaginip na siya ngayon, dahil ang
note na nakalagay sa mga regalo na ngayon ay nasa kaniya na ngayong
harapan ay pumapatungkol sa kaniyang kaarawan.
“Happy
17th
Birthday!” sabi
sa isa habang ang pinakamalaki naman ay may nakalagay na
“Happy 27th
Birthday!”
Nanginginig
kamay niya pang inabot ang pinakamaliit na regalo at binasa kung
kanino ito galing. Hindi niya napigilan ang sariling luha na
mangilid. Ngayon, sigurado na siyang nananaginip nga siya. Tinignan
niya ang date ng note na iyon at tumugma iyon sa date nung araw na
iyon. Nun lang napagtanto ni Dan na birthday niya pala ngayon.
Isang
petsa na matagal na niyang kinalimutan.
Isang
petsa na nagdulot sa kaniya noon ng ibayong sakit.
Isang
petsa na tuluyang bumago sa kaniyang buhay.
Wala
sa sarli niyang ibinababa ang malalaking kahon na dala at hinayaang
lumipad ang ilang lobo na alam na niya ngayong kunektado sa mga
regalo sa kaniyang harapan. Dahan dahan niyang pinilas ang magarang
pambalot ng maliit na kahon na iyon. Saglit pa siyang nag-alangan
kung bubuksan na nga ba niya ang kahon pero sa huli ay dahan dahan
niya ring inalis ang takip nito.
Sa
loob ay nakalagay ang isang pamilyar na piraso ng alahas. Kung kanina
ay nangingilid lamang ang kaniyang mga luha, ngayon ay hayagan na
itong tumutulo. Isang masamang alaala ang nagsipasukan sa kaniyang
isip at sa kaniyang pagkakatanda ay ito ang huling bagay na kaniyang
nahawakan noong gabing iyon pero hindi parin nito napigilan ang
sarili na ilabas ito sa kahon at kapain ang mga letra na sumisimbolo
ng kanilang mga pangalan ni Mike.
“Why?”
ang muling naitanong ni Dan sa sarili habang patuloy parin sa
pag-iyak.
“Happy
Birthday.” tahimik na bati ni Mike na hindi napansin ni Dan na nasa
kaniya na pala ngayong harapan at pinagbuksan na siya ng front door.
Kitang-kita ni Mike ang sakit na bumabalot sa mga mata ni Dan at
bumabalot sa mukha nito.
Hindi
napigilan ni Mike ang masaktan din sa kaniyang nakikita pero desedido
siya na ilagay na sa kahapon ang mga nangyari at gumawa ng mga bagong
alaala na sinisiguro niyang hindi na muli pang makapananakit kay Dan.
Wala sa sarili niyang inabot ang pulseras mula kay Dan at inikot ito
upang ang bagong salita na kaniyang ipinalagay doon ang siya ngayong
mababasa nito.
Bagong
salita para sa simula ng mga bagong alaala.
“Forever”
Nang
mabasa ito ni Dan ay tila ba nabura lahat ng mga masasamang alaala na
siyang pumasok sa kaniyang isip nang makita niya ang pulseras na
iyon, tila may isang sumpa na inilukob sa kaniya at mabilis na itong
napalitan ng magagandang alaala.
“Forever.”
tahimik na saad ni Mike na siyang ikinaangat ng tingin ni Dan.
Kitang-kita
ni Dan ang iba't ibang emosyon na bumabalot ngayon sa mukha ni Mike
at isa dito ang hindi niya maamin sa sarili na siya ngayong kaniyang
nakikita.
“Imposible.”
“Imposibleng
pagmamahal iyon.”
Mga
bulong ni Dan sa kaniyang sarili, hindi makapaniwala sa kaniyang
nakikita. Nabura lahat ng pagaalinlangan na iyon nang marahang
hilahin ni Mike ang kaniyang mga kamay at isuot ang pulseras na iyon
sa kaniya, habang ginagawa ito ni Mike ay hindi nakaligtas kay Dan na
suot din ni Mike ang katernong pulseras na ngayon ay may nakalagay
naring mga bagong salita.
“Remember...
Your promise is to love him FOREVER.”
Matagal
pang tinitigan ni Dan ang mga salitang iyon mula sa pulseras ni Mike
pero nang matapos na itong ilagay sa kaniyang kamay ang binigay
nitong pulseras ay hindi pa siya nakakabawi sa pag-iisip kung ano
marahil ang ibig sabihin ng mga salitang iyon sa pulseras ni Mike ay
bigla na siya nitong binalot ng mahigpit na yakap.
“I
love you.” bulong ni Mike.
Hindi
makasagot si Dan. Lalo niyang iniisip ngayon na nanaginip parin siya
habang si Mike naman ay hindi nadismaya nang hindi niya nakuwa ang
ninanais niyang sagot mula kay Dan. Alam niyang hindi ito basta-basta
maibabalik ni Dan sa kaniya gayong maraming nangyari sa buhay nito na
kailangan pang ayusin nilang dalawa. Dahan-dahan niya itong
pinakawalan mula sa kaniyang pagkakayakap upang isagawa pa ang
kaniyang pinaghandaang birthday party para sa huli pero bago iyon ay
tinignan niya muna ito ng mariin at hindi niya mapigilang mapangiti
nang makita niyang wala na ang sakit na kanina lang ay nakita niya sa
mga mata nito.
At
hindi niya napigilang matuwa nang makita niyang nagbigay din si Dan
ng isang nahihiyang ngiti. Kahit pa gusto niya pang titigan ang
gustong gusto niyang mga ngiting iyon ay dahan-dahan na siyang
tumalikod at ginabayan si Dan papasok pa ng apartment habang
hawak-hawak niya ang kamay nito.
“Forever.”
bulong ni Dan na tila ba sagot at pagpayag sa mga salitang nakalagay
at sinabi ni Mike. Para kay Mike ay ito na ang paraan ni Dan ng
pagsasabi na mahal din siya nito at habang buhay nila iyong
pagsasaluhan. Ngunit kahit pabulong ito ay narinig parin ito ni Mike
na siyang nagdulot sa huli na mangilid ang mga luha.
Luha
ng lubos na kaligayahan. Pakiramdam niya kasi ay muli nang bumalik sa
kaniya ang kaniyang kaibigan matapos ang mahabang panahon na sila'y
nagkahiwalay. Nang makarating na sila sa labas ng pinto ng kusina ay
dahan dahan na niyang pinihit ang pinto.
“SURPRISE!”
Ang
ingay na sumalubong sa dalawa na nagplaster ng isang malaking ngiti
kay Mike at gulat na gulat na reaksyon sa mukha ni Dan. Andun ang
lahat ng kanilang kakilala. Ang mga magulang ni Mike, si Dave, si
Martin at nobya nito, Cha, Mona, Pauline, si Jase at nobyo nito.
Muling
nangilid ang mga luha ni Dan, pero ngayon ay dahil narin ito sa
sobrang kasiyahan, hindi katulad kanina na dahil sa masasamang
alaala.
Maliban
sa mga taong iyon ay punong puno din ng pagkain ang lamesa at sa
gitna nito ay may isang malaking cake na may mga ginawang toppings na
cupcake at ang bawat cupcake ay may iba't-ibang disenyo at nang
lapitan ito ni Dan ay may mga numero ito.
“Di
kita nabati saka naregaluhan simula nung 17th birthday mo
hanggang nung last year eh, kaya ayan bumawi na ako ngayon.” bulong
ni Mike sa hindi parin makapaniwalang si Dan nakabawi na lamang nang
lumayo sa kaniya si Mike.
Nginitian
niya ang bawat tao na nandun, hinayaang yakapin ng ilan lalong lalo
na nila Brenda, Obet at Pauline kaya naman hindi niya napansin ang
pasimpleng paglalagay nila Dave at Martin ng mg regalo na unang
nakatambak sa unahan ng apartment upang isa-isa itong mabuksan ni Dan
habang si Cha naman at si Mona ay abala sa paglalagay ng mga kandila
sa bawat cupcake na nandun sa cake.
“Madami
kang i-wi-wish, Beks! Minsan lang yan!” tila ba kinikilig na saad
ni Cha sabay kindat.
000ooo000
“Hey.”
Agad
na nagising si Dan mula sa pagtitig niya sa pulseras na maganda
ngayong nakasuot sa kaniyang kamay at iginawi ang tingin kay Cha na
tila ba nagaalala sa kaniya. Lumabas kasi siya mula sa kaninan at
muling pinanood ang mga tambay sa may kanto at ang mga dumadaan sa
kanilang street habang nagiisip ng malalim.
“Hey.”
balik naman ni Dan sabay pakawala ng isang malungkot na ngiti.
“Anong
ginagawa mo dito, di ka ba nageenjoy sa loob?” tanong ni Cha sabay
kagat sa malaki niyang cupcake na hawak hawak habang tinitignan ng
mariin si Dan.
“Nagpapahangin
lang.” pagsisinungaling ni Dan na hindi naman nakaligtas kay Cha.
“Dito?”
sarkastikong tanong ni Cha sabay lingon lingon na tila ba hindi
makapaniwala na may nakukuwang sariwang hangin dun si Dan. Alam naman
ni Cha na ayaw lang magsabi sa kaniya si Dan dahil hindi parin ito
kumportable sa kaniya.
“Sigawan
mo ba naman nung isang beses.” pagpapaalala
ni Cha sa sarili habang inaalala yung huling beses na nagsabi ito sa
kaniya at nang pinangaralan niya ito.
Saglit
pa silang nabalot ng katahimikan kaya naman nabigyan ng pagkakataon
si Cha kung pano mapagsasalita si Dan o pano ito mapipilitang
magkwento sa kaniya patungkol sa bumabagabag dito ngayon.
“Nice
bracelet.” saad ni Cha na muling nagtulak kay Dan na titigan ito.
“Pero
bakit parang hindi ka natutuwa na binigyan ka ni Mike ng ganyan? Are
you more of a ring person kaya parang ayaw mo ng bracelet? Naku ha,
kung ayaw mo niyan, bigay mo na lang sakin para hindi sayang.” saad
muli ni Cha sabay kuwa ng kamay ni Dan at tinitigan ang pulseras.
“It's
not new---”
“What?!
Second hand 'to? Yan talaga si Mike--- yaman yaman na eh hindi parin
makabili ng bagong bracelet para sa boy---best friend niya.” tuloy
tuloy na saad ni Cha pero natigilan nang maisip na muntik na siyang
madulas.
“No,
I mean naibigay na niya ito sakin dati---s-sinoli ko lang tapos
ngayon inireregalo niya lang ulit sakin.” pagsisinungaling ni Dan
sa kaniyang huling mga salitang sinabi.
“Ha?
Bakit mo binalik?” takang taka na tanong ni Cha na ikinahagikgik ni
Dan.
“Actually
I threw it back in his face---” humahagikgik paring sagot ni Dan
pero agad ding sumeryoso nang maalala kung bakit niya ito binato kay
Mike pabalik nung gabing iyon.
“Sinaktan
niya ako, that's why---” wala sa sariling saad ni Dan.
At
hindi nga nagtagal ay ikinukuwento na ni Dan ang mga nangyari sa
kanila ni Mike noon kay Cha nang hindi niya namamalayan.
000ooo000
“Is
that why you're looking at the poor bracelet that way?”
pagpapagaang ni Cha na tanong matapos ikuwento ni Dan lahat ng
nangyari sa kaniya. Saglit ulit na tinignan ni Dan ang pulseras na
muling ibinigay sa kaniya ni Mike saka malugod na umiling.
“Actually
as odd as it may sound, after all the things they've done, di ko
parin mapigilan yung sarili ko na patawarin sila and looking at this
bracelet doesn't affect me like it did before na magtata-takbo ako sa
isang gilid at magii-iyak but it does bring back memories from that
night though.” simula ni Dan sabay sulyap ulit sa bracelet niya.
“It's
just that---” umiiling na simula ulit ni Dan sabay pakawala ng
isang malalim na buntong hininga. “---di ko lang maintindihan kung
bakit kailangan niya pa itong ibigay ulit sakin. Ano gusto niyang
ipaalala lagi sakin yung gabing yun? Ganun ba yun, Cha?” pagtatapos
ni Dan na ikinatahimik muna ng paligid nilang dalawa ni Cha.
“What
does that bracelet mean to him ba before that night?” tanong ni Cha
kay Dan na saglit na ikinatahimik ng huli.
“It
symbolizes our friendship, I guess---?” wala sa sariling sagot ni
Dan.
“Then
maybe he was just trying to salvage that friendship--- meron bang
nabago dyan sa bracelet?” pagbibigay mungkahi ni Cha sa kanilang
usapan sabay nagpakawala ng isa pang follow up na tanong.
“Yes.
Before it was just our initials and now on the other side there's
“forever” on it na.” wala sa sariling sagot ulit ni Dan
habang tinitignan ang bagong nakaukit na salita sa pulseras na iyon.
“Maybe
that's his way of asking for another chance.”
“Huh?”
naguguluhang tanong ni Dan sa pahayag ni Cha na ikinairap na lang ng
huli.
“He's
asking for another chance. He gave you that bracelet nung sixteen pa
lang kayo because he was hoping na may meaning na yung friendship
niyo, na may depth na, na hindi na lang iyon mga larong bata, yung
friendship na alam niyang habang buhay niyang i-ho-honor pero dahil
nga dun sa nangyari hindi natupad iyon and now that nagkaroon ulit
siya ng opportunity, binigay niya ulit yan sayo para tuparin yung
naudlot na sinisimbolo niyang bracelet.”
“Then
why not give me a new one?” parang batang tanong ni Dan.
“Maybe
because before that night, that bracelet also symbolizes everything
that both of you shared since you guys became friends and he can't
just let that all go. Besides, tingin ko rin kaya yan parin ang
binigay niya sayo because he doesn't want you to fully forget that
night and that new word etched in that bracelet symbolizes a promise
of new memories, memories that will over shadow that bad memory.”
Sa
mga sinabing ito ni Cha ay unti-unti nang nagbabago ang isip ni Dan
patungkol sa pulseras na iyon. Hindi mapigilan ni Cha ang mapangiti
habang si Dan ay mataman ulit na tinititigan ang bracelet alam niyang
pinagiisipan na ni Dan ang kaniyang mga sinabi.
0000oo0000
Hindi
nagtagal ay isa-isa ng nagsiuwi ang mga bisita ni Dan, isa isa niya
itong hinatid at pinasalamatan para sa isang birthday party na akala
niya ay habang buhay ng hindi mangyayari sa kaniyang kaarawan. Nang
mailabas at mapasalamatan na niya ang huling bisita doon ay muli na
siyang bumalik sa kusina upang magligpit pero naabutan niyang
nagliligpit na si Mike.
Wala
sa sariling pinagmasdan ni Dan si Mike. Halata niyang pagod na ito
dahil nawawala na ang kuordinasyon ng katawan nito di tulad sa tuwing
bagong gising ito, pero halata man niya ang pagod sa katawan nito ay
wala namang bakas ng pagod sa mukha nito, bagkus ay may malaki pa
itong ngiti sa mukha at tahimik pang kumakanta ng isang kanta na wala
nanaman sa tono at hindi tama ang mga lyrics na ikinahagikgik ni Dan.
“Want
some help?” tanong ni Dan nang magsawa na siya sa kakatitig kay
Mike ng hindi niya namamalayan.
“Kaya
ko na 'to. Chill ka lang diyan, enjoy the rest of your day.” saad
naman ni Mike, nakatalikod man ito kay Dan ay alam parin nito na may
malaki paring ngiti na nakaplaster sa mukha nito.
Wala
sa sariling sumulyap si Dan sa orasan. Alas nuebe na ng gabi at alam
niyang hilig ni Mike ang uminom ng kape sa ganitong oras kaya naman
palihim niya itong pinagtimpla ng kape. Nang matapos sa pagtitimpla
ay inilapag ni Dan ang puswelo sa may malapit kay Mike, agad itong
naamoy ng huli at napatingin sa mug ng kape na umuusok pa.
Hindi
napigilan ni Dan ang mapangiti lalo pa't alam niya ang tumatakbo sa
isip ngayon ni Mike. Gusto na nitong matapos sa pagliligpit at hindi
niya iyon magagawa kung papanaypanayin niya ang pagaanlaw ng sabon sa
kaniyang kamay upang uminom sa puswelo na iyon.
Hindi
alam ni Dan kung bakit pero muli niyang dinampot ang tasa ng kape at
hinipan ito, hindi na ito pinansin pa ni Mike sa pagaakalang iinom
lang si Dan kaya naman nagulat siya ng tumapat sa kaniyang bibig ang
tasa na tila ba isa siyang batang pinapainom sa unang pagkakataon ng
kaniyang ina sa isang baso.
Iginawi
ni Mike ang naguguluhang tingin kay Dan na noon ay nagsisimula ng
mamula ang mga pisngi dahil sa hindi niya maipaliwanag na ikinikilos.
Saglit na napangiti si Mike saka dahan-dahang inilapit ang kaniyang
mga labi sa tasa upang humigop at nang matapos ng humigop ng masarap
at mainit na kape ay muli niyang iginawi ang tingin kay Dan.
“Salamat.”
marahang saad ni Mike sabay ngiti na lalong nakapagpapula sa mga
pisngi ni Dan.
Dahil
sa sobrang hiya ay hindi na nawala pa ang pamumula sa pisngi ni Dan
pero hindi parin naman nito napigilan ang sarili sa paglalapit ng
tasa sa mga labi ni Mike upang painumin ito. Habang si Mike naman ay
nagbukas ng isang kuwento na kanilang mapaguusapan.
0000oo0000
“Hey.”
Agad
na napatalikod si Mike sa gawi ng pinto ng kaniyang kwarto at nakita
niya doon si Dan na tila ba nahihiya parin.
“Hey.
Is there something wrong? Did you have a bad dream again?” tuloy
tuloy na tanong ni Mike at nagaalalang lumapit kay Dan.
“Nope,
actually I haven't gone to bed yet. Di ako makatulog and--- I-I just
wanted to say thank you. T-Thank you for preparing that surprise
party for me.”
“It's
nothing.” saad naman ni Mike. Tumango lang si Dan at aktong
tatalikod na sana at pupunta na sa sariling kwarto upang matulog nang
magsalita ulit si Mike.
“Dan,
you can stay here for a while if you really can't sleep. Pwede pa
tayong magkwentuhan saglit.” nakangiting aya ni Mike kay Dan.
“R-really?”
parang batang tanong ni Dan na ikinatango lang ni Mike, sa totoo lang
kasi ay ayaw niya parin mawalay dito kahit na maghapon na silang
magkasama.
Di
nagtagal ay kung ano-ano na ang napagusapan ng dalawa at hindi rin
nagtagal ay binisita na ang mga ito ng antok. Hindi napansin ni Dan
na pipikit-pikit na siya at nakahiga na siya sa kabilang bahagi ng
kama ni Mike, nang mapagtanto niya kung ano na ang kaniyang ginagawa
ay agad siyang pinigilan ni Mike at inaya na dun na lang matulog.
“You
can stay here for the night.” alok ni Mike dito na hindi na
pinalagpas pa ni Dan dahil antok na antok na siya.
“Dan?”
tawag pansin ni Mike sa pipikit pikit ng si Dan.
“Hmmm?”
“Do
you still feel the same way about me? I-I mean do you still love me,
like what you said that n-night?” parang batang nagaalinlangang
tanong ni Mike kay Dan.
Lumipas
ang ilang saglit at hindi na nakatanggap pa ng sagot si Mike at
inisip na lang nito na hindi na narinig ni Dan ang tanong niya dahil
nakatulog na ito sa sobrang antok kaya naman nagbuntong hininga na
lang siya at inabot na ang bedside lamp niya at pinatay ito.
Akmang
inaayos niya ang kaniyang mga unan at kumot para sa pagtulog nang
humarap si Dan sa kaniya, gising pa ito at nakatitig sa kaniya.
“It
never changed Mike, it never changed.” makahulugang saad ni Dan na
nakapagpangilid sa mga luha ni Mike.
Itutuloy...
Against All Odds 2[55]by: Migs
Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last chapter na po ang susunod dito and then epilogue na. :-)
ReplyDeleteI have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.
Kwento ni Gwapong Gago is one.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
BACK TO BACK chapters po ito! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
frontier: thank you.
Cloud: haha! Di ganun kaganda ang stories ko na dapat pang i-publish.
Racs: thanks! Wag ka ng umiyak sa tuwa. Haha! Sorry sa haba ng pagiintay niyo.
WaydeeJanYokio: namiss mo si Cha. Aminin mo. Haha!
Marc: thank you!
Lyron Batara: last chapter na po ang next dito tapos epilogue na. 25 lang po ako FYI. ;)
CYRUZS: thanks for coming out from being a silent reader! :-)
marven cursat: hay sana nga di naman nila kopyahin yung pinaghirapan ko. diba? Haist.
Therese llama: haha mukhang di ko na maitutuloy ang CP eh. Haha! :-) actually sa carrie ko yun nakuwa therese. Di naman talaga ganun ang ginawa nila sakin nung prom night na yun pero pinahiya parin nila ako. I just wanted to change some facts para hindi naman masyadong obvious na ako at ang lalaking napahiya nung gabing iyon ay iisa. Hehe! ;-)
Pink 5ive: paki-intay na lang po kung happy nga ba. Haha! ;-)
Poging Cord: taga Cavite po ako. ;-)
Kerry Von Chan: yang pic na gamit mo ngayon. :-) only, mine has little effects and is a candid shot. :-)
gelo_08: sana nga, pero antagal na niyang hindi nag-update eh. Baka natakot na. Hihi.
Anonymous August 19, 2013 at 3:14 AM: mali po kayo sir. Anonymous po ang babae na kasex ni Mike nung last chapter. Analogy lang po ni Cha yun na kaniyang ginamit to prove a point. Pakilala ka sa susunod sir para mapasalamatan kita. Salamat!
Randzmesia: Thanks din! :-)
ELIWAYEN: thanks for the support.
Christian Jayson Agero: so maawa ka lalo sa kaniya sa huling libro ng AAO? Hahahahaha! SPOILER ALERT!
Jasper Paulito: Salamat!
Mark:Thanks!
Robert Mendoza: haha! Still Rooting for Mike?
ANDY: Opo babalik pa si Bryan.
Vince Reyes: thanks!
Gavi: ikaw din? Gusto mo ng happy ending? :-)
Frostking: thanks! Sorry natagalan parin ang update ko. :-(
MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA SA KABILA NG NATATAGALAN KO NG PAG-A-UPDATE. SANA PO AY I-ENDORSE NIYO DIN PO SA INYONG MGA KAIBIGAN ANG SIMPLE KONG BLOG NA ITO AT I-FOLLOW AKO AT LAGI KAYONG MAG-COMMENT. SALAMAT!
waaaah kilig much! hahaha
ReplyDeleteExcited na ako sa ending!!! Sabi na hindi malayo ang agwat ng age natin kasi kung pagbabasehan yung CP stories mo, halos parehas lang ng time frame nung highschool at college life ko.. though hindi ganun kasilamuot! :o
ReplyDeletesa wakas at nagkaaminan na sila danny at mikee. im so happy for them. grabe nakakaloka si charity ha pakalatkalat lang siya ha. anyway wala akong care kay ryan. i just really hate that guy. well excited na ako sa epilouge and super duper excited for breaking boundaries book 2
ReplyDeleteno wonder kaya pala it felt so familiar nung nakita ko yung trailer. wow mahilig ka palang magbasa. makahanap nga nang libro nun at mabasa ko.
well im so heartbroken kung di na nga matutuloy ang CP. but i understand din naman na it is too complicated na. i just got so attached to it. anyways go lang ng go migs wala atang problema na di mo kayang lagpasan
-therese llama
nga pala migs 3 years na tong blog mo. happy anniversary. hehehe. well looking back na rin di ko napansin na halos isang taon ko na palang sinusubaybayan tong aao2. sa totoo lang kasi parang naging part narin ng buhay ko tong blogsite mo eh :) hehe
Deleteahhhhhh! That last line was epic. Its like heaven. Galing. I wanna know hus the mystery bf ni jase. Haha
ReplyDelete- Poging Cord
Oh my gosh!!! This is the sweetest part I've read. Di ko mapigilang kiligin. I'm going crazy here sa office daddy idol. I really love how you do sweet stuffs, may pinaghuhugutan. Missin' you dad. Umwah!!!
ReplyDeleteKilig fanboy here, shet.
ReplyDeleteHahahaa massive awesome haha ganda kilih na ako hihi buti naman at happy na si dan at mukhang magbubukas na ang bagong umpisa nila at buti namam di sumuko si mikvin kay ryan yehey haha ending na can't waitr haha tnx sa update. Godblessed :-) :-) :-)
ReplyDelete-marc
Bitin!!!! hehehe. Pero ba't ganun? Sarap sa feeling ng malaman ni Mike na after all these years, after what he did to Danny, mahal pa rin siya nito. Gusto ko ang luhang yon ni Mike. Naramdaman ko ang ibig sabihin noon. Thank you Migs...
ReplyDeletehehehe... Nice one kuya migz... still ganda parin talaga nang story moh.. :)
ReplyDeletenakakakilig sobra!!! hahaha! maka Mike-Dan na ako!! haha!!
ReplyDeleteang cute at nakakatawa yung supresa ni mike na party hihi!
kuya migs naexcite tuloy ako sa next chApter! it never changed daw! it never changed!!! waaaah!! may mangyayari kaya sa knila? haha!
yesssss! ibig sabihin SILA NA! ! ! wooohhh, wooohhh. tnx migz. he he he.
ReplyDeletenalungkot naman ako. matatapos na pala. THANKS author :D
ReplyDeleteAwwwww. sweet ahaha xD next update. Im glad its a ha[py ending for DAN :D
ReplyDeleteI wish Ryan wont do anything stupid. :((
ReplyDeleteanyways cant wait for the ending
Thanks author. IDOL talaga kita. sana po ung chasing pavements naman :D
Pag natapos mo to author, ill read it again from the start. ahaha xD
ReplyDeleteKEEP posting great stories K? hehe
and yes, another bitin episode. ahahahaha
ReplyDeletegaling mo idol. keep posting. cant wait for the next chapter.
IVAN D.
Hey Migs! i hope ma post mo agad yung last chapter + epilogue. hahaha nag stop ako sa chapter 51 way back when eh... hahaha yoko muna basahin next chapters gusto ko sunod sunod na wala ng tigil para maramdaman yung emotions :) ganda kase eh. nakakabitin nga lang. haha Thank You!
ReplyDelete-Marc nga pala. twitter ko? hmm.. may twitter ka po ba? hehehe discreet bisexual ako eh... may dummy account ako sa fb... https://www.facebook.com/julianrobert.buckley hehehe thanks!
Makahulugang magkasunod na chapter sa buhay nila Mike at Dan. Nkakalungkot lang matatapos na pala. Thank u dylan for inspiring us readers with this story.
ReplyDeleteRandzmesia
Sorry Migs ha nagkamali ng pinasalamatan. Pasenxa na kc magjsunod ko binasa.stories nyo. Thanks again MIGS.
ReplyDeleteRandzmesia
migs,
ReplyDeleteKudos ulit!
Kinilig ako ng sobra2.
Galing mo talaga!
Congrats for another great story, though ang heavy lang. light naman sa susunod. salamat!
Lance
Call me hopeless romantic but yes, i want a happy ending. :) who wouldn't want one?
ReplyDeleteHaaaaaaay, these chaptersgave me goose bumps... Thanks Sir. :) super kinilig ako. Hahahahaha
-- gavi :)
Saya Saya!! Kilig Kilig!! worth the wait talaga! thanks kuya migs! :D
ReplyDeletethis story made my day, will make my months and make my years! hahahaha :x
it never changed!!! tutulo na luha ko eh, bitin!!!!
ReplyDeletewag naman sana makulong c ryan, please idol.. please.. :)
Weeee. Soooo happy for the both of them! Longing to see Bryan..
ReplyDeleteWla na.. pumutok na lahat ng ugat ko sa sobrang kilig.. hahaha....
ReplyDeleteWala ka talagang kupas miguelito. I cant stop smiling while reading this.... sana lang wala nang masamang mangyari sa mga susunod na chapters... next na agad please. :)
This is it...kilig much Migz and to that one claiming this is his story...get freaking life. I will support u. Vince reyes aka foxriver:)
ReplyDeleteread these chapters while listening to the song 'close' and 'closer' by the westlife
ReplyDeleteastonishing story
there's always a surprise whenever updates happened
the flamboyancy irritates me, to be honest, too wordy but genius
i just cant do things like that haha thats why
youre a damn heck of a writer migs
ey migs, the last parts should be bombastic ok hihihi
Deletei am a member of how many blogspots and to be honest and you should be proud hahah yabang
this is my first time to pop up a comment ever...
(anu ba sinusulit ku lang pagcomment ku haha)
youre so hot men i mean your story pala haha
i have a question, i wanna ask this personally, i dunno where to find the authors profile haha
are you a nurse or somethings like that?
and am wondering if you're a filipino major too, haha
tagalog mu dong ey napakahusay!
pasensya na nahuli kasi ni Dan at Mike kakulitan ko eh haha
feeling close na tayu agad kuya migs ah
gustu ku ding magsulat pero nakakahiya mga tagalog ko hehe
so, very nice!
till next chapter!
Godbless
Boss! Pa post na nung ending. na istress ako kakahintay ahaha xD
ReplyDelete:)
Ivan D.
Author ang laki na lalo ng eyebag ko kahihintay gabi gabi ng update mo po, ilabas muna pakiusap. lol.
ReplyDeleteWow grabe ganito ba? ganito ba ang madadatnan ko matapos kung magbakasyon ng matagal.
ReplyDeleteGrabe nakakakilig. ang galing mo talaga migs hehehe.
have a great day and keep it up.
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
“It never changed Mike, it never changed.”
ReplyDelete~~~
~Waaah! Eto naun kuya! Kilig much!
~WaydeeJanYokio
....awww...kilig naman aq sa last part... :-) ...galing mo po kua migs... :-)
ReplyDelete18 days.... ika 18th day na ngayon at wala pa rin ang FINAL chapter Migs. Excited na ako sa mga mangyayari sa dalawa sa gabing yon.... dami ko nang naiimagine na mangyari pero gusto kong mabasa mismo ang mga yon para maramdaman ko ang KILIG, ang INIT, at ang lahat lahat na na dapat maramdaman sa kanilang madamdaming paglalahad ng kanilang mga puso at damdamin. hehehe.
ReplyDeleteMigsssss.... Miiiiiggggssss. bilis na please.
Bilang na bilang ang araw ha :D
ReplyDelete