Against All Odds 2[54]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Tinitigan ni Ryan saglit ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngayon niya lang ulit ito nakitang galit na galit. Huli niya itong nakitang ganito ay noong gumagamit pa ito ng pinagbabawal na gamot at kung tutuusin ay mas natatakot siya dito ngayon dahil alam niyang may nagawa siyang mali na nalaman nito, natatakot siya hindi dahil sasaktan siya nito kundi dahil...


Natatakot siyang iwan siya nito.

What do we need to talk about that seems so urgent? Mukhang di ka pa natutulog ah? Umuwi ka ba---” simula ni Ryan upang maitago ang kaniyang kaba pero agad siyang pinutol ni Melvin.


No I didn't come home last night because my brother cornered me in an alley saying that I should stay away from you because you're dangerous! Care to tell me what really happened between you and Dan?” simula ni Melvin na ikinatameme saglit ni Ryan, iniisip ang tungkol sa sinasabi ni Melvin tungkol sa paguusap nila ni Martin at ang makabawi siya ay pasinungalingan niyang sinagot ang tanong nito.

I told you, Dan left me---”


BULLSHIT!” sigaw ni Melvin na sinisiguro ni Ryan na narinig sa kahabaan ng street na kinalalagyan ng apartment niya.


You almost killed him. That's what happened, Ryan!” sigaw ni Melvin at tila naman lahat ng hangin sa katawan ni Ryan ay pwersahang tinanggal.


Wala sa sariling nabitawan ni Ryan ang delata na kaniya sanang kakainin kasama ang plato at kubyertos, dahan dahan ding nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod at unti-unti siyang napaluhod sa sahig.


What?! You're too high that night that you didn't know how much you hurt Dan?! You didn't remember that's why you just made up a story about Dan leaving you?!---” tuloy tuloy pang saad ni Melvin pero ang lahat ng ito ay hindi na tuluyan pang na-absorb ni Ryan dahil abala siya sa pagiisip sa sinabi ni Melvin patungkol sa muntik na niyang mapatay si Dan.


Congratulations for successfully hurting my feelings! Ito na ba yung ganti mo sa pag te-take for granted ko sayo noon? Not only did you make yourself look like the bad guy by beating Dan to death, pinamukha mo pa sakin ngayon na I'm just a mere substitute for you. Tiniis ko nung una, Ryan, kasi alam ko naman na katangahan ko rin why you are doing and treating me this way. Nung una hinayaan kita na gamitin mo ako, I even let you use my body kasi para sakin mas mabuti na yun kesa wala akong nararamdamang love kahit kapiranggot mula sayo. Because I love you! I fucking long for you! Ganun kita ka-mahal---” tuloy tuloy na simula ni Melvin na ikinagulat ni Ryan. Hindi makapaniwala na may nararamdaman pala sa kaniya si Melvin.


---But I can only take so much, Ryan. Hanggang kailan ganito? Hanggang kailan na sa tuwing wala si Dan sa tabi mo ako yung tatawagin mo? Hanggang kailan na hindi mo ako bubugbugin at halos patayin tulad ni Dan? Hanggang kailan bago ka maghanap ng papalit sakin para naman gawin mong parausan?” pagtutuloy ni Melvin na hayagan ng umiiyak na kahit pa nakayuko si Ryan at hindi ito nakikita ay rinig na rinig parin niya ang sakit sa tono ng pananalita nito. Alam niyang kapag tinignan niya ito ay pilit nitong itatago ang nararamdamang sakit at aarte na matapang.


Alam ni Ryan na iyon na ang kaniyang ikinakatakot. Ang tonong ito ni Melvin ay ang tono narin ng pamamaalam, tono ng sumusuko. Wala na ang kapatid niya, wala narin si Dan at ngayon alam niyang mawawala narin sa kaniya si Melvin.


Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ngayon ni Ryan ay hindi na niya napansin pa ang tahimik na pagkilos ni Melvin at nagising na lang siya sa pagbagsak ng pinto ng kaniyang apartment. Yung sandaling lumapat ang pinto sa frame nito, iyon din ang sandaling napagtanto ni Ryan na wala na nga talagang kahit sino man ang nandoon para sa kaniya.


At wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya.


Hindi na alam ni Ryan kung gano siya katagal na nakaluhod pero di rin nagtagal at dahan-dahan siyang tumayo sa kaniyang kinakasalampakan at wala sa sariling pumunta sa drawer kung saan doon niya itinatago ang droga na siyang tangi niyang karamay ngayon. Hindi niya pansin ang mga luha na saganang tumutulo mula sa kaniyang mga mata, napagtanto niya lamang na siya'y umiiyak nang makita niya ang mga patak ng kaniyang luha sa makinis na barnis ng drawer na iyon. Saglit niya itong tinitigan pero nang maglaon ay hindi na niya ito binigyan pa ng pansin at ipinagpatuloy na lang ang pagkuha ng droga.


Hindi niya pa man nailalabas lahat ay nakaramdam si Ryan ng mahigpit na paghawak sa kaniyang kamay na tila ba pinipigilan siya sa kaniyang mga susunod na gagawin. Nagtaas ng tingin si Ryan at halos mapahagulgol na siya sa kaniyang nakita.

Stop, Ryan. Please, stop.”

Sa mga katagang ito ay wala sa sariling binitawan ni Ryan ang karaniwang gamit ng mga addict, walang pakielam kung magsabog man ito sa sahig o kaya ay mabasag basta ang importante ay maibalot niya ang kaniyang mga kamay sa taong kaniya ngayong kaharap.


000ooo000


Nasagad si Melvin. Tinitiis niya si Ryan dahil mahal na mahal niya ito pero may hangganan din ang kaniyang pagtitiis, alam niya rin namang kasalanan niya kung bakit siya nagtitiis ng ganito, kung nagpakatino lang sana siya dati at sinabi dito ang nararamdaman niya ay baka hindi na pumasok pa Dan sa litrato at hindi na sana sila nasa ganitong sitwasyon.


Ayoko na.” saad ni Melvin sa sarili habang naglalakad sa bangketa dahil sa paulit-ulit na umandar sa kaniyang isip ang nangyari noong umagang iyon, nang paulit-ulit niyang nararamdaman ang sakit. Nais na sana niya itong iwaglit sa isip dahil kada ulit, kada paalala ay lalong tumitindi ang sakit.


Sa sobrang sakit ay hindi na napansin ni Melvin ang isang babae na kaniyang kasalubong na abala naman sa kaka-text. Halos tumalsik ang balingkinitang katawan ng babae na nakabangga ni Melvin. Nagsimula na itong sumimangot at nagiisip ng masasakit na salita na sasabihin kay Melvin nang makita niya ang mukha ng huli.


Puno ng luha at natuyong luha ang pisngi ni Melvin, pulang pula ang mga mata at halatang wala sa sarili. Alam niya ang pakiramdam na ganun, yung sa sobrang sama ng loob mo sa isang tao o bagay ay hindi mo na napapansin ang pagtulo ng luha mo. Yung itsura na tila ba nawawalan ka na ng pag-asa. Yung itsura na tila ba naghahanap ng makakadamay dahil pakiramdam mo ay lahat ng ginawa mo ay mali. Yung itsura na naiwan, niloko at sinaktan.


I-I'm s-sorry.” nauutal na saad ni Melvin nang makabawi ito sa gulat sa nangyaring bungguan saka tinulungan ang babae patayo. Nang maitayo na ang kaniyang nabangga ay tatalikod na sana si Melvin upang magpatuloy sa paglalakad palayo nang maramdaman niya ang marahang paghawak sa kaniyang braso.


Agad siyang lumingon at nakita ang nagaalalang mukha ng babae.

What's wrong?” tanong ng babae na hindi mapigilang ikairita ni Melvin.

It's none of your business.” marahang saad ni Melvin na hindi naman ikinairita ng babae, muli ng nagpatuloy sa paglalakad palayo si Melvin.

Don't lose hope. Everything happens for a reason. That person will realize your worth. Don't give up.” sunod sunod na habol sabi ng babae kay Melvin. Saglit na napatigil si Melvin sa paglalakad dahil sa huling sinabi ito ng babae, wala sa sariling tumalikod at naglakad pabalik sa apartment ni Ryan, nilagpasan ang babae na miya mo baliw na basta na lang nagbigay sa kaniya ng advise. Advise na aminin niya man o hindi ay kailangan niya.


By the way, my name is Cha!” sigaw ulit ng babae ngunit hindi na ito napansin pa ni Melvin.

000ooo000

Stop, Ryan. Please, stop.” ang tanging nasabi ni Melvin kay Ryan nang makita niyang inilalabas nanaman nito ang ilang droga sa isang drawer.


Agad na binalot ng takot si Melvin nang biglang gumalaw ng mabilis si Ryan, akala niya ay pagsususuntukin na siya nito dahil sa kaniyang ginawang pagpigil dito sa paggamit ng droga pero ang takot na ito ay agad na nawala nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Ryan.


Isang mahigpit na yakap.


Thank you.”


Ang pagpapasalamat na ito ni Ryan ay hindi siyang nakapagpataba ng puso ni Melvin na karaniwang nararamdaman sa mga nagpapasalamat. Ang kaniya ngayong naramdaman ay awa. Hindi maikakaila na kailangang kailangan siya ngayon ni Ryan at dahil dito ay nangako siya na hindi niya ito iiwan.

000ooo000

May a-attendan lang ako na meeting.” nakangiting paalam ni Mike kay Dan.


Sanay na siya sa ganoong paraan ng pamamaalam ni Mike kaya naman hindi na niya ito masyadong pinansin pa, ibinigay niya dito ang baunan nito na puno ng kaniyang mga niluto at inihatid ito hanggang makalabas ng pinto katulad ng nakasanayan na nila sa loob ng ilang buwan niyang pamamalagi doon, ang tanging naiba lang ay ang mahigpit na pagyakap ni Mike kay Dan nang makalapit na sila pareho sa pinto.


Pamilyar ang yakap na iyon, yakap na nakakagaang ng loob para kay Dan. Iniyakap narin niya ang kaniyang mga kamay kay Mike, ihinilig ang kaniyang ulo sa matipuno nitong balikat, inamoy ang mabangong buhok nito at pabango atsaka nag pakawala ng isang malalim na hininga.


Narinig niyang humagikgik si Mike na tila naman musika sa kaniyang tenga na siya ring nakapagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.


You're going to ruin my shirt. Kaplaplantsa ko lang nito, Dan.” pertina ni Mike sa kaniyang damit.


Muling nagpakawala ng isang malalim na hininga si Dan, hinihiling na sana ay panghabang buhay na lang siyang nakayakap kay Mike, pero nang niluwagan na niya ang kaniyang yakap ay lalo namang sumikip ang kay Mike.


I'm going to make you remember this day.” bulong ni Mike saka mabilis na humiwalay kay Dan, binuksan ang front door, lumabas dito at isinara ito sa kaniyang likod.


Masyadong mabilis ang nangyari para kay Dan kaya naman hindi na niya nagawa pang itanong kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. Hindi nagtagal ay nagkibit balikat na lang siya at bumalik na ng kusina upang linisin ito.


000ooo000

Katatapos lang ni Dan maligo nang marinig niyang may kumakatok sa may pintuan. Dali-dali siyang nagbihis at bumaba at binuksan ang front door. Pagbukas na pagbukas niya nito ay agad na lumatay sa kaniyang mukha ang isang malaking ngiti, tineternuhan ang malaking ngiti ni Dave sa kaniyang unahan.


Hey Dan! What up?!” masayang saad ni Dave sabay niyakap ng mahigpit si Dan na ikinagulat ni Dan, iniisip kung ano ang meron sa araw na iyon at pangalawa na si Dave na biglaan siyang niyakap.


Nothing much! You?” saad ni Dan nang maghiwalay na sila ni Dave sa pagyayakapan na iyon.

Same old, same old.” saad naman ni Dave.

Pasok ka pala muna---” aya ni Dan kay Dave pero mariin itong umiling.

Andito lang ako kasi may pinakisuyo si Mike sakin. Nagkita kami kanina sa office, di raw siya agad makakauwi.” saad ni Dave sabay abot ng isang sulat kay Dan.

Oh---” tila dismayadong saad ni Dan sabay bukas ng sulat ni Mike, hindi tuloy nito napansin ang lalong paglaki ng ngiti ni Dave.

So una na ako ha. May appointment pa ako eh----” paalam ni Dave nang aktong simula ng babasahin ni Dan ang sulat.

Sure ka na---” simulang pagaalok ulit ni Dan kay Dave pero umiling lang ito habang nakangiti at binalot muli siya ng mahigpit na yakap.

Thank you.” halos pabulong na saad ni Dave habang nakayakap parin siya kay Dan.

For what?” nakangiting tanong ni Dan kay Dave nang maghiwalay muli ang kanilang mga katawan.

For forgiving me.” seryosong balik ni Dave. Kitang kita ni Dan ang panandaliang pagkislap ng sakit sa mga mata ni Dave. Marahan na lamang ngumiti si Dan.

Hey that's what friends do, right? They give their friends second chances.” nakangiting balik ni Dan na siyang nagtulak kay Dave na muntik na muli siyang yakapin. Muling bumalik ang magiliw na ngiti sa mukha ni Dave at nagtaas na lang ng kamay upang magpaalam. Tumango si Dan at muli ng isinara ang front door nang makita niyang pumasok na ng sasakyan niya si Dave.


Nang mabasa na ni Dan ang iniwang sulat sa kaniya ni Mike ay hindi niya naigilan ang sarili na mapangiti at mapa-iling.


Uutusan lang pala ako bakit hindi na lang ako itinext o kaya tinawagan at inistorbo pa si Dave.” umiiling na saad ni Dan saka kinuwa ang susi niya ng apartment ni Mike, lumabas at sinara ito saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isang cafe.

0000oo0000

Ms?” tawag ni Dan sa babae na nasa likod ng eskaparate.

Ano po yun?” balik naman nito.

Meron po bang iniwan si Mike dito?” tanong ni Dan, nagulat na lang siya nang biglang tumili ang babae na miya mo isang teenager na kinausap ng kaniyang crush at kinikilig.

Ay Oo, may iniwan siya dito. Ikaw ba si Dan?” tanong na lang ng isang matandang babae habang tinitignan ng masama ang kinikilig na kasamahan.

Opo ako nga po si Dan.” nakangiti na lang na sagot ni Dan habang aliw na aliw sa babaeng kinikilig parin.

Eto oh.” saad ng matandang babae kay Dan habang matamis na nakangiti dito sabay abot ng isang kwadradong kahon. Napamaang si Dan sa kahon na ito dahil mukha itong kahon ng cupcakes o kaya ng cake pero hindi na niya masyadong pinagtuunan iyon ng pansin at nagpasalamat na lang sa dalawang babae.


Aktong lalabas na siya ng cafe na iyon nang makasalubong niya ang isang magandang babae.


Dan!” sigaw nito na halos ikabingi niya.

Hi Cha! Kamusta?” nakangiting balik ni Dan kay Cha na humagikgik lang na miya mo isang biro ang tanong na iyon ni Dan.

OK lang! Ikaw? I'm sure OK ka! Oh, ano yang dala mo? Tamang tama, may ipabibigay ako kay, Mike. Teka dun tayo sa sasakyan medyo mabigat kasi yun eh.” sunod sunod at mabilis na saad ni Cha na ikinatameme at ikinamangha na lang ni Dan. Alam niyang paminsan-minsan ay hindi maawat ang bibig ni Cha kaya naman ikinibit balikat na lang niya ito sabay sunod kay Cha.

Naku, masyado pala 'tong malaki.” saad ni Cha sabay tingin kay Dan at pabalik sa kahon sa likod ng kaniyang kotse.

San ka ba pupunta, hatid na kita?” nakangiting saad ni Cha na halos itinutulak na si Dan papasok sa kaniyang sasakyan.


uhmm sa office ni Mike, pero Cha wag na---” simula ni Dan pero agad din siyang natameme nang muling magsalita si Cha.


I insist!” sabay abot sa pinto ng passenger seat at sinarhan ito para kay Dan at pinaharurot na ang kaniyang sasakyan. Wala na lang nagawa si Dan kundi ang pumirmi sa kinauupuan at masayang makipag-usap kay Cha na aaminin niyang naging malapit na sa kaniya.


000ooo000

Here you go!” saad ni Cha matapos ang kinse minutos nilang paguusap sa loob ng sasakyan habang biyahe. Binuksan na ni Dan ang pinto at humakbang na palabas. Nagulat na lang siya nang biglang i-abot sa kaniya ni Cha ang kahon na kaniyang kinuwa sa cafe at ang kahon na ipapaabot sana kanina ni Cha.


You're not coming?” nanlalaking mata na tanong ni Dan. Hindi makapaniwala na hahayaan siya ni Cha na magbuhat ng lahat ng iyon gayong nakiusap lamang ito sa kaniya.


Nagmamadali ako eh---” simula ni Cha at natigilan lang nang makita niya ang mukha ni Dan na tila ba nagtatanong kung seryoso siya gayong malalaki ang kaniyang bitbit na kahon. “Oh don't be a puss! Magaang lang yan! Thanks, Dan! Xoxo!” sigaw ni Cha sabay hatak sa pinto na nilabasan ni Dan, sa sinabing ito ni Cha ay saka niya lang napagtanto na magaang nga lang ang kahon na ipinapaabot nito sa kaniya.


Pero bakit niya pa ako hinatid? Di pa niya ako pinag-commute na lang kung iiwan niya lang din pala ako?” naiiritang tanong ni Dan sa sarili pero ikinibit balikat na lang niya ito. Iniisip na baliw lang talaga si Cha.


Hindi pa man siya nakakalayo sa paglalakad mula sa high-way at papunta sa harap ng building nila Mike ay nakarinig na siya ng tila ba magboyfriend na nagtatalo.


I can't believe you! Dinala mo ako sa isang mumurahing restaurant para sa anniversary natin tapos bibigyan mo ako ng isang damukal na balloons imbis na isang bouquet ng roses?! Ayoko na sayo, Martin! Break na tayo!” sigaw ng babae. Nagtinginan ang lahat ng tao sa paligid kasama na si Dan, namukhaan niya ang lalaking nakasuot ng uniporme ng pulis.


Ito ang nakakita sa kaniya matapos niyang humingi ng tulong kay Mike noong gabing tumakas siya sa puder ni Ryan, kaklase rin nila ito noon nila Mike kaya't hindi niya napigilan ang malungkot para dito. Nang tumalikod na at naglakad palayo ang babae at iniwan mag-isa si Martin ay wala sa sarili itong nilapitan ni Dan.


Are you OK?” tanong ni Dan, hindi naman nagulat si Martin at nahiya man lang nang makita niya na nasaksihan ni Dan ang nangyaring iyon sa halip ay kalmado niya itong sinagot.


I'm fine. Uhhhmmm--- Dan, can you hold this for a minute? I'll just go after my girlfriend.” sagot ni Martin sabay abot ng pisi ng isang bungkos na mga lobo sa kaniya. Wala na lang nagawa si Dan kundi ang sundin ito at panoorin itong tumakbo papalayo. Umiling na lang si Dan at nagtungo na papunta sa entrada ng bulding ng opisina ni Mik pero agad din siyang hinarang ng guard at pinagbawalan siyang pumasok.

Hindi po kasi talaga pwede yang mga dala niyo sa loob, sir.” pagpapaliwanag ulit ng gwardya kay Dan matapos ang kulitin ito ng isa pang beses. Wala na lang nagawa kundi ang marahang tumango.


Dan?” agad na lumingon si Dan sa gawi ng tumawag sa kaniya.

Thank God! Dave, nakita mo ba si Mike? Inutusan niya kasi ako tapos inutusan din ako ni Cha---”

Dan, lumipad saglit si Mike sa Bicol para sa isang kaso.” singit naman ni Dave na nakapanglumo kay Dan. Hindi ito nakaligtas kay Dave kaya naman agad na niya itong inalo bago pa ito mairita.


Halika, hatid na kita pauwi.” aya ni Dave kay Dan. Aalma pa sana si Dan dahil iniisip niyang babalikan ni Martin ang mga lobo pero nang hindi na niya makita ang nagaaway na magboyfriend sa paligid ay nagkibit balikat na lang siya at naisipang ipamigay na lamang ang mga lobo, akmang i-aabot na lang niya ito sa isang bata na magiliw na nakatingin sa mga ito nang pigilan siya ni Dave.


Uy, sayang naman.” nakangiting saad ni Dave sabay kuwa ng isa at inabot ito sa bata na sumigaw lang sa galak at magalang na nagpasalamat dahil narin sa utos ng ina nito.


Akin na.” agaw ni Dave sa bungkos ng lobo at isiniksik lahat ito sa likuran ng kaniyang malaking sasakyan.


Hindi mapigilan ni Dan ang nararamdamang inis at alam niyang lalala ito kapag ibinuka niya pa ang kaniyang mga bibig kaya naman tumahimik na lang siya at pinakinggan si Dave sa kwento nito tungkol sa kliyente nitong mayaman na nakapatay ng gwardya.

Dito na tayo.” saad ni Dave na ikinagising ni Dan sa malalim na pag-iisip.

Tulungan na kita---” simula ni Dave.

Ay hindi na, Dave. May gagawin ka pa ata.” awat ni Dan dahil sa totoo lang ay gusto na niyang mapag-isa. Tumango na lang si Dave at inabot ang mga dalahin ni Dan. Inis na inis na inabot ni Dan lahat ng iyon, lalo pa nang marinig niyang nagmamadaling pagharurot palayo ng sasakyan ni Dave. Humarap na siya sa gawi ng front door ng apartment at aktong maglalakad na papunta dito nang matigilan siya.


What the---?!”

Itutuloy...


Against All Odds 2[54]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last chapter na po ang susunod dito and then epilogue na. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)



    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    frontier: thank you.

    Cloud: haha! Di ganun kaganda ang stories ko na dapat pang i-publish.

    Racs: thanks! Wag ka ng umiyak sa tuwa. Haha! Sorry sa haba ng pagiintay niyo.

    WaydeeJanYokio: namiss mo si Cha. Aminin mo. Haha!

    Marc: thank you!

    Lyron Batara: last chapter na po ang next dito tapos epilogue na. 25 lang po ako FYI. ;)

    CYRUZS: thanks for coming out from being a silent reader! :-)

    marven cursat: hay sana nga di naman nila kopyahin yung pinaghirapan ko. diba? Haist.

    Therese llama: haha mukhang di ko na maitutuloy ang CP eh. Haha! :-) actually sa carrie ko yun nakuwa therese. Di naman talaga ganun ang ginawa nila sakin nung prom night na yun pero pinahiya parin nila ako. I just wanted to change some facts para hindi naman masyadong obvious na ako at ang lalaking napahiya nung gabing iyon ay iisa. Hehe! ;-)

    Pink 5ive: paki-intay na lang po kung happy nga ba. Haha! ;-)

    Poging Cord: taga Cavite po ako. ;-)

    Kerry Von Chan: yang pic na gamit mo ngayon. :-) only, mine has little effects and is a candid shot. :-)

    gelo_08: sana nga, pero antagal na niyang hindi nag-update eh. Baka natakot na. Hihi.

    Anonymous August 19, 2013 at 3:14 AM: mali po kayo sir. Anonymous po ang babae na kasex ni Mike nung last chapter. Analogy lang po ni Cha yun na kaniyang ginamit to prove a point. Pakilala ka sa susunod sir para mapasalamatan kita. Salamat!

    Randzmesia: Thanks din! :-)

    ELIWAYEN: thanks for the support.

    Christian Jayson Agero: so maawa ka lalo sa kaniya sa huling libro ng AAO? Hahahahaha! SPOILER ALERT!

    Jasper Paulito: Salamat!

    Mark:Thanks!

    Robert Mendoza: haha! Still Rooting for Mike?

    ANDY: Opo babalik pa si Bryan.

    Vince Reyes: thanks!

    Gavi: ikaw din? Gusto mo ng happy ending? :-)

    Frostking: thanks! Sorry natagalan parin ang update ko. :-(

    MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA SA KABILA NG NATATAGALAN KO NG PAG-A-UPDATE. SANA PO AY I-ENDORSE NIYO DIN PO SA INYONG MGA KAIBIGAN ANG SIMPLE KONG BLOG NA ITO AT I-FOLLOW AKO AT LAGI KAYONG MAG-COMMENT. SALAMAT!

    ReplyDelete
  2. worth the wait..


    marc

    ReplyDelete
  3. what the what!!?? surprise party?? next next!!!!

    thank sa update kuya migs!!'

    ReplyDelete
  4. hmmm, cguro may malaking surprise c mark kay dan kaya kung anu anu ang pinapakenya sa mga kaibigan nya. he he he.

    ReplyDelete
  5. ay ang slow lang ni dan hindi nakahalata nako

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]