Against All Odds 2[52]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi mapigilan ni Mike ang mapatawa ng malakas habang asa hapagkainan sila ni Dan at ng kaniyang anak na si Pauline. Nakakaanim na piraso na kasi ng pancake si Dan habang nagkukuwento ng kung ano ano at ang kaniyang anak naman ay manghang mangha at nakanganga pang pinapanood si Dan, walang dudang iniisip kung panong ka-possible na nakakakain ang isang tulad ni Dan ng ganung kadaming pagkain.


What?!” nagtatakang tanong ni Dan kay Mike habang pinapanood itong humalakhak sabay tingin kay Pauline na nakanganga paring nakatingin sa kaniya.

Getting stuck in a hospital elevator is not funny you know!” saad ulit ni Dan na may tumatalsik-talsik pang piraso ng pancake mula sa bibig sa pagaakalang ang kwento niya angtinatawanan ni Mike ang pagtalsik na iyon ng mga piraso ng pagkain sa bibig ni Dan ay lalong ikinanganga ni Pauline at ikinahagikgik ni Mike.


Here Uncle Danny have some of mine too.” alok ni Pauline kay Dan ng mga natira niyang pancake.


Thank you, Princess.” sagot naman ni Dan sabay kuwa ng mga natirang pancake ng bata at isinubo ito na muling ikinanganga at ikinatitig ni Pauline.


Pauline, it's not nice to stare.” marahang saway ni Mike sa anak, kahit pa nakakaaliw ito ay ayaw naman niya itong ugaliin ng anak.


But he just ate his seventh pancake.” bulong ni Pauline na hindi naman nakaligtas kay Dan na napatingin sa kaniyang plato at biglang namula ang pisngi na lalong ikinahagikgik ni Mike.


Still.” biglang seryosong saad ni Mike sa kaniyang anak na tumango na lang at nag-sorry sa kaniyang Uncle Danny.


Can I be excused?” magalang na tanong ni Pauline, halatang may ibang naisip gawin kesa ang panoorin ang kaniyang Uncle Danny sa pagnguya ng maraming pancakes.


Yes.” nakangiting saad ni Mike.


Is that why you're laughing?” tanong ni Dan kay Mike na abala parin sa panood sa kaniyang anak habang naglalaro sa kaniyang telepono.


Huh?” balik tanong naman ni Mike kay Dan saka itinuon dito ang pansin.


I said is that why you're laughing.” tanong ni Dan kay Mike sabay turo sa pancakes na naubos na niya.


Yep. But I'm thinking of something else also na lalong nakapagpahagikgik sakin.” nakakalokong ngiting sagot ni Mike.


Elaborate please.” taas kilay na request ni Dan.


Ikaw na ikaw ang batang iyon. Di ko alam kung panong nangyari pero parang nagmana siya satin pareho---” saad ni Mike na ikinatigil saglit ni Dan pero di naglaon ay napahagikgik nadin.


Seriously. Observe her. Minsan parang ikaw, minsan naman parang ako.” saad ulit ni Mike sabay turo kay Pauline sa may sala na lalong ikinahagikgik ni Dan.


Mike, magkasama tayo simula noong naka diaper pa tayo. May mga habit ako na na-adopt mo na hindi mo napapansin na ginagawa mo na pala tapos ngayong may anak ka na na-a-adopt din ni Pauline mula sayo, kaya akala mo sakin nagmana pero sayo naman talaga.” pagpapaliwanag ni Dan na ikinalingon ulit ni Mike sa pwesto ng kaniyang anak.


Ah basta.” pagpupumilit parin ni Mike.


Hindi mapigilan ni Dan ang mapatitig kay Mike habang ang huli naman ay nakatitig kay Pauline, hindi niya rin napigilan na isipin na kung gano kaswerte si Pauline at naging ama niya ang isang katulad ni Mike at sa hindi rin maipaliwanag at mapigilang pagkakataon ay naiinggit dito si Dan, dahil alam niyang kahit anong mangyari ay hindi iiwanan ni Mike ang bata, isang karapatan na alam niyang hindi niya makukuwa.


Dahil alam niyang sa oras na maging magulo ulit, na pumasok ulit sa eksena si Ryan at mapagsabihan nanaman ito ay alam niyang iiwan din siya nito kahit pa anong pangako nito na hindi siya nito iiwan.


Wala sa sariling napabuntong hininga si Dan dahil sa naisip atsaka ibinalik ang pansin sa ilang piraso pa ng pancake na naka-ahin sa lamesa, bagay na hindi nakaligtas kay Mike agad na inilingon ni Mike ang kaniyang tingin mula sa anak papunta sa ngayon ay tila ba may malalim na iniisip at bumabagabag sa kalooban na si Dan.


Gusto sanang tanungin ni Mike si Dan kung may problema pero biglang lumapit sa kaniya si Pauline at nagpapahatid na sa bahay ng kaniyang ina.


000ooo000


Magkatabing kumakain ng dirty ice cream ang dalawa sa steps ng apartment ni Mike, pinapanood ang mga taong nagdadaan sa kanilang harapan. Hindi nakakaligtas kay Mike ang malungkot na paghabol tingin ni Dan sa mga magsing-irog na dumadaan sa kanilang harapan.


Gusto sanang akbayan ni Mike si Dan tulad ng pagakbay ng lalaki sa kaniyang nobya na naunang dumaan sa harapan ng kaniyang apartment, gusto sana niyang nakawan ng halik tulad ng pangalawang magsing irog na sunod na dumaan sa kanilang harapan at gusto niyang hawakan ng mahigpit ang kamay nito tulad ng pangatlong pares na dumaan mawala lang ang lungkot sa mga mata ni Dan.


Mawala lang ang alaala ni Ryan sa isip nito.


Pero alam niya ding hindi boyfriend ang hanap ni Dan sa kaniya ngayon kundi best friend.


D-do you miss him?” wala sa sariling tanong ni Mike. Gusto na sana niyang i-untog ang sarili sa pader, ilang beses niyang pinaalalahanan ang kaniyang sarili na hindi pa handa si Dan sa usapang iyon pero lahat iyon ay nabalewala ngayon dahil sa hindi niya muna pagiisip ng mabuti bago magsalita.


Saglit na natigilan si Dan sa kaniyang kinakaing ice cream at dahan dahang tumingin ng daretso kay Mike. Nung una ay hindi maisalubong ni Mike ang kaniyang tingin pero di rin siya nakatiis at isinalubong na niya ito sa mga maamong mata ni Dan.


I don't.” tapat na sagot ni Dan.


Then bakit parang inggit na inggit ka sa kanila?” tanong ni Mike sabay nguso sa mga nagdaan na magsing irog pilit itinatago ang kasiyahan sa sinagot ng huli sa pamamagitan ng pagtuloy lang sa pagkain ng ice cream.


Hindi, it's just that---” simula ni Dan pero muli siyang nag-alangan. Alam niyang kapag sinimulan na niya ito ay magtutuloy-tuloy na ang mga tanong ni Mike sa kaniya at mapipilitan na siyang magkwento dito.


It's just---what, Dan?” pangungulit ni Mike.


Hindi napigilan ni Dan ang sarili na mapangiti habang hinahatak siya ng kaniyang alaala mula sa nakaraan. Naaalala niya ang batang si Mike, yung pangungulit nito sa tuwing may pagaalinlangan siya sa kaniyang sasabihin. Ang nakataas nitong mga kilay na nawawala sa likod ng mga bangs, ang concerned nitong mga mata at nakafrown na mga labi.


Napabuntong hininga si Dan. Alam niyang handa na siya at alam niyang hindi na niya pwedeng iwan si Mike na walang alam. Humarap si Dan kay Mike at tintigan ito ng daretso sa mata.


It's just that--- I thought he's the one.” makahulugang sagot ni Dan habang nakatitig parin sa mga mata ni Mike, tila kasi dito siya kumukuwa ng lakas.


He and his twin, Bryan were the ones who knocked me out of my depression after what happened that night. I thought he's the one who's going to protect me, not going to leave me, not going to hurt me---” pagpapaliwanag ni Dan kay Mike, saglit na napapikit si Mike sa nilalahad ni Dan na ito dahil alam niyang siya ang tinutukoy ng mga sinabi nito. “---but I was wrong. I-I thought I could learn to lo---” simula muli ni Dan pero tila ba may sumasabit sa kaniyang lalamunan nung mapadpad na siya sa salitang “love” hanggang ngayon kasi ay nahihirapan parin siyang sabihin ito dahil huling beses niya itong sinabi ay nangyari ang mga bagay na pareho pa nilang pinagsisisihan ni Mike ngayon.


Love. You thought you could learn to love him.” pagpapatuloy ni Mike para kay Dan. Nagbuntong hininga ang huli atsaka nagpatuloy sa pagkukuwento.


Yes. I thought I could, pero hindi, nabase yung relasyon namin sa utang na loob. I chose him not because I don't want to be with you nung pinapili mo ako between the two of you but because I thought I wouldn't be alone with him, I wouldn't get hurt, that he will never leave me, that he's the one for me and not you because I still believe that you'll just hurt me if I choose you---” umiiling na saad ni Dan, nangingilid na ang mga luha nito na tila naman kumukurot sa puso ni Mike. Rinig na rinig niya ang bawat pagsisisi sa bawat salita at singhap na lumalabas sa bibig ni Dan.


Habang nakikinig din si Mike sa mga sinasabi ni Dan ay hindi niya mapigilan ang sarili na isipin na ano kayang nangyari kung hindi siya nagpakaduwag, kung ipinaglaban niya ang alam naman niya ay tama, kung sinunod niya ang kaniyang nararamdaman. Siguro ay wala sila sa ganito ngayon ni Dan, na baka masaya sila ngayong nagsasama, na baka hindi na siya nakukuntento sa pagiging magkaibigan lang ulit nila.


---Everything spiraled down after mom died. It's as if feeling niya anytime ipagpapalit ko siya, iiwan ko siya, he started saying that if it wasn't for him I wouldn't be where I am now and if I don't give him what he want. Minsan tinatawag niya akong walang utang na loob or minsan naman--- mi---” nauutal at hindi matapos tapos na kuwento ni Dan.


He would hurt you.” pagtatapos ni Mike sa gustong sabihin ni Dan.


I swear! I'm not just using him like he always say whenever we're fighting. Sabi niya ginagawa ko siyang panakip butas. Minsan naman sinasabi niya na kapag iniwan ko siya walang magmamahal sakin dahil paulit ulit na akong ginahasa, na pinagpasapasahan na ako, na pandidirian lang ako kaya dapat daw ay huwag ko siyang iwan at pagaralan ko pa siyang mahalin.” halos pasigaw ng pagpapatuloy ni Dan, magkahalong pagdedepensa sa sarili pagmamakaawa ang maririnig sa boses nito na lalong dumurog sa puso ni Mike. Muli, sinisisi niya ang kaniyang sarili. Resulta ito ng pagkaduwag niya.


Habang nakatitig siya sa mukha ni Dan na malaya ng sinasakop ng tumutulong mga luha mula sa mga mata nito ay hindi na nagawa pang mapansin ni Mike ang sariling mga luha na noon ay nangingilid na at dahan dahan ng pumapatak. Hindi napigilan ni Mike ang abutin ang makinis at maputing mukha ni Dan at pahiran kahit papano ang ilan sa mga luha doon.


He's emotionally blackmailing you, Dan.” pabulong na saad ni Mike na tila naman isinigaw sa tenga ni Dan. Marahan niyang iniwas ang kaniyang mukha mula sa malaking kamay ni Mike at tumitig sa malayo sabay umiling.


Hindi siya makapaniwala na hindi niya ito na-realize agad na si Mike pa ang nagsabi nito sa kaniya. Tila trumiple pa ang sakit na kaniyang nararamdaman dahil hindi niya ito maamin sa sarili kahit alam niyang ito nga ang nangyari.


Tila naman nababasa ni Mike ang nasa isip ni Dan. Hindi na niya ito ipinagpilitan sa kaibigan dahil alam niyang mahirap itong tanggapin sa sarili. Pinahiran niya ang kaniyang sariling mga luha at wala sa sariling iniyakap ang matipunong katawan kay Dan.


I'm sorry I pushed you away. Iniwan kita. Nagpakaduwag ako. Di ko nanaman tinupad yung pangako ko.” tuloy tuloy na bulong ni Dan.


Muli, tila hinatak ng oras si Dan pabalik sa kahapon.


Mikee ang hapdi!” pasigaw na saad ni Dan habang si Mike ay nilalagyan ng betadine ang sugat dulot ng pagkakadapa niya habang sila ay naghahabulan.


Kailangan nating malinisan yan, Danny.” sagot naman ng pitong taong gulang na si Mike.


Argggghhhh!” sigaw ulit ni Dan na ikinatakot naman ni Mike.


Naalala niya bigla nung siya naman ang nagkasugat at namimilipit sa sakit habang nililinisan ng kaniyang ina na si Brenda ang kaniyang sugat. Niyakap lang siya nito ng mahigpit at tila ba gumaan na ang kaniyang pakiramdam. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na yakapin ang kaibigan, iniisip na tulad ng yakap ng kaniyang ina ay mapapagaang din ng kaniyang pagyakap na iyon kay Dan ang loob nito.


Tulad noong mga pitong taong gulang palang sila, muli nanamang napagaang ng mahihigpit na yakap na iyon ang kaniyang pakiramdam, na tila ba ang kaniyang mga problema ay kilo-kilometro na ang layo sa kaniya, kung saan hindi na siya nito mahahabol, hindi na siya masasaktan.


Meron akong ipakikilala sayo bukas.”


Nagtaas ng tingin si Dan sa sinabing ito ni Mike, hindi niya alam kung bakit pero tila ba na-excite siya.

000ooo000

Mike, I think someone's at the door.” saad ni Dan habang abala sa paghahanda ng tanghalian nila nilang dalawa.


Yep.” tila tuwang tuwa na saad ni Mike at parang batang gustong salubungin ang kaniyang ina na may dalang pasalubong.


Hindi na ito pinagtuunan pa ni Dan ng pansin at nagpatuloy na lang sa pagluluto, naalis lang ang kaniyang pansin sa niluluto nang makarinig siya ng sigawan sa may front door. Naabutan niya na may isang babae na pinagpapapalo si Mike gamit ang shoulder bag nito. Kung hindi lang mukhang nasasaktan si Mike ay matatawa sana si Dan sa itsura ng dalawa.


Stop it, you crazy bitch!” singhal ni Mike habang abala siya sa pagsangga ng may kabigatan ding bag ni Cha na lumalanding sa kaniyang ulo.


Ilang taon kang hindi magpaparamdam tapos magpaparamdam ka lang ngayong may kailangan ka! Feeling ko tuloy bayaran akong babae kesa isang malapit na kaibigan sayo! Feeling ko tuloy ginagamit mo lang ako para labasan k---” sunod sunod na sumbat ni Cha pero agad din itong natigilan nang makita niya si Dan na nakatayo sa hindi kalayuan, nagtataka at may kurot ng selos sa maamo nitong mukha. Agad agad tuloy ang kagustuhan ni Cha na linawin kay Dan ang lahat ng nasasaksihan nito ngayon.


Erm---Uhmmm---Hi, Dan. I--- You're Dan right?” simula ni Cha na muntik ng makapagpahalakhak kay Mike ng sobra. Ngayon niya lang kasi ito nakitang mag-buckle.


I—I m-mean of course you are. I'm Cha. Ako yung Nurse Psychologist ni Mike before he went missing.” pagpapakilala ni Cha sabay tingin ng masama kay Mike habang sinasabi ang mga huling salita.

Tinignan ng masama ni Dan si Mike na agad namang nabura ang mga ngiti sa mukha.

000ooo000

I'm a doctor, Mike! I think I'll know when something's already wrong inside my head.” pabulong na singhal ni Dan kay Mike na napayuko lang sa sobrang hiya.


I-I j-just thought you needed someone to talk to, someone who actually knows something, someone who can understand you.” balik naman ni Mike na miya mo batang pinapagalitan ng ama.


Excuse me. Narinig ko kasi yung pinaguusapan niyo while I'm on my way to the bathroom.” mariing sabat ni Cha na ikinagulat ng dalawa.


Napansin ni Dan na wala na ang nahihiyang tingin sa mga mata ni Cha na nakita niya noong pumasok ito at pinagbabatukan si Mike, wala narin ang mapaglarong tingin at ngiti nito na bumabalot kanina sa mukha nito. Seryoso na ito, halatang may awtoridad at may puntong nais iparating.


I'm sorry. I know you're a doctor Dan, but even the smartest person can be a victim of domestic violence---” simula ni Cha na puputulin sana ni Dan.


I'm not---” simula ni Dan na tila ba napipikon na. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay nito, nagsisimula ng mangilid ang mga luha nito at nagsisimula na itong mamutla.


And they always deny it at first. You see, Dan, hindi mo napansin na Ryan was already emotionally blackmailing you. Forcing you to stay with him---” sigaw pabalik ni Cha na ikinakaba naman ni Mike. Gusto niyang tumabi kay Dan at aluhin ito, gusto niyang patigilin si Cha sa paninigaw dito pero alam ni Mike na ito ang tanging paraan upang magising sa katotohanan si Dan, upang magising sila sa katotohanan at para mai-tama na ang lahat.


No!” sigaw pabalik ni Dan na lalong ikinangamba ni Mike.


Want me to tell you kung ano talaga ang nangyari?! Kung ano yung hindi mo maamin sa sarili mo?! Kung ano yung hindi mo maipaalam kay Mike?!” pambubuyo pa ni Cha.


No!” singhal ulit ni Dan na hayagan na ngayong umiiyak habang si Mike naman ay hati sa pagiging interesadong interesado sa sasabihin ni Cha at sa kagustuhang aluhin si Dan.


Cha---” simulang saad ni Mike nang nangibabaw ang kagustuhan niyang pakalmahin si Dan.

Stay where you are! You asked for my help, remember?!” singhal ni Cha kay Mike na agad umurong ang buntot dahil ngayon niya lang ulit nakitang ganito si Cha.


At sa pangalawang pagkakataon na ito ay alam niya at sigurado siyang may punto ito, na tama at sapul sa katotohanan lahat ng sasabihin nito. Mariing tumango si Mike, bilang pagbibigay pahintulot kay Cha na ipagpatuloy ang ginagawa na tila ba nagiintay lang ng senyas kay Mike kung itutuloy niya ang panggi-gising kay Dan.


Face it Dan! Inabuso niya ang kahinaan mo! Alam niyang mahilig kang tumanaw ng utang na loob kaya ginagamit niya ito against you! Alam niyang makukunsensya ka sa oras na iwan mo siya dahil sa utang na loob na ito pero kahit na panatag na siya na hindi mo siya iiwan dahil don hindi parin siya nakuntento na nandun ka lang. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal mo, gusto niyang angkinin ka. Bagay na hindi mo magagawa dahil hindi mo naman talaga siya mahal! Kaya ka niya pinipilit, kaya lalo ka ngayong nakunsensya, dahil iniisip mo na hindi mo maibigay ang gusto niya sa kabila ng malaking utang na loob mo sa kaniya kaya naman hinahayaan mo siya na saktan ka, pilit mong tinatanim sa kukote mo na mare-realize din ni Ryan na ito ang klase ng pagmamahal na maibibigay mo sa kaniya at umaasa ka na hindi ka na niya sasaktan sa susunod!” tuloy tuloy na sigaw ni Cha sa ngayong nakayukong si Dan at nakasandal na sa pader at hayagang paring umiiyak.


Ngayon ay kumalma na si Cha at dahan dahang lumapit kay Dan at niyakap ito ng mahigpit.


But don't blame yourself. You were lost and he took advantage of that. It was not your fault he decided to drink, it was not your fault he decided to do drugs---” simula ni Cha at nang naramdaman niya ang paunti-unting pagkalma ni Dan ay tinuloy na niya ang kaniyang sasabihin. “---di mo dapat isipin na kasalanan mo na ginagahasa ka niya dahil nagkulang ka sa kaniya, dahil hindi mo siya magawang mahalin.” pagtatapos ni Cha na unti-unti ng tumatatak sa isip ni Dan.


What do I do?” pabulong na tanong ni Dan na tanging sila lang ni Cha ang nakakarinig dahil sa hiya at hindi parin magawang aminin sa sarili na pinabayaan niya ang kaniyang sarili, na kahit papano ay kasalanan niya rin mismo ito.


Nagsalubong ang tingin ng dalawa.

Start by loving yourself and then---” simula ni Cha sabay sulyap kay Mike.


When was the last time you said you love someone? When was the last time you said 'I love you' to someone?” balik tanong ni Cha kay Dan, saglit ding ibinaling ni Dan ang kaniyang tingin kay Mike nang makuwa niya ang gustong sabihin ni Cha. Puno parin ng pagaalala ang mukha nito. At nang ibinalik na ni Dan ang kaniyang tingin kay Cha ay marahan na itong tumatango, bilang sabi na tama ang iniisip ni Dan, na ang naiisip ni Dan ang sagot sa nauna niyang tanong.



Itutuloy...

Against All Odds 2[52]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last two chapters na lang po. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against those plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    --makki--: Thanks! :-)

    Pink 5ive: I love you toooo! :) thanks!

    Kerry Von Chan: isa ang food and travel blog sa mga pumapatok ngayon. I'm sure papatok din yan sayo soon and then ako naman ang magiging fan mo! I haven't visited your blog yet. Kulang pa sa oras eh. I'll visit it after posting these back to back chapters. And Oo nga pala, I have a picture na tulad ng blogger DP mo. :-)

    jas: sablay pa nga ang english na yan eh. Basahin mo yung ibang blog, malulunod ka sa english nila. :-)

    Lyron Batara: baka nga mas matanda ako sayo. Haha!

    -dilos: Thanks! Xoxo from Cavite, Philippines! ;)

    marc: yep that's Pauline. :-)

    Gerald: thanks! AAO 3 is for Jase. AAO 4 po siya. :-)

    Anonymous August 9, 2013 at 8:48 PM: thanks! Please put your name on your next comment so I can address/thank you properly.:-)

    Randzmesia: thanks! Pa-follow na lang po! :-)

    ReplyDelete

  2. Poging Cord: thanks! :-)

    gavi: Thanks! Sana you make time din paminsan minsan to comment kahit pa masyado ng boring ang aking stories. :-)

    zulu26: hello! Pa follow ha! :-) Thanks!

    Jasper Paul: Malapit na po ang pagbabalik ni Bryan. :-)


    therese llama: thanks! Sana subaybayan niyo din ang breaking boundaries tulad nito. :-)

    Cloud: Thanks! Pero story lamang po ito ha. Don't get too attached. :-)

    rober mendoza: thanks you din! :-)

    Chet Capua: Thanks! Pati sa pagma-market ng blog ko! :-)

    RYAN: pinipilit ko. :-)

    ANDY: baka meron pang kilig moments sa mga susunod na chapters. :-)

    WaydeeJanYokio: uhmmm actually hindi na nagpo-post ngayon yung pinayagan ko eh. Untold Forbidden stories yung pinayagan ko pero si Kwento ni Gwapong Gago, hindi. Kaya please kung sino man ang nakakakilala sa admin nito paki sabihan siya. Salamat!

    Lexin: thanks! :-)

    Boboy Tuliao: I'm not connected with MSOB anymore eh. Uhmmm I think natanggal na ako sa rosters ng mga resident authors nila kasi antagal ko ng hindi nagpopost ng stories dun. Di ko narin kilala ang admin dun ngayon eh.

    Jm_virgin2009: si Ryan? Gusto mo nung binubugbog? Haha! Thanks!

    -Gelo: try to wait for the ending, baka mas malinawan ka pa as to why Dan let Ryan hurt him.

    Jims Gregorio: thanks! Pa-follow na lang po!

    Frostking: sinunod ko lang din po yung requst ng isang reader kasi. :-) gusto niya daw ng mas mahaba na story eh. Don't worry I'll get back to those short stories that you're talking about soon! :-)

    Christian Jayson Agero: malapit na siyang bumalik. :-)

    Kaynes Austria: thanks!

    Racs: thanks!

    Anonymous August 15, 2013 at 12:00 AM: kindly put your name on your next comment para po mapasalamatan ko kayo ng maayos.

    Teresa of the faint smile: thanks!

    Cloud: hayaan mo na sila hijo. :-) thanks!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  3. Hihi salamat sa update nice talaga yung character ni cha prang si dj chacha hihi and yes galing mo talaga sir migs kudos ganun lapit na matapos sana mrmi pa at yung baging book na uumpisahan mo goodluck kaya mo yan amd thank you behind ur busy sched ee nahahanapan mo pa rin ng time na magsulat thank you for sharing your talent hehe and yep yep marami nga yung mga nangaangkin yan din yung issue sa ibang writers like you sana magawan nga ng paraan yang isue na yan sabi ko na si pauline yung batang hayagang magsabi na gusto nia si ano dun sa isang story hahaha natutuwa naman talaga ako more more hahaha salamat ulit Godblessed! :-) :-) :-) :-) :-)

    -marc

    ReplyDelete
  4. YYIIIIIII KILIG MUCH, I LOVE YOU NA TALAGA KUYA MIGS :D

    Keep Up The Good Work

    -RYAN HERE

    ReplyDelete
  5. At pumasok na c nurse Cha sa eksena...I hope maayos n ang pinagdadaanan ni Dan sa tulong nya. Tnx migs sa update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. picture? what picture? hehehe cge pag may time ka read mo then sabihan mo ako comment ha hehehe ^_^

    ReplyDelete
  7. wow! so nice aman, mukhang malaki ang maitutulong ni nurse CHAm, he he he. good and nice chapter MIGS!

    ReplyDelete
  8. ang galing ni Cha!!!

    sana hindi na maduwag si dan at mike. thanks kuya sa update.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]