Against All Odds 2[50]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Dahan-dahang ibinuka ni Dan ang kaniyang mga mata, sinasanay ito sa liwanag ng paligid. Puti ang mga pader, malinis, ibinaba niya ang kaniyang mga tingin at nakita niyang puting-puti din ang tela na siyang kumukumot sa kaniya, puti din ang tela ng kobre kama at pati narin ang kaniyang damit. Matagal na siyang hindi nakakaramdam nito. Walang sakit at walang pinuproblema. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang panaginip.


Isang magandang panaginip.

Pero ang magandang panaginip ay agad na putol at naging isang bangungot nang mapadako ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga braso. Malinis na ito pero puno parin ito ng mga gasgas at galos. Hindi niya napigilan ang sarili na mapaluha.


Gusto niyang punitin mula sa kaniyang buto at kalamnan ang kaniyang balat upang hindi na niya makita ang mga galos na iyon. Upang hindi na niya maalala na nagkamali nanaman siya sa pagbibigay ng kaniyang tiwala, na muli nanaman siyang sinaktan ng taong kaniyang inaasahan, na muli nanaman niyang binigyan ng puwang sa kaniyang puso ang taong inaakala niyang taong magpapahalaga sa kaniya.


Danny.”


Dahan-dahang iginawi ni Dan ang kaniyang tingin mula sa isang sulok ng puting kwarto na iyon, kung saan nanggaling ang malungkot at marahang boses na tumawag ng kaniyang pansin. Hindi niya na mapigil pa ang kaniyang mga luha, hindi na niya mapigil pa ang lungkot, hindi na niya kayang baliwalain pa ang katotohanan na sinasaktan siya ni Ryan. Na nagkamali siya ng taong pinili.


Mikee.”


Ang pamamaraan ng pagtawag na iyon ni Dan sa kaniyang pangalan ang nagtulak kay Mike na lumapit at yakapin si Dan. Sinuklian ni Dan ng mahigpit ding yakap si Mike at sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon ay muli niyang naramdamang ligtas siya at sinegundahan ito ng mga sumunod na salitang lumabas sa bibig ni Mike.


It's going to be OK.”


Everything is going to be OK.”


000ooo000


That is not a word!”


Yes it is!”


No it isn't!”

Yes it is!”


Naningkit ang mga mata ni Dan. Naglalaro silang dalawa ni Mike ng boggle sa loob ng kwarto nito sa ospital at katulad noong mga bata pa sila sa tuwing naglalaro sila nito ay hindi pwedeng hindi sila magtatalo sa isang salita na alam ng isa at hindi naman alam ng isa pa o kaya naman ay hindi sigurado kung meron ngang ganung salita.


Andaya mo talaga, Mikee---” natigilan si Dan sa itinawag niyang muli kay Mike. Agad siyang nagalangan, agad siyang napayuko, agad siyang kinabahan at agad siyang natakot. Natakot na baka katulad noong huling tinawag niya ng ganito si Mike ay muli nanaman siya nitong sigawan at ipagtulakan siya nito palayo at itakwil.


Hindi ito nakaligtas kay Mike. Ayaw na niyang dagdagan pa ang nararamdamang lungkot ng huli kaya naman hindi na niya pinaalala dito ang mga nangyari noon sa pamamagitan ng pagsasabi ng OK lang na muli nilang ibalik ang tawagan na iyon bagkus idinaan niya na lang ito sa paraang para bang walang nangyaring masama sa kanilang pagkakaibigan noon.


You can check the dictionary if you want, Danny.” nakangising saad ni Mike sabay abot ng kaniyang telepono dito upang ipagamit ang application na dictionary.


Nakahinga ng maluwag si Dan. Tahimik na nagpapasalamat na hindi siya sinita ni Mike sa kaniyang muling pagtawag ng “Mikee” dito at ang hindi nito pagpansin sa tawag niyang ito na tila ba hindi ito big deal sa huli.


Pero hindi niya ito ipinahalata kay Mike. Binato niya ito ng isa pang naniningkit na tingin atsaka hinablot ang telepono ni Mike upang berepikahin ang salitang ipinagpipilitan nito. Sinisimulan pa lang niyang i-type ang salita nang magsalita nanaman si Mike.


See! I'm that smart!” mahanging sabi ni Mike sabay ngisi na ikinairap na lang ni Dan.

You got the spelling wrong.” mahanging balik ni Dan sabay ngiti.


What?!” gulat na gulat at namumulang pisngi dahil sa hiya na saad ni Mike sabay tingin ulit sa mga letra at pagkakasunodsunod ng mga ito sa kanilang nilalaro.


You can check it if you want.” nakangisi ulit na saad ni Dan sabay bato ng telepono kay Mike na abala parin sa pagtse-check ng kaniyang spelling. Pinigilan ni Dan ang kaniyang sarili na mapatawa ng malakas. Para kasing bata si Mike. Tahimik pa kasi nitong ini-i-spell ang salita na pinagpipilitan nito na tanging pagbuka lang ng bibig nito ang idikasyon na nagspe-spell ito.


Ilang saglit pa at kumunot na ang noo ni Mike, iniisip kung tama ba ang pagkakatanda niya o mali talaga ito tulad ng sinasabi ni Dan.


Yeah. I'm that smart.” nakangising balik ni Dan sa sinabi ni Mike na ikinalingon nito.


Nakalimutan na ni Dan kung pano mamuhay ng ganito, walang pinuproblema, walang kinatatakutan, yung pwede siyang maging kaniyang sarili.


Yung pwede siyang maging malaya.


You douche!” natatawang saad ni Mike na ikinagising naman ni Dan mula sa kaniyang malalim na iniisip. Nakita ni Dan na nakita na ni Mike, base sa dictionary sa telepono nito na niloloko niya lang ito na tama talaga ang spelling niya.


I'm still smarter.” balik nanaman ni Dan sabay kibit balikat.


Douche!” tumatawa ng balik ni Mike na ikinatawa narin ni Dan.


Matapos ang tawanan ng dalawa ay nagtama ang tingin ng mga ito. Ilang segundo o minuto man ang lumipas habang nagtititigan sila ng ganun ay hindi na alam ng dalawa. Ang tangi nilang alam ay na-miss nila ang isa't isa, na masaya silang magkasama muli.


I'm hungry.” biglang saad ni Mike sabay tayo at hinalungkat ang bag ng groceries sa tabi ng kama ni Dan na pumutol sa kanilang pagtititigan.


Tulad noong asa high school pa silang dalawa iyon ang madalas sabihin ni Mike sa gitna ng kung ano mang ginagawa nila, ang normal na ugali na ito ni Mike ang muling nagtatak ng ngiti sa mukha ni Dan.


You're always hungry.” bulong ni Dan atsaka iniligpit ang boggle na nagkalat sa kaniyang paanan. Hindi naman nakaligtas ang sinabing ito ni Dan kay Mike na hindi napigilan ang sarili na mapangiti.


What do you want, barbeque or cheese?” tanong ni Mike kay Dan na agad tinignan ang tinutukoy ni Mike.


Both.” nakangising sagot ni Dan na ikinangiti ng malaki ni Mike.


Good choice!” sabi ni Mike sabay balik sa paanan ng higaan ni Dan, kinagat ang balat ng dalawang chichirya at inahin sa pagitan nilang dalawa.


Clover.” umiiling na saad ni Dan, tiutukoy ang chichirya sa harap nila.


What?! You love clover!” nangingiting saad ni Mike.


Andami ng bagong chichirya dyan di pa yun yung mga binili mo!” umiiling paring saad ni Dan.


Pareho nating favorite 'to eh. Bakit kailangan kong baguhin? Kahit ba madami ng bago saka mas masasasarap na chichirya ngayon--- gusto ko parin yung dati.” wala sa sariling sagot ni Mike na halos pabulong nang ibinigkas ang huling limang salita. Natahimik si Dan.


Natahimik siya dahil alam naman niyang iyon din ang gusto niya.


Ang bumalik ang lahat sa dati.


Nagsalubong muli ang tingin ng dalawa.


Walang plano si Mike na buksan ang usapan ng pambubugbog ni Ryan kay Dan at ayaw niya itong tanungin kung anong plano nito lalo pa't sariwang-sariwa pa sa huli ang mga nangyari pero alam niyang hindi niya matatakasan ang pagkakataon na iyon. Kailangan nila itong pag-usapan. Alam niyang masasaktan nanaman si Dan pero wala siyang magagawa.


Ang tumatakbo naman sa isip ni Dan ay kung pano siya nagpapasalamat kay Mike at hindi siya nito ngayon binubugbog ng tanong patungkol sa nangyari sa kanila ni Ryan, kung bakit siya puno ng galos at pasa at kung ano ang kaniyang susunod na gagawin kahit pa alam niyang kating-kati na itong malaman ang nangyari lalo pa't tinutulungan siya nito.


Nagpapasalamat siya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya pa kayang harapin ang kaniyang pinuproblema ngayon. Unti-unti man niyang natatanggap na marami siyang nagawang maling desisyon ay hindi naman nangangahulugan non na natanggap narin niya na mali siya ng taong pinagkatiwalaan at hanggang ngayon ay alam niyang may kuneksyon parin siya dito kahit pa ilang araw na niya itong hindi nakikita.


Naduduwag pa siya at katulad ng sinabi ni Mike ay hinihiling niya rin na basta na lang bumalik ang dati o magpatuloy ang magandang samahan nilang dalawa ni Mike, yung wala pang Ryan na namamagitan at mai-isang tabi na ang masasamang nangyari sa kaniya sa puder ni Ryan.


Kaya naman kahit alam niyang imposible ito ay hindi niya parin napigilan ang sarili na magsabi ng...


Gusto ko rin yung dati.” marahang balik ni Dan sabay ngiti kay Mike na hindi narin napigilan ang sarili na mapangiti.


Kahit pa alam nilang dalawa sa sarili na marami pang mangyayari bago sila bumalik sa dati.


000ooo000


Ilang araw ng aligaga si Ryan, hindi pa nagtetext o tumatawag sa kaniya si Dan, nagaalala siya. Alam niyang nasaktan nanaman niya ito at base sa kaniyang nakita nang magising siya matapos ang gabing iyon kung saan lasing na lasing siya at bangag na bangag ay alam niyang grabe ang kaniyang mga nagawang sugat dito.


Bagay na matapos mawala ang epekto ng droga at alak sa kaniyang sistema ay lubos niyang pinagsisisihan.


Napakaraming bagay na ang pinagsisisihan ni Ryan.


Ang pangangaliwa nito noon na nagdulot pa nga ng isang di maiiwasang kaso kung hindi pa i-urong ni Ian ang pagsasampa nito.


Ang pangangaliwa dito sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaroon ng koneksyon kay Melvin at pagkakaroon ng relasyon muli dito.


Relasyon na nagbabase sa galit.


Relasyon na nagbabase sa sakit.


Relsayon na ang tanging pundasyon ay takot.


Takot na sa oras na magising si Dan sa katotohanan ay iwan siya nito at ang tanging matira sa kaniya ay si Melvin na ngayon pa lang natututong magmahal at magpahalaga.


Takot na wala na muli pang magpapahalaga sa kaniya katulad ng pagpapahalaga ni Dan.


Isa rin sa kaniyang mga pinagsisisihan ay ang pamimilit dito na makipagsiping sa kaniya na nauuwi sa pambubugbog na halos ikamatay nito.


Ang pamimilit dito na mahalin siya kahit pa alam niyang may ibang laman ang puso nito.


Muling binalot ng galit ang buong pagkatao ni Ryan matapos nanaman niyang maisip ang mga bagay na matagal ng bumabagabag sa kaniya. Wala sa sarili siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at pumunta sa isang drawer at pinaghahalungkat ang laman niyon, nang hindi niya makita ang kaniyang nais mahanap ay wala sa sarili niyang hinawi ang lahat ng bagay na nakapatong sa mahabang drawer na iyon.


Nakakabingi ang tunog ng mga nabasag na salamin ng mga frame kung saan sila ni Dan ang tampok sa mga picture pati narin ang ilang babasaging bagay na binili nila ni Dan at ng kaniyang kakambal noon.


Wala sa sariling tinitigan ni Ryan ang mga piraso ng nabasag na bagay malapit sa kaniyang paanan. Hindi maiwasang isipin na ganito na ngayon ang kaniyang buhay, basag-basag, tila wala ng pag-asang mabuo muli, tila wala ng magtiya-tiyaga pang buin muli.


Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ryan na walisin at linisin ang mga basag na piraso na iyon ng salamin at mga florera. Tinalikuran niya ito at siya namang tinungo ang telepono. Pinindot niya ang pamilyar na mga numero sa kaniyang telepono at tinawagan ang taong panandaliang nakapagpapawala ng kaniyang takot.


Hello Melvin---”


000ooo000


Hey.” marahang tawag pansin ni Mike kay Dan habang ginigising ito mula sa masamang panaginip.


Dahan-dahang iminulat ni Dan ang kaniyang mga mata agad na kumalma ang kaniyang isip, agad na kumalma ang kaniyang buong katawan at lahat ng takot, sakit at galit ay tuluyan ng kumawala sa kaniyang buong pagkatao matapos niyang makita ang gulo-gulong makapal na buhok ni Mike, ang nagaalala nitong bilugang mga mata, ang makinis nitong mukha at mapupulang labi.


Here's some water.” marahan paring saad ni Mike sabay pakawala ng isang malungkot na ngiti.


Lalong gumaang ang loob ni Dan. Tuluyan ng nakalimutan ang masamang panaginip kung saan muli nanaman siyang pinagbubuhatan ng kamay ni Ryan, muli nanaman siyang ginagahasa at muli nanamang sinasaid ang kaniyang pagakatao't dignidad. Kung noon ay natatakot din siya sa mukhang iyon dahil sa mga masasama ding ala-ala na hatid nito, ngayon tila ito na ang nagtutulak sa kaniya upang kumalma.


Hindi napigilan ni Dan ang kaniyang sarili at niyakap na niya ang gulat na gulat na si Mike.


000ooo000


Lahat ay gagawin ni Mike maging habang buhay lang ang sandaling iyon para sa kaniya. Nakayakap ngayon si Dan ng mahigpit sa kaniya at ginawang unan ang kaniyang balikat. Nararamdaman niyang humihikbi ito kanina matapos niyang suklian din ng isang mahigpit na yakap ang mga yakap nito hanggang sa makatulog ito.


Nang mangawit ay dahan dahan niya itong ihiniga sa kama nito at nang tatayo na siya upang matulog ulit sa higaan na nakalaan para sa mga bantay ng pasyente nang biglang magsalita si Dan.


Mike---”


Mabilis na lumingon si Mike at hindi nagtagal ay napagtanto niyang nagsasalita ng tulog si Dan pero hindi noon napigilan ng huli na marinig sa tonong ginamit ni Dan ang tono ng pangungulila. Agad muling tumabi si Mike kay Dan, walang pakielam kung hindi man sila kayanin dalawa ng higaan basta't hindi niya lang marinig muli ang pangungulila na iyon mula kay Dan.


Hindi pa man lumalapat ang likod ni Mike sa higaan ay agad na siyang binalot ng yakap ni Dan na agad kumalma ang buong katawan. Hindi na nagawa pang pilitin ni Mike ang sarili na umalpas mula sa mahigpit na yakap na iyon ni Dan bagkus ay nagkasya na lamang siya sa pagtitig sa maamo nitong mukha, walang pakielam kung puno man ito ng gasgas.


Si Dan ito.


Si Dan niya.


Hindi nagtagal ay pati siya ay nilamon narin ng antok, hindi kinakalimutan na balutin din si Dan ng mahigpit na yakap.


000ooo000


Good morning.” marahang bati ni Mike kay Dan nang sa wakas ay iminulat ni nito ang kaniyang mga mata. Hindi na muli pang binisita ng masamang panaginip si Dan sa katunayan nga iyon na ata ang isa sa pinakamahimbing na tulog ng huli matapos ang labing limang taon.


Hey.” namumulang pisngi na balik naman ni Dan sabay hikab. Hindi alintana na nakayakap parin siya kay Mike.


What time is it?” tanong ni Dan sabay alis ng kamay niya na nakayakap kay Mike na ikinalungkot ng huli upang yamukusin ang kaniyang mga mata na parang bata.


Almost noon.” sagot agad ni Mike na agad muling ngumiti nang ibalik ni Dan ang kaniyang kamay sa pagkakayakap kay Mike.


I want to sleep more.” parang bata muling balik ni Dan saka lalong iniyakap ang kaniyang sarili kay Mike na ikinahagikgik ng huli. Ang paghagikgik na ito ni Mike ang siyang nagbalik ng ulirat kay Dan. Agad niyang inalis ang kaniyang mga kamay na mahigpit na nakayakap kay Mike.


I'm sorry. I-- I didn't mean to h-hug y-y---” nauutal na saad ni Dan sabay urong palayo kay Mike na ikinalungkot ng huli pero hindi tulad noon na pinayagan niya lang na ilayo ni Dan ang sarili sa kaniya ay marahan na hinila ni Mike ang kamay ng huli at pilit na ipinahiga ulit at idiniin sa kaniyang katawan.


It's OK, Dan. I want to sleep more too.” umaarteng inaantok at sabay hikab pang saad ni Mike. Nararamdaman parin ni Dan ang pagaalinlangan ng huli pero nang maglaon ay iniyakap na muli ni Dan ang kaniyang mga kamay kay Mike at ginawang unan ang matipuno nitong dibdib dahil doon na siya lumanding nag hilahin siya ni Mike pahiga muli.


Really?” medyo nagaalangan paring pagkukumpirma ni Dan na ikinahagikgik ulit ni Mike.


Really.” matipid na sagot ni Mike at lalo pang hinatak si Dan palapit sa kaniya.


Itutuloy...

Against All Odds 2[50]
by: Migs

Comments

  1. Hayyyy. Napapabayaan ko na ang blog ko. :-(

    Sensya na po talaga sa napagkatagal na update. :-(

    Sana po ay hindi po kayo magsawa.

    Malapit na pong matapos ang AAO2 parang limang chapters na lang po ata and then breaking boundaries 2 na po. Sana po ay subaybayan niyo parin ang susunod na kwento. Salamat! :-)

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Marc: parang ngayon lang kita nakita dito sa blog ko. Pa-follow naman po. Salamat! ;-)

    Anonymous July 30, 2013 at 3:05 AM: I'm not trying to justify anything pero meron po talagang mga tao na nabubulag ng mga taong katulad ni Ryan dahil sa bad experiences nila before. If you will continue reading, malalaman niyo po kung bakit nagkaganyan si Dan.

    Lexin: you're welcome! :-)

    russ: Thanks! Feeling ko nga wala ng effect ang mga sinusulat ko sa iba eh. :-(

    Kerry Von Chan: ngayon pa lang kino-congratulate na kita for the success of your blog. Lahat kasi ng mga naging readers ko na nagdecide to give blogging a try eh may mga successful ng mga blogs ngayon. Give me the link to your blog and I'll post it sa AN section ng blog ko. :-)

    Chet Capua: Wow. May nakaka appreciate pa ng mga sinusulat ko and here I am thinking na sa sobrang tuyot na ng imagination ko dahil sa work ay meron pa pala akong mapapahanga. Thanks! Pakisabi narin sa workmate mo na salamat at just leave a comment whenever he feels like doing so.

    Therese llama: haha! Chasing pavements parin pala? Hahahahha!

    ReplyDelete

  2. Jm_virgin2009: eto na po yung next chapters. Malalaman mo ang mangyayari kay Ryan sa AAO4 :-)

    Lyron Batara: hence-- the title. :-) malapit na pong matapos, malalaman niyo na po kung ano pang twist ang ilalagay ko. :-)

    Gerald: sorry. :-(

    racs: Thanks!

    Frostking: malapit na po ang ending di ko pwedeng sabihin kung happy ba or sad eh. ;-)

    Poging Cord: pinipilit ko po talagang mag-post kahit di pa ako natutulog minsan lang talaga hindi na kinakaya ng mga mata ko. Sensya na.

    Foxriver: maipapaliwanag po sa mga next chapters kung bakit niya pinababayaan ang sarili na gawan siya ng masama ni Ryan. ;-)

    Anonymous August 1, 2013 at 3:27 PM: katulad po ng sinabi ko kanina, I'm not defending Dan's actions pero meron pong dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Ipapaliwanag po sa mga susunod na chapters.

    WaydeeJanYokio: Maiintindihan niyo siya sa AAO4 :-)

    icy: Thanks! :-)

    Ryge Stan: very well said. :-)

    JOSHUA: he was raped. Yung pwet niya yung nagdudugo.

    robert_mendoza: sa mga susunod na chapters po malalaman niyo kung bakit siya nagkaganyan.

    Anonymous August 4, 2013 at 5:40 PM: first of all Bryan (Ryan's twin) is straight. ;-) wait till you read Ryan's story, baka mag-iba ang isip mo about hating him. :-) (AAO4)

    ANDY: lalabas si Bryan soon. :-)

    Gelo_08: pinipilit ko po talagang mag-post ng mabilis. Promise. :-(

    Boboy Tuliao: namiss kita Boboy! :-( Anyway, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinatatamaran ko na ang pagsusulat. Walang napupuntang CREDITS sakin. Habang yung blog ko nagkukumahog sa paghahanap ng readers at tagasuporta yung mga nagpopost nito sa FB ang mayaman sa mga ganun. :-(

    Nabasa ko yung mga post. Walang link papunta sa blog ko and worse they neither deny nor confirm na sila ang nagsulat. :-(

    Please, tulungan niyo naman po ako. Please po, di ko po kasi matandaan, may mga binigyan po kasi ako ng permission na i-post to sa mga page nila, given na may link papunta sa blog ko and that I am acknowledged properly. :(

    Johnny Quest: malapit na po. :-I

    lance: pakiabanagan po sa mga susunod na chapters kung bakit niya pinayagan na ganyanin siya ni Ryan. Salamat.

    Christian Jayson Agero: he's Melvin's brother. Siya yung binubully nila Marc before.

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  3. Hi migs tnx sa update. ;))
    ngayon lang ako nagcomment pero nabasa kuna lahat ng kwento mo at promise pinaiyak mo ko aa. Pero ang ganda superb stories.lahat ng series mo iloveit.natutuwa talaga ako sayo.salamat ulit.talaga konti nalang pala patapos na toh for sure grand and ending nito so i cant waite.and looking forward sa next book. And sana magtuloy tuloy na toh for dan and mike and sana maging ok na rin si ryan na matapos na din pinagddaanan nia. ;))

    -marc

    ReplyDelete
  4. hey migs! I just love your honesty siguro masyado lang akong demanding at least ngaun early payment ang sweldo. Haha salamat kahit walang kang sweldo sa pagsusulat tuluy parin. Youre an awesome writer!

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  5. ai walang effect migs? yaan mo sila mga bangag lang sila hahahaha.. kami bangag kami sa story mo...so happy.

    ReplyDelete
  6. Sabihin mo na please.. :(
    Ang sweet ng chapter na ito...
    sana maayos na ni ryan ang buhay niya sa tulong ni melvin.. :)

    ReplyDelete
  7. hopefully, magtuloy tuloy na ang namumuong magandang samahan nila.

    ReplyDelete
  8. Hi Miguel,

    Your stories are great! Wala ka pa ring kupas magpakilig at magpaiyak. Anyhoo, yes dumadami na ang fans mo sa office pa lang namin yan. Hehehe...

    Basta ang galing mo Miguel super! I'm a fan as in fan na fan! I hope I can meet you soon para makapag-"fangirl" moment ako. Yea girl ang ginamit ko. Hehehehe!

    Till the next chapter... We'll patiently wait for it. Thank your for making time to update your blog. Keep it up Miguel. :)

    ReplyDelete
  9. meron bang sakit c ryan???

    wawa nman xia, akin na lang xia po, jejejejeje

    ReplyDelete
  10. I will be looking forward to that:)...Danny and Mikee will survive this. They will.

    ReplyDelete
  11. I will be looking forward to that:)...Danny and Mikee will survive this. They will.

    ReplyDelete
  12. I will be looking forward to that:)...Danny and Mikee will survive this. They will.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]