Against All Odds 2[51]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
nakaligtas kay Mike ang takot sa mukha ni Dan. Kitang-kita niya kung
pano ito namutla, kitang kita niya kung pano nabura ang ngiti sa
mukha nito at kung pano ito yumuko, walang pakielam sa sinasabi ng
kaniyang kapwa duktor. Naramdaman nito marahil ang pagtitig at
pagmamasid sa kaniya ni Mike kaya naman agad nitong sinalubong ang
kaniyang tingin sa huli at pinilit ang sarili na ngumiti upang hindi
nito mapansin ang bumabagabag sa kaniya.
Pero
kilalang kilala na nila ang isa't isa. Kung may bumabagabag sa isa ay
hindi pwedeng hindi ito mapapansin ng isa pa, kaya naman iniwas na
lang ni Dan ang kaniyang tingin mula kay Mike dahil alam niyang
mababasa pang lalo nito ang kaniyang tunay na nararamdaman.
Walang
iba kundi takot.
“I
won't keep you guys. Anytime pwede na kayong magsettle ng bills and
then pwede ka ng umuwi, Doc.” saad ng duktor kay Dan na hindi
napigilan ang sarili na magbigay ng isang malungkot na ngiti.
Tulad
kanina ay hindi ito napansin ng duktor at nagpatuloy lang sa pagpirma
ng discharge orders sa chart ni Dan pero katulad din kanina ay hindi
ito nakaligtas kay Mike kaya naman nang lumabas na ang duktor matapos
ang paulit-ulit na pasasalamat ni Dan at Mike ay agad na itong
tinanong ng huli.
“You
look pale, Danny. My problem ba?” marahang tanong ni Mike kay Dan,
kinukumpirma ang kaniyang hinala.
“I-I'm
O-OK.” nauutal namang sagot ni Dan.
“You
know Danny, you can always stay with me kung---” maingat paring
simula ni Mike na agad namang pinutol ni Dan.
“Mike,
can you get me some bread and a venti Caramel Macchiato sa baba?”
pag-iiba ni Dan sa usapan.
Ipipilit
sana ni Mike na ituloy ang kaniyang nais sabihin pero dahil alam
niyang hindi magandang pinipilit si Dan ay agad niya itong
ipinagpaliban, iniisip na sasabihin naman ito ni Dan sa kaniya kapag
handa na itong magsabi sa kaniya. Saglit na tinignan ni Mike sa mga
mata si Dan at nakita niya ang takot dito kaya naman tumango na lang
siya sa hinihiling nito tumayo at nagpaalam sa huli na bibili lang
siya ng mga pinapabili nito.
“Salamat.”
Ang
tanging salita na narinig ni Mike mula kay Dan bago pa man niya
maisara ang pinto ng kwarto nito. Malungkot ang pagkakasabi nito kaya
naman dahan-dahang humarap muli si Mike dito, nakita ni Mike ang
isang malungkot na ngiti na nakaplaster sa mukha ni Dan at sa hindi
maipaliwanag na dahilan ay bigla niyang ikinabahala. Tanging
pag-tango lang ang kaniyang naisagot bago niya pa man isara ang pinto
ng kwarto.
000ooo000
Malalim
parin ang iniisip ni Mike habang naglalakad pabalik ng ospital, ilang
beses pa nga siyang nasingitan sa mahabang pila ng bilihan ng tinapay
at kape na hinihiling ni Dan dahil sa nababagabag parin siya sa
ikinikilos ni Dan bago niya ito iwan kani-kanina lang.
“Takot
yung nakita ko eh, hindi ako maaaring magkamali.” sabi
ulit ni Mike sa kaniyang sarili. Iniisip niya na dahil iyon sa
ibinigay na go signal ng duktor upang umuwi na siya, alam niyang
natatakot itong umuwi dahil alam niya at sigurado siya na
pagbubuhatan nanaman ni Ryan ito ng kamay.
“Yun
din yung takot na nakikita ko nung college kami, nung iniiwasan niya
ako dahil sa ginawa namin nila Marc sa kaniya.” saad
ulit ni Mike sa kaniya.
“Pero
ano bang gagawin ko? Nararamdaman ko yung takot niya at gustong gusto
kong burahin yun pero bakit parang ayaw naman niyang magpatulong?”
Ilan
lamang ito sa mga bagay na iniisip ni Mike nang makarating siya sa
tapat ng kwarto ni Dan. Bago pumasok ay nagbuntong hininga pa si
Mike, tila ba sa kaniyang pagbuntong hininga na iyon ay lilinaw ang
kaniyang isip.
Pero
imbis na luminaw ang kaniyang isip mula sa dami ng bagay na
bumabagabag dito ay tila lalo pa itong nadagdagan at dumoble at
trumiple pa ang dami nang maabutan niyang wala ng laman ang kwartong
kaniyang pinasok.
Na
wala ng Dan na masugid na nag-iintay sa kaniya doon.
Napako
siya sa kaniyang kinatatayuan.
000ooo000
“I
don't know, doc---” simula ng duktor ni Dan, pinakikiusapan niya
ito na hayaan muna siyang makauwi atsaka na lang ibalik ang bayad
tutal kilala rin naman siya sa ospital na iyon.
Alam
niyang mali pero kailangan na niyang iwasan si Mike, hindi dahil
ginamit niya lang ito upang makapagpagamot kundi dahil ayaw niyang
maramdaman muli ang sakit ng paulit-ulit na iniiwan nito. Para kay
Dan ay sapat na na iniwan siya nito nang pinagbubugbog siya nila Marc
at Dave noon at masama pa ay nakisali sa mga ito sa pangga-gahasa sa
kaniya noon, sapat na na iniwan siya nito matapos nilang muling
magkalapit noong nagsisimula palang sila pareho sa kolehiyo kahit pa
alam naman niyang ito ay dahil kay Ryan, para kasi sa kaniya ay kung
talagang gusto nitong mabalik ang pagkakaibigan nila dati ay hindi
ito makikinig kay Ryan, sapat na na iniwan siya nito nang mamatay ang
kaniyang ina at iwan sa puder ni Ryan.
Sapat
na ang ilang sakit, intensyonal man o hindi kahit pa natatalo ang
sakit na ito ng kaniyang patuloy paring pagmamahal dito.
“Eh
yung kaibigan mo doc? Baka naman kahit kalahati pwede niya munang
bayaran---” pagpupumilit ng duktor na naging residente pa nga ni
Dan, dahil ayaw naman nitong managot sa mga sagutin ni Dan.
Ang
suliranin na ito ng duktor ni Dan ay natuldukan nang biglang sumulpot
si Mike sa likuran ni Dan at nagsalita.
“I
will pay for it--- ALL of it.” marring saad ni Mike na ikinamutla
agad ni Dan. Wala na lang nagawa ang duktor kundi ang tumango at
tumalikod na lang nang maramdaman niyang kailangan ng dalawa ng
kaunting privacy.
“Shit!”
bulong ni Dan sa sarili. Ngayon hindi lang sa hindi niya alam
kung pano siya makakapagbayad pati narin tuloy kung pano niya
maiiwasan si Mike, kung pano niya ito haharapin at kung pano niya
aalisin sa kaniyang sarili ang hiya at kung pano siya magpapaliwanag
dito.
“You
shouldn't have said that. Makakabayad naman ako eh as long as---”
simula ni Dan pero agad siyang natigilan nang makita niya ang galit
na galit at pulang pulang mukha ni Mike, isa pang dahilan kung bakit
hindi niya naipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ay dahil tuloy tuloy
na itong nagsalita.
“As
long as what? As long as makuha mo yung mga credit cards mo or yung
pera mo sa bangko or yung cash mo na pare-parehong dadaan muna sa
walang hiyang si Ryan na iyon?” singhal ni Mike na ikinatingin ng
ilang tao sa billing section ng ospital na iyon.
Ang
ilang mapang-tsismis na tingin ng mga tao sa kanilang paligid ay
hindi naman nakaligtas kay Dan.
“Not
here.” nanlilisik naring mata na saad ni Dan kay Mike.
Kung
kanina ay puno ng galit ang buong katawan ni Mike at si Dan ay
pangamba at takot na din na maabutan siya ni Mike, si Mike naman
ngayon ang napupuno ng pangamba, pangamba na baka ito nanaman ang
maging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawang magkaibigan at hindi
nanaman pagkikibuan at pagkikita habang si Dan naman ay galit dahil
sa ginagawang eksena ni Mike gayong marami-rami din ang nakakakilala
sa kaniya sa ospital na iyon.
Tahimik
na naglakad pabalik sa kwarto ang dalawa. Si Dan ang nauuna, galit na
galit at gustong may buntalin pero kinakabahan narin siya sa
ikatatakbo ng kanilang usapan, alam niyang masasabi niya ang kaniyang
dahilan sa pag-alis ng walang paalam kay Mike habang si Mike naman ay
pilit na nililinaw ang kaniyang isip, ayaw niyang may masabi na muli
nanamang ikakasira nilang dalawa.
““What
the hell were you thinking?!”” sabay na saad ng dalawa
pagkasarang pagkasara ng pinto. Natigilan ang dalawa at saglit na
nagtitigan. Nagbuntong hininga si Dan at siya na ang naunang sumagot.
Alam na niyang oras na ng maayos na pagpapaliwanag.
“Ayaw
na kitang abalahin pa---” simula ni Dan pero agad ng sumingit si
Mike.
“Bullshit!
Kailan pa kita tinuring at tinignan man lang na parang isang abala?!”
singhal pabalik ni Mike na ikinatameme ni Dan. Nagpakawala ng isang
malalim na buntong hininga din si Mike, pilit na pinapakalma ang
sarili.
“WHY?
Why do you plan on leaving without telling me?” mahinahong tanong
ni Mike na puno ng lungkot. Lungkot na hindi na niya tinago pa kay
Dan na ikinayuko naman ng huli, pilit itinatago kay Mike ang kaniyang
tunay na nararamdaman.
“Is
it something I said again? Am I being obnoxious? Do I snore too much.
Why? Danny, Why?” sunod sunod na tanong ni Mike kay Dan na hindi na
muling nagtaas ng tingin.
“Do
you really love him that much? Is that why you kept on ignoring my
feelings for you? Is that why you kept on ignoring the fact that I
will do everything for you?” nangingilid luha ng tanong ni Mike kay
Dan. Sa pagkakataon na ito ay nagtaas na ng tingin si Dan, tila ba
kasi obligado na siya ngayong sabihin ang tunay na dahilan upang
maialis na ang mga maling akalang iyon ng huli.
“I-I
thought that since you're just going to leave again mas mabuti na
yung less drama kaya ako na yung unang umalis---” pabulong na sagot
ni Dan na hindi naman agad naintindihan ni Mike.
Ang
pagkalito na ito ni Mike ay hindi rin nakaligtas kay Dan lalo pa't
kitang-kita ito sa mukha ng huli.
“---
This will all just end up by you leaving and me
miserable.” paglilinaw ni Dan na gumising sa ulirat ni Mike.
“What?!
Kailan nangyari yan? Dan, hindi ako ang lumayo nung nangyari yun nung
birthday mo---”
“But
can you blame me? I was expecting you to protect me. To help me.”
“I
was drugged! If I was thinking right I wouldn't let them rape you! I
shouldn't have raped you!” sigaw pabalik ni Mike. Alam na niya
ngayon ang pinanggagalingan ng walang kapararakang takot ni Dan.
Parehong
nangingilid ang kanilang mga luha.
“I—I'm
sorry.” naiiyak na saad ni Mike.
“Iniwan
mo ako nung akala ko OK na ulit ang lahat, nung nabalik na natin yung
dati dahil lang sinabi sayo ni Ryan na miserable ako kapag andyan
ka.”
“My
conscience was still killing me that time, Dan. Actually, hanggang
ngayon pinaparusahan pa ako ng konsensya ko. masisisi mo ba talaga
ako kung medyo nag-alangan ako. The last thing I want is for you to
be miserable at kung ako ang nagdudulot talaga nun bakit pa ako
tatabi ng tatabi sayo?” malungkot paring pagdedepensa ni Mike sa
kaniyang sarili. Hindi makapaniwala sa kanilang usapan ngayon ni Dan.
“You
should've talked to me first.” balik naman ni Dan na ikinailing na
lang ni Mike.
“My
conscience wouldn't let me lalo pa nung sinabi ni Ryan na makita mo
lang ako sigurado ng magakkaraoon ka ng masamang panaginip.”
dipensa ulit ni Mike.
Muling
nagtitigan ang dalawa. Tila ba sinusukat ang sinseridad sa
pamamagitan ng luha at lungkot na makikita sa kani-kanilang mga
mukha.
“You
were not there when mom was being interred. She treated you like a
second son---”
“You
pushed me away. Remember?” malamig na pagsingit ni Mike na
ikinakunot ng noo ni Dan.
“You
kicked me out of your house---I was trying to defend you. He was
telling me how he raped you, how you were asking for help---”
simula ulit ni Mike na galit na galit na pero agad na siyang pinutol
ni Dan sa pagsasalita upang depensahan ang sarili nang maisip na nito
kung ano ang maaaring ibig sabihin ni Mike.
“You
were exchanging fist with Ryan while my mother was lying dead in our
living room! Of course I'll kick you out of the house! All I was
asking was for some respect and you being sent home doesn't mean that
the fight was your fault, it means that I wanted you to be the bigger
man because I know Ryan wouldn't make me hear the end of it. I want
you to get out of our house for one hour not for the rest of my
life!” balik naman ni Dan na hinihingal pa pagkatapos.
“I-I
thought---” nagaalala at nalulungkot nanamang simula ni Mike.
“Well
you thought wrong! I needed you, Mike! That's why I'm scared right
now. I don't know kung iiwan mo nanaman ba ako--- dun ako
nagaalangan. Ayaw ko ng masaktan ulit ng katulad noong iniiwan mo
ako, Mike! Kaya mas pinili ko na tumakas na lang sayo, at least hindi
ikaw yung nangiwan. Ako--- na hindi---” pero hindi na natapos ni
Dan ang kaniyang sasabihin dahil mahigpit na siyang niyakap ni Mike.
“I'm
sorry.”
Ayaw
mang tanggapin ni Dan ang paghingi ng tawad na iyon ni Mike dahil sa
inis at galit na nararamdaman niya ngayon kay Mike pero natalo iyon
ng purong sinseridad na kaniyang narinig at ang sarap sa pakiramdam
ng mahigpit na yakap na iyon mula kay Mike kaya naman wala sa sarili
niyang isinandal ang kaniyang ulo sa matipunong balikat ng huli at
iniyakap ang kaniyang dalawang kamay sa katawan nito.
Hindi
alam ni Dan kung bakit pero tila ba ayaw na niyang umalis sa pagitan
ng mga kamay na iyon ni Mike. Habang si Mike naman ay ramdam na
ramdam ang pangangailangan ni Dan.
“Ngayon
ko na tutuparin yung promise ko, Tita.” bulong
ni Mike sa sarili.
“I
will never let you go, again.” bulong ni Mike na nagdulot kay Dan
na iyakap pa ng mahigpit ang sarili sa kaibigan.
“Thank
you.” bulong naman pabalik ni Dan.
Hindi
nagtagal at niluwagan na ni Mike ang kaniyang pagkakayakap kay Dan at
ganun din ang huli, ayaw man ipakita ni Dan ang kaniyang mga luha kay
Mike ay hindi ito nagtagumpay, kitang kita ni Mike kung pano pahiran
agad ni Dan ang kaniyang mga luha bago mabilis na tumalikod sa
kaniya.
“Coffee?
How about the waffle?” nangingiting tanong ni Mike kay Dan na hindi
narin napigilan ang mapahagikgik nang humarap ito at tinignan ang
baso ng kape at ang tinapay na kaniyang ginawang dahilan kanina upang
tumakas.
Halos
lagpas kalahati na ang nababawas na kape, malamang dahil sa natapon
na ang iba nito dahil sa pagmamadali nila sa paglalakad upang
makabalik agad sa kwarto kanina o kaya naman ay nung naguusap sila.
“Bili
ka ulit?” panunubok ni Dan na ikinataas ng kilay ni Mike.
“Ayaw
ko. Baka layasan mo nanaman ako.”
At
sa mga huling nasabi na ito ay muling binalot ng tawanan ang buong
kwarto. Nang humupa ang tawanan ay saglit na tumigil ang dalawa
habang nagtititigan.
“You're
not going to leave without telling, right?” tila ba isang batang
insecure na tanong ni Mike kay Dan.
“No.”
At
sa paninigurong ito ni Dan ay isang magandang ngiti ang lumapat sa
mukha ni Mike.
000ooo000
Dahan-dahang
iminulat ni Dan ang kaniyang mga mata, pilit na inaalala kung asan
siya. Kulay asul ang pintura ng dingding at kumportable ang higaan na
kaniyang hinihigaan. Alam niya at pamilyar ang lugar na iyon at hindi
nga nagtagal ay naalala niya na kung asan siya. Nasa bahay siya ni
Mike, sa isang kwarto sa bahay nito.
Gagalaw
sana siya at babangon nang maramdaman niyang may nakayakap sa kaniya
mula sa kaniyang likod at sa kaniya namang harapan ay may isa pang
natutulog. Hindi nagtagal ay nakilala niya kung sino ang nakayakap na
iyon sa kaniya at kung sino ang batang babae na nakahiga naman sa
kaniyang harapan.
“Hi
uncle Danny.” saad ni Pauline nang magising siya pero agad din
itong pumikit matapos batiin si Dan.
“Hi,
princess.” bulong ni Dan na nagtatak ng saglit na ngiti kay Pauline
at nagtatak ng permanenteng ngiti sa mukha ni Dan.
“I'm
sleepy.” bulong ulit ng bata saka nagpatuloy lang sa pagtulog.
Naramdaman at narinig ni Dan ang paghagikgik ni Mike sa kaniyang
likuran.
“May
pinagmanahan.” bulong ni Dan na muling ikinahagikgik ni Mike sa
kaniyang likuran.
“Di
kaya ako narcoleptic tulad ng batang yan.” giit ni Mike na
ikinahagikgik ni Dan.
“Sabi
ng batang nakatulog habang kumakain ng bayabas.” natatawang
pagpapaalala ni Dan kay Mike na hindi napigilan ang humagalpak sa
tawa nang maalala ang nangyaring iyon noong mga bata pa sila.
“Tapos
nginuya parin nung magising ulit.” pagtutuloy ni Mike sa kwentong
iyon.
Binalot
ng tahimik na tawanan ang buong kwarto.
“SHHHH!”
saway ng batang si Pauline sa dalawa na napahagikgik na lang.
Matapos
ang ilang saglit ay hindi na napigilan ni Dan ang sarili at humarap
na siya kay Mike. Ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga
mukha sa isa't isa. Madaming bagay ang napagusapan sa simpleng
pagtititigan na iyon.
“Thanks
for not leaving.” bulong ni Mike saka muling ipinikit ang kaniyang
mga mata sabay yakap ng mahigpit sa katawan ni Dan.
“Thanks
for not letting me go.” balik naman ni Dan.
Itutuloy...
Against
All Odds 2[51]
by:
Migs
Hayyyy. Napapabayaan ko na ang blog ko. :-(
ReplyDeleteSensya na po talaga sa napagkatagal na update. :-(
Sana po ay hindi po kayo magsawa.
Malapit na pong matapos ang AAO2 parang limang chapters na lang po ata and then breaking boundaries 2 na po. Sana po ay subaybayan niyo parin ang susunod na kwento. Salamat! :-)
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
BACK TO BACK chapters po ito! :-)
Marc: parang ngayon lang kita nakita dito sa blog ko. Pa-follow naman po. Salamat! ;-)
Anonymous July 30, 2013 at 3:05 AM: I'm not trying to justify anything pero meron po talagang mga tao na nabubulag ng mga taong katulad ni Ryan dahil sa bad experiences nila before. If you will continue reading, malalaman niyo po kung bakit nagkaganyan si Dan.
Lexin: you're welcome! :-)
russ: Thanks! Feeling ko nga wala ng effect ang mga sinusulat ko sa iba eh. :-(
Kerry Von Chan: ngayon pa lang kino-congratulate na kita for the success of your blog. Lahat kasi ng mga naging readers ko na nagdecide to give blogging a try eh may mga successful ng mga blogs ngayon. Give me the link to your blog and I'll post it sa AN section ng blog ko. :-)
Chet Capua: Wow. May nakaka appreciate pa ng mga sinusulat ko and here I am thinking na sa sobrang tuyot na ng imagination ko dahil sa work ay meron pa pala akong mapapahanga. Thanks! Pakisabi narin sa workmate mo na salamat at just leave a comment whenever he feels like doing so.
Therese llama: haha! Chasing pavements parin pala? Hahahahha!
Jm_virgin2009: eto na po yung next chapters. Malalaman mo ang mangyayari kay Ryan sa AAO4 :-)
ReplyDeleteLyron Batara: hence-- the title. :-) malapit na pong matapos, malalaman niyo na po kung ano pang twist ang ilalagay ko. :-)
Gerald: sorry. :-(
racs: Thanks!
Frostking: malapit na po ang ending di ko pwedeng sabihin kung happy ba or sad eh. ;-)
Poging Cord: pinipilit ko po talagang mag-post kahit di pa ako natutulog minsan lang talaga hindi na kinakaya ng mga mata ko. Sensya na.
Foxriver: maipapaliwanag po sa mga next chapters kung bakit niya pinababayaan ang sarili na gawan siya ng masama ni Ryan. ;-)
Anonymous August 1, 2013 at 3:27 PM: katulad po ng sinabi ko kanina, I'm not defending Dan's actions pero meron pong dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Ipapaliwanag po sa mga susunod na chapters.
WaydeeJanYokio: Maiintindihan niyo siya sa AAO4 :-)
icy: Thanks! :-)
Ryge Stan: very well said. :-)
JOSHUA: he was raped. Yung pwet niya yung nagdudugo.
robert_mendoza: sa mga susunod na chapters po malalaman niyo kung bakit siya nagkaganyan.
Anonymous August 4, 2013 at 5:40 PM: first of all Bryan (Ryan's twin) is straight. ;-) wait till you read Ryan's story, baka mag-iba ang isip mo about hating him. :-) (AAO4)
ANDY: lalabas si Bryan soon. :-)
Gelo_08: pinipilit ko po talagang mag-post ng mabilis. Promise. :-(
Boboy Tuliao: namiss kita Boboy! :-( Anyway, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kinatatamaran ko na ang pagsusulat. Walang napupuntang CREDITS sakin. Habang yung blog ko nagkukumahog sa paghahanap ng readers at tagasuporta yung mga nagpopost nito sa FB ang mayaman sa mga ganun. :-(
Nabasa ko yung mga post. Walang link papunta sa blog ko and worse they neither deny nor confirm na sila ang nagsulat. :-(
Please, tulungan niyo naman po ako. Please po, di ko po kasi matandaan, may mga binigyan po kasi ako ng permission na i-post to sa mga page nila, given na may link papunta sa blog ko and that I am acknowledged properly. :(
Johnny Quest: malapit na po. :-I
lance: pakiabanagan po sa mga susunod na chapters kung bakit niya pinayagan na ganyanin siya ni Ryan. Salamat.
Christian Jayson Agero: he's Melvin's brother. Siya yung binubully nila Marc before.
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
ang sarap sa pakiramdam nung natapos kong basahin ang chapter na ito.. parang nakisabay ako sa pagkawala ng mga "negative" baggage ni danny.. against all odds nga naman!
ReplyDeleteSwweeeeeeeeeeeeeeeeeeet.
ReplyDeleteI love you Migs with all my heart. Kinilig ako ng sobra! :)
kerrysjourneytotheworld.blogspot.com
ReplyDeleteit's supposed to be a food blog and traveller's blog but I add sports and dogs para hindi mabakante ang blog ko since I don't go out much lately na hhehehe
I can't write stories like you do hehehe I'm a very big fan of yours
thank you so much....^_^
OK lang na matagal... kasi back to back naman at gusto ko na ang nangyayari... sana ipadampot na yang Ryan na yan. pati pala pera ni Dan ay siya ang humahawak? walang hiya siya...
ReplyDeleteGaling mo Migz... galing ng english mo... di ko kayang magsalita ng ganoong kahaba na puro english. hehehe....
Sa wakas nagkalinawan na ang dalawa, isa na lang ang haharapin nila, ang pagtatapat kay Ryan. Hindi magiging madali maaaring magkasakitan ng sobra-sobra... pero against all odds, love will prevail...
ReplyDeleteWag mo na ako i-po baka nga mas matanda ka pa sa akin! hehehehe
Ahhh! I still love how you write your stories! You're still one of my favorite author-slash-blogger! Hug from Toronto, Canada! <3
ReplyDelete-dilos
Ayiih!! Hahaha kilig naman ako dito sana puro ganito nalang at maging light na yung last chapters kasi kawawa na din naman yung mga characters ganun din naman sa reality dba we may ne hirt bit in due time everuthing will be ok and time will heal.at the perfect time im happy for dan.si pauline ba yung anak na naging gf nubg isa din sa mga kwento??thank you migs love it san ka pla puede i follow??hehehe ganda talaga everyday nagtitingin ako kung meron na.hahahaha
ReplyDelete-marc
nice.. d best... magaang na sa pakiramdam...
ReplyDeletemarc
Hayyyy uli... after 50,000 chapters of drama, heartbreaks, insecurities etc... etc... at last gumaan pakiramdam ko... sana ganito rin ung lasts chapter/s... At sana magawan mo rin nang magandang story si Ryan... Against All Odds 3??? Di pa ito ang Finale pero ang sarap naring ulit-ulitin. Ang galing mo talaga!!!
ReplyDeleteGOD BLESS and MORE POWER!!!
Whoa!!!You're exceptional writer!!! If you were a contemporary writer it would always and surely be a best seller of its kind. Its just that your writings were of different genre.
ReplyDelete:))))))))))))
Sana tuloy-tuloy na ang pagsasama nila dan at mike. Happy ending na cla. Tnx migs sa update
ReplyDeleteRandzmesia
nice! Best chapter.
ReplyDelete- Poging Cord
Hi Migz,
ReplyDeleteThis chapter is great. :)
Super bumigat na yung story but still full of sense.
Though i am not posting comments, i still read all your posts.....not to mention that i am always updated. :p
- gavi :)
hi migs:)....
ReplyDeleteSana magtuloy tuloy na ang pagiging ok nina Danny at Mikee... si Brian nasaan na nga pala? di ba niya nalalaman ang mga pinaggagawa ng kapatid niya? I'm lagot sa kanya si Ryan. Magiging masaya na sana si Dan. Tama na ang paghihirap na please... di pa siya nagiging masaya mula ng marape siya nina Melvin.
ReplyDeleteoo naman migs talagang inaabangan ko yung chasing pavements. hindi ko rin nga alam kung bakit pero sobrang attached at hook na hook ako.
ReplyDeletegrabe ito yung mga pinaka gusto kung moments yung labing labing moments nina danny at mikee. well wala na akong pakialam ky ryan he can roll over in a hole and have a lonely miserable death which he totally deserve. magkakaroon ba ng scene dito sina liam at pauline?? sana sina migs (yung galing sa laib ha. di ikaw. haha) may cameo din miss ko na sila kahit kakalabas lang nila sa tttdamo.
anyways sobrang excited na ako sa book 2 ng breaking boundaries something to do about a bet. ingat ka palagi migs :)
-therese llama
AAO1 palangg po angg nababasa ko..
ReplyDeleteat sa dami ng story niyo po dito parang naduduwag na akong basahin yung iba pa :( natatakot ako matangay at masaktan at umasa para sa mga characters pero gusto kong magigng masaya sila .. gusto ko makatakas kahit paano sa realidad.. naku kuya Migss .. iba ka talaga
haist, so kakilig aman. magaan na din sa pakiramdam. tnx migs!
ReplyDeleteHi Miguel,
ReplyDeleteYour stories are great! Wala ka pa ring kupas magpakilig at magpaiyak. Anyhoo, yes dumadami na ang fans mo sa office pa lang namin yan. Hehehe...
Basta ang galing mo Miguel super! I'm a fan as in fan na fan! I hope I can meet you soon para makapag-"fangirl" moment ako. Yea girl ang ginamit ko. Hehehehe!
Till the next chapter... We'll patiently wait for it. Thank your for making time to update your blog. Keep it up Miguel. :)
KUYA MIGS I LOVE IT MAS MABILIS NA NGAYON UPDATES MO :D
ReplyDeleteSSUPER NAKAKAKILIG tong Chapter na to. HAHA
-RYAN
ikaw ba si ryaaan ??!!
Deletewinawalanghiya mo si Dan ?? loko ka aa !!!!
hahaha.. joke po :D
nkakakilig na yung dalawa haha nice one kuya migs! thanks sa back2back! muah!
ReplyDeleteAng sweet lang ng chapter na'to. Ayie!! Kala ko magkikiss na sila habang mgkayakap.
ReplyDeleteanung group sa fb kuya ang binigyan mo ng permision? Post mo dito ung link nila. Ganun talaga may mga tao talagang ng aangkin ng stories ng iba. Bulabugin ko lang. Haha
~WaydeeJanYokio
Now dan has a savior afterall.
ReplyDeletePanindigan sana ng dalawa yan..
Sarap basahin ng chapter na to..
Hey there miguelito.. sige na nga hndi na ako magiging silent reader mo.. ayaw ko kasi nung flow nung kwento ng nakaraang chapters.. ayaw ko namang naging nega kaya sinarili ko na lang.. masyado kasing madilim yung set up nung past chapters ... parang bumabalot sakin ang pagkanega ni dan.. but this one is better. At least for now. Baka naman sa next chapter mo eh nega ulit sya ha. Hahaha.
ReplyDeleteAbout dun sa nangopya ng gawa mo. Why dont you try to ask the admin of MSOB kng paano nila gnawa na hndi pwedeng icopy ang entries nila. Kasi I tried to get a copy of their entries para sana iprint and have my personal copy of it pero hindi ko magawa..
More power miguelito..
Namiss kta..
matatapos na po ba etong story na eto?
ReplyDeletesana hindi pa, gus2 ko pa na mapunta skin c ryan, bagay kami.. hahahahahah
tnx author..:)
hay! yun na ba yung reason kung bakit hindi maiwan-iwan ni Dan si Ryan? ang tumakas dahil sa takot na iwan muli ni Mike? na mas mabuti pang siya na lang ang mang-iwan (kaya nabububog eh!) may mas malalim pa ba dun sir migs?
ReplyDeletewait! nabasa ko sa comments mo na sa AAO 4 yung pa yung kwento ni Ryan? hmm..aabot ba sa 2015 yun? hahaha..may breaking boundaries 2 at AAO 3 pa at baka may iba pang darating..and basing on the frequency ng pag update mo ng blog na ito...oopps!! ayoko palang maging demanding, nakikibasa lang ako..
hmm..akala ko itong chapter 51 na yung ending hindi pa pala. kinakabahan ako sa magiging katapusan..ihahanda ko na ba ang puso ko para dito? wala bang warning signal?
anyway, i'm looking forward na to your new stories. take note STORIES!!! sana light naman at puro kiligness..makabawi ka man lang sa hirap ng aming kalooban sa mabilis na pag-update mo (konti lang!) at sa super heavy na pinagdaanan ni Dan sa kwentong ito..pangrelieve lang ng stress sa buhay at lovelife.;P
ingat palagi sir!
- Gelo_08
Sana sila na talaga ni mike.... ang ganda ng story ang sweetttt....
ReplyDeleteIto na yung pinaka paborito kong chapter sa series na to... lol.. :)
ReplyDeleteMigs, di naman sa naghihimasok or nag dedemand. I just think na its about time para pumasok tayo sa ending phase ng story. Suggestion lng naman kasi parang nawawala na ang miguel's "SHORT" bisexual stories at napapalitan na ng isang napakagandang "nobela"... :)
ahh hehe, kilala ko na ulit xa..
ReplyDeletefinally, parang ok na ulit cla dan at mike.. :p mei tanong lng ako idol, namimis ko na c bryan.. asan nb xa..???
I really Love you migz!! :D
ReplyDeletethanks kuya migs!! :D
ReplyDeleteNiceeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletesana magtuloy tuloy na, :) love ko talaga ang dam and mike tandem ;)
ReplyDeletenatatakot ako para sa twist :(
ReplyDeleteparang pinaglalaruan din ni kuya migs ang damdamin kooo.. haha XD
love you kuya Migs !!
ako bahala mag huntinggg sa mga fb pages na nag cocopy ng stories mo.. gawan natin sila ng cyberwar :D