Against All Odds 2[53]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Saglit pang naguluhan si Dan sa sinabing ito ni Cha. Nangunot pa ang kaniyang noo at hindi ito nakaligtas kay Cha na agad ipinaliwanag ang kaniyang nais iparating. Sinulyapan niya saglit si Mike na binabalot parin ng pag-aalala ang buong mukha at nang masiguro na hindi nito naririnig ang pinaguusapan nilang dalawa ni Dan ay saka niya ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag dito.

You've been denying yourself of that one true love na ikinamulatan mo kasi sinaktan ka niya noon. Understandable. Pero Dan you should've also realized that while doing so lalo mong ginagawa yung sarili mo na vulnerable. You kept thinking na the next guy you would love is different from him--- too different na na-overlook mo tuloy na may potensyal itong manakit sayo ng sobra pa sa oras na maramdaman niya na wala naman talaga sa kaniya ang feelings mo --” simula ni Cha.


So you're saying nga that all of this is all my fault.” giit ni Dan na medyo na offend sa pangangaral ni Cha.


No. None of this is your fault nor Ryan or Mike's fault. Umiwas lang kayo pare-pareho sa sakit na hindi niyo napagtatantong mas masakit pa pala ang mangyayari sa oras na binalewala at pinalipas niyo lang ang tunay niyong nararamdaman, na mas matindi pa ang sakit sa oras na tinakbuhan niyo ang katotohanan at makuntento na lang sa set up na alam niyong hindi naman pwede.”


So you're saying na kapag sinabi ko kay Mike na mahal ko siya everything will magically turn OK?” sarkastikong tanong ni Dan kay Cha na napailing lang.


No. But admitting that to yourself is a nice start.” makahulugang saad ni Cha kay Dan saka tumalikod dito at tinapik si Mike sa balikat bilang sabi na magiging OK na ang lahat.


Tila naman binunutan ng tinik sa dibdib si Mike nang makita niya ang naninigurong tingin mula sa mga mata ni Cha. Sinulyapan ni Mike si Dan, tila ba naninigurong OK na nga ang lahat pero nakita niya lang itong nakayuko at tinititigan ang sariling mga paa.


Asan ang pagkain?” malakas na tanong ni Cha sa bungad ng kusina na siyang gumising sa dalawa mula sa malalim na iniisip.


000ooo000


Mike?” tawag pansin ni Dan kay Mike na abala sa pagbabasa ng dyaryo isang umaga.


Hmmm?” balik naman ni Mike nang hindi iniaalis ang kaniyang pansin sa dyaryo.


G-gusto ko sanang magtrabaho ulit.”


Tuluyan ng nakuwa ni Dan ang pansin ni Mike, tila ba hindi na ito interesado sa binabasang artikulo, tinupi muli ang dyaryo at inilapag ito sa hapagkainan. Tinitigang maigi ni Mike si Dan, sinusubukang basahin sa mga mata nito kung ano marahil ang iniisip nito at dahilan sa likod ng kagustuhang ito.


I-I mean ayaw kong maging pabigat---”


Stop.” pasinghal na saad ni Mike na ikinatameme ni Dan. “---Kailan ko sinabing pabigat ka sakin?” malungkot na pagtutuloy ni Mike na lalong ikinatameme ni Dan at tanging pag-iling lang ang sagot.


Yun naman pala eh---” simula ni Mike pero agad ding nagsalita si Dan upang ipilit ang kaniyang gustong mangyari.


It's just that nagbabayad ka ng kuryente, ng tubig tapos nagpapaaral ka pa ng anak---”


Kaya naman ng seldo ko, Dan---” pilit ni Mike pero agad ding natigilan sa pagsasalita nang mapagtantong may ibang dahilan kaya ito sinasabi ni Dan sa kaniya, iniisip niya na baka hindi lang ito masabi ng daretso ng huli. “--- why are we really having this conversation?” marahang tanong ni Mike upang hindi isipin ni Dan na pinagsasabihan niya ito. Hindi nanaman nakasagot ang huli.


Naboboryo ka na ba dito? Do you want to go out paminsan-minsan? OK lang sakin, Dan. Hindi naman kita ikinukulong dito eh.” sunod sunod na saad ni Mike, iniisip na baka ito marahil ang dahilan ng huli.


Umiling si Dan at isinalubong na ang tingin kay Mike. Ang pag-iling na ito ay bilang sabi na mali ang iniisip ni Mike pero tama ito nang maisip nito na may iba pang dahilan kung bakit niya gusto muling magtrabaho.


G-gusto kong mabawi yung dating ako. I-I want to have a life again.”


Sa loob ng ilang linggo nilang pagsasama sa bahay na iyon ay hindi niya napapansin ang malaki na ding ipinagbabago ni Dan. Muli ng bumabalik ang masigla nitong katawan, naghilom na ang mga sugat at gasgas at muli mo nang makikitaan ng buhay ang mga mata nito. Buhay na maski noong mga bata pa sila ay gustong gusto ng tinititigan ni Mike. Hindi nagtagal ay natiyak na niyang sinsero si Dan sa gusto nito at alam niya sa kaniyang sarili na kailangan nga ito ni Dan kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang pumayag.


OK.” marahang sagot ni Mike saka ngumiti.


Hindi napigilan ni Dan ang tumayo at isara ang natitirang espasyo sa pagitan nila ni Mike at niyakap ito ng mahigpit na ikinagulat ng husto ni Mike.


Thanks.” masayang saad ni Dan sabay tayo at naglakad patungo sa kusina.


Hindi napigilan ni Mike ang mapangiti habang pinapanood si Dan na naglalakad papunta sa kusina. Habang si Dan naman ay itinatago ang lungkot sa kaniyang mukha.


But I have to close a chapter of my life first.”


000ooo000


What are you doing?!” singhal ni Martin sa kaniyang kapatid na si Melvin matapos niya itong hilahin sa isang eskinita makalampas ang apartment ni Ryan at kinuwelyuhan.


What?!” singhal pabalik ni Melvin sa kaniyang nakababatang kapatid.


Are you doing drugs again?!” balik tanong nanaman ni Martin.


No---!” naeeskandalong simulang sagot ni Melvin.


Naeskandalo dahil kahit pa anong gawin ng kung sino man ay hinding-hindi na siya muli pang susubok ng droga. Alam na niya ngayon ang pakiramdam ng pagiging malinis at malaya sa droga kaya naman hindi na siya gagamit pa, kahit pa pilitin siya ni Ryan. Kaya naman ang pagbintangan siya ng kaniyang mismong kapatid na alam lahat ng kaniyang pinagdaanan para lang magin malinis mula sa droga ay talaga namang ikinaeskandalo niya, ikinasakit ng kaniyang damdamin at muling ikinababa ng kaniyang moral.


Then why the hell are you hanging out with Ryan?!” pagpuputol ni Martin sa mga sasabihin pa sana ni Melvin at sa malalim nitong pagiisip.


Natigilan saglit si Melvin pero nang makabawi ay agad niyang hinawi ang kaniyang kwelyo mula sa mga kamay ng kapatid niyang pulis.


He needs someone--- he's so lonely right now that's why he's doing drugs, he is depressed! Dan left him--- He needs me now--- I-I love him.”


Don't you dare make excuses para sa pagdra-drugs ni Ryan! You of all people should know that---” simula ni Martin. “--- Melvin, please listen to me just this once! I know you're in love with him, but he is dangerous! Dan didn't leave him--- HE almost killed Dan. Kung hindi pa tumawag si Dan kay Mike at pilitin ito ni Mike na pumunta ng ospital baka namatay na si Dan doon sa park pa lang kung san sila dapat magkikita---” pagmamakaawa ni Martin sa kaniyang kapatid.


W-what?” hindi makapaniwalang tanong ni Melvin sa kapatid na malungkot lang na tumango. Kitang kita ni Martin ang lungkot at sakit sa mga mata ng nakatatandang kapatid dahil sa kaniyang ibinalita na ito. Nagpapatunay na mahal nga talaga ng kaniyang kapatid si Ryan.


Stay away from him, Melvin, please.” nagaalalang habol ni Martin atsaka tumalikod at naglakad palayo at iniwan ang hindi makapaniwalang kapatid.


000ooo000


Masakit ang ulo na bumangon si Ryan mula sa kaniyang kama. Saglit niya pang sinapo ang kaniyang ulo, umaasa na sa ginawa niyang iyon ay mawawala ang sakit na dala ng pag-inom niya ng alak at droga. Iginala niya ang kaniyang tingin at nakita niyang maliwanag na sa labas ng kaniyang bintana. Hindi niya napigilan ang mapa-iling.


Isa nanamang walang kwentang umaga.” usal ni Ryan katulad ng mga naunang umaga na kaniyang kinagisingan magmula nang nasira ng nasira ang kaniyang buhay.


Dugtong dugtong na maling desisyon.


Dugtong dugtong na maling pagiisip.


Dugtong dugtong na maling aksyon.


Muli siyang nagpakawala ng isang malim na hininga.


Muli niyang iginala ang kaniyang tingin. Katulad ng masasamang gising niya tuwing umaga ay muli nanaman niyang napagtanto na may kulang sa gising niyang iyon. Na may kulang sa kaniyang buhay.

Dan.” bulong niya nang muli niyang mapagtanto kung ano nanaman ang bumabagabag sakaniya ay saka muli niyang sinapo ang kaniyang mukha, tinakpan ng kaniyang sariling malalaking kamay at nagpakawala muli ng isang malalim na buntong hininga.


Iginala niya muli ang kaniyang tingin, umaasa na maaalis niyon ang mukha ni Dan sa kaniyang isip pero nagkakamali siya. Bawat sulok ng kwartong iyon ay nakapagpapaalala sa kaniya kay Dan. Ang wall paper na si Dan mismo ang nagkabit.


Sana man lang tinutulungan mo ako, diba?!”


Ang naalala ni Ryan na sinabi sa kaniya ni Dan nang natatawa niya lang itong panoorin na nagkukumahog ito sa pagdidikit ng wallpaper na iyon. Muli, iniwas niya ang kaniyang tingin, umaasa na ang susunod na dadapuan nang kaniyang tingin ay isang bahay na walang kaugnayan kay Dan, ngunit nagkamali siya.


Ryan, kailangan natin ng bedside table lamp. Minsan nagbabasa parin naman ako habang natutulog ka na ah---”


Ah ganun?! So tumatakas ka ng basa sa makakapal mong libro kahit na sinabihan kitang matulog na ng maaga?” taas kilay na tanong ni Ryan sa nangingiting si Dan, hindi makapaniwalang nadulas siya sa pagamin kay Ryan patungkol sa katigasan ng kaniyang ulo.


Muling nagpakawala ng isang buntong hininga si Ryan at iginawi sa iba ang kaniyang tingin pero katulad ng naunang dalawang bagay sa loob ng kaniyang kwartong iyon ay halos lahat ay nakapagpapaalala sa kaniya kay Dan kaya naman nagkasya nalang siya sa muling pagsapo ng kaniyang mga palad sa kaniyang mukha.


Dan.” sambit ulit ni Ryan sa kaniyang sarili kahit na alam niyang kahit ano pang gawin niyang pagtawag dito ay hindi na siya nito babalikan pa, na hindi na ito babalik pa at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili.


Hindi namalayan ni Ryan na ilang luha na pala ang kumawala mula sa kaniyang mga mata at hindi niya pa ito mamamalayan kundi ito dumampi sa kaniyang mga palad na nakatakip parin sa kaniyang mukha.


Ilang saglit pang hinayaan ni Ryan ang kaniyang sarili na kainin ng kunsensya, paninisi sa sarili, lungkot at at sakit.


Nang maisip na wala rin namang mangyayari at hindi rin naman babalik sa kaniya si Dan maski magmukmok siya dun maghapon ay walang gana siyang tumayo at nagpunta sa banyo upang maglinis ng sarili.


Nang mapatapat siya sa isang malaking salamin ay hindi niya napigilan ang sarili na titigan ang kaniyang repleksyon. Ngayong hindi kinakain ng epekto ng droga ang kaniyang isip ay ngayon niya lang napagtanto ang laki ng kaniyang pinagbago. May malalaking itim na eyebags sa ilalim ng kaniyang mga mata, mukha ding malaki na ang ibinawas ng kaniyang timbang, kulay na siya sa kulay at mapagkakamalang may sakit dahil sa pamumutla.


Gusto niyang maawa sa kaniyang sarili at ibunton ang sisi sa ibang tao pero katulad ng napagtanto kanina ay alam niyang walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Mabilis niyang iniwas ang kaniyang mga mata sa repleksyon niyang iyon at tumuloy na lang sa palikuran upang maalis na sa kaniyang katawan ang amoy ng alak at droga na kumapit sa kaniyang katawan.


000ooo000


Matapos linisin ang sarili pati narin ang ilang kalat sa kaniyang kwarto ay tahimik na bumaba si Ryan upang maghanda ng makakain, tinignan niya ang loob ng refrigerator ngunit wala itong laman, sunod niyang tinignan ay ang mga cabinet na nakalinya sa dingding ng kusina at tanging mga delata lang ang kaniyang nakita doon.


Muli siyang nagbuntong hininga sapagkat muli nanaman niyang naalala si Dan, inisip na ilang taon siya nitong ipinaglutluto, ipinaglilinis at pinakikisamahan pero nakuwa niya parin itong saktan dahil lang hindi niya makuwa ang bagay na alam naman niyang hindi talaga para sa kaniya.


Marahas niyang kinuwa ang delata ay binuksan, inilagay sa plato at kumuwa na lang siya ng kubyertos, mauupo na sana siya at doon nagbabalak kumain sa may hapagkainan nang makita niya na puno ng mga bagay na ginagamit sa paggamit ng droga ang bumabalot sa buong hapagkainan kaya naman umiiling na lang siyang nagtungo sa sala.


Pero hindi pa man siya nakakalapit sa mga sofa ay agad na siyang natigilan sa kaniyang nakita.


We have to talk.” mariing saad ng dahilan kung bakit napatigil si Ryan sa kaniyang paglalakad patungo sa sariling sala.


000ooo000


Hindi pa man niya naititigil ang kaniyang sasakyan ay nakikita na ni Mike ang isang lalaki na tahimik na nakatayo sa kalagitnaan ng malawak ng damuhan, nakayuko ito na tila ba tinititigan ang sariling mga paa. Hindi niya mapigilang malungkot sa nakita. Nang makalapit na siya sa kinaatayuan nito ay marahan niyang ipinarada ang sariling sasakyan sa sasakyan ng lalaking nakapukaw ng kaniyang pansin. Tahimik na bumaba mula dito at tahimik ding naglakad papunta sa kinatatayuan ng lalaki.


Hey.”


Hey.”


It's been two years, huh?” tanong ni Mike sa lalaki habang binabasa ang nakalagay sa lapida.


Mark John M. Ricafrente
Born: January 20, 1980
Died: February 11, 2011


Yup, and I still can't stop blaming myself for what happened to him.” umiiling na saad ni Dave habang si Mike naman ay hindi napigilang abutin ang balikat ng kaibigan.


It's not your fault, Dave he chose to keep on doing drugs---”


He chose the easy way out.” pagtatapos ni Dave sa mga sinasabi ni Mike.


Kahit naman ganyan siya isa parin siya sa itinuturing kong mabuting kaibigan eh. He's just misunderstood, that's all.” umiiling at napabuntong hininga ng saad ni Dave.


Yes. He's a good friend. He just made some wrong decisions.”


Agad na napaharap si Dave sa gawi ng pinanggalingan ng boses na iyon. Doon, nakita niya si Dan na may hawak hawak na isang bungkos ng sariwang bulaklak. Hindi mapigilan ni Dave ang magulat.


Dan?”


Hi Dave, kamusta?” tanong ni Dan sabay lapit sa puntod ni Mark at inilapag malapit sa lapida nito ang mga bulaklak. Ito na ang pagakakataon ni Dave na igawi ang tingin kay Mike at batuhan ito ng nagtatakang tingin.


Alam kasi ni Dave ang nangyari sa pagitan ng dalawa dalawang taon na ang nakakalipas at sa pagkakaalam ni Dave ay magkasama na ngayong namumuhay sila Ryan at Dan at wala ng pag-asa pang magka-ayos ang dalawa matapos ipagtulakan ni Dan si Mike noon at kampihan ang addict na si Ryan kaya naman isa ang magkasamang pagdating ni Mike at Dan para kay Dave.


I think we should remember Mark nung mga panahong masasaya tayong nagkwekwentuhan sa may school.” nakangiti nang saad ni Dan matapos makatayo ng diretso na ikinangiti nila Mike at Dave. Saglit na bumalik si Mike sa kaniyang sasakyan at kinuwa ang ilang pagkain na hinanda ni Dan.


I think you're right.” nakangiting saad ni Dave saka inihayag ang kaniyang mga kamay bilang bigay anyaya kay Dan na bigyan siya ng isang yakap na malugod namang ibinigay ni Dan na miya mo isa silang matalik na magkaibigan na matagal ng hindi nagkita, isang matalik na magkaibigan na walang grabeng pagsubok na sinuong.


0000oo0000


So what do you have in mind for thursday next week?” tahimik at halos pabulong na tanong ni Dave kay Mike na abala lang sa panonood kay Dan na tinitignan ang pond, di kalayuan sa libingan ni Mark.


Huh?” wala sa sariling tuon ni Mike ng kaniyang pansin kay Dave na hindi napigilang mapailing at umirap di makapaniwala na nagmamaang-maangan pa si Mike gayong alam naman niyang natatandaan nito ang kaniyang sinasabi.


I don't think he's ready Dave....” mariing pagpapaintindi ni Mike kay Dave.


I'm no psychologist, Mike pero I think na it would be better if you make him forget by giving him new memories that he would remember forever.” makahulugang saad ni Dave na nagtulak kay Mike na mag-isip ng malalim.


And besides, I think it's time for you to tell him what you really feel. Madami ka ng sinayang na pagkakataon, Mike.” pagpupumilit ni Dave na ikinailing lang ni Mike.


He's not yet ready---” simulang saad ni Mike sabay tingin kay Dave.


Don't give me that crap again! He's ready. I can see it in his eyes, Mike.” saad pa ni Dave. Hindi na alam pa ni Mike ang kaniyang sasabihin at napatingin na lang siya kay Dan na magiliw namang kumaway sa kaniya nang makita niyang tinitignan siya ni Mike.


Itutuloy...


Against All Odds 2[53]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last two chapters na lang po. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against those plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    --makki--: Thanks! :-)

    Pink 5ive: I love you toooo! :) thanks!

    Kerry Von Chan: isa ang food and travel blog sa mga pumapatok ngayon. I'm sure papatok din yan sayo soon and then ako naman ang magiging fan mo! I haven't visited your blog yet. Kulang pa sa oras eh. I'll visit it after posting these back to back chapters. And Oo nga pala, I have a picture na tulad ng blogger DP mo. :-)

    jas: sablay pa nga ang english na yan eh. Basahin mo yung ibang blog, malulunod ka sa english nila. :-)

    Lyron Batara: baka nga mas matanda ako sayo. Haha!

    -dilos: Thanks! Xoxo from Cavite, Philippines! ;)

    marc: yep that's Pauline. :-)

    Gerald: thanks! AAO 3 is for Jase. AAO 4 po siya. :-)

    Anonymous August 9, 2013 at 8:48 PM: thanks! Please put your name on your next comment so I can address/thank you properly.:-)

    Randzmesia: thanks! Pa-follow na lang po! :-)

    ReplyDelete
  2. Poging Cord: thanks! :-)

    gavi: Thanks! Sana you make time din paminsan minsan to comment kahit pa masyado ng boring ang aking stories. :-)

    zulu26: hello! Pa follow ha! :-) Thanks!

    Jasper Paul: Malapit na po ang pagbabalik ni Bryan. :-)


    therese llama: thanks! Sana subaybayan niyo din ang breaking boundaries tulad nito. :-)

    Cloud: Thanks! Pero story lamang po ito ha. Don't get too attached. :-)

    rober mendoza: thanks you din! :-)

    Chet Capua: Thanks! Pati sa pagma-market ng blog ko! :-)

    RYAN: pinipilit ko. :-)

    ANDY: baka meron pang kilig moments sa mga susunod na chapters. :-)

    WaydeeJanYokio: uhmmm actually hindi na nagpo-post ngayon yung pinayagan ko eh. Untold Forbidden stories yung pinayagan ko pero si Kwento ni Gwapong Gago, hindi. Kaya please kung sino man ang nakakakilala sa admin nito paki sabihan siya. Salamat!

    Lexin: thanks! :-)

    Boboy Tuliao: I'm not connected with MSOB anymore eh. Uhmmm I think natanggal na ako sa rosters ng mga resident authors nila kasi antagal ko ng hindi nagpopost ng stories dun. Di ko narin kilala ang admin dun ngayon eh.

    Jm_virgin2009: si Ryan? Gusto mo nung binubugbog? Haha! Thanks!

    -Gelo: try to wait for the ending, baka mas malinawan ka pa as to why Dan let Ryan hurt him.

    Jims Gregorio: thanks! Pa-follow na lang po!

    Frostking: sinunod ko lang din po yung requst ng isang reader kasi. :-) gusto niya daw ng mas mahaba na story eh. Don't worry I'll get back to those short stories that you're talking about soon! :-)

    Christian Jayson Agero: malapit na siyang bumalik. :-)

    Kaynes Austria: thanks!

    Racs: thanks!

    Anonymous August 15, 2013 at 12:00 AM: kindly put your name on your next comment para po mapasalamatan ko kayo ng maayos.

    Teresa of the faint smile: thanks!

    Cloud: hayaan mo na sila hijo. :-) thanks!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  3. salamat po dito kuya migs.
    -frontier

    ReplyDelete
  4. astig talagga .. grabe..
    try mo mag print ng books ng stories mo kuya !! tapos post mo price im sure madami bibili :D

    ReplyDelete
  5. thanks kuya migs!

    nako pag nakita ko na may update naiiyak ako sa tuwa pramis HAHAHA! :D

    ReplyDelete
  6. This chapter is all about Realization/Forgiveness/Love and Moving on. Ganda ng story nato. Dami kong tawa kay cha sa "labasan--" haha


    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  7. Ayun tama sila pag may bagong chapter kumikislap mga mata na di makapaghintay na basahin na.hahaha at ano nga ba talaga ang pinagusapan nila sana maging ok na si ryan at maisip na tapos na lahat at sana wag sia aukuan ni martin sa panahon na kailangan sia nito and for dan his making his move and clearing his way to be better at tama nga si cha and in reality minsan kailangan may magmatigas na iparealize yung bagay bgay na alam na ntin mali but we chose to do it kaya dpat may sumasasampal muna bago natin marealize yun ee and yes ayun na nga last two chapters sana mbigyan lahat sila ng chance haha and for dave mike and mark dan ngayon tapos na ang bangungot at oras na oara buksan yung mga puso nila sa mga masasaya at bagong kabanata sa buhay nila as friends and for dave supporting mark and dan nice hehe love it superb!! Again thank you migs and Godblessed you always! :-) :-) :-) :-)

    -marc

    ReplyDelete
  8. Sana sana sana!!!

    Hayy sana maamin na nila sa isa't isa na mahal na mahal nila ang bawat isa...

    Mukhang malapit na ang conclusion...

    ps.. yeah i'm just 24..

    ReplyDelete
  9. nice
    ...
    lagi q t0ng cnusubaybyan.
    i've been a silent reader since then..
    ngaun ay ngc0mment aq para iparating kay MIGS ang taoz pus0 qng paghanga sa mga akda nya
    ..
    kip it up.
    labyah :D

    - CYRUZS

    ReplyDelete
  10. Hi kuya Migs...

    ngayun lang uli ako nagkatrip mag comment... hehehe but Im still reading this... naging silent na nga lang... alam nio po marami talagang mga ganyan... basta basta nalang nangunguha nang hindi sa kanilang kwento,,, I do support you... alam ku po na pinaghirapan at pinagpuyatan talaga ang kwentong ito at dapat na sayo muna ang credits nun,,.. well good luck sana naaalala nio pa po ako :)

    ReplyDelete
  11. grabe sana mag aminan na si danny tsaka si mikee. sa totoo lang si charity sandoval na talaga ang isa sa pinakakamahal ko na character na ginawa mo migs. mukhang magiging masaya ang ending nito. i just hope that ryan won't snap at the end and if he will i hope martin kill him. wala lang i just hate ryan migs. hahaha

    oo naman migs susuportahan ko ang new book ng breaking boundaries. actually lahat nang gawa mo gustong gusto ko. parang di nakakasawa basahin (alam mo naman siguro ang favorite ko basahin which is CP)

    btw nga pala migs i was watching a movie last tym wen i saw a trailer of a movie "CARRIE" may part dun tungkol sa js prom and the humiliation and everything closely resembles yours. i know it brings a lot of bad and ugly memories. with regards to my understanding to the trailer ha. it would be awesome if you have supernatural powers like her then you could give essa a beating or two pati na rin yung mga schoolmates mo na pinagtritripan ka palagi.

    sensya ka na kung sa tingin mo ang insensitive ko ha. i just imagine it will be cool to see you beat up those bastards that hurted you and just let their blood splatter on the ground. lol

    -therese llama

    ReplyDelete
  12. Happy ending please! :)

    ReplyDelete
  13. hey migs!

    sumasaya na ang chapters mu at sumasaya narin kami. Salamat. Nga pala taga-saan ka pala migs? Bago lang ako dito e.

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  14. hey migs!

    sumasaya na ang chapters mu at sumasaya narin kami. Salamat. Nga pala taga-saan ka pala migs? Bago lang ako dito e.

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  15. What picture? ayan nanaman si Idol Cha hahahaha

    ReplyDelete
  16. sana bukas na kasunod.. lolz.. congratz uli..



    marc

    ReplyDelete
  17. sana happy ending!!! can't wait.

    i wanted to add your fb dummy account..kaya lang..i dont have a dummy account. i just hope lamunin na nang kalupaan yung mga nagpopost at umaangkin ng mga likha mo sir migs! just keep up the good work!

    ingat lagi:)-gelo_08

    ReplyDelete
  18. So si Cha yung tinutukoy sa isang previous chapter na ka-sex ni Mike? Haha

    ReplyDelete
  19. Go mike tell Dan about ur feelings...para happy ending na. Tnx again migs waitibg for d last 2 chapters.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  20. It's been three month before I read this story again.. I can't even remember where I stopped. The flow of the story is still good but I pity Dan so much.. He do not deserved what Ryan did to him.. I also thought that Ryan is different but my thought is wrong and I think it is because Bryan is out of the story.. I think if Bryan is still there he can warn Ryan that his acts are all wrong.. I hope that Dan will have a happy ending.. I felt how rude and cruel his life in the story.. I can't relate to him since I wasn't able to experience yet (parang gusto ko namang maranasan) what he experienced under Ryan.. And to Mikee, do not try to let Dan go away again.. I will cut your balls dude(jowk lng.. hope walang maoffend sa word ko)..

    Thanks for this inspiring story Migz.. I hope too that we can talk again in e-mail..


    Love lots.

    Your princess fan,
    ELIWAYEN ^_^

    ReplyDelete
  21. baka ndi na straight c bryan pagbalik nia ah.. hahaha

    anyway, ndi tlga ako magalit ke ryan, super naawa ako sa kanya..

    ReplyDelete
  22. matatapos na? malungkot na masaya... malungkot kasi mamimiss ko si Mike... tapos si Bryan lalabas na rin at mawawala rin lang ulit... pero sana sa susunod mong kwento Migs siya ang bida... hehehe... MASAYA kasi liligaya na rin sina Mike at Dan... yan talaga ang dapat na mangyari sa kanilang dalawa... tagal man na naging duwag sila (hehehe) pero sila pa rin in the end. Sana bugbugin muna ni Bryan si Ryan (violent ko 'no?) kasi di siya nakinig sa kanya... pinagbawalan na siya noon.... basta MASAYA ako kasi happy ang ending nito... Ngayon pa lang, salamat Migs, talagang you're a great writer kaya ka kinukopyahan... gustong maagaw ang talino mo... di ba may batas na sa atin jan sa Pinas laban sa mga ganito? magastos nga lang siguro at laking abala sa yo... pero dapat silang maparusahan din...

    ReplyDelete
  23. "We have to talk?" --- si Bryan na ba yon? hala, lagot si Ryan. Sige Bry, ikaw na lang ang magtanggol kay Dan. Tell him that he only pushed Dan away. He has to regret it and repent and ask Dan's forgiveness. Magmove on na siya. Hayaan na niyang lumigaya si Danny sa piling ni Mikee.

    ReplyDelete
  24. I'm really looking forward sa lahat ng ginagawa mo... actually nabasa ko na lahat ng gawa... and I really admire all of it... ngayon lang ako naka comment kasi ngayon ko lang nabuksan yung blog ko... sana me update ka agad... hehe... - marco

    ReplyDelete
  25. go! go! mike, tama c dave. its now or never. ang pagsisi ay laging asa huli. kaw din, huh!

    ReplyDelete
  26. ayie! mike mike mike mike!!! go mike wag ka na maduwag okay?? hindi na kayo bumabata.

    kinakabahan parin ako kay ryan.

    babalik pa ba si bryan?

    ReplyDelete
  27. its about time Mike that you tell Dan what you really feel....please.

    ReplyDelete
  28. its about time Mike that you tell Dan what you really feel....please.

    ReplyDelete
  29. its about time Mike that you tell Dan what you really feel....please.

    ReplyDelete
  30. Who says that your stories are boring?? Of course not. :) to write these stories?? You gotta have a brilliant mind...and nasa puso :)

    Nahihirapan lang ako sa net connection ko at home, mejo mabagal ee...and pag nasa work naman ako masyadong busy...tulad ngayon, ilang araw na nung nabasa ko to pero now lang ako nakapagcomment. :/

    Looking forward for a happy ending for Dan...especially for Ryan. :)

    Thanks sir, i understand the meaning of the word busy...and i admire you kung pano mo imanage yung time mo. Super. :) hope you won't stop at what you do.....your artwork. :)


    - gavi :)

    ReplyDelete
  31. Just follow your heart. Wag mo nlng e mind yung sinabi ko... lol...
    Sometimes suggestions can divert the original concept. Nawawala tuloy sa focus ang mga author.. sorry po... :(

    About naman sa update,
    I really hope na maayos na ni ryan ang buhay niya. Na sana matangap na niya na hindi kayang suklian ni dan ang feelings niya. Sana tumigil na siya sa pag gamit ng drugs. Naaawa ako at the same time naiinis sa kanya... minsan kasi parang biktima lang din siya, minsan naman sobrang kontrabida ang dating.
    Kay dan naman, sana maayos na niya yung mga dilemma niya. Tama yung sinabi ni cha, nasa stage of denial pa si dan and the only way para ma heal siya ay kelangan niya munang e admit sa sarili niya na may problema siya.



    Excited na ako sa susunod mong update.. :)
    Sana hindi matagalan..

    ReplyDelete
  32. sana happy ending >_< hirap mka move-on pag sad eh T_T

    ReplyDelete
  33. Author Migs!

    TADAAA!! It's been awhile, workaholic mode ako, haha almost a month din..but no worries your one of the loyal readers are back XD haha

    So yung two years nila together ni Ryan ay naging worse pa.. tsk..bakit ganun..Tapas naging hobby na ni Ryan ang Drugs and Raping of Dan..

    Dave is dead,Martin is back too, Lilly is dead, and Cha hoho also back to the scene..si Bryan nalng kulang a..

    Akala ko nung hospitalized pa si Dan nung kaya mejo worried si Dan kasi may may aids or somthing sa kanya..but oh well buti wrog ako..

    Justice for Dan author, wala na si Mark how bout kay Ryan?..Hero gone bad na siya..

    Hoped walang killing moments dito..

    -aR

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]